AIRLEYA

By solace_loey

221K 6.3K 144

When the real Airleya drowned, she gave her body to the woman from another world. To give her body to the wo... More

PROLOGUE
I
II
III
IV
V
VI
VII
VIII
IX
X
XI
XII
XIII
XIV
XV
XVI
XVII
XVIII
XIX
XX
XXI
XXII
XXIII
XXIV
XXV
XXVI
XXVII
XXVIII
XXX
XXIX
XXXI
XXXII
XXXIII
XXXIV
XXXV
XXXVI
XXXVII
XXXVIII
XXXIX
XLI
XLII
XLIII
XLIV
XLV
EPILOGUE
Special Chapter I
Special Chapter II

XL

2.2K 69 1
By solace_loey

⚠️Before you read this chapter, I remind all readers that this is just the writing of a novice writer who is too lazy to edit the work. You may find some misspellings or grammatical errors in this story.


Chapter XL


NAGING BALISA si Airleya na hindi niya alam kung bakit. Dahil ba ito sa nararamdaman niyang may nakatitig sa kanya, mula sa malayo? O dahil sa nararamdaman niya sa kanyang katawan ngayon na parang may mali?

Dahil sa pagiging balisa, na hindi niya mapunto kung ano ba talaga ang problema sa kanya

“Air, are you okay?” tanong ng Prinsepi na basta-basta na lamang dumadalaw, na walang nakakaalam sa mansion na narito ito araw-araw. Para itong akyat bahay na nililigawan ang dalaga, sa pamamagitan ng panglalandi nito.

Bored na inirapan ni Airleya si Prince Teiran. “. . . I don't know, what's happening to me.” aniya at walang ganang binagsak ang katawan sa kama habang ang mga paa nito ay nasa baba.

Lumapit si Prince Teiran, at umupo sa gilid ng kama, hindi ito masyadong malapit kay Airleya, at iyon ang isa sa nagustuhan ni Airleya sa kanya na hindi naman namamalayan ni Airleya na may nagugustuhan siyang ugali ng Prinsipe. Lalandi ito sa kanya pero yung landi na hindi kayang mang-bastos.

“Air.” tawag ni Prince Teiran kay Airleya.

Nakatitig ng matapat ang Prinsepi kay Airleya na bumaling ng tingin rito.

“Hmm?”

“Kape ka ba?”

Kumunot ang noo ni Airleya, at napilitang magtanong.

“Bakit?”

“Gusto kita ma-kapeling.” ngumisi si Prince Teiran, matapos bumanat.

“Corny mo. Wala bang magandang pick up lines diyan? Yung ika-kapula ng todo nang buo kong mukha sa kilig?”

“Demanding mo.” wika ni Prince Teiran, na ngayon ay humiga ng patakilid ginawa niyang sandalan ang kaliwang palad nito ng kaliwa niyang ulo at nakaharap ang katawan niya sa nakahiga na si Airleya, na ganoon parin ang pwesto. Nasa baba parin ang mga paa nito na nakalapat sa semento.

Nagkatitigan silang dalawa, bago bumuka ang bibig ni Prince Teiran.

"You took my breath away, Air.”

“Pinagsasabi mo?” sabad ni Airleya.

Prince Teiran sighed, dahil sa ugaling meron si Airleya.

Nang tumahimik na ang katabi ni Airleya, saglit na napatitig ang dalaga sa gwapong mukha ni Prince Teiran.

Hindi niya itatago na sobrang gwapo para sa kanya si Prince Teiran, lalo pa't bagong hair style na ito. ang dating haba nitong buhok na medyo kulot ay naging wolf hair cut at hindi niya itatagong bagay ito kay Prince Teiran.

“I like your hairstyle. It suits you.” hindi napigilang komento ni Airleya sa bagong gupit ni Prince Teiran. Dahil roon, ay mabilis na napalingon si Prince Teiran kay Airleya na nakatitig pala sa kanya.

“Thanks.”

“I like your eyes, too.” sambit ulit ni Airleya, na nakatitig ng matapat sa kulay hazel eyes ni Prince Teiran, at sa hindi malamang dahilan, bumuka ulit ang bibig ni Airleya.

Blue as the wings of a heron in the night
Like the rising of the tides on the shores of Isle Sky

They gleam evergreen, winds' a whistling in the pines
Like a castle-crawling vine, like the grassy Glen of Lyon

And rich as the mud  after rain upon the ground
They're a whisky hue of brown, braided river running wild

I fell astray, but in you, I have found
That I am ever bound  to your hazel eyes. . .”

Matapos ni Airleya, kantahin ang kanta na pinakikinggan niya noon, noong nandoon pa siya sa ibang mundo kung saan, parati niyang kinakanta iyon, kapag nagpapalipas oras.

At hindi niya namalayan na ang kanang kamay niya ay nakahawak sa pisngi ni Prince Teiran, kung saan, marahang hinihimas ng hinlalaki niya ang pisngi ng lalaki.

At dahil doon, kaagad natauhan si Airleya at mabilis na bumangon sa pagkakahiga.

Hindi naman napigilan ni Prince Teiran, na hindi mapangiti na abot hanggang tainga ang ngiti nito dahil sa hindi inaasahang kilos ni Airleya.

“My hazel eyes is only yours, Air.” ani Prince Teiran, na umayos ng upo at parehas na sila ngayong nakaupo sa gilid ng kama.

“Binabawi ko na sinabi ko. Hindi ko na gusto ang eyes mo.” pairap na sagot ni Airleya kay Prince Teiran.

“Talaga? May nalalaman ka pang kanta diyan. That I am ever bound  to your hazel eyes. . . What a beautiful words.  Nakaka-akit ba ang mata ko?”

Tumaas ang sulok ng labi ni Airleya, at matapang na tinitigan si Prince Tieran.

“Yung mata mo lang ang nakaka-akit. Pero ang pagmumukha mo hindi. Yes, you're handsome, pero hindi sapat para maging marupok ako at sabihin na, 'jojowain ka'. Mukha ka lang tropa para sa akin.” prangkang wika ni Airleya, na tinaas lamang ng kilay ni Prince Teiran, bago ito tumayo.

Tumingala si Airleya kay Prince Teiran, nang tumayo ito. Mukhang, aalis na ito.

Akala ni Airleya, aalis na si Prince Teiran, pero nanatili lang itong nakatayo, nakatalikod ito sa kanya.

At dahil dun, ay tumayo si Airleya, at tumagilid ang katawan niya para silipin ang mukha ni Prince Teiran.

“Ran. . .?” tawag ni Airleya kay Prince Teiran, na ilang segundong hindi ito umimik, bago siya nilingon na seryoso ang mukhang napatitig sa kanya.

“May nararamdaman ka bang kakaiba sa paligid mo Airleya, nitong mga nakaraang araw?” dahil sa tanong ni Prince Teiran, kay Airleya. Hindi kaagad nakasagot ang dalaga na napatitig ng ilang segundo bago umiwas ng tingin.

“Naramdaman mo rin ba?”

“Bakit hindi mo sinabi, sa akin?” Nangunot ang noo ni Airleya na napatitig ng matagal kay Prince Teiran, bakas sa boses nito ang inis.

“He called me Airleya. . . Ito ang unang beses na narinig kong tawagin niya ako sa buo kong pangalan.” kausap ni Airleya, sa kanyang isipan bago napasinghap sa gulat ng hawakan ni Prince Teiran, ang magkabilaang braso niya.

Yumukod ang binata sa kanya, upang maging pantay sila ng taas.

Napahawak naman si Airleya sa dibdib niya na sobrang lakas ng kabog ng puso niya. “This. . . Is new. Bakit bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko? Nagha-hyperventilating ba ako?” tanong ni Airleya sa kanyang sarili, na naguguluhan na ang utak niya sa mga oras na iyon, pero pinanatili parin niyang kalmado ang ekspresyon ng kanyang mukha sa harap ni Prince Teiran, na halatang galit sa kanya.

“G-galit ka? Sorry sa sinabi ko.” nauutal na sambit ni Airleya, na humingi ng tawad sa prinsipe dahil sa ideyang baka nagalit ito dahil sumobra na ang sinabi niya.

Ang hindi alam ni Airleya, kaya mukhang galit si Prince Teiran, dahil sa nalaman.

“Im not angry at you! Im angry because I can't locate your stalker!” sumbat ni Prince Teiran, kay Airleya.

“H-ha? ”

“Nag-seselos ako!” parang batang sumbong ng Prinsipe kay Airleya.

Magsasalita sana si Airleya nang biglang umurong na lamang ang dila niya, dahil sa biglang pagyakap sa kanya ni Prince Teiran. Parang unan niya lang ang dibdib ni Prince Teiran, ng tumayo na ito ng tuwid, pero kaagad na nararamdaman ni Airleya, na inilapat ng binata ang mukha nito sa gilid ng kanyang ulo.

“Ito ba ang rason kung bakit nakakabagabag sa iyo nitong nakaraang araw?” tanong ni Prince Teiran, sa kanya. “Kahapon ko pa gusto itong sabihin sa iyo, pero pumayat ka ng kaunti at na nakakabagabag na sa akin ang enerhiya ng kapangyarihan mo, Air.”

“Bakit ano ba ang nararamdaman mo sa kapangyarihan ko ngayon, Ran?” tanong ni Airleya, habang niyayakap parin siya ng Prinsepi.

“Humihina ang iyong kapangyarihan.” sagot ni Prince Teiran.

Nanatiling ganon ang posisyon nila. Hanggang sa kumalas na sa pagkakayakap si Prince Teiran kay Airleya na hindi man lang niyakap pabalik ang binata.

"Slayer mode on.” ani Airleya, nang maramdaman at makita nila na may lumabas na namang kalaban.

Marahang hinawakan ni Prince Teiran, ang braso ni Airleya na sana'y kikilos para atakihin ang anim nilang kalaban, sila lamang dalawa ang naroon sa lugar, hindi pa dumarating ang tatlo nilang kasama pero alam nila na papunta na ang tatlo.

“What?” tanong ni Airleya, ng pigilan siya ni Prince Teiran.

“Humihina ang enerhiya ng kapangyarihan mo, Ayos ka lang?” nag-aalalang tanong ng Prinsipe sa dalaga.

Hindi sumagot si Airleya, bagkos ay parehas silang umiwas sa amin ng kumilos na naman ang mga ito.

Hindi nakaligtas sa paningin ni Prince Teiran ang malalim na paghinga ni Airleya. Mas lalong humihina ang enerhiya ng dalaga, at hindi maiwasan ng lalaki na mag-alala sa kasama.

“AAAIR!!!” sigaw ni Prince Teiran, ng makita niya ang apat na kalaban na si Airleya ang gustong unahin.

Napansin ng anim ang paghina ni Airleya, dahilan para magamit nila ang pagkakataon na si Airleya ang punteryahin nila.

Bago pa man tuluyang makalapit ang tatlo, malakas na hangin ang naramdaman nilang lahat, kasabay ang pagbuo ng malaking buhawi. At dahil roon, tumalsik ang kalaban, maliban kay Prince Teiran, na mabilis nakagawa ng harang para protektahan ang sarili sa buhawi na biglang ikinulong si Airleya sa loob.

Hindi alam ni Prince Teiran, kung anong nangyayari, kung bakit bigla na lamang nagkaroon ng buhawi. Hindi niya rin segurado kung kapangyarihan ba ito ni Airleya dahilan para hindi magawang kontrolin at magkaganito ang lahat.

“AIR!!!” Malakas na sigaw ni Prince Teiran, na tinatawag ang pangalan ni Airleya, na tanging siya lamang ang tumatawag.

“Anong nangyayari?” tanong ni Silver, nang makarating silang tatlo sa lugar kung saan nila nakita ang mga kalaban.  At ito kaagad ang nadatnan nila.

Lumingon si Prince Teiran, kina Silver, na hindi niya napansin na nasa tabi niya na ang mga ito. Ang mga kalaban naman ay hindi magawa ang dapat nilang gawin, alinsunod sa gustong mangyari ng diyos nila, dahil sa malakas na hangin na ayaw silang palapitin.

“Ano? Nasa loob niyang buhawing iyan, si Airleya?!” gulat na tanong ni Willow, habang nakaturo ang kamay sa malaking buhawi. “Ano ginagawa niya roon? Hindi niya napigilan ang kapangyarihan niya?”

“Willow, hindi mo ba napansin ang biglaang paghina ng kapangyarihan ni ate Airleya?” bakas sa tono ng boses ni Kaan, na hindi nito nagustuhan ang ang huling salitang lumabas sa bibig ni Willow.

Alam ni Kaan, na kontroladong-kontrolado nito ang kapangyarihan niya. Mula noong unang araw na pag-aral nito ng kapangyarihan, ay nakaya na ni Airleya na kontrolin at gumawa ng mga atake na walang problema.

Hindi kaagad naka-imik si Willow, dahil kay Kaan. Tinitigan niya lang, nila, ang buhawi, hanggang sa napansin nila na paunti-unti iyong humihina hanggang sa mawala iyon na oarang bula. Kasabay ang paglaho ng malaking buhawi, bumungad kina Prince Teiran, at sa anim nilang kalaban ang isang babae na kasing tangkad, at kasing pareho ng katawan ni Airleya. May mahabang kulot na puting buhok, na kasing puti ng ulap sa langit at may purple na mata ang bumungad sa kanila.

“Air!”

“Ate Leya!”

“Airleya!”

Sigaw ng mga kasama ni Airleya sa kanya, pero hindi iyon napansin ni Airleya. Dahil ang atensiyon niya ay nasa sarili niya. Nakatitig siya sa kanyang mga brasoy bago niya nakita ang kulay ng kanyang buhok.

“Matagumpay ang pagsalin ng natitirang enerhiya, sa iyong bagong katawan, Airleya.”

Mabilis na bumaling si Airleya, sa katabi niya, at kaagad na nanlaki ang mga mata ni Airleya ng makita niya ang katawan ng kakambal niya na may buhay.

Nanginginig ang bibig ni Airleya, pati ang mga mata niya na hindi narin napigilang manginig sa nakikita niya.

Ibinigkas ni Airleya, ang pangalan ng kanyang nakakatandang kakambal.

“. . . Saina.”

Banayad na ngiti ang sumilay sa labi ni Saina, ng tawagin siya ng kakambal niya.


_______________________________________

Continue Reading

You'll Also Like

245K 9.6K 60
(1/3) A nun was transmigrated as Princess Amelia Windsor. Never on her life she hoped and wishes to raise her children alone in the middle of a plac...
10.3M 476K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #03 ◢ Alpha Omega - refers to the twelve demigods destined for the upcoming rebellion. The world has changed. Time has stopped an...
33.3K 1.2K 37
DESCRIPTION: Ruan Mari Tan is a cold blooded business tycoon in the Philippines. Pagmamay-ari niya ang isa sa malaki at sikat na publishing company a...
135K 4.4K 57
In the outskirts of the Verdentia Empire lies a humble town named Eldoria, teaming with peasants and commoners. A peasant who was abandoned by the ca...