She Was Bitten

By fbbryant

1.3M 48.4K 5.1K

Nang dahil sa isang hindi inaasahang pangyayari ay napilitang lumipat ang pamilya nina Savannah sa Hellville... More

Disclaimer
...
1: Savannah
2: The Strange City
3: Glass Window
4: Party, T and Dream
5: Matteo Brigham
6: The Founding Families of Hellville
7: Town Council Meeting
8: Upstate Party
9: First Day of School
10: A Simmons Witch's Role
12: Rights
13: A Puzzle
14: Coffeeshop
15: She Should Not Care
16: Council Meeting with Outsiders
17: O πŸ’œ G
18: Upside Down World
19: Pleas and Intruder
20: Forgotten Secret
21: Truth and Awkward Dinner
22: Blood Moon
23: Side Effect and Gratitude
24: A Visitor
25: A Long Lost Friend
26: Mysterious Yaddie
27: Channeling
28: Vampire-Witch
29: Fitzgerald Vampires
30: Gratitude and Loyalty
31: A Bite In the Back
32: ISOP
33: ISOP President
34: Attack of the Turned
35: Amongst Them
36: The Hunt
37: Truce
38: Grand Plan
39: Lost Lives
40: Goodbye
41: Ghost From the Past
42: Sisters
43: Family Trouble
44: Moved On
45: Pain and Regret
46: Vacation
47: Love Wins
48: Bloody Town
49: For the Ultimate Power
50: Reinforcements
51: The Battle
52: Ultimate Power
53- Death and New Beginnings
Epilogue
Special Chapter
Note
Announcement

11: Simmons Mansion

305 14 0
By fbbryant

Natuod ako sa kinatatayuan ko habang nakatingin sa napakalaking mansyon sa harapan ko. May tatlong palapag yata iyun at napakalapad. Nakatayo iyun sa malawak na piraso ng lupain at may matataas na bakal na bakod.

An estate.

"Ano 'to?" sambit ko.

"The Simmons Manor?" patanong na sagot ni Faizah.

Hindi ako makapaniwala na dito sa Upstate tumira ang Lola Caridad ko at iba ko pang ancestors.

Dito lumaki si Mama.

"Limang taon na rin siyang abandonado. N'ong namatay ang Lola mo, wala nang nag-alaga. Umalis na rin ang mga tagasilbi."

Napatingin ako sa paligid. Mas tamang sabihin na napapalibutan ng talahiban ang property.

"So, mayaman ang mga Simmons?"

"It's a founding family, Savannah. What do you expect?" ani Faizah sa tonong parang nagsasabing 'duh.'

"Okay. That makes sense."

"Gusto mong pumasok?"

"Paano?"

"Through the door?" patanong nanaman niyang sagot kaya itinaas ko ang kamay para batukan siya pero nakatakbo na siya habang tumatawa.

Naiiling na sinundan ko na lang siya palapit sa main door ng mansyon na kulay puti na ngayon ay nababalot ng mga baging at gumagapang na mga halaman.

Napatingin ako sa inaapakan kong cobblestones. Ang dami sigurong pera ng pamilyang Simmons.

May pera kami dati- marangya at masagana ang buhay- ngunit hindi ganito. Wala kaming mansion na ganito kalaki. Sa isang high rise building kami nakatira na may apat na kwarto.

"Locked," ani Faizah na pinipihit ang brass doorknob. Nagmukha siyang maliit dahil sa taas at lapad ng pintong solid wood na may carvings ng kung anu-anong hayop at halaman.

"Baka mahuli pa tayo rito for trespassing," sabi ko.

"Girl, sa inyo ito. Ano'ng trespassing pinagsasabi mo," aniya saka pinihit uli ang doorknob, this time, mas agresibo.

May naalala ako bigla. "Wait, wait," dali-dali kong hinalukay ang aking tote bag na puno ng kung anu-anong mga walang kwentang bagay. "Here!"

Nanlaki ang mga mata ni Faizah at napangisi siya nang makita ang sobreng itinaas ko.

"Tama! Ipinadala pala 'yan ni Grams sa Mama mo five years ago n'ong namatay ang Lola mo," bulalas niya.

Dali-dali kong binuksan ang envelope at nakita kong kumunot ang noo ni Faizah.

"Hindi binuksan ng Mama mo?"

Umiling ako. Sinilip ko ang laman ng envelope at nakita kong may sulat doon.

Dear Ariana,

Hindi ko alam kung naaalala mo pa ako. Ako ang kaibigan ng Mama Caridad mo na si Octavia Atwood. Ikinalulungkot kong ibalita sa'yo na pumanaw na ang iyung ina. Iniwan n'ya sa'yo ang kanyang estate at responsibilidad sa bayan ng Hellville. Umasa siya na haharapin mo ang duties ng pamilya n'yo sa bayan.

Sana ay bumalik ka na ng Hellville. Kailangan ka namin.

Sincerely,
Octavia

Napatitig ako sa sulat na 'yun at inisip ang aking ina. Ni hindi niya binuksan itong sulat.

She didn't look back.

"Savannah, okay ka lang?"

Nag-angat ako ng tingin kay Faizah saka tumango. I didn't think I will understand my mother's feelings to leave. But I respected her decision. Hindi niya ito gagawin kung wala siyang rason.

Kinuha ko ang susi na nasa loob ng envelope at ipinakita iyun kay Faizah. Tumili siya.

"Buksan mo na," excited niyang sabi.

Hindi ko alam kung bakit nanginginig ako habang palapit ako sa malaking pinto. Walang pagmamadali na ipinasok ko ang susi sa keyhole. I turned it and there was a click.

Nilingon ko si Faizah at napangiti kami. Sabay naming itinulak ang pinto at sinalubong kami ng napakalawak na bulwagan.

It was just a massive open ballroom. Sa itaas ay may maraming maliliit na chandeliers at sa pinakagitna ng mga 'yun ay isang higanteng chandelier.

Tumingala pa ako at nailibot ko ang paningin sa mga intricate designs sa gilid ng bubong kung saan naroon ang crown moldings.

"Ang gara," sambit ko.

At kahit na puno ng alikabok ang buong lugar ay hindi maikakaila ang marmol na sahig.

"Oh, I miss this place," ani Faizah na umikot-ikot pa na parang sumasayaw.

"Madalas ka rito dati?"

"Not really pero nagpapa-party ang Lola mo dati lalo na kung may mga witchy festivals."

Nai-imagine ko ang mga enggrandeng parties dito dati. Ang bongga siguro.

Ito ang buhay na tinalikuran ng aking ina para sa aking ama.

Sa pinakadulo ng ballroom ay may dalawang hagdanan, sa kanan at sa kaliwa at nagpang-abot ang mga ito sa gitna kung saan may malahiganteng double doors.

"Tara. Explore tayo," yaya ko kay Faizah at sabay kaming tumakbo. Siya papunta sa kaliwang hagdanan at ako sa kanan.

"Race," aniya kaya mas binilisan ko ang pagtakbo. Muntik pa akong mamudmod sa sahig dahil madulas pa rin iyun kahit na maalikabok.

Sabay kaming nakarating sa itaas at sabay din kaming nagtawanan.

"Ready?" ani Faizah at tumango ako kahit na kinakabahan ako kung ano ang makikita ko sa likuran ng malalaking pintong nasa harapan namin.

Isang malaking hallway ang bumungad sa amin at sa bawat gilid ay may mga arcs na walang pinto.

Hinawakan ni Faizah ang aking kamay at hinila na ako. Sumilip ako sa unang arc sa kanan. Isa iyung drawing room na may mga malalaking couch na natatabunan ng puting tela. May mga mesa sa gilid at ang dingding ay may mga portraits. At ang bintana ay floor-to-ceiling.

We stepped inside.

"Dito kami tinatanggap dati kapag nakikipag-usap si Grams kay Elder Caridad," ani Faizah.

Humakbang ako palapit sa unang painting. Isa iyung babaeng may dirty blonde na buhok at aquamarine na mga mata.

Like me.

Ang ganda n'ya. Mayroon siyang inosenteng mukha at bagay sa kanya ang kulay dilaw na gown na suot.

"Si Otillie Simmons, ninuno mo," ani Faizah. "Ang inosente n'yang tingnan 'no?"

Tumango ako. "Parang ang bata pa niya d'yan."

"Maaga daw talaga silang nag-aasawa dati. Pero mukhang nag-eighteen na naman siya d'yan."

May iilang portraits pa na babae at lalaki. Ang ibang heads daw ng Simmons family from different generations.

Ang huli ay isang babaeng nasa seventy years old na yata. May pale ang pagkaka-asul ng kanyang mga mata at puti ang kanyang buhok. Kung inosente ang mukha ni Otillie, ito namang nasa huli ay mukhang nakakatakot.

"Caridad Simmons, the tigress," mahinang sabi ni Faizah.

"Nakakatakot nga siyang tingnan. Ngumingiti ba siya dati?"

Naramdaman kong umiling ang kaibigan ko. "Hindi ko nakita kahit isang beses."

"Wow," I mouthed.

Wala akong nakitang pictures ng Mama ko. Para lang yata sa mga heads ng family itong mga portraits na nandito.

"Tara na," sabi ko at nagpatuloy kami sa pag-explore. Sa left side ng hallway ay isang maliit na library, tea room at crafts room. Sa kanan, after ng drawing room ay isang malaking hagdanan na spiral.

"Sa itaas ay mga bedrooms," ani Faizah. "Hindi pa ako nakakapunta dun. Pero iyang pinto sa dulo ng hallway ay papuntang malaking balcony."

Nagpunta nga kami sa balcony at nakita kong may isang malaking space doon na puno ng matataas na damo.

"D'yan naglalaro dati kapag may party."

Tumango ako. Mukhang ang dami ko talagang hindi alam tungkol sa pamilya namin.

"Lilipat ba kayo rito?"

Umiling ako. "Hindi ko alam. Siguro ay kailangan ko munang siguraduhin na maayos ang lagay ng mga witches bago ako tumira uli rito sa mansyon na 'to."

Umakbay sa akin si Faizah. "Ngayon pa lang ay alam kong magiging greatest representative ka ng mga witches. Kahit hindi ka inihanda sa mga responsibilities mo ay alam mo ang priorities mo. You are a natural leader."

Isinandal ko ang ulo ko sa ulo ni Faizah.

Hindi ako handa pero susubukan kong gawin ang tama.

***

Continue Reading

You'll Also Like

76.4K 2.4K 67
TRAVIS ZADEN CORDOVA ( VCS#1 ) Don't fall in love with the Superior. That's the only one forbidden Rule! If you don't want the contract to be void; ...
7.4K 569 54
|C O M P L E T E D| An anonymous texter wanted Sunny's attention so bad so he threatened her in order to control her. He thought it would be easy but...
31.3K 1K 48
Vaughn Series 3 VAN FLOYD VAUGHN |COMPLETE| Half Vampire half Werewolf, meet Van Floyd Vaughn ang pinaka maloko sa mag kakapatid na Vaughn. He loves...
71.1K 2.5K 24
How can something so beautiful be so deadly? Ara Hope does not have the perfect family but despite this fact she had the perfect childhood. She has a...