The Divorce

By MrsPeriwinkle0024

28.5K 1.6K 228

In her past life, Samantha died at the hands of the person she trusted the most. Though he didn't kill her di... More

Chapter 1: Rebirth
Chapter 2: Exchange
Chapter 3: Get Married Then Divorce
Chapter 4: Asking For Pocket Money
Chapter 5: Unexpected Turn Of Events
Chapter 6: Bargaining Chip
Chapter 7: The Audacity
Chapter 8: The Truth
Chapter 9: Wrong Script
Chapter 10: First Time
Chapter 11: Obstacles
Chapter 12: Cannot Threaten Him Anymore
Chapter 13: Loyalty
Chapter 14: Going To Hate Him
Chapter 15: Willing
Chapter 16: The Perfect Sister-in-law
Chapter 17: One Of Her Dreams
Chapter 18: What To Fix Next?
Chapter 19: A Sudden Lecture
Chapter 20: Finally
Chapter 21: Judas Kiss
Chapter 22: Cannot Blame Her
Chapter 23: Proposal
Chapter 24: Insult
Chapter 25: Unwanted Visitors
Chapter 26: No Strings Attached
Chapter 27: Poor
Chapter 28: Last Option
Chapter 30: Her Creations
Chapter 31: Lunch Date
Chapter 32: Painful Memory
Chapter 33: No Thanks
Chapter 34: Dearest Sister-in-law
Chapter 35: Someone Is Coveting His Woman
Chapter 36: Washing My Eyes
Chapter 37: Wish
Chapter 38: Wedding Day
Chapter 39: Arya Being Hysterical
Chapter 40: Asking For A Gift
Chapter 41: Torture And Imaginations
Chapter 42: Concerned About Her
Chapter 43: A Nightmare
Chapter 44: Good Bye
Chapter 45: Original Plan
Chapter 46: A Normal Day
Chapter 47: Upset
Chapter 48: Gentle
Chapter 49: Negative And Positive Emotions
Chapter 50: Doubt
Chapter 51: The Police Officer And The Lawyer
Chapter 52: Helper From The Past
Chapter 53: Bothered
Chapter 54: Arya's Concern
Chapter 55: Felt Like A Roller Coaster Ride
Chapter 56: Someone Who Knows Her Best
Chapter 57: Stick To The Original Plan
Chapter 58: Someone Who Looks Like Her
Chapter 59: Delighted
Chapter 60: Different Types
Chapter 61: What If...?
Chapter 62: Protecting You In My Own Little Way
Chapter 63: The Allejo Family
Chapter 64: The Hungry and Irritated Sam
Chapter 65: Bite Back
Chapter 66: Bullying The Bully
Chapter 67: Prevention Is Better Than Cure
Chapter 68: Samuella's Nightmare
Chapter 69: Samuella's Nightmare Part II
Chapter 70: The Brother-in-law
Chapter 71: The Birthmarks
Chapter 72: A Success
Chapter 73: Stealing Task
Chapter 74: Terrifying
Chapter 75: Missing Home
Chapter 76: Indulge

Chapter 29: A White Dress

358 20 2
By MrsPeriwinkle0024

Walang imik si Arem habang pinagmamasdan si Samantha na inilalabas ang bundle bundle ng pera na nakalagay lang sa isang kulay itim na bag.

"Did you rob a bank?" Hindi malaman ni Arem kung ano bang reaksiyon ang karapat-dapat para sa sandaling iyon.

Dahil sino ba naman ang matinong tao ang magtatago ng bundle-bundle na pera sa loob ng kanilang pamamahay?

"Well, I don't trust the card that Mrs. Salvador gave me. Kaya winithraw ko na lang lahat," ani Samantha sabay kibit ng kanyang balikat. "Almost  600k ang nagastos ko sa renovation ng bahay. Plus panggastos namin araw-araw. Ito na lang ang natira. Kung kaya mo namang magtayo ng negosyo gamit ang kapital na 'to, bakit hindi ka na lang magtayo ng sarili mong negosyo?"

"That would be a bad move. Hindi papayag ang mga taong 'yun na magtagumpay ako. Para lang tayong magtatapon ng pera," seryosong wika ni Arem.

Samantha pursed her lips.

Ngayon niya lang napagtanto kung gaano kakomplikado ang sitwasyon ni Arem laban sa lolo at lola nito.

Napatitig si Samantha sa lalaking kaharap.

"Then, keep this money. May sarili akong pera at mga alahas. Galing ang perang ito sa dowry na denekwat ko sa mga Salvador," seryosong wika ni Samantha.

Inilagay niya sa kamay ni Arem ang kulay itim na bag na naglalaman ng pera.

"No. You keep this. Kapag sumuweldo ako sa jewelry shop, ibibigay ko rin sa'yo. Ikaw na muna ang bahala sa bahay natin" seryosong sabi ni Arem.

Bahay natin.

Pareho silang natigilan sa salitang kanilang narinig. Pero tikom ang bibig na hindi na muling nagkomento pa si Arem. Nasabi na niya iyon. At isa pa, totoo namang si Samatha ang nagma-manage ng kabahayan nila.

Hindi niya magawang pakitaan ito ng masama dahil sa pagtratong ginawa nito sa kanyang pamilya. He's not an ingrate.

Napakagat-labi naman si Samantha. Her eyes lit up after hearing the words from the man's mouth.

Bahay natin.

Hindi nito sinabing bahay 'namin', sa halip ay 'natin'. Hindi naman siguro siya feeling-era kung iisipin niyang isinasali siya nito sa pamilya nito, hindi ba?

Hindi mapigilan ni Samantha ang pagsilay ng munting ngiti sa kanyang labi.

"Umn, don't worry. I'll handle it well," masayang wika ni Samantha.

Hindi nakaligtas sa paningin ni Arem ang saya ng babaeng kaharap.

"So, let's get married tomorrow?"

"Huh?"

Pakiramdam ni Samantha ay tinapunan siya ng bomba ng lalaking kaharap. Bukas na kaagad-agad?

"May nakita na naman akong aali-aligid na sasakyan sa kabilang kanto kahapon. I'm sure, they're spying on us,"

"Huh? Really?"

Tumango lang si Arem bilang pagsang-ayon.

"Okay. Then let's do it tomorrow," mahinang aas ni Samantha saka mahinang tumango. "Oh, wait. I don't have a white dress!" Nanlaki ang mga mata ni Samantha.

"It does—you want to go shopping? Isama mo na lang si Arya para may aalalay sa'yo," Arem's supposed to say 'it doesn't matter', but then after looking at Samantha's excited face, he can't bring himself to refute her.

Kahit na marriage of convenience lang ang gagawin nila, it's still her first wedding. Wala na nga siyang balak na bigyan ito ng magarang kasal sa kabila ng sandamakmak na pera na pwede niyang ipanggastos, at pagkatapos ay pagbabawalan niya itong magsuot man lang ng puting dress sa kasal nito?

He can't be that despicable towards the person who saves his family, right?

"R-right! Lumabas ka muna doon. Magbibihis ako. Tell Arya to get dress, please," nagmamadaling tumayo si Samantha.

"Sure,"

Ramdam ni Arem ang excitement sa tinig at bawat kilos ni Samantha habang pinagmamasdan ito. Hindi niya tuloy alam kung matutuwa ba siya o makokonsensya.

It's just a fake wedding.

Bakit kailangan nitong maging ganoon kasaya?

Imposible namang dahil sa magiging asawa na siya nito. Nakikita niya sa mga mata ng babae na wala itong kahit na anong nararamdaman para sa kanya.

"Arya, get dressed—,"

"Ready na ako, kuya!" Putol ng dalagita sa sasabihin pa ng nakatatandang kapatid. Pumasok ito sa loob ng kwarto at tinanong ang babaeng nasa loob. "Okay lang ba 'tong suot ko ate?" Excited na tanong ni Arya habang ipinapakita kay Samatha ang suot na damit.

Arya is wearing a high waist pants and a black crop top. Mas lalong nagmukhang matangkad ang dalagita dahil sa suot nito.

"Bakit naka-ready ka na kaagad?" Nanunudyong tanong ni Samantha.

"Hehe, plano sana namin nila kuya na bumili ng gamit para sa project sa school. Pero dahil aalis ka, ako na lang ang bibili, ate,"

"Sure, sure. Just wait. Maglalagay lang ako ng napkin," ani Samantha na walang kamalay-malay sa presensya ng lalaking nasa labas ng kwarto.

Napakalayo nito sa babaeng hiyang-hiya pa sa harapan ni Arem kanina habang magkasabay silang napatingin sa nagkalat lang na mga bagay sa sahig.

Kulang na lang ay mag-blush si Arem dahil sa narinig.

Naiiling na tuluyan na siyang naglakad palayo sa pintuan. At kahit na nasa malayo na, naririnig niya pa rin ang excited na boses nina Samantha at Arya.

"Alam mo ba kung bakit sobrang excited ang kapatid mo?"

Napatigil sa paglalakad si Arem. Lalabas sana siya para magpahangin. Pero dahil sa nagsalitang ina. Huminto siya sa may pintuan at nakaangat ang isang kilay na tinitigan ang inang nagluluto ng ulam.

Hindi na bago kay Arem na makita ang ina sa loob ng kusina. Noon pa mang maliit siya ay mahilig na itong magluto ng kakainin nilang mag-ama.

"Dahil kapag ikinasal na kayong dalawa. Pormal na miyembro na ng ating pamilya si Samantha. Your sister loved her sister-in-law so much. Nahihiya siyang ipakilala si Sam dahil hindi pa naman kayo kasal. May isang kapitbahay kase noon na tinaray-tarayan ang kapatid mo. Masyado daw feeling-era, hindi naman daw sigurado kung pakakasalan mo si Sam," anang ginang saka nginitian ang anak.

"Alam ko ang plano niyo anak. Aksidenteng narinig ni Arya na nakikipag-usap si Sam sa phone at binanggit niya ang divorce,"

Arem narrowed his eyes.

Pero nanatili siyang tahimik habang nakasandal sa hamba ng pintuan at nakahalukipkip.

"Still, legal na kasal ang papasukin niyo. Wala ako sa lugar para panghimasukan kayo. You know what's right and wrong. Ang payo ko lang anak, kahit na marriage of convenience lang ang mangyayari, respect her as your wife. Don't bully her and give her the support a husband should give. Itinatrato niya kami na parang tunay niyang pamilya kaya naman ganoon din kami sa kanya. Kung sakali man na hindi talaga kayo para sa isa't-isa. Kahit medyo mahirap tanggapin at isipin ang bagay na iyon, tatanggapin namin iyon, anak. Wala kang maririnig na panghuhusga sa amin o kahit na anong pang-i-insulto. Nakausap ko na si Arya at naunawaan niya naman. Iyon nga lang, talagang napamahal na sa kanya si Sam," mahabang pagsasalaysay ng ginang habang naggagayat ng gulay.

Tahimik lang si Arem habang nakikinig.

"Kaya kahit na magpapanggap lang kayo na mag-asawa, sa ngalan ng pagpapanggap, dapat lang na mag-ayos din tayo bukas kahit na sabihin mo pang naghihirap na tayo," seryosong wika pa ni Ginang Aria. "Oo nga pala, saan kayo magpapakasal?"

"Sa office ni Mayor,"

"M-mayor?" Maang na napatitig ang ginang sa panganay na anak. "H-hindi ba magkakaproblema ka anak? Alam mo namang loyal ang taong 'yun sa lolo mo," nababahalang saad ni Ginang Aria.

Hindi niya mapigilan ang kaba.

Hinding-hindi niya makakalimutan kung paanong ginamit nito ang asawa para lang pilitin siya na payagan ang noon ay 15 years old pa lamang na si Arem na sumama sa lolo at lola nito.

Ang asawa ng Mayor, na itinuturing noon na kaibigan ni Ginang Aria ay kasangkot sa mga taong nagtakas sa anak niya. Sa takot na mapahamak maging ang triplets, walang nagawa si Ginang Aria kung hindi ang sumunod na lang sa agos. Pinabayaan niyang itakas ng kanyang mga biyenan si Arem at mula noon ay wala na siyang balita sa mag-asawang pulitiko.

"Matagal na siyang pinalitan ng anak niya, mom. You don't have to worry," Arem comforted his mother. There was a glint in his eye as he said it.

Sa lahat ng mga taong pinagsamantalahan ang pamilya niya noon, hinding-hindi niya iyon palalagpasin sa pagkakataong ito.

While staying low key, sisiguruhin ni Arem na isa-isang babagsak ang mga taong nanakit sa mga kapatid at ina niya.

"Okay. I believe you. Anyway, may damit ka ba na isusuot? Ah, may mga naitabi pa akong damit ng daddy. May mga nakatabi pa doon na hindi niya nagagamit. You should use it," excited na tinigil pinatay ng ginang ang kalan saka naglakad papalapit sa panganay na anak.

"Halika, samahan mo akong mamili!" 

Wala ng nagawa si Arem. Nagpahila na lang siya sa ina na hindi maitago ang excitement na nararamdaman. Na para bang totoong kasal nga ang magaganap bukas ng umaga.

He still have to call the Mayor. Hindi niya pa ito nai-inform na ito ang gusto niyang mag-officiate sa kasal niya bukas.

Para walang masabi ang kahit na sino laban sa kasal niya na magwawakas din sa divorce. Wala nga lang nakakaalam kung kailan magaganap ang divorce na iyon. Sa ngayon, ayaw muna iyong isipin ng binata.

Marami pang mas dapat unang bigyan ng pansin sa pagkakataong ito.

Oh well, I'll just call him later.

At kahit na disoras ng gabi pa siya tumawag sa taong iyon, wala naman itong choice kung hindi ang sumunod sa kanya. After all, he funded that person's campaign.

Continue Reading

You'll Also Like

10.1K 375 35
Raindrop is a passionate vet who fortunately-b'coz she likes it- been assigned to a medical mission in the very rural area. That's the Altamir pack...
99.7K 296 72
PART 1 Naghahanap ka ba ng pangalan para sa character mo? Well feel free to browse this and find the name you're looking for! -- Do you need names fo...
10.8K 369 35
In order to find herself she will face the harsh truth that is about to unveil. This is just the beginning she must imbrace to continue until the end...
26.3K 781 54
MHEL CHAZEINTH DIZON an 27 years old and turning 28 on Wednesday in april 25 Mhel is just visited in Philippines to see how was going their company...