How I Ended Up With You (To t...

By raindropsandstar

273 8 1

To the Dreams of my Youth a Series 1 - Light Story compared to my usual stories, this series will be less co... More

How I Ended Up With You
Prelude
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12

Chapter 2

23 2 0
By raindropsandstar

HIEWY 2

Mabilis na kumalat ang usap-usapan na may balikbayan nga na dumating sa bahay. Dahil probinsya ito, hindi na nakakagulat ang pagkalat ng sabi-sabi sa paligid.

Panay rin ang tanong sa akin kapag bumibili ako sa tindahan o nasa bayan ako.

Mayaman daw ba ang bisita ni Tatay.

American citizen daw ba sila.

Dito na ba sila titira.

At ang gwapo daw ng anak nila.

Sus. Hindi pa nga ata nila nakita.

Nagpapaniwala na sila sa sabi-sabi. Hindi ko na lang pinapatulan at tipid lang ang sinasagot ko. Dahil sigurado pag may sinabi ako, madadagdagan lang ang chismis at baka mapunta pa sa hindi maganda.

Inutusan lang ako ni Nanay na bumili ng pagsahog na gulay, dahil iyon daw ang hapunan namin mamayang gabi.

Hinahanap-hanap daw kasi ng mag asawang de Montejo ang filipino na luto. Tumira naman sila sa Maynila nang nakarating sila galing Amerika, pero iba pa rin pag lutong bahay.

"Para po," saad ko sa tricycle driver nang makarating na kami sa harap ng gate.

Binigay ko na ang bayad at isa-isahan nilabas ang mga supot na dala. May pang chapsuey kasi, pakbet at manok pati baboy na pang sahog doon.

Kaya marami-rami akong dala. Hindi naman mabigat, marami lang talagang supot.

"Kaya mo na ba? Geneva?" tanong ni Manong driver. Kilala niya na ako dahil sila-sila lang rin naman ang nasasakyan ko tuwing papasok, kaibigan rin ni Tatay.

Tumango ako dito nang makuha ko na lahat. "Opo. Kaya ko ito." tugon ko.

Tumango na lang rin ito sa akin at umalis na, hindi pa ako nakakapasok sa gate ng bahay ay may humablot na ng iba kong dala.

Nagulat ako nang bigla nalang sumulpot sa harap ko si Rina. Nanlaki ang mata ko at hinayaan siyang kunin ang supot sa kamay ko.

Bumaba ang tingin ko sa suot niya, naka jersey ito na may puting t shirt sa loob at jersey shorts rin. Mukhang galing nanaman nag basketball sa plaza.

"Dami nito ah? Magpapakain ba kayo para sa bisita niyo?" kaswal na tanong nito at nauna pang naglakad sa akin papasok.

Sinundan ko nalang siya dala ang ibang supot sa kamay. "Oo. Bakit ka nandito? May laro ba kayo? Tapos na?" usisa ko.

Nakapasok na kami sa bakuran.

"Wala. Ang boring lang kaya naisipan ko mag laro. Naglalakad na ako pauwi nang makita kitang hirap na hirap ilabas 'tong mga pinamili mo." sagot nito at tumuloy na rin kami sa loob ng bahay.

"Wow," manghang sambit nito nang makita niya ang pagbabago sa loob ng bahay.

Sa labas palang kasi sila nakaabot ni Aneva noong nakaraang araw. Ngayon lang siya naka pasok sa loob.

Ipinatong ko na ang mga supot sa tiles na counter. Hindi naman siya island counter tulad ng sa mayayaman, pero malaki rin at malinis tignan.

"Gara ng bahay niyo Geneva! Parang bahay ng mayor!"

Puri nito at nilapag na rin ang dala sa counter. Sumandal ako doon at umiling-iling na lang.

Ginala pa nito ang mata. "Aba may chandelier pa!" turo nito sa naka sabit na ilaw sa may dining.

"Malaking ilaw lang 'yan!" depensa ko.

"Ganun na rin 'yon! Pa-humble ka pa diyan! Ayos ang ipon nila Tatay Emer ah, napaganda ang bahay niyo." lumapit ito sa ref at binuksan iyon, parang may hinahanap.

"Pati ref puno! Daming pagkain!" lumingon siya sa akin at natatawa, nanatili lang akong pinapanood ito. "Pero may tubig ba kayong malamig? Nauuhaw na ako e." nagpatuloy siya sa paghahanap.

"Nandyan sa may baba, may pitsel." turo ko.

Yumuko ito at kinuha iyon nang makita. "Pakuha nga akong baso." utos niya pa sa akin.

Umikot ang mata ko pero sinunod ko pa rin naman. Naglakad ako sa cabinet at kumuha ng babasaging baso. Kawawa naman kung hindi ko paiinom diba?

"Malaki ba? O maliit lang? Mabigat kasi itong malaki, pero kung gusto mo..." lumingon ako sa kanya dahil bigla na lang siyang natahimik.

Kunot ang noo akong umikot at nalimog ang mata ko nang biglang bumagsak ang pinto ng ref. Yakap-yakap ang malamig na pitsel para itong nanigas sa kinatatayuan habang nakatitig kay Yosel.

Halatang bagong gising iyon at medyo magulo pa ang buhok at naka pang tulog. Nanliit ang mata nito sa itsura ni Rina.

Simula dumating sila kaninang umaga ay hindi ko na siya nakita ulit. Nauna na itong umakyat sa kwarto niya upang matulog dahil puyat daw. Ngayong hapon lang siya bumaba.

Sila Nanay ay dinala sila Tita Ynesa sa may dagat.

Bigla akong nataranta at lumapit sa kanila p
dala-dala ang baso sa kamay. Mukhang nakagat na ni Rina ang dila niya dahil ni hindi na siya nakapag salita.

"Y-Yosel?" alangan kong sambit.

Lumipat ang mapanuri nitong mata sa akin at bumalik ang pamilyar na pakiramdam ko kanina. Noong unang magtama ang mata namin.

"I need water." malamig na turan nito.

Iniwas ko ang mata sa kanya at dali-daling hinablot ang pitsel kay Rina. Nag salin ako ng tubig sa basong dala at mabilis na inabot kay Yosel.

Napalunok ako nang matantong pinapanood niya ako. Bakas ang pagtataka sa mukha nito ngunit tinanggap niya rin iyon.

"Thank you..." anito habang hawak-hawak na ang baso bago tumalikod at tahimik na umalis ng kusina.

Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib nang tuluyan na siyang makalayo at umakyat na muli sa hagdan. Naglabas ako ng malalim na hininga at nilingon si Rina.

Naka awang ang bibig nito at tuluyan ng natuod sa kinatatayuan. Hinampas ko ang braso siya para magising siya.

"Anong nangyari sayo?" pukaw ko at ibinalik na ang pitsel sa kanya.

Ilang beses pa itong napalunok at parang nagising na nga sa realidad. Humarap ito sa akin habang yakap ulit ang pitsel.

"I-Iyon si Yosel?" nanghihina niyang tanong.

Naiirita akong tumango. "Oo."

Pinagdikit nito ang dalawang labi at maamong tumitig sa akin. "A-Ang gwapo niya... para akong nakakita ng artista. Ang gwapo niya!" impit na sigaw nito, nanlaki ang mata ko at agad na tinakpan ang bibig niya bago pa siya may ibang masabi.

"Ano ba! Baka marinig ka!"

"Akala ko paliko na ang landas ko! Tuwid pala, Geneva! Tuwid! Kinikilig ako!" pigil na sigaw nito at namumula na.

Napa awang ang bibig ko at problemadong hinilot ang sintindo.


Pinauwi ko na siya agad. Matapos siyang uminom ng tubig at kumalma ay pinaalis ko na siya ng bahay. Mamaya ay maabutan pa siya nila Tito Cielmo at kung ano pa ang masabi niya sa kanila.

Wala silang kaalam-alam pinagpepyestahan na ng mga tao dito ang anak nila.

Tumulong na ako kay Nanay sa pagluluto ng hapunan. Marami-rami rin kasi iyon. Pero dinaluhan rin kami ni Tita Ynesa kahit hindi naman kailangan, sabi nga ni Nanay siya na lang pero makulit rin si Tita.

Gabi na nang magsama-sama kami sa hapag. Nahanda na ang mga pagkain at kakain na lang.

Natapos na rin akong naligo dahil pinagpawisan ako sa pamimili kanina at pagluluto.

Isang yellow na dress lang ang pinili ko, may ruffles sa dulo na umabot lampas ng tuhod ko. Puting flat na sandals lang rin at itinerno ko rito. Basa pa ang buhok ko nang bumaba ako kaya hinayaan ko nalang na nakalugay ito upang matuyo.

Nilalagay ko na ang mga plato sa mahabang kahoy na lamesahan. Maliwanag lalo ang paligid dahil sa 'chandelier' na nakasabit sa tapat nito.

"Kain na tayo!" yaya ni Tatay nang makita ang mag amang de Montejo na pababa ng hagdan.

Huling plato ang nilapag ko bago pasimpleng nagnakaw ng tingin sa kanila.

Doon ko napagtanto na may hawig si Tito Cielmo at Yosel. Siguro pagtanda nito at ganoon rin ang itsura kay Tito.

Nakasuot ito ng gray polo shirt at itim na pantalon. Puting sneakers na may pamilyar na tatak, halatang mamahalin. Bagong ligo na rin ito dahil medyo basa pa ang buhok, dahilan kung bakit nawala ang mga takas ng hibla ng buhok sa noo nito at kitang-kita iyon ngayon.

Ngunit bago niya pa ako mahuling sinusuri siya ay umiwas na ako ng tingin at itinuon ang mata sa mesa.

Nang marinig ko ang pagtunog ng upuan sa gilid ay napatingala ako kay Tatay.

"Gising ka na, Yosel. Masarap ba ang naging tulog mo?" tanong nito.

Marahan na tumango si Yosel nang makalapit na sa mesa. "Opo. Magandang gabi po." magalang na bati nito.

"Magandang gabi rin. Mabuti naman kung ganoon, nakabawi ka na ng tulog." umakbay si Tatay sa akin. "Ito nga pala si Geneva, anak ko. Hindi kayo naipakilala sa isat-isa kanina dahil tulog pa siya nang dumating kayo." ani Tatay.

Dumapo ang mata ni Yosel sa akin at bahagyang tumaas ang kilay niya sa huling sinabi ni Tatay.

My eyes also widened in fraction.

Akala ko may sasabihin siya o ibibisto niya ako kela Tatay, na tumakbo ako kanina pabalik sa kwarto bago nila ako nakita. Na gising na ako ng mga oras na 'yon. Pero hindi siya kumibo.

Lumapit si Tito Cielmo kay Yosel. "Geneva si Yosel. At Yosel si Geneva." pakilala niya sa amin. "Magkaedad lang pala kayo, sana ay magkasundo kayo habang nandito kami sa Astalier."

Matamis akong ngumiti upang hindi na sila mag isip ng kung ano.

Bumalik ang mata ko kay Yosel at parang may bumara sa lalamunan ko nang mahuli itong nakatitig pa rin sa akin.

Kanina pa ba 'yan?

"Nice to meet you." tipid at malamig na wika nito.

Binuksan ko ang bibig at sinara muli, bago tuluyang nakapag salita. "N-Nice to meet you rin..." mabait na sagot ko.

"Kain na! Umupo na kayo at kakain na tayo!" dumating na si Nanay kasama si Tita Ynesa galing sa kusina, dala-dala ang mga pitsel ng juice.

Nagdasal muna kami bago nagsimulang kumain ng hapunan. Umikot lang rin sa kwentuhan tungkol sa buhay nila Tatay noong nagtatrabaho siya abroad.

Ganun lang ang naging usapan nila hanggang lumalim ang gabi. Nang matapos kumain ay tumulong muli ako kay Nanay at Tita Ynesa sa pagliligpit.

Nagpaalam na rin akong umakyat sa kwarto upang magbihis at magpahinga na. Naramdaman ko na rin kasi ang pagod. Hindi ko na rin nakita si Yosel pag akyat ko, baka nagpapahinga na ulit.


Kinabukasan ay maaga kaming nagising upang mag simba. Gamit ang sasakyan ni Tito Cielmo ay iyon na ang sinakyan namin papuntang bayan.

Linggo-linggo kaming nagsisimba nila Tatay at ganun rin daw sila Tito Cielmo sa ibang bansa. Doon rin ata sila naging malapit ni Tatay.

Sa may bandang likod umupo si Yosel mag isa, sa gitna naman ako kasama sila Nanay.

Nang makarating kami sa simbahan ay sakto simula na ang service. Tahimik rin akong nakinig ng preaching at worship songs. Nagdasal rin ng mataimtim at nagpasalamat sa Diyos sa buong isang linggo pag iingat, katapatan at biyaya niya sa amin. At sa mga bago kong nakilala.

Nasa iisang hilera lang kami ng upuan. Nasa kabilang dulo si Yosel kaya hindi ko siya nakikita. Kahit sa paglabas namin ng simbahan ay mailap ito at tahimik lang.

"Sa labas na tayo kumain." yaya ni Tito Cielmo dahil tanghali na.

"May alam akong masarap na kainan. Sa Kubo Pansitan na lang tayo." ani Tatay.

Naglakad na kami patungo sa sasakyan nang mapansin kong naiwan sa pwesto namin si Yosel. Malayo ang tingin nito at parang may iniisip.

Pinagdikit ko ang dalawang labi bago lumapit sa kanya. "Yosel... Aalis na tayo." tawag ko.

Agad rin naman niya akong nilingon. His eyebrow twitched when he saw me standing infront of him. Umiwas ito ng tingin at tumango.

"Sure, let's go." tugon nito at naglakad na rin paalis.

Hanggang sa makarating kami sa Kubo Pansitan ay hindi ito umiimik kung hindi kakausapin ni Tita Ynesa.

May iniisip kaya siya? May problema ba? Baka na hohomesick?

Hindi kasi lumalabas ng bahay kaya hindi naaaliw.

Kung igala ko kaya siya? Para sumaya-saya naman siya at hindi masayang ang pagpunta niya rito sa probinsya.

Naka upo na kami at katapat ko siya ng pwesto. Pasimple akong tumitingin sa kanya at sa loob ng ilang minutong pag aantay ng pagkain ay nag cecellphone lang ito.

Gusto ko sana siyang kausapin. Pero paano naman kung busy siya sa cellphone?

Hanggang sa magdatingan ang mga pagkain at hindi ko na siya nakausap. Hindi ko talaga alam kung paano sisimulan.

Habang kumakain ay panay pa rin ang pagsulyap ko sa kanya. Bumaba ang mata ko sa plato nito at nakitang kanin at liempo lang ang kinuha niya.

Madaming inorder si Tito Cielmo tapos isa lang ang ulam niya?

"Masarap iyong pansit. Specialty nila dito." basag ko sa awkward na atmospera namin.

Huminto ito sa pagkain at hinarap ako.

"Ito rin! Pininyahang na manok! Sobrang sarap niyan!" patuloy ko.

"Masarap rin halo-halo nila dito! Leche flan paboriro ko! G-Gusto mo ba?" pagbabakasakali ko ulit kung sasagot ba siya pero wala.

Nanatili akong nakatitig sa kanya. Ilang segundo ang lumipas at hindi ito nagsalita. Kumurap-kurap ako.

"Okay," walang ganang sagot nito ang nagpatuloy sa pagkain.

Hindi makapaniwala ko siyang tinignan. Woah. Pakiramdam ko nag aakyatan ang dugo sa ulo ko.

Napaka sungit!

Hindi ko inalis ang titig sa kanya. Noong una akala ko mahiyain lang siya kaya hindi nagsasalita. Baka may problema siya o iniisip kaya ang layo ng tingin! Gusto ko lang naman siyang tulungan na mag enjoy sa bakasyon niya.

Pero parang mali ako ng interpretasyon.

Bumalik ang mata niya sa akin nang maramdaman ang matalim kong titig sa kanya.

"Okay." paggaya ko sa tono niya at iniwas na ang tingin. Nagpatuloy na lang ako sa pagkain at hindi na rin siya kinibo.

Buong maghapon kaming nasa bayan. Gumala at ipinakita ang mga magagandang tanawin kela Tito Cielmo.

Tahimik lang ako hanggang sa mapagdesisyunan nang umuwi ng bahay. At ganun rin ang isa pa naming kasama.

Pero nakikita ko siyang nakikipagkwentuhan kela Tatay Emer. Mananahimik lang minsan, pero pag nagustuhan ang lugar ay nagsasalita naman.

Ang hirap niyang basahin.


Gabi na nang lumabas ako sa kwarto dahil sa pagpapahinga. Naubos ang lakas ko sa lahat ng gala namin at mainit rin kanina. Hindi na ako kumain ng hapunan dahil busog rin ako.

Bumaba ako sa kusina at madilim na rin. Tulog na siguro sila Tatay dahil sa pagod.

Bumangga pa ako sa upuan dahil hindi ko masyadong makita ang daan. Hinimas ko iyon at pilit na hindi napa sigaw dahil baka magising sila.

Kukuha lang naman ako ng gatas pang patulog. Kahit medyo masakit pa ang bewang ay naglakad na ako patungo sa ref para kumuha ng gatas ng kalabaw.

Binuksan ko iyon at kukunin na sana ang gatas nang maagaw ang atensyon ko ng isang malaking paper bag na may pamilyar na tatak. Ang ilaw galing sa ref ang nagsisilbing liwanag sa buong kusina.

Agad na kumalat ang aroma sa paligid at alam ko agad na galing iyon sa pansit.

Kubo Pansitan

Basa ko sa nakasulat sa paper bag.

Nag take out pala sila Nanay? Hindi ko napansin kanina. Bigla tuloy ako natakam.

Pwede siguro akong kumain? Konti lang tutal hindi ako nag hapunan.

Kinuha ko ang paper bag kasabay ng pagkalam ng sikmura ko. Gumuhit ang ngiti sa aking labi. Iinit ko na lang ito.

Isasara ko na sana ang pintuan ng ref nang biglang may nagsalita sa likod ko.

"That's mine." isang malamig at pamilyar na boses ang halos magpatalon sa akin sa gulat.

Impit akong napa sigaw.

Umikot ako at hinarap siya. Kumabog ng malakas ang puso ko at nilagay ang isang kamay sa dibdib.

Ilang pulgada lang ang layo niya sa akin. Kung hindi dahil sa ilaw mula sa ref ay hindi ko makikita ang mukha niya. Ang malalalim nitong mata na mariing nakatitig sa akin.

"A-Ang alin?!" habol hininga kong tanong.

Bumaba ang mata niya sa hawak kong paper bag. Napalunok ako nang bigla itong tumungo palapit sa akin at nahigit ang hininga ko nang lumapat ay kamay niya sa kamay ko.

Akala ko kung anong gagawin niya nang bigla niyang hablutin ang paperbag sa kamay ko. Nanuot ang panlalaki nitong pabango sa ilong ko dahilan upang hindi ako makapalag.

Sandali pa itong hinarap ang mukha sa akin nang makalapit siya.

Bumagal ang paligid at tuluyan niya nang naagaw ang pagkain at nakalayo sa akin.

Kung hindi pa tumunog ang ref dahil sa matagal na pagkakabukas ay hindi ako matatauhan!

Palayo na siya nang magsalita ako.

"P-Paanong sa'yo iyan?! Akala ko ba ayaw mo?"

Tumigil siya at hinarap ako. Lines showed on his forehead and his brows furrowed.

"Sino may sabing ayaw ko?"

Continue Reading

You'll Also Like

330K 11.8K 53
Anhay Sharma:- Cold business tycoon who is only sweet for his family. He is handsome as hell but loves to stay away from love life. His female employ...
3.5K 257 19
A/n:- Y'ALL HOW TF DID WE LAND #1 IN ×reader WHATTTTT SEROUSLY THANKYOUUUUUUU, anyways back to the normal description:- This is Y/n, just a normal gi...
Laro By clara

Fanfiction

15.7K 350 54
Isa, Dalawa, Tatlo. Iiwanan mo ako.
242K 14.2K 36
Earth, Water, Air, Fire, Lightning, Ice and Metal. An Argent Eye is chosen by only one. Two? A rarity. Three? Unheard of. All seven? Impossible. Or i...