iMessage
Nixon
Today
Nixon:
Balita sa biglaan mong lakad dude
Nagkita ba kayo ni malee?
Jameson:
Pauwi pa lang ako, pogi
Dito pa ko sa restau
Tulala hahaha
Oo nagkita kami
Nixon:
Oh? Nakapag-usap na kayo? Sana sulit pagmamadali mo magpunta dyan haha.
Jameson:
May 2 good news at 2 bad news ako
Ano gusto mo mauna?
Nixon:
Kahit ano. Pasuspense ka pa eh.
Jameson:
HAHAHA
Good news
Ako nga yung crush 😁
Bad news
Muntik ako mareject dahil ayaw magtaksil sakin 😳
Nixon:
Ha? Ano?
Jameson:
HAHAHA
Ako nga yung crush, Ortegs
Yung sinasabi niya nung una na gusto niya
Ako rin pala HAHA yung isang account ko nga lang
Tas kaya pala ako gustong iwasan doon sa account na yon
Dahil naman sakin din
Kasi nangako na raw siya sakin na sakin lang siya HAHA
Nixon:
Takte lalo akong nalito.
Jameson:
HAHAHA
Lupet ako rin nalito sa sarili ko
Dalawang beses ako muntik mareject dahil sa sarili ko, akalain mo yon? HAHAHA
Nixon:
Gulo naman nyan. Ewan ko kung yung sitwasyon yung magulo o magulo ka lang magkwento.
Jameson:
Bat di ka pa sanay? E diba si retsam magulo rin kausap sa text?
Nixon:
Bakit, si Ran ka ba?
Sa kanya may oras ako. Sa ganito mo, wala
Jameson:
Awit pogi
Kaselos
Bigyan mo rin ako ng oras pls 🥺
Nixon:
🤦🏻♂️
Ano yung isa pang good news at bad news?
Jameson:
Ayon
Bad news
Di pa kami
Pero good news
Pwede na talaga ako manligaw bilang si Jameson lolol di na niya ko lalagyan ng pader
Nixon:
Oh? Di pa kayo?
Sa bilis mo umalis kanina, kala ko magmamakaawa ka na maging kayo eh.
Jameson:
Luh gawain ko yan noon, di na ngayon 😚
Jameson:
Gusto ko sana bigyan ng tamang oras to
Si Malee na to eh
Tsaka di pa nga ako matingnan nang diretso, lods
Kada lumalapit ako
Tumitigil pa rin sa paghinga haha ang cute cute talaga
Jameson:
Tsaka ayoko rin maging kami hanggat kuya pa tawag sakin 🤪
Nixon:
Hahaha gusto ka pero kinukuya ka pa rin? Good luck talaga sayo, dude.
Pero nakakapanibago ka.
Sa sobrang bilis ng mga ganap mo sa mga dati mong relasyon, naninibago ako na talagang manliligaw ka nga ngayon. Yung mga dati kasi, hinabol at niluhuran mo rin naman pero parang di naman kayo nagsimula sa ligawan?
Jameson:
Yak
Wag na natin ibalik nakaraan
Tapos na ko sa magmamakaawa ako na ako piliin :))
Tapos na yan, pogi
Kasi pinili na ko
Twice pa HAHAHA
Jameson:
Napakainosente nito
Nanghihinayang ako na hinayaan ko masira yung sakin para sa maling babae hays
Nixon:
Ikaw eh.
Ayaw mo papigil noon eh.
Sinabi na namin sayo na pineperahan ka lang ng mga yun eh. Yung iba, ginawa ka pang rebound at pampa-inflate ng ego nila. Nairita din talaga kami nina Xavi na ginanon ka ng mga yun eh.
Pero ang maganda naman, dude.
Natuto ka. Tingnan mo.
Nung nagfocus ka sa trabaho tsaka naman may dumating na para sayo.
Jameson:
Kaya nga, lods
Blessing talaga ng Late Drive sakin
Daming inayos sa buhay ko witwew
Kaya wag na wag ka na magsasabi na aalis ka sa banda ha
Matinding fangirl ang baby ko
Iiyak to pag nalagasan tayo 👊🏻
Nixon:
Hahaha. Di ko na uulitin yun. Pasensya na ulit doon. Napagalitan na ko ni Ran dyan. Wag na natin ungkatin.
Jameson:
Retsam 👊🏻
Ang tanging di korni sa buhay mo 👊🏻
Nixon:
Hahaha gago.
Uwi na.
Celebrate tayo.
Jameson:
Ow
Wowers nag-aya
Good mood ka yata?
Nixon:
Di naman. Di lang ako makatulog.
Nakatulugan yata ako ni Ran eh. Di na sumagot sa text ko.
Jameson:
Parang yan lang? Hina mo naman, lods
Sana sinendan mo nito?
Jameson:
Nixon:
Haha gago. Uwi na.
Jameson:
Aw haha gege
Ito naman si pogi aga magbagsak ng curfew
Wait lang
Drive pa ko pauwi
Jameson:
Tulala pa ako ngayon
Kinikilig pa rin ako luh HAHA
Nababasa ko tweets
Ganon pala pakiramdam magustuhan nang sobra :)))
Jameson:
Dati ako lang ganon
Jameson:
Sarap pala maranasan hahaha
Nixon:
Bagay din kayo. Parehas kayo sobra sa sobra kung mag-effort.
Ingatan mo yan ah.
Mayayari ka kay Milly pag umiyak yan.
Jameson:
Sa saya 🤪
Wala ako magagawa kung iiyak siya sa saya :p
Galing kong magmahal
Iyak lundag talaga to
Nixon:
Hahaha oo na.
Ingat pauwi.
Wag palipad lipad isip baka mapano ka sa daan.
Jameson:
May bebe na ko pero
Kinikilig din ako sayo, Ortegs
Ikaw pa rin mwah 🤪
Nixon:
Namo. Bye na.
Jameson:
HAHAHAHA si pikon
Hays parang ayoko umuwi
Kung wala lang kasama to eh
Sa kanya sana ako uuwi eh
Kaso baka parehas kaming di makatulog sa kaba HAHA
Jameson:
Cute talaga, Ortegs
Sobrang cute ni Malee
Kada pumipikit sa kaba
Kinakagat din labi niya
Lalong pumupula tuloy
Hahaha hays
Jameson:
Ano kaya feeling
Jameson:
Pano kaya kung tinuloy ko
Jameson:
Haha hays
Jameson:
Dapat susubukan ko kaso kinabahan din ako witwew
Jameson:
Di na nga makahinga sa tabi ko
Jameson:
Baka ako naman lalo ang di makahinga kapag sinubukan ko halikan tapos maramdaman kong mas nagpanic siya nang sobra
Jameson:
Ang cute
Jameson:
Ang cute cute ng pangga ko
Jameson:
At ang sarap sarap yakapin
Jameson:
Lalo na nung kinurot niya damit ko at tinago mukha sa dibdib ko
Jameson:
Hays, Ortegs
Jameson:
Sarap magmahal ulit
Jameson:
Sarap magmahal ng karapat-dapat na tao 😁
Nixon:
Hahaha. Tama.
Jameson:
Relate ka shemperds
Ikaw rin eh
Kaya nga crush mo ko diba pogi
Tanga man ako
Kasama naman kitang naging tanga non HAHAHA
Nixon:
HAHAHA! Kaya nga. Kaya kahit magulo kami ngayon, ilalaban ko. Di na ko uulit sa mga pagkakamali ko.
Kung magpapaka-martyr man ako, dito na. Dito lang.
Jameson:
Yan ang tama!
Ilaban mo yan!
Ako rin lalaban
Hanggang dulo na to 👊🏻