Ethereal Realms: Tales of Enc...

By IzumiScarlet14

144 16 5

A story of an 18 years old teen girl who loves to read books, especially the fantasy genre. Until one day, sh... More

Work of Fiction
Prologue
Chapter 1
Chapter 3

Chapter 2

18 3 0
By IzumiScarlet14

Chapter 2: Photograph

Lucas' confession for me still lingers fresh in my mind. However, despite that, I can't properly explain how I literally feel. I just go blank whenever I remember about that. Also, I find it really uncomfortable when he suddenly touches my hands.

Fortunately, I was able to voice that to him and he sincerely apologised to me.

But thinking about his actions earlier was like I'm facing a different person. Perhaps, I'm just adjusting to his actions before he confessed to me.

Until now, I still have no response. He has already dropped me off at home with everything he bought for me. We even have done everything- hang out rather. But still, I have no response to him.

Dumiretso ako sa kwarto. Hindi muna ako nagbihis ng bagong damit. Ang ginawa ko sa ngayon ay pabagsak akong humiga sa kama. Nakatingin lang ako sa taas. Malalim ang iniisip.

Natauhan ako nang biglang nag vibrate ang cellphone ko sa tabi. Kinuha ko 'yon at binuksan para tingnan kung sino ang nag chat sa akin.

... Sana siya...

Teka...

"I'm sorry if I made you uncomfortable earlier. I promise I won't do that ever again."

"OH MY GOD- ARAY!!" Nahulog sa mukha ko ang cellphone dala ng gulat. Takte, ang sakit tuloy ng buong mukha ko dahil sa bigat ng cellphone na tumama sa akin.

Bumangon ako pagkatapos at inayos ang upo ko sa kama. Pinindot ko ang iba pang messages niya para mabasa ko ang iba pa niyang sasabihin.

Natulala na lang ako sa mga messages na ipinadala niya sa akin. Hindi ko rin alam kung ano ang irereply ko.

Napukaw ng atensyon ko ang mga paper bags na nakalapag lang sa gilid ng kama. Hindi ko pa sila nabubuksan simula nang umuwi ako dito sa bahay.

Mas inuna ko pa ang magmuni-muni muna dito sa kwarto kaysa sa magbasa ng mga libro na nabili namin.

Muling tumunog ang cellphone ko. Nang buksan ko ito ay nakita ko na naman ang panibagong chat ni Lucas sa akin.

Oh crap. Nakalimutan ko nga palang magreply!

Pero hindi 'e. Hindi na ako dapat pang mag-aksaya ng oras para lang pumindot at magreply sa mga chats niya sa akin.

He also knows that I'm busy reading books so I wasn't able to reply to him as soon as possible.

Nilapag ko ang cellphone sa gilid ng kama. Natulala na lang ulit ako sa mga paper bags. Kinuha ko na lang sila para tingnan ang mga pinamili namin na mga libro.

Huli ko na lang nalaman na hindi lang pala libro ang nilibre niya sa akin. Mayroon din pala siyang mga kinuha na mga school supplies para may magamit pa ako. Hindi ko lang siguro napagtuunan ng pansin dahil mas nawiwili ako kakapili ng mga bagong babasahin na libro.

Hindi ko namamalayan na nakangiti ako habang tinitignan ang libro. Hindi ko alam kung dahil ba sa mayroon na naman akong nabili. O baka dahil sa mga nagawa namin ni Lucas kapag magkasama kami.

Alam ko.... alam ko na may gusto siya sa akin. Pareho kaming single.

Ngunit ang pinagkaiba namin, siya ay marami nang nareject na mga babae. Samantalang ako naman ay wala pang nireject dahil wala pa ang nagtangka na manligaw sa akin.

I've been an aspiring reader since I was a kid. Expected na sa akin na mataas ang standards ko sa isang lalaki dahil na din sa mga nabasa ko mula sa ebooks at iba pang mga libro.

But him? Yes, him.

For now, I don't know what to tell him. I still have no response- which is wrong.

I only want him to give me space. Since we are also preparing for our examination. I need to review my notes.

Inayos ko ang lahat ng libro sa bookshelf. Hiniwalay ko ang mga makakapal sa mga maninipis para hindi ako mahirapan kung sakali man na maisipan ko na basahin sila. Nang matapos na ako sa pag-aayos ay saka ko lang napagtanto na wala na palang panglalagyan ang libro na matagal kong pinangarap na bilhin.

Binalingan ko ang libro na nakalapag sa swivel chair. "Shocks. Saan ko naman 'to pwedeng ilagay?" tanong ko sa sarili.

Kinuha ko ang fantasy book at nilagay na lang muna sa mini bookshelf. Puro mga educational books at dictionaries ang nandoon. Pero nasali lang 'tong fantasy book sa kadahilanan na wala na ngang paglagyan sa main.

Humiga ako sa kama at tumingin sa taas. Iniisip ko pa kung paano ko i-manage ang oras ko nang sa ganun ay may oras pa rin ako na mababasa ko pa rin ang bagong bili na libro.

Sa kakaisip ko ay bigla na naman sumagi sa isip ko ang confession ni Lucas. Na hanggang ngayon ay hindi pa rin ako tinitigilan ng utak ko.

Kaya din siguro napapansin niya na bigla akong na-space out habang nasa byahe kami.

Sinampal-sampal ko ang sarili para mawala 'yon sa isipan ko. Sa kakagulong ko sa kama ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Kinabukasan, maaga akong nagising. 3 am. Ganyan talaga ako mag-alarm. Morning classes kase ang Grade 12 dito sa amin kaya kailangan bago mag-alasais ay nasa classroom na.

Bawal ang late. Kapag na-late ka ay may bawas na 'yon sa grades mo sa isang quarter.

Tulog pa ang lahat ng tao, samantalang ako ay gising na. Pinipilit na gisingin ang sarili kaya uminom na lang ako ng kape.

Nakatulala. Gulo-gulo pa ang buhok. Wala din sa sarili at higit sa lahat ay paulit-ulit na humihikab.

Kahit na umiinom ako ng kape ay nakaramdam pa rin ako ng antok. Masyado yata akong nagising ng maaga kahit ang pasok talaga namin ay 5 am pa.

Pagkatapos kong ubusin ang kape ay hinugasan ko ang pinag-gamitan ko na tasa. Nagbuhos na din ako ng mainit na tubig mula sa takure at hinalo 'yon sa malamig na tubig. Lumipas ang ilang minuto ay tuluyan nang naging maligamgam ang tubig.

Medyo matagal din bago ako tuluyang natapos sa pag-aayos sa sarili. Kumpleto na ang lahat. Ang tanging ginagawa ko na lang ngayon ay nagsusuklay ng buhok.

Kusang tumingin ang mga mata ko sa cellphone ng bigla itong tumunog. Bumungad kaagad ang message ni Lucas sa akin na susunduin niya ako para sabay na kami pumasok.

Hindi ako nag-atubili na replayan siya. Same grade but different strand kami. Yet, hindi naman naging hadlang 'yon sa pagkakaibigan namin.

I guess we will choose different paths after our graduation. That thought was sad. But that's life. We choose different paths so that we will continue our journey in life.

4:30 am na. Narinig ko na rin ang busina ng kotse mula sa labas ng bahay namin. Marahil ay si Lucas na 'yon at nag-aantay lang. Sakto lang din na naabutan ko si mama na gising na.

"Ma, alis na po ako." Paalam ko.

Tumingin siya sa akin. May kinuha muna ito sa bulsa niya at inabot sa akin ang 100 pesos. "Oh eto. Pasensya na at 'yan lang ang baon mong pera. Hindi pa kase ako sumasahod kaya gipit na din tayo ngayon."

Hinawakan ko ang kamay niya at ibinalik sakaniya ang pera. "Okay lang po. Mayroon pa naman po ako dito kaya hindi mo na kailangan pang isipin ang ibibigay mo sa akin."

"Sigurado ka?"

Tumango ako. "Gamitin mo muna 'yan para sa baon ni Dahlia," napatingin ako sa pintuan nang marinig ko ulit ang busina ng sasakyan. "Aalis na po ako ma. Mamaya na lang po ulit!"

Nagmamadali ako na suotin ang bag ko at dalhin ang long plastic envelope. Bago pa man din ako tuluyang makalabas ng bahay ay narinig ko pa ang huling sinabi ni mama.

"Mag-ingat kayo!" Habilin ni mama sa amin.

Bumungad sa akin si Lucas na nakatayo. Nakasandal pa siya sa sasakyan niya na bukas ang pinto. May hawak siya na pocketbook na binabasa pa niya.

"You're late," saad niya nang hindi man lang ako tinititigan.

I see. He's doing the same thing he used to do as always.

Nagulat ako nang may mahagip ako na nagflash sa akin. Doon ko lang nalaman na pinicturan niya pala ako at talagang may flash pa ang cellphone niya.

"You look beautiful here," aniya. Pinakita pa niya sa akin ang litrato ko sa cellphone niya.

Ngumiwi ako. Mukha akong haggard sa itsura ko. "Delete mo 'yan. Para akong tanga at haggard diyan."

Bahagya siyang natawa. "Bakit? Ang ganda naman ah. Look!"

Tamad ko siyang tinitigan. "Nakita ko na. Mukha pa rin akong haggard kahit na papasok pa lang tayo."

Lumakad ako para sana ay pumasok na sa loob ng kotse niya. Pero nang marinig ko na sinitsitan niya ako, doon ako napatingin sakaniya.

Nagulat ako nang bigla kong marinig ang flash ng camera mula sa cellphone niya. Nakita ko na lang ang picture niya na kasama ako.

"Nakakainis ka! 'Yon naman pala ang plano mo para mapatingin ako sa 'yo at makapag-selfie na kasama ako!"

Tumawa ulit siya. "Ang ganda kaya! At saka tignan mo dito. Hindi ka na mukhang haggard!"

Bigla akong nacurious na tingnan ng malapitan ang picture, kaya hindi na din ako nagdalawang isip pa na lapitan siya.

Confirmed. Maganda nga ang pagkakakuha niya ng selfie-picture naming dalawa. Hindi rin gaano ka-seryoso ang titig ko sa camera.

That picture made me smile. Damn. Another memory to be made and not meant to forget.

Pumasok kaming dalawa sa kotse. Hindi ko pa rin maiiwasan na hindi ngumiti hanggang ngayon. Naaalala ko pa rin ang picture na nakita ko. Malamang ay hindi niya maiisipan na burahin 'yon.

Narating namin ang campus. Pinapasok kami ng guard dahil na din sa nakakotse si Lucas. Kailangan niya pang ipark 'yon sa parking lot ng campus para lang hindi siya masita.

Bago kami tuluyang maghiwalay ay sinabihan na niya ako na aantayin niya daw ako mamaya sa loob ng sasakyan niya. Hindi na ako nakasagot pa hanggang sa tuluyan na siyang nakapasok sa room niya sa 2nd floor.

3rd floor lang naman ang room ng mga strand ng HUMSS. Pumasok ako sa Room 3 at wala sa sariling umupo sa pinakalikod. Wala pa akong katabi. Malamang ay baka malate na naman 'yon.

Narinig ko ang pag vibrate ng cellphone ko mula sa bulsa ng palda. Nang buksan ko 'yon ay bumungad sa akin ang notification galing sa facebook.

"Lucas Augustine tagged you in a photo; Having a selfie with my best friend❤️"

Oh, so he uploaded the picture on facebook.

Natigilan ako nang biglang dumating ang teacher namin. Kaagad kong tinago ang cellphone pabalik sa bulsa ng palda ko't tumingin sa harap.

Wala naman kaming masyadong ginawa. Nag-discuss lang ang mga teacher namin ng mga lessons. Bawat teacher na nagturo sa amin ay sinasabi na magreview para sa darating na examination.

'Yon na mismo ang final exam namin. Proceed to graduation na kami pagkatapos.

Tinapos nila ang class hours. Tanghali na din ng tuluyang nag dismiss ang last subject teacher namin. Tulad ng iba, sinabihan din niya kami na magreview at ipasa ang mga requirements na dapat ipasa sa subject niya.

Napatingin na lang ako sa cellphone ko. Alas-dose na din. Malamang ay nauna na si Lucas sa kotse niya para lang hintayin ako.

Shocks. Nararamdaman ko na ang pressure. Hindi ko pa rin alam hanggang ngayon kung paano ko i-manage ang time ko.

"Akira!" Lumingon ako sa dalawang babae na nakatayo malapit sa pintuan ng room. Nakangiti sila sa akin. "Mauna na kami. Ingat ka sa pag-uwi mo!"

Kumaway ako saka ko sila ningitian. "Ingat din kayo."

Time flies so fast..

No one realized that..

Tulad ng palagi naming ginagawa ay hinahayaan pa rin ako ni Lucas na sumakay sa loob ng kotse niya. Hinahatid niya rin ako sa bahay at sinisigurado ba kung ligtas ba ang seguridad ko sa bahay.

Sa loob ng mahigit isang linggo ay nasa i-isang bagay lang ang pokus namin, paghahanda para sa final examination at ang paghahanda sa mga requirements.

1 week before the exam kase ay kailangan na daw talagang maghanda ang lahat para sa mga requirements na kailangan ipasa.

1 week of being busy yet Lucas still managed to check on me. He always sent a message questioning my condition if I was still doing fine or if there's a new problem with my family.

Luckily, none of them have happened so far...

At dahil na din sa dami ng mga ginagawa namin. Na kailangan pang asikasuhin ang mga requirements para sa graduation namin ay nakakalimutan ko nang kausapin si Lucas. Hindi ko na maisingit ang kaunting oras ko para replayan siya sa mga messages niya sa akin.

Ginagawa ko pa rin ang lahat ng makakaya ko para pumasa lang sa lahat ng subject.

Ginagawa ko din ang makakaya ko para maging proud sa akin sina mama at papa.

Ngayon ay araw ng Linggo. Mayroon na lang akong natitira na kaunting oras para pumasok ulit kinabukasan. Ngayon na lang ulit ako nagkaroon ng vacant time.

I randomly read a book to ease my boredom. Just then, I found myself smiling while reading as I got excited for the female and male lead to kiss each other.

Shocks.

Eto na..

Eto naaaaaaaaa.

Waaaaaaaaaa!!

"Akira! May bisita ka!"

Binaon ko ang mukha sa unan at sumigaw. Ayaw na ayaw ko pa naman na may nang-iistorbo sa akin habang nagbabasa ako.

Lalo na kapag 'ang nababasa ko ay ang mga nakakakilig.

"Ma naman 'e!" Magkikiss na sana sila 'e!

Tumayo ako para lumapit sa pintuan ng kwarto ko. Sakto naman na pagkabukas ko ng pinto ay bumungad sa akin si mama na kasama na si Lucas. Gulat pa ang mukha ko habang nakatingin sakaniya.

"H-hi- anong ginagawa mo dito?" Utal ko.

"Dito na daw muna mananatili si Lucas. Gusto ka din niya kausapin." Dumako ang titig ni mama sa kaibigan ko. Nakita ko pa siya na tinanguan niya ito kaya lalo akong nagtaka.

Nagmadaling lumayo sa amin si mama na lalo kong pinagdudahan. "Teka, ipaghahain ko muna kayo ng makakain." aniya at bumaba na ng hagdan.

Naiwan kami ni Lucas dito. Nakatayo pa rin siya sa harap ng pintuan ng kwarto ko na para bang naghihintay na papasukin ko siya.

"Pasok ka," ani ko para makapasok na siya at makaupo na sa upuan. "Pasensya na. Hindi pa ako nakakapaglinis simula pa no'ng nagising ako kanina."

"I see. Well I guess, you read a book again?"

"Paano mo alam?" Ipinakita niya sa akin ang libro na nakapatong lang sa unan ko. Napa-buntonghininga na lang ako.

"Tungkol saan ba 'to?" Tanong niya habang binabasa ang nilalaman ng libro. "Oh wait. How's your day? Tapos ka na ba sa lahat ng requirements niyo?"

Hinila ko ang swivel chair at umupo doon. Pinaikot ko pa ang sarili sa swivel at pasimpleng ngumiti.

"Stressed, as usual." Sagot ko. "You know. Noong nakaraan ay sumabak kami sa Work Immersion para magkaroon ng grades. Nakakapagod din."

"Rest is the important thing to do. Keep that in your mind, Akira."

Hindi ko na siya sinagot pa. Nililibang ko lang ang sarili sa pamamagitan ng pag-ikot sa inuupuan ko. Nakakaenjoy naman talaga.

Nakisuyo pa nga ako kay Lucas na itulak ang swivel chair para lang bumilis ang ikot nito.

Para akong bata na tumatawa dahil sa patuloy na pag-ikot ng swivel chair. Pero nakakahilo din, kaya nang huminto na ito sa pag-ikot ay huminto na din ako.

"Nga pala, sinabi ni mama na may sasabihin ka daw sa akin? Ano 'yon?"

Napalitan ng pag-aalinlangan ang mukha niya nang tanungin ko na siya. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang ang reaksyon niya.

May nagawa ba akong mali nang hindi ko namamalayan?

"You know about my parents and the company they've running to, right?"

Tumango ako.

Bumuntonghininga siya. "My parents want me to continue my study in New York. They want me to study there for college."

Natigilan ako dahil sa sinabi niya. Parang may biglang tumusok sa puso ko na naging dahilan ng pangingilid ng luha ko sa mga mata.

Gayunpaman, sinubukan ko ang lahat ng makakaya ko para hindi ako tuluyang umiyak sa harap niya.

"G-great!" I was holding back my tears. "Maganda 'yon! Just imagine studying there for college. Di 'ba pangarap mo din 'yun simula pa dati?"

"Akira-"

"Congratulations, Lucas. You finally reach your dreams."

"Please, let me-"

"Makakapag-aral ka na sa New York! Masaya ako para sa 'yo!" Hindi ko alam o hindi ko maipaliwanag ang talagang nararamdaman ko ngayon.

Oo. Masaya ako para kay Lucas. Pero ayoko din na lumayo siya sa amin- sa akin.

"Remember our deal we made 3 years ago?" Nabigla ako sa tanong niya. Kakapunas ko lang din ng luha ko sa palihim na paraan para hindi na niya mapansin na naiiyak ako sa mga oras na 'to. "No. It's not a deal though. It's my promise."

Kumunot ang noo ko sa narinig. Hindi na rin ako nag-atubili pa na magsalita dahil sa pakiramdam ko na bibigay ako sa anumang oras.

"Y-you confessed to me." Bulong ko. "You gave and made me feel those 5 love languages I've never felt from my father. You even assured me of everything I doubted about."

He nodded.

"Yet, all of a sudden, you are telling me na aalis ka para mag-aral sa ibang bansa.."

"Only if you knew how much I love you." He said.

Dahil doon ay mas lalo akong natigilan.

Is it really love?

Lucas is my childhood friend, and is my first love- my greatest love I've ever had.

I supported him for everything he wanted to do, and he did the same thing to me.

But if Lucas really wants to let me know how much he loves me..

Then I guess, it's my time to convey my answer to him.

Nabalik ako sa reyalidad nang hawakan niya ang kamay ko. Maingat niya itong hinawakan na para bang kinokonsulta niya muna kung magiging okay ba sa akin ang paghawak niya.

"After graduation, we will leave to travel to New York. That's the time they will enrol my name there just to continue my studies, to pursue my course."

Nanatiling tikom ang bibig ko.

"Pero kahit na magkalayo man tayo, atlis mayroon namang internet para makapag- usap tayong dalawa. Video calls, chats, etc. Marami namang paraan."

Tumango na lang ako.

"And my confession, just fo-"

"I love you too." Sa wakas, nakakuha na din ako ng lakas ng loob at tiyempo para masagot ang pag-amin niya sa akin.

Inobserbahan ko lang siya. Nakita ko kung paano siya natigilan sa sinabi ko. Kung paano napalitan ng gulat ang mukha niya. Kung paano nabahiran ng hindi makapaniwalang ngiti ang labi niya.

That's right. That's my exact expression when he confessed to me. But then, I didn't even bother to convey my answer to him. Instead, I tried my best to ignore him.

"Akira? Is this really-" hindi niya natapos ang itatanong niya nang tumango ako.

Ngumiti siya. Lumawak din ang ngiti niya. Parang akala mo ay may sumagot sakaniya ng 'yes' nung nagpropose siya.

Sa kabilang banda, hindi ko napansin na magkalapit na pala sa mukha namin sa isa't isa. Nasa dibdib niya na ang kamay ko. Hawak-hawak pa rin niya at humigpit na ito ngayon.

At sa isang hakbang, isang pangyayari ang hindi ko inaasahan ngayon.

I felt his lips on mine.

As it was supposed to be a short kiss, but for some reason, I found myself pulling him for a long and tight kiss.

Continue Reading

You'll Also Like

7.7M 352K 65
For years angel academy has taught students of all races and ability's, angels, werewolves, vampires, dragon riders, you name it. The school was cre...
36K 554 15
DELULU & GUILT PLEASURE
224K 8.9K 31
""SIT THERE AND TAKE IT LIKE A GOOD GIRL"" YOU,DIRTY,DIRTY GIRL ,I WAS TALKING ABOUT THE BOOK🌝🌚
9.3M 648K 82
[ BOOK 1 OF AZITERA: YTHER'S QUEEN ] Consumed by avarice, the four human kingdoms-the Infernal Empire, the Kingdom of Caelum, the Kingdom of Treterra...