Linking The Chains (Montereal...

Por redvelvetcakes

3.1K 76 10

Montereal Series #5 Mariabella Celestia Salvancia dreams big. From the start, she has set her eyes on her goa... Mais

Prologue
LTC01
LTC02
LTC03
LTC04
LTC05
LTC06
LTC07
LTC08
LTC09
LTC10
LTC11

LTC12

72 4 0
Por redvelvetcakes

LTC12

"Bakit ka naman magseselos?"

Hindi ko lang maintindihan. Bakit? Ano naman ikakaselos doon e parehas lang naman ang trato ko sa kanila ni Hawk? Mga kaibigan ko naman sila parehas.

His jaw clenched for a moment.

"Hindi ko rin alam," he said looking away. "Basta ayokong kasama mo siya."

"Hindi mo alam? Imposible naman—"

"Well fine, maybe I do like you. But so what? As if you feel the same way. Kasi si Hawk ang gusto mo diba?" he scoffed. "Why him? Is it because he can sing and he's a drummer?"

Naestatwa ako roon. Di ko maproseso ang narinig mula sa kanya.

Ha? Anong gusto niya ako?

"T-tara na... balik na tayo sa inyo." I muttered, not looking at him at all.

Hindi ko maintindihan. Siya? Magkakagusto sa akin?

He looked at me with his forehead creased.

"That's all you have to say? I confessed and you just want to ignore me, tama ba?" he looked a little annoyed.

"Drake, baka naman nakainom ka lang," I told him.

"Inom?" He scoffed. "I don't even drink anymore, because drinking doesn't even help me to forget you."

Umawang ang labi ko bago umiwas ng tingin sa kanya.

Ano ba ang ginagawa dito? Paano ba sabihin... sa maayos na paraan? Alam ko naman kasi na hindi ko pa siya gusto. Pa... and baka nga hindi na talaga dahil sabi nga ni inay... bawal.

Langit siya, lupa kami. Saan naman ako lulugar sa mundo niya?

Hindi naman ako tulad ni Mistize na maganda at mayaman. May kilalang pamilya at maayos na pagpapalaki. May nanay siya at tatay habang ako nanay na laging wala at tatay na ilang taon ko na hindi nakita.

Hindi rin ako si Meissa o si Akasha na maraming experience sa buhay. Hindi naman ako tanga. Alam ko naman ang mga ginagawa nila tuwing after uminom o tuwing may oras sila. The thought scares me to be honest.

Kasi alam ko na once nagkamali ako, wala na ako babalikan. Sila meron, e ako? Paano ako? Kaya ko ba talaga sumaya na hindi iniisip mga ganitong bagay?

Ang unfair naman. Talagang kahit sa larangan na ito may importansya pa rin ang estado sa buhay.

"Kakalimutan ko nalang sinabi mo. Wala ako narinig. Balik na tayo—"

He shook his head. "No, we have to settle this right now. Kasi pag pinagpaliban natin ito baka di ko na alam ang sasabihin ko sayo..." he held my arm. "I like you, Mariabella Celestia. So much."

Umiwas ako ng tingin. Ano ba dapat ko sabihin? I know I don't feel the same way yet. And I know where my priorities lie.

"Wag ako."

"Bakit?"

"Basta, wag ako. Sila nalang... sina Mistize, sina Meissa—"

"But they're not you," he said. "Ikaw ang gusto ko, Mace. Ikaw lang, hindi sila."

I sighed. "E, ano ba ang sainyo ni Mistize? Akala ko ba kayo?"

He stared at me, a small smile crept on his face. Kinunotan ko siya ng noo. Mukhang natutuwa naman siya sa narinig niya.

"Oh? Bakit ka nangiti dyan?" Inalis ko hawak niya sa braso ko.

"Nothing! It's like I'm seeing a different side of you. Ganyan ka pala pag selosa?" he smirked.

Kumunot lalo ang noo ko. "Ano?" iritado kong sabi.

"Walang kami ni Ize, matagal na. We're just friends now. It's her and Elijah... sila may problema. Nadadamay lang tayo."

"Pano ako nadamay?" I placed my hand on my waist.

"Kasi... trip ka ata ni Elijah. He likes you, I think. Kaya medyo nagselos si Mistize. E, ayaw ni Elijah na sa kanya kasi magulo daw. He wants to go out of the friendzone, but Mistize is skeptical about it."

Kinagat ko ang labi at tinalikuran siya. Nevermind that I don't know how to ride a horse. Gusto na agad bumalik kasi hindi ko na kayang tagalan itong si Drake.

"Hey, where are you going?"

"Babalik na."

"We're not yet done talking, missy!" Naramdaman kong nasunod siya sa akin.

"Wala na tayo paguusapan!"

"We do and we won't stop talking until we settle this," nauna siya sa akin at hinawakan ang braso ko para pigilan ako maglakad. "Just an answer. Do you like me or not?"

Umiwas ako ng tingin.

"You're avoiding me again."

"Dahil para kang sira." I mutter.

He chuckled. "It's just a question, Mace."

Tumingin ako sa mata niya. "Hindi kita mahal."

He nodded. "Hindi rin naman kita mahal... pa."

I sighed and shook my head. "Bakit ba kasi ako?"

"Well, bakit hindi ikaw?" sagot niya.

I scoffed. "Kung pinaglalaruan mo ako, Drake Montereal... wag ako. Marami pa ako pangarap sa buhay. Marami pa akong kailangan ma-achieve at marami pa ako kailangan unahin. Wala sa isip ko ang mga ganyang bagay at mas lalong wala ka sa isip ko."

Ngumuso siya at tumango. "Harsh."

"Kung ikaw may kalayaan na pumili ng kung sino gusto mo. Ako, wala. Nakaayos ang buhay ko hanggang sa huling pangarap ko. Wala ako balak mainlove o wala akong balak magkagusto sa tulad mo."

His forehead creased. "Ano ba ang tulad ko?"

"Mayaman."

Tumaas ng bahagya ang kilay niya nakatitig pa rin sa akin. He looked a little annoyed.

"So... that means hindi mo rin papatulan sina Hawk o Elijah? They're just like me..."

"Talaga bang 'yan lang ang nasa isip mo?!"

"What do you expect? You are close with them. E ako nga halos di mo na tingnan! What was I supposed to think, Mace?" sinubukan niyang kalmahan ang pagkasabi nito pero pansin kong naiinis na rin siya. "And for your information, I did not ask for this! Hindi ko naman ginusto na ipanganak akong may kaya!"

"Kaya nga, kaya sa iba ka nalang..."

"Ayoko... ikaw lang." he paused and looked away. Namula ang tainga niya, his fair skin gave it away. "Ikaw lang... ang gusto ko."

Bahagyang umawang ang labi ko bago kinagat ito at tinalikuran siya.

"Gusto ko na bumalik," I announced.

"Yeah, sakay ka na."

"Maglalakad ako."

"No. You are riding with me." he firmly stated.

Hinarap ko siya. "Ayoko nga."

Kunot na kunot ang noo niya. Lumapit siya sa akin kaya umatras ako. Agad niyang nahuli ang baywang ko at bigla akong binuhat.

"Drake!"

Hindi niya ako pinakinggan. Bigla niya nalang ako inupo duon sa kabayo.

"Umayos ka, baka malaglag ka pa."

"Sabing ayaw ko!"

Sinamaan niya ako nang tingin kaya nanahimik na ako. Ginawa ko na ang gusto niya at umayos rito. Umakyat din siya at pinulupot ang kamay sa paligid ko.

"Baka tumalon ka pa dyan," bulong niya sa akin.

Hindi na ako umimik. Sinubukan kong hindi isipin ang mga sinabi niya sa akin. Ni konting tingin hindi ko siya magawaran.

Tumango nalang ako at hindi pinansin ito. Tahimik kami buong ikot. Nang magkita kami nina Mavi ay wala pa sina Hawk.

"Nakita mo ba sila manong? Baka nawala na sila..." pag aalala ko.

"Wag ka na magaalala, Mace," ani Mang Jose. "Kaya na ni Mireille 'yon. Madalas siya rito dati. Lalo na nung nabubuhay pa ang Mama niya." nakangiting sabi ni Manong.

Oh. Wala na pala siyang Mama.

"Taga rito pala sila..." bulong ko sa sarili dahil kahit kailan hindi ko naman nakita si Mireille dito. Marahil dahil laking Maynila siya.

I noticed Drake looking at me so I chose to look away. Hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi niya sa akin. I mean, why me of all people?

Bumalik din ang dalawa at niyaya ko si Mireille sa amin. Apparently, wala na daw lugar sa mansyon. Kaya roon din siya sa kung saan matutulog si Hawk. Sa magkaibang kwarto nga lang.

Tuwing maiiwan kaming dalawa ni Drake ay agad akong umaalis. Hindi ko kasi alam ang sasabihin o pano kikilos. Nanatili pa rin sa utak ko ang sinabi ng inay sa akin. 

"Ayos naman ba ang luto, hijo?" tanong ni Inay kay Hawk. 

Tumango si Hawk. "Ayos naman po, tita! Masarap!" 

Sunod na tumingin naman si Inay kay Mireille. 

"Ayos lang ba sayo, hija?" 

Mireille smiled and nodded. "Masarap po, Tita..."

Ngumiti ako kay Mireille at nginitian din ako nito pabalik. Kung titingnan mo siya ay halos nasa kanya na ang lahat. Isa siyang Zepeda. Maganda, mayaman at mabait. She has everything... pero pansin ko sa mga mata niya na parang hindi siya masaya. 

Nagtama muli ang tingin namin ni Drake kaya agad akong umiwas. He noticed it quickly so he maintained a distance with me. Hindi ko rin talaga maipaliwanag kung bakit ganon nalang ako kailang sa kanya. He just confessed to me! Hindi ko naman minamasama ito pero kasi nahihiya na ako sa kanya. 

How can someone rich like him, like someone like me? Ano nga ba meron ako? Kung wala nga akong utak, wala naman ako maibubuga. I'm not like Mireille who is beauty and brains. O kahit si Mistize na magaling sa negosyo at magaling mag strategize. I barely even understand the lessons in our college, kaya bakit ganoon?

Why me? 

Hindi ko pa rin masagot iyon dahil hindi ko alam ang nasa mata ni Drake Montereal. It surely weird for some reason why he would want to like me when he has all the options in the world. 

For a man... he could be prettier than me if he was a woman. He got his mother's feminine features and angelic face. His fair skin and well sculpted face is a plus to his overall appearance. He's tall, handsome, rich and he has everything. 

Gusto ko rin itatak sa isip ko na magtropa kami. We're friends! Kaya ano nalang sasabihin nina Meissa pag nalaman nila ito? Na ako ang gusto ni Drake? Si Mistize? How would she feel if she knew na ako na ang gusto ng ex niya?

'It's a major downgrade' something I imagined they would say. 

He's just too high up for me to even like. He has the name Montereal... e ano ba ang apelyido ko? Salvancia. An unknown surname who's close to the rags. 

"Mace, anak. Ayos ka lang? Kanina ka pa tulala riyan?" Natatawang sambit ni Inay. 

"Ha?" 

"May iniisip ka ba, anak? Nagkwekwentuhan kami rito tapos ikaw tulala. Tinatanong ko lang sila kung ayos ka naman ba dun sa Manila..." 

"Ah, ayos naman ako inay." 

"Sabi nga nila..." 

I volunteered to wash dishes as Hawk volunteered too, pero nauna si Drake sa kanya. Pansin ko ang tahimik niya na mula kanina. Para bang nagkaroon ng wall sa pagitan namin. 

"Ako na rito... doon ka na sa kanila." 

"I want to help you," he told me. "Hindi ba? This is how you court someone?" 

Nanlaki ang mata ko at lumingon dahil baka may tao sa paligid. 

"Ano ka ba?!" I whispered. "Hindi pwede malaman ni Inay na may gusto ka sa akin o na baka gusto mo manligaw!" 

"Gusto ko nga... manligaw." 

"E, ayoko nga! Drake, I am not ready for anything. May pamilya akong bubuhayin at iisipin, okay? Wala ka lugar sa buhay ko, sorry." 

Ngumuso siya at tumitig sa akin. Tama naman diba? I should keep driving him away. 

"Wala naman ako pake," aniya. "I want to court you, Mace. So I will court you... I can wait, don't worry. Hindi naman ako madaling susuko sayo." 

Kunot noo ko siyang tiningnan. "Kung ang gusto mo ay ang..." he raised a brow. "Hindi ko ibibigay sayo iyon..." 

He scoffed. "Is this what it's all about? You think I'm only here for your virginity? Because I want to have sex with you?" 

My cheeks turned red and looked away. Bakit ba ang dali sa kanya sabihin yon! 

"I'm not, okay. I don't want that. I want you. Mariabella Celestia. Just you, not your body or your face. If you're thinking I'm into that kind of stuff? Well, yeah sure before. But I'm over it. Ever since I met you... I'm over it." nilagpasan niya ako at pumunta na sa lababo. 

Damn it, Drake Maxwell Montereal! 

Lumapit na ako sa kanya at tumabi dito. He looked at me with his chestnut brown eyes. 

"Wag mo kong titigan..." I whispered. 

I saw the side of his lips go up before he started to rinse the dishes. 

"Sorry, can't help it... ang ganda e..." he whispered. 

I swallowed a bit and chose to ignore that comment. I felt my heart thumping for some reason. Hindi ko maintindihan. Alam ko naman na wala akong gusto sa kanya pero bakit ganito nararamdaman ko? Nadadala na ba ako sa mga salita niya. 

Sabi nila, ingat daw ako at maraming ganito sa Maynila. Boys who only want your body... boys who only want what they need. Maraming mga mapaglarong tao na hindi mo alam kung sino ang pagkakatiwalaan. 

I looked at Drake as he happily washes the dishes. Nang ibalik niya ang tingin sa akin ay kusa akong umiwas. 

I don't think he's the same as them... 

***

Hindi ako makatulog buong gabi dahil kay Drake. Patuloy ko pa rin iniisip ang mga sinabi niya sa akin. Kung gaano kadali sa kanya bitawan ang mga ganong salita. 

Bumangon ako sa higaan at tumingin sa bintana. Malakas ang hangin at malamig ito sa pakiramda. Tuluyan akong lumabas at dinamdam ito. Kaunting lakad lang mula sa bahay ang dalampasigan kaya dahan-dahan akong naglakad dito para makapagisip isip. 

Naisip ko na naman si Tatay. Kamusta kaya siya? Kamusta ang buhay niya? Buhay pa ba kaya siya? May mga kapatid ba ako sa kanya? 

Kahit iniwanan niya na kami at kahit sukdulan ang galit ni Inay dito ay hindi ko pa rin maiwasan isipin. Tatay ko 'yon e... sa kanya ako nanggaling. At kaya ko siya patawarin, basta may dahilan siya kung bakit niya nagawa 'yon. 

I sighed and sat on the sand as I feel the air brushing through me. This is why I love the sea... ang sarap sa pakiramdam na para bang hinehele ka at inaalis lahat ng iniisip mo. Sa ilang buwan ko sa maynila ay eto talaga ang pinaka namiss ko.

"Hindi alam ni Mace ang tungkol dito?" 

A voice caught my attention. Hindi ganoon kalayuan pero alam kong malapit lang ito. 

"No... I didn't tell her. Pero a-alam ni Dad kung nasaan siya. He has seen her-" 

"Hindi pwede malaman ni Mace ito, kasi hahanapin niya siya! Hindi niya maiintindihan ang mga pangyayari! Lalo na si Maverick..." 

"They don't need to. Dad is just doing some stuff before he can finally break free from Mom. I swear, by the time it's finished. We can happily be a family again..." It's Hawk's voice. 

Kumunot ang noo ko. Kasi kilala ko ang boses na iyon. It's Hawk. Sigurado ako. 

"Aren't you glad that you finally saw me now? Inay, I've watched from afar all this time because I know I can't show up in front of you... my birthday is near and I thought I could go see you this time." 

The woman sighed. "Masaya naman ako anak... kaso paano si Rufina?" 

Boses... iyon ni Inay...

"Alam ba ng tatay mo na andito ka? Pano kung malaman ni Rufina ito? Ang alam niya ampon ka ng tatay mo. Hindi ba siya magtataka kung bakit gusto mo biglang pumunta rito?" 

Tumayo ako at sinundan ang tunog ng paguusap nila. Sa isang kubong malapit dito, nakita ko si Inay at si Hawk sa labas... pero ano iyon? 

"Dad knows. Hinayaan niya ako. Magkikita sana sila ni Mace pero humarang si Drake. He wants to-" 

"Hawk?" I called. Napalingon silang dalawa sa akin. "Inay? A-anong sinasabi niyo?" 

Hawk's eyes widened as he saw me, bumalik ang tingin niya kay Inay na bakas din sa mga mata ang gulat. 

"Anong sinasabi niyong dalawa? At sinong tatay? Kilala mo ang tatay ni Hawk, inay?" I asked innocently. 

Nagkatinginan silang dalawa. 

"Mace, anak. Balik nalang tayo sa bahay, pwede ba? May binanggit lang kasi si Hawk sa akin kaya-" 

"Binanggit? Ano nga iyong binanggit, inay? At tsaka bakit kung magusap kayo parang matagal kayong di nagkita, bakit parang..." 

Hindi naman ako tanga para hindi maisip ang ganong posibilidad. 

"Inay, I think we should tell her-" 

"Inay? Bakit Inay ang tawag mo sa nanay ko?" Taka kong sabi. "H-hawk?" 

Bumuntong-hininga ng malalim si Inay. 

"Should I be the one to tell her?" Hawk asked. 

Umiling si Inay. "Ako na, anak. Ako na magpapaliwanag." 

Anak? Bakit anak ang tawag niya kay Hawk? 

Hinawakan ni Inay ang mga kamay ko at tiningnan ako sa mata. Hawk looked away and put his hands inside his pockets. 

"Mariabella... anak. May gusto akong ipagtapat sayo." 

Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. 

Lumingon siya kay Hawk bago humigpit ang hawak sa mga kamay ko. Ramdam ko ang bigat sa paghinga ni Inay. 

"Si Hawk... kakambal mo siya..." 

Continuar a ler

Também vai Gostar

Golden Cuts Por jeil

Ficção geral

1.3M 43.7K 47
Legrand Heirs Series #1 Aiofe Cosette Escareal considers her unusually normal life stable. Compared to the earlier years of her life, the better day...
270K 14.9K 28
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
318K 6.6K 46
Can someone really fall for someone so hard for a long time with consistency? Seiana Tala Zamora Rodriquez is the artistic, kind and smart daughter...
43.3K 2K 53
Life will always be simple for Manila Diamonique Tantoco. She's got a pretty face, a wealthy, affluent family, and the best boy best friend she could...