Ms. Nerdy Girl is Now Campus...

By kiyoteky

219K 5.3K 492

STATUS: Under Construction/Revising/Editing WARNING: Update as of Dec, 2017. Don't read this yet parin dahil... More

Prolouge
Chapter 1- My First Day of School
Chapter 2- Athena
Chapter 3- Miracle?
Chapter 4- Girlfriend?!
Chapter 5- Mahal Kita
Chapter 6- Ang Pagbabalik
Chapter 7- Ang Pagbabalik Part 2
Chapter 8 - The Revelation
Chapter 9 - My Final Decision
Chapter 10 - My Final Decision Part 2
Chapter 11 - Bye!
Chapter 12 - Korea
Chapter 13 - Athena's Admirer
Chapter 14 - Aso't Pusa
Chapter 16 - The New Lianne
Chapter 17 - I Still Love Him (Unedited)
Chapter 18 - The Necklace (Unedited)
Chapter 19 - I'm Back (Unedited)
Chapter 20 - Jealous (Unedited)
Chapter 21 - Set Him Free (Unedited)
Chapter 22 - Couple Ring (Unedited)
Chapter 23 - Her Long Lost Brother (Unedited)
Chapter 24 - Second Chance (Unedited)
Chapter 25 - He's My long Lost Brother?! (Unedited)
Chapter 26 - I Have No Bestfriend Anymore (Unedited)
Chapter 27 - The Truth (Unedited)
Chapter 28 - Jenessa (Unedited)
Chapter 29 - He Likes Me ?! (Unedited)
Chapter 30 - Am I Starting to like/love him? (Unedited)
Chapter 31 - After 5 Years (Unedited)
Chapter 32 - Proposal (Unedited)
Chapter 33 - Meeting His Parents (Unedited)
Chapter 34 - Meeting Him Secretly (Unedited)
Chapter 35 - His Grandma (Unedited)
Epilouge (Unedited)

Chapter 15 - Make Over

5.9K 137 7
By kiyoteky

Lianne Zylene Shin's POV

Feeling ko maloloka na ko dito kakaisip. Kasi naman e! May side na nagsasabing maghiganti daw ako at may side namang nagsasabing magpa-ganda nalang ako at huwag na maghiganti. Aish! Mga konsensya nga naman oh. Maaaning ako dito ng wala sa oras e. 

"Waaaahh! Kaja!" sabi saakin nung dalawa at bigla akong hinila palabas ng kwarto pati narin palabas ng bahay. Ito talagang dalawang to parang ewan. Masiyadong excited na imake over ako. Buti nalang nakapang-alis na ko ngayon kung hindi baka makapunta ako sa mall ng nakapambahay at naka fluffy slippers pa na Hello Kitty.

"Di naman kayo excited na i-make over ako no?" sabi ko habang naghihintay kami ng bus. Tumingin silang dalawa saakin ang ngumiti ng malapad. Alam ko na ang sagot diyan. Yang mga ngiti nila means "Yes na yes na yes. Pak na pak".

"Correction! Sobrang excited! Yang si Hyejin mas excited yang makita si Si Woo kesa imake over ka!" sabi ni Sejin sabay tawa. Binigyan naman siya ng death glare ni Hyejin pero mukhang di epektib. Tawa parin kasi ng tawa si Sejin. Ang babaw talaga ng kaligayahan nito ni Sejin. Nakita kong may kinuha si Hyejin sa bag niya at napatawa ako nang bumungad saakin ang isang matalim na gunting. 

"Nakikita mo tong gunting na to Sejin?" sabi niya sabay pakita ng gunting kay Sejin. "Mararamdaman mo na to sa baba mo." This time ako naman ang tawa ng tawa. Abnormal talaga tong si Hyejin. Masiyado niyang puntirya ang baba ni Sejin. 

"Mahal mo masiyado baba ko ha! Oh ayan na ang bus!" sabi ni Sejin. Agad naman kaming sumakay ng bus papunta sa mall na aming pupuntahan.

***

Andito na kami sa mall at hinihintay si Si Woo. Excited na excited na si Sejin na i-make over ako at gustong gusto na niyang simulan kaso nga lang itong si Hyejin ayaw pa. Antayin muna daw namin si Bebe Siwoo niya kaya itong si Sejin ay nabibitter nanaman. Naloko din naman ako pero bakit hindi naman ako bitter? Sejin talaga. 

"Hyejin-ah!" Lumingon kaming tatlo sa tumawag kay Hyejin at agad akong napanganga nang makita ko ang isang gwapo at hot na lalaki na naglalakad papalapit saamin. S-siya ba si Si Woo? Hemegherd! 

"Yah! Bibig mo! Baka may pumasok na insect" bulong saakin ni Sejin kaya naman agad kong sinarado ang bibig ko. Di ko man lang namalayan na nakanganga na pala ako. Sorry naman diba? Ang gwapo gwapo naman kasi ni Siwoo diba? 

"Jagiya~ This is my cousin, Lianne." sabi ni Hyejin kay Siwoo. Ngumiti naman si Siwoo saakin. Shems. Ang gwapo talaga. Kainis. Mabait naman siguro siya noh? Di tulad ng ibang gwapo na masama ang ugali. Wala akong tinutukoy dito okay? Generalize to bh3. 

[A/N: Kunwari Korean yung sinabi ni Hyejin. Huehuehue. Kunwari Korean lahat ng sasabihin nila kay Siwoo at yung mga sasabihin din ni Siwoo okay? XD Pag silang tatlo ang nag-uusap, tagalog na yern. Huehuehuehuehue. Di pa ko masiyadong maalam mag-Korean e]

"Annyeong Lianne noona. Cha Siwoo imnida. " sabi niya sabay bow at nakipagshake-hands saakin. Lianne Noona daw? Aray ko naman. Mas matanda kaya siya saakin. Sabi kasi ni Hyejin magkasing edad lang daw sila at parehas daw sila ng birthday. Edi matanda siya ng months sakin. >o<

"So, let's go?" tanong ni Hyejin saamin. Tumango lang kami sakanya saka naglakad na papunta kung saan man pumunta si Hyejin at Sejin. Taga sunod lang ako pati si Siwoo. Mas excited pa sila saakin. Ang hilig talaga nila sa pag-aayos. Samantalang ako, tignan mo. Mukhang babaeng araw-araw sinasalanta ng bagyo.

"Here!" sigaw ng dalawa sabay hila saakin papasok sa isang optical. Ano namang gagawin namin dito? Papalitan salamin ko? Eh? Ayos pa naman to e. Fitted pa naman saakin bakit kailangan pang paltan? Hila hila lang nila ako hanggang sa mapunta kami sa tapat ng pilian ng kulay ng contact lense.

Sino ba magcocontact lense? Ako? Ayoko nga! Hirap hirap magcontact lense e. Dami pa namang do's and dont's non. Alam niyo naman na dakilang tamad ako kaya hindi ko magagawa ang mga bilin. Hay nako. Bahala na nga. Makiki-go with the flow nalang ako. -____-

Joshter Simon Di Maguiba's POV

"Hirap naman pagtiyagaan nito!" sabi ko sa sarili ko. Nakakainis naman kasi e. Kung hindi lang nasira tong headphones na to, malamang hindi ako mahihirapan pagtiyagaan to ngayon. May tumutugtog naman kahit papaano pero sobrang hina na. Bwisit na Ayah yun! 

[Flashback]

Nags-soundtrip ako sa dito sa garden. Sinasabayan ko lahat ng mga kantang natugtog dito. Ito ang madalas kong ginagawa pag bored at stressed ako. Nakakarelax naman kasi talaga ang makinig sa music.

Habang nagsasoundtrip ako ay biglang may kumulbit sakin. Lumingon naman ako kaagad sakanya at bumungad saakin ang mukha ni Ayah na ngiting-ngiti na parang natataeng ewan. Tinanggal ko ang headset ko at sinabi na niya ang gusto niyang sabihin.
 

"Anung kanta pinakikinggan mo?" sabi niya sabay ngiti ng wagas saakin. Whoa. Trying to be nice? Kaya niya yan. Mukhang may ipaglalaban kaya pagbigyan na.

"Heaven's Door ni Eric Nam. Bakit?" Nakita kong nag-sparkle ang mga mata niya nang marinig niya ang pangalang Eric Nam. Anong meron kay Eric Nam?

"Wow Kpop fan ka din pala. Teka, Eric Nam?! Pakinig nga!" sabi niya sabay hablot ng headphones ko na nakasabit sa leeg ko. Anak ng--!  Adik nga pala tong abnormal na to kay Eric Nam. =_=

"Hoy ano ba?! Di pa nga ko napayag hinablot mo na agad. " sabi ko sabay hablot ng headphones pabalik sakin. Lesson Learned: Wag makikinig ng kanta ni Eric Nam pag katabi mo si Ayah.
 

"Pakinig. Puh-leaaasssseee? Maawa ka. Matagal ko nang hindi naririnig boses ng asawa ko" Napatawa ako nang makita ko ang hitsura niya. Nakadaop ang mga palad niya at parang batang yagit na nagmamakaawang bigyan mo ng barya. Kung nakikita niyo lang siya. Nakakatawa ang hitsura niyang magmakaawa.
 

"Akin na sabi e!" sabi ko sakanya habang pilit na kinukuha sakanya yung headphones. Hindi kasi ako nagpapahiram ng gamit lalo na kung napakahalaga saakin. Natatakot ako na masira iyon.

 
"Eeeeeeh! Pakinig muna kasi." pamimilit niya. Sumasakit na ulo ko sa babaeng to. Napakamapilit!

 "Wala tapos na yung kanta. Akin na!" sabi ko. Pero ayaw padin niyang bitiwan yung headphones ko.

 "Edi uulitin. Sige na kasi!" sabi niya at hinatak niya ng buong pwersa hinila yung headphones k. Napalakas yung hatak niya dahilan para mahulog at masira ang pinakainiingatan kong headphones . Wag niyong sabihing OA ako. Anlakas ng impact ng pagkahulog dude! Tska bigay sakin  yun ni Mama nung birthday ko kaya sobrang halaga saakin nun.

Dinampot ko na yung headphones at chineck kung nagana pero sira na. Natugtog pero napakahina na. May gasgas narin yung buong heasphones at may sira sa wire.

"Leche Ayah! Nasira yung headphones ko sa kakulitan mo. Hindi mo ba alam kung gaano kahalaga saakin yung headphones na to ha?! Bwisit. Perwisyo." Nadala ako ng emosyon ko kaya nasigawan ko siya. Sobrang halaga sakin nitong headphones na to at kapag sobrang halaga saakin, ayaw na ayaw kong nasisira iyon dahil talagang magagalit ako pag nasira iyon.

 Hindi sumagot saakin si Ayah. Yumuko lang siya atsaka lumakad papalayo saakin.  

[End of Flashback]

 Diba? Nakakainis! Pero parang nakokonsensya din ako. Feeling ko sobrang halaga niya din saakin. Ewan ko ba. Di ko na nga maintindihan ang sarili ko ehh. Minsan mabait ako sakanya, minsan hindi. Hindi ko alam kung bakit ko siya ginaganun. May sakit na ba ko sa tuktok?

"Josh." Tumingala ako para makita kung sino ang tumawag saakin. Bumungad saakin si Ayah na malungkot at may hawak na isang plastic. Iniabot niya saakin iyon at agad kong kinuha.

"Ano to?" sabi ko habang nakakunot ang noo ko. Bumuntong hininga lang siya at saka ako binigyan ng mapait na ngiti.

"Basta tignan mo nalang." sabi niya sabay alis. Tinignan ko yung laman ng plastic. Isang box at isang papel. Kinuha ko iyon at agad na binasa.

-----------------------------------------------------------------------------------

Sorry Joshter. Ako ang dahilan kung bakit nasira yung pinakaiingatan mong headphones. Sorry talaga. Sa Sobrang kaadikan ko kasi kay Eric Nam, nasira yang headphones mo. :(((( Sorry talaga. Sorry Sorry Sorry Sorry Sorry. /sumayaw ng sorry sorry ng SJ/ Dejuks. Ah ano pala, Peace offering ko nga pala sayo yan. New Headphones. Yan ang bayad ko sa pagkasira ng headphones mo. Sana magustuhan mo. :))) Sorry ulit.  Nyanya.

                                                                                                     --- Ayah.

------------------------------------------------------------------------------------

Pagkatapos kong basahin yung note, binuksan ko na yung box. Nakita kong headphones nga iyon. Yung headphones na to ay mas maganda at mas mamahalin kesa sa sira kong headphones. Sinara ko na yung box at isinilid ulit sa plastic. Umalis ako sa garden at hinanap si Ayah.

Nakita ko siya sa cafeteria. At agad akong lumapit sakanya. Umupo ako sa harap niya at nagulat naman siya sa pagdating ko.

"Uh, Ayah. Salamat dito pero hindi ko to tatanggapin." sabi ko. Pag tinanggap ko kasi to parang ang kapal ng mukha ko. Hindi naman dahil sa pride at ego pero kasi nakakahiya din naman.

"Hindi, sige. Sa'yo na yan. Ako naman may kasalanan ng pagkasira ng headphones mo e. I insist. Subukan mong hindi tanggapin, uhhh.. ano. Magbibigti ako!" Napailing at napatawa nalang ako sa sinabi niya.

"Osiya sige sabi mo e.. Salamat ah? Tska sorry kung nasigawan kita kahapon. Nadala lang ako ng emosyon ko." sabi ko saka ko hinakawan ang kanang kamay niya. Napatawa nalang ako nang makita kong namula siya ginawa ko.

"H-ha? Ah eh. Okay lang." Utal utal niyang sabi. Binitawan ko na ang kamay niya dahil parang naiilang yata siya. Nag-stutter siya e.

"Tara! Kain tayo!" sabi ko sabay hinila ko siya palabas ng cafeteria. Sa Labas nalang kami kakain. Wala naman kaming klase ngayon kase clubbings lang naman. Oh diba? College na may clubbings pa? Kakaiba kasi tong school na to e. Abnormal.

Ayah Mikaella Lisanin's POV

"Uy! San tayo pupunta? Nasa Cafeteria na tayo kanina ah?" sabi ko habang hila hila ako ni Joshter. Ewan ko ba sakanya kung bakit hindi pa kami doon sa cafeteria kumain. Nagc-crave pa naman ako sa taho nila dun. >3<

"Sa Labas tayo kakain. Libre ko. Wag ka nang magsalita para magreklamo. Basta sa labas tayo kakain. Peace offering ko to sa pagsigaw ko sayo" sabi niya. Nanahimik nalang ako at di na nagsalita pa para wala nang problema.

Habang hila-hila niya ko, napagawi ang tingin ko sa kamay niyang hila ako. Agad na nag-init ang pisngi ko nang mapansin kong hindi sa wrist ko nakahawak si Joshter kundi sa mismong kamay ko. I felt butterfly on my stomach and I also felt uneasy. Di ko alam ang gagawin ko. Naaawkwardan ako na hindi ko malaman.

B-bakit ganun? Mahal ko na ba siya? Sheez Ayah! What are you talking about?! Ano ka, easy to fall?! Screw this.

***

A/N: ayan medj mahaba na. Ahe. :>

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 23.8K 53
Isang babaeng magiging personal maid ng anak ng billionaryong pamilya. Mabibihag ng dalaga ang puso ng kaniyang boss at hinding hindi na siya pakakaw...
32.7K 59 16
I don't own this story credits to the rightful owner. 🔞
29.3K 455 89
Sabina Maliari is a woman with an outstanding beauty and a body of a beauty queen. Any man wouldn't have to think twice to fancy her. She's also smar...
156K 209 108
This story is not mine credits to the real owner. 🔞