Moon Light (Moon Trilogy 3) {...

By lady_architect12

151 4 0

Paano kung ang k'wentong akala mong tapos na ay hindi pa pala? Paano kung maulit muli ang k'wento? Nakahanda... More

DISCLAIMER
‼️ WARNING ‼️
Note
Prologue
Chapter 1: First Day Of School
Chapter 2: Friends
Chapter 4: Mall
Chapter 5: First encounter
Chapter 6: We meet again
Chapter 7: Can you be my best friend?
Chapter 8: Locker room
Chapter 9: P.E Time!
Chapter 10: Chocolates
Chapter 11: Project
Chapter 12: Clinic
Chapter 13: We meet again (part 2)
Chapter 14: It's science time!
Chapter 15: Questions
Chapter 16: Mall
Chapter 17: Basketball Practice
Chapter 18: Clinic
Chapter 19: Pag-dalaw
Chapter 20: Pag-iwas
Chapter 21: Panliligaw
Chapter 22: Magic
Chapter 23: Love at first sight
Chapter 24: Craft Style Competion Practice
Chapter 25: Craft Style Competion Tournament
Chapter 26: Pag-papakilala
Chapter 27: Dinner Date
Chapter 28: Ang balita
Chapter 29: Komprontasyon
Chapter 30: Pista
Chapter 31: Pag-hahanda para sa giyera
Chapter 32: Pangako ng bawat puso
Chapter 33: Digmaan para sa huling lahi
Chapter 34: Piging (party)
Chapter 35: Wedding (part 1)
Chapter 36: Family Bounding
Chapter 37: Official Couple
Chapter 38: Proposal
Chapter 39: Graduation Practice
Chapter 40: Wedding (part 2)
Chapter 41: Graduation Ball (party)
Epilogue
Author's note

Chapter 3: Groupings

5 0 0
By lady_architect12

Aiden POV

Nandito kami ngayon sa cafeteria ng school agad kong nilibot ang tingin at para ka lamang nasa isang restaurant dahil sa ganda ng view na makikita mo ngayon.

Marami na ring estudyante at lahat sila ay may kan’ya-kan’yang ginagawa habang kami naman ni Dash ay nag-hihintay sa isang lamesa dahil si Daph ang nag-prisinta na bumili ng aming kakainin.

“Gosh! Napakahaba ng pila, buti na lang ay nakarating ako sa counter.” Turan ni Daph ng makalapit saamin at bitbit ang isang tray na may lamang mga pag-kain.

Ibinaba naman niya ito sa mesa bago umupo at pag-saluhan ang aming kakainin.

Habang tahimik na kumakain ay bigla na lamang may lumapit saaming table dahilan upang lingunin naming tatlo ito.

Doon ko nakita na mga kaklase pala namin ito at si Ariana ang naka-front sa kanila habang may kan’ya-kan’yang dala ng pag-kain.

“Hi!” Pag-bati nito bago kami ngitian.

“Hello, Ariana!” Magiliw na pag-bati ni Daph dito na may kasama pang pag-kaway.

Agad kong itinuon ang tingin dahil akala ko kung sino na.

“Ahmm.. can we join? Wala na kaseng upuan eh.” Saad nito na siyang ikinahinto ko bago nilibot ang tingin sa buong paligid at pansin kong tama nga ito.

Ang puwesto na lang namin ang merong bakante dahil tatlo lamang kami sa malaking table.

Nilingon naman kami ni Daph bago tiningnan kaming dalawa ni Dash.

“Sure!” Excited na usal ni Daph sa kanila.

Agad umusad sa kanan ko si Dash habang sa kaliwa ko ay si Daph bale ako ang napapagitnaan ng dalawa.

Umupo sa kaharap ko si Tyler sa tapat naman ni Dash si Liam habang tumabi naman kay Daph si Levon samantalang ang iba ay nag-siupo na rin.

Habang kumakain ako at ang iba ay nag-ku-kuwentuhan ay pansin kong may nakatingin sa akin kaya naman ay itinaas ko ang tingin ng mag-tama ang paningin namin ni Tyler.

Nakita kong tipid itong ngumiti ngunit walang emosyon ko naman itong tiningnan bago ibalik sa aking kinakain ang atensyon ko.

Nang matapos ay nag-kuwentuhan na lamang sila samantalang ako ‘y tahimik lamang na nakikinig sa kanilang lahat.

Walang pag-aalinlangan akong tumayo dahilan upang matigil sila sa kanilang kuwentuhan.

“What's wrong Cass?” Daph ask me.

“Oo nga. May problema ba?” Sunod na pag-tatanong ni Ariana sa akin.

“I'm going.” Maikling sagot ko sa kanila bago sila talikuran.

Narinig ko pang tinawag ako ng mga ito ngunit hindi ko na lamang sila inabalang lingunin pa.

Nang makalabas si Aiden sa cafeteria ay agad namang nag-tanong si Clementine.

“He's so cold. Gano‘n ba talaga siya?”

“He is.” Seryosong sagot naman sa kan’ya ni Dashiell na ikinalingon nilang lahat sa puwesto nito.

“Gusto niya lagi ang mapag-isa at tahimik na lugar ‘tsaka kami lang talaga ang pinag-kakatiwalaan niyan. Pasensya na.” Saad ni Daphne sa mga kaklase na kasama nila sa kanilang table.

“Guys, I'm going to the comfort room.” Biglaang pag-papaalam naman ng binatang si Tyler sa kanila bago umalis at hindi na inabalang hintayin ang sagot nila.

Nandirito ako ngayon sa likod nang isang building may nakita kase akong isang puno dito at mukhang hindi napupuntahan ng ibang estudyante kaya agad akong na-upo sa ilalim noon at kinuha ang paborito kong libro na lagi kong binabasa sa aking backpack habang nakasilong sa punong nakita ko at isandal ang aking likod rito.

Tahimik at sariwa ang hangin kaya na-e-enjoy ko ang pag-babasa ng may anino na lamang ang humarang upang dumilim ang puwesto ko.

Agad akong nag-taas nang tingin upang tingnan kung sino iyon.

Pag-angat ko ng aking ulo ay nakita ko agad si... Tyler?

Anong ginagawa niya rito?

“Sabi na nga ba tama akong nandito ka.” Turan nito bago ako ngitian.

Walang emosyong mukha ko itong tiningnan bago niya binawi ang ngiting nakaukit sa kan’yang labi.

Kamot ulo pa itong tumingin sa akin bago nag-iwas nang tingin.

Ibinalik ko na lamang ang paningin sa aking librong binabasa.

Wala pa ako sa kalagitnaan ng kuwentong binabasa ko ‘y muling nag-salita ito.

“Ahmm.. puwedeng tumabi?”

Hindi ko ito sinagot nang maramdaman kong tumabi ito ng upo sa akin.

“Mahilig ka palang mag-basa? Marami akong libro sa bahay puwede mong basahin lahat iyon.”

Tuloy lamang ako sa aking ginagawa at hindi ito pinapansin.

“Ang tahimik mo pala ‘no? Tulad nitong lugar na ‘to. Hindi ko inaasahan na ang paborito kong lugar ay may isa pa palang tao ang makakadiskubre.” Sabi nito na ikinatigil ko sa pag-babasa.

Agad kong isinara ang librong binabasa ko bago tumayo upang umalis na.

Napatingil ako ng may humawak sa kaliwang pulsuhan ko dahilan upang lingunin ko iyon.

Nakita kong kamay iyon ni Tyler agad naman niya itong tinanggal.

“S-Sorry,” hinging paumanhin nito.

Tumalikod ako bago muling mag-lakad ngunit na tigilan ako ng mag-salita itong muli.

“Gusto ko lang sana maging k-kaibigan ka. Kung hindi mo mamasamain.”

“Krriinnngggg! Krrriiinnnggg!”

Tunog ng bell hudyat na tapos na ang lunch time namin at kailangan ng bumalik sa klase.

“Don't waste your time for me.” Malamig na sagot ko dito bago ito iwan.

Naiwang nakatanaw lamang si Tyler sa papalayong pigura ng binatang si Aiden na umaalis sa lugar na iyon.

Hindi naman batid nang isa na nasaktan nito ang damdamin ng isa sa kan’yang binitiwang salita.

Pag-pasok ko sa room ay dumiretso agad ako sa aking upuan.

Tinanong naman agad ako ng kambal kung saan ako nag-punta kaya ang tanging naisagot ko na lamang ay sa tabi-tabi.

Pumasok ang isang hindi katandaang babae na mukhang ito ang sunod naming guro pero napunta ang tingin ko sa kasunod nitong pumasok si Tyler.

Tumingin pa ito sa puwesto ko bago ako nag-iwas nang tingin.

“Good afternoon, class!” Pag-bati ng gurong babae saamin.

Sabay-sabay naman kaming tumayo bago ito binati rin ng magandang tanghali.

“Ako si Mrs. Emily Torres De Guzman ang guro ninyo sa history subject. Dahil 1st day ay mag-bibigay muna ako ng first project sainyo. I-gu-grupo ko kayo, by the way, ilan kayo sa klase?”

Nakita kong nag-taas nang kanang kamay si Allison dahilan upang makuha nito ang atensyon ng guro.

“Yes, iha? What's your name?”

“Allison Henley Lim Perez po, Ma'am.”

“Okay, Ms. Perez. Ilan kayo sa klase?”

“16 po.”

“Kung ganoon may isang anim at ang mga matitira ay lima sa bawat miyembro.” Paliwanag nito.

Agad nitong inilabas ang class record nito bago nag-suot nang salamin sa kan’yang mata.

“I'll call one by one at sasabihin ko ang inyong group number. Understand?”

“Yes ma'am!” Sagot nila while me ay hindi na nag-abala pang makisigaw.

“Group 1. Liam, Clementine, Dashiell, Daphne and Aiden.”

“Group 2. Ariana, Levon, Tyler, Alexander and Allison.”

“ And the last, Group 3. Leandro, Zane, Savannah, Hedrix, Hendrix and Zamiel.”

Pag-katapos nitong sabihin ang mga groups ay tumayo ito bago muling ayusin ang salaming suot sa kan’yang mata.

“Ngayong alam n’yo na ang mga grupo niyo ay akin namang sasabihin kung ano ang dapat ninyong gagawing project. You're a senior high school student so malapit na kayong grumaduate at kung maipasa n’yo ito sa exact date na ibinigay ko wala tayong magiging problema.” Paliwanag nito saaming lahat.

Langya siya lang ata ang nakita kong guro na nag-pa-project agad kahit 1st day of school palang.

“Ang inyong magiging project sa akin it's all about the question of ‘what is love?’ Maaari kayong mag-video, voice record or power point ang gusto ko ‘y pagandahan ang gawa. Ang maganda ay may mataas na grado ang makukuha at ang walang maipapasa o maipapakita ay pasensiyahan tayo mag-kikita parin tayo next school year habang ang iba sa inyo ay makakatungtong ng kolehiyo.” Pag-papatuloy nito sa harap ng klase.

Kinuha nitong muli ang mga gamit bago humarap saaming lahat.

“Ang pasahan niyan ay sa next week so mahabahaba ang preparation ninyo, iyon lamang goodbye!”

“Goodbye ma'am Emily!!”

Agad umalis ang guro kasabay ng pag-rereklamo ng ilan kong mga kaklase.

“Grabe project agad?”

“Kaya nga eh!”

“Saklap naman pala ng unang araw natin.”

“I hate history subject na.”

“Wala daw pake-alam ang history subject sa‘yo, hate ka rin daw niya!”

Hindi ko na lang pinakinggan ang mga sinasabi nila at inilabas na lamang ang librong kanina ko lang binabasa.

Continue Reading

You'll Also Like

15.1M 558K 56
Prince of Werewolf's, Alto August Nolan has been searching for his life mate for years, traveling all around the world. The 'Dark' prince soon gives...
3.8M 135K 36
The day he chose her is the day that her fate was already sealed. *** 'Yong guwapong lalaki na pasyente mo sa mental hospital, na wala kang alam na s...
12.9M 520K 57
"Have you tried turning it off and back on again?" •• Christian Ivonov, CEO of Ivonov enterprises, had always been the best at fucking things up. Whe...
9.6M 378K 38
*COMPLETED* (Y.O.L.O stands for: YOU ONLY LIVE ONCE) *** Carter Jones, the school nerd, and Killian Henderson, the reputated troublemaker, somehow en...