Moon Light (Moon Trilogy 3) {...

By lady_architect12

137 3 0

Paano kung ang k'wentong akala mong tapos na ay hindi pa pala? Paano kung maulit muli ang k'wento? Nakahanda... More

DISCLAIMER
โ€ผ๏ธ WARNING โ€ผ๏ธ
Note
Prologue
Chapter 2: Friends
Chapter 3: Groupings
Chapter 4: Mall
Chapter 5: First encounter
Chapter 6: We meet again
Chapter 7: Can you be my best friend?
Chapter 8: Locker room
Chapter 9: P.E Time!
Chapter 10: Chocolates
Chapter 11: Project
Chapter 12: Clinic
Chapter 13: We meet again (part 2)
Chapter 14: It's science time!
Chapter 15: Questions
Chapter 16: Mall
Chapter 17: Basketball Practice
Chapter 18: Clinic
Chapter 19: Pag-dalaw
Chapter 20: Pag-iwas
Chapter 21: Panliligaw
Chapter 22: Magic
Chapter 23: Love at first sight
Chapter 24: Craft Style Competion Practice
Chapter 25: Craft Style Competion Tournament
Chapter 26: Pag-papakilala
Chapter 27: Dinner Date
Chapter 28: Ang balita
Chapter 29: Komprontasyon
Chapter 30: Pista
Chapter 31: Pag-hahanda para sa giyera
Chapter 32: Pangako ng bawat puso
Chapter 33: Digmaan para sa huling lahi
Chapter 34: Piging (party)
Chapter 35: Wedding (part 1)
Chapter 36: Family Bounding
Chapter 37: Official Couple
Chapter 38: Proposal
Chapter 39: Graduation Practice
Chapter 40: Wedding (part 2)
Chapter 41: Graduation Ball (party)
Epilogue
Author's note

Chapter 1: First Day Of School

12 1 0
By lady_architect12

(1 year after)

Calvin POV

Abala ang lahat ngayong umaga dahil ngayon ang unang araw ng pasukan ng mga bata.

Si Kuya Michael ayun nasa kusina at nakikitulong sa pag-luluto kahit pa sinasabihan ito ng mga kasambahay dito sa palasyo na hindi na kailangan pang tumulong ito dahil ba ka sila raw ang malagot kina Lolo at Lola pero kahit ganoon ay hindi nag-patinag ito dahil gusto niyang tumulong lalo na sa pag-hahanda ng babaunin ng mga bata sa pag-pasok.

Pag-pasok ko palang sa may kusina ng palasyo ay bumungad na sa akin ang mga kasambahay at si Kuya.

“Prinsipe Michael, kami na po riyan. Ba ka po kami mapagalitan ng Lolo n’yo—”

“Manang Lydia, don't worry po. Akong bahala kay Lolo.” Sagot naman ni kuya rito ng mapunta ang atensyon nito sa akin.

“O, gising ka na pala?” Bungad nito dahilan upang mapalingon ang ibang dama na kasama nito bago yumuko ang ulo upang mag-bigay respeto sa akin.

“Prinsipe Calvin, nandiyan na po pala kayo. Gusto niyo na po bang kumain?” Si Manang Ida ang nag-tanong sa akin bago ako lapitan.

Ngumiti muna ako bago ito sagutin.

“Hindi na Manang Ida. Hindi pa naman ako gutom.”

“Nga pala. Yung mga bata gisingin mo na at ba ka mahuli sa pag-pasok.” Biglaang sabi ni Kuya Michael sa akin.

Agad kong nilingon ang kapatid ko dahil doon bago ko naalala na first day of school nga pala nila kaya naman ay agad na akong lumabas ng kitchen area at hindi na nakapag-paalam sa mga ito.

Nang makarating sa pangalawang palapag ng plasyo ay agad akong nag-tungo sa silid nang kambal na katabi ng silid nina Mommy at Daddy.

Kumatok muna ako bago pinihit ang doorknob nang kanilang pinto bago ko iyon silipin.

Pag-silip ko ‘y nabigla naman ako dahil nandirito rin ang aking anak at pansin kong nakabihis na ang tatlo sa kanilang uniform kung saang eskuwelahan sila papasok.

Napalingon ang mga ito bago ako ngitian ni Daphne ngunit seryoso lamang akong tiningnan nina Dashiell at Aiden.

Pumasok ako bago isinara ang pinto ng silid nang kamabal at lumapit sa kanilang tatlo.

“Hello po Tita Calvin at good morning po.” Masayang bati ni Daphne sa akin.

“Hello. O, okay na ba kayo?” Tanong ko sa kanila.

“Opo!” Ani ni Daphne bago nag-tatatalon.

“Dashiell, ikaw okay kana ba?” Tanong ko dito bago ito lapitan.

Hindi na ako mag-tataka kung tatango o hindi ito mag-salita dahil lagi itong tahimik at seryoso na minana nito sa kan’yang ama.

“Okay na po, Tita Calvin.” Ani nito bago ako yakapin na ikinagulat ko.

Sa kanilang dalawang mag-kapatid si Daphne ang sweet, malambing, madaldal at nakikihalubilo sa buong tao dito sa palasyo ngunit kapaliktaran nito ang kambal niyang si Dashiell.

Si Dashiell naman ay tahimik, seryoso, cold at hindi nakikisalamuha sa iba pero malambing pag-dating sa kan’yang ina.

Nabigla ako ng sumagot ito sa tanong ko ng hindi ko inaasahan bago ko ito tugunan ng yakap.

Nilapitan ko naman ang aking anak na si Aiden na tahimik lamang kaming pinagmamasdan.

“Ikaw? Okay ka na ba?” Tanong ko bago ko ito pinagmasdan kung meron pa ba akong aayusin sa kan’yang suot na uniform.

“Nothing.” Maikling sagot nito sa‘kin.

Ito namang si Aiden ay may pag-kakapareho sa pinsan niyang si Dashiell. Cold, seryoso, tahimik at kung sasagot ay maikli lamang or kung minsan ay tatango lamang ito o iiling. Pero ang napansin ko sa kanilang tatlo ay ito lagi ang gustong mapag-isa kung minsan libro ang kaharap na namana niya sa kan’yang ama. Gusto niya ang tahimik na lugar ayaw niya ring ginugulo siya kapag-nag-babasa.

“Kung gano‘n, halika na at bumaba na tayo para makakain na kayo ba ka ma-late pa kayo.”

Agad naman nilang kinuha ang kanilang mga gamit bago kami sabay-sabay na bumaba at dumiretso sa dinning area.

Nang makarating ay sinalubong kami nina Mommy, Daddy, Kuya Michael, Lolo at Lola na hinihintay pala kami.

Masaya kaming nag-salo-salo sa pag-kain ng matapos ay agad na kaming lumabas nang sabihin saamin ni Ate Helen na nandiyan na daw ang karwahe na nag-mula sa paaralang papasukan ng mga anak namin ay agad na rin kaming lumabas upang ihatid silang tatlo sa labas nang palasyo.

Nang maayos na ay nakita kong kumaway pa si Daphne habang matamis na nakangiti saamin habang ang dalawa ay seryoso at tahimik lamang na naka-upo habang nakatingin sa direksiyon naming lahat.

Agad namang pinatakbo ng driver ng karwahe upang makaalis na silang lahat kaya naman ay tinanaw na lamang namin ang mga ito habang pa-alis ng palasyo.

Samantalang sa loob nang nasabing karwahe kung saan nakasakay ang tatlo ay tanging si Daphne lamang ang maingay sa kanilang tatlo.

“Ano kaya itsura ng Griffinlor Academy sa picture ko lang kase nakita eh. Maganda kaya iyon sa personal?” Excited na turan nito bago tingnan ang dalawa sa kan’yang kanan at kaliwang bahagi na tahimik lamang.

Maya-maya lamang ay agad natigilan ang tatlo ng huminto ang karwaheng sinasakyan nila bago tumingin sa maliit na bintana upang tingnan kung bakit sila huminto ngunit agad may nag-bukas nang pinto bago sila alalayang bumaba.

Pag-baba ay agad humanga sa laki at ganda ng paligid si Daphne habang ang dalawa nitong kasama at tahimik na nakamasid lamang.

Inilabas nang batang babae ang papel bago pinabalik-balik ang tingin sa papel na hawak at sa harapan nito ngayon.

Kita sa arko ng nasabing bukas na mga higanteng gate ang pangalan ng kilalang eskuwelahan sa mundong ito ang Griffinlor Academy.

“Wow! Ang ganda nito sa personal!” Daphne exclaimed.

Habang pumapasok ay pinagmamasdan nila ang buong paligid sa gitna ng daan ay may malaking fountain sa gilid nito ay may mga puno at tanim na pulang rosas bago sila makapasok sa mismong main door nang eskuwelahan.

Pag-pasok nila ay agad nilang nakuha ang attention ng mga kapwa mag-aaral sa nasabing paaralan ang iba ay nag-bubulungan habang ang iba ay nakamasid lamang sa kanila.

“Sila ba ‘yung sinasabing mga bago?”

“Sila nga ata.”

“Pero ang gwapo nung dalawang kasama niya noh?”

“Ba ka mga kapatid niya?”

“Ba ka nga,”

“Mukhang may crush na agad ako.”

“Hindi na ako aabsent.”

“Saan kaya silang section? Hope kaklase natin sila.”

“True.”

“Tsk, mag-bubulungan na nga lang yung naririnig pa natin.” Asar na ani ni Dashiell na mahinang ikinahagikgik sa tawa ng kapatid niyang si Daphne.

Ngunit tahimik lamang si Aiden na nakasunod sa kanila.

“Ang bad mo talaga kuya at isa pa humahanga lang sila.” Saad ni Daphne sa kapatid.

“Tsk! Whatever.”

Nag-tungo ang tatlo sa Dean Office ng nasabing eskuwelahan upang alamin ang kanilang section.

“Tok-tok-tok”

“Come in.”

Pumasok ang tatlo bago sila sinalubong ng matamis na ngiti ng isang lalaki na hindi naman katandaan at parang ang edad nito ay nahahawig sa mga magulang ng kanilang ina.

“Have a sit.” Paanyaya nito sa tatlong bata.

“So, kayo ba ang mag-pipinsang Velasco?” Tanong nito na tinanguan ng tatlo.

“Kung gano‘n. This is your schedules, locker key, books and your classroom number. Welcome to Griffinlor Academy!”

Nag-pasalamat ang tatlo bago lumabas sa office ng Dean.

“Uy, patingin ng section n’yo?” Pag-tatanong ni Daphne sa dalawa.

Ipinakita ng dalawang batang lalaki ang papel na ibinigay ng Dean sa kanila kanina na siya namang tiningnan nito.

“Kyaaahhh! Same class tayo!” Tili nito bago masayang hinatak ang dalawa na sila namang nag-pahila.

Sa isang silid sa loob nang paaralan ay agad naging tahimik ang kaninang silid na maingay dahil sa pag-pasok ng isang gurong lalaki bago ngumiti sa mga ito.

Continue Reading

You'll Also Like

7.4K 297 92
โ ๏ผญ๏ฝ๏ฝŽ๏ฝ๏ฝŽ๏ฝ๏ฝ๏ฝ๏ฝ๏ฝŒ ๏ฝŽ๏ฝ ๏ฝŽ๏ฝ‡๏ฝ ๏ฝŒ๏ฝ๏ฝŽ๏ฝ‡, ๏ฝ“๏ฝ ๏ฝ๏ฝ๏ฝŒ๏ฝ‰๏ฝŽ๏ฝ‡ ๏ฝ”๏ฝ๏ฝ ๏ฝ๏ฝโž ยป NCT Series # 1 ยป Narration x Epistolary ยป Taeyong x Jennie โ€
3.8M 135K 36
The day he chose her is the day that her fate was already sealed. *** 'Yong guwapong lalaki na pasyente mo sa mental hospital, na wala kang alam na s...
15M 483K 51
He is cursed. He is in heat and he wants you. *** Sampung taon lamang si Perisha nang kupkupin siya ni Kaden, ang misteryosong lalaki na kulay berde...
21.2M 544K 37
"Do you want to be his favorite obsession?" DAHIL sa isang trahedya, ikinubli ni Virgo ang kagandahang taglay. Itinago niya iyon sa pamamagitan ng pa...