Sounds Of The Night (TWTH Ser...

By AindyWindy

827 341 52

š’š”šŒšŒš€š‘š˜ : Everyone knows Luis, except Jenica. Jenica Acab comes back to Philippines to meet her unrequ... More

Author's Note
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
EPILOGUE
special thanks!!
CHARACTERS

CHAPTER 3

25 10 1
By AindyWindy

[Chapter 3]









Bumukas ang pinto at ang tanging tao na bumuligta sa aking harapan ay.... hindi si Lucas! Agad akong nagtaka kung sino ba itong nagbukas ng pinto para sa'kin. Ang malala pa dito ay wala siyang damit pang-itaas kaya kitang-kita ko ang naglalakihan niyang muscles at six-pack abs! Naka-tapis naman siya sa kaniyang pang-ibaba, kaya't kapansin-pansin ang basa niyang buhok at ang kaniyang agos ng pawis sa leeg. Nang pagmasdan ko ang kaniyang mukha ay dali-dali akong nabighani kung gaano ka-gwapo ang taong ito! Sino ba ang taong ito?!

"Who are you? Are you another stalker? Paparazzi? Look, kahit na wala kang camerang dala, alam kong isa ka nanaman sa mga paparazzi this month! Shoo!" how rude! At ganiyan pa ang turing niya sa'kin! Sino ba siya para mag-assume na isa akong paparazzi? Ano yan—celebrity?

Nanghigpit ako sa aking mga kamay sa labis na galit na nararamdaman ko ngayon, napaka-arogante, akala mo naman ay isa siyang sikat na artista! "Excuse me?! Hindi nga kita kilala! Sino ka ba sa inaakala mo ha? Kung maka-asta ka 'kala mo isa kang artista!" ang malupit kong sagot sa kaniyang malisosyong pambibintang niya. 

Ikinagulat niya naman ang aking tugon at napalunok sa kaniyang mga sinabi. Tila ba ang aking tugon sa kaniyang pambibintang ay nakapag-tataka para sa kaniya, "Maka-asta parang artista?! Eh ano ba ako?! Artista!! Naging bida na ako sa maraming movies pero kung makapagsalita ka ay parang hindi mo ako kilala!"

Nagtaka ako sa mga sinabi niya—hindi ko talaga siya kilala dahil hindi naman ako nanirahan sa Pilipinas ng mga nakalipas na panahon. Ang kasikatan ng mga aktor sa Pilipinas ay hindi sakop ng popularidad sa Switzerland kaya't wala talaga akong ideya kung totoo ba ang sinasabi niya.

"Uhm- totoo ba 'yang sinasabi mo? Sorry, hindi kasi talaga kita kilala." Malumanay kong tinanong. Nakakahiya kasi kung totoo nga ang mga sinabi niya. Makikitang nakikipag-away ako sa isang artista, baka ma-cancel ako sa social media.

"What?! Unbelievable! You really don't know me? Oh for God's sake!" nakakairitang pakinggan kung paano siya mag-reklamo sa'king mga tanong, sabay ng pag-iling niya ng kaniyang ulo at sa bawat oras na ginagawa niya ito dahil sa labis na inis ay tumatalsik ang basa niyang buhok. Tumingin siyang muli sa'kin when he clicked his tongue at samaan ang tingin sa akin.

"Okay. You're really irritating me right now, why don't you search Luis Cabrera in the internet? You'll see what you're looking for." Iritable niyang tugon. Naka-akma na ang aking kamay upang kunin ang aking cellphone para i-search siya pero inandahan niyang isarado ang pintuan, sigurado akong ito ang address at room number na binigay sa'kin ni Lucas. Kapansin-pansin ring magkapareho ng apelyido itong Luis na ito kay Lucas. Sino ba talaga itong bwisit na to?!

Pinigilan ko siyang isarado ang pinto nang harangin ng kamay ko ang pinto. Laking gulat niya nang makitang pinipigilan ko pa rin siya sa pag-alis, "Ay?! Sabi nang umalis ka na eh! Ano ba talagang gusto mo ha?!" kaniyang isinigaw.

"S'il vous plaît, ne fermez pas la porte !" aking tugon upang pigilan siyang isarado ang pinto. Ang pwersa namin ay nagkahalo pati na rin ang aming mga damdamin na sa labis kong pag-aalala ay hindi ko na namalayang nagsasalita na ako sa wikang pranses. Iyon kasi ang aming wika sa Switzerland.

"What? I don't understand you." maikling sagot ni Luis sabay kamot sa kaniyang ulo.

"Sorry. I said please don't close the door! Uhm- hayaan mo muna akong magpaliwanag!"

"You better do." sabay nagkrus ang mga braso niya.

"Uhm.. my bestfriend, Lucas. Binigay niya lang kasi sa'kin 'tong address.. sabi niya dito daw siya nakatira kaya naman pwede akong makitulog ngayong gabi sa kanila. Hindi nga kita kilala eh, si Lucas ang dapat na nandito."

Nang marinig niyang banggitin ko ang pangalan ni Lucas ay agad siyang napa-hakbang patalikod. Siguro ay kilala niya si Lucas? Hindi ko mapigilang ikunot ang aking noo sa lubhang pagtatakang inaabot ko ngayon, pero isa lang ang pumapagitna sa mga nararamdaman ko ngayon at yun ay malapit nang mag-hating gabi. Hindi na'ko dapat pang magtagal sa labas, masyado na rin akong pagod para makipag-away.

"Lucas? Pano mo nakilala ang kapatid ko?" ANO?! Tama ba ang naririnig ko?! Si Lucas at ang artistang ito ay magkapatid?! Now that I know ay unti-unti naging klaro ang lahat-lahat sa akin. Una, magka-apelyido sila, pangalawa, pareho silang pogi. Ang pinagkaiba lang nila ay mga ugali nila. Itong isang 'to parang binudburan ng kalupitan eh. Pogi sana, kaso pangit ang attitude!

"Kababata ko siya, bakit? Tsaka kung magkapatid talaga kayo, ba't ngayon lang kita nakita?" aking tanong naman para sa kaniya.

Noong mga bata pa lang kami, madalas akong tumambay sa bahay nina Lucas, nakakapagtaka dahil buong buhay ko, ang pagkaka-alam ko ay isang only child si Lucas. Ngunit ang tanong kong iyon ay tila hindi pinansin ni Luis at bagkus ay pinatungan ng panibagong tanong, "Ganun ba? Teka lang." at pansamantala siyang pumasok sa loob, dumungaw ako sa loob para makita kung ano ba'ng ginagawa niya, para bang may kinakausap siya sa telepono. Bumalik siya ka-agad at hiningi ang aking cellphone.

"Teka! Bakit ko naman ibibigay sayo?! Hindi nga kita ganun kilala?! Mahiya ka naman!" I instantly reacted.

"May titignan lang ak-.. Patingin na lang ng address na binigay ni Lucas." kaniyang ni-request. Bago ko ipakita sa kaniya ang message ay inirapan ko muna siya sa labis na inis. Doon nakita niya na may pagkakamali naman pala sa address na sinend sa akin ni Lucas. Ang building na tinitiran talaga ni Lucas ay Navila Units, habang ang nasend naman ni Lucas ay Pavila Units, na siyang tinitiran ng kaniyang kapatid na si Luis. Nang marinig ko ang pagkakamali na iyon ay labis na pagsisisi ang aking naramdaman. Ito rin ang sanhi ng pagka-awa sa'kin ni Luis.

"You can stay here if you can't really find him." mahinahon na pag-aalok ni Luis.

"No thank you. Hindi naman tayo magkakilala para abalahin kita." magalang kong pagtanggi.

Iniling nyang muli ang kaniyang ulo sabay tulak sa kaniyang pinto na nagsasalaysay na malaya niya akong iniimbita sa kaniyang condominium. Nang makita ko ang loob ay nalula ako sa kagandahan ng disenyo doon. Halatang pang-mayaman ang tinitiran niya! Pero hindi! Nakakahiyang makituloy sa isang artista!

"Hindi.. kaya ko na'to. Maghahanap na lang ako uli ng taxi para makapunta doon." Aking panghuling pamamalaam bago pa ako umandang umalis pero bigla na lamang inabot ni Luis ang aking braso tsaka ako hinatak papunta sa kaniya, ang inaakalang paghatak ay hindi sinasadyang mahulog sa kaniyang dibdib! Oh my god! Hindi ko lubos akalaing magiging ganito ako kalapit sa isang artista!!

Agad ko siyang tinulak papalayo sa'kin sa sobrang hiya. Iba't-ibang klaseng sensasyon ang aking naramdaman: hiya, kilig, at gulat! Hindi ko man lang maalis sa'king isip kung gano kasarap sa piling na mahawakan ang kaniyang katawan! So hot!

Ang malala pa dun, nakangiti pa talaga siya after kong mahulog sa kaniya ng hindi sinasadya! Ano yun? Nag-eenjoy sa'kin?

"Haha. Sorry about that." he smirked, maliciously. "As I said, pwede ka naman mag-stay dito ngayong gabi." dagdag niya. Sa huli ay wala naman na akong nagawa dahil masyado na ring late para maghanap ng taxi, kung tinuloy ko yun, kailan pa kaya ako makakatulog?! Pag-aalala ko, kaya naman ay tinanggap ko na ang alok niya. Sinimulan ko nang kunin ang aking mga maleta at ipasok sa loob, pero nasurpresa ako nang agawin ni Luis ang mga hawak kong gamit. Ako na dyan, ani niya. Yun naman pala eh, gentleman pa din naman pala. Akala ko puro angas lang eh, wala namang dating kapag puro sungit ang inaatupag.

Hinayaan ko na lang siyang buhatin ang mga bagahe ko sa loob habang ginugol ko ang aking pansin sa disenyo at mga ornamento sa loob ng kaniyang bahay. Kapansin-pansin ang kalidad ng mga furnitures niya, halatang mamahalin. Sa gitna ng kaniyang bahay ay madaling makikita ang malaking flat screen tv niya kaharap ng kulay dark-cyan niyang sofa.  Sinarado na niya ang pinto kaya naman namukod-tangi ang madilim na ambient ng kwarto. Nakakakalma naman talaga ang pakiramdam kapag nakatingin ako sa ambient lighting na ito. Madilim ngunit may dilaw na maliliit na ilaw na nagbibigay ng kalmadong sensasyon sa kwarto.

Nilapitan akong muli ni Luis at tinuro sa akin kung saan ako matutulog ngayong gabi, nakarating kami sa ibang bahagi ng kaniyang bahay kung saan tumambad sa akin ang tatlong pintuan, sa pangalawang pintuan niya ako nilapit, pumasok na ako ka agad ng buksan niya ang pintuan sa isang kwarto. Tumambad sa akin ang isang malaking kama na may pale-blue na kulay, may malaking bintana rin sa harapan nito kung kaya't napakaganda ng view na makikita sa labas. Madilim doon at medyo makalat. Talaga bang dito niya ako patutulugin? Kung tutuusin, hindi naman ganun ka-kalat at hindi rin inaasahan ang aking pagdating, kaya wala na siyang oras para mag-ayos. Sa aking pagpasok ay sumama pa rin si Luis, ang kaniyang mga labi'y patuloy na nakangiti sa akin at ang kaniyang mga mata nama'y tila pagod na naka-dilat. Dali-dali akong tumakbo para tumalon sa kama na saksakan ng lambot! Napakakumportable na nito para higaan! Napahiga ako sa kama ng walang pakundangan habang ine-enjoy ko ang lambot ng kama, si Luis naman ay nakatayo lang sa gilid pagkatapos niyang ibaba ang mga bagahe sa labas.

"Luis? Pagod ka na ba? Ang mga bagahe ko, dito mo na lang ibaba at tapos ka na, salamat." magalang kong inutos sa kaniya, pero wala pa rin siyang imik. Sa sobrang wirdo ng ganap ay iniling ko ang aking ulo sa inis, nang maihula ko ang aking ulo ay nakita ko ang isang malaking photo frame sa tabi ng cabinet sa kabilang dako ng kwarto! Ang photo frame ay naglalaman ng propesyonal na litrato ni Luis! Sa gulat ko ay nakita ko na lamang ang sarili kong tumatalon paalis sa kama!

"Actually... this is my bedroom.. oops." maikling paumanhin ni Luis.

Continue Reading

You'll Also Like

588K 31.5K 20
š’š”š¢šÆššš§š²šš š‘ššš£š©š®š­ š± š‘š®šš«ššš¤š¬š” š‘ššš£š©š®š­ ~By šŠššš£š®źØ„ļøŽ...
28.5K 6.8K 68
Shawn Mendes. From the start he's a selfish and rude man. He's also her client, and she needs to help him solve the mess he made. Will it be strictly...
978K 87.8K 39
āœ« ššØšØš¤ šŽš§šž šˆš§ š‘ššš­š”šØš«šž š†šžš§'š¬ š‹šØšÆšž š’ššš šš š’šžš«š¢šžš¬ āŽāŽāŽāŽāŽāŽāŽāŽāŽāŽāŽ She is shy He is outspoken She is clumsy He is graceful...
342 50 30
Serendra bore the weight of hatred when Ylaro, her 'weird-neirdy' classmate, intended to be cruel only toward her. He symbolized an embodiment of hat...