Stereo High Series 02: Cadenc...

By skchwi

43 46 28

Cadence Ricalde lives for drumming, her ultimate aspiration to become a renowned drummer. But her dreams are... More

Cadence

Prologue

16 23 25
By skchwi

The Beat of Broken Drums

I'm just chilling alone in this dim room next to the band room, surrounded by the meaningful beats of drums echoing off the walls. Each drumbeat is like a heartbeat that brings life to my heart, steady and reassuring, making me feel present. This is where I find solace, where I find myself.

But it wasn't always like this. There was a time when the drums were my refuge, my sanctuary, but also my downfall. It was a time when the rhythm of my life was disrupted, when the beat of my heart was shattered.

"Why do you like to play drums so much, Cadence?" Ang boses ni Bram ang nangunguna sa aking isipan. Ang kanyang mga salita ay nagpapaalala sa akin sa nakaraan. Naalala ko pa rin ang mga mapanlinlang na ekspresyon sa kanyang mukha at ang mapanuyang pagniningning sa kanyang mga mata, habang nakasandal siya sa pintuan ng kwarto malapit sa band room.

Kilala ko na si Bram, simula pa noong bata pa kami, hindi na kami maipaghihiwalay, lalo na't pareho kaming mahilig sa musika, kahit magkaiba ang genre na gusto namin. We shared our dreams, our fears, our secrets. And I trusted him with mine.

"Siguro kasi... parang ito ang pinakamalapit na bagay na pwede kong maramdaman yung tibok ng musika. 'Yung feeling na nararamdaman ko mismo ang tibok ng puso ng musika. 'Yung ganung feeling, alam mo 'yun?" Sagot ko, ang boses ko'y mahinahon, halos sagrado, habang tinitingnan ko ang drum set sa harap ko. "Parang nararamdaman ko ang bawat tibok sa aking kaluluwa."

Little did I know, those words would come back to haunt me.

Parang halos tatlong taon, todo na talaga ang binigay ko para maging drummer ng Afternoon Daydream, ang astig na banda dito sa lugar namin. Nagpapractice ako nang walang sawa, inaayos ang aking mga kasanayan, pinuperfect ang aking talent. At sa wakas, nagbunga ang lahat ng aking pagsisikap nang imbitahan nila akong sumali sa banda.

Kaso, tumagal lang ng dalawang linggo ang aking kasiyahan.

Nagsimula ito noong kumalat ang family secret namin. Kumalat ito na parang apoy na sobrang bilis kumalat at nasunog ang buong kagubatan. Pinagtaksilan ako ni Bram—siya lang ang may alam ng sekretong iyon—at dahil sa bugso ng aking damdamin, kinompronta ko siya sa harap ng maraming tao, sa mismong backstage kung saan sana ako magpeperform kasama ang Afternoon Daydream. Nakabukas pala ang microphone ko, kaya narinig ng buong studyante at iba pang tao ang aking sikreto. He had taken something precious from me, something that was mine and mine alone.

"What's your deal, Cadence? Kakaumpisa mo pa lang naman sa bandang, 'to. I'm giving you a chance to walk away from this. As if naman sisikat ka, akala mo naman ganun ka na ka-big deal. You're still a nobody."

And then came other words, cutting through me like a knife, as someone open the curtains on stage, my drumsticks poised to strike. Bram's voice rang out from the crowd, mocking and cruel, as he recounted the secrets I had shared with him in confidence. He tore me down, piece by piece, in front of everyone I knew.

I was crushed, my spirit broken, as I stumbled through the rest of the performance, the beat of the drums now a painful reminder of everything I had lost.


Sa mga sumunod na araw, tila ba parusa pa sa akin ang mabuhay. I was the talk of the town, girls mocked and teased me, and boys harassed me. I couldn't catch a fucking break! Hanggang sa hindi ko na kayang tignan ang sarili ko sa salamin. And to make matters worse, tinanggal ako sa Afternoon Daydream, ang mga pangarap ko'y nawasak nang walang pag-asa sa pagkakabuo.

"Anak, nalipat ako sa ibang lugar para magtrabaho.. at paaralan din yun.  Yung paaralan naman na pag-aaralan mo ay libre lahat, dagdag pa na cleaner ako sa paaralan na yun kaya naman may libreng bahay sila na bigay sa atin . Kailangan mo lang pumasa sa audition nila. Bale wala silang entrance exam pero audition sa kahit anong musical instruments ay pwede mong ipakita sa kanila. Talented ka din sa pagtugtog ng drums, kaya mo makapasok doon," malumanay na sabi ng aking Mommy.

Hindi ko nagawang sabihin o ipakita sa kanya ang lahat ng kababuyan, pang-aapi, at panghaharass na naranasan ko kamakailan sa paaralan, at nagdarasal ako na hindi niya malaman iyon. Ayaw kong masaktan ang kanyang puso.

Yung senior high school na sinasabi ni Mommy ang tanging pag-asa ko para makapagsimula ulit, para makalimutan ko ang lahat ng masasamang ala-ala na natamo ko sa lugar na ito. God knows, this is my chance to start anew!


Kahit masama ang aking pakiramdam sa lahat ng nangyayari, pinilit ko ang sarili na magpakatatag at pumunta ako sa paaralan na iyon para mag-audition. Hindi naman ako masamang estudyante, pero nung araw na mag-audition ako sa paaralan, nagawa kong mag-cutting. Nakakawalan ng gana magpaalam sa principal, advisor, at ibang teachers, na wala naman silang pakialam sa akin. Isa sila sa mga pumikit sa sitwasyon ko noong nagrereport ako tungkol sa bullying at harassment, at kasama sila sa mga tumawa noong inilahad ni Bram ang sikreto ko.


Nagulat ako, akala ko joke lang itong senior high na balak kong lipatan. Napakalaki, napakaganda, at napakagarbo. Nag-audition na ako, at natanggap naman ako.Naka-kunot lang ang aking mga kilay dahil isa sa mga requirements ay ang pumili ng sasalihang banda dito sa loob ng campus o magtayo ng sariling banda. Kung magtatayo ako ng sariling banda, matatagalan naman ako sa paghahanap ng mga bandmates, at wala akong maisip na magandang pangalan para sa banda. Ang dami ko nang forms na nasasayang, at nakakalat pa ito sa sahig.


May nakita akong isang babae, at sinilip ko ang kanyang sinusulat sa form. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa yun, baka nanalo lang ang aking intrusive thoughts. Wow, ang lakas ng loob niya na gumawa ng grupo, pero walang mga members?


"Anong team mo?" Medyo seryoso kong tanong, nakataas pa ang kilay ko.


"Ah," simpleng sagot niya.


"Patingin," sabi ko, pagturo sa kanyang form.


Sa totoo lang, hindi ko talaga hinihintay ang kanyang sagot. Kinuha ko na lang ang kanyang form at sinulat ang aking pangalan.


"Sasali ako sa team mo, ang pangit ng mga pangalan ng banda dito, e!" lazily and frankly kong sinabi. May mga lumingon, at may mga tumingin ng masama sa akin. Pero wala akong pakialam. Gusto ko lang mapunta sa isang banda na may magandang pangalan, at bahala na kami i-work out ang the rest kapag na-kompleto na kami.

Lumapit na rin ako sa school staff, dala ang form at hinihila ang babae.

"Sino ang leader sa inyong dalawa?" tanong niya. Hindi ko siya sinagot, at pinabayaan ko ang kasama ko ang sumagot.

Wala kasi talaga akong plano na maging lider. Sobrang nakakapagod at mahirap 'yun. Wala din akong leadership skills, at mukhang leader type naman yung kasama ko kahit nag-aalinlangan at nahihiya pa siya.

Siya na rin ang nagpangalan ng banda, siya na ang bahala sa malalaking problema kapag nabuo na 'tong banda. Suportahan ko na lang siya. Wala din naman akong pakialam kung ano ang posisyon namin dito sa banda, basta ako'y magiging drummer.

May mga bagay pang sinabi ang school staff na may kinalaman sa liderato, kaya hinintay ko na lang na matapos niya sabihin ang mga iyon sa katabi ko bago ako nagmadaling umalis. Hindi kami masyadong nag-usap at hindi rin kami nagpalitan ng numero, pero mas marami kaming oras nang ako ay pumasok sa Stereo High.


Oo, Stereo High ang pangalan ng magiging senior high school ko sa hinaharap! Palang pangalan pa lang, pakak na!

Tiniis ko na lang ang natitirang mga araw ko sa paaralang ito, hindi ko rin sinabi sa iba ang mga plano ko na lumipat sa Stereo High, at wala na rin akong kinausap. Wala na rin akong mapagkakatiwalaan dito. Alam ko lang na dito lang din mag-aaral ng senior high ang iba, yung iba naman ay sa ibang bansa, at may iba pang lilipat ng ibang lugar pero walang nagbanggit ng Stereo High. Makakaumpisa na ako muli!


Sa huling araw namin ni Mommy dito, nag-impake lang kami at bumyahe papunta sa bagong lugar habang nadaanan ang Stereo High. Kahit sobrang bigat ng loob ko sa lugar na ito, unti-unti naman itong gumaan habang paalis na kami. Ito na ang panibagong buhay ko, maiiwan ko na ang masamang nangyari sa akin nitong Junior High, maiiwan ko na ang sakit at hirap, ang mga multo na nagbibigay ng bangungot sa akin. Magiging bago na rin ako.


Ngunit habang ako'y nakatambay dito sa kuwartong ito, napaliligiran ng patuloy na ritmo ng mga drums, hindi ko maiwasang magtanong kung makakatakas ba talaga ako sa tinig ng aking nakaraan. Ang panahon lamang ang makakasagot.


At ito pa lang ang simula...

⋅˚₊‧ ୨୧ ‧₊˚ ⋅
S K C H W I


Continue Reading

You'll Also Like

3M 95.9K 28
"Stop trying to act like my fiancΓ©e because I don't give a damn about you!" His words echoed through the room breaking my remaining hopes - Alizeh (...
447K 26.1K 43
The story continues to unfold, with secrets unraveling and new dangers lurking in the shadows. The Chauhan family must stay united and face the chall...
184K 14.5K 36
Her marriage was fixed which was an arranged marriage but she moved to London to pursue her career and dreams and after that, she would marry. But in...
277K 16.1K 17
"α€˜α€±α€Έα€α€Όα€Άα€€α€œα€¬α€•α€Όα€±α€¬α€α€šα€Ί α€„α€œα€»α€Ύα€„α€Ία€œα€Ύα€―α€•α€Ία€žα€½α€¬α€Έα€œα€­α€―α€·α€α€²α€·.... α€™α€Ÿα€―α€α€Ία€›α€•α€«α€˜α€°α€Έα€—α€»α€¬...... ကျွန်တော် α€”α€Ύα€œα€―α€Άα€Έα€žα€¬α€Έα€€ α€žα€°α€·α€”α€¬α€™α€Šα€Ία€œα€±α€Έα€€α€Όα€½α€±α€€α€»α€α€¬α€•α€«.... α€€α€»α€½α€”α€Ία€α€±α€¬α€Ία€›α€„α€Ία€α€―α€”α€Ία€žα€Άα€α€½α€±α€€...