Captiva Decus

By ChanZee218

10K 475 26

Magagawa mo bang mahalin ang taong alam mong kahit kailan ay hindi ka pinakitaan man lang ng pagpapahalaga? P... More

UNA
IKALAWA
IKATLO
IKA-APAT
IKA-LIMA
IKA-ANIM
IKA-PITO
IKA-WALO
IKA-SIYAM
IKA-SAMPU
LABING-ISA
LABING-DALAWA
LABING-TATLO
LABING-APAT
LABING-LIMA
LABING-ANIM
LABING-PITO
LABING-WALO
LABING-SIYAM
DALAWANGPO
DALAWANGPUT-ISA
DALAWANGPUT-DALAWA
DALAWANGPUT-TATLO
DALAWANGPUT-APAT
DALAWANGPUT-LIMA
DALAWANPUT-ANIM
DALAWANGLUT-PITO
DALAWANGPUT-WALO
DALAWANGPUT-SIYAM
TATLUMPO
TATLUMPUT DALAWA
TATLUMPUT TATLO
TATLUMPUT APAT
TATLUMPUT LIMA

TATLUMPUT ISA

197 9 0
By ChanZee218

Carina's POV

May dalawang buwan na pala simula ng tumakas ako kay Glenn bale pitong buwan na si Baby sa tiyan ko at gaya pa rin ng dati walang pinagbago.

“O saan ka naman pupunta, Carina?”

“Maglalakad-lakad lang po ako Ninang para maexercise naman po ang mga binti ko mahirap na pong mamanas eh.”

Tumawa si Ninang.  “Talagang naisip mo pang maglakad-lakad e hapon na.”

Tipid na ngiti ang isinagot ko kay Ninang.  “Maliwanag pa naman po. Maglalakad-lakad po ako sa tabing dagat namiss ko na po kasi yung isla.”

“Wag mong sabihing magsasagwan ka papunta doon ha naku magagalit ang Ninong mo ikaw din saka baka mapaano pa si Baby.”

Lumapit ako kay Ninang at yumakap alam kong nag-aalala lang siya sa akin kaya masyado siyang protective.  “Hindi po ako magbabangka. Tatanawin ko lang po ang isla saka gusto ko pong makita upang paglubog ng araw eh. Uuwi din nan po ako agad bago dilim saka may dala po akong payong at flash light.”

“O sige. Basta isuot mo itong balabal ko kasi mamaya malamig na baka ubuhin ka pa mahahawa niyan pati si Baby.”

Kinuha ko iyon at nilagay sa leeg ko.  “Salamat po Ninang. Sige po maglalakad-lakad na po ako.”  Paalam ko.

***

Argus POV

Magdadalawang buwan na simula ng tumapak ako dito sa Leyte para hanapin ang mag-ina hindi ko akalain na aabutin ako ng ganito katagal sa lugar na ito nawawalan na ako ng pag-asang makita sila pero hanggat maaari ayokong bumitaw kung si Carina nga hi di bumitaw kahit nagdadalang tao siya ako pa kaya na ang tanging problema laman ay ang hanapin siya!

Sinarado ko ang pinto ng tinutuluyan kong paupahan dito sa Bayan ng Hinunangan. Sinuyod ko na ang lahat ng Bayan dito sa Southern Leyte at itong Hinunangan ang pinakahuli kong pag-asa.

“Please sana nandito siya.”  Bulong ko bago ako tuluyang naglakad pababa ng tatlong palapag na gusali.

Sinimulan ko ng maglakad-lakad gaya ng araw-araw kong ginagawa nitong nakalipas ng dalawang buwan ini-isa-isa ko lahat ng mga taong kaya kong pagtanungan habang hawak ko ang printed na litrato ni Carina.

Nilubaybay ko ang kalsada dito ako umpisang magtatanong-tanong.

May nakita akong pwesto na bilihan ng mga Samalamig naisip ko na baka bumili doon si Carina kaya naglakad ako palapit sa pwesto nito.

“Excuse me ho, Manang kilala nyo po ang ang babaeng ito?”  Tukoy ko sa larawang hawak ko.

Umiling ito.  “Hindi e. Sino ba ‘yan?”

“Si—.”

“Oi. Si Ganda yan ah.”  Agaw eksena ng isang lalaki na kabababa lang ng Bus. Tinitigan ako nito.  “Bakit may picture ka ni Ganda?”

Nangunot ang noo ko bakit kilala nitong medyo may edad na lalaki si Carina? Saka paano niya nakilala si Carina?  Hindi ko nagawang magsalita nabigla kasi ako sa tanong kaya nagpatuloy ito.

“Hindi ko siya kilala sa pangalan nalimutan ko na kasi pero sa mukha ‘oo’ kaya Ganda ang tawag ko sa kanya. Maganda bata talaga siya at mabait. Teka wag mong sabihing ikaw ang Ama ng dinadala niya?”

May nahaplos na kung ano ang salita nito sa puso lalo ng marinig ko ang mga huling tinuran nito, hindi ko nakontrol ang mga luha ko.  “K-kilala nyo nga si Carina!”

“Ayun! Tama Carina nga ang pangalan niya kung ganun ikaw ba ang nakabuntis sa kanya?”

Tumango ako.  “Oho. A-ako nga ho. Pwede nyo ho bang sabihin sa akin kung nasaan siya? O kahit konting impormasyon lang para makita ko na ho siya Pitong buwan ko na ho siyang hinahanap sana naman matulungan nyo ho ako nakahanda ho akong magbigay ng pabuya makita ko lang ang mag-ina ko, Manong.”  Gumagaralgal kong sambit.

Tinapik jito ang balikat ko saka ngumiti.  “Kahit wala pabuya tutulungan kita para magkita na kayo ni Ganda. Regalo ko na tutal malapit na ang Pasko diba. May Sasakyan ka ba?”

“Wala ho. Iniwan ko sa Airport sa Maynila.”  Sagot ko habang hinahawi ko ng mga palad ko ang luhang dumaloy mula sa mga mata ko talagang nagiging emotional ako pagdating kay Carina. Talagang mahal ko siya ng sobra-sobra.

“O sige sakay ka na sa Bus ko dadaanan natin yung Car wash na tinutuluyan niya saka sakto din na may groceries akong ibibigay sa kanya.”  Saad ni Manong.

“Groceries ho?”

Nauna itong naglakad at pumanhik ng Bus sumunod ako sa kanya. May mangilan-ngilan na lang na mga pasahero sa loob ng Bus. Umupo ako sa baka teng upuan na nasa likod lamang ni Manong. Siya pala ang driver.

“Oo. Linggo-linggo akong nag-aabot kay Ganda ng groceries nakikita ko kasi sa kanya ang anak ko saka mabait siyang bata alam mo bang ang laki na ng tiyan niya tiyak na matutuwa siya kapag nakita ka niya. Basta ipangako mong aalagaan mo siyang mabuti wag mo na siyang hayaang mawala sa tabi mo gaya ngayon. Alam mo bang awang-awa ako sa kanya nung unang beses na makita ko siya takot na takot si Ganda. O aalis na tayo. Excited ka na bang makita ang hinahanap mo?”

Tumango ako at sumandal sa upuan ng buhayin na nito ang makina.  “Oho, Manong. Sobrang excited na.”

Tiwala ako sa sinabi nito meron siyang mga impormasyon na tumutugma sa mga naikwento sa akin dati ni Carina gaya ng Car wash shop na pag-aari ng Ninong niya na nasa Bayan lang daw ibig sabihin malapit lang iyon dito. Hindi na ako mapakali sa kinauupuan ko parang ang bagal-bagal ng andar ng Bus.

Mga ilang minuto ang tinakbo namin at huminto ang Bus na sinasakyan ko akala ko merong baba.

“O andito na tayo.”  Bumaling sa akin si Manong.

Bigla akong kinabahan. Nandito na daw kami sa lugar kung saan tumira si Carina. Tumayo ako saka ako bumaba kasunod ko si Manong. Nahagip ng mga mata ko ang malaking karatula na yari lamang sa plywood nasulat doon ang salitang ‘Car Wash'  pigil ko ang mga luba ko sa pagkakataong ito ayoko munang umiyak dahil gusto kong gwapo ako kapag nagkita kami ni Carina.

Madilim na kaya walang gaanong customer sa shop na hinintuan namin. Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Carina. Napabayaan ko siya ng Pitong buwan! Mag-isa niyang hinarap ang mga araw habang lumalaki sa loob niya ang binhing ako mismo ang nagbaon. Kagat-labi kong pinigilan ang mga luha ko.

“Tara, kilala ko ang mag-asawang may-ari ng shop.”  Aya sa akin ni Manong. Nauna itong maglakad habang tahimik akong nakasunod.

Kumatok si Manong.  “Magandang gabi. Carina.”

Nahigit ko ang hininga ko ng may lumabas mula sa pinto kaso hindi si Carina kundi isang matandang babae nakangiti ito senyales na kilala niya ang kasama ko.

“Oi, ikaw pala Martinez. Talagang hindi mo nakakalimutang dalawin si Carina.”  Huminto ito sa pagsasalita ng mapansin ang presensya ko pero naroon pa rin ang magandang ngiti ng matandang babae.  “May kasama ka pala.”

Nilingon ako ni Manong.  “Oo. Si Carina ang sadya niya.”

“Si Carina? Bakit?”  tanong ng matandang babae.

“Eh, siya na lang ang bahalang sumagot niyan teka kukunin ko na muna ang groceries para sa inaanak mo.”  Paalam ni Manong.

Binalingan ako ng matandang babae. Kung inaanak niya si Carina ibig sabihin Ninang siya nito.   “Bakit mo hinahanap si Carina?”

Napatitig ako ang diretso sa mga mata nito sabay hugot ng malalim na buntong-hininga.  “A-ako po pala si Argus.”

“Argus? Dalawang buwan na dito sa amin si Carina at hindi naman ako pinanganak kahapon lang para hindi ko maunawaan ang lahat. Ikaw ba ang nakabuntis sa inaanak ko?”

Tumango ako.

Tumikhim ang Ninang ni Carina.  “K-kung ganun bakit ka nga andito? Gusto kong malaman ang intensyon mo sa inaanak ko wag kang mag-alala dahil hindi naman ako gaya ni Amelia na pagtatabuyan ka gusto ko lang makasigurado na hindi na dadanasin ni Carina ang paghihirap niya niya habang lumalaki ang tiyan niya. A-alam mo bang awang-awa ako sa batang yon parang anak ko na si Carina kaya talagang iniingatan ko siya sana naunawaan mo ako, Argus.”

Muli akong tumango.  “Iuuwi ko na po siya. Hinding-hindi ko na po siya iiwanan pangako.”

Bumuhos ang emosyon ng Ninang ni Carina. Sunod-sunod ang punas nito sa pisngi.  “P-pasensya na ha tears of joy lang ito.”

“O nagkaka-iyakan na ata kayo dito. Heto ang groceries para kay Ganda pakisabing dumaan si Tatay. O maiwan ko na kayo ha. Teka sasabay ka ba uli?”

Nilapag nito ang dalawang eco bag sa ibabaw ng maliit ng mesa lahat yun para sa mag-ina ko kahit paano nagkaroon ng karamay si Carina sa mga sandaling ako dapat ang kasama niya.

Hinawakan ko ang eco bag at mahigpit na kinapitan iyon.  “S-salamat ho, Tay.”

“Wala iyon basta ingatan mo si Carina. O sige mauna na ako may mga pasahero pa akong ihahatid.” Paalam niya bago pumanhik sa loob ng Bus mayaya pa ay umandar na ito palayo.

Nakatuon sa papalayong Bus ang pansin ko ng magsalita ang Ninang ni Carina.

“Nasa tabing dagat siya ngayon naglalakad-lakad gusto daw noyang makita ang paglubog ng araw ganun din ang isla na kinalakihan niya. Kung ngayon ka mag-uumpisang maglakad e maaabutan mo siya doon bago tuluyang gumabi.” Nakangiting turan nito.

“S-salamat po, Ninang.”  Kinuha ko ang kanang kamay nito saka ako nagmano bilang paggalang na rin.  “Pupunthan ko na po siya.”

Continue Reading

You'll Also Like

192K 5.5K 40
Swift Twins: Jet Bryce SPG | R-18 Started: February 22, 2021 Ended: Source of Cover Picture: Pinterest
347K 7.9K 30
Roice Vien Walton- The 2nd son of Senator Vernan Walton.The Multi-Billionaire business Tycon. Isang Dakilang babaero at mapaglaro ng damdamin sa mga...
265K 7K 39
Kier Harrison- Isa akong miyembro ng Assassin's na tinawag itong Black Underground. Halos sa akin na ang lahat, kilala ang aking Kompanya at ibang mg...
293K 5.8K 36
Lia Marquez is not really your typical kikay girl.In fact,kabaligtaran siya nito.Lumaki ito na may pagkaboyish gawa ng ama lang ang kinilala nito pag...