Drown by His Love | COMPLETED...

By Rufsxmi

9.2K 177 8

Romance | R-18 She's a famous actress all the fame belongs to her, Everyone looks up to her. Sa kabila ng lah... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Epilogue
Special Chapter

Chapter 8

283 8 0
By Rufsxmi

We're here at Sierra and Raziel's house again. Maghapon na naman akong nandito


Niyaya ako ni Ethan pumunta dito naabutan ko din si Jewel na nandito na rin. Gustong - gusto ko din namang makita ang baby nila kaya sumama na ako

Pinapatulog na ni Sierra si Seraphim ngayon kaya napagdesisyunan namin lumabas ni Ethan si Jewel naman ay nagpa iwan sa loob para tulungan si Sierra


Narito ulit kami sa upuang kahoy na tinatambayan namin nung nakaraan. I dipped the cooked banana I was holding in the fish sauce that was served to us. At first it smells so mapanghe pero nung naumpisahan ko nang matikman hindi naman pala masama ang lasa nya


"Nakaka Apat kana Courtney mabigat sa tsan yan magdahan-dahan ka" sabi ni Ethan sa akin


"It taste so good, tsaka di naman masyadong macars to diba?" kinagat ko yung nasawsaw kong saging


"Sabagay kapag bumalik ka na naman sa Manila balik ka na naman sa mga kinakain mo doon" kumuha din sya ng saging at sumawsaw sa fish sauce

"Mamimiss ko kayo kapag bumalik ako sa Manila.Grabe 5 days palang akong nandito pero pakiramdam ko ang tagal ko na kayong kaibigan" I looked at Ethan nakikinig lang sya sa akin


"I remember Ethan! mag eextend pala ako ng bayad sa kubo!" Oo nga pala 5 days lang yung nabayad ko

"Wag na, Libre ko na yung ilang araw na extended stay mo" sumimangot naman ako


"No! I can pay! its business you know! hayaan mo na akong magbayad" pag pipilit ko sa kanya


"Wag na nga, kahit ibayad mo yan sa front desk hindi ko ipapatanggap yan sa staffs ko. Para ka namang iba tsaka para pag bumalik ka ulit dito sa Isla sa resort ulit kita Mag sstay" nakatingin lang sya sa dagat habang ngumunguya


"Ikaw talaga Ethan!" hinampas ko ung braso nya


"Saan ba gaganapin ung Premier night nyo? para kapag pumunta ako sa Manila alan ko kung saan ka susuportahan" Naalala ko nga pala pupunta din sya sa Manila

"Give me your phone" nilahad ko ung kamay ko. Tumingin muna sya doon bago nilagay ung phone nya sa kamay ko

It's a new model from my phone's brand. Mapera din pala talaga to si Ethan updated sya sa phones

Tinype ko ang number ko at sinave yun sa Contacts nya


"Tawagan mo ako kapag nasa Manila ka, let's hang out there" binalik ko sa kanya yung phone nya


"Madaya ka, akin na yung phone mo" nilahad nya din ung kamay nya sa akin natawa naman ako at nilagay doon ang phone ko


Nagtype din sya bago binalik ang phone ko sa akin

"Tawag or text ka lang kapag kailangan mo nang kausap. Alam mo na" I looked at my phone nakalagay sa contact name nya

ETHAN GWAPO

"You know what? Ok lang naman na name mo lang ilagay sa contact bakit kailangang may gwapo pa?" napakamot ako ng ulo


"Para naman may gwapo jan sa contacts mo!" napangiwi ako hindi ko na kinakaya ung kahanginan ng taong to

"Oo nga pala share mo sa akin yung picture naten!" tumingin ako sa kanya


"Huh? bakit naman sa akin lang to!" ayaw kong ipakita sa kanya medyo nahihiya akong isipin na makita nya ung picture namin na nagpatibok ng matindi sa dibdib ko

"Ay ang damot!" inaabot nya sa akin ung phone ko nilalayo ko naman sa kanya

"Wag na kase! Isa!" patuloy pa rin sya sa pag agaw ng phone ko

"Pashare lang! ang damot mo naman!!" nag aagawan kaming dalawa na parang mga bata

Hanggang sa mapahiga ako sa upuan kakaiwas sa kamay nya. Maya-Maya nadulas ang kamay ni Ethan na nakapatong sa sandalan ng upuan. Aksidente syang natumba sa itaas ko sobrang lapit namin sa isa't-isa nakatinginan pa kami ng matagal


Tumayo agad sya at inalalayan akong tumayo din mukhang wala namang nakakita sa amin

"Sorry Court,di ko sinasadya" napakamot sya sa batok nya


"Don't talk about it, it was an accident" inopen ko ang phone ko at inaabot sa kanya yun


"Pasa mo na sa phone mo para may remembrance ka sa akin" ngumiti ako sa kanya ayaw ko ipahalatang malakas ang kabog ng dibdib ko


Mukhang gusto nya talagang makuha ang copy mg pictures namin. Pinapanood ko lang sya habang pinapasa sa phone nya ung mga picture namin halos lahat ata ng picture na kasama sya pinasa nya. After that sinauli nya din agad sa akin ang phone ko


"Nagka girlfriend ka na Ethan?" I asked him I was just curious about his love life puro kase sya biro


"Hindi pa, pero na in love ako" sa isang maikling sagot nyang yun medyo kumirot ang dibdib ko bakit na naman ba?

"Really?? If na inlove kana panong hindi kapa nagka girlfriend? hindi mo sya niligawan?" I looked at him he just chuckled

"Alam lang niya na gusto ko sya, sinasabi ko naman sa kanya pero hanggang kaibigan lang ang turing at pagmamahal nya sa akin. Hanggang sa nakita nya na ang para sa kanya wala akong magawa kundi panoorin syang sumaya sa lalaking mahal nya. Tsaka nagmove on na ako hindi na masakit parang tusok nalang ng karayom dapat ko nang kalimutan yun kase may anak na sila" I gasped when I realized who's he's talking about

Tumingin ako sa bungalow ni Sierra at binalik ang tingin ko kay Ethan

"Galing mong manghula ahh" There's no pain or sadness on his eyes mukhang moved on na nga sya

"I'm sorry to asked you that question" nahiya tuloy ako sa kanya bat ba kase napaka chismosa ko


"Wala naman na sa akin yun, Masaya na ako sa kanila tsaka magkaibigan pa din kami. Hindi ako bitter sa buhay hahahaha" mukhang wala na talaga syang bitterness na nararamadaman. This man is so genuine and pure

"Ikaw? How's your love life? may iniwan ka ba sa Manila?" tanong nya sa akin

"I'm fucking single, mahirap makipag relasyon sa mundo ng showbiz" sagot ko sa kanya

After the day  I  lost my child never na ulit akong pumasok sa isang relasyon wala na akong tiwala sa mga lalaking nasa showbiz gaya ng tatay ng anak ko na isa sa pumilit sa akin na mag palaglag


I felt tears forming in the corner of my eyes. Naalala ko na naman yung hayop na lalaking yun

Napapikit ako naririnig ko na naman ang mga boses nila

"Wag kang selfish Courtney! "

"Ayaw ko niyan Courtney!"

"Ipalaglag mo yan!"

"Let's abort that child dugo palang naman yan!"


Mariin kong ipinikit ang mga mata ko nag-uumpisa na naman ang panginginig ng buong katawan ko

Naramdaman ko ang dalawang mainit na palad na tumakip sa magkabilang tenga ko. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko I saw Ethan's face he looks so worried


"You naririnig mo na naman ?" seryosong tanong nya sa akin tumango naman ako


He wipes the tears forming in my eyes hindi pa nakakatulo ang mga yon. Hinawakan nya ng mahigpit ang mga kamay ko


"Ang hina ko noon Ethan----"gusto kong ituloy ang sasabihin ko pero nag sign sya na huwag na muna akong magsalita

" Kaya mo bang ikwento sa akin lahat ngayon?! "malumanay na tanong nya sa akin

"Hi-Hindi" mahinang sagot ko sa kanya

Totoo naman talaga, I'm still not ready to tell my story to someone na ngayon ko lang nakilala and I can't still control my emotions pakiramdam ko hindi pa safe sa ibang tao ang pinaka tinatago kong sikreto

"Ayos lang" hawak nya pa rin ang mga kamay ko hindi na iyon nanginginig maybe because of his warm palms

Alam kong may idea na sya na malalim ang pinagdadaanan mo, he's just patiently waiting for me to open to him. Mukhang di nya din naman balak ipilit na mag open up ako sa kanya. Kahit di nya alam ung reasons ko kaya nya akong pakalmahin he also makes sure na kumportable ako sa bawat ikikilos nya sa akin bago nya gawin. This guy is really something



"Gusto mo kantahan kita?" mahinahon pa din ang boses nya. Wala sa loob na tumango ako

"You came out the blue on a rainy night, no lie
I tell you how I almost died, while you're bringing me back to life" Ethan started singing

Oh God I know the song! this song used to be my comfort song back in Manila lalo na kapag naririnig ko yung mga boses sa utak ko


The songs suits on Ethan's voice so well. He's still holding my hands

"I just wanna live in this moment forever
'Cause I'm afraid that living couldn't get any better
Started giving up on the word forever
Until you give up heaven so we could be together" He's looking at me straight to my eyes 

"You're my angel, angel baby
Angel, you're my angel, baby
Baby, you're my angel, angel baby" Napasabay ako sa pagkanta nya the voices in my head was already gone.

"Woaahh maganda din pala ang boses mo Court" puri nya sa akin nakahawak pa din sya sa mga kamay ko

"Di mo ba alam nag release ako ng album nung sixteen years old palang ako?" nawala na ang panginginig ng katawan ko

"Ethan, Thank you. Hindi ko alam kung bakit pero every time na niyayakap mo ako at gaya ngayon you're trying to comfort me nawawala lahat ng boses sa utak ko at takot na nararamdaman ko. Salamat hah! ngayon lang kase may nagcomfort sa akin in a way like what you did" Oo si Carl laging nanjan para sa akin pero ibang iba amg comfort na nararamdaman ko kay Ethan. Para nya akong dinadala sa langit


My whole life was a chaos. I'd tried to fight with myself many times hindi ko na mabilang kung ilang beses nananalo ang utak ko at nadadala ako neto sa pagbabalak mag suicide

Ngayon pakiramdam ko mayroon na akong isang napakalaking kakampi sa buhay ko simula nang iligtas nya ako from drowning myself

Nararamdaman kong lagi syang nakatingin at pinagmamasdan lang ang Bawat galaw ko



"Talaga? nagka dulot na din ako sa mundo sa wakas" I know that he's just kidding pero sa akin napakalaki ng impact ng mga ginagawa nya para lang macomfort ako

"Sir Ethan nandiyan ka din pala!" may lumapit sa aming isang may edad na lalaki I remembered him. Mang Nestor


May dala syang malaking gallon at lumapit sa amin

"May nakuha na naman po silang tuba, ito po sa inyo po ito sir" binaba ni Mang Nestor sa lamesa ung dala nyang galloon mukhang puno iyon

"Salamat Mang Nestor" hindi naman nagtagal si Mang Nestor at umuwi na

"Dumidilim na din Courtney uwi na tayo?" Oo nga padilim na din

"Sige tara na" tumayo ako sakto namang sumilip sa bintana si Jewel at Sierra

"Uwi na kami Sierra, Jewel" kumaway ako sa kanila

Sabi ni Ethan na malapit lang ang bahay ni Jewel dito

"Ingat kayo!! Ethan! Ingatan mo yan si Courtney!" sigaw ni Sierra

"Oo naman" nakangiti nyang sabi buhat nya ung container na dala ni Mang Nestor kanina

Naglakad na kami palabas sa bakuran ni Sierra. Sinakay ni Ethan sa harapan nya ung container na kanina buhat buhat nya

Umangkas na ako sa likod nya. Nagulat ako nang kunin nya ung mga kamay ko at nilagay sa mga bewang nya

Hindi na ako umimik hanggang sa makarating kami sa resort

"Ano bang laman nyan Ethan?" bitbit nya pa din ung container na binigay ni Mang Nestor

"Ahhh Tuba tawag nito dito" nung nakita nyang parang wala akong idea ay napakamot sya ng ulo



"Ummm alak ito na galing sa puno ng niyog. Kapag naluto nagiging lambanog" napatango ako so alak pala yun




"Gusto mo tikman?" tanong nya

"Can I?" ngayon ko lang narinig na may ganong alak pala

Umalis sya saglit pagbalik nya may dala syang pitsel, baso at 1.5 na Coca-Cola. Pinapanood ko syang magsalin ng alak na yun galing sa container papunta sa pitsel naamoy ko na agad mukhang matapang

Nang makapagsalin na sya ay naglakad sya papunta sa isang cottage ay naupo sumunod ako sa kanya hawak ko ngayon yung dalawang baso at coke na dala nya kanina

Umupo ako sa tapat nya pinanood ko naman syang ihalo ung coke sa alak na nasa pitsel after that he pour a little amount of that drink on one of the glasses and gave it to me

"Try mo" kinuha ko sa kanya yung baso

Inamoy ko muna, mukhang matapang nga. Dahan-dahan ko iyong ininom nagulat ako sa lasa non mapakla! pero na balance ng coke ang pakla nya kaya hindi ganon kasama ang lasa

"Masarap?" naglalagay sya sa isang baso

"It taste weird but it's good. Mukhang hindi naman malakas ang tama not like the other drinks na naiinom ko sa mga bar" nilagyan nya ulit ung baso ko

"Wag kang magpapasobra masakit din sa ulo kapag mapadami ka nito" ininom nya na din ung nasa baso nya

"Really? parang hindi naman" ininom ko ung nasa baso ko

May dumating naman na inihaw na pusit na dala ng isa sa mga staffs nya. Mukhang mapapainom ako ngayong gabi







Dalawang oras na siguro kaming nagkakainuman ni Ethan, nakakailang salin na din sya ng Tuba sa pitsel. I think tinamaan na nga ako medyo nahihilo na ako

Ethan was still drinking, hindi ko sya nakitang uminom noong na kay Tobias kami siguro mas prefer nya tong alak nato

"Ethan.... iff ay gowback twoo Mawnila awre we stiwll frwiends?" I asked him I don't know if he understand me hirap na akong magsalita hilong-hilo na din ako

"Sabi sayo ehh edi nahilo ka na ngayon" natatawang sabi nya sa akin



"Wag moh akwoo tawanan!!" inihiga ko ang ulo ko sa lamesa. Wala na nahihilo talaga ako I didn't expect na malalasing ako sa alak na yon

I closed my eyes naantok na ako pero naramdaman ko na para akong lumulutang, wala na lasing na talaga ako. Napadilat ako ng mata I saw Ethan's face buhat-buhat nya ako hinayaan ko nalang sya siguro dadalhin nya ako sa kubo ko napahawak na din ako sa balikat nya

Ang bango-bango pala ni Ethan. Isiniksik ko ang sarili ko sa dibdib nya


Nakarinig ako ng pagbukas ng pinto, maya-maya ay naramdaman ko ang isang malambot na bagay sa likod ko inihiga na ako ni Ethan sa kama

Hawak-Hawak ko ang kapirasong tela ng damit nya sa bandang balikat nya

"Courtney lalabas na ako" paalam nya sa akin

"Ethan.... dito ka muna saglit" hindi ko pa din sya binibitawan


"Matulog ka na diba sabi mo susubukan mong mangisda bukas?" hindi ko pa rin siya pinapakinggan

"Dito ka muna.... kakampi kita diba?"

"Huh? bakit? sino kaaway mo?" natatawa nyang tanong

"Basta diba? kakampi kita??"

"Oo naman"

Nung marinig kong sinabi nya un hinila ko sya papalapit sa akin.

I kissed him isang madiin na halik sa labi ang binigay ko sa kanya this man deserves my gratitude .

Bumitaw ako sa mula sa pagkakahalik sa kanya, and now I'm looking at his face mukhang gulat na gulat sya sa ginawa ko hindi pa din sya makagalaw

We're looking at each other's eyes. Hindi na naman nawala yung pagbasa nya sa mga mata ko. I looked him intensely but he looks so confused right now. He became cute in my eyes


I put my arms on his nape and pull him again closer to me. Nilapit ko ang mukha nya sa akin

"Courtney lalabas na ako----" hindi ko na sya pinatapos sa pag sasalita


This time I kissed him with so much emotions. Dahan-dahan kong inangkin ang malambot nyang labi. I passionately kissed him parang may mga paru-paru na namang lumilipad sa loob ng katawan ko


Madami na akong nahalikang lalaki dahil sa trabahong meron ako pero sa pakiramdam ang halikan si Ethan. Masarap sa pakiramdam

I slowly felt his response to my kisses. This man was so really soft kahit sa paghalik sa akin he was still gentle

Parang may kuryenteng dumadaloy sa katawan ko sa bawat hagod ng mga labi namin sa isa't-isa. I softly bite his lower lip and immediately returned to kissing his lips again and kissed it aggressively umabot sa leeg ni Ethan ang bawat halik ko


"Teka Court" parang kinakapos sya ng hangin nang makalayo sa akin

"Ano ba Ethan!! nandon na ehh bat mo naman pinutol!" nakaramdam pa din ako ng hilo

"Pinangako ko sa Mama ko na ikakasal akong virgin! Hindi pwede yun Courtney!! Masama yon!!" parang batang sabi nya

Hindi ko alam kung nagjojoke sya sa or what. Hindi ko na masyadong napansin ang sinabi nya dahil sa sobrang hilo na nararamdaman ko

Napapikit ako ng mata. Nasobrahan na siguro ako sa lasing ngayong gabi

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 32.4K 46
When young Diovanna is framed for something she didn't do and is sent off to a "boarding school" she feels abandoned and betrayed. But one thing was...
527K 18.6K 93
"Leave, you're free. Don't ever come back here again." She said, hoping he wouldn't return and she'll get to live Hael was shocked, "Are you abandon...
1.2M 107K 41
✫ 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝐎𝐧𝐞 𝐈𝐧 𝐑𝐚𝐭𝐡𝐨𝐫𝐞 𝐆𝐞𝐧'𝐬 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐒𝐚𝐠𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 ⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎ She is shy He is outspoken She is clumsy He is graceful...
652K 34.6K 20
𝐒𝐡𝐢𝐯𝐚𝐧𝐲𝐚 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 𝐱 𝐑𝐮𝐝𝐫𝐚𝐤𝐬𝐡 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 ~By 𝐊𝐚𝐣𝐮ꨄ︎...