Fools In Love (SELF-PUBLISHED)

By pajama_addict

36.6K 1.5K 244

Lovefools Book 2 More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24

Chapter 10

603 46 0
By pajama_addict

When the plane landed I was suddenly unsure if my decision to follow Green to Cebu was right. I badly wanted to talk to her but I wasn't certain if she'd be happy to see me.

Pucha, baka sipain ako n'un pauwi ng Laguna. O baka naman lalong magalit sa akin dahil hindi ko man lang maibigay 'yung space na hinihingi n'ya, I thought as I followed the throng of people towards the passenger exits.

"Redley!" I heard Kuya Blue's voice.

I looked around the waiting crowd and saw him waving at me.

"Kuya!" I waved back making my way to him.

"Kumusta ang biyahe?"

"Okay naman po."

"O, wala kang dalang bag?" he asked with a frown as we walked towards where he parked his car.

"Wala, Kuya, eh. Biglaan po kasi."

"May mga damit ka naman yata sa bahay 'tsaka h'wag kang mag-alala, pahiramin na lang kitang brief."

I laughed.

"Paano 'yung sasakyan mo?"

"Iniwan ko lang po sa airport."

"Ahh...eh, kumusta ka naman?"

"Okay lang po..." I said before I sighed. "Kuya, sorry po. Alam ko pong galit kayo sa akin."

"Asus nagdrama pa ito. O, pasok na sa loob at alam kong kapag nagbati na kayo ng kapatid ko ay babalatan ako n'un nang buhay kapag nalaman n'yang hinayaan kitang magbabad sa ilalim ng araw."

We both got inside his car.

"Nagkausap na po ba kayo ni Green?"

"Hindi pa."

"Pasensya na po, pinaiyak ko po ang kapatid n'yo."

"Iyakin naman talaga 'yun, bayaan mo na. Sigurado akong pinaiyak ka rin n'un. Lakas kaya n'un mang-api," he said turning the engine on.

He turned his head to look at me. "Ano, diretso na ba tayong bahay o baka may gusto ka pang daanan? Gusto mo bang magsimba?" he asked with a grin.

"Kuya Blue naman, lalo n'yo naman po akong pinapakaba, eh."

My wife's older brother laughed out loud. "H'wag kang kabahan. Mga magulang ko nga nag-aaway pa rin, eh. Kayo pa ba na ilang taon pa lang kasal?"

"Alam n'yo, Kuya, sobra 'yung nerbiyos ko paglapag ng eroplano. Akala ko kasi bubugbugin n'yo ako, eh, kasi pinaiyak ko 'yung bunso n'yo."

"Siguro kung nambabae ka, o kaya ay nagka-pisikalan kayo ng kapatid ko at umuwing putok ang mga labi, may mga pasa o bali si Gianna ay malamang hindi ka na sisikatan ng araw. May dala-dala na kaming pala at kabaong at hindi mo na kailangang pumunta pa ng Cebu dahil kami na mismo ang pupunta sa'yo."

I did not reply.

"Kita mo 'to, ninerbiyos na naman," Kuya Blue said with a wide smile.

"Nag-iisip lang po..."

He laughingly patted my shoulder. "Kalma!"

"Opo..."

"Alam naman namin, Red, na sobrang habang pasensya ang ibinigay mo kay Green. Alam din namin na spoiled 'yun, paano kasi bunso at nag-iisang babae. Pero, sa halos tatlong taon ninyong nagsama, wala kaming narinig na hindi maganda tungkol sa'yo. She only has good things to say about you. Ang sabi n'ya kay Mommy kahit walang lasa o kaya ay sobrang alat 'yung niluluto n'ya ay kinakain mo at wala kang sinasabi. Sabi n'ya ay kahit hilaw 'yung kanin o minsan sunog ay hindi ka raw nagrereklamo. Kaya naman n'ung bago kayong kasal, maya't maya ay tumatawag 'yun sa bahay para itanong kung paano iluto ang isang putahe. Kaya kumalma ka, Red, alam kong hindi tayo hahantong sa pagdadala ng pala at kabaong dahil ako mismo ay alam kung gaano ka kabait na asawa at kabuting tao."

Somehow what Kuya Blue said made me feel guiltier. Parang sobra kasing nag-effort 'yung asawa ko 'tapos hindi ko man lang nagawang suklian. Parang lahat ginawa ni Green para maging mabuting maybahay pero heto ako, ni pag-uwi nang maaga ay hindi pa magawa.

"May sinabi po ba s'ya pagdating n'ya sa bahay ninyo? Naglabas po ba s'ya ng mga hinanakit?"

"Hindi. Wala s'yang sinabi at tahimik lang. Kumain lang s'ya 'tapos dumiretso na sa kuwarto n'yo. Ni hindi nga kami kinausap. Ang sabi ni Mommy ay pabayaan lang muna naming magpahinga dahil magkukuwento naman 'yun kapag handa nang magkuwento. Kaya itatanong ko na sa'yo ngayon dahil kanina pa ako halos mamatay na sa suspense, ano bang nangyari?"

"Kasalanan ko po, Kuya..."

"Sabihin mo sa akin kung anong nangyari at ako na ang huhusga kung kasalanan mo talaga o hindi. Hindi naman por que kapatid ko si Green ay s'ya na ang parating tama sa paningin ko. Kapatid na rin naman kita, Red, parte ka na ng pamilya namin. At lahat ng tulong na pwede kong ibigay sa inyong dalawa ay ibibigay ko."

I expelled a heavy breath. "Lately po kasi nagkukulang po ako ng oras sa kanya. Kadalasan late po akong nakakauwi. May mga pagkakataong hindi ko na po s'ya nasusundo sa klase n'ya kasi busy po ako sa activities ng frat..."

"Oh, well, at least mga lalaki naman pala ang pinagkakaabalahan mo at hindi babae," Kuya Blue jested.

"Ang pangit namang pakinggan n'yan, Kuya," I complained.

My eldest brother-in-law laughed again. "Ang sagwa nga. Pero, balik tayo d'un sa kuwento mo, ibig sabihin nagseselos si Green sa frat?"

"Hindi naman po matatawag na selos. Baka hindi ko lang po nabalanse at naiwan ko po s'ya sa ere."

"O, 'yun naman pala, eh, alam mo naman pala ang problema. Knowing what the problem is means that it is already half-solved. Madali na lang 'yan para sa'yo tutal matalino ka naman."

"Hindi ko nga po nagagamit ang talino ko rito, eh."

"'Yun lang, minsan talaga pagdating sa pag-ibig lahat tayo tanga."

Pagdating namin sa bahay ng mga de Santiago ay nakaabang na sa amin ang mga magulang ng asawa ko pati si Kuya Garnet.

Agad akong niyakap ng kapatid ng asawa ko pagkababa ko ng sasakyan.

"Bayaw!"

"Good afternoon po, Kuya."

"Magandang hapon po, Dad. Mano po..."

"Bakit naman napakapormal mo yata ngayon, Red?" Kuya Garnet asked.

He looked me over. "Mukha kang aburidong-aburido sa buhay mo, ah. Sinong nagpasakit ng ulo mo at uupakan ko?" he asked grinning.

"Kumusta, Red?" my wife's mother asked.

"Okay lang po. Mano po..."

"Kaawaan ka ng Diyos."

"Parang tumanda ka nang sampung taon mula n'ung huling bakasyon n'yo rito, ah, and that's just a few months ago," my wife's third brother teased.

"Pagod lang po sa biyahe, Kuya," I replied with a weary smile.

"Nasa kuwarto ninyo si Green," my mother-in-law informed me. "Natutulog. Mukhang puyat..."

Napuyat po 'yun sa kahihintay sa akin kagabi...

"Sorry po—"

"Dad, o, kanina pa kaya sorry nang sorry itong si Red," Kuya Blue revealed. "Kahit n'ung nasa sasakyan kami puro sorry ang bukambibig n'yan."

"Ang tunay na lalaki raw kasi ay marunong humingi ng tawad," Kuya Garnet commented. "Kaya I'm so sorry, Daddy, Mommy, Manong Blue, Bayaw..."

"I'm sorry rin, Garnet, at pinapatawad na kita," my wife's eldest brother said before he and Kuya Garnet doubled over in laughter.

"Kayong dalawa, para kayong mga lasing d'yan. Papasukin na nga muna natin itong si Redley at nang makakain na s'ya."

"Oo nga, kumain ka na muna," my father-in-law agreed. "Mamaya na tayo mag-usap."

I wasn't even hungry or maybe I was too anxious to feel hungry. Kahit nabawasan nang kaunti 'yung pag-aalala ko kanina dahil sa pag-uusap namin ni Kuya Blue ay bumalik lahat ng nerbiyos ko n'ung nakaharap ko na ang padre de familia ng mga de Santiago – pakiramdam mo sobrang laki ng kasalanang ginawa ko sa anak n'ya at dapat lang akong parusahan.

"Kayo po ba, kumain na po kayo?"

"Oo, nagtanghalian na kami kanina pa, mag-a-alas cinco na," Green's mother said with a kind smile before she turned to her sons. "Samahan n'yo si Redley na kumain."

"Mommy, kita n'yo namang japorms na japorms na ako, may lakad kaya ako. Paalis na nga ako, eh."

"Saan ka na naman ba pupunta, Garnet?

"Maghahanap po ng mamanugangin n'yo."

"Sana hindi Emperador ang pangalan ng dadalhin mong mapapangasawa rito, ha."

"Mommy talaga. Mabilis lang po ako, may kikitain lang po ako saglit. Red, mamaya na lang tayo mag-usap, ha."

"Sige po, Kuya," I said.

"Ikaw na lang Blue, samahan mo si Redley—"

"Mommy, okay lang po ako. Hindi ko po kailangan ng kasamang kumain."

"Mommy kasi pabayaan n'yo munang mag-isa si Redley. Para makapag-isip at makapag-ipon-ipon naman po s'ya ng lakas ng loob bago n'ya harapin 'yung asawa n'yang dragón."

"My mother-in-law clucked her tongue. "H'wag mong tinatawag na dragón 'yung kapatid mo, Blue."

"'Mmy, dragón po 'yung prinsesa ninyo. Kahit nga po ako takot d'un, eh, si Red pa po kaya?"

Kuya Blue led me to the kitchen then left me by myself. Sa sobrang nerbiyos ko sa magiging reaksyon ng asawa ko kapag nalaman n'yang sinundan ko s'ya ay parang hindi ko na malulon 'yung kanin.

"'Dong Red," someone said.

I looked up from my plate to find Manang Josie, one of the de Santiago's househelps, smiling at me.

"Po?"

"Hinihintay ka ni Sir sa office n'ya," she told me. "Okay ra ka, 'Dong?"

"Okay ra, 'Nang."

"Wala ka giganahan sa sud-an?" she queried glancing briefly at my plate.

(Hindi mo gusto ang ulam?)

"Ganahan man, 'Nang. Lami man. Dili pa lang gyud ko gutom mau wala nako nahurot."

(Gusto ko po, 'Nang. Masarap. Hindi pa lang talaga ako gutom kaya po hindi ko naubos).

"Mau? Lihero na gyud ka mag-binisaya, Dong Red, uy. Sige, naghuwat na nimu si Sir."

(Gan'un ba? Ang galing mo na talagang mag-bisaya, Red. Sige, hinihintay ka na ni Sir).

"Sige, 'Nang, salamat," I said getting up.

Hindi ko alam kung anong meron sa father-in-law ko at kahit wala naman akong ginawang mabigat na kasalanan ay pakiramdam ko bibitayin ako sa kaba habang naglalakad papunta sa opisina n'ya.

"Dad...?" I knocked on his office door.

"Pasok, Red."

I pushed the door open then stepped inside closing the door behind me.

"Busog na?" he asked with a smile.

"Opo..."

He motioned for me to take a seat and I obeyed.

"Okay ka lang naman?" he asked.

I nodded.

"I am grateful, Red, that you are here trying to patch things up with your wife. Nagpapasalamat ako na nandito ka at hindi mo pinabayaan ang asawa mong magmukmok dito sa Cebu nang mag-isa."

I wasn't sure what to say so I just remained quiet.

"Alam mo, Red, ang frat ay para rin 'yang pag-aasawa lalo na't LC ka. Malaking responsibilidad 'yan. Isipin mo ikaw ang tatayong ama ng lahat ng miyembro. Pero, hindi katulad ng pagiging asawa mo kay Green ay isang taon lang ang termino mo."

"Alam ko po, Dad. Pagkatapos po nito, mas magiging focused po ako sa amin ni Green—"

"Mali."

"Po?"

"Ganito 'yan, Red, pagkatapos ng termino mo ay meron ulit ibang kaagaw si Gianna sa atensyon mo dahil nand'yan 'yung paghahanap mo ng trabaho pagkatapos ng graduation, nand'yan 'yung pagiging empleyado mo, at marami pang ibang paglalaanan mo ng oras. Naiintindihan mo ba, Red, ang sinasabi ko? Asawa ka but you are also more than a husband – you are a son, a son-in-law, a brod, a friend, and soon a father. Hindi pwedeng kapag asawa ka ay asawa ka lang, kapag LC ka ay LC ka lang o kapag tatay ka na ay tatay ka lang. Kailangan mong matutong magbalanse."

"Alam ko po. I know in theory but I am messing it up in practice..."

My father-in-law laughed. "Tayong mga lalaki, magaling lang talaga tayo sa theory minsan. It's so easy to figure things out in our heads pero kapag application na sa totoong buhay, wala na, kagulo na."

I heaved a heavy breath. "Dad, hindi ko na po alam ang gagawin ko. Hindi ko po alam kung paano po humingi ng tawad sa anak ninyo. Hindi ko po alam kung paano po s'ya kakausapin."

"Good. At least alam mong hindi mo alam. Mas madali 'yun kaysa iniisip mong alam mo ang ginagawa mo at tama ang mga ginagawa mo 'tapos hindi pala. Kilala ko ang anak ko, Red, matabil 'yan si Gianna kahit noong bata pa. Mas nauna pa nga 'yan natutong magsalita, eh, kaysa maglakad. At minsan talaga sa dami ng sinasabi n'ya napapa-oo na lang ako, dinadaan ako sa duga minsan ng batang 'yan."

I laughed softly in reply.

"Pero kahit na ang dami ng sinasabi n'ya at kahit gaano ka pa na-o-overwhelm sa mga pinagsasabi n'ya, isa lang ang mensahe n'yan kadalasan. Isa lang ang gusto n'yang sabihin. Learn to discern what your wife is trying to tell you. Kung sinusubukan mo pero hindi mo pa rin maintindihan, tell her. Kasi, Red, sa pag-aasawa dapat hindi natatapos ang communication. But communication in marriage is not merely talking and listening, it is first and foremost trying to understand what the other is truly trying to say and making sure that you and your spouse are on the same page."

I nodded.

"Dumaan ako d'yan, Red, Diyos ko, malala kapag 'yung babae nagsimula nang magsalita kasi parang hindi natatapos. Mahilig kasi talaga sila sa paliguy-ligoy. Hindi naman siguro gan'un lahat pero gan'un ang Mommy ni Green – 'yung tipong gusto n'ya lang palang manuod kami ng sine dahil ang tagal na naming hindi lumalabas pero napunta pa sa kasalanan ko n'ung 1986 ang usapan."

I couldn't help but laugh.

"O, natawa ka, totoo, 'di ba?"

I nodded.

"At aaminin ko, it took me a while to figure it out. Hindi ako kasing pasencioso mo during our first few years of marriage. Kapag s'ya nagtaas na ng boses, nagtataas na rin ako. Kapag s'ya nagagalit, aba'y nagagalit na rin ako. Ang iniisip ko n'un, pagod ako, galing akong trabaho 'tapos 'yun ang aabutan ko sa bahay? Here I am, trying to be a good provider 'tapos bubungangaan mo pa ako? Kaya away kami nang away. Wala yatang araw na hindi kami nag-aaway. Because I just heard her words but I never truly understood them. I did not understand that she was crying for help – that she wanted her husband to help her. Hanggang sa umabot sa hiwalayan."

I frowned in confusion.

"Oo, naghiwalay kami. For almost three months. Sinundo ko, ayaw nang bumalik sa akin. Dala-dala n'ya sina Blue at Cyan. Ako naman, n'ung sinundo ko s'ya sa kanila at ayaw n'yang sumamang umuwi, lalong nainis kasi inisip ko n'un, hindi ako nambabae, wala akong bisyo, wala akong kalokohan, I didn't deserve that drama."

"Paano n'yo po napabalik si Mommy?"

"Nag-usap lang kami. Pinuntahan ko s'ya ulit at nag-usap kami. I told her that I realized that I was wrong. Hindi ko nakita noon 'yung halaga n'ya bilang maybahay. I thought I had it hard not realizing that she had it harder. Ako magtatrabaho 'tapos ay sasahod, 'yun na 'yun, pakiramdam ko mabuting asawa na ako. It was her who had to make ends meet kasi kailangan n'yang pagkasyahin kahit magkano man ang ibigay ko sa kanya. Tapos na ang trabaho ko as soon as I leave the office samantalang 'yung pagiging asawa at ina n'ya walang katapusan. There were days that I'd get drunk with friends because I thought I deserved it for being such a good provider not realizing that she never had a break from being a wife and a mother."

My father-in-law smiled. "'Yun lang pala ang gusto n'yang sabihin at ilang beses na pala n'yang sinasabi pero hindi ko naririnig because all I saw were my hardships, what I brought to the table, what I was doing for my family. Puro ako lang ang nakikita ko. Mula n'un, I promised myself I'd not only hear my wife's words but look at things from her perspective. At mula n'un hindi na kami naghiwalay pa. Nagkakaroon man ng kaunting hindi pagkakaunawaan pero naaayos din."

"Alam ko po that lately I have been busy. Alam ko po na may mga pagkukulang po ako kay Green. But, I'm really trying, Dad..."

"Naiintindihan kita, Red. Mahirap talaga maging busy. At gan'yan talaga 'yan sa una, mangangapa ka – hindi mo alam kung anong uunahin kaya pipilitin mong pagsabay-sabayin hanggang sabay-sabay ring papalpak. At d'yan, Red, papasok ang tinatawag na priority. Napakaimportante n'yan lalo na't padre de pamilya ka. Dapat alam mo kung ano ang uunahin, dapat alam mo kung ano ang mas mahalaga. 'Yang posisyon mo sa frat, ipapasa mo 'yan sa iba pagkatapos ng isang taon, 'yung pagiging estudyante mo, matatapos din 'yan and you'll move into something more challenging. Pero, 'yung pagiging asawa mo sa anak ko, Red, walang katapusan 'yan, habambuhay 'yan. At ang mga bagay na panghabambuhay ay dapat iniingatan."

I nodded again.

"Bilib na bilib ako sa'yo at bilib na bilib din ang ibang brods natin dahil isipin mo, you managed to turn the Diliman Chapter around? Aba'y ako ang nahihiya d'un sa mga hindi nabayarang events n'ung nakaraang officers but you stepped in and pulled the frat out of the muck. But, at what cost?"

"Sorry po, Dad..." I murmured.

"It's okay, Red, hindi mo kailangang humingi ng tawad sa akin. Aaminin ko, n'ung nalaman kong umalis si Green sa bahay n'yo ay kung anu-anong pumasok sa isip ko – baka nambabae ka, baka pinagbuhatan mo s'ya ng kamay, baka kung anong ginawa mo sa anak ko. At n'ung nalaman kong wala namang gan'un at misunderstanding ang problema, nakaramdam pa rin ako ng inis kasi ang sabi ko sa sarili ko, ang pangako ng lalaking ito ay aalagaan n'yang mabuti, mamahalin nang lubos, at poprotektahan ang prinsesa ko. But then, I took a step back and asked myself, was I the great husband I'd like to believe I am now when I was your age? And no, I wasn't and my prejudices dissolved. I told myself, I shouldn't just take care of Gianna's interests but yours, too, because when you married my daughter, you became my son."

"Thank you po, Dad," I sincerely said.

"Kailangan ko ring kausapin 'yang asawa mo pero I think it would be better kung 'yung Mommy n'ya ang kausap n'ya dahil mas magkakaintindihan siguro silang dalawa."

"Opo."

"Tumawag na si Mommy n'yo sa Laguna para sabihing nandito ka at nang hindi naman sila mag-alala."

"Okay po," I said.

My father-in-law rose to his feet.

"Dad..."

"O, bakit?"

"Pwede po bang dito ako matulog sa opisina n'yo?"

"Ayaw mong katabi ang asawa mo?"

"Baka po kasi ayaw n'ya po akong katabi, eh..." I said.

My father-in-law frowned at me before he laughed.

"Nantutsa naman, sa gwapo mong 'yan ay ayaw ka pang katabi ng anak ko? Aba naman. Sige, kung gusto mong dito matulog pwedeng-pwede. Sofa bed naman 'yung upuan malapit sa bookshelf, pwede kang doon matulog."

"Salamat po, Dad. Humingi po kasi s'ya ng space, ayoko namang ultimo 'yun ay sa tingin n'ya hindi ko po kayang ibigay."

"Mga kabataan talaga ngayon, iba na mag-away. Kami noong panahon namin, walang space-space. Space na 'yung nasa kuwarto 'yung asawa mo 'tapos ikaw naman nasa salas, outside the kulambo. Kayo ngayon, ginagastusan n'yo na ng plane ticket ang space n'yo."

"Pasensya na po ulit sa abala, Daddy."

"Hala sige, papahatiran kita ng bed sheet, kumot, at unan dito. Sabihin ko na rin kay Loleng na kumuha ng mga isusuot mo doon sa kuwarto n'yo ni Gianna."

"Salamat po," I said.

Minutes later, I helped Manang Loleng set the sofa bed up then took a shower as soon as she left.

Goodnight po, Mrs. Yu, I texted Green although I wasn't sure if she had already unblocked my number on her phone.

I tried waiting for her reply but my eyes closed in their own accord. I thought I heard the door open but I was too darn tired to care.

Until I felt someone's soft lips on my cheek.

Continue Reading

You'll Also Like

182K 10.7K 20
Overused. Overhyped. Overwhelming
198K 18.5K 8
Love. Life. And beyond.
2M 79.5K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
912K 31.1K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.