Pagkatapos akong alalayan ni Miss ay syempre nag pasalamat ako, professor ko padin naman siya
Nang maka baba na kaming lahat sa bangka ay agad na kaming tumungo sa resort dun
Akala ko nga ay may bayad, yun pala ay sakop ito ng inarkilahan ng University namin
Pagpasok namin ay agad bumungad samin ang napaka gandang tanawin
Ang daming pwedeng gawin dito pwede kayong mag banana boat, paddle boarding, Jet skiing, surfing, boating at marami pa meron din ako nakitang nag tatayo ng mga tent
"OMG! Ang ganda" bumalik ako sa ulirat ng biglang sumigaw si Natasha
"Banana boat tayo"pag-aaya naman ni Karla
"Sakto pito tayo, Ma'am sama ka?" Tanong naman ni Nathan kay Miss kasi tama naman siya merong 7 seats yong banana boat at sakto din na pito kami
"I'm on my Professor suit so I can't"sagot naman ni Miss sa malamig na boses
"ako din hindi ako pwede wala akong dalang damit baka mabasa ako" sabi totoo naman dahil biglaan ang punta ko dito hindi na kasi ako hinayaan na maka kuha ng damit sa room eh ayan tuloy
"Daya mo naman, bahala ka na nga diyan"malungkot na sabi ni Karla
"Miss, ikaw na po bahala diyan ha" sabi naman Natasha at saka inaya na yong apat na sila nalang daw
Mga traydor....
Ramdam ko naman na naka tingin si Miss sakin kaya napa tingin ako sa kanya
Agad naman nag tama ang mata namin
Tinaasan ko lang siya ng kilay at pumunta sa loob ng resort at umupo dun sa medyo tagong sofa
A few seconds later ay katabi ko na si Miss na nakabusangot
"Hey, are you still mad?" Malambing na tanong niya
Hindi ko nalang siya pinansin at kinuha ang cellphone phone ko sa bulsa ng pants ko
Ramdam ko ang pagpulupot ng mga braso ni Miss sa bewang ko kaya napatingin ako sa kanya
Yakap niya ako mula sa gilid at itinuon niya ang baba niya sa balikat ko
Gusto ko pa sana mag reklamo pero traydor din itong katawan ko dahil gusto din naman, bwesit
"M-miss ba ka merong maka kita satin" bulong ko sa kanya
"I don't care" sambit niya
"I'm sorry, are you still mad at me?" Tanong niya sakin
"Hindi na"I coldly said
"I know your still mad, I'm sorry okay, hmm?" Sambit niya
Bwesit bakit ba ang rupok ko sa babaeng to?
"Hindi na nga" malambing kong saad saka yumakap pabalik sa kanya
Habang magkayakap kami ay siya namang pag ring ng phone niya, istorbo bwesit
"Love, I'll just answer this hmm"paalam niya sakin saka tumayo na at tumungo sa medyo malayo sakin, syempre privacy parin yun, malay ko client pala niya
Pagtapos ng ilang minuto ay agad naman siya bumalik sa sofa kong saan kami kanina naka upo
"We have to go now, call your friends Blair said that the activities will start soon"saad niya
Agad ko naman ng pinuntahan sila Natasha na kakatapos lang mag banana boat
Pagkalapit ko sakanila ay agad ko ng sinabi ang sinabi sakin ni Cleo kaya agad naman na silang nag-ayos ng kanilang mga sarili bago kami sumakay dun sa bangkang sinakyan namin pa tungo dito
Naandito na kami ngayon sa labas nong hotel dahil dun daw ipapaliwanag ang mga gagawin activities
First activity namin ay sports maraming pwedeng salihan merong, volleyball, basketball, badminton and lastly meron din chess na pinagtaka ko kasi nasa beach kami tapos may chess ewan
Nag hiwa-hiwalay kami ni Natasha dahil mag kakaiba kami ng sports na sinalihan
Si Nathan ay sa basketball, si Marco naman at si Jenny ay sa Badminton, tapos si Karla ni Natasha ay volleyball and lastly ako sa chess gusto ko sana sa badminton dahil yun yong sports ko kaya lang ay tinatamad ako gumalaw galaw kaya chess nalang para nakaupo lang ako, hehe
Masaya ang naging buong maghapon namin dahil pagkatapos ng activity na yun ay pinayagan kaming mamasyal ng mga Professors pero syempre may time dapat daw before dinner ay nasa restaurant na kami dahil salo-salo ulit kaming lahat
Pagtapos naming mamasyal nila Karla ay pumunta na kami sa restaurant dahil malapit na ang dinner
Pagpasok namin ay parang kami nalang ang inaantay kaya nahihiya akong umupo tapos ang naka tapat ko pa ay si Miss na masama ang tingin sakin, bakit?
Kukuha na sana ako ng ulam pag tapos kong kumuha ng kanin kaya lang biglang pumangit ang mukha ko at bumusangot dahil yong tapat kong ulam ay Caldereta!!!
Medyo malayo naman sakin pero katapat ko!!! Tapos medyo na aamoy ko pa ang baho talaga
Napansin ata ni Ma'am na malungkot akong naka tingin sa Caldereta kaya inalis niya yon sa harap ko at pinalit ang adobo kaya bigla akong ginanahan kumain
Medyo malayo kasi yong mga ulam kaya hindi ko maabot nahihiya naman akong maki suyo dahil hindi ko kilala ang mga katabi ko kasi sila Jenny ay nasa dulo tapos andito ako sa bandang gitna, and btw dito kami kumakain sa Filipino Restaurant kaya purong Filipino food ang mga hinahanda nila
Pagkatapos ng dinner ay agad na din naman kaming pumunta sa kanya kanyang room
Pagkapasok ko palang sa room namin ay agad na akong naligo at natulog, hindi ko alam pero sobrang pagod ako kahit na nag lakad lakad lang din naman kami
Ang bilis ng araw dahil ngayon ay babalik na ulit kami sa Manila dahil tapos nadin yong 3 days and 2 nights na outing
Nang maka rating kami sa University ay agad naman na kaming dumeretso ni Miss sa sasakyan niya dahil ihahatid niya na daw ako sa condo ko
Pagkahatid sakin ni Miss ay agad nadin siyang umalis dahil may biglaang meeting daw siya
Papasok palang ako sa elevator pa akyat sa condo ko ay ramdam na ramdam ko nanaman yong pagod
Pagkapasok ko ng condo ko ay nag half bath nalang ako saka natulog sobrang pagod talaga ako ngayon hindi ko di alam kong bakit pero, iniisip ko nalang na baka sa byahe
A few weeks later
It's been a week simula nong outing pero yong pakiramdam na palagi akong pagod ay hindi na wawala tapos bigla ding nagkaroon ako ng morning illness
Hindi ko na sinabi yon kay Cleo dahil alam kong mag-aalala siya
Today is Sunday walang pasok kaya andito ako ngayon sa company ko working some paper works, dumadami kasi ngayon ang gusto mag invest kaya medyo na busy din ako this fast few days
Habang tinitignan ko ang mga papeles ay bigla namang bumukas ang pinto ng office ko kaya napa tingin ako dun at nakita ko si...
Dad?
"Sorry po Ma'am, ayaw pong magpapigil eh, I tried to stop him naman po pero bigla nalang po siyang pumasok" paumanhin ni Precious habang nakayuko
"It's okay Precious you can leave now" I calmly said to my secretary
Agad naman na lumabas si Precious at sinara ang pinto kaya kami nalang ni Dad ang andito sa office
"What do you want?" I coldly said
"Let's talk"he said
"I know that you need something, just tell me what do you want?"naiinis kong sabi
"I'm here to talk to you" sabi niya na inirapan ko lang
"Your here because you need something from me, that's why your here right?"pagpupumilit kong saad
"Anak" dahil sa sinabi niya ay bigla may sumabog na loob ko na parang gusto ko siyang batuhin ng kong ano mang mahawakan ko, but I managed to calm my self
"Anak?" Pag-uulit ko at pagak na natawa
"All this time ngayon mo lang na realize na anak mo ako?"galit kong tanong sa kanya
"I-" hindi ko siya hinayaang mag salita dahil muli akong nag salita
"I'm tired obeying you, and I'm tired being your puppet,and for letting you control my life" muling kong sabi
"And if you don't have any business here, please leave before I call the security"dagdag ko pa, saka tinuon ang pansin sa mga papeles na nasa table ko, rinig ko naman ang pag bukas sara ng pinto kaya naka hinga ang ng maluwag
Ang few minutes later ay muling bumukas ang pinto ko at linuwa noon ah si Catalina
"Hello dear, my sister in law!" Pasigaw niyang bati sakin pag pasok palang ng office ko
Para talaga siyang si Natasha wala siyang pinipiling lugar
"Good noon Catalina" sambit ko
"Ano palang ginagawa mo dito?" Tanong ko
"To visit you duh" mataray na sambit nito
Alam na din ni Catalina kong sino ako pati sila Natasha dahil kila Lolo at Lola nong birthday ko
"Nag lunch kana?" Tanong niya
"Oo, ikaw-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil bigla akong nahilo kaya naman napahawak ako sa sintido ko
"Hey, are you okay?"may pag-aalalang tanong ni Catalina sakin
"I'm fin-" bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay bigla nalang akong nawalan ng malay