Aligaga ako ngayong habang naglalakad patungo sa kong saan ako dadalhin ng paa ko
By the thought of seeing him make my body shivers
I need to take action about that marriage first, before our souls meet.
Dinala ako ng aking paa dito sa mini garden ng university ikalawang punta ko palang dito kaya ganon nalang ang pagkamangha ko ng muli ako ditong maka punta
As usual tahimik dito at bilang lang ang mga estudyanteng narito
Umupo ako sa bench na malapit sa puno na ang katapat ay fountain
Pinag mamasdan ko ang bawat palagid ng huminto ang aking mga mata sa isang table na hindi kalayuan sa fountain
May mga tao dun na mukhang nag-uusap at mukha rin silang mga professor dahil sa kanilang mga suot
Ilang minuto pa akong nakatingin dun ng makilala ang isa sa mga nakaupo dun na masaya ding nakikipag usap
Ma'am Clayton.
Hindi ko na inalis ang paningin ko sa kanya at pinag masdan ko nalang siyang makipag usap sa kapwa professors niya
Pito silang na andun apat na babae at tatlong lalaki
Si Miss ay na Pag-gigitnaan ng isang lalaki sa kaliwa at babae naman sa kanan
Masaya ko siyang pinag mamasdan ng bahagyang kuminot ang noo ko dahil sa nakita
Nilalandi nong babaeng katabi niya ang siya!
Pasimple itong lumalapit kay Ma'am para mag dikit ang mga balat nila, tapos nilalagyan pa niya ng slice na cake you plato niya tapos kong ano ano pang pagpapapansin
Itong isa naman mukhang wala lang yong ginagawa nong babaeng yun sa kanya at pinapabayaan lang, ano? nagugustuhan niya yong ginagawa nong malagkit na babaeng yun?
Arghhh.
Dahil na iinis ako ay kinuha ko yung phone ko at chinat siya
Cutie mong GF❤:
Where are you?
Pagka-send ko nun ay nakita kong kinuha ni Ma'am yong phone niya sa table
Natanggap na niya ata yong message ko
Kita ko yong pag taas ng gilid ng labi ni Ma'am pero nawala din at naging wala na naman ng emosyon ang mukha niya
Nakita ko din na may pinipindot siya sa phone
A few minutes later ay nag vibrate yong phone ko sa kamay ko kaya tinignan ko yun
Chat pala ni Ma'am.
Weather ❄:
Meeting.
Why? miss me already?
Parang biglang lumakas ang hangin ah
Cutie mong GF❤:
Hangin bhe,
Tawang tawa ako ng masend ko ito dahil ng tignan ko si Ma'am dun sa table nila nakakunot na ang noo niya
Wag niyo na pansinin yong nickname namin dahil pinaltan ko ang cringe kasi nong nilagag ni Miss nong una eh, joke lang
Cute naman kasi talaga ako kaya yun yong nilagay ko, Bakit ba?
Tapos bagay pa sakanya yong nickname na nilagay ko kasi kasing lamig niya tumingin at manalita
Bumalik ako sa ulirat ng mag vibrate ang phone na hawak ko lang, kaya agad ko itong tinignan
Weather ❄:
I can see you.
Dahil sa message niya ay agad akong napalingon sa direksyon niya, nakatingin na pala siya sakin, hindi ko alam kong bakit ako nataranta kayo agad akong nag iwas ng tingin
Weather❄:
Stay there, our meeting will end in a minute.
Cutie mong GF❤:
Bala ka dyan aalis na ako, magsama kayo nong babaeng katabi mong pangit
Kala niya hindi ko nakita ang pang lalandi nong babae na yun sa kanya na hinayaan niya lang na landiin siya
Bala siya diyan hindi ako marupok
Nang ma send ko yun sa kanya ay umalis na ako sa mini garden
Lumipas ang oras at ngayon ay papunta na kami nila Natasha sa Auditorium para sa event dahil after 30 minutes ay mag sisimula na yun
Maagap kaming pupunta dun dahil para daw maka pili kami ng magandang pwesto
Nasa entrance palang kami ng Auditorium ay medyo mahaba na nga yong pila
Bago kasi kami papasukin ay binibigyan kami ng maliit na papel tapos pinapahiram kami ng ballpen
Ito ata yong sinasabi ni Natasha kanina sa Cafeteria
Nang ako ang mag susulat ay medyo natagalan ako dahil wala akong maisip kong ano bang isusulat kong confession ba or request medyo na kakahiya din kasi dahil dapat naka sulat yong name mo dun sa likod ng papel para alam kong kanino
Nang matapos na kaming mag sulat na anim dun ay nilagay na namin ito sa box na dapat paglagyan nun, saka na kami tuluyang pumasok sa Auditorium
As expected puro puso ang decoration, syempre Valentines Day nga diba?
Pagpasok namin ay agad na kaming humanap ng table na may magandang pwesto medyo dumadami na din kasi yong mga estudyante at professor sa loob kaya medyo hirap kami na humanap ng table na may magandang view yong kitang-kita yong stage
Nakahanap na kami ng pwesto kaya umupo na kami dun, baka maunahan pa eh
After a few minutes ay mas dumami na ang nasa loob ng Auditorium kaya umingay na
"Guin, kuha tayong pagkain" bulong sakin ni Natasha dahil katabi ko lang naman siya
"Tara" sagot ko dahil gutom na rin naman ako
Nang tumayo kami ni Natasha ay agad na lumingon yong iba naming kasama sa table na nagtataka
"San kayo?" Tanong ni Karla
"Kukuha lang nag pagkain" sagot ko naman sa kanya
"Sama na ako" singit naman ni Nathan
"Sige, kayo ba mag papakuha na din ng pagkain?"ani ni Natasha sa natira sa table namin
"Sige, kuha nyo nalang ako"sagot ni Jenny kay Natasha
"ikaw Marco?" Tanong naman ni Nathan kay Marco
"Thanks, but I'm good"sambit naman ni Marco, na parang may kong anong pinag-aalala dahil makikita iyon sa kanyang mata
Pagkababa kasi naman ni Marco galing sa rooftop ay hindi na kami nag imikan, hindi ko din alam kong bakit bigla nalang kaming natahimik ng matapos naming mag-usap
Basta ang alam ko lang na nararamdaman ko ngayon ay kinakabahan at hindi mapakali
"Tara na, kukuha ng pagkain"
Nabalik ako sa ulirat ng mag salita si Karla
Agad naman na kaming pumunta sa food section para kumuha ng aming mga makakain
Kumuha lang ako ng carbonara,chicken, coffee jelly and lastly Shanghai
Meron naman ng tubig dun sa table namin kaya hindi na ako nag-abala pang kumuha dito sa food section
Pagkatapos naming kumuha ng pagkain ay bumalik na kami saming table saka kumain
Pansin ko din na hindi mapakali si Marco, kaya kinalabit ko siya kaya napa tingin siya sakin
Sila kasing dalawa ni Natasha ang katabi napag gigitnaan nila ako
"Okay kalang?" Pabulong kong tanong sa kanya
"Y-yes" nauutal na sagot niya
I know that his not pero hinayaan ko nalang baka hindi siya comfortable na e share kong ano mang iniisip niya
Sagitna ng pagkain ay bigla akong tinawag ng kalikasan kaya naman ay nag excuse ako sa mga kaibigan ko na pupunta lang akong restroom
Lumabas na ako sa Auditorium at nag lakad na patungo sa restroom, nang biglang may humila sakin papasok sa janitor closet
Madilim yong loob ng janitor closet kaya hindi ko makita yong taong humila sakin dito
Bigla naman binuksan nito ang ilaw kaya naman nakita ko ang napaka ganda niyang mukha at ang nakakaakit niyang berdeng mata
"M-ma'am" sambit ko dito
Sinandal niya ako sa nakasarang pinto nitong janitor closet at inilagay niya ang dalawa niyang braso sa gilid ng ulo ko, she trap me between her arms
"Why did you leave earlier?" Tanong niya gamit ang malamig niya boses
"P-po?" Patanong kong sagot sa kanya
Ang kanina niyang mukha na seryoso ay unti-unting nandilim
"You know what I'm talking about"ani nito na naiinis na sakin
"M-may meeting k-ka po eh"sabi ko habang iniiwasan na mag tama ang aming mga mata
"I told you that our meeting will end soon, but you didn't listen"ma awtoridad na sabi niya
"So why did you leave me? Hmm" tanong nito na nang-aasar
"Fine, I'm jealous, happy?" Mataray kong sagot
Tumawa naman siya ng mahina kaya ako napatingin ako sa kanya
Seeing and hearing her laugh is so rare to see
"Don't be jealous Love I'm all yours" sabi niya at unti-unting linapit ang mukha niya sakin until our lips meet
We kiss passionately hanggang sa halos hindi na ako makahinga kaya ako na ang nag tigil ng aming alik
Hingal na hingal kami ng maghiwalay ang aming mga labi, pero ang aming mga mata ay mapungay na nakatingin sa isa't isa
Akmang hahalikan niya ulit ako ay pinigilan ko siya,
"I h-have to go, m-my friends a-are waiting f-for me" nanuutal kong sabi sa kanya
Pagkasabi ko non ay agad na akong lumabas sa janitor closet at iniwan na siya dun
My heart beat so fast and I can feel a thousand butterflies inside my stomach
Nang makabawi ako at bumalik na sa normal ang tibok ng puso ko ay tumungo na ako sa restroom
Pagtapos kong gawin ang dapat kong gawin sa restroom ay agad na akong lumabas at naglakad na pabalik sa Auditorium
Pero ng malapit na ako sa Auditorium ay may isang pigura ng lalaki ang aking nakita na naglalakad patungo sa parking lot
Palihim ko siyang sinundan dahil napaka pamilyar niya talaga
Naramdaman ata niya na may sumusunod sa kanya, kaya lumingon siya sa likod agad naman akong tumago at unti-unting sumilip sa kanya....
Ganon nalang ang pagkabog ng dibdib ko sa sobrang kaba at takot ng makita ang mukha niya
Ang taong kanina lang na pinag uusapan namin ni Marco ay andito na sa loob ng university
Marcos.....