San Lazarus Series #6: Onerou...

By LadyLonelySadness

2.4K 375 4

Paano kung ang inaakala mong tamang pag-ibig ay isa pa lang huwad, saan ka tatakbo kung lahat pala ay isa lam... More

COLLABORATION
DISCLAIMER
EPIGRAPH
CHAPTER I: PUTO
CHAPTER II: BAYABAS
CHAPTER III: NIGHT CHANGES
CHAPTER IV: FOR YOU
CHAPTER V: NEW LIFE
CHAPTER VI: REASON
CHAPTER VII: TIRED
CHAPTER VIII: CONFESS
CHAPTER IX: SCARED
CHAPTER X: SPECIAL
CHAPTER XI: JEALOUSY
CHAPTER XII: JACKSON
CHAPTER XIII: THE TRUTH
CHAPTER XIV: DECISION
CHAPTER XV: NAMES
CHAPTER XVI: GENDER
CHAPTER XVII: GOALS
CHAPTER XVIII: FEELINGS
CHAPTER XIX: EYES
CHAPTER XX: REGRETS
CHAPTER XXI: PHYSICAL
CHAPTER XXII: SWEETS
CHAPTER XXIII: FAMILY
CHAPTER XXIV: IT'S BEEN A WHILE
CHAPTER XXV: SHE KNOWS
CHAPTER XXVI: LIE AND TRENDS
CHAPTER XXVII: SHOOTING STARS
CHAPTER XXVIII: CONDITIONS
CHAPTER XXIX: OFF
CHAPTER XXX: AMANDA
CHAPTER XXXI: SAD SONGS
CHAPTER XXXII: WISH
CHAPTER XXXIII: WHERE SHE BELONGS

EPILOGUE

76 9 1
By LadyLonelySadness

SECRET FILES

Hi, good day to all. I don't really know how to squeeze my thoughts into specific one, I'm not really used on telling others about my own side of story however I think this is my last shot of chance in able to reach where my woman is. She's an avid reader here, hey there wife! I hope this can reach you, so here it goes..

Year 2009, when I first met you. I was that typical badboy-playboy type na walang ibang ginawa kundi magbulakbol, mambabae, mag-inom at bumarkada and you were that 'masungit-suplada' type na ni hindi man lang ako magawang lingunin, ni isang beses ni hindi mo ko magawang tapunan ng tingin kahit pa madalas tayong magkasalubong sa kahit saang bahagi ng campus. Until second quarter of school year came and I was being transferred on another section dahil nakipagsuntukan ako sa kaklase ko, hindi ko alam noon na iyon pala ang mismong seksyon na kinabibilangan mo. I even confidently walked my way through the door, being the maangas one but immediately stop right on the tracked when my eyes landed on where you are, sa unahang row sa pinakadulo malapit sa bintana ka nakaupo. I can even remember how your beautiful hair sway when the wind blows exactly when you look on where I am. I can even vividly remember how your brows furrowed when you saw me, akala ko kilala mo ako pero umismid ka lang at bumalik sa pagtingin sa bintana. I had to proceed and took my seat, luckly it was the seat behind your back.

"Oyy naalala ko pala, kulang pa tayo ng member. Should I ask the new one? Since lahat naman kumpleto na, tayo na lang kulang." Suhestyon ng kaibigan mo sainyo pero wala kang emosyon.

Saglit mo kong tiningnan bago bumaling na sa pisara. "Ano namang maitutulong sa atin ng basagulerong babaero? Pasasakitin ang ulo natin? Spare me with another headache, we're fine." Iyon ang eksaktong mga katagang binitawan mo, since that day I was being challenge to prove myself on you, that I wasn't just that 'basagulerong babaero' that you think I am. I proved to you that I am better on what you think I am to the point that everyone was so shocked seeing me taking my studies seriously. Ewan ko pero na-challenge ako ng dahil sa mga salita mong iyon kaya pinagbutihan ko ng husto para ipamukha sa'yong mali ka. Natapos ang group work, lumabas ang score natin. I was on the court, tatambay lang sana ako pero naaya akong maglaro ng basketball. After I shoot the ball on the ring and land safely that's when I saw you, smiling from ear to ear and I swear I saw an angel approaching me from above. Napakaganda mong pagmasdan habang nakangiti at ipiniprisinta sa akin 'yong score na nakuha natin, nagpasalamat ka noon at inaya akong sumama sainyo mag-breaktime para mag-celebrate but I declined it. I just don't feel going eventhough it was you who's asking.

Two days after, I saw you walking all alone habang may dalang mga libro. Hindi na ako nagdalawang isip pa, nilapitan kita at tinulungan. I saw your beautiful smile again, I guess you were just trying to be friendly. I tried to joke and point out how you judge me noong una tapos after naging friendly ka, pero mukhang nagkamali ako. Biro lamang iyon para sa akin pero mukhang iba ang dating sa'yo. Since then you started to ignore me, I felt like you were trying your best to distance yourself on me lalo na noong nagiging malapit na rin ako sa mga kaibigan mo. One time, during breaktime nahuli ako no'n kasi naglaro muna ako ng basketball then hinanap ko kayo. I was about to approach you all but I heard you saying, "Tigilan n'yo ko, hindi n'yo ba alam na mayaman s'ya? Maniniwala talaga kayong nakikipagkaibigan s'ya dahil gusto n'ya kayong maging kaibigan? Bored lang s'ya." Tuloy-tuloy na sabi mo kahit pa pinipigilan ka na ng mga kaibigan mo dahil nakita na nila akong nasa may likuran n'yo, lumingon ka ngunit wala pa ring emosyon na para bang wala kang pakealam kung narinig ko ang mga sinabi mo. I don't know what the right thing to do that moment so I just walked away, shrug what I heard. Way back then I'm not sure if you really mean all those judgement words you throw on me but now I know that you did that because you were afraid that I might just use you and eventually dump you.

After that I got back on being my usual self, the 'basagulerong babaero' you once said, to be frankly mas lalo pa ngang lumala dahil hanggang sa labas ng eskwelahan ay napapaaway na rin ako. Sa totoo lang ay hindi ko naman kasalanan noong una dahil napagti-tripan lang akong daragdaragin at hindi ako pumapayag ng ganoon. Sanay akong makipagbasag-ulo, away dito suntukan doon until one time, after our class hinarang ako ng mga kaaway ko. I got severe injury, blood running through my uniform from my head and shoulder. Halos nakatukod na ang tuhod ko sa lupa habang pinipilit kong makawala mula sa pagkakahawak no'ng isa, hanggang sa makawala ako na buong akala ko ay dahil sa pagpupumilit ko ngunit dahil pala sa'yo. Nagulat sila ng bigla mo na lamang hampasin ng malakas 'yong ulo ng lalakeng may hawak sa akin kaya nakawala ako. Noong gabing 'yon pakiramdam ko kahit pa bugbog sarado na ako ay nagkaroon ako ulit ng lakas para kahit papaano ay lumaban, though ipinagtatanggol mo na ako. Wife you were my angel that time, well until now.

I remember that night, nagalit ka sa akin. Sa sobrang galit mo naiyak ka habang nakatingin sa kalagayan ko, umiyak ka kasi sabi mo ang hirap labhan ng uniform ko na puro na dugo pero alam ko namang umiyak ka dahil nag-aalala ka at natatakot ka. Pinilit mo akong umuwi no'n at sumama sa'yo, unang beses na nakilala ko sila tiya. They were all shocked when they saw us, may sugat ka rin kasi no'n sa noo pero ni hindi mo iniinda dahil sabi mo mas mahalagang magamot ang mga sugat ko kahit pa nagagalit si tiyo sa ginawa mo. Since then hindi na kita tinigilan, consistent kitang kinukulit everyday kahit pa halos hampasin mo na ako at kurutin sa sobrang irita mo pero hindi ako huminto hanggang sa 'di nagtagal bumigay ka rin at naging magkaibigan tayo. Being your friend, I discover alot of things about you. Hindi ko akalaing napakaingay mo, wala kang ibang ginawa kundi barahin at mangatwiran sa lahat ng mga sinasabi ko. You keep on insisting whatever you want hanggang sa mag-give up ako at pagbigyan ka sa kung ano mangtrip mo, you even throw different pranks na ako ang palaging biktima. Until now pakiramdam ko nalalasahan ko pa rin 'yong ipis ng dahil sa kalokohan mo, malinaw ko pa ring naaalala kung paano ako naglakad ng nakatakip lang ng dahon dahil itinapon mo ang mga damit ko noong nasa gubat tayo at inaya kitang magtampisaw sa sapa, muntikan pa kong umuwi ng dahon ang suot kung hindi ko nahanap ang mga damit ko. I can still remember kung paano ako naging basang sisiw ng wala sa oras dahil sa topak mo, pinaglakad mo ko simula sa school hanggang sa inyo habang umuulan dahil lang galit ka at ayaw mo kong pasukubin sa payong habang pauwi tayo.

Ngunit ganoon pa man, nanatili pa rin tayong magkaibigan. Mas close pa nga, ikaw ang takbuhan ko sa tuwing hinahabol ako ng mga babaeng patay na patay sa akin samantalang sa akin ka tumatakbo kapag gutom ka tapos kakaladkarin mo ko papuntang canteen kahit pa hindi ako pumayag na sumama sa'yo, tingin mo pa lang wife tumitiklop na ako, ano pa kaya kapag umiyak ka na sa harap ko. Palagi ka ring nand'yan para sumaklolo kapag napapaaway ako, napaka-tapang mo. I was so used having you on my side to the point that I forgot what I have on manila, you become my escape and my one and only game changer. Napagsasabay ko na ang pagbubulakbol at pag-aaral ng mabuti, you even supported me when I courted the school muse. You were on my side, ikaw ang pumipingot sa akin sa tuwing malalasing ako ng husto. You were 14 and I was 23 that time, there's a huge age gap but I felt like there's none of it. You made me feel equal, heard and fair at everything. 14 years old but you were matured than me, hell I even learned alot from you.

Year 2010, imbes na same grade level tayo na-accelerate ako. You told me to grab the chance dahil hindi na rin tama sa edad ko na nasa mababang baitang pa rin ako, despite knowing how fuck up I am tinanggap mo ko. Palagi mo pa akong tinatakot na baka forever na ko sa highschool kapag hindi ko pinagbutihan matapos mong malaman lahat ng kagaguhan ko noon kaya umabot ako ng ganoong edad na high school pa rin. Pinalalakas mo rin lagi ang loob ko, nagagalit ka kapag basta na lang akong sumusuko. I remember, one time you were so mad. You fetch me during class hours, you ditch your favorite subject just to go on me para lang pingutin ako at talakan dahil nagpakalasing ako matapos kong makita na bumagsak ako sa isang subject kahit pa ginawa ko naman ang best ko. Galit na galit ka no'n, pinagbabantaan mo kong hindi mo na ko kakausapin o lalapitan kapag tinuloy ko na naman kagaguhan ko. I don't understand that time on what's with me at natakot ako, natakot akong totohanin mo ang banta mo kaya umayos ako. Pinilit kong bawiin 'yong naibagsak ko, I can still vividly picture your beautiful smile after you laugh so hard seeing how embarrassed I am when I stepped on the stage just to receive my diploma, naroon ka. Pumapalakpak para sa akin, I can say you are truly proud of me kahit pa throughout the months before graduation, hindi na tayo madalas magkasama at nagsusulatan na lang dahil masyado akong naging abala sa pag-aaral. Naalala ko pa, tinuruan kita ng morse code para lang pagbigyan ang gusto mong special dapat ang bawat letter natin para may effort. Ilang beses mo kong nasuntok dahil nabubutas ang papel o napupunit sa tuwing susulat ka kahit pa kasalanan mo dahil matulis na lapis ang ginagamit mo noong tinuturuan kita. You are so cute while throwing a tantrums, telling me you hated the code but ended up enjoying it pagtagal.

The same year kinailangan ko na ring bumalik sa maynila dahil sa kapatid ko at sa kagustuhan nila mommy na doon na ako ulit mag-aral saka ko lang naalala ang lahat ng naiwanan ko sa maynila noong wala ka na sa tabi ko, para akong bumalik sa reyalidad ng buhay ko. Nawalan na rin tayo ng komunikasyon matapos kong lumuwas at ang naiwanan na lamang sa akin ay ang tatlong beses sa loob ng isang araw na alarm reminder mo na sinet sa cellphone ko para sa chocolate na ibinilin mo.

Year 2011, I thought everything will be fine because as I got back on manila I also got back on my old ways, been a jerk damn playboy eventhough I do have someone beside me, who happened to be my fling way back 2006 before that I met you and yes when I met you I was in relationship with her but hell, I forgot about it because of you. I know, I'm such a jerk for forgetting my girlfriend but I wasn't serious on her eventhough she left her ex-boyfriend just to choose me. Hindi ko naman s'ya pinilit o inakit para mapunta sa akin, that was her decision. She dumped her ex-boyfriend because she's not happy on him at alam ko namang laro lang ang lahat ng mayroon kami. Gago na kung gago pero noong mga panahong 'yon wala pa talaga sa isip ko ang magseryoso.

Year 2012, nahuli ako ng girlfriend ko. Nalaman n'yang mayroon akong ibang babae bukod sa kan'ya but that wasn't you. Nagkaroon ako ng ilang mga flings, bagay na normal ko lang namang ginagawa bago ko pa s'ya makilala. I know everyone hated me for being like this but time, I admit that's the only thing that keeps me alive, makes my blood flow and made me forgot all damn problems that I have. Anyways, like a usual 'girlfriend' thing, ny girlfriend confronted me. She told me how much it hurts her, how much she hates me and I don't know what's with me during that moment because honestly wala akong naramdaman, ni hindi ako naawa sa kan'ya o nagsisi sa mga nagawa ko. Hindi ko alam, basta I justify what I did despite her hurting, just like how a typical playboy bastard did.

Year 2013, the worst year out of all the year that I've been through. I know I never told you about this but wife, I found out that my biological father was being killed just because he had an affair with your step mother. Who killed him? Well, it's none other than your grandpa. The ever high known head of the known familiy of yours. He killed my father just because he don't want him to be a hindrance on the connection that he's building. I know you might think that I used you just to do some damn revenge on your clan but no, I swear I didn't used you love.

Year 2014, due to being a jerk, may nangyari sa amin ng girlfriend ko. Aside from that, nalaman n'ya rin ang tungkol sa galit ko sa pamilya mo then she offered a help for me to get the justice for my father and yes I grab that help. Galit na galit ako noon, iniisip ko na siguro kung hindi namatay ang biological father ko baka sakaling hindi nag-asawa ulit si mommy, baka hindi ko kailangang maranasan ang makawawa ng step father ko. Iniisip ko, siguro kung hindi nagka-affair ang step mother mo at biological father ko baka sakaling hindi nagalit si mommy sa father ko. Sobra-sobrang galit ang naramdaman ko noong mga panahong 'yon at nabulag ako ng galit na 'yon.

The plan was so simple, I just have to get the attention of someone's woman because that someone is a part of your family. Kailangan ko lang s'yang paibigin, kailangan n'ya akong piliin. Hindi ko pa alam noong una na ikaw iyon kaya oo lang ako ng oo sa plano ng girlfriend ko but even after she told me that it was you wife, siguro'y dala ng galit ko nawalan ako ng pakealam noon kung masasaktan kita o ano basta ang mahalaga mag-succeed ang plano. Nagsimula ako sa simpleng pagtawag sa'yo saying that I'm planning to surprise your friend, pinalabas kong s'ya ang gusto ko just to get close on you and then revealed it on the day of your graduation. Noong makaharap ulit kita, nakaramdam ako ng pag-aalinlangan na ituloy ang plano pero dahil mas malaki ang galit na nararamdaman ko at gago ako, pikit mata kong itinuloy. I even asked your older brother if I can court you and he agreed so I continue, I was planning to pursue you like how it supposed to be para lang mahulog ka sa akin dahil nakikita kong masyado mong mahal noon ang nobyo mong iyon kahit pa bawal ang pag-iibigan n'yo, but my girlfriend told me not to pursue you. I just have to be that 'someone' who's willing to give way, who's willing to be a hopeless romantic na magpapaubaya like how a dramatic second lead man will do on every damn movies. I have to be that second lead so you'll run on me in the end, para saluhin ka kapag nagkahiwalay na kayo ng nobyo mo, typical na someone na nasa tabi lang para dumamay pero nag-aantay na pala para samantalahin ang pagkakataon. I did my part so well na hindi ko na namalayang naging isang uto-uto, tanga at sunod-sunuran ako sa lahat ng plano ng girlfriend ko dala na rin siguro ng galit na nararamdaman ko. Until the night she told me na ikakasal na s'ya sa nobyo mo, I grinned like a damn happy idiot because I thought successful ang plano dahil iyon naman talaga ang dapat. Pakakasalan ng girlfriend ko ang nobyo mo at simula doon ay sisirain na n'ya sa tulong ko ang buong angkan mo but I was so stupid to believe na magiging ganoon nga dahil ang totoo ginamit lang pala ako ng girlfriend ko para makuha ang ex n'ya na ipinagpalit n'ya ng dahil sa akin, who happened to be your boyfriend. Yes I was being a toy, my girlfriend told me that she made me believe that she was on my side just to take her revenge on me because I hurted her but I know it wasn't just that. She tricked me and made me believe so she can get what she want and she can dump me, sino ba naman kasing makakatagal sa isang katulad ko na walang maipagmamalaki, ni wala akong kinabukasan kahit pa nasa college na ako noong mga panahong 'yon.

For a moment I become lost, hindi ko alam kung ano ng dapat kong gawin matapos maging tangang sunod-sunuran sa babaeng 'yon. Ilang araw akong parang tanga na sinisisi ang sarili, halos umiyak ako dahil hindi ko man lang magawang bigyan ng hustisya ang nangyari sa biological father ko hanggang sa maalala kita, bigla ka na lamang pumasok sa isip ko. Naalala ko lahat ng ginawa ko sa'yo wife at mas lalo akong naiyak dahil sa guilt, buntis ka at sinira ko ang pagkakataong magkaroon ka ng buong pamilya, na magkaroon ng buong pamilya ang baby mo. Sobrang na-guilty ako, napakabobo ko na sinira ko ang masayang buhay mo, sinira ko lahat ng meron ka kahit pa tuwang-tuwa ka noong binisita kita para dalhan ka ng paborito mong siopao, ibinalita mo pa sa akin na buntis ka at kukunin akong ninong. Iniligtas mo rin ako sa mga kaaway ko like how you used to, way back when we were still in high school pero masyado akong tanga, nabulag ako sa galit at hindi ko man lang binigyang pansin, ang kapal ng mukha ko para idamay ka ni hindi man lang ako nakunsensya noon kahit pa wala kang ibang ginawa sa akin kundi kabutihan. Napakabobo ko, alam ko at wala na akong ibang naisip para kahit papaano ay maitama ang mga nagawa ko kundi ang gumawa na naman ng panibagong kasinungalingan.

Pinangatawanan ko ang sinabi kong nararamdaman ko sa'yo, inoffer ko sa'yo ang sarili ko at ang lahat-lahat sa akin, hindi ko kayo pababayaan iyon ang pangako ko. Pinagmukha kong totoo ang lahat ng kasinungalingan sa takot na baka kagaya ko, lumaking walang kinagisnang ama na tatanggap ang anak mo. Pikit-mata kong tinanggap lahat ng consequences ng katangahan ko at nagpaka-lalake para maging sandalan mo. Pinagsabay ko ang pag-aaral at trabaho para maibigay sainyo ni baby ang lahat ng pangangailangan n'yo, hindi pa man s'ya lumalabas sa mundo inako ko na s'ya ng buong-buo. 'Di ba palagi kong sinasabi sa'yong hindi s'ya anak ng ex mo, anak ko s'ya bagay na hanggang ngayon ipinagmamalaki ko pa ring ipaalam sa lahat na akin s'ya. Despite that, I saw how difficult everything for you. I saw how you cried every night because of pain and discomfort. I saw how you had leg crams, arm and back pains because of that little one inside you that moment at habang lumilipas ang mga araw na nakikita kitang ganoon, mas lalo akong nakakaramdam ng guilt, mas lalo kong sinisisi ang sarili ko sa kabobohan ko. Araw-araw palagi kong ibinibigay ang lahat ng makakaya ko para sainyo ni baby kahit pa may mga pagkakataon na hindi mo maiwasang maalala s'ya at alam kong patuloy ka pa ring nasasaktan sa lahat ng nangyari, there are times that you even accidentally compared me on him or you mentioned him unintentionally and I don't know why I couldn't help but feel insecure. Who wouldn't be? Mahal na mahal mo s'ya, isang pagmamahal na ni minsan sa buong buhay ko noong mga panahon na iyon ay ni hindi ko naranasan.

Anyway, I can still remember your shocked reaction when I first gave you my salary. You were so shocked, I can even see that you'd blushed samantalang hiyang-hiya rin ako noon pero dahil gusto kong magkaroon tayo ng open communication lalo na sa pera ay lakas loob kong ibinigay sayo. Nagkakahiyaan pa tayo, that night you saw my tattoo. The same tattoo na hindi ko maintindihan sa sarili ko kung bakit ipinalagay ko sa mismong dibdib ko, kumunot pa ang noo mo no'ng nakita mo iyon akala ko kaya ganoon ay dahil galit ka pero iyon pala dahil inaalala mo kung ano iyon hanggang sa mapagtanto mo na iyon ang mismong morse code na ginagamit natin dati. I know I told you I did that because I really love you but the truth is I don't know, basta no'ng inaya ako ni Chase na magpa-tattoo sumama ako kahit pa wala naman iyon sa balak ko and if I'll be more honest? Bigla ko na lamang naisulat ang code ng pangalan mo sa papel at huli na ng maisip kong pangalan mo iyon. The same night, I asked you alot of questions habang hinihilot mo ko just because hindi ako mapanatag at nakakaramdam ako ng pag-aalala para sainyo ni baby, palagi naman sa tuwing malayo ako sa'yo, lagi akong nakakaramdam ng pag-aalala bagay na hindi ko noon maintindihan but what shocked me the most was when you told me that your child would be name after me if it'll be a boy, doon pa lang sa parteng ako ang pinag-iisip mo ng pangalan ay hindi na ako nakatulog kaiisip tapos no'ng muli nating pag-usapan at sinabi mong ganoon ang gusto mong mangyari ay halos kumabog ng husto ang dibdib ko, pakiramdam ko na-eexcite ako lalo na makita s'ya at mahawakan.

Year 2015, finally nanganak ka na. Sobrang epic ng araw na iyon, halos nablangko ako, natulala pa nga ako ng sumagot ka sa tanong ko at sinabi mong manganganak ka na, kung hindi ka sumigaw ng malakas ay hindi ako matatauhan. Wife, you don't know how much scared I am habang nasa loob ka ng delivery room, takot na baka mapaano ka o kahit sino sainyong dalawa. Sa buong buhay ko, noong panahon na 'yon lang ako nakaramdam ng takot at hindi ko alam kung papaano kumalma lalo na ng lumabas ang doctor. Thank god safe kayo ni baby pero halos mapatalon ako ng malamang tama ka, lalake ang unang anak natin. Tuwang-tuwa ako, hindi dahil ipapangalan mo s'ya sunod sa pangalan ko kundi dahil sa wakas mahahawakan ko na s'ya. It still making me smile up until now kapag naalala ko kung paano tayo parehong emosyonal ng mga panahong iyon, unang beses natin s'yang mahawakan at sobrang saya sa pakiramdam, you even cried at natulala na rin ako ng mahawakan ko s'ya. I can't still believe noong mga panahong 'yon na tatay na talaga ako, sobrang nakaka-overwhelm sa pakiramdam na halos hindi ko inaasahang mararamdaman ko ang mga emosyong iyon habang kasama ka and since that day, kasabay ng pagbitaw ko ng panibagong pangako, hindi ko man maintindihan ang sarili ko nangako pa rin ako sa sarili ko na kahit anong mangyari gagawin ko ang lahat para ma-raise s'ya ng maayos dahil ayokong biguin ka wife, hindi man halata ngunit tumatak sa isip ko noong sinabi mo sa aking, "I know you'll be a gread dad for sure."

After you gave birth, muli tayong humarap sa panibagong hamon. Like how a usual 'early pregnancy' & 'early marriage' scenario, kapos tayo sa pera dahil na rin sa mga paglaki ng gastusin natin dahil meron na tayong baby. Alam kong hindi tayo handa noon, bagay na isinisisi ko na naman sa sarili ko. Minsan naiisip ko na sana nagawa ko man lang mag-ipon ng mas malaki baka sakaling mas naibigay ko sainyo ang mga kailangan n'yo pero ganoon siguro talaga, hindi palaging magiging sapat sa iba't-ibang pagkakataon kaya naman naisip kong huminto na lang muna sa pag-aaral. Ika nga nila, sa bawat relasyon kailangan ng sakripisyo and I was so wiiling to sacrifice my studies para lang makapag-provide ng mas maginhawang buhay sainyo pero hindi ka pumayag, kinontra mo ko like how you used to do way back then. Hindi mo hinayaang isakripisyo ko ang pag-aaral ko, ipinilit mo ang gusto mo at ipinagpapasalamat kong nakinig ako sayo wife. Doon nagsimula ang pagbuo natin ng 'goals' na nagsilbing batayan natin sa kung ano ang mga bagay na mas dapat nating unahin.

Ikinasal din tayo the same year, pakiramdam ko muling bumaba ang anghel ko. Hindi ka man nakangiti ngunit sa mga mata ko, sobrang ganda mo pero ganoon pa man tinamaan na naman ako ng pagiging gago. Instead of celebrating our wedding, binalewala ko iyon na para bang isang normal na araw lang ang lahat, bagay na ng mapagtanto ko ay agad ko namang sinubukang bumawi sa'yo at pinilit kong ipaliwanag sa'yo kung bakit ganoon, iyon din ang unang beses na naramdaman kong ayos lang na magkamali ako, na kahit ganoon ay may tatanggap pa rin sa akin. But it was true wife, masyado akong na-overwhelm sa malaking pagbabago sa buhay ko. Alam kong kasalanan ko lahat kung bakit naging ganito ngunit may mga gabi pa rin na nakararamdam ako na para bang hindi na ako sigurado sa lahat ng nangyayari, para bang hindi ko na malaman kung anong dapat kong gawin dahil napakaraming nagbago. I expected you to hate me that time, it was our wedding yet I acted like it wasn't important. You should be mad on me but hell you understand me and tried to comfort me, you are so different, baby. You are amazing, so I ended up telling you the truth dahil nakukunsensya na naman ako. I told you what I did when I got back again on manila to continue my last year on college after nating ikasal, sinabi ko sa'yong nambabae ulit ako, nagpakalasing, bumarkada at ginawa ko lahat ng bagay na ginagawa ko noon but what I receive was nothing. Hindi ka nagalit, ni hindi mo ko inaway knowing na kasal na tayo, kahit pa nadumihan no'n ang marriage natin, tinanggap mo pa rin ako wife. I also told you the weirdest part of it, oo nambabae ulit ako, nagpakalasing at bumarkada pero sa kung anong dahilan, imbis na mag-enjoy ako ay hindi ko na maramdaman ang saya na nararamdaman ko dati sa mga bagay na iyon, inamin ko rin sa'yo na nakararamdam ako ng kulang kapag wala kayo ni baby, inamin ko sa'yo na nahihirapan na ako sa tuwing hindi ko kayo nakikita. Higit sa lahat, inamin ko sa'yo na nami-miss ko kayo na mag-ina ko kahit pa hindi ko na naman maintindihan ang sarili ko. Unang beses iyon na nakaramdam ako ng pangungulila habang malayo sa isang babae which makes me feel irritated sa tuwing may lalapit na ibang babae at hindi ikaw iyon, that's when I realize that I really commit myself on you at wala na kong ibang prayoridad kundi kayo ng anak natin.

Sa totoo lang ay napakaraming bagay ang hindi ko inaakalang magagawa ko wife, mga eksaktong bagay na unang beses ko ring nagawa at hindi ko alam na kaya ko pala. Naalala mo ba noong nagpapa-breastfeed ka pa kay baby? Inaasar mo ko dahil halos hindi ako makatingin habang nakalabas ang isang dibdib mo hanggang sa nasanay na lang ako, nagulat din ako sa sarili ko. I didn't expected na magagawa kong makapagpigil, hirap na hirap ako oo pero hey nagawa ko! Siguro kung noong bago tayo ikinasal at nagkaanak e nakita ko na iyon at sa harap ko pa mismo baka may nangyari na sa atin, sigurado akong mauuwi ka sa kama ko pero hindi. Nagawa kong makasurvive and damn, nagawa kong makuntento na lamang sa pagyakap sa'yo. Hindi ikaw ang nauwi sa kama ko kundi ako ang nauwi sa kama mo.

Dumating ang araw ng graduation ko, unang beses kong nakatanggap ng regalo mula sayo. Hindi ko alam noon kung bakit pero sa dami ng branded na damit ko, 'yong polo na binili mo sa ukay-ukay ang sobrang pinahalagahan ko na hanggang ngayon may pagkakataon pa rin na sinusuot ko iyon, natatawa ka pa nga kapag nakikita mo na suot ko kasi kupas na pero pinagta-tyagaan ko pa rin. Iyon din ang unang beses na bumili ako ng damit ng babae ng kusang loob kong ginawa, honestly tumagal pa nga ako sa mall para lang maghanap ng dress na talagang magagawang mapaningning ang taglay mong ganda, nahalikan din kita ng hindi sinasadya ng araw na iyon at naamin ko sa'yo na Grade 7 pa lan tayo crush na kita, totoo naman. Nakuha mo talaga ang atensyon ko at napamangha ako sa kasungitan mo kaya pinilit kong makipagkaibigan sa'yo. 'Di nagtagal bumalik na si tiya, gulat na gulat ako sa kung paano mo sinabi sa kan'ya na mag-asawa na tayo. It wasn't how I expected it, akala ko kasi mahihiya ka. Akala ko itatago mo pero hindi, you told it straight na para bang normal na bagay iyon. Aside from that, you even told her directly that we already have a child.  Takang-taka ako kung bakit parang hindi nagalit si tiya sa atin, iyon pala ay nakausap mo na s'ya but what makes me shocked the most ay ng sabihin mong hindi mo na ipinaalam sa kan'ya ang totoo dahil gusto mo na ng bagong buhay, ayaw mo ng may iba pang makaalam sa lahat dahil naisip mong gusto mong lumaki si baby ng ako ang ama n'ya, on that moment pakiramdam ko maiiyak ako sa saya. You were giving me the chance to claim him as mine at sobrang saya ko dahil sa pagkakataong 'yon. Unti-unti na rin naman tayong nagiging kumportable sa isa't-isa kahit pa naninibago ka dahil natuklasan mo kung anong ugali ang mayroon ako sa maynila. Ganoon din ako, naninibago sa biglang pagdepende mo sa akin. Hindi ko akalain na darating ang araw na kakailanganin mo ng permiso ko para sa mga bagay-bagay lalo na ang tungkol sa anak natin. It was the very first time na naramdaman kong mahalaga ang opinion ko, na may puwang ako sa bawat desisyon na gagawin mo. Nakakatuwa, sobra not until biniro mo ako na baka may ibang babae na ako kaya ang tipid kong magsalita. Mula sa tuwa ay nakaramdam ako ng pagkalito, kung hindi ka nagbiro ay hindi ko pa maaalala o mapapansin na oo nga, bigla na lamang akong huminto sa nakasanayan ko. By that moment dapat mayroon na akong flings and such but to my surprised wala, wala akong ibang babae sa buhay ko kundi ikaw na lang na para bang nawala ang lahat at ayos lang sa akin, isang himala na ni hindi sumagi sa isipan kong magkaroon ng ibang babae. Siguro nga'y talagang sineryoso ko na ang pag-commit sa'yo, unang pagkakataon iyon na nagawa kong maging seryoso sa isang relasyon. Ganoon pa man, may takot pa rin akong nararamdaman. Takot na baka kapag nakilala mo ako ng husto, kapag nalaman mo ang lahat ng totoo sa akin ay iwanan mo ko at hindi tanggapin. Hindi ko maintindihan ngunit nakararamdam ako ng labis na takot na baka mawala kayo sa akin.

Wife, naalala mo pa ba noong matapos kayong makapag-usap ni tiya? Noong nakita kitang nakaupo sa labas, nag-aalala ako no'n sayo dahil alam kong mabigat ang naging pag-uusap nyo pero wala akong magawa dahil hindi ko alam kung paano pagagaanin ang nararamdaman mo. I tried to joke but it doesn't end well until you honestly told me na naiisip mo s'ya, 'yong ex-boyfriend mo that's when I realize why you can't laugh that time, iyon ay hindi lang dahil sa wala ka sa mood kundi dahil mas lalong bumigat ang nararamdaman mo dahil naaalala mo s'ya. Inamin mo saking nahihirapan ka pa ring malimutan s'ya. Alam mo ba wife, kahit pa pinakinggan kita ng mga oras na 'yon, kahit pa sinabi kong huwag mong madaliin ang sarili mo at magiging ayos din ang lahat. Aaminin ko, nakaramdam ako ng insecurity. Naisip kong siguro kung sya ang nasa tabi mo ng mga oras na 'yon baka mas gumaan ang pakiramdam mo, iyon ang unang beses na naramdaman kong hindi ko s'ya kayang talunin sa puso mo. Pakiramdam ko kahit ano sigurong gawin ko hindi ko sya mapapalitan, kahit anong pagsisikap ang gawin ko pakiramdam ko hindi ako magiging kasing galing nya, sya na kayang-kaya kang pangitiin o patawanin man lang kahit pa mabigat ang nararamdaman mo. Hindi ko alam kung bakit kahit pa subukan kong pakinggan ka, hindi ko magawang i-comfort ka ng maayos. Siguro'y talagang hindi ako magaling sa ganoong bagay, ano ba namang alam ko bukod sa kagaguhan at pambababae 'di ba? Ngunit kahit ganoon sinubukan kong mag-improve, sa katunayan ay pinagpraktisan ko sila Vlaixe na takang-taka sa akin dahil nakikinig na raw ako sa mga drama nila sa buhay, aminado naman ako na wala kasi talaga akong pakealam noon, aminado akong iwas na iwas ako sa drama dahil ayokong maisip kung gaano ka fuck up ang buhay na meron ako. Yes baby, you read it right. I did my best to be as sensitive as I can, I did my best to know how to be damn emphatic just so I can comfort you because hell the moment I hear you saying, 'Naisip ko lang, paniguradong matutuwa sya kapag nalaman nyang bumalik na si nanay at nagkausap na kami. Ganoon kasi ang reaksyon nya noong bumalik si Kuya.' It honestly leave a damn pain on my heart that I can't understand way back then.

Despite that pain, I still appreciate how you tried your best to see me in different views, you still tried to open your heart for me. I appreciate how you take good care of me while tying your best to be my wife eventhough may mga pagkakataong nalilimutan kitang bigyan ng assurance, kahit pa minsan ay naipaparamdam ko sayo na para bang wala akong gana sa kung ano mang mayroon sa atin. Alam kong palagi kong idinadahilan na naninibago ako sa kung anong mayroon sa atin ngunit ang totoo masyado na akong naguguluhan sa nararamdaman ko, masyado akong nahihirapan sa sakit na idinudulot ng kaalamang naiisip mo pa sya, bagay na ni minsan noon ay hindi ko naman naramdaman, wala naman kasi akong pakealam noon kung mayroon akong kahati sa isang babae dahil ang mahalaga ay nakukuha ko pa rin ang babaeng 'yon pero ngayon ay iba, nakararamdam ako ng sakit sa isiping may kahati ako sayo. Until one day, I cannot hold the pain anymore sa sobrang messed up ng isip ko ni hindi na ako nakapag-isip ng maayos. Pain overflowed and I ended up hurting you. Hindi ko ginusto pero nagawa ko, napagbuhatan kita ng kamay at alam kong natakot ka dahil doon. Sobrang pinagsisihan ko ang nagawa ko kahit pa it made things clear for me, kahit pa after that incident naintindihan ko na kung ano ba talagang nararamdaman ko at para saan ang lahat ng bagay na bago sa buhay ko. I don't wanna justify what I did dahil kahit saan maling tingnan na pagbuhatan ng kamay ang isang babae pero hindi ko alam kung bakit noong pagbuksan ka ng pinto ng katrabaho mo at ngumiti ka ay nakaramdam ako ng galit, noong nagpasalamat ka at ngumiti ulit ay para bang biglang uminit ang ulo ko, hindi ko na napigilan at nauwi sa ganoon. Hindi lamang iyon, naisumbat ko ang mga bagay na dapat ay hindi na bilangin. Totoo pa lang hindi natin mapipigilan ang sarili natin kapag nasa punto na tayo na napakasakit na ng lahat, ayaw man natin ay makagagawa tayo ng bagay na pagsisihan natin hanggang sa dulo.

Takot na takot ako wife, matapos kasi ng mag-walk-out ka ay nagsimula ka na ring manlamig hanggang sa iniwasan mo na ako ng tuluyan. Sinubukan kong suyuin ka, sinubukan kong lapitan ka pero para bang sa tuwing susubok ako ay nakadaragdag lang iyon sa sakit na idinulot ko. Wife, sising-sisi ako, hanggang ngayon kapag naaalala ko ang pagkakamali kong iyon pakiramdam ko naiiyak pa rin ako, para bang nakaukit na sa akin ang pagsisisi na minsan sa buhay ko, sa pagsasama natin, nagawa kitang saktan. Sa sobrang takot ko noon na baka mawala kayo sa akin ng anak natin ay lumuhod ako sa harap mo, nagmakaawang patawarin mo pero hindi pala ganoon kadali, totoo pa lang hindi ka ganoon kadaling magpatawad, tiniis mo ako at tanggap ko dahil kasalanan ko naman talaga kung bakit iniiwasan mo na ako. Araw-araw nasa iisang bubong lang tayo pero ni hindi na kita makita, kung makikita man kita ay tulog ka na kaya't wala akong ibang magawa kundi ang ipagluto ka, sa pag-asang baka kahit iyon man lang ay hayaan mo ako, hindi pala madali, hindi madaling hindi kita nakakausap, hindi kita nakakasama. Ni hindi ko nga alam sa sarili ko kung paano ko nagawang mag-aral sa Maynila ng wala ka, hindi ko alam kung paano ko kinayang hindi kita nakakausap noong mga panahong nasa Maynila ako kasi ngayon, pakiramdam ko mababaliw ako.

Wife, I can still vividly see how you cried noong hinabol mo ko sa elevator, you were crying dahil sabi mo nagi-guilty kang tiniis mo ko, ako na nanakit sayo, pero ikaw pa 'tong umiiyak habang nakayakap sa akin ng mahigpit. I guess I am a lucky bastard that you soften. Alam mo ba, wife? Sobrang saya ko, kasi binigyan mo ko ng second chance na bumawi sayo matapos ang pagkakamali ko kaya naman hindi ko sinayang yon. Araw-araw, magsawa ka man sa mga bulaklak, sinusubukan kong bumawi sayo, pinipilit kong gawin ang lahat para iparamdam sayo na magbabago ako, na hindi ko na uulitin iyon.

Lumipas ang mga araw, ramdam kong bumalik na ulit ang tiwala mo sa akin. I can still remember how embarrassed you are noong unang beses na may nangyari sa atin, pulang-pula ka non sa hiya habang tumatalon ang puso ko sa tuwa dahil habang tumatagal mas lalong lumalalim ang pagsasama nating dalawa, ni hindi ako na-bothered noong muli kayong magkita, nakaramdam ako ng selos yes, but because of how you reassured me, lumipad din agad sa bintana lahat ng selos na nararamdaman ko.

Until the day na tuluyan mo ng nalaman ang lahat ng kasinungalingan at sikretong meron ako, nalaman mong lahat ng nangyari ay planado pero wala kang ginawa, hindi ka man lang nagalit bagkus ipinagtanggol mo pa ako sa harap ng lahat, sa harap ni Vladimir. Alam kong sobrang sakit ng lahat para sayo pero masisisi mo ba ako kung masaya ako? Wife, sobrang saya ko na ipinamukha mo sa kanya kung gaano mo ako kamahal, sobrang saya ko na sa unang pagkakataon may babaeng pumili sa akin pero ang sayang iyon ay napalitan agad ng takot ng maisip mong makipaghiwalay sa akin dahil buong akala mo si Anna pa rin ang mahal ko pero Wife, nagkakamali ka. Simula ng bumuo tayo ng pamilya, ikaw lang ang nag-iisang babaeng minamahal ko, siguro maliban na lamang kung may little fatima na tayo.

Mahal na mahal kita na kung sasabihin mong iiwanan natin ang lahat ay sasama agad ako ng walang pagdadalawang-isip pero hindi, masyado kang mabait na inisip mo pa ring makilala ako ng anak ko, hindi ko inaakalang isusugal mo ang anak natin para lang magkaroon ako ng pagkakataong makilala ko ang anak ko kay Anna pero wife, habang tumatagal para bang mas mabuti na sa akin na hindi na lang sana.

Hanggang ngayon, nagsisisi na naman ako, walang araw na lumipas ng hindi ko sinisisi ang sarili ko. Siguro kung hindi ako pumayag sa gusto mo na mapalapit ako kay Amanda, siguro hindi tayo aabot sa ganito. Siguro hindi gugulo ang buhay natin, hindi ka siguro mawawala sa akin.

Wife, nasa akin nga si Amanda pero ikaw naman ang kapalit. Nakilala ko nga siya pero nawala ka naman sa akin.

Wife, kailan ka ba babalik? Araw-araw, palagi kitang hinihintay. Hinihintay ko kung kailan mo ko babalikan, kung kailan ko makikita ulit ang maganda mong ngiti o kung kailan ko ulit maririnig ang boses mo.

Sana kasi hinintay mo ko, sana humingi ka sa akin ng tulong o baka sana hindi na lang ako umalis ng araw na iyon.

Alam mo ba, bumabait na si Amanda at huwag kang mag-alala, hindi ko pinababayaan ang anak natin. Kasama ko siya palagi, palaging naghihintay sayo.

Wife, walang araw na hindi kita nami-miss. Balik ka na please?

Your Jackstone
Architect
Class 201*

Continue Reading

You'll Also Like

1.6M 97.6K 39
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...
1.1M 27.8K 45
When young Diovanna is framed for something she didn't do and is sent off to a "boarding school" she feels abandoned and betrayed. But one thing was...
287K 7.6K 39
The title says it all.
16.3M 545K 35
Down-on-her-luck Aubrey gets the job offer of a lifetime, with one catch: her ex-husband is her new boss. *** Aubrey...