EXT. CEMETERY - AFTERNOON
Lumakad si Ethan kasunod ang staff niyang si Kurt sa loob ng isang pribadong sementeryo. Malaki ang pinagkaiba ng himlayan ng mga namayapa rito sa probinsya nina Simone kumpara sa Maynila na ang karamihan ay nasa damuhan ang lapida. Dito sa Bulacan, may kanya-kanyang lote o musuleo ang sementadong puntod ng mga namayapa.
Kabisado na niya ang lugar na ito dahil apat na taon siyang nagpabalik-balik dito. Hindi sila nagtatagpo ni Simone dahil alam niyang tuwing Sabado o Linggo ito dumadalaw noon, at gusto niyang irespeto ang sariling oras nito sa ama.
KURT
Prosec, tatay ni Attorney Simone?
Tumango si Ethan pagkatapos niyang ibaba ang basket ng mga puti at dilaw na chrysanthemum na dala niya. Tinulungan siya ni Kurt na ayusin ang mga puting kandila sa ibaba ng puntod at isa-isa nila itong sinindihan.
Nanatiling nakatayo si Ethan sa harap ng puntod at binigyan siya ng espasyo ni Kurt habang inaabala nito ang sarili sa pagtingin ng ibang puntod na kahilera ng sa ama ni Simone.
ETHAN
Good afternoon, Tito.
Madalas kausapin ni Ethan ang papa ni Simone kahit alam niyang wala namang sasagot sa kanya. Naalala niya noong una siyang bumalik dito pagkatapos nilang maghiwalay ni Simone. Dito siya umiyak nang umiyak habang inaalala na rito rin niya huling nakita ang personipikasyon ng puso niya.
ETHAN
Sabi ko sa'yo, abogada na si Simone. Nakuwento ko po sa'yo no'ng pumasa siya, 'di ba? Nandito po ako habang hinihintay ko ang resulta. Pero sasagutin ko lang po ulit ang tanong mo sa sulat.
ETHAN
Your Simone is a lawyer now, Tito. A brilliant one. And she takes pro bono cases. She's paying it forward.
ETHAN
Tapos, dalawang kaso ang magkasama kami. Kalaban ko po siya ro'n sa isa pero okay na, nakipag-settle na po. Babayaran ko po sana ang damages pero si Simone, she settled it on her own. Do'n naman po sa isa, kamag-anak niyo po ang kalaban namin ni Simone. Ongoing po. May complaint din po siya kay Tita Annie.
ETHAN
Marami pong inilalaban si Simone ngayon. Noon din naman po pero tama ka, Tito. She just needs time because she can, and she did. She's now flying to great places and doing great things.
Napangiti si Ethan nang maalala niya ang laman ng sulat bago siya nagpatuloy.
ETHAN
Alam mo, Tito... maldita pa rin si Simone. Hinugutan ko na ng mga batas pero gusto niya, trabaho lang. Tsaka magastos pa rin. Bumili po siya ng bahay sa Manila. Nag-pa-pa-aral na rin po siya. Pero para sa pamilya niyo naman po lahat'yon. Tapos high maintenance pa rin siya at maraming gustong gawin. Marami pa ring responsibilidad. But I don't mind, Tito. I still don't because I like maintaining your daughter.
Lumapit si Ethan sa puntod at hinawakan ang litrato ng ama ni Simone. Bahagya siyang bumaba para maging kapantay ito.
ETHAN
Dati, hindi ko alam kung may hinihintay ako kaya no'ng naging abogado si Simone, gustung-gusto kong maging opposing counsel sa mga kaso na hahawakan niya. Tapos noong naging prosecutor po ako, lagi ko pong ipinagdarasal na sana, may complaint siya na sa akin mapunta. Gusto ko po sanang magpapansin. Gusto ko po sanang makita niya kung ano ang sinayang at iniwan niya.
ETHAN
Akala ko, magagalit ako sa kanya. Akala ko, matitiis ko. Akala ko, susumbatan ko siya. Bakit ang tagal mo? Bakit hindi ka bumalik? Ang dami kong tanong, Tito. Pero no'ng nakita ko ulit siya sa preliminary investigation... naisip ko lang, mahal ko pa rin siya. Kaya ako naghintay. Kaya ako pumupunta sa bahay niyo para mangumusta. Kaya ako bumabalik dito. Dahil naghihintay pa rin po ako sa kanya.
ETHAN
Bumalik na siya, Tito. Natagalan pero ayos lang po.
ETHAN
I've realized that the things that happened in our past were necessary for us to grow individually, not apart. Hindi po binago ng mga taon na lumipas ang pagmamahal ko kay Simone.
ETHAN
Kaya Tito... ngayon po, nandito ako. Gusto ko po sanang pormal na humingi pa rin ng permiso kahit wala na po kayo at kahit may blessing na po ako ro'n sa sulat niyo, gusto ko pa rin pong gawin ito ng tama.
Itinaas ni Ethan ang kanang kamay niya. Today, he decided that he will take an oath before Simone's father as his way of showing respect. Gusto niyang magpaalam pa rin dito bago niya tanungin si Simone.
ETHAN
I, Ethan Jeramiah A. Paras, do solemnly swear that I will maintain allegiance to Simone and your family, I will support Simone and let her fly; I will do no falsehood, nor consent to the doing of any to her, to the best of my knowledge and ability; I will not wittingly or willingly insist my presence nor help as she figures things out for herself; but I will always ask her how she is to let her know that I am here when she is ready, and I will conduct myself as a man worthy of her, with all good fidelity; and I impose upon myself these voluntary obligations to love her without any mental reservation or purpose of evasion because I am here to stay. So help me God.
Ibinaba ni Ethan ang kamay pero nanatili siya sa parehong pesto, kapantay ang puntod ng ama ni Simone.
ETHAN
Tito, I will marry Simone. Not now, but when she's ready. Sasabihin ko po ulit sa inyo 'yon, para alam niyo po.
ETHAN
Gusto ko lang din pong magpasalamat sa tiwala at blessing niyo sa akin ni Tita Stella. 'Wag po kayong mag-alala, tatanungin ko rin po si Simone at hihingin ko rin po ang blessing niya. Naghihintay lang po ako.
SIMONE
Ethan...
ETHAN
Tito, wala naman pong takutan.
SIMONE
I will marry you, Ethan.
Tumayo si Ethan at lumingon nang marinig ang boses ni Simone. Akala niya, nag-i-ilusyon lang siya kanina pero nandito talaga ito at nakasandal sa isang puntod malapit sa ama nito. Umiiyak ito habang nakatingin sa kanya.
ETHAN
You'll... what?
SIMONE
I will marry you.
Lumapit si Ethan at inabot ang kamay ni Simone para hawakan ito. No'ng huli silang nandito, naalala niya kung paano umatras si Simone nang sinubukan niyang lumapit. Pero ngayon, hawak na rin nito ang kamay niya, wala nang pag-atras at paglayo. Pero tulad noon, may pagmamahal. May pagmamahal pa rin.
SIMONE
You're finally looking at me, not because you can save me... but because you finally recognize that I have these bruises, these battles to face on my own, and that you understand.
SIMONE
Thank you, Ethan.
Ngumiti ito habang hindi inaalis ang tingin sa kanya. Puno ng pagmamahal ang mga mata nito kahit umiiyak. Maingat namang idinampi ni Ethan ang kamay niya sa pingi nito habang pinupunasan ang mga luha nito.
ETHAN
Wala akong dalang singsing, na kina Pax.
SIMONE
Papakasalan pa rin kita kahit walang singsing. But I'm keeping my name.
Tumawa si Ethan sa sinabi nito at umirap naman si Simone. Naalala niya kung paano siya inirapan nito sa parehong paraan no'ng una silang nagkita sa opisina niya.
Maldita pa rin nga ito pero ito lang ang gusto niyang mahalin nang paulit-ulit, at ito lang ang gusto niyang piliin. At irerespeto niya ang mga gusto nito at gusto pang gawin, habang sabay silang natututo mula sa isa't isa.
ETHAN
It's okay. You're free to be who you are and in whatever you will choose, Simone.
SIMONE
I know.
Sabay silang tumawa bago tumingkayad si Simone para halikan siya sa mga labi. Mabilis lang ang halik na 'yon pero naramdaman ni Ethan ang pangungulila nito sa kanya. Ang pagmamahal. Ang mga salitang hindi man nito nasabi noon pero nararamdaman niya ngayon.
SIMONE
I love you, Ethan. Palagi, 'di ba?
ETHAN
I love you, Simone. Palagi.
Ironically, the place where they both lost their hearts four years ago is also the same place where they found it. For the second time, they found each other again.
And of course, Kurt captured everything in a video.