DELACROIXVERN SERIES #1 (Tami...

By queen_yeliah

21.2K 445 19

Serena Vienn Delacroixvern is the spoiled heiress of Delacroixvern Family. Trouble maker, hot tempered and e... More

Disclaimer
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22

Chapter 19

243 7 0
By queen_yeliah

HALOS isang buwan na ang nakalipas at nandito na kami sa may Pilipinas. Um-attend kami ng birthday ni Lancer at grabe ang mga nangyari. Nag propose na siya kay Kathlea sa harap talaga ng buong angkan niya. I'm so happy for them dahil finally, nakita na ni Lancer ang babaeng mamahalin niya habang buhay.

Masaya siguro ang pakiramdam kapag ikakasal na 'no? Gano'n rin kaya ang mararamdaman ko kapag nag propose sa akin soon si Clevy?

Kasalukuyang naming hinihintay ang designer ng gown ko. Kasama ko sila Mom, Dad at 'yong tatlo kong Kuya. Kasama ko rin si Miya at Clevy ngayon. Ayaw ko na sanang mag birthday ng bongga pero pinilit ako nila Mom at Dad. Marami raw silang mga business partners na pupunta. Wala naman akong nagawa kung hindi pumayag at nag pagawa na kami ng gown na susuotin ko doon sa pinagkakatiwalaan naming Designer na si Ms Maricar Monterey. Siya rin ang nag design ng gown ko nung 16th at 18th birthday ko kaya naman suki na niya kami.

"Anong color ba ng gown ang gusto mo ngayon birthday mo anak?" tanong ni Dad dahilan para mapaisip ako. Ano nga ba? Noon kaseng 16th birthday ko ay pink ang color ng gown ko. Tapos nung 18th birthday ko naman ay royal blue. Parang maganda siguro kung lavender naman ang kulay.

"Lavender po Dad. Tapos ang mga designs po sa place kung saan ako mag bi-birthday ay mga lavender flowers. Tapos 'yong mga party organizers na lang po ang bahalang mag dagdag ng design. 'Yon lang naman po ang hiling ko." nakangiting saad ko. Kung ako tatanungin ayaw ko talaga mag birthday ng maraming tauhan. Masaya na kase ako kahit magkakasama lang kami sa bahay.

"Ano nga pa lang hihilingin mo sa amin ngayong birthday mo anak? May gusto ka bang bagong damit, gamit, bag, sapatos o sasakyan?" tanong ni Dad dahilan para mapaisip ako. May mahihiling pa nga ba ako sa kanila? Oo noon may pagka materialistic ako pero nagbago ang lahat ng iyon nang makilala ko si Clevy. Wala na akong mahihiling na iba pa bukod sa kaligtasan ni Clevy at ng buong pamilya ko.

"Wala na po Dad. Masaya na ako basta kumpleto kayong lahat sa birthday ko." saad na nagpangiti sa mga magulang ko.

"Iba talaga ang epekto ng pagmamahal 'no? Ang laki ng ipinagbago mo anak at masaya kami para sa'yo." nakangiting saad ni Mom bago niya ako niyakap. Hays kahit si Mom nagiging emosyonal dahil sa pagbabago ko. Pero kahit ako rin naman ay hindi makapaniwalang nagbabago na ako.

"Oo na lang po Mommy. By the way kamusta na po 'yong invitations? Pwede niyo po ba padalhan lahat ng mga kaibigan ko?" tanong ko. Gusto ko kase nandoon silang lahat. Bukod kase kay Miya ay may iba pa kaming mga friends. Kagaya ni Charlene na kasalukuyang nasa province ngayon at marami pang iba.

"Oo naman anak. Kami na ang bahala sa lahat." saad ni Dad bago dumating si Ms Maricar at nagsimula na kaming mag usap tungkol sa gusto kong style ng gown at mga designs.

_

"MASARAP ba babi?" tanong ni Clevy habang ipinapatikim niya sa akin 'yong niluto niyang pagkain. Nabigla naman ako dahil sobrang sarap nito.

"Ang sarap naman niyan mahal." saad ko bago muling timikim. Grabe naman itong lalaking 'to! Gwapo na masarap pa-este masarap mag luto.

"Mas masarap ako babi, always remember that." nakangising saad niya bago niya ako kinindatan. Ayan nanaman tayo eh. Masyado mo naman akong pinakikilig Clevion Slater. Pasalamat ka mahal kita. Pero kung tatanungin ako, totoo naman talaga ang sinabi niya. Mas masarap naman kase talaga siya eh. Chariz.

"Oo na lang-este ang dami mong sinasabi babi. Magluto ka na nga lang." saad ko bago ko siya inirapan.

"Sus, kunwari ka pa." pang aasar niya bago niya pinisil ang aking pisnge.

"I love you Serena Vienn Delacroixvern, always remember that." nakangiting saad niya habang nakatingin siya sa akin.

"Ang random mo naman babi. Pero ang tanong, totoo ba 'yan?" tanong ko sa kaniya.

"Oo naman. Mahal na mahal kita." saad niya.

"Talaga ba? Sige nga patunayan mo sa akin. Isigaw mo sa buong mundo." saad ko. Nabigla naman ako nang lumapit siya sa akin at bumulong.

"I love you so much Serena." bulong niya dahilan para magtaka ako.

"Bakit mo ibinulong? Di'ba sabi ko sa'yo isigaw mo sa buong mundo?" nakangusong saad ko. Hays kahit kailan talaga ay hindi ko mabasa ang ginagawi ng lalaking ito.

"Because you are my world." aniya dahilan para mamula ako.

"Ang corny ha." pagsisinungaling ko kahit namumula talaga ako dahil sa sinabi niya.

"Corny pero kinilig ka?" nakangising tanong niya bago niya ako niyakap.

"Anata wa watashinosubetedesu, Serena. Anata o totemo aishiteimasu. (You are my everything, Serena. I love you very much.)" saad niya bago niya ako hinalikan sa labi. Hindi ko naman naintindihan ang sinabi niya dahil hindi ako marunong mag japanese.

"Mahal na mahal kita Clevy kaya palagi kang mag iingat ha. Magpapakasal pa tayo at magkakaroon ng maraming anak." saad ko bago ako bumitaw sa halikan namin at mahigpit ko siyang niyakap.

"As long as alam kong hinihintay mo akong umuwi, uuwi at uuwi ako kahit na kailanganin ko pang gumapang. Ikaw ang dahilan kung bakit ko nananatiling buhay sa mundong ito. Kaya palagi ka rin mag iingat dahil kapag napahamak ka, hindi ko mapapatawad ang sarili ko." saad niya. Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lang tumulo ang luha ko.

I love him so much to the point na hindi na ako makatulog ng maayos simula nang makita ko ang gmail account at messages niya. Punong puno ito ng mga threat messages dahilan para kabahan ako. Hindi ako makapaniwalang hindi niya man lang sinabi sa akin ang tungkol dito. Marami na ang nagtatangkang pat*yin siya pero hindi niya man lang sinasabi sa akin. Hindi ko mapigilan ang sarili kong umiyak dahil sa mga nabasa ko. Bakit nagkaganito? Gusto ko lang naman na maging maayos ang buhay naming dalawa? Bakit feeling ko palagi na lang siyang nasa panganib.

May tiwala ako sa kaniya pero hindi na talaga mawala sa isip ko ang mag alala para sa kaligtasan niya. Hindi ko alam kung kakayanin ko pag dumating na ang araw na makita ko siyang wala nang buhay. Ayokong dumating ang araw na 'yon dahil iyon ang araw na masisiraan ako ng bait. Sa totoo lang gusto ko sumama kahit saan man siya pumunta para masigurado ko ang kaligtasan niya.

"Bakit ka umiiyak? May masakit ba sayo?" nag aalalang tanong niya nang humiwalay ako sa yakapan namin. Hindi ako makapaniwalang nagagawa niya pang magpanggap na masaya. Alam kong alam niya na kahit anong oras ay maari siyang mapahamak.

"Wala naman, basta mag promise ka sa akin Clevy. Na kahit anong mangyari ay uuwi ka sa akin ng buhay." saad ko bago niya pinunasan ang luha ko.

"Promise I'll never let myself get k*lled." nakangiting saad niya bago niya ako muling niyakap. Sana nga, sana nga tuparin mo 'yang pangako mo sa akin Clevy.

_

"NAGAWA mo ba ang ipinapagawa ko sayo, Silver?" tanong ko nang makarating ang isa sa miyembro ng Samrui Triad na pinamumunuan ko. Kasalukuyan akong nandito sa isang sikretong lugar kung saan ako nakikipagkita sa Samrui Triad. Galing ako sa misyon ko kanina at dito muna ako dumiretso dahil kakausapin ko sila.

"Yes boss. I had a hard time winning that in auction because there is this one guy who is competing with me. Para na nga kaming tanga dahil kami na lang ang nag aagawan dyan sa alahas na 'yan." natatawang saad ni Silver bago niya inabot sa akin ang isang box.

"Also, pinatingnan ko muna kung legit 'yan dahil baka ma scam ako." dagdag pa ni Silver habang pinagmamasdan ko 'yong alahas. Sobrang ganda nito, sigurado akong babagay ito sa babaeng minamahal ko.

"Napakaganda ng alahas na 'yan boss. Sigurado akong magugustuhan 'yan ni Ma'am. Pero tanong lang, hindi ba't parang masyado pang maaga para mag propose ka sa kaniya? Nung December lang kayo naging official, sa tingin mo ba papayag ang presidente na pakasalan mo kaagad 'yong anak nila?" tanong ni Silver dahilan para mainis ako.

"Did I ask for your opinion? Saka sigurado na ako sa kaniya kaya ko 'to ginagawa. Sigurado naman akong papayag kaagad si Mr Delacroixvern kapag nalaman niya kung ano ang tunay kong pagkatao. I'll marry his daughter and I will love her daughter forever." I said before looking at my girlfriend's picture. F*ck! She's so beautiful! Hindi ako magsasawang titigan siya araw araw.

"Magkano ang nagastos dito?" tanong ko bago ko isinarado 'yong box. This box contains a beautiful necklace, earrings, bracelet and the engagement ring na gagamitin ko pagpo-propose ko sa kaniya.

"Ka-presyo niyan boss ang nakapatong na bounty sa ulo mo boss. Sa dalawang bilyon ko naipanalo ang mga alahas na 'yan. Ang mahal 'no? Ayaw kaseng tumigil nung lalaki kaya wala akong nagawa kung hindi taasan ng taasan 'yong bet. " saad niya na nagpatawa sa akin. 2 billion huh?

"Well, money is not an issue for me because I have a lot of it. I'll send the payment later in your bank account." saad ko bago umupo sa may swivel chair.

"Kailan mo nga pala balak mag propose sa kaniya?" tanong ni Silver.

"Sa mismong 23rd birthday niya para nandoon ang buong angkan nila. Also, balak ko na rin sabihin sa kaniya ang lahat ng itinatago ko." saad ko na nagpagulat kay Silver. Bakit? May mali ba sa sinabi ko?

"Seryoso ka boss? Hindi ba't masyadong delikado kapag gano'n? Saka baka may ibang makarinig." nag aalalang aniya dahilan para matawa ako. Grabe naman 'yong makakarinig.

"I trust her. Saka ayokong magtago ng sikreto sa kaniya. Baka kapag pinatagal ko pa ito ay magalit na siya sa akin." I said while staring at her beautiful picture.

"Sana matanggap niya pa rin ako kahit na ganito ako. Kase kung hindi, hindi ko kakayanin. Siya lang ang gusto ko makasama habang buhay at wala nang iba. Mamahalin ko siya hanggang sa kabilang buhay. At handa akong gawin ang lahat para sa kaniya kahit ikamatay ko pa iyon." dagdag ko pa bago ako tumingin sa may bintana.

Bigla naman akong napaisip, paano kaya kung itigil ko na ang trabaho ko? Malaking pera ang nakukuha ko sa pagiging agent pero gusto ko nang mamuhay lang ng simple. Okay na sa akin 'yong makasama ko si Serena habang buhay. Pero kahit ano pa ang gawin ko, hindi pa rin ako makakawala sa kapahamakang maaring maging dahilan para mawala ako sa mundong ito. Pero siyempre hindi ko hahayaang mapahamak ako 'no! Nangako ako kay Serena na uuwi ako sa kaniya kahit na gumapang pa ako. Saka marami akong dahilan para hindi mam*tay. Magpapakasal pa kami, magkakaroon pa kami ng maraming anak ni Serena at mamumuhay kami ng maayos.

Napatigil ako sa pag iisip nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa noon si Renier na may dala dalang box. Kaagad niya itong nilapag sa may lamesa ko at nang buksan ko ito ay puro envelope ang laman nito.

"Huwag ka na munang bumalik sa condo mo. Hindi na safe doon. There's a possibility na maglagay sila ng b*mb doon. Ang mga letter na 'yan ay puro pagbabanta lahat." nag aalalang saad ni Renier kaya naman isa isa kong binuksan ang mga d*ath messages na ipinadala nila sa akin.

"Your days in this world are numbered Coldicer. We will k*ll you as soon as possible." pagbasa ko doon sa unang letter.

"You'll never live in peace Coldicer. You can run and hide but you can't escape from us."

"You deserve to d*e Coldicer."

"Hindi ka na mabubuhay ng matagal. Malapit ka nang mawala sa mundong ito."

"Masyado kang naging mayabang kaya kailangan ka nang burahin sa mundong ito. Malapit ka nang mam*tay Clevion Slater."

"You will regret the day you fought against us mafias."

"I will k*ll you and get that 2 billion bounty." Habang binabasa ko 'yong mga threat messages na natanggap ko sa mga kung sino man ay hindi ko napigilang matawa.

"Gano'n ba talaga nila kagusto makuha 'yong dalawang bilyon na 'yon? Mga hayok sa pera!" inis na saad ko bago ko isa isang pinilas ang mga papel.

"Kayo ba, pap*tayin niyo ba ako para sa 2 billion na nakapatong sa ulo?" tanong ko sa kanila bago ako tumayo sa kinauupuan ko.

"Hindi boss. Marami kang naitulong sa akin at isinumpa ko noon na magiging tapat ako sa pagsisilbi sa'yo." saad ni Renier dahilan para mapangisi ako. Nang mapatingin naman ako sa gawi ni Silver ay nagsalita na rin siya.

"Hindi rin boss. Ikaw ang nagbigay ng pag asa sa akin na ipagpatuloy ang buhay ko. Handa rin akong protektahan ka kahit na ikam*tay ko pa iyon." saad naman ni Silver. Mukang loyal naman pala itong mga tauhan ko sa akin. Well, sana nga.

"Eh ikaw Zebastian? Ta-traydorin mo ba ako para sa dalawang bilyon?" tanong ko sa lalaking kanina pa nakikinig sa usapan naming tatlo. Akala siguro ng lalaking ito ay hindi ko alam na nagtatago siya at nakikinig sa usapan namin.

"Ang lakas talaga ng pakiramdam mo boss. Akala ko pa naman ay maiisahan na kita." natatawang saad niya bago siya nagpakita sa amin. Paanong hindi ko siya mapapansin eh amoy na amoy 'yong pabango niyang sobrang tapang. Sa sobrang tapang baka kaya na nitong ipaglaban ang pagmamahal niya doon sa babaeng nagugustuhan niya.

"Ang sakit sa ilong ng pabango mo. Kaya hindi ka magustuhan ni Kirsten eh." saad ni Silver bago niya tinakpan ang ilong niya.

"Ano ang sagot mo sa tanong ko?" tanong ko muli.

"Tinatanong pa ba 'yan boss? Malamang hindi kita kayang traydorin. Utang ko sayo ang lahat ng meron ako ngayon pati na rin ang buhay ko." saad niya na nagpangiti sa akin. Loyal naman pala ang miyembro ng Samrui Triad ko. Akala ko ipagpapalit nila ako sa dalawang bilyon eh.

"Kung gano'n, mangako kayo sa akin." saad ko kaya naman kaagad silang lumapit sa akin.

"Kapag dumating ang araw na mawala ako sa mundong ito, mangako kayo sa akin na palagi niyong babantayan at sisiguraduhin na ligtas si Serena." saad ko. Hindi sila makapaniwalang napatingin sa akin pero sigurado akong alam na nila ang gusto ko iparating. Posible naman talaga kaseng may mangyari sa akin. Lalo na't mainit na ako sa mata ng mga mafia.

Nangako naman sila sa akin kaya napanatag na ang loob ko. Masigurado ko lang na ligtas si Serena ay masaya na ako.

"That's good. I'll be going now. Baka hinihintay na ako ni Serena." saad ko at nagpaalam na rin sila sa akin. Kaagad naman akong bumalik sa mansion ng mga Delacroixvern at naabutan kong nagluluto si Serena. Para nanaman akong tinamaan ng pana ni Kupido. Sobrang ganda niya talaga.

"Welcome home babi. Gutom ka na ba? Halika na dito malapit na akong matapos magluto." nakangiting saad niya dahilan para mapangiti rin ako.

I am finally home.

To Be Continue×

× Comment for next part
×Thanks for reading
×Work of fiction
×Open for criticism
×Plagiarism is a Crime (Do not repost or copy my story without my permission)

By: Yeliah Writes

Wattpad Acc: queen_yeliah

Continue Reading

You'll Also Like

173K 3.6K 23
Sevianna Kate and Tyler Clyde's Love Story. Sevianna Kate Perez is a student who has been in love with her English Teacher Tyler Clyde Valdez for a l...
150K 2.2K 169
The stories begin...and will end CountryHumans Oneshots & Mini stories ( Apologies for my spelling mistakes,grammar and story writing Image cover be...
1.5M 129K 45
✫ 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝐎𝐧𝐞 𝐈𝐧 𝐑𝐚𝐭𝐡𝐨𝐫𝐞 𝐆𝐞𝐧'𝐬 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐒𝐚𝐠𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 ⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎ She is shy He is outspoken She is clumsy He is graceful...
14.2K 317 10
【COMPLETE】 ╔═══════ ೋღ 🕯 ღೋ ═══════╗ If you want to steal or borrow my work, please at least give credits 👍. Made in: 1/21/2022 ╚═══════ ೋღ 🕯 ღೋ...