Thanks, Hater

Por herkiwii

1.2K 60 14

"Ang pangit ng ugali, I hate you, I hate you Caelum!" Everyone adores and obsessed with The Daze that's why... Más

DISCLAIMER
PROLOGUE
01
02
03
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26: Caelum Nazarro
27: Caelum Nazarro
28: Caelum Nazarro
29: Caelum Nazarro
30
31
EPILOGUE

16

19 2 0
Por herkiwii

Tahimik ako sa gilid habang nanonood ng rehearsal nina Caelum. Kapag dumadaan ang tingin niya sa akin ay tutuksuhin niya ako kaya napapairap ako.

May ilang fan girl rito ang The Daze nagbayad talaga sila para lang makanood ng rehearsal!

"Hindi ba't siya yung basher ni Caelum?" rinig kong tanong nung babae sa gilid ko.

"Shut-up! baka marinig ka ni Caelum, he warned us na di ba?" Kumunot ang noo ko.

Warned? ano naman kaya ang sinabi niya sa kaniyang fans?

"Hmf! sabi ko na nga ba, papansin lang siya kay Cae—"

"I said shut-up!" Halos bulungan lang ang ginagawa nila pero rinig na rinig ko iyon.

"Go baby! ang galing mo, woah!" Sigaw ko na ikinalaglag panga ni Caelum. Kumindat pa ako sa kan'ya. Nakita kong natawa sina Harrison sa reaksyon ng kaibigan.

Umayos ako ng upo. Kahit hindi ko lingunin alam kong masama ang tingin nila sa'kin. So what?!

Natapos ang rehearsal humingi pa muna ng pictures ang mga fans nila bago umalis. Tumayo naman ako sa inuupuan ko at lumapit sa kaniya.

"Grabe naman ang pagiging fan girl mo." Taas kilay na sambit ni Jacob napanguso ako. Tumikhim naman si Caelum tsaka umakbay sa akin.

"Naiinggit ka lang, wala ka kasing ganoong fans." Proud na sambit ni Caelum kaya agad kong kinurot ang tagiliran niya.

Inaasar pa nila kami. Napatingin ako kay Priel nang mapansin na nakatingin din pala siya sa akin.

"I'm happy for the both of you," bulong niya. Ginulo niya pa ang buhok ko.

"Thank you, Priel ha?" Tumango siya. Naalala ko ang kwintas na ibinigay niya, suot ko pa rin ito kaya hinubad ko iyon at nilahad sa kaniya.

"Nga pala itong kwintas na binigay mo..." Napatingin rin siya roon. Nag-aasaran sila kaya malaya kong nakakusap si Priel.

Wala na ang feelings ko sa kaniya mas naging higit ang pagmamahal ko kay Caelum.

"Bigay ko?" kunot noo niyang tanong.

"Oo 'di ba?" Tiningnan niya ang kwintas saka natawa.

"Gago talaga ang torpeng iyon." Aniya, hindi niya tinanggap ang kwintas kaya nagtaka ako.

"B-bakit?"

"Kay Caelum galing 'yan, inutusan niya ako para ibigay sa'yo. Hindi mo pa rin alam?" Napalabi ako habang siya ay napapailing.

Lumapit si Caelum sa pwesto namin habang si Priel ay lumayo para bigyan kami ng privacy. Muling nag-init ang pisngi ko nang mapagtanto na kaya pala ayaw niyang hubarin ko ang kwintas dahil siya mismo ang bumili nito, sa kaniya ito galing.

I smiled.

"Anong pinag-uusapan niyo? bakit nakangiti ka riyan?" Taas kilay niyang tanong. Natawa ako dahil wala siyang ideya at halatang nagseselos.

"Wala!"

Ngumuso siya at mabilis na yumakap sa akin. "Anong wala? nakangiti ka nga." Aniya sabay sundot sa pisngi ko.

Niyakap ko siya pabalik.

"May susuotin kana ba sa Summer fest?" Tanong ko sa kaniya. Naramdaman ko ang pagtango niya habang nakasiksik ang ulo niya sa leeg ko.

"How 'bout you?" Tanong niya lumayo siya kaonti para matitigan ako.

"Namili na ako noong nakaraan."

"Masakit pa rin ba?" Biglang tanong niya na ikinabigla ko. Bwisit na 'to! nambibigla!

Agad kong hinampas ang braso niya na ikinatawa niya. "Magtigil ka riyan!"

Mas lalo siyang natawa nang makita ang namumula kong pisngi. Tuwang tuwa ang loko.

"Ang sarap sa tenga na marinig ang cheer mo, sana ganiyan ka rin sa akin sa performance namin." Pinisil niya ang pisngi ko bago ako halikan sa noo. Dumating naman sina Theodore na parang nangangasim ang mukha sa amin.

"Ano ba 'yan, pati ba naman rito?!" Reklamo ni Harrison.

" At least hindi pumapatol sa bata." Walang kwentang sambit ni Rupert sinamaan siya ng tingin ni Harrison kaya pareho na silang nagbabardagulan ngayon.

"Kamusta Theo? natawagan mo na ba?" Tanong ni Jacob saglit niya kaming tinaasan ng kilay ni Caelum.

"Oum, pero... sa Summer fest na raw siya pupunta." Bakas ang disappointment sa mukha ni Theo.

Tinapik ni Caelum ang balikat ng kaniyang kaibigan. In love talaga itong si Theo, hindi ko pa nakikilala ang babae pero alam kong siya ang dahilan kung bakit napaamo si Theodore.

Pagkatapos ng rehearsal nagtungo kami sa bahay para doon kumain, gusto raw kasi nina Mommy na makita kami ni Caelum habang si Jacob ay inasikaso at kinausap ang mga organizers.

"Hindi pa name-meet ni Aisha ang parents mo?" inosenteng tanong ni Mommy. Napakagat ako sa ibabang labi at napatingin kay Caelum na natigilan sa pagkain.

"Uh... maybe... soon?"

"Ah, gano'n ba? sige, ayos lang yan ijo. Basta huwag niyo munang madaliing dalawa ha? follow your dreams, always remember that."

"But your daughter is my dream," muntik na akong mabulunan sa biglaang pagbanat ni Caelum. Tinapik ni Dad ang balikat niya.

"Grabe, feeling ko magkakasundo tayo, ganiyan din ako sa asawa ko noong kaedaran namin kayo e." Napapailing naman si Mommy pati ako sa kanilang dalawa.

Nag-usap sila at nagtuturuan pa ng pwedeng ipang-banat sa babae sa mga susunod na araw. Tumulong naman kay Mommy sa paglilinis ng kusina.

Ilang araw ang lumipas naging abala rin kami sa rehearsal at paghahanda ng The Daze. Sobrang excited kaming lahat dahil ngaylng araw na ang Summer fest maraming tao ang dadalo sa buong stadium mapalabas man o loob.

"Wait, wait! nakalimutan ko yung sunblock ko, mainit roon ih." Usal ni Clarisse habang naglalagay ng sunblock si Simone naman ay nagme-makeup.

"Alas-otso pa naman ang simula pero heto't mas excited pa tayo sa kanila." Natatawang sabi ni Simone pati tuloy ako ay natawa.

Nagsuot ako ng pink crochet top na pa butterfly at white maong short at white shotes. Nagsuot din ako ng ilang pearl accessories at tinalian ang mahaba kong buhok.

"Itong isa, excited makita ang boyfriend niya." Parinig ni Clarisse na animoy hindi nasaktan sa pambabasted sa kaniya ng pinsan ko.

Aniya nga naka move-on na raw siya sa lalaki at tatanggapin na kaibigan nalang ang turing sa kaniya nito.

Natapos kami sa pag-aayos kaya sumakay kami sa van para maagang makarating si stadium dahil sasalubungin pa namin sila sa backstage.

Ito na ang mahalagang araw sa The Daze at kay Jacob buong taon silang naghanda para rito. Naabutan ko ang magkakaibigan na nagtatawanan habang nagre-rehearse ng panghuli.

"Jacob!" Sigaw ni Clarisse kumaway siya rito kaya kumaway din ang pinsan ko pabalik.

"Ang aga niyo ah, hindi halatang prepared?" Natatawang sabi ni Jacob. Humalik siya sa pingi ko sabay gulo sa buhok ko. He was wearing only a plain white t-shirt and denim pants and he was also wearing shades. May hawak siyang listahan ng nga dadalong celebrities ngayon na inaabangan daw talaga ang performance ng The Daze sa malaking stage.

Si Simone at Clarisse ay nauna na sa backstage para asikasuhin ang mga damit ng The Daze at ni Jacob. Napansin ko si Jacob na tila may hinahanap sa kaniyang bulsa.

"Ano 'yon?" Taka kong tanong.

"May naiwan ako sa condo," aniya habang kinakapa ang kaniyang bulsa. "Shit! yung usb ko, naiwan ko sa condo!"

"A-anong gagawin mo? uuwi ka?" Taranta ko ring tanong.

Mabilis siyang tumango at tinapik ang balikat ko.

"Sandali! ako nalang ang kukuha—" he cut me off.

"Ako na! malapit lang naman e, babalik ako agad." Aniya habang nagmamadali. Akala ko ay aalis na siya pero bumalik siya kasabay ang pagsulpot ng mga kabigan niya.

"Oh, anong nangyari?" Tanong ni Priel.

"Nakalimutan ko yung usb sa condo, mahalaga yun e. Iyon kasi ang last video na ipapakita mamaya after ng performance ninyo." Sagot niya sabay himas sa kaniyang batok.

"Kukunin ko lang, kung magsisimula na kayo tuloy lang mga, pre." Aniya at tinapik isa isa ang balikat ng mga kaibigan.

"Babalik agad ako,"

Hinawakan ni Caelum ang kamay ko kaya napatingin ako sa kaniya.

Umalis na si Jacob kaya bumalik na rin kami sa backstage isang oras nalang ay magsisimula na ang performance nila. Nag text si Jacob sa akin pagkaraan ng ilang minuto. Nakuha na raw niya ang usb.

Seguir leyendo

También te gustarán

2M 113K 96
Daksh singh chauhan - the crowned prince and future king of Jodhpur is a multi billionaire and the CEO of Ratore group. He is highly honored and resp...
1.3M 69.3K 59
𝐒𝐜𝐞𝐧𝐭 𝐨𝐟 𝐋𝐨𝐯𝐞〢𝐁𝐲 𝐥𝐨𝐯𝐞 𝐭𝐡𝐞 𝐬𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 〈𝐛𝐨𝐨𝐤 1〉 𝑶𝒑𝒑𝒐𝒔𝒊𝒕𝒆𝒔 𝒂𝒓𝒆 𝒇𝒂𝒕𝒆𝒅 𝒕𝒐 𝒂𝒕𝒕𝒓𝒂𝒄𝒕 ✰|| 𝑺𝒕𝒆𝒍𝒍𝒂 𝑴�...
1.6M 138K 46
✫ 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝐎𝐧𝐞 𝐈𝐧 𝐑𝐚𝐭𝐡𝐨𝐫𝐞 𝐆𝐞𝐧'𝐬 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐒𝐚𝐠𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 ⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎ She is shy He is outspoken She is clumsy He is graceful...
3.7M 293K 96
RANKED #1 CUTE #1 COMEDY-ROMANCE #2 YOUNG ADULT #2 BOLLYWOOD #2 LOVE AT FIRST SIGHT #3 PASSION #7 COMEDY-DRAMA #9 LOVE P.S - Do let me know if you...