DIALOGUE
[Art studio]
3:23 PM
Franz heard three straight knocks at the door behind her. Agad na napakunot ang noo nya nang makita si Eros, at pinasadahan ito mula ulo hanggang paa.
Eros:
Done checking me out, hmm?
Agad naman syang sinamaan ng tingin ni Franz. Bumaling sya sa kanyang ipinipinta sabay irap
Franz:
Mama mo checking me out
She heard him chuckled, and cleared his throat
Eros:
Nagdala ako iba't ibang flavor ng chicken wings. Kumain ka muna, Maurisse
After a sudden bang in her chest, in her peripheral vision, nakita nyang inilapag ni Eros ang pagkain sa mesa
Franz:
Para saan? Teka
Bakit ka pala nandito at paano mo nalamang nandito ako?
Nilingon nya si Eros na ngayon ay naka awang ang labi habang nakatitig sa kanya kaya agad nyang iniwas ang mata nya sabay balik sa ipinipinta nya
Eros:
Wala lang. Siguro ganoon talaga kapag crush mo, mararamdam mong gutom sya
Napapikit ng mariin si Franz sabay bato ng basahan kay Eros
Franz:
Ang korni mo
Eros laughed, then picked up the rug
Eros:
Chinat ako ng mga bff ko. Halika na rito, kain ka na, sabayan kita
Idiniin ni Franz ang paglapat ng mga labi nya, ayaw kumibo. Parang bibigay anumang oras
Eros:
Grabe, yung nacute-an sakin ayaw kumain...
Bakas ang pang aasar sa tinig ng lalaki. Huminga ng malalim si Franz bago ibinaba ang brush at hinarap si Eros nang may ngiwi sa mukha saka lumapit sa mesa
Franz:
Hindi ako nagsend noon
Umiirap pang sabi ni Franz. She saw him stopping his smile
Eros:
Okay. Pahiram po ng kamay
Mahihinuha sa boses ng lalaki ang pang aasar
Franz:
Bakit?
Eros:
Pupunasan ko, Mahal na Prinsesa
Kumalabog na tila ba maririnig ng lalaki ang tibok ng kanyang puso. Wala sya wisyong inibot nya ang kamay nya kay Eros. Magaan at dahan dahan itong pinunasan sabay suot ng dispossable gloves
Eros:
Ayan, upo ka muna, ayusin ko lang kakainin natin
Nakita pa ni Franz na inayos ng lalaki ang suot nitong salamin bago nag umpisang mag ayos ng kakainin
Magaan at masarap sa pakiramdam ang tanging nararamdaman ni Franz. Hindi namalayang tapos na pala itong mag aayos at nakatingin na nakangiti na sa kanya ang lalaki
Eros:
Ganda mo
Mahinahon na sambit ni Eros habang nakatitig pa rin kay Franz
-
KEEP NOTES
gago gAGO GAGO GAGO GAGO GAGO
Ano 'yon
Bakit ganoon
Ilang oras na yung lumipas simula nung iniwan nya kong mag isa dito kasi sabi ko umuwi na sya pero bakit ang bilis at ang lakas pa rin ng tibok ng puso ko
Bakit ganito
Bakit ang gaan at ang sarap sa pakiramdam ng mga pinaramdam nya saakin kanina
Hindi ko maintindihan
Ano 'tong nararamdaman ko
Franz, kalma
Mas may dapat kang unahin na isipin kaysa doon sa Eros na 'yon
Pero bakit muna ang gwapo nya?
Edited 5:18 PM