Warring hearts, United souls

By ShiinggShanngfreeze

13.6K 1.3K 242

What if your heart unexpectedly falls to your mortal enemy? What will you do? This story refers to two peopl... More

Author's Note.
Prologue.
Chapter 1.
Chapter 2.
Chapter 3.
Chapter 4.
Chapter 5.
Chapter 6.
Chapter 7.
Chapter 8.
Chapter 9.
Chapter 10.
Chapter 11.
Chapter 12.
Chapter 13.
Chapter 14.
Chapter 15.
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18.
Chapter 19.
Chapter 20.
Chapter 22.
Chapter 23.
Chapter 24.
Chapter 25.
Chapter 26.
Chapter 27.
Chapter 28.
Chapter 29.
Chapter 30.
Chapter 31.
Chapter 32.
Chapter 33.
Chapter 34.
Chapter 35. (FINAL CHAPTER)

Chapter 21.

302 33 9
By ShiinggShanngfreeze




Borj

Nagmamadali akong maligo para makapag-ayos at makapunta agad kina Yuan. Can't wait na makita si Roni. Mababaliw na kasi ako kakangiti sa harap ng salamin ko sa kwarto. Hindi ko kasi maiwasan na hindi maisip si Roni.

Especially ngayon. Okay na kami. Masaya na akong nakakausap ko siya. Kahit na hindi ko naamin sa kanya na gusto ko siya. Atleast makakasama ko na siya palagi.

Sinusuklay ko ngayon ang buhok ko na medyo mahaba na. Humuhuni-huni pa ako habang napapaindak dahil sa saya na nararamdaman ko.

"Aba. Mukhang atang masaya ka?" natigilan ako ng magsalita si Lola nang makapasok ito sa kwarto ko habang hawak-hawak nito ang polo na susuotin ko maya-maya.

"Ikaw pala, La." agad ko itong dinaluhan para kuhanin sa kniya ang polo ko. "Excited lang po ako para mamaya.." ani ko.

"Ngayon naman excited ka. Akala ko ba wala kang balak pumunta?"

"Akala ko din kasi 'yon, La. Naisip ko din po kasi kung magkukulang ako dito tapos ang barkada nagsasaya sa party. Mas maigi ng sumama ako sa kanila, diba po?" nakangising sabi ko. "Para na rin po makita at makasama ko si Roni.." mahinang bulong ko.

"Ano sabi mo?" tanong nito.

"Ah..wala po. Sige po. Mag-aayos lang po ako." sagot ko.

"Mabuti pa nga. 4:30 na ng hapon. 6:00 ng gabi ang simula ng party niyo. Dadaan ka pa ata sa bahay nila Tito charlie mo." aniya.

"Opo, La. Patapos na rin po ako." iginiya ko na siya sa pinto. Hinalikan ko pa ito sa noo bago ito tuluyang lumabas ng kwarto ko.

Masaya akong bumalik sa harap ng salamin ko.

Nakita ko ang isang picture frame sa harap ng bedside table ko na may litrato ni Trisha. Kinuha ko ito at tinitigan ng maigi.

"I think this is the right time to let you go, Trish..." mapait akong ngumiti habang hawak-hawak ko ito.

'Sapat na siguro yung mahigit isang taon na paghihintay ko sa pagbabalik mo..Halos gumuho ang mundo ko nang iwanan mo ako ng walang dahilan. Hindi ko naman siguro deserve yun noh.' naramdaman ko ang sunud-sunod na pagpatak ng mga luha ko sa pinsgi ko.

I thought hindi na ako magmamahal ulit. Akala ko hanggang dito na lang ako. Sa pagiging miserable ang buhay. Lahat ginawa ko para makalimutan si Trisha. Para lang maiwasan ko ang isipin siya ng palagian. Buti na lang nandiyan sina Yuan to help me. Pero sa loob ng mahigit isang taon. Siya pa din ang mahal ko.

Until one day, Roni came to my life. Actually, she came into my life when I was a child. But this time. She became my enemy. Maingay. Masungit. Pero hindi mo aakalain na sa simpleng pagsusungit at pagbubuganga niya. Doon pala ako mahuhulog. Hindi lang doon. Mabuti siyang tao. Roni is different from others. Iba siya sa lahat ng mga nakilala ko.

Akala ko nung una same characteristic sila ni Trisha. But I was wrong. Hindi sila pareho. Magkaiba sila.

Pinunasan ko ang mga luha ko na kanina pa nag-uunahan sa pagpatak. Muli kong sinulyapan ang picture ni Trisha bago ko ito binalik ng pataob sa kinalalagyan nito.

Inayos ko muli ang sarili ko. Para pag nagharap kami ni Roni. Disente akong tignan.

Dali-dali akong bumaba ng sala. Naabutan ko sina Lolo and Lola doon na masayang nag-uusap. Nagpaalam ako sa mga ito na aalis na ako para pumunta kina Roni at doon na lang maghihintay sa barkada. Pero dahil sweet si Lolo and Lola sa akin. Hinatid pa ako ng mga ito.

Kaya ayun. Puro pang-aasar ang inabot ko kay Yuan. Dinaig ko pa daw ang gradeschool. Hatid sundo pa daw ako. Bwisett na Yuan 'to. Basag trip. Buti na lang nasa kwarto pa niya si Roni nang dumating ako at asarin ako ni Yuan. Hindi niya nairirinig ang pangbubuska na ginagawa ng Kuya niya sa akin.

Isa-isa na dumating ang barkada. Naunang dumating sina Junjun and Jelai na nagkukuringgian ngayon sa harapan ko. Si tonsy naman dumating na din pero umalis agad para sunduin si Apple. Balak kasi ni Tito charlie na ihatid kami sa school gamit ang Van nila. Si missy naman. Nagsabi itong diretso na siya sa school. Since ihahatid siya ng daddy niya.

Nasaan na ba si Roni?

Bakit hindi pa siya nababa?

"Ang tagal naman nila tonsy. Anong oras na oh?!" nakasimangot na sabi ni Yuan. "Isa pa itong si Roni. Kinakapalan pa ata ang make-up niya!" reklamo pa nito.

Natawa kami bigla nila Junjun dahil alam naman namin kung bakit nagmamadali itong makarating agad sa school. Iyan ay dahil kay Missy..

Naks! Inlove ang bestfriend ko.

"We're hereee!" matinis na boses na sabi ni Apple.

Si Roni na lang. Siya na lang ang hinihintay namin para makaalis.

Hindi na ako mapakali sa inuupuan ko. Para akong matatae na ewan. Kinakabahan kasi ako. Paano kung ang panget pala ng ayos ko. Tapos hindi nagustuhan ni Roni.

"Roniiii!" sigaw ni yuan habang nakatingin sa balcony nila dito sa loob. "Pudpod na yang mukha mo kakaayos mo!" baliw talaga itong si Yuan. Inip na inip na siya.

"Ano ka ba naman kuya? Ang ingay-ingay mo!" napatulala ako kay Roni na ngayo'y bumababa sa hagdan.

Shet.

Napahawak ako sa dibdib ko ng bumilis ang tibok nito. Para akong kakapusin sa paghinga.

Sobrang ganda. Ang ganda-ganda ngayon ni Roni sa suot niyang black long dress.

Ngayon ko lang siya nakita na ganito kaganda. Bumagay sa kanya yung dress dahil kitang-kita dito ang hubog ng katawan niya.

"Borj, pakitikom." ani junjun. Hinawakan ako nito sa baba at inikom ang bibig ko na kanina pa pala nakanganga. "Baka pasukan ng langaw." tumatawa nitong sabi.

Inis kong tinignan si Junjun at mahinang sinapak siya sa braso pero tinawanan lang ako ni Loko.

"Buti naman bumaba kana. Ikaw na lang hinihintay namin." reklamo ni Yuan kay Roni.

"Ewan ko sa'yo." inirapan ito ni roni at humakbang paabante. Natigil lang siya sa gagawin niya ng mapansin niyang nasa harapan niya ako.

Nahihiya itong tumingin sa akin at ngumiti. Nilingon ko ang mga kasama namin.

At para silang mga sira. Ang lalaki ng mga ngiti nila at parang nanunuya ang mga tingin nila sa amin.

"Ready na ba kayo?" tanong ni tito charlie nang makapasok ito.

Nagkatinginan pa kami ulit ni Roni bago umiwas ng tingin isa't isa. Dali-dali itong lumabas at sumakay sa Van nila.

Agad akong bumaba ng Van nila Roni nang makarating kami dito sa school.

"Hello borj." bati sa akin ng mga female students na nakakakilala sa akin.

"Hi." Nakangiting bati ko rin sa mga ito.

Napansin ko namang sumama ang tingin ni Roni sa mga ito. Selos?

Nilahad ko ang kamay ko para sana aalalayan si Roni. Pero hindi nito hinawakan ang kamay ko bagkus dali-dali itong bumaba at tinabig pa ako.

Bakit?

"Bye daddy. Take care po." ani Roni.

"Kuya." - tito lumingon si yuan dito. "Ang kapatid mo ha. Bantayan mo." bilin nito.

"Yes dad. Don't worry."

"Boys. Behave. Ang mga girls bantayan niyo."

"Yes po, Tito." sabay-sabay naming sagot.

Sinulyapan ko muli si Roni na nakasimangot pa rin ang mukha habang nakatingin sa daddy niya.

"Mauna na ako. Enjoy!" wika pa nito bago pinaandar paalis ang Van.

Nakangiti akong lumingon kay Roni.. kaso wala na ito sa tabi ko. Nakita ko nalang itong nagmamadaling maglakad papasok ng hall kung saan gaganapin ang party habang hawak-hawak nito ang mahaba niyang dress.

Namangha kami sa namita namin. Grabe ang layo ng itsura ng party na ito kesa noon.

Marami na ang students ang sumasayaw sa gitna at yung iba naman masyaang nakikipagkwentuhan sa mga kasama.

Hinanap ng mga mata ko si Roni. Nilibot ko sa buong hall ang painingin ko para makitsa iya.

Parang biglang nagdilim ang paningin ko nang makita ko si Roni na masayang nakikipagkwentuhan sa Basti na iyon.

Not my girl!

Patakbo akong nagtungo sa pwesto nila. Nang makalapit ako. Agad kong hinawakan si Roni sa kamay at hinila ito palayo kay Basti.

"Roni!" rinig kong tawag ni basti. Pero patuloy pa rin ako sa paghila sa kanya.

"Borj.." tawag ni Roni sa akin.

Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya.

"Roni, please? Hihiling lang ako sa'yo kahit ngayong gabi lang. Ako muna ang samahan mo. Dito ka lang sa tabi ko.." mahinahong sabi ko.

Tinitigan niya lang ako at hindi alam ang sasabihin. Kaya mas hinarap ko ang sarili ko sa kanya at hinawakan ko pa ang isang kamay niya.

"Please?" Nakita ko namang ngumiti siya at tumango. "You mean? Okay lang?"

"May magagawa pa ba ako?"

"Yes! Thank you, Roni." hinawakan ko siya sa magkabilang bisngi at masaya ko siyang niyakap.

"Oh..Look who's here guys!" napalingon kami parehas ni Roni kay Sunshine kasama ang mga kaibigan niya. "Si Borj and Roni.." nakangisi itong lumapit sa amin lalo na sa akin. Humawak ito sa braso ko at sinandal ang ulo sa balikat ko.

Lasing ba siya?

Inis ko namang tinanggal ang pagkakapulupit ng braso niya sa braso ko. At tumabi ako maigi kay Roni.

"How sweet guys.." - sunshine.

"Ano na naman bang kailangan mo, Sunshine?!" inis na tanong ni Roni dito.

"Bakit? Kapag ba sinagot ko yang tanong mo, maibibigay mo ba sakin ang kailangan ko?" hamon nito kay Roni.

"Then say it!" - roni. Tinaasan nito ng kilay si Sunshine at nilagay nito ang mga kamay niya sa bewang niya.

"Si Borj. Si Borj kailangan ko. Wala kasi akong partner e." tatawa-tawang wika ni Sunshine.

Matalim itong tinignan ni Roni.

"Edi kunin mo." nganga akong binalingan si Roni nang tingin. Hinawakan ko pa ito sa braso.

Don't tell me, hahayaan niya talaga ako kay Sunshine?

"Really?" tila parang kumislap naman ang mata ni Sunshine sa tinuran ni Roni.

"Yun ay kung makukuha mo." pinaglapat ni Roni ang kamay namin at mabilis ako nitong hinila palayo kina Sunshine.

Napangiti naman ako sa ginawang paghawak na iyon ni Roni sa kamay ko.

Napatigil ito saglit at nilingon ulit sina Sunshine at dinilaan ang mga ito.

Haha.

Cute e.

Nagpatuloy na kami maglakad ni Roni habang magkahawak ang mga kamay namin. Hindi ko maiwasan mapangiti. Hinigpitan ko pa ang pagkakahawak ko sankamay niya. Hanggang sa makarating kami sa table ng barkada.

"Saan ba kayo nanggaling, Borj, Roni?" tanong ni tonsy.

Nagkatinginan kami bigla ni Roni sabay tawa...

Napansin naman na lahat sila ay nakatingin sa kamay namin ni Roni na mahigpit na magkahawak. Kaya mabilis kaming nagbitaw sa isa't isa at umiwas ng tingin.

Taka naman kaming tinignan ng mga ito. Ngunit hindi na namin sila pinansin . Pinaghila ko ng upuan si Roni para makaupo siya ng ayos. Habang ako nakangiting umupo sa tabi ng upuan niya.

Roni

Gusto ko sanang maglibot sa hall kung saan ginanap ang party. Kaso everytime na tatayo ako. Nakabuntot naman sa akin si Borj.

Hindi ko alam ano ang mararamdaman. Magkahalong saya at lungkot ang nararamdaman ko. Masaya dahil kasama ko siya ngayon. Pinagsisilbihan niya ako na akala mo wala ng bukas. Malungkot dahil alam kong hindi may kapalit lahat ng saya na ito. Malungkot dahil alam ko sa sarili ko na kailanman hindi magkakagusto sa akin si Borj.

Pasimple kong tinititigan na masayang nakikipagkwentuhan kina Kuya.

'Ang swerte-swerte mo, Trisha. Ang swerte mo dahil minahal ka ng isang Benjamin Jimenez. Even though iniwan at nasaktan mo siya. Pero ikaw pa rin ang mahal niya at hinahanap niya.' Bahagya kong naramdaman ang pagpatak ng luha ko sa aking nga pisngi. Agad ko itong pinunasan at mapait akong ngumiti habang diretso ang tingin ko kay Borj.

Marahan akong tumayo at naglakad patungo sa CR. Doon tahimik at seryoso kong tinignan ang sarili ko.

Panget ba ako?

Hays.

Napasulyap ako sa mga babaeng pumasok dito sa CR para magsalamin. Mabilis tumaas ang kilay ko nang makilala ko ang mga ito.

Sunshine's friends. Inirapan ko ang mga ito at magsstart na sana ako maglakad nang magsalita yung isa sa kanila.

"Kaya naman pala nandiyan si Basti sa labas e. Nandito pala si Roni..."

What?

Nasa labas nang CR ng babae si Basti. Dali-dali akong naglakad palabas para silipin kung totoo ba ang sinasabi nitong kaibigan ni Sunshine.

It's true. Tahimik na nakasandal si Basti sa gilid ng CR. Napahawak ako sa mukha ko dahil hindi ko alam ang gagawin ko. Nangako ako kay Borj. Baka magalit yun kapag nakita niya kaming magkasama ni Basti.

Hindi ko rin naman pwedeng baliwalain si Basti. Nangako din ako sa kaniya yesterday na sasamahan ko siya ngayon.

Hays.

Lord, please help me!

Bahala na.

Basti is my friend. Borj also is my friend. Wala naman sigurong masama kung kakausapin ko saglit si Basti. Sa kanilang dalawa kasi ni Borj. Maaayos itong kausap at madaling pakiusapan. Unlike Borj na mabilis uminint ang ulo.

Tumayo ako ng ayos at bumuntong hininga muna ako ng malalim bago ako naglakad papalapit kay Basti.

Napangiti si Basti ng makita ako at umayos ito sa pagkakatayo at naglakad para salubungin ako.

"Roni.." bungad nito.

"B-Basti. A-Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

"Ahm..nakita kasi kitang naglalakad kanina. Kaya sinundan kita." sagot niya.

"Bakit mo naman ako sinundan? May sasabihin ka ba?"

"Wala naman. Gusto lang kita makita and magsorry sayo at the same time. Sorry nga pala dun sa sinabi ko na nanliligaw ako sayo." napaiwas ito ng tingin sa akin saglit.

"It's okay, Basti." nakangiti kong sagot. "Alam ko namang biro lang 'yon.."

"No Roni. It's not a joke." agad akong tumingin sa kanya ng diretso. "It's true. Roni, I like you."

"H-Huh?"

"I like you, Roni. Kaya lahat ng paraan ginagawa ko para makita ka, mapalapit sayo yun ay dahil gusto kita." hindi ko alam ang sasabihin ko.

Kasi hindi naman siya ang taong gusto kong magsabi niyan sa akin. Hindi ko rin expect na may gusto siya sa akin. All I know friend ang tingin niya sa akin. Kaya pala iba siya makitungo sa akin. Minsan ang touchy ng nga gestures niya. Yun pala it's a sign na he likes me.

"Ahm..basti. Sorry—."

"Okay lang, Roni. Alam ko namang imposibleng magustuhan mo ako. Syempre nandiyan si Borj. Alam kong siya ang mahal mo.."

Mahal ko nga siya. Pero ang tanong, mahal niya ba ako?

"Pero sana Roni. I hope hindi magbago ang pagkakaibigan natin." aniya.

"Sorry talaga, Basti. Don't worry. Friends pa rin naman tayo. Walang magbabago dun." nginitian ko siya at hinawakan sa braso.

"Thank you, Roni." aniya. Nakangiti din itong hinawakan ang kamay kong nakahawak sa braso niya.

"Roni." napalingon ako sa likuran ko.

Nakita ko doon si Borj na blangko ang mukha na nakatingin sa amin. Nagulat naman ako ng makitang lumabas sa gilid na bahagi niya sina Sunshine at ang mga kaibigan nito.

Tss! Ang bilis talaga ng mga ito na siraan ako.

"Sige Roni. Mauna na ako." paalam ni Basti. Tungo itong naglakad paalis sa harap ko.

Sinundan naman siya ng matalim na tingin ni Borj. Nang makaalis na si Basti. Muli akong sinulyapan ni Borj at lumapit sa akin.

"Roni. Nangako ka sa akin." pungay matang wika ni Borj.

"Alam ko, Borj. Hindi ko naman alam na sinundan pala ako ni Basti dito. And besides wala naman kaming ginagawang masama. Nag-usap lang kami." explain ko.

"A-Anong pinag-usapan niyo?" natigilan ako sa tanong na iyon ni Borj.

Sasabihin ko ba sa kanya? Na umamin sa akin si Basti.

"Roni.." Tawag ulit nito sa akin.

"A-Ano ulit sabi mo?"

"I asked you kung ano ang pinag-usapan niyo."  napakagat ako sa labi ko.

"Roni.."

"Promise me na hindi mo ipagsasabi sa iba kapag sinabi ko sa'yo?"

"What it is ba?" iritang tanong ni Borj.

"Promise me muna."

"Okay fine. Promise I won't tell anyone." nagtaas pa ito ng kamay.

"Okay." nginitian ko siya at tinignan ng diretso sa mata. "Borj..Basti told me earlier na..."

"Na ano?"

"That he likes me." pikit mata kong sagot.

Minulat ko bahagya ang mga mata ko nang mapagtanto kong natahimik si Borj.

"He told you that?" aniya.

"O-Oo."

"What did you say?" tanong ulit niya.

"W-Wala." diretsang sagot ko. "Nabigla nga ako sa biglaang confession niya e. Pero nagguilty ako." malungkot kong inalala ang pag-amin na ginawa ni Basti.

"Bakit naman?" kuryosong tanong ni Borj.

"I feel guilty because I can't repay his feelings for me. Hanggang pagkakaibigan lang talaga ang tingin ko sa kanya." mabilis namang gumuhit sa mga labi niya ang mga ngiti.

Kanina lang wala siyang kibo at tulala. Ngayon naman.

Hay naku ewan ko sa'yo Borj.

"Okay ka lang, Borj?" alalang tanong ko sa kaniya.

"Okay na okay ako Roni." Masaya nitong sagot.

Anong nangyari sa kanya?

"Tara. Balik na tayo kina Yuan." mabilis nitong pinadausdos ang palad niya sa bewang ko.

Shet.

Ito na naman ang puso ko sa bilis ng tibok. Hindi ko alam ang gagawin ko. Feel ko nagpapawis na yung kili-kili ko. Ang mga palad ko na namamasa na dahil sa kaba ba or kilig na nararamdaman ko.

Malaki pa rin ang ngiti ni Borj nang nakarating na kami sa table kung saan kami nakaupo kanina kasama sina Kuya.  Abala ang mga ito sa pagkukuwentuhan. Kaya hindi napansin ng mga ito ang pagdating naming dalawa.

Hindi ko magawang tumingin kay Borj na hanggang ngayon nakangiti pa rin at titig na titig sa akin.

How I wish na may meaning yang tingin mo na yan, Borj.

Tingin ba yan ng inlove or isang kaibigan?

Hays.

Bahagya akong nagulat ng biglang hawakan ni Borj ang kamay ko na nasa hita ko. Shet. Nakakahiya. Basang basa yung kamay ko.

"I like you.."

Wait.

Tama ako nang narinig, right?

Someone said 'I like you'. Si Borj ba 'yon?

Nilingon ko agad si Borj para siguraduhin kung siya ba yung nagsalita. Pero masaya itong nakikipagkwentuhan kina kuya.

Akala ko pa naman siya yung nagsalita. Guni-guni ko lang siguro iyon.

No. Sure ako na may magsalita talaga. Hindi siya simpleng sinabi lang parang binulong lang siya. Dahil ang lapit nung boses nung nagsalita.

Oh my gosh.

Ano bang nangyayari sa akin?

Continue Reading

You'll Also Like

5.8K 239 9
a story about Imee Marcos and Katrina Manotoc Katrina is a fictional Character😚
15.9K 1K 51
They found their happy, but until when can they keep it? As Borj and Roni navigate the challenges of ghosts who don't want to stay in the past and th...
7.1K 168 5
Part 2 of „can't outrun the truth" All creds to the fanart artists! Tw: mentioned suicide, sensitive topics
16.7K 763 29
The continuation of Borj and Roni's love story. The reason why the title is "HUSH" it is because I feel like the stares of Borj and Roni from the beg...