Tatta Hitotsu no Koi (COMPLET...

By YaneyChinita

61K 1.2K 54

"I've always thought that someday you're going to be mine." Erika was a frustrated romance writer. Lahat ng... More

CHAPTER ONE
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
FINAL CHAPTER

CHAPTER TWO

5.4K 124 1
By YaneyChinita

Eight years later

Madilim na ang mga ulap na tila nakikiluksa kay Erika nang pumasok siya sa loob ng coffee shop. Kaunti lang ang mga taong naroon. Napasapo siya sa kanyang ulo, saka sinabunutan ang sariling buhok pagkaupong-pagkaupo niya sa bakanteng silya. Wala siyang pakialam kung magmukha siyang tanga sa mga oras na iyon. Basta naiinis siya. Ah, hindi! Hindi langsiyanaiinis, frustrated siya! Sa sobrang frustration niya ay gusto na niyang maglupasay at mag-iiyak sa mga sandaling iyon.

Nag-angat siya ng ulo nang mag-ring ang cellphone niya sa loob ng bag niya. Bago niya kinuha iyon ay nahagip ng paningin niya ang lalaking naka-baseball cap-na nakababa ng husto na halos natatakpan na ang mukha nito-at nakaupo dalawang mesa ang layo sa kanya. Kung makatingin ito sa kanya ay tila magkakilala sila. Hindi na niya ito pinagtuunan ng pansin. Inilayo niya ang tingin dito at sinagot niya ang tawag sa kanyang cellphone.

"Hello, Erika!" bungad ng nasa kabilang linya.

"O, Rachel, napatawag ka?" walang siglang sabi niya. Kaibigan niya si Rachel mula pa noong maging magkaklase sila sa isang subject sa kolehiyo. Mas matanda ito ng isang taon sa kanya.

"Makikibalitaako. Nabanggit mo sa akin na pupunta ka roon sa opisina ng publisher na pinasahan mo ng manuscript mo. How was it?"

Pagkarinig sa sinabi nito ay nanlumo siya. "Wala na yata akong pag-asa, Rachel. I wanna die!" frustrated na sabi niya saka sinulyapan ang folder na kinalalagyan ng rejected na nobela niya.

"Ang O.A mo naman! Katapusan na ng mundo, 'teh?"

"You know how much I wanted to publish a novel, right? Peroano? Heto, hanggang ngayon wala pang naa-approve sa mga isinulat ko. Reject nanamanang manuscript ko." Himutok niyasakaibigan.

Iyon ang panlimang nobela na na-reject sa kanya. Kung anu-anong website na ang binisita niya para humanap ng technique na makakatulong sa kanya para ma-improve ang pagsusulat niya ngunit walang nangyari.

"Baka naman may kulang sa mga isinusulat mong nobela kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin pasado sa standards nila." sabi nito. Nagtatrabahoitosa isang teenage magazine for girls bilang isang associate editor.

"Hindi ko na nga alam ang gagawin ko." She let out an irritated sigh. "Itigil ko na kaya ang kalokohang ito?"

"Girl, don't lose hope. Don't stop writing. Hindi ba sabi mo sa'kin passion mo 'yan? Anon'g malay mo, sa mga susunod mong nobela maaprubahan ka na?" Payo nito.

"Kailan naman mangyayari 'yon?" Sa totoo lang ay inip na inip na siya. Gustong-gusto na niyang makita ang librong isinulat niya na naka-display sa bookstore. She had always been dreaming about that.

"Kapag kulay pink na ang langit!" Sagot ng kaibigan niya.

"Sira ka talaga!" aniya na napapailing habang ito ay tumatawa sa kabilang linya. "Nakakainis ka!" kunwa'y naiinis na sabi niya ngunit may ngiti sa kanyang labi.

"Ano ka ba? Pinatatawa lang kita, masyado ka kasing seryoso. Huminto ito sa pagtawa kapagkuwan ay sumeryoso, "Erika, sabi nila habang may buhay, may pag-asa! Kaya ikaw, 'wag mawawalan ng pag-asa! Magagawamongmakapag-publish ng nobela. Believe in yourself, okay?"

"Thank you, friend." Nagpapasalamat siyang tinawagan siya nito dahil gumaan ang loob niya. Narinig niyang may tumawag sa pangalan nito. "O siya at baka naabala na kita, alam kong busy ka. Bye. See you soon."

"Sige. Bye! 'Kitatayo next time!"

Binalik niya ang kanyang cellphone sa loob ng bag niya nang mawala ito sa linya. Sinulyapan niyang muli ang folder nanasa ibabaw ng mesa. Napailingsiya. She grabbed her cup and sipped her coffee.

Ano nga ba ang nagtulak sa kanya para pangarapin ang maging isang romance novelist?

She enjoyed reading every genre of books since she was a teenager. Mapa-English o Tagalog man iyon. Pero ang pinakagusto niya ay ang pagbabasa ng romance. Noong fourteen siya ay sumubok siyang sumulat gamitang bond paper at type writer ng mommy niya. And whenever she finished a story she would file it up in a folder. Ibang klaseng saya ang dulot niyon sa kanya sa tuwing nakakatapos siya ng isang istorya. Then one day, she decided she wanted to become a writer.

Ngunit pansamantalang isinantabi niya ang pangarap na iyon at pinagtuunan ng pansin ang pag-aaral sa kolehiyo. Nangmaka-graduate siya mula sakursong Business Administration Major in Marketing ay tinulungan niya ang kanyang mommy sanegosyonitong events organizing company.

Dahil hindi naman niya tuluyang tinalikuran ang pagnanais na maging romance writer, binalikan niya ang pagsusulat. Sa umaga ay may regular job siya sa opisina at sa gabi naman ay nagsusulat siya ng nobela.

Nang magkaroon siya ng sapat na lakas ng loob ay ipinasa niya ang kanyang manuscript sa isang publication-ang Hearts In Love. She had her first rejection! It was so painful. She was depressed for months. Sabi sa comment ng editor, kulang raw sa emosyon at "kilig factor" ang nobela niya.

Ilang romantic films at Koreanovela na ang pinanood niya para ma-inspire ngunit wala pa ring narating ang mga nobela niya.

Sa katunayan ay may boyfriend siya-Si Vince-they've known each other since highschool. Kaya hindi niya maintindihan kung bakit kulang parin sa "kilig factor" ang mga sinulat niya. Hindi ba nakakakilig ang boyfriend ko kaya naaapektuhan ang mga sinusulat ko? naitanong niya sa isip.

Iginala niya ang mga mata sa loob ng coffee shop. Nagtamang muli ang mga mata nila ng lalaking nakatingin sa kanya kanina. Nagsalubong ang mga kilay niya nang alisin nito sa ulo nito ang baseball cap.

She definitely knew him! He was non-other than Shinji Serizawa! He was the half Japanese-half Filipino musician, rock star and heartthrob. Sikat na sikat ito sa buong bansa at halos lahat ng babae sa Pilipinas ay nababaliw dito.

Ngumisi ito at kumuway sa kanya.

Biglang dinagundong ng kaba ang dibdib niya sa pagtatama ng kanilang mga mata. Agad niyang binawi ang tingin palayo rito.

Ipinaling niya ang mga mata sa glass wall ng coffee shop. Lalong nangitim ang kalangitan. Ilang saglit pa ay bumuhos ang malakas na ulan. Mukhang hindi pa siya makakalabas roon sa coffee shop.

NANG humina na ang ulan ay isinuot ni Erika ang jacket na dala niya at nagpasyang umuwi na sa kanilang bahay. Tumayo siya saka isinukbit ang bag sa kanyang balikat. Naglakad siya palabas ng coffee shop. Huminto siya sa gilid at saka binulatlat ang laman ng kanyang bag. Hinanap ang kanyang kulay purple na payong.

"Nasaan na ba ang lintik na payong na 'yon?" kikay kit, wallet, cellphone, suklay at balat ng candy ang laman ng bag niya. Wala iyon doon. She groaned in annoyance.

"Nani mondai ga arimasu ka?"

Napalingon siya sa kanyang tabi nang marinig ang pamilyar na tinig na iyon. Hindi niya inaasahang lalapitan at kakausapin siya ni Shinji. They were not in good vibes since eight years ago.

"May problema ba?" tanong ulit nito.

"U-umuulan... iyan ang problema ko. Wala akong payong." kandautal na sagot niya. She was feeling uncomfortable with his presence.

All these years, Erika ganyan pa rin ang nararamdaman mo sa kanya?! Sita sa kanya ng kabilang bahagi ng sarili niya. She breathed inwardly, trying to calm herself. Pinunasan niya ang anggi ng ulan sa mukha niya gamit ang sleeve ng jacket na suot niya. That awkward moment, when your former best friend suddenly appeared in front of you, anang isip niya.

"Wala rin akong payong para ipahiram sa'yo. Puwede naman na siguro ito." Iniaabot nito sa kanya ang baseball cap nito.

"No, it's okay. You don't have to do that, you know." Pag-tanggi niya.

"I insist. Alam kong uwing-uwi ka na. Gamitin mo na 'to." Pamimilit nito. Isinukob nito ang baseball cap sa ulo niya.

Mabilis niyang inalis iyon at ibinalik dito. "Hindi na talaga kailangan!" patuloy na pag-tanggi niya. Luminga-linga siya sa paligid. Napansin niya grupo ng mga kababaihan na nakapako ang tingin sa direksyon nila. Sigurado siyang namukhaan ng mga ito si Shinji.

Fangirls! Nakahanda na ang camera phone ng mga ito. Nasisiguro niyang naghihintay lang ng tamang tiyempo ang mga tagahanga nito para makalapit kay Shinji.

Tumili siya ng pagkalakas-lakas. "Girls, nandito si Shinji Serizawa!" sigaw niya. Itinuro pa niya ang lalaki sa kanyang tabi. Nais niyang makalayo rito dahil dumu-doble ang kaba sa dibdib niya sa pagkakalapit nilang iyon. At hindi niya gusto ang pakiramdam na iyon.

Sa ginawa niya ay agad na nagsilapitan ang mga babae at pinaligiran si Shinji. Pinagkaguluhan na ang lalaki ng mga fans nito.

"Ang guwapo-guwap mo, Shinji!" tili ng mga babae.

"Sige. Mauna na 'ko!" aniya rito saka mabilis na naglakad palayo. Deadma na siya kung nababasa siya ng ulan.

"Erika!" tawag nito sa kanya na tila humihingi ng saklolo mula sa "pangmomolestiya" ng mga tagahanga nito.

Napangiti siya nang magtagumpay siya na malapitan ito ng mga fans nito. Hindi na niya pinansin ang pagtawag nito sa kanya at agad niyang pinara ang taxi na nagdaan sa harap niya.

WALANG nagawa si Shinji kundi ang pagbigyan ang mga fangirls niya na magpa-picture sa kanya at bigyan ng kanyang authograph ang mga ito. Wala sa bokabularyo niya ang salitang "tumanggi" pagdating sa mga tagahanga niya at ng banda niya­­­­-ang Vampyres. Malaki ang utang na loob niya sa mga ito. Dahil kung wala tumatangkilik at humahanga sa musika nila, hindi nila mararating ang tagumpay na tinatamasa nila ngayon. He owed it a lot to them.

Hindi rin malaking biro ang pinagdaanan nila bago nila nakamit ang popularidad na mayroon sila ngayon. Though, he wouldn't say their band didn't have any fans before. Mayroon naman. It's just that their fanbase had increased in numbers when their band went mainstream.

More than five years ago, they were just a struggling indie band-the band he formed since college. Sa mga maliliit na bar lang sila tumutugtog noon. Aminado siyang may-kaya ang pamilya niya, kung gugustuhin niya ay handa nang ipamana sa kanya ng kanyang Hapon na ama ang negosyo ng kanilang pamilya ngunit ang pagtugtog kasama ang banda niya ay ang talagang passion niya kaya kahit maliit lang ang kinikita nila dahil sa pagtugtog wala iyong problema sa kanya. Ang pinakaimportante sa kanya ay naibabahagi niya sa tao ang passion at talento niya.

He and his members were very thankful to have met Danny Meneses, a big shot record producer, one particular night. He was part of the audience in one of their gigs in some bar in Quezon City. He was impressed with their talent and music. That night, Danny offered them to sign a record deal with his company. They all accepted the offer right away. Hindi na nila kailangan pang pag-isipan nang matagal ang bagay na iyon. It was their dream to be signed in a recording company. After the release of their first single and album, it was a major hit. Mabilis silang natanggap ng mga tao. Their band's popularity sky rocketed in no time! Bukod sa musikang nililikha nila, dagdag na ang katotohanang lahat ng miyembro ng kanilang banda ay pawang "may hitsura"-though, "may hitsura" would be an understatement-kung bakit sikat ang grupo nila. And people were also fascinated with the fact that he, the vocalist of the Vampyres was half-Japanese.

"Thank you, Shinji." Malapad ang ngiti ng fan nang ibalik niya rito ang papel na pinirmahan niya ng authograph niya.

"You're welcome." Anaman niya. He looked around him. "Sorry girls, but I really have to go." He looked at his wristwatch. Kung hindi siya makakaalis doon ay tiyak na mahuhuli siya sa rehearsal nila sa studio ng mga alas-siyete ng gabi. He only had thirty minutes left.

"Bye-bye, Shinji!" they all waved to him.

He waved his hand and started walking away. Nagpapasalamat siya na madaling makaunawa ang mga tagahanga niya. Hinayaan siya ng mga ito na makaalis kahit hindi niya napagbigyan ang requests ng ilan sa mga ito.

He went to his car that was parked in front of the coffee shop. He got inside and seated on the driver seat. He was about to start the engine when he remembered Erika.

Matagal na hindi niya nakita ito. Walong taon na marahil ang nakalipas. When they parted ways, they no longer have any communication.

Ganoon na lamang ang tuwa niya nang makita ito sa loob ng coffee shop na pinagtambayan niya kanina na pagmamay-ari ng isa sa mga kaibigan niya. He gawked at her real good. She had grown prettier than ever. If there was one part of her face that he loved the most, it's definitely her sexy mouth. It was cherry-colored and pouty.

He wanted to come near her and greet her properly but he felt her uneasiness. He saw the looked in her eyes that she didn't want to see him-just like before. Noong ngitian naman niya ito ay agad na umiwas ito ng tingin sa kanya.

Nang lumabas na ito ng coffee shop ay biglang nag-panic ang dibdib niya. Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. Kaya naman bago pa ito makalayo ay lumabas na rin siya loob ng coffee shop at sinundan ito. Relief flooded him when he saw her a few meters away from the coffee shop's door. Naglakas-loob na siyang kausapin ito nang mapansin niyang tila may problema ito. He offered a little help but she turned it down flatly. It was obvious she still had the ill-feeling toward him. He felt dejected, of course. Why wouldn't he? After all these years, he still felt something for her. Certainly, he dated a few girls here and there but he couldn't seem to forget about Erika. She was that... special.

NANG sumunod na araw ay naisipan ni Erika na bisitahin ang kanyang nobyong si Vince sa bahay nito-isa ito sa mga kilalang PBA player ng bansa at kabilang sa isang sikat na team-nang tawagan niya ito upang ipaalala rito ang date nila kagabi-ay sinabi nitong masama ang pakiramdam nito at hindi matutuloy ang lakad nila. Ipinagluto niya ito ng mushroom soup upang may makain ito dahil alam niyang walang ibang mag-aasikaso dito dahil nag-iisa lang ito sa condo unit nito.

Pinindot niya ang doorbell ng unit nito. Ilang saglit ang lumipas bago bumukas iyon. Nagulat siya sa nabungaran niyang nakatayo roon. Isang babaeng hindi niya kilala at nakatapi lang ng tuwalya at tila kagagaling lang sa banyo dahil basa pa ang buhok nito. "Who are you and what are you doing here?" naningkit ang mga mata niya kasabay ng pagsalakay ng kaba sa dibdib niya.

"Ahmmm, I... uhh..." nagkandabuhol-buhol ang dila nito na hindi makuhang makapagsalita ng tuwid.

Isa lang naman ang ibig sabihin nang nasaksihan niyang anyo nito. Hindi siya ipinanganak kahapon. Agad na umakyat ang galit sa bumbunan niya. Marahas na tinabig niya ang babae at hinanap si Vince. Nakita niyang kalalabas lang nito mula sa banyo, nakatapi lang din ito ng tuwalya.

"How dare you!" nanggagalaiti niyang sigaw dito. "Masama pala ang pakiramdam, ha!" ibinato niya rito ang hawak na microwable na may lamang mushroom soup. Natapon ang laman niyon dito at sa carpeted floor. Pagkatapos niyon ay sinugod niya ito at pinaghahampas niya ito ng throw pillow na nahagip niya. Pasalamat pa ito at hindi flower vase ang inihahampas niya sa ulo nito! Ang babae naman ay nagmamadaling pumasok sa loob ng kuwarto nito.

Pilit na sinasalag ni Vince ang bawat patama niya. "Stop it, Erika!"

"Anon'g 'stop it' na sinasabi mo diyan? Kumag ka!" patuloy siya sa pagsalakay dito.

"She's just a random girl, no big deal." Pangungumbinsi nito sa kanya sa pagitan ng pagpigil nito sa mga kamay niya.

Lalo siyang nagalit sa sinabi nito na para bang wala lang dito na nahuli niya itong nambababae. "'Random girl' and 'no big deal'?! You think it's just like that?" ang kapal ng mukha nito! Ano ang tingin nito sa mga babae laruan?

"You know I love you, Erika but I'm just a man and you know it's natural for us to satisfy our needs but since you're always reluctant to do it with-" bago pa nito matapos ang sinasabi nito ay isang malakas na sampal ang pinadapo niya sa pisngi nito.

"Needs? Sexual needs? Kaya gumagawa ka ng kalokohan behind my back dahil hindi ko kayang ibigay iyon sa'yo, gano'n ba?" mataas ang boses na wika niya. Sa palagay niya ay kulang pa ang sampal na ibinigay niya rito.

Hindi ito nakapagsalita at nakatingin lang sa kanya na hawak ang nasaktang pisngi.

Napailing-iling siya. "How long have you been doing this to me?" Nitong mga huling buwan ay halos hindi na sila nagkakasama. Hindi nga niya halos maramdaman na may boyfriend siya. Madalas ay sinasabi nitong busy ito. Iyon pala ay ibang babae ang kasama nito!

Nang walang siyang nakuhang sagot sa dito ay ikinumpas niya ang kanyang kamay. "Fine! Kung maligaya ka sa kandungan ng babae mo, puwes bahala ka na sa buhay mo!" pumihit na siya patalikod.

"Erika, puwede pa naman nating ayusin ito." Pinigilan siya nito.

Nilingon niya ang taksil na lalaki at tiningnan nang masama. "Ayusin mong mukha mo! You're such a douche bag! And I don't wanna see your face ever again!" sinipa niya ang tuhod nito. Napahiyaw ito sa sakit.

Nalaglag ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan nang makalabas siya sa building ng condo unit ni Vince.

Galit, sakit, pagkabigo-lahat ng iyon ay pumupuno sa dibdib niya.

4

Continue Reading

You'll Also Like

83K 2.3K 20
"I just love it when you look at me thinking that I don't notice." Rai's was the country's hottest rock band, and Bee was one of their thousands of f...
32.2K 1K 10
THIS IS THE UNEDITED VERSION. Ebook (edited version) is available at preciouspagesebookstore.com.ph Ashlee might be impertinent and harsh but she was...
68.2K 2.1K 134
WARNING: Mild SPG along the way. **Formerly Musika ng Pag-ibig Isang pangakong binitawan Sa ilalim ng mga bituing nagniningningan Hawak ang puso ng...
2.1M 41.2K 51
May slight case ng mysophobia si Janine. Clean-freak siya at ayaw na napapadikit sa ibang tao. Ang tingin ng mga tao sa paligid niya ay maarte lang s...