Tatta Hitotsu no Koi (COMPLET...

By YaneyChinita

60.8K 1.2K 53

"I've always thought that someday you're going to be mine." Erika was a frustrated romance writer. Lahat ng... More

CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
FINAL CHAPTER

CHAPTER ONE

14K 207 5
By YaneyChinita

"'GUESS WHAT?" Erika nudged Shinji's arms to get his attention. Sinundo siya nito sa school nila pagtapos ng klase niya. Nagulat na lang siya na nandoon ang kotse nito sa harap ng gate ng kanilang school at hinihintay siya.

Halos isang buwan niyang hindi nakita si Shinji dahil nagpunta ito ng Japan upang bisitahin ang lolo nitong Hapon—ang nanay nito ang Filipina at purong Japanese naman ang tatay nito—ang balita niya ay nagkasakit ang lolo nito at na-confine sa hospital.

He looked at her when the traffic light turned red. "What?"

"Remember Vince Hilario?" hindi maitago ang kilig niya nang banggitin ang pangalan ng lalaki.

Nagsalubong ang mga kilay ng best friend niya. "What about him?" he asked in a thick voice.

"He asked me to be his date on the prom!" may pagmamalaking sabi niya. "And my classmates couldn't believe it. Inggit na inggit nga silang lahat sa akin, eh."

Big deal sa kanilang paaralan kung sino ang magiging prom date ni Vince Hilario. Sikatanglalakisa school niladahilguwapoito at captain ng basketball varsity team. Noong una ay hindi siya makapaniwala nang lapitan siya ni Vince kanina para yayain na maging prom date nito. Dahil crush na crush niya si Vince, hindi na siya nagdalawang-isip na umu-"oo".

Nang tanungin niya ito kung bakit siya ang pinili nitong maging prom date—ang sabi nito ay matagal na nitong napag-isipan ang bagay na iyon. Best choice daw siya lahat ng babae sa school nila—sa sinabi nito pakiramdam niya ay napakaganda niya upang mapansin nito!

Napaismid lang si Shinji habang nagkukuwento siya.

Natawa siya sa hitsura nito. Ang asim kasi ng mukha nito. "Hoy, Shinji 'ayan ka na naman." Umangat ang mga kamay niya upang plantsahin ang pagkakakunot ng noo nito gamit ang mga daliri niya. Initial reaction na nito ang mapakunot-noo sa tuwing mababanggit niya ang pangalan ni Vince. Alam nito na crush niya ang lalaki. Ang sabi nito ay naririndi na ang tenga nito sa tuwing nakukuwento niya si Vince dito.

Pinatakbonitoulitangkotse nang mag-green light na. "Kararating ko lang at ngayon lang ulit tayo nagkita pero heto at iyang Vince na naman na 'yan ang bukam-bibig mo. You haven't even asked me how I was." Naiiling nahimutoknito. Ipinanganak ito sa Japan ngunit lumaki sa Pilipinas kaya matatas itong mag-tagalog.

Na-guilty naman siya. "Sorry. Okay, so how are you? Kumusta na ang lolo mo?" tanong niya.

"Nagkaroon ng mild heart attack si Lolo but he's fine now."

"That's good to hear." Masaya siyang marinig iyon.

"Yes. Siniguro ko munang okay na talaga siya bago ako umuwi dito. Oh, I have something for you. They're at the backseat." He glanced and smiled at her.

"Really?" na-excite siya. Nilingonniyaangbackseat. Nakita niya ang dalawang malalaking paper bags nanaroon. Inabot niya ang mga iyon. Madalas siya nitong dinadalhan ng pasalubong sa tuwing nagtutungo ito sa Japan. He was really sweet and thoughtful. Masuwertesiyasa pagkakaroon ng best friend nagayanito.

Binulatlatniya ang laman ng mga paper bag. Napatili siya nang makitaang CD albums ngArashi, ang favorite niyang Japanese idol group. Yumakap siya sa leeg ni Shinji. "Arigatou Gozaimasu!" masayang sabi niya rito saka matunog na hinalikan ito sa pisngi.

"Hey, I'm driving, you know! Baka maaksidente tayo." Tatawa-tawang sabi nito.

Agad niyang inalis ang mga braso niyang nakapulupot dito saka umayos ng upo. Hindi maalis ang ngiti sa mga labi niya. She had always wanted to collect Arashi's CD albums. Ngunit hindi naman siya makabili niyon dahil hindi naman iyon available sa Pilipinas.

Hindi lang CD albums ng grupo ang pasalubong nito sa kanya kundi pati idol magazines kung saan cover ang mga ito. "Where did you get all these?" ang ilan samgadalanitong CDs ay past albums nanggrupo. Alam niyang mahirap nang hanapin iyon.

"I asked my cousin Miyu to buy all those for you since hindi ko alam kung saan hahagilapin iyan. Nabanggit mo sa akin na favorite mo ang grupong iyan, so..." nagkibit-balikat ito, "Parehas kayong hibang na hibang sa grupong iyan." Dagdag pa nito.

She giggled. Actually, si Miyu ang dahilan kung paano siya naging fan ng Arashi. Nakilala na niya ang pinsang nito no'ng minsang magbakasyon iyon sa Pilipinas. "I'll phone your cousin when I get home to say my thanks."

SHINJI couldn't stop grinning from ear to ear when he entered their house. Hinawakan niya ang kanang pisngi niya—the spot where Erika kissed her. Nang maalala ang tagpong iyon ay kulang na lamang ay mag-blush siya.

"Mukhang masaya ka, ah." Puna ng kanyang inang Stella na kasalukuyang nasa sala at nanonood ng TV.

Naupo siya sa tabi nito sa sofa matapos siyang humalik sa pisngi nito. "Well, I am." Sagot niya.

Hindi matatawaran ang saya niya. Erika just kissed her awhile ago. Well, it was just a simple friendly kiss. Thankful ito sa pagbibigay niya ng pasalubong dito. But that kiss meant so much to him.

He wasn't sure how and when it started but he had adored her for years. Basta nagising na lang siya isang umaga na higit pa sa kaibigan o little sister ito para sa kanya. Ever since the realization, he had his eyes only fixed on her.

He was good in hiding his feelings. Though, maraming beses na niyang binalak sabihin dito na gusto niya ito nang higit pa sa kaibigan ngunit laging nauudlot iyon. Dahil sa tuwing gusto na niyang magtapat ng damdamin dito ay bigla na lang nitong babanggitin ang pangalan ni "Vince". Hindi niya personal na kilala ang lalaki pero nakita na niya iyon minsan. At alam niya na crush ni Erika ang lalaking iyon. Naiinis siya kapag panay ang lalaking iyon ang topic nito. Katulad na lang kanina nung magkasama sila. Kung hindi pa niya sinabi rito ang himutok niya ay nunca na titigil ito sa pagkukuwento sa Vince na iyon.

"So, have you confessed your feelings to Erika?" tukso sa kanya ng kanyang ina.

Namilog ang mga mata niya. "Ma... how did you know?" Akala pa man din niya ay napakagaling niyang magtago ng sikreto. Nahalata na pala siya ng kanyang ina.

Ngingiti-ngiti ang kanyang ina. "I'm not your mom for nothing." Pinisil nito ang pisngi niya.

Napakamot siya sa gilid ng kanyang noo.

"I've always known how you felt about her. I can see it in your eyes," hinawi ng kanyang ina ang ilang hibla ng buhok na tumabing sa mata niya. "But remember, she's only sixteen. Masyado pang bata para magka-boyfriend."

He sighed. "I know, Ma." ang edad ni Erika ang isa rin sa dahilan kaya hindi pa siya handang mag-confess dito. He knew she was still young. "I'm willing to wait for the right time. After two years, i'll tell her." Aniya saka kininditan ang ina.

Ginulo ng kanyang ina ang kanyang buhok. "Right, when she turns eighteen. Mas maigi kung magpapaalam ka rin sa mga magulang niya." Anito na nakangiti.

Tumangu-tango siya sa sinabi ng ina. Yes, he would do just that. He'll wait for the right time to come.

"I CAN'T BELIEVE YOU!" napailing-iling na sabi ni Shinji habang nakakatutok ang pansin niya sa daan at nagda-drive. Nasa biyahe na sila pauwi. Kagagaling lang nila kanina mula sa shop na pinagpatahian ng gown na susuotin nito sa nalalapit na JS Prom nito. Ready for pick-up na iyon at sinamahan niya ang kaibigan.

Naiinis siya sa ginagawa ni Erika. Ngayon lang ito nagkaganoon ng dahil sa isang lalaki. Dahil lang sa Vince na iyon ay isa-sacrifice nito ang lunch at dinner nito para mag-bawas ng timbang!

Well, kasalanan din naman niya. He said she looked fat in her gown nang humarap ito sa kanya kanina na suot-suot iyon. Ngunit sinabi lang naman niya iyon upang magbago ang isip nito at iba na lang ang piliing suotin—­she definitely looked lovely in that lavender gown, by the way.

Nang tanungin siya nito kung sa tingin niya ay mai-impress si Vince sa gown na iyon ay biglang naghimagsik ang dibdib niya kaya imbes na sabihin niyang "you looked lovely" ay mataba itong tingnan sa gown na iyon ang sinabi niya.

Hindi niya inaasahang seseryosohin nito ang sinabi niya. At ngayon nga ay nagkakaganoon ito at handang magpagutom para lang pumayat in six days! Imagine that! Sino naman ang hindi maiinis doon?

Bahagyang nilingon niya ito. "You don't have to do something like that for him to notice you." Wala nang kailangan pang baguhin si Erika sa sarili nito dahil para sa kanya ay perpekto na ito. She's lovely. She can charm everyone around her.

"But boys don't like fat girls, do they?"

"Puro ka na lang fat! Fat! Fat! Wala ka na bang ibang nasa isip kundi iyan?" naiinis na talaga siya rito.

"Ikaw naman ang nagsabi sa akin na mataba ako! Natural magpa-panic ako! Wala pang naging girlfriend si Vince na mataba!"

Nalintikan na! Hindi lang pagpa-impress ang gustong gawin ni Erika sa crush nito, umaasa din itong maligawan ng lalaking iyon! He didn't like the idea.

"Will you please stop with the 'fat' issue? Nakukulili na ang tenga ko!" gigil na winika niya.

"Fine! Basta hindi na ako kakain ng dinner mamaya!"

"You're crazy." Naiiling na winika niya rito.

At hahayaan mo na lang siya sa kabaliwan niya sa Vince na iyon? Kastigo sa kanya ng isang bahagi ng utak niya. Of course, not! I already vowed that i'll be her first boyfriend ever. I should make my move now.

It was the day of Erika's Prom.

Ang haba talaga ng hair ko! She felt really lucky to be asked by Vince as his date on their prom. Hindi nakaligtas sa kanyang mga mata ang pagkainggit at paninibugo ng mga babaeng present sa prom nila nang dumating sila sa venue ng kanilang JS Prom.

"You're definitely the most beautiful girl here tonight." Puri sa kanya ni Vince nang muling hagurin siya nito ng tingin. Malapad ang ngiti nito. "I made the right choice to ask you out for this event."

She smiled. Flattered sa tinanggap na compliment mula rito. Sinunod niya ang payo ni Shinji. Hindi niya kailangang mag-crash diet. It seemed Vince was so impressed about her. "You look good yourself." Nais man niyang sabihing sobrang guwapo nito ngayong gabi ay ayaw naman niyang mahalata nito na patay na patay siya rito.

Ilang saglit pa ay nagsimula na ang program ng JS Prom nila. May live band na kinuha ang school nila para tumugtog sa okasyong iyon. Vince offered himself to be his first dance. They danced until the third song. May ilang kaklase siyang lalaki na niyaya siyang sumayaw na pinaunlakan naman niya.

Nang mapagod siya sa pagsasayaw ay nagpunta siya sa buffet table upang kumuha ng inumin. Iginala niyang muli ang paningin sa loob ng bulwagan. Nagulat siya nang mahagip ng mga mata niya sa gilid ng stage ang bandang tumutugtog doon—ang banda ni Shinji! Her best friend had formed a rock band since he entered college. Kung anu-anong gigs ang tinatanggap ng mga ito para tumugtog.

"I can't beleive you're here." Bulalas niya nang lumapit siya rito matapos ang first set ng mga ito.

Ibinigay nito ang gitarang hawak nito sa isa sa bandmates nito. "Nakausap ko ang isa sa organizers nitong prom n'yo. Naghahanap sila ng bandang tutugtog para dito. Since I used to study here, well we got invited here." Nagkibit-balikat na paliwanag nito.

"At hindi mo man lang nabanggit sa akin?" wala talaga siyang kaide-ideya na maggi-gig ito sa prom nila.

"I wanted to surprise you." anito na nakangiti.

"Well, I am surpised. And I'm glad you're here. I want you to meet Vince." Nakangiting sabi niya.

Nawala ang ngiti sa mukha nito nang banggitin niya ang pangalan ng crush niya.

"I'm not interested to meet him." May diin sa mga salita nito.

"Oh, come on, Shinji. It's about time you meet this guy. He's nice. I'm sure magkakasundo kayo." Pangungulit niya na humawak pa sa braso nito. Binalewala niya ang tila pagdilim ng mukha nito.

"I don't care if he's nice or what. I just don't want to meet that jerk." Matigas na sabi nito na kinalas naman ang mga kamay niyang nakakapit sa braso nito.

Nabibigla siya sa inaakto nito. Sa buong pagkakataon na nababanggit niya si Vince dito ay ngayon lang niya ito nakaringgan ng ganoong salita. Well, she could feel he didn't like the guy that much. Ngunit iniisip na lang niya na kaya ito ganoon dahil protective ito sa kanya. He had always been like that to her–acting like a real brother.

"Jerk? You're calling Vince a 'jerk'? Goodness, Shinji! Hindi mo pa naman nakikilala nang lubusan 'yong tao!"

"What's so good about that guy that you like him so much?"

"He's the team captain of the basketball varsity team. He's cool, he's nice, and he's the ultimate heartthrob. I like him. At kung may chance, I want him to be my boy—" Tumalikod na si Shinji na hindi man lang pinatapos ang sinasabi niya. Nagmartsa ito palayo sa kanya. "Hey, where are you going?" naka-kunot ang noong habol niya.

Lumabas ito ng ballroom hall. Sinundan naman niya ito. Naabutan niya ito sa labas ng hotel. "Hindi pa ako tapos sa sinasabi ko!"

Huminto ito at humarap sa kanya. Natigilan siya nang makita ang tila pait sa mga mata nito. Napansin din niya ang pagkakakuyom ng mga kamay nito.

"I can't stand it." Mahinang usal nito. Sakto lang para madinig niya iyon.

Napayuko siya. She couldn't look into his eyes. Natatakot siyang mabasa ang kung ano sa mga mata nito. Hindi niya alam ngunit pakiramdam niya ay hindi niya gustong malaman iyon.

"I never wanted to say it like this, Erika, but I can't help it anymore." It was obvious he was in pain.

HUMAKBANG si Shinji palapit kay Erika. "I'm really trying to hide these feelings I have for you because I was patienly waiting for the right time to come," It was now or never.

Sa bawat salitang lumalabas sa bibig nito habang dine-describe nito si Vince ay tila may patalim na humihiwa sa puso niya. Masakit. Kaya bago pa magkapira-piraso ang puso niya ay minabuti niyang tumalikod na lang at iwan ito roon. Ngunit heto ito at humabol sa kanya. Sa tingin niya ay hindi na siya dapat magpatumpik-tumpik pa. He needed to tell her how he really felt about her. Bago pa siya maunahan ng iba.

"Daisuki da yo!" pag-amin niya.

Nag-angat ito ng mukha. Pagkagulat ang nabasa niya roon. "Shinji..."

Ginagap niya ang isang kamay nito. He looked straight into her eyes. "I like you. I really do. I like you more than just a friend or a little sister. I like you in a way how a guy should like a girl." puno ng emosyong winika niya. There, he finally said it. Tila may malaking tinik na nabunot sa dibdib niya. Ngunit nanatiling tahimik ito. "Did you get what I said?" pukaw niya sa pananahimik nito.

Binawi nito ang kamay nito mula sa kanya nang makabawi ito na sa tingin niya ay mula sa pagkabigla sa confession niya. Umatras ito ng ilang hakbang palayo sa kanya. "You shouldn't be saying this, Shinji."

"Tell me, why I shouldn't be saying this?" it hurt him to get that kind of reaction from her. It was far from what he had imagined.

NALILITO si Erika sa mga nangyayari. Shinji liked her. Liked her more than just a friend! Those words shocked her.

Sa buong buhay nila na magkasama sila ay hindi niya inaasahang sasabihin nito iyon sa kanya. Ngunit hindi dapat nangyayari iyon. Shinji was her best friend! "We're best friends. You can't possibly like me more than that." Naguguluhang sabi niya.

Bumuntong-hininga ito. "Dahil ba sa magkaibigan tayo, hindi ba puwedeng magustuhan kita ng higit pa roon?"

"Y-you can't like me. Para na tayong magkapatid. Don't you think this is wrong?" Kahit minsan ay hindi niya naisip na magkakagustuhan sila. He had known her since she was in diapers! And it felt strange to know that he felt something for her.

"What's so wrong about liking you? We're not siblings. And I never treated you like one. I never see you like a little sister." Tila napu-frustrate na sabi nito. "Kahit minsan ba hindi sumagi sa isip mo na gusto kita ng higit pa sa isang kaibigan?"

Nag-iwas siya ng tingin dito.

Yes. Minsan ay dumako sa isip niya may pagtingin ito sa kanya ng higit pa sa matalik na kaibigan. Lalo na pag binabanggit niya si Vince dito—gaya na lang kanina. Ngunit agad niyang itinataboy ang kaisipang iyon dahil ayaw niyang bigyan ng malisya ang pakikitungo nito sa kanya.

"Erika..." muling ginagap nito ang kamay niya. Mainit ang mga kamay nito na bumabalot sa kanya.

She looked at his hand that was enveloping her hand and then she looked into his eyes. She knew he was sincere with what he felt about her. But she couldn't reciprocate his feelings for her. "I'm sorry, Shinji. I only see you as a friend and a big brother." Binawi niya mula rito ang kamay niya.

She saw the hurt and sadness that crossed his eyes when she said those words to him. She felt guilty and sad, but she couldn't do anything about it. Hindi niya kayang bawiin ang nasabi na niya.

Napatingin ito sa madilim na kalangitan kapagkuwan ay ibinalik ang tingin sa kanya. "But can you give me a chance? I mean, If you want me to court you properly," hindi parin sumusukong sabi nito.

Umiling siya. "Shinji, I hope you understand." Lalong nalungkot ang mukha nito at lumalaylay ang mga balikat sa sinabi niya. She wanted to cheer him up but she didn't have the courage to do so.

She couldn't stand seeing him like this. Nasasaktan din siya pero ano ba ang magagawa niya? She liked him, of course but she didn't like him the way he "liked" her.

Napansin niya ang pamumuo ng luha sa sulok ng mga mata nito ngunit bago pa niya tuluyang makitang malaglag iyon sa mga mata nito ay agad na siyang tumalikod at mabibilis ang mga hakbang na bumalik siya sa ballroom hall ng hotel.

Nang gabing iyon, alam niyang iyon na ang katapusan ng pagkakaibigan nila. Hindi na bumalik sa loob ng ballroom hall si Shinji at iniwan nito roon ang mga kasama nito.

Biglang nagbago ang lahat sa pagitan nilang dalawa. Sa tuwing nagkikita sila ay umiiwas na siya rito. Mula kasi nang magtapat ito ng damdamin sa kanya ay naiilang na siya rito. Hindi na niya kayang harapin ito o tingnan man lang ito sa mga mata. Bakit ba kasi kailangan pa nitong magkagusto sa kanya?

Graduation niya sa highschool nang mabalitaan niyang lumipat na ng tirahan si Shinji. Ang mga magulang naman nito ay nagbalik na ng Japan. She didn't see him again after that.

Continue Reading

You'll Also Like

68K 498 4
I'M GLAD that I have achieved what I had set out to do for my grandsons Ravin, Simoun, Bastian, Giac, and Flynn. And so now I must focus on my grands...
67.6K 1.1K 12
Naniniwala ba kayo sa sumpa? Basahin ang nakakatawa at nakakakilig na kuwento ng anim na dalagang naisumpa ng matanda nang guluhin nila ang kasal ng...
136K 2.4K 10
Si Race ay isang TV ad model na sobrang hinahangaan ni Chazel. Pero nang ipalabas ang latest TV ad appearance nito ay parang ipu-ipong tinangay ng ha...
131K 2.8K 15
"Gusto mo ako? Gusto rin kita. Mas gusto kita. Nandito ako para bawiin ka at protektahan laban sa lahat ng mananakit sa 'yo." Na-curious siya sa ini...