Moments In Time

By Ember-1458

1.9K 40 26

A Fidel and Klay one-shot fanfic collection . . . Disclaimer: No copryright infringement. Original characters... More

Casa De Los Reyes Y Maglipol
Sinaunang Couple Shirt
Aish! Dak Cheo!
Namamangka sa dalawang ilog
Hindi ba pwedeng... Ikaw na lang?
Sa Dako Paroon...
Karibal
Yo Te Quiero ka talaga!
Andito ka na

Ikaw lang ang SAKALAM

253 6 7
By Ember-1458

Moments In Time 04 - Ikaw lang ang SAKALAM

Summary:  Dalawang taon mula ng magkita na muli si Klay at Fidel sa Real World, ay sya namang pagdating sa Pilipinas ng isang Fil-Am na colleague ni Klay… 

●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●

●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●

Hindi mapakali si Fidel sa kanyang inuupuan. Kanina pa nya pinagmamasdan ang pangalan ni Klay at ng sa kasama nito sa screen sa taas ng pinto ng Emergency OR kung saan naka-indicate ang ongoing emergency operations at ang mga siruhanong nagpe-perform nito. Alam ni Fidel na lagi na lamang pagod at abala sa trabaho si Klay. Kadalasa’y nakakalimutan nitong kumain sa tamang oras. Lagi na lang kulang sa pahinga at nalipasan ng gutom. Iyon ang takbo ng mundo ngayon ni Klay dito sa real world habang abala sa pagiging siruhano sa Philippine General Hospital.

Siya nama’y nakakapag-adjust na ng husto sa istilo ng pamumuhay rito. May dalawang taon na rin ang nakalipas simula ng makauwi si Klay sa Pilipinas pagkatapos mag-aral at panandaliang nagtrabaho sa Estados Unidos bilang doktor. Dalawang taon na rin simula ng magkita silang muli at siyam na taon makalipas ng suungin ni Klay ang librong ‘El Filibusterismo’. Pinagpapasalamat nya ang aking talino at ang sinasabi ni Klay na ‘bilis ng pick-up’. Dahil dito ay madali syang nasanay sa kalakaran ng pamumuhay dito sa mundo ni Klay. 

Tulad ng huling trabaho ng kanyang namayapang amigo’y, naging alahero rin si Fidel dito sa mundo ni Klay. Natuto syang maging mapanuri ng mga hiyas na hindi pa pulido at magdisenyo nito upang maging kwintas, singsing, porselas at iba pang klase ng alahas. Nagagamit pa rin nya ang talino nya sa pagne-negosyo at galing kumilatis ng halaga ng mga ginto, pilak at hiyas o kahit ano pang pambihirang produkto na nakatulong para sya ay magkaroon ng pansariling pagkakakitaan at hindi maging pabigat sa kanyang katipan. Sa tulong narin ni Mr. Torres at ng ama ni Klay, ay sumali sya sa ilang mga competition patungkol sa pagdisenyo ng mga alahas na naging rason upang maging tanyag sya sa mga alta sociedad. Ngayon nga ay naging matagumpay ang kanyang negosyo na muli nyang ikinayaman. Naitatag nya ang kanyang bagong kumpanya na ‘Kings Jewellery Inc’ - Reknowned, award-winning jewel and gold miners, jewelry designers and makers na may iilang puwesto sa mga naglalakihan, prestihiyoso at kilalang malls at hotels sa Pilipinas. 

Iyon ay isa lamang sa kanyang gawain. Sya ay isa ring bookkeeper, isa sa mga katuwang ni Mr. Torres sa pagpapalaganap ng leksyon ng literatura ng Pilipinas at taga-pangalaga ng halu-halong sansinukob ng mga librong ito. Kaya madalas ay kailangan nyang mawala ng ilang araw para punan ang misyong ito. Misyon na hindi nya kailanman susukuan. Mas gugustuhin nyang malugi sa negosyo kesa pabayaan ang responsibilidad nya bilang bookkeeper na nagbigay daan para makatawid sya sa mundo ni Klay. Dahil si Klay ang mundo nya. 

Gayunpama’y mas madalas paring abala sa kanya ang kanyang katipang si Klay. Laging abala sa kahit anong emergency sa ospital. Trauma surgeon si Klay sa PGH kaya laging on-call. Sila ng kanyang mga kapwa trauma surgeons ay laging nakabantay sa Emergency Rooms o ER para magbigay ng paunang operasyon kapag may mga pasyenteng sinusugod sa ospital na nasa critical na kondisyon. Hindi lang iilang beses na sa pagdalaw ni Fidel sa ospital ay nakita nyang balot sa dugo ang halos buong katawan o kasuotan ni Klay. Naalala pa nya ang unang beses na nakita si Klay sa ganoong kalagayan. Halos atakihin sya sa puso sa takot na baka napano na ito. Pinaliwanag naman ni Klay na dugo pala iyon ng pasyente, pero ang takot at kaba sa puso nya’y hindi halos nabawasan. Ilang araw din syang binangungot dahil sa imaheng iyon.

Dahil nga sa gantong gawain ni Klay ay lagi na lamang wala na itong panahon sa iba pang bagay. Pagdating sa kanilang tahana’y tulog na lamang ang nagagawa nito. Kaya ng dahil doo’y natuto si Fidel sa mga gawaing bahay tulad ng paglilinis at pagluluto. Hindi nya ito ininda at lalong hindi nya inisip na nakabawas ito sa kanyang pagka-lalaki tulad marahil ng iisipin ng ibang mga lalaki sa panahong pinanggalingan nya. Bagkus ay masaya syang nakakatulong pagaanin ang buhay ni Klay. Kaya naman pag may oras ang katipan, sya naman ang pinagluluto at pinagsisilbihan nito. Hindi nagkukulang si Klay sa kanya.

Ngunit simula noong isang linggo ay nakaramdam ng alalahanin si Fidel. Iyon na rin ang dahilan kung bakit ngayong pagdalaw nya sa ER ng PGH upang dalhan ng hapunan si Klay ay hindi mapakali si Fidel. Ito ay dahil sa isang bagay… or should he say… dahil sa isang tao?

‘Dr. Roberts and Dr. Infantes, please proceed to OR’ 

Narinig ni Fidel ang intercom kung saan inanunsyo na kailangan ng pumasok ng dalawang siruhano sa operating room para sa magaganap na emergency operation para sa isang pasyenteng biktima ng car accident. Iyon ay narinig nya tatlong oras na ang nakalipas sa kasalukuyan. Hindi nya na nakita si Klay bago man lang ito umpisahan ang operasyon. Buti na lamang at wala na syang kailangan gawin kaya pwede nya itong hintayin. Pero hindi pa rin sya mapakali. 

“Oy, Fidel! Andito ka pala!” Narinig ni Fidel ang boses ng matalik na kaibigan ni Klay. Dito rin sa ospital na ito nagtatrabaho si Stacy bilang head nurse ng Emergency Ward. Sanay na itong nakikita syang dumadalaw o kaya’y katulad ngayon na nag-aantay kay Klay. Mukhang paumpisa pa lang ang shift nito bilang nakasuot pa ito ng panlabas na kasuotan.

“Ah, Stacy. Kamusta ka. Dadalhan ko lang sana si Klay ng hapunan nya. Kilala mo naman yun, lagi na lang nakakalimutan kumain sa tamang oras. Kaso, saktong pagdating ko dito, tinawag naman sila para sa operasyon.” Paliwanag ni Fidel kay Stacy habang pinapakita ang baonan na pinaglagyan nya ng pagkaing iniluto para sa pinakamamahal nyang katipan. Laman noon ay ang paborito nilang pinakbet (syempre nilagyan nya ng maggie magic sarap - #notsponsored po tong fanfic na toh 😅), soy sauce shrimp stirfry, steamed chicken breast in ginger and perilla leaves, brown rice, ilang prutas tulad ng kiat-kiat at saging at oatmeal porridge. May dala rin si Fidel na tumbler na naglalaman ng binrew nyang green tea at isang bote ng mineral water. Healthy, complete and balanced diet, katulad ng laging sinasabi ni Klay sa kanya. 

“Aww… mapapa-sanaol ka na lang talaga. Ang swerte talaga ng beshie ko sayo, Fidel! Wala ka ba talagang friendship na pedeng ireto sakin? Yung kasing gwapo, thoughtful at faithful mo sana.” Nahihiyang nangiti naman si Fidel sa papuri ni Stacy sa kanya. 

“Naku, Stacy. Nag-iisa lang ako sa mundo. At pagmamay-ari na ako ni Klay. Period na yun, no erase.” Nakangiting sabi ni Fidel na kinatawa ni Stacy.

“O sya! Kelan ba ang kasal, ha? Ilang buwan na rin kayong engaged eh, parang hindi ko pa narinig kay Klay na nagsubmit na sya ng request for time off para nga sa wedding at honeymoon nyo.” Nagkunot ng noo si Fidel. Hindi ba’t napag-usapan na nila ito ni Klay noong nakaraang buwan pa? Magfa-file na dapat si Klay ng isang linggong time-off para sa susunod na buwan para makapag-handa na sila sa kanilang kasal, masukatan na sila pareho para sa kanilang barong at traje de boda, makapili ng wedding bands, flower arrangements at iba pang gagamitin sa kasal, maghanap ng magandang simbahan at lugar na pagdadausan ng wedding party nila.

Oktubre na ngayon at balak sana nilang sa susunod na Hunyo ay maganap na ang kanilang kasal. Iyon lang din kasi ang panahong pwedeng makauwi si Elias, ang kapatid ni Klay, na katulad ng kanyang ate ay ngayo’y scholar din sa Estados Unidos. Ngunit, hindi papala nag-aabiso ang katipan nya sa ospital na magbabakasyon upang ayusin ang kasal nila? Sa ospital na ito, kailangan ay isang buwan bago ang balak na bakasyon ay dapat nakapag-abiso na lalo na’t kung siruhano ka. Kaya sana’y ngayong Oktubre ay nagpa-abiso na si Klay na magbabakasyon ng isang linggo sa Nobyembre dahil ito lang ang mainam na oras. Kung Disyembre nama’y nagkaka-unahan na sa pag-abiso ng bakasyon gawa ng Pasko. Kung hindi makakapagpa-abiso si Klay para sa Nobyembre o di kaya’y Disyembre ay baka magahol naman sila sa oras kung sa Enero pa sila makapagsimula ng mga plano.

“Napag-usapan na namin. Pero ayokong pangunahan ang kaibigan mo sa pagkwento sayo. Baka sabihin nun ay inagawan ko sya ng moment.” Paliwanag na lang ni Fidel kay Stacy at pilit na ngumiti para hindi mapansin nito ang pag-alala sa mukha nya. Gumayak naman si Stacy na papasok na sa staff room.

“O sige, pasok nako para makapag-locker. Kanina ka pa ba jan?” Pahuling tanong ni Stacy. Mas pinalapad ni Fidel ang ngiti nya.

“Hindi naman matagal. Tatlong oras pa lang naman ako–”

“Ha! Tatlong oras?! Grabe ka Fidel! Iba rin ang tyaga mo jan kay bestie ko! Tapos, gwapo ka na, matangkad, mayamang business man! Ay, lord, sanaol talaga! Pero deserve ni Klay ang isang tulad mo dahil sa lahat ng pinagdaanan nun. Kaya nga happy ako para kay sisterette eh! Pero sana lang din, ako rin lord pagpalain mo na ko ng jowa pls!” Putol ni Stacy sa sinasabi ni Fidel. Sa pagkakataong ito, tunay at hindi pilit ang ngiti ni Fidel. Batid nya kung bakit matalik na magkaibigan si Klay at Stacy. Parehong supportive at may genuine concern ang mga ito para sa isa’t-isa.

“Huwag kang mag-alala, darating din ang sa iyo.” Malumanay na pagpapa-amo ni Fidel kay Stacy. 

“Talaga ha! Sige na, pasok nako. Baka ma-late pako. Welcome ka naman lagi sa pantry namin. Kung mainip ka jan, pasok ka lang dun para makanood ka ng TV. Pag nakita ko si Klay, sabihan ko sya na nag-aantay ka sa pantry.” Pagpapaalam ni Stacy kay Fidel. Muli ay umupo muna sa bench malapit sa nurse station sa front lobby si Fidel. Malapit lang kasi doon ang pinto sa Emergency OR. Baka matapos na ang operasyon ni Klay at gusto nyang andun sya pag lumabas ito.

At dahil umalis na si Stacy at wala na syang makausap, nanumbalik ang marahang pangamba ni Fidel. Muli ay hindi sya mapakali ng mapunang muli ang pangalan ng mga siruhano sa screen sa nurse station. Lalo lang tumindi ang nararamdaman ni Fidel ngayon dahil sa nalaman kay Stacy na hindi pa nakakapag-file ng leave si Klay para sa susunod na buwan.

♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡

Huminga ng malalim si Klay. Pagkatapos ng apat na oras ay natapos rin ang operasyon. Muntikan ng mamatay ang pasyente nila dahil halos maubusan na ito ng dugo. Nung umpisa’y hindi nila mahanap ang source ng internal hemorrhage ng pasyente na nagpapalala sa lagay nito. Mabuti na lang at magaling ang kasama nyang siruhano. Nahanap niyon ay ruptured vein na nagko-cause ng internal bleeding at nalunasan. Kaya naman nasagip nila ang buhay ng pasyenteng ito. 

Minasahe ni Klay ang pagitan ng leeg at balikat nya upang mabawasan ang stress na nararamdaman nya. Hinubad ni Klay ang surgical gown, gloves, mask at bouffant hat na puno ng dugo. Tanging scrubs na lang nya ang suot nya nang magtungo sa sink upang maghugas ng kamay at magdisinfect. Habang naghuhugas ng kamay at braso ay nilapitan sya ng katuwang ng siruhano upang maghugas rin ng sarili nitong kamay.

“Pagod na?” Tanong ng lalaking siruhano na ka-partner ni Klay kanina sa emergency surgery ng isang lalaking biktima ng car crash.

“Nako, yun lang ba? Kayang kaya ko pa ang another 12 hour shift no. Ikaw ba Jack, kaya mo pa ba?” Tanong pabalik ni Klay kay Jack. Nginitian naman sya nito.

“Nako ka rin no, Klay. Alam mo naman siguro simula ng intern days pa lang natin sa US na daig ko pa ang nakapag-Milo everyday. Baka ikaw ang hindi maka-keep up.” Hamon ng doktor na si Jack kay Klay.

“Ako pa talaga hinamon mo eh noh! Call! Unang sumuko, manlilibre ng wagyu steak!” Hamon ding pabalik ni Klay habang nagpupunas na ng kamay ang dalawa. 

“Call!” Pagpayag ni Jack sa sinabi ni Klay. Pareho silang gumayak na paalis ng OR. Binigyan sila ng isang oras na pahinga bago ipagpatuloy ang shift nila sa ER. Lingid sa pansin ni Klay ay may mi-minsan-minsang tinitignan sya ni Jack. Kakausapin sana sya nito ng biglang kumalam ang sikmura ni Klay. Natawa na lamang si Jack.

Tinignan ni Klay ang orasan sa taas ng pintuan ng OR. Alas-diyes na ng gabi! Halos labing isang oras na simula ng huli syang kumain. Bigla bigla ay nakaramdam ng matindi gutom at pagod si Klay. Narinig at napansin iyon ni Jack. 

“Ah… Klay. I was wondering, gusto mo bang magdin–” Hindi naituloy ni Jack ang sasabihan dahil may biglang tumawag sa babaeng siruhanong kasama nya na ikinapukaw ng atensyon nilang pareho. 

“Klay!” sigaw ng isang gwapong, matangkad na chinito na nakita ni Jack na papalapit sa kanilang dalawa. Bumalik ang tingin ni Jack kay Klay at nakitang nakangiti ito habang may kakaibang ningning ang mga mata. 

“Fidel…” Malumanay na sagot ni Klay sa lalaking tumawag sa kanya at nilahad nito ang mga braso sa aktong paghingi ng yakap mula sa lalaking papalapit sa kanila. Dali-dali namang naglakad at yumakap kay Klay ang lalaking tinawag nitong Fidel. Kitang kita rin ni Jack na para bang naglalambing si Klay dito sa tipo ng pagyakap na ginawa niya sa lalaki. Mahigpit na tila humuhugot si Klay ng lakas dito habang nakapikit at nakahilig ang sintido sa dibdib ng lalaki. Ang lalaki nama’y sinuklian ang higpit ng yakap ni Klay at hinalikan ang tuktok ng ulo ng dalaga.

‘May boyfriend na pala si Klay?’ Dismayadong naisip ni Jack. Pilit na ngumiti at pinukaw ang atensyon ng dalawa, o ni Klay.

“Klay… uhm… who’s this?” Tanong ni Jack sa colleague nyang nakayakap at nakapikit parin sa lalaking ngayon ay nakatingin sa mapanuring paraan sa kanya. Ilang segundo pa ang lumipas bago dumilat si Klay at kumawala sa pagkakayakap sa lalaki. Pero nanatiling nakaakbay si Klay dito at ito rin sa dalaga.

“Ay, oo nga pala. Hindi pa kayo magkakilala. Fidel, sya nga pala yung colleague kong kinukwento ko sayo na dumating dito sa ‘Pinas last week lang. Dr. Jack Roberts. Top graduate sa batch namin sa med school sa US. Half-Pinoy half-American, umuwi dito kasi para sa family business nila at magwork as surgeon dito rin sa PGH.” Nangiti si Jack sa pagpapakilala sa kanya ni Klay sa lalaking kasama kasi parang may kasamang pagmamalaki ito.

“Jack, this is my fiancé, Fidel De Los Reyes. May ari ng Kings Jewellery Inc.” Nagulat may, hindi ito pinahalata ni Jack. Fiancé? Ni hindi man lang nabanggit ni Klay na may boyfriend na sya ah, tapos may fiancé na pala ito? Tinignan ni Jack ang kaliwang palasinsingan ni Klay, ngunit walang nakitang singsing roon. Baka hindi pa talaga official na nagpo-propose ito?

“Hi, Fidel. I’m Dr. Jan Rommel Lopez-Roberts. Call me Jack for short. Son of founder and CEO ng Lopez-Roberts Pharmaceuticals and currently one of it’s directors. Classmate ko si Klay sa Med School sa US. I barely managed to beat her to the top spot sa class namin. Top 2 man sya, pero mukhang sa buhay ay top 1 na ah. May magandang career at fiancé.” Pagpapakilala ni Jack sa sarili habang pilit pinagtatapan ang dismaya. Ngunit, hindi nito napigilan ang magtanong.

“Pero, Klay. Engaged ka na pala. Bakit wala kang singsing na suot?” Tanong ni Jack na may pagturo pa sa kaliwang kamay ni Klay. Sinipat naman ni Klay ang sariling kamay. Habang nasa ganoong kalagayan si Klay ay nagkasalubungan naman ng tingin ang dalawang lalaki. Mainit at tila nagkakasukatan ang dalawa. Buti na lang at muling nagsalita si Klay.

“Ah, yung singsing ba? Pag nasa work, hindi ko talaga sinusuot lalo na pag may operation kasi baka mawala. Pero…” May dinukot si Klay sa kanyang dibdib sa loob ng damit. Magugulat at mai-iskandalo sana ang dalawang lalaki ng inilabas ni Klay ang isang white gold necklace na may nakasabit na singsing. Ipinakita ito ni Klay sa dalawang lalaki.

“Lagi lang namang malapit sa puso ko tong singsing na bigay ni Fidel my loves.” wika ni Klay sabay ang pandaliang pagyakap ulit at pagkindat kay Fidel bago bumitiw at muling kinausap si Jack. “Ayokong mawala to kasi si Fidel mismo nagdesign at gumawa nito. Kaya andito lang sya lagi malapit sa puso ko. Pero paglabas na paglabas ko ng ospital, suot ko kagad yan sa left ring finger ko.” 

Makikita sa mukha ni Klay ang pagiging proud nito sa achievements ng fiancé. May lungkot namang nadama si Jack. Kahit sinong tumingin ay kitang kita kung gaano kamahal ni Klay si Fidel. Nadidismaya man ay pinilit nyang maging pala-kaibigan. Tinuran muli si Fidel. Ang sabi ni Klay ay ito ang may ari ng Kings? Alam nya yun dahil doon nagpagawa ang tatay nya ng mga singsing para sa 50th wedding anniversary renewal of vows ng magulang nya. So ito pala ang famous jewel designer?

“Wow, ikaw pala si Fidel De Los Reyes? Number 1 fan mo ang nanay ko. Sa iyo nila pinagawa ni papa ang renewal of vows wedding ring nila few months ago. Sa US ginanap yung renewal nila, at gusto ka nga raw imbitahan kaso busy ka daw. I didn’t know na boyfriend–I mean–fiancé ka pala ni Klay. It’s really a small world.” Wika ni Jack sa pagnanais na mawala ang tensyon sa kanilang dalawa. Ngunit nakita ni Jack ang marahang pag-igting ng bagang ni Fidel na bigla ring naglaho. Napalitan ito ng isang ngiti. Pilit na ngiti.

“Naikukwento ka rin sakin ni Klay. Madalas. Ikaw nga raw ang naging hadlang para makuha nya ang top honor sa graduating class nyo sa med school. Anak ka nga raw ng may-ari nag pinakamalaking pharmaceutical company sa buong Pilipinas na nag-e-export ng gamot at vitamins sa karatig bansa dito sa Asia. Maliban daw sa gwapo at mayaman, ay magaling na siruhano pa.” Sambit ni Fidel na inalala ang ilan sa mga papuring binanggit ni Klay patungkol sa lalaking ito. Hindi mapigilan ni Fidel na mag-igting ang kanyang bagang. Ang lalaking madalas maikwento ni Klay sa kanya na noon pa ma’y nakakapagpabagabag na sa kalooban nya patungkol sa relasyon nito sa kanyang katipan ay ngayo’y nagkaron na ng mukha. At hindi nya gusto ang nakikita. Isang gwapong mestizo, galing sa maimpluwensya at sobrang yamang pamilyang pamoso sa alta sociedad at matagumpay na siruhano ang lalaking umaaligid-aligid at tila laging kasama ni Klay.

“Mahal, bakit ka nga pala nandito?” Tanong ni Klay na nagpanumbalik ng atensyon nya mula sa pagkilatis sa lalaking nasa harapan patungo sa babaeng kanyang pakakasalan. Ngumiti si Fidel ng malumanay ng dahil sa nakitang parang batang kuryosidad, pagmamahal at tuwa sa mukha ni Klay. Tinaas ni Fidel ang kanang kamay upang ipakita kay Klay ang lunchbag na dala-dala nya. Nanlaki ang mata ni Klay sa biglang pagkasabik sa nakita.

“Pinaglutuan kita ng dinner mo. Ihahatid ko sana sayo dito, kaso nasa gitna ka ng operation. Kaya baka malamig na toh. Ayoko namang basta iwan toh dito, kaya inantay na kita” Paliwanag ni Fidel sa kung ano ang pakay nya sa pagdalaw sa ospital ngayong gabi.

“Ay, talaga ba! Ang sweet talaga ng mahal ko kahit kelan! Tamang-tama kasi gutom na gutom nako. May microwave naman sa pantry, painitin na lang natin. Tara na mahal, share na tayo dito, mukhang madami kang binaon oh! Ah… Jack, mauna na muna kami sa pantry ha! See you na lang later sa ER.” Pagpapaalam ni Klay kay Jack sabay hila ni Klay sa kamay ni Fidel patungo sa pantry. Tiningnan ng huling beses ni Fidel si Jack at nakita ang dismayadong pagyuko at pagbuntong hininga nito bago tumungo sa labas ng ospital.

♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡

Excited si Klay na nakaupo sa isang mesa sa pantry while waiting patiently kay Fidel na sinimulang ihain ang pagkaing niluto at binaon para sa kanya. Isa-isa munang nilabas ni Fidel ang iilang tupperware sa mesa bago ito dinala sa microwave para initin. Habang inaantay ang limang minutong timer ng microwave ay bigla namang gumawa ng matinding ingay ang kumakalam na sikmura ni Klay. Sa nag-aalalang tono ay tinuran ni Fidel si Klay.

“Ano yan? Nagpalipas ka nanaman ng gutom mo? Bakit ganyan ang tunog nyang tiyan mo, ha, Klay?” Tanong na may kasamang pagsuway ni Fidel kay Klay. Nagkamot na lang ng ulo si Klay habang nakayuko. Nabisto nanaman sya ni Fidel sa kanyang ‘involuntary fasting’.

“Pasensya ka na, mahal. Naging busy kasi ako kanina. Nakapag-lunch naman ako on time, promise! Kaso natambakan nako ng work. Need ko mag-rounds sa ward, tapos may outpatient duties ako, then ayun na nga, tinawag ako for emergency operation. Kaya nakalimutan ko na mag-meryenda man lang.” Paliwanag ni Klay na sinabayan nya ng V-peace-sign sa parehong kamay in hopes na hindi tuluyang magalit si Fidel. Lagi kasi nilang pinagtatalunan ito. Alam naman nyang concern lang si Fidel sa kanya, kaya tuwing sini-sermonan sya nito patungkol rito ay nilalambing na lang ni Klay si Fidel. Tama naman kasi ito. Sya tong doctor pero sya ang pabaya sa katawan.

Ilang segundo namang nakatitig lang si Fidel kay Klay. Bawat segundo ay bumibilis ng bumibilis ang pintig ng puso ni Klay. Hindi nya gusto pag nanahimik si Fidel. Matapos ang halos isang minuto ay hindi na mapakali si Klay.

“Mahal? Fid–”

“Anong oras ka huling kumain?” Mahinahong tanong ni Fidel na lalong kinatakot ni Klay. Don’t be deceived. Yung ganong pagkahinahon ni Fidel ay yung sinasabing ‘The calm before the storm’. Ini-weigh ni Klay ang options nya. Magsisinungaling ba sya o sasabihin nya ang totoo. Ngunit isang tingin pa lang nya kay Fidel ay alam nyang basang-basa na sya ng fiancé nya. Kaya there’s no hiding it.

“Ah… 11:30 kaninang tanghali…” Mahinang sagot ni Klay at yumuko. Tinignan muli ni Fidel ang relos sa kanyang kaliwang kamay. 10:30 pm na. Labing-isang oras! Di bale sana kung nasa bahay lang ito at nakahilata o natutulog lamang. Pero nagtatabraho na ito simula ala-sais ng umaga at magtatrabaho pa ito ng hanggang alas dos ng umaga pa! 6am to 2am ang shift nya na may dalawang tig-isang oras na lunch breaks at 4 na tig 15 minute breaks in-between. Kahit sino ay alam na talagang nakakapagod ang ganong klase ng oras sa trabaho tapos hindi pa toh kumakain ng tama. Tine-take ba nya yung mga 15 minute breaks nya? Baka naman fino-forgo na rin yun ni Klay dahil sa sobrang busy sa trabaho. Napahilamos na lang si Fidel ng palad sa mukha nya.

“Klay… pinapatay mo ba talaga ang sarili mo? Bakit lagi mong pinapabayaan ang sarili mo? Hindi na ba kami mahalaga sayo ni Mama Narsing, Papa mo at Elias kaya parang halos patayin mo na yang sarili mo sa trabaho mo?” Mahina ang pagkakasabi ni Fidel para sila lang dalawa ang makarinig. Galit man sya’y ayaw nyang ipahiya ang fiancée sa ibang katrabaho na nakaupo lang sa karatig mesa sa pantry. Pero ganon pa man, ay galit pa rin si Fidel. Naghalo-halo na rin kasi yung pag-aalala nya sa kalusugan ni Klay, tapos parang sya lang ang intresado at nag-aasikaso ng kasal nila, isama pa yung stress nya sa sariling mga trabaho at yung fact na may umaaligid ditong ibang lalaki na tila–ay, hindi tila–paniguradong may gusto rin kay Klay. 

Nag-angat naman ng tingin si Klay dahil sa mahina pero galit na tono ni Fidel. Kitang kita ni Klay sa mata ni Fidel ang naghalong galit at concern para sa kanya. Patay! Kasi nga naman pangatlong beses na toh this week na nahuli sya ni Fidel na nag involuntary fasting habang overworked. Lagot na lalo pag nagsumbong si Fidel sa nanay nya. Baka ma-bartolina sya ng wala sa oras.

“Mahal, hindi naman sa ganon. Magme-meryenda nga sana ako. Kaso bigla akong tinawag for emergency. Buhay yun, Fidel, taong nag-aagaw buhay. Hindi ko kayang pag-intayin ang isang taong malapit na sa bingit ng kamatayan.” Napapikit na lang si Fidel sa paliwanag ni Klay. Para bang naging selfish sya sa huling sinabi ng kwestiyonin nya ang halaga nya kay Klay. Alam nyang importante sya rito at alam rin nyang tapat ito sa sinumpaang tungkulin sa pagsagip ng buhay. Sa panahon nga nilang magkasama sa loob ng librong Noli Me Tangere at El Filibusterismo ay ilang beses na syang sumagip ng buhay hindi pa man ito full-pledged nurse or doctor. Ngayon pa kaya na hailed na ito as one of the best surgeons of new generation sa PGH. Pero ayaw nya lang talagang pinapabayaan ni Klay ang sarili nito. Paano syang mansasagip ng buhay ng iba kung sarili nyang pangangatawan ay pinapabayaan nya?

“Mahal, please, wag ka na magalit… Hindi ko po sadya iyon. Simula talaga bukas, magbabaon nako lagi ng crackers at fruits na pede kong kainin in between. At syempre, lagi akong kakain ng major meals ko on time. Sobrang busy lang talaga sa ospital ngayon. Nag-retire na kasi yung tatlo sa limang former head surgeons namin, kaya nagkakakulangan ng staff sa OR ngayon. Once na nagsettle na yung schedules namin, promise, iinsertan ko pa ng daily exercise yung habits ko. Wag ka na po magalit. Ayokong nagwo-worry or nagagalit ka…” Paglalambing ni Klay kay Fidel matapos manahimik lang ang huli. Hinawakan nito ng mahigpit ang kamay nya at nakita nya muli ang palasingsingan nito sa kaliwang kamay kung saan dapat ay suot nito ang engagement ring na bigay nya. Magsasalita pa sana si Fidel tungkol doon ng tumunog ang microwave na senyales na tapos ng initin ang pagkaing binaon nya para kay Klay. 

Tumayo na lang si Fidel at sa mabagal na paraa’y tumungo sa microwave station. Kinuha ni Fidel ang iilang baonan na naglalaman ng pagkaing ininit mula sa tatlong microwave sa pantry. Habang inaayos kung paano bubuhatin ang maiinit na tupperware ay kinalma rin ni Fidel ang sarili. Hindi ito ang oras para isa-boses ang worries or insecurities nya. Isa pa’y may tiwala sya kay Klay. Hindi nito magagawang lokohin sya. Pagkain sa oras pa nga lang, lagi ng hindi nagagawa ih, magloko pa kaya? Yung lalaking yon ang talagang problema. Hindi nya gusto ang ginawang pagkilatis sa kanya ng lalaki kanina. Para bang hinahamon sya nito at si Klay ang premyo. Ayaw man nyang aminin pero may parte nya ang parang intimidated dito. Lumaki ang lalaking iyon sa mundong ito, galing sa pamilyang maraming koneksyon at ubod na higit ang yaman kesa sa kanya, gwapo, matalino at kapareho ng trabaho ni Klay. Bumuntong hininga na lang muna at saka na nya kakausapin si Klay tungkol dito. Ang mahalaga ngayon ay makakain muna si Klay dahil may natitira pang tatlo’t kalahating oras bago matapos ang 16-hour shift nito sa ER. 

Tahimik na inihain ni Fidel ang mga tupperware sa lamesa. Sa harap nya kung saan nakaupo si Klay ay ramdam nyang sinusundan nito ang lahat ng kilos nya. Hindi naman nya ito tinitignan. Naka-focus si Fidel sa pag-aayos ng pagkain.

“Mahal, please naman kausa–”

“Kumain ka muna, Klay. Lamanan mo muna yang tiyan mo. Maawa ka sa katawan mo. Baka bumigay yan.” Putol ni Fidel sa attempt ni Klay na kausapin sya. Mainam na ring kumain muna si Klay dahil bukod sa kailangan na talaga nitong kumain ay nagpupuyos pa ang damdamin ni Fidel. Baka kung ano ang masabi nya. Tumango naman si Klay kasi alam nyang sa oras na toh, pag sinuway nya ang utos ni Fidel, baka mag-away talaga sila ng malala. Kaya kahit parang nawalan sya ng gana dahil sa worry na nararamdaman ay pinilit ni Klay na kumain.

Pagkatapos ng ilang subo ng pagkain ay tinignan ni Klay si Fidel. Nakatitig lamang ito sa kanya. Nginitian nya ito sa pag-asang ibsan ang tension sa kanilang dalawa. Ngunit tinaasan lang sya nito ng kilay. Walang bahid ng kung anong emosyon sa mukha. 

‘Bahala na si batman.’ Isip ni Klay at inumpisahang lambingin si Fidel. Matapos muling sumubo ng pagkain ay dumakot uli si Klay ng kanin at ulam gamit ang kutsara nya at inilapit sa labi ni Fidel. Tinignan lang iyon ni Fidel ng ilang segundo bago sya muling tinignan. Ngumiti naman si Klay matapos lunokin ang pagkaing huling sinubo.

“Kainin mo yan–”

“Oum, mahal, kakain ako ng marami. Pero hindi ka pa rin kumakain di ba? Kaya saluhan mo nako. Marami naman tong binaon mo oh, good for 4 atah toh. Tsaka, di ba sabi nila, ‘Practice what you preach’? Kaya sige na pls, hayaan mo kong subuan ka.” Paglalambing ni Klay sabay flash ng kanyang signature one hundred watt smile. Hindi pa rin natinag nito si Fidel.

“Kumain ka muna at kung anong matira mo, yun na lang ang kakainin ko.” Yun man ang intensyon ni Fidel pero nangulit pa rin si Klay. Hindi ibinaba ni Klay ang kutsarang nag-aantay malapit sa labi ni Fidel. Lumabi si Klay ng patuloy lang tong tinitigan ni Fidel.

“Mahal, sige na pls. Wag ka na magalit. Hindi na talaga toh mauulit. Tsaka kumain ka na rin pls. Isubo mo na toh para maka-subo narin ako. Wag mo nako tanggihan. Ikaw na nga nagluto, empake at hatid nito sakin ih, kaya hayaan mong subuan naman kita, pls?” Hindi man nagpahalata si Fidel ay kinilig sya sa huling sinabi ni Klay. Talagang ganon ka-thoughtful si Klay. Hindi ito pumapayag na hindi babawi sa kanya kahit sa maliit na paraan lamang. Pag nagpakita sya ng effort, sinusuklian lagi ito ni Klay kahit sa anong paraan. Kaya nga kahit anong abala nila sa kani-kanilang gawain ay hindi nito nagawang lamatan ang pagsasama nila dahil pareho silang gumagawa ng effort na magkapanahon at makapaglambing sa isa’t-isa. Kaya nga naiinis din sya sa sarili kung bakit nai-insecure sya sa lalaking iyon kahit wala namang ginagawa si Klay na rason para maging insecure sya.

Mas kailangan nyang pagtuunan ang maging strict dito patungkol sa kalusugan nito kesa sa insecurities nya sa ibang lalaki. Pag nagkasakit ito’y hindi nya alam kung ano gagawin, baka mabaliw sya. Masugatan nga lang ito ng kaunti ay natataranta na sya eh, magkasakit pa kaya? Alam nyang maraming gamot sa panahong toh na madaling makakapagpagaling sa kung ano mang simpleng karamdaman. Kaso, nanggaling sya sa panahong ang simpleng sipon na may kasamang lagnat ay nakakamatay, kaya naman ganon na lang ang reaction ni Fidel kapag may lagnat o kahit sinat lang si Klay. Isa pa’y nakita na nya to dating hinimatay ng dahil sa pinaghalong sobrang pagod at gutom. Hindi matandaan ni Fidel kung paano nya napakalma ang sarili ng panahon na yun. Ang natatandaan nya lang ay nagdilim ang paningin nya. Pagkahuma nya’y kasama na lang na nya si Stacy sa ward kung saan nakahilata ang katawan ni Klay. Ang pinakamahalaga sa lahat ay yung kargo nya sa magulang ni Klay lalo na sa nanay nito ang kung ano mang mangyari sa anak. Isa iyon sa pinangako nyang gagawin nung pumayag ang mga itong magsama silang dalawa sa iisang condo unit kahit hindi pa sila kasal – ang hindi nya hahayaang balewalain ni Klay ang kalusugan nya. Iyon at yung walang ‘all-the-way’ until makasal sila.

“Mahal, ano na? Isubo mo na toh please.” Pukaw muli ni Klay sa atensyon nya. Pilit nyang pinapatigas ang mata ngunit unti-unti humihina ang depensa nya sa malambing, matamis at tila nagmamakaawang ngiti ni Klay. Kahit kelan ay hindi nya ito matiis. Bumuntong hininga si Fidel at muling hinilamos ang palad sa mukha. Pagdilat nya ay kitang kita nya parin ang umaasang ngiti ni Klay, kaya isinubo na nya ang pagkaing inaalay nito habang ang titig nya’y hindi nawalay sa katipan. Kitang kita ni Fidel ang pagsilay ng saya sa mata ni Klay ng kinain na nya sa wakas ang pagkain na isinusubo nito sa kanya kanina-nina lamang. 

“Mahal…” panimula ulit ni Klay. “Alam kong hindi mo gustong nagpapagutom ako. Hindi ko naman sinasadya yun. Sadyang lagi lang abala ang gawain namin dito sa ospital. Pero para hindi ka na mag-alala, promise, lagi nako magbabaon ng healthy snacks na pede kong kainin in between para laging may nutrition ang katawan ko”. Pangako ni Klay sa kanya. Her eyes implore him and he knows it is a losing game. Alam naman ni Fidel na lahat ng pinapangako ni Klay ay tinutupad naman nito. Pero hindi parin maalis ang built-up worry sa isip ni Fidel. Pero(ulit), ayaw naman nyang pagdiskitahan ang katipan. Wala namang ginawa si Klay, maliban sa habitual magpalipas ng gutom, na dapat nyang ikapangamba. Kaya pilit na pinuksa ni Fidel ang pangamba. May tamang oras at lugar para pag-usapan nila iyon, at hindi iyon ang kasalukuyan.

“Alam ko naman yon, mahal.” Panimula ni Fidel habang patuloy na winawaksi ang matinding pag-aalala at inis na nararamdaman. Hindi naman kasi deserve ni Klay na mapuruhan ng kanyang inis. Kakalabas lang nito sa Operating Room at nagligtas nanamang muli ng buhay. Pagod at gutom ito.

“Ang sakin lamang ay sana huwag mo masyadong parusahan ang katawan mo. Alam kong importante ang trabaho mo. Pero ito ay hanap-buhay, hindi hanap-patay. Kaya sana ay wag mong kalilimutang alagaan ang sarili mo. Lalo’t hindi rin naman ako laging nandito para paglutuan ka at paalalahana kang kumain lagi sa tamang oras.” Saad ni Fidel na ngayon ay nasa malumanay at mas kalmadong boses. Klay smiled warmly at him and reached for his hands once again. Fidel ignored her left ring finger and just focused on Klay.

“Araw araw kong pinagpapasalamat sa diyos na may isang ikaw sa buhay ko. Salamat sa lahat ng pag-aalala, pag-aaruga at pagmamahal mo sakin. Lagi kong inaalala yun. Kaya sana huwag ka na masyado mag-alala. I’ll do better, both on us at sa eating habits ko. Salamat, Fidel.” At tuluyan ng natunay ang ano mang inis at pag-alala na kanina lamang ay nanalaytay sa buong katauhan ni Fidel. Hinawakan ni Fidel ang pisngi ni Klay. Pumikit at humilig naman sa kanyang palad ang fiancée nya. Pagmulat ng mata ni Klay ay kitang kita nya ang appreciation at love nito sa kanya. Sino ba namang mananatiling galit kung ganon kalambing at kaganda ang katipan nila? 

“Ikaw naman kasi, kahit kelan pasaway ka naman talaga. Kahit anong taon, panahon, mundo o sansinukob. Napakakulit mo talag–” Hindi na natuloy ni Fidel ang sinasabi dahil bigla na lang syang dinampian ni Klay ng isang mabilis na halik sa labi.

“Mahal na mahal din kita, Fidel ko!” sabi ni Klay sabay ngiti matapos halikan si Fidel. Nagpatuloy ito sa pagkain na parang walang nangyari. Para bang hindi nito kinuha ang buong lakas ni Fidel sa isang mabilis na dampi ng kanilang mga labi. Nangiti na lang si Fidel na nakapangalumbaba habang pinagmamasdan itong kumain.

.

.

.

.

.

.

"So… Kelan ka pa natutong magnakaw ng halik? Ako sa pisngi lang, accidente pa, pero kung kastiguhin mo ko, ganon na lang… Ikaw, anong parusa kaya gagawin ko sayo sa pagsamantala mo sa labi ko?" Mapaglaro at may bahid malisyang tanong ni Fidel kay Klay. Pinamulahan naman ng mukha ang dalaga sa tinuran ng katipan at napatingin sa paligid sakaling may nakarinig sa huling sinabi ni Fidel.

♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡

"Oist gurl!! Kamusta naman ang pa-homemade dinner ni Fidelicious mo? Naku gurl! Kung alam mo lang gano katyaga yan sayo. Baka madaliin mo kasal nyo ng hindi na makatakas yan sayo!" Mahabang bati ni Stacy kay Klay ng makita ng huli na papasok na ng ER ang kaibigang doktora galing sa direksyon ng main entrance ng ospital. Hinatad ni Klay si Fidel sa entrance ng ospital kung saan pinarada ni Fidel ang sasakyan nito. Nag-offer itong antayin syang matapos ang shift bilang dalawa’t kalahating oras na lamang ay matatapos na ito at doon na lamang sya aantayin sa kotse. Tatanggi sana si Klay ngunit hindi pumayag si Fidel bilang hindi dinala ni Klay ang sariling kotse dahil coding nito ngayon. Dis-oras na ng umaga at hindi rin papayag si Fidel na mag-Grab or Taxi pa sya. Wala ng nagawa si Klay kundi umoo. Kaya alam ni Klay ang tinutukoy ni Stacy. Matyaga nga talaga si Fidel sa kanya. Since 1884 pa sya tinatyaga ni Fidel. Nginitian na lamang nya ang kaibigan.

“Alam mo ba gurl, 6:30 pa lang andito na yang si Papa-Fi kanina. Sakto daw na tinawag ka for operation. Tapos inantay ka nyang matapos para hatiran ka ng food! SANAOL!” Although hindi ito ang unang beses na ginawa ni Fidel iyon, kinabigla parin ni Klay ang revelation ni Stacy. 11:30 na ng gabi, kaya limang oras na syang inaantay ni Fidel. Nagkita man sila habang kumakain si Klay, pero ngayo’y nag-aantay ito ulit hanggang sa matapos ang shift nya. Lalabas sana syang muli para pagphingahin si Fidel sa on-call dormitory bed ni Klay sa ospital pero nakasalubong nya si Jack na may dala-dalang ilang patients records. Ilan sa mga ito’s ay inabot ni Jack sa kanya. Nagtataka namang tinignan ni Klay si Jack.

“Need daw natin mag-rounds kasama si Dr. Alcantara. Ilan yan sa mga patients nyang recuperating na lang at pinapa-take-over na satin.” Paliwanag ni Jack pasenyas sa mga dokumentong inabot ng huli kay Klay. Tinignan ni Klay ang patient records. Tig-sampu sila ni Jack. Bale magra-rounds sila ngayon sa 20 in-patients. Kaya ba nila matapos yung lahat ng rounds na yun in 2 and half hours? Tinitigan ulit ni Klay si Jack na nagkibit balikat lang.

‘Ano pa nga ba.’ Isip na lang ni Klay. If hindi kaya in 2.5 hours, ite-text na lang nya si Stacy na papasukin si Fidel sa dormitory ni Klay at doon pagpahingahin. Buntong hiningang sinenyasan na lang ni Klay si Jack na magpatiuna para ma-meet na nila si Dr. Alcantara at maumpisahan na nila ang rounds.

Isa si Dr. Alcantara sa mga siruhanong magre-retire na at dahilan kung bakit lalong naging busy silang lahat sa ospital. Internist at cardiologist, may iilan sa mga pasyente nitong recently lang naoperahan at ngayon nga’y nagre-recuperate as in-patient sa ilang mga wards ng ospital. At dahil pa-retiro na to’y ilan sa mga pasyente nito’y hina-handover na sa kanila ni Jack. Si Dr. Alcantara rin kasi ang naging senior mentor ni Klay sa nakalipas na isa’t kalahating taon na pagta-trabaho nya dito sa PGH. Si Jack nama’y dati ng naturuan ni Dr. Alcantara sa US at panandaliang naging mentee ni Dr. Alcantara in his last few weeks sa PGH before retirement. Kaya sila ngayon ang magma-mana ng patient load nito.

Matapos mabisita ang ilang pasyente, maupdate ang patient records nito at habang naglalakad sa hallway kasama si Dr. Alcantara at dalawa pang mga nurse, nakita ni Jack na panay ang silip ni Klay sa cellphone nito. Hindi mapakali at mukhang balisa ang dalaga. Kaya’t nilapitan nya ito para kausapin ng mahina.

“Hoy, anong ginagawa mo. Focus ka muna dito.” Suway ni Jack kay Klay. Madali namang itinago ni Klay ang cellphone sa bulsa at muling binasa ang patient’s records ng ilang pasyenteng kanila pang pupuntahan. Hindi batid ni Klay ang patuloy na pagtitig ni Jack sa kanya, ang paghagod ng titig ni Jack sa kabuuan ni Klay. Ngunit narinig ni Klay ay malalim na buntong na hininga ni Jack kaya napatingin sya rito?

“Pagod ka na b–Bat ganyan ka makatingin?” Tanong ni Klay ng mahuling nakatitig pala sa kanya si Jack ng bumuntong hininga muli ang huli. Madali namang nagbaba ng tinging si Jack. Pakiramdam ng binata’y namumula ang kanyang pisngi. Naghilot muna ito ng batok bago muling tumingin kay Klay.

“Wala naman. Naawa lang ako sa’ating dalawa kasi biglang ang bigat ng patient load natin.” Pagtakip ni Jack sa sarili. Ngumiti ng may simpatya at nagkibit balikat naman si Klay at tinuon na lang ang attention sa pagbasa ng ilan pang patient records na susunod nilang bibisitahin. Pinilit naman ni Jack na tumingin na lamang sa kanyang harapan at hindi sa babaeng katabi.

Siyam na taon. Ganyan na katagal nyang kakilala ang babaeng kasabay nyang naglalakad ngayon. Siyam na taon na rin nyang nililihim ang pagtingin sa babaeng ito. Simula nang magkakilala sila sa Estados Unidos, napagtanto na ni Jack na kakaiba si Klay sa mga babaeng nakilala nya…

~~~~~~~~~~~~~

Sa isang bench malapit sa isang mayabong na puno ng sikomoro sya umupo. Inikot nya ang mata sa lawak ng kapaligiran. John Hopkins University School of Medicine - simula pagkabata’y pinangarap na nyang makapag-aral dito. Marami man sa kanyang mga kaklase sa UP during pre-med years nya ang naiinggit, ni isa sa mga ito’y hindi sya maakusahan ng nepotismo. Totoong pinagpaguran nya ng husto ang pag-aaral ng pathology sa UP at nagtapos syang suma cum laude. 

Ipinikit ni Jack ang kanyang mata at dinama ang malumanay na simoy ng hangin. Tag-init ngayon dito sa Baltimore sa pagkat kalagitnaan na ng Hulyo, kaya nae-enjoy pa nya ang hangin. Dati na syang nakarating dito sa iilang beses na pagpasyal sa kanya ng magulang nya rito dulot na rin ng kanyang pangungulit. Kadalasa’y Nobyembre o Marso sila pumupunta noon dito - medyo kalamigan ng panahon sapagkat sa Nobyembre ay patapos na ang taglagas at pasimula na ang taglagmig at sa Marso nama’y patunay pa lamang ang nyebe.

Nagmulat si Jack ng mata at napansin na malapit sa may fountain sa harap ng central library ay isang chinita at malinggit na dalaga. Tila ba ito’y naliligaw ngunit hindi masyadong alintana sapagkat ito rin ay namamangha sa kanyang kapaligiran. Malamyang dinadampian ng hangin ang buhok nito. May hawak itong pamphlet na marahil ay school information at map habang palinga-linga sa paligid. Kitang kita ni Jack kung paano inipit ng dalaga ang sa kanyang tainga ang iilang bahagi ng kanyang buhok na kumawala sa kanyang pony tail. Binasa nitong maiigi ang pamphlet atsaka naglakad papalayo sa direction ng central library at marahil sa isa sa mga in-house dormitory dito sa campus.

Aaminin nya, maganda ang babaeng nakita nya. Chinita ito and malinggit - hindi mawari kung anong lahi dahil pwede itong Northern Asian pero maari ring Pinoy na tulad nya. Gayunpaman, may hindi maitatangging ganda ito kahit na simple lang ang ayos. Pero sana’y naman syang nakakakita ng mga magagandang babae. Hindi nya mawari kung bakit napansin nya ito. Wala namang kakaiba dito. Kibit balikat na muling pinikit ni Jack ang kanyang mata.

Matapos ang ilang araw ay ang student orientation party. Doon nya muling nakita ang chinitang babae. Halatang hindi ito kumportable sa paligid nya. May kasama itong Amerikanang babae na noo’y nagsasalita. Ngunit sa tingin ni Jack ay hindi nakikinig ang dalagang chinita. Simple pa rin ang itsura nito ngunit naayusan ng kaunti. Ganon pa man ay mas umangat ang ganda nito. Kung nung isang araw ay simpleng ganda lang ang meron ito, ngayo’y tila biglang umapaw ang ‘sex appeal’ nito na nakakapagtaka dahil parang napipilitan lang itong makihalubilo ng dahil sa kasamang Amerikanang babae na syang masigasig na nakikipag-usap sa kaharap nilang dalawang lalaki. Dahil din sa nakikita nyang kinikilos ng lalaking kausap nito ay minabuti ni Jack na obserbahan ang mga mangyayari sakaling mangaylangan ng tulong nito. Ngunit lumingon lang sya saglit at nawala na ang babae chinita.

Ilang araw din syang hindi pinatahimik ng kanyang diwa sa pag-alala. Ligtas bang nakauwi yung chinita? Wala naman syang nabalitang hindi magandang nangyari, pero medyo kinakabahan sya tuwing naalala nya ang chinitang babae lalo na kapag nakikita nya ang fountain sa may central library. Nakamit lang nya ang peace of mind ng sa wakas ay nag-umpisa na ang klase. Pagpasok nya sa plenary hall kung saan ang lecture ng kanilang guro para sa pathology, nakita nyang muli ang babaeng chinitang nakaupo malapit sa gitna sa may ikatlong baytang. Nangiti si Jack ng hindi man lang nya namamalayan. Nilapitan nya ito ng makitang wala pa itong katabi.

“Hi, is that seat taken?” sambit ni Jack sa chinitang babae habang nakaturo sa upuang katabi nito sa may gawing kaliwa. Tumingala sa kanya ang chinitang babae at tila nag-iisip ng sasabihin bago nagbigay ng daan para sa kanya at sinabing wala pang nakaupo doon. Ngumiti si Jack at umupo na sa tabi nito. 

“Hi, I’m Jack Roberts. I’ll be your seatmeat for this semester, I guess. And you are?” Lahad ni Jack sa kanyang kamay. Tinitigan muna ito ng babae bago marahang tinanggap.

“Klay Infantes.”

At doon na nagsimula ang kanilang pagkakaibigan. Nalaman nyang scholar ito. Nag-aaral sa umaga at nagtatrabaho sa hapon hanggang gabi. Nalaman din ni Jack na ito’y may matinding self awareness kaya alam nito kung paanong poprotektahan ang sarili kaya nakaiwas ito sa dalawang lalaking kausap noong party. Nalaman din nya na dormmate nito ang amerikanang babaeng kasama nito noon. At nakumpirma nga nya na Filipina ito. Maliban don, ubod din ito ng sipag mag-aral at sadyang matalino. Kaya naman mas sinipagan din ni Jack ang pag-aaral.

~~~~~~~~~~~~~

Nang malaman ni Jack ang kalagayan ni Klay sa buhay, working scholar student na may pilit na binubuhay na pamilya sa Pilipinas, nagsilbi itong dahilan para laging pagtuunan ni Jack ng pansin si Klay. Noong una ay sinasabi nya lang sa sarili na isang lang syang kaibigin ‘whose always looking out for a sister-like friend’. Kaya nagulat si Jack ng mawari nya noong ikalawang taon nila sa med school na may pagtingin na pala sya dito. Kung tutuusin, simula pa lang ng makita nya ito sa fountain ay talagang interesado na sya dito. Ngunit dahil parang kapatid lang ang turingan nila’y nilihim muna ni Jack ang kanyang nararamdaman. Alam niyang gustong gusto ni Klay na maiayos ang buhay nila ng kanyang ina at nakababatang kapatid. Kaya taimtim na inintay ni Jack ang pagkakataong makapagtapat ng kanyang damdamin para dito.

“Huy! San ka na nakarating! Anlayo na nang tingin mo oh… Anong iniisip mo dyan?” Gising ni Klay kay Jack bilang parang lumalalim na ang daydream nito, o night dream ba tawag bilang gabi na? Nginitian ni Jack si Klay. Sasagutin na sana nito ang tanong ng dalaga ng mapansin ni Jack ang kwintas ni Klay. Hindi man nya nakikita pero alam nyang nandoon nakasabit ang singsing nito. Singsing na bigay sa kanya nung lalaking nagngangalang Fidel - ang fiancé nito. Muli ay naramdaman ni Jack na kumirot ang kanyang dibdib.

“Yung fiancé mo ba yung ka-text mo kanina?” tanong ni Jack kay Klay. Muling lumingon patungo kay Jack si Klay. Nangiti ang huli ng medyo nahihiya sa pagkakahalata sa kanya ng colleague. Tumango naman si Klay ng pagsang-ayon.

“Umm… hindi naman talaga ka-text. Pinag-iisipan ko kung ite-text ko ba syang mauna na, o pumunta muna sa on-call dorm ko since feeling ko matatagalan pa tayo sa pagra-rounds. Andyan kasi sya sa parking lot, nagpapahinga sa loob ng kotse habang inaantay ako.” Paliwanag ni Klay. Kitang kita ni Jack ang pag-aalala sa mata ng dalaga.

“Paano nga pala kayo nagkakilala? Parang hindi mo naman nakwento saking may boyfriend ka, much less na may fiancé ka na pala.” Nasasaktan may, gusto paring malinawan ni Jack kung paanong nangyaring engaged na agad si Klay. Dalawang taon lang naman silang hindi nagkita. Ang alam nya’y focus si Klay sa career nito dahil sinusuportahan parin nito ang kanyang ina at kapatid. Yun nga ang dahilan kung bakit hindi pa rin nya pinopormahan ito dahil ayaw nyang maging sagabal. 

“Ah… medyo mahaba at magulong kwento. Pero to summarize it, nagkakilala kami sa isang cafe sa intramuros. May common friend kaming nag-introduced samin sa isa’t-isa. Tapos nilibre nya kami pareho nung common friend namin ng lunch. Tapos, nagkasabay kami ng uwi ng Laguna. Then dun na nabuo yung friendship namin.” Paliwanag muli ni Klay. Well, sort of. Totoo namang common friend nila si Sir Ibarra na nag-introduce sa kanilang pareho sa Cafe La Campana sa Intramuros, kung saan din sila tinreat pareho ng lunch ni Fidel bilang naiwan ni Sir Ibarra yung wallet nya sa hotel.

“So, in just 2 years magpapakasal na kayo agad?” Tanong muli ni Jack. Naguguluhan namang natingin si Klay dito. “2 years?” Tanong pabalik ni Klay.

“I mean, while we were in med school sa Baltimore, wala ka namang nasabing may boyfriend ka. Wala ka rin naman masyadong friends sa US, we run the same circle so kung may pinakilala sayo na friend natin, I would know. The last 2 years lang tayo hindi nagkita, tapos may boyfriend ka na pala.” Tinry ni Jack to sound as casual as he can so as not to alert Klay of his ‘ulterior motives’.

“Ah… I’ve known Fidel since almost 10 years ago. At least half a year before ako gumraduate ng Nursing sa PLM when I met him. Hindi nga kami magkasundo nung una. As in nag-away pa kami, full-blown talaga, nasampal ko pa nga sya ih. Kaya nagulat ako ng biglang magtapat sya sakin at nanligaw.” Parang nangungsap ang mga mata ni Klay habang binabalikan ang nakaraan nila ni Fidel. Alam nyang may kahiwagaang hindi nya pwedeng sabihin kay Jack kaya medyo iniba nya ng kaunti ang kwento. Totoo pa rin naman yung mga pangyayari sa kwento, pero may mga detalye lang na hindi nya pwedeng sabihin kay Jack.

“Sabi ko pa nung una, ayoko pa muna mag-boyfriend kasi bata pako, marami pang pangarap sa buhay. Pero mapilit sya kahit ilang beses ko ata syang nabasted nun. Feeling ko pa nga pinagtritripan lang ako nun nung una. Pero hindi ko ma-deny yung sweetness nya. Hinarana nya ako sa harap ng common friend namin, tuloy lang sya kahit disintonado. Lagi ring may pa-roses at biscuits and cheese.” Nag-iwas man ng tingin si Jack ngunit pinilit parin nyang makinig kahit parang hindi na sya makahinga.

“I realized I love him too before graduation pero may mga nangyari sa lugar nila that he needs to attend to, full attention needed. That’s why, nagkalayo kami. Kaya wala akong nababanggit na may boyfriend ako dati kasi wala talaga. When I went back home tapos nating gumraduate sa med school, nagkita kami ulit. We reconnected and we started dating na.” Nahihirapan ma’y lumingon muli si Jack kay Klay.

“Siguro nga, tama ka. It’s just 2 years pero engage na kami agad. Though truthfully, we’ve been in-love for a decade or so na. We’ve known each other long enough to know that we want to spend our lives together. Mahal ko si Fidel at ramdam na ramdam ko ang pagmamahal nya sakin.” Kahit hindi sabihin ni Klay ang huli, alam nyang totoo ito. At least sa part ni Klay, alam nyang mahal nito ang fiancé. Ni minsan ay hindi pa nakita ni Jack ang ganong klaseng ekspresyon sa mukha ni Klay. Pero habang kinukwento sa kanya ang tungkol sa kanila nung Fidel, iba ang pamumungay ng mata nito. Hindi marupok ang kaibigan nya. Kaya alam nyang talagang tinamaan ito sa puso.

Mukhang wala na nga talagang pag-asa. Lalo pa ngayong nalaman nyang magkakilala na pala ang dalawa bago pa man sya pumasok sa buhay ni Klay.

♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡

“Ah! Freedom sa wakas!!” Ani ni Klay habang nag-stretching. Tinanggal ang doctor’s coat at maingat na isinilid ito sa locker nya sa loob ng kanyang on-call dorm that she shares with 3 other female colleagues. Kinuha nya ang bag at cellphone mula sa loob ng locker at tinext si Fidel.

‘...Mahal, palabas nako dito. Nag-aayos lang ako saglit. Gising ka pa ba jan?...’

Habang hinihintay sumagot sa text niya ang katipan, tiningnan ni Klay ang bag kung may nakalimutan ba sya. Tumingin rin ang dalaga sa salamin na isinabit nya sa pintuan ng kanyang locker para ayusin ang itsura. Bagama’t pagod sya matapos ang kanyang 16-hour shift, gusto pa rin nyang maganda syang lalabas ng ospital at sasalubungin ang napakagwapo at maginoo nyang fiancé.

‘...Sige lang mahal. Gising na ako kanina pa. Excited nakong makita ka…’ Nangiti si Klay sa textback ng katipan at pinagpatuloy ang paggagayak.

Habang sinisipat-sipat nya ang buhok, napansin nya ang kanyang kaliwang tenga. Nanlaki ang mata ni Klay habang biglang hinawakan ang tenga. Luminga-linga sya sa paligid, nagpapanic. Nawawala ang hikaw nyang bigay sa kanya ng ina. Pinaka-iingat ingatan nya iyon kaya hindi iyon pwedeng mawala. Sinipat ni Klay ng madalian ang kanang tenga. Buti naman at naroon pa ang isang pares. Kailangan nyang hanapin ang kaliwang kapareha nito.

Sinimulan ni Klay ang paghahanap sa kanyang damit. Baka sumabit lang ito. Tinignan din nya ang kanyang doctor's coat na kanina lamang ay maingat na itinabi sa locker. Tinignan din nya ang locker at bag nya. Ngunit wala roon ang nawawalang kaliwang kapareha ng hikaw nya. Nagsimula ng mag-panic si Klay. Sinilid muna muli ang lahat ng gamit sa locker at nag try i-trace back ang steps nya sa pag-asang makita ang hikaw. Pilit nya ring inaalala kung kailan huling nakita or naramdaman nyang suot pa niya ito.

♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡

Nag-aayos si Jack ng mga patient's record sa opisina ni Dr. Alcantara. Nauna ng nagdala si Klay ng folders dito kanina ng mga patients na ite-take over nya habang kausap ni Jack ang isang nurse. Napansin ni Jack na binaba lamang ni Klay ang mga folders and hindi masyadong nai-ayos. Siguro ay dahil may pagka-OC lang sya ng kaunti kaya sinimulan ni Jack na ayusin ang folders ng patients na mapupunta kay Klay upang maitabi nya ito sa stack ng folders ng patient’s records na mapupunta naman sa kanya. Muling kumirot ang dibdib ni Jack ng maisip kung bakit nga ba nagmamadali si Klay,

‘Uuwi na sya sa kanya…’

Huminga ng malalim si Jack at sinimulan na lang na ayusing maigi ang mga patient’s records ng sya ay makauwi na rin. Ini-angat nya ang stack of folders ng patients ni Klay ng may marinig si Jack ng mahinang ingay ng isang bagay na nahulog sa lamesa. Pagtingin nya ay may isang maliit na gintong bagay ang nasa lamesa na marahil ay rason ng ingay. Inayos ni Jack ang folders at kinuha ang munting ginto.

‘...Hikaw? Kanino toh?...’ 

Hinawakan ni Jack ang hikaw sa may level ng kanyang mukha at tinitigan. Nasa ganoong posisyon sya ng biglang pumasok sa opisina si Stacy. 

“Oh! Doc Jack, andito ka pa?” Tanong ni Stacy habang nagbaba rin ng ilang papeles sa lamesa ng opisina ni Dr. Alcantara. Ngumiti si Jack kay Stacy at kakausapin na rin ang nurse ng mapansin ng huli ang hawak nya. Kumunot ang noo ni Stacy.

“Ano yan? Hikaw ba yan?” Tanong ng nurse sa kanya. Tumango ng pagsang-ayon si Jack at pinakita ito kay Stacy. Lumapit naman ang dalagang nurse sa kanya para tignan ang nasabing hikaw.

“Nakita ko lang ito dito habang nag-aayos ng patients’ records. Baka kilala mo ang may-ari nito.” Kinuha ni Stacy sa kamay ni Jack ang nasabing hikaw. Tinitigan ng ilang segundo bago biglang luminaw ang mukha.

“Kay Klay toh! Eto yung hikaw nyang kahit luma na, lagi pa ring suot kasi bigay ng nanay nya! Bat andito toh?”

♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡

‘...Mahal, asan ka na? Matagal ka pa ba? Kanina ka pa kasi nagtext pero hindi ka pa nalabas. May aberya ba?..’

Binasa ni Klay ang text ni Fidel. Kanina pa nya na-receive ito ngunit ngayon lang nabasa. Mahigit kalahating oras na simula ng huli syang magtext sa fiancé na palabas na sya. Marahil ay nag-aalala na ito.

‘...Mahal, pasensya ka na at medyo natagalan. May naiwan lang ako saglit dito. Pero palabas nako…’ 

Sinend ni Klay ang text habang nanlulumo. Pumikit at pilit na pinapasaya ang sarili. Ayaw nyang mag-alala pa lalo si Fidel pag nakitang malungkot sya. Hindi nya makita kahit saan ang hikaw nya. Nagtanong na sya sa mga nurse, nagbabakasakaling baka nakita nila ito. Ngunit wala ni isa sa kanila ang nakakita. Kahit dis-oras na ng umaga ay marami pa ring pasyente sa ospital. Kaya mas lalo syang nanlumo na baka isa sa mga ito ang nakapulot. Kung ganon nga talaga ang nangyari ay malamang na hindi nya na iyon mababawi. Gayunpaman, nagbilin na lang rin sya sa mga nurse, guard at cleaning staff in case may makakita noon at pinakita sa kanilang lahat ang kapares nitong nasa kanya pa para alam ng mga ito kung ano ang itsura ng hinahanap nyang hikaw.

‘...Sana lang, if pasyente talaga namin yung nakakuha at sinanla iyon, sana ay gamitin iyon sa magandang paraan…’ Munting hiling na lamang ni Klay. 

Tinignan ni Klay ang sarili sa salamin ng CR at sinigurong walang bahid ng luha o lungkot ang makikita sa kanyang mukha. Sabihin man ng iba na para syang bata dahil lang nawalan sya ng gamit, iyon ay dahil sa napaka-priceless ng hikaw na iyon para sa kanya. Pinaghirapang kitain ng ina nya ang perang pinambili roon. At iyon ay noong panahong pinapasakitan pa silang tatlong mag-iina ng kanyang stepfather. Kaya mas lalo nyang pinapahalagahan iyon.

Nang masiguro ni Klay na wala ng bakas ng lungkot sa kanyang mukha, nagsimula na syang gumayak papuntang parking lot. Lulunurin na lang muna nya ang sarili sa bisig ni Fidel for comfort. 

♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡

‘...Mahal, asan ka na? Matagal ka pa ba? Kanina ka pa kasi nagtext pero hindi ka pa nalabas. May aberya ba?..’

Nag-aantay pa rin si Fidel sa loob ng kotse. Tinignan muli ang cellphone. Labinglimang minuto na simula ng huling text nya at wala paring reply si Klay. Tumingin si Fidel sa gawi ng entrance ng ospital at nagbabakasakaling makita ang katipan na naglalakad na papunta sa kotse nya. 

Hindi na mapakali si Fidel. Kalahating oras na simula ng magtext si Klay pero wala pa rin ito. Pangkaraniwan tuwing sinusundo nya si Klay at nag-text na itong palabas na, wala pang limang minuto ay nasa labas na agad ang katipan. Ngunit nagtataka sya kung bakit magta-tatlongpung minuto na ay wala pa si Klay. Kaya naman nagmensahe na rin sya upang tanungin kung nasaan na ito. Nang tumunog ang kanyang cellphone, dali-daling binasa ni Fidel ang natanggap na mensahe.

‘...Mahal, pasensya ka na at medyo natagalan. May naiwan lang ako saglit dito. Pero palabas nako…’ 

Minabuti ni Fidel na salubungin na lang si Klay. Nagtanggal ng seatbelt at kinuha at car keys mula sa ignition ng kotse at lumabas ng sasakyan. Nang makasigurong lahat ng pintuan ay nakasarado at naka-on ang security alarm, binulsa nya ang susi at naglakad patungo sa entrance ng PGH.

Nakita ni Fidel na nakalabas na si Klay. Kakawayan na sana nya ng makitang kasunod nito si Jack. Bumilis ang paglakad nya ngunit biglang rin syang napahinto ng makita ang mga sumunod na nangyari.

♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡

“KLAY!”

Nanlulumo paring hahanapin sana ng mata ni Klay si Fidel ng marinig nyang may tumawag sa kanya mula sa kanyang likuran. Hinarap ni Klay ang direksyon kung saan nya narinig ang boses ng taong tumawag sa kanya at nakitang si Jack pala iyon. Pilit syang ngumiti at hinantay ang huli na makahabol sa kanya. Saktong sa harap ni Klay huminto si Jack. Napansin ni Klay na nakangiti ito ng makalapit sa kanya at humahangos ng bahagya.

“Klay, buti na lang naabutan kita.” Sambit ni Jack matapos humugot ng malalim na paghinga dulot ng kanyang pagtakbo. Hindi man sabihin ni Klay, halata ni Jack na pilit ang ngiti nito. Alam din ni Jack kung anong dahilan dito at masaya ang kanyang saloobin na isipin na nasa kanya ang dahilan ng magpapabago ng mood ni Klay.

“Doc Jack, pasensya ka na kung hindi na kita natulungan mag-ayos ng patients records. Naghihintay na kasi si Fidel at pagod na rin ako.” Panimula ni Klay. Medyo nalungkot ng kaunti sa Jack ng marinig na banggitin ng dalaga ang ngalan ng katipan, pero iwinaksi lang iyon ni Jack at hinugot ang bagay sa kanyang bulsa. 

Itinapat ni Jack ang hikaw na hawak nya sa eye-level ni Klay. Kitang kita ni jack ang pagbabago ng ekspresyon ng mukha ni Klay. Mula sa pagod at panlulumo na naging kuryosidad patungo sa pagkabigla at hanggang sa kasiyahan, aliw na pinagmasdang maigi ni Jack ang samot saring emosyon na nagdaan sa mukha ni Klay sa pagkakakita sa kanyang nawawalang hikaw. Mabilis naman itong kinuha ni Klay sa kanya.

“Ang hikaw ko! Kung saan saan ko to hinanap kanina. Halos mabaliw ako. Saan mo nakita toh?” Tanong ni Klay kay Jack sa nanlalaking mata. Galak na galak ang dalaga na nakita ng muli ang hikaw na bigay sa kanya ng kanyang ina.

“Ah… Kanina kasi nung inaayos ko ung patients’ records sa office ni Dr. Alcantara, biglang nahulog yan sa mesa. Naipit ata sa isa sa mga folders mo. Sakto, pumasok si Stacy. Ansabi nga nya, sayo daw yan. Tinry kitang habulin sa locker room kaso wala ka na. Kaya pumunta ako sa Nurses’ station at hinanap ka. Dun ko nalamang kakaalis mo lang at hinahanap mo nga daw yang hikaw mo. Medyo malungkot ka daw kaya hinabol na kita. Baka kasi ma-bad mood ka sa rest day mo pag hindi mo pa nakita yan.” Mahabang paliwanag ni Jack.

Sa hindi inaasahan, hindi napigilan ni Klay ang matinding galak kaya naman bigla nyang niyakap ng mahigpit si Jack. Gulat man sa umpisa'y, sinuklian din ni Jack ang yakap ni Klay sa kaparehong higpit.

♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡

Magkayakap si Klay at Jack. Mahigpit ang pagkakayapos nila sa isa't isa.

Ito lamang ang tumatakbo sa isip ni Fidel. Natigilan sya sa paglakad ng makita ang pangyayari. Unti unting nag-init ang sulok ng kanyang mga mata at para bang nagdidilim o nagpupula ang kanyang paningin. Nararamdaman nya ang sakit ng kanyang palad sa higpit ng pagkakuyom ng kanyang kamao. Alam nyang tumitindi ang kanyang galit, ngunit pinigilan nya ang sariling sugurin ang nakikitang yakapan ng dalawa. Baka makagawa sya ng bagay na kanyang pagsisihan.

Pumikit si Fidel. Huminga ng malalim ng ilang ulit. Pilit na pinapakalma ang sarili. Nang mahugot ni Fidel ang kanyang usual na kalma ay nagsimula na syang maglakad muli patungo sa dalawa. Napansin nyang hindi na mahigpit ang pagkakayap ng dalawa, ngunit ang mga bisig ng mga ito'y nakayapos parin sa isa't isa habang nag-uusap. Hindi naiintidihan ni Fidel, o mas mainam sabihin na hindi iniintidi ni Fidel ang naririnig na usapan na dalawa. Basta hindi nya gusto ang nakikita nya.

“Klay!” Mas malakas sa gusto at pangkaraniwan ang pagkakabigkas nya ng pangalan ng katipan. Lumingon naman ito sa kay Fidel at ngumiti ng napagtantong katipan nya ang tumawag sa kanyang ngalan. Nakita rin ni Fidel ang banayad na pagbitiw ni Klay sa kanyang pagkakayakap kay Jack. Bagama't bumitaw rin ay nanatili pa ring nakahawak sa siko ni Klay si Jack. Ikinasingkit iyon ng mata ni Fidel (I mean, dati ng singkit si pambansang ginoo, mas naningkit pa).

“Fidel, mahal!” Tawag ni Klay sa kanya at umaktong nanghihingi ng yakap. Bagama't nagpupuyos ang kanyang saloobin, sinalubong pa rin ni Fidel ang hiling na yakap ng katipan. Sinalubong din ni Fidel ang titig ni Jack sa kanilang dalawa. Mainit at may halong babala ang tingin ni Fidel kay Jack.

“Klay, mahal.” may pagdiin sa huling salitang binanggit si Fidel habang lihim na patagilid tumingin kay Jack. “Anong nangyari, bakit magkayakap kayong dalawa?” Pilit na pinahinahon ni Fidel ang boses sa huling tanong dahil ang totoo'y bumabagyo ng unos ang kanyang saloobin.

Hindi nakaligtas kay Klay ang emosyon sa likod ng mahinahong tanong ni Fidel. Alam nyang nagse-selos ito. Lihim na nangiti ang dalaga. Ikinawit ni Klay ang kanyang kamay sa braso ni Fidel.

“Mahal, di ba medyo nahuli ako? Nawala kasi yung isang pares ng hikaw ko na bigay ni mama. Kaya hinanap ko muna. Hindi ko makita, pero nakita pala ni Doc Jack tapos hinabol nya ako para mabalik toh sakin. Kaya sobrang thankful ako.” Paliwanag ni Klay kay Fidel upang maintindihan kung bakit niyakap nya si Jack. Alam ni Klay na may pagkaseloso ang katipan. Pati nga si Crisostomo, Elias at Basilio ay pinagselosan nito noon ng makitang niyakap nya. 

Sa nag-iigting na bagang ay pinilit parin ni Fidel na ngitian si Jack. Alam ni Fidel kung gaano kahalaga kay Klay ang hikaw na iyon. Hinarap nya ang doctor at kinamayan. Hindi naman napigilan ni Fidel na diinan ang pagkakahawak dito. Naramdaman iyon ni Jack. Hindi malaman ni Jack kung gaganti ba o hindi.

“Doc Klay! Buti na lang andiyan ka pa. May need lang po kaming klaruhin dun sa dosage ng gamot ng isang patient mo. Pwede po ba kayo bumalik saglit sa Nurse's station?” Pahabol na tanong ng isang nurse kay Klay. Tinignan ni Klay si Fidel at bahagyang ngumiti.

“Mahal, saglit lang toh promise. In and out lang ako. 10 minutes tops. Diyan ka lang ha!” Tinuldokan ni Klay ng isang mariing halik sa labi ang huling tinuran niya sa kanyang katipan. Walang sabi sabi'y tuluyang sinundan ni Klay and Nurse na nakangiti sa nakitang eksena. 

Sinundan ng tingin ni Fidel si Klay habang may ngiti sa labi. Hindi maikubli nito ang galak na naramdaman sa ginawang paghalik sa kanya ni Klay. Hindi inalis ni Fidel ang tingin sa katipan hanggang sa lumiko ito sa isang pasilya na syang dahilan upang mawala na ito sa kanyang paningin. Saka lamang nya hinarap ang lalaking nasa harapan nya.

Batid nyang kanina pa nakatitig si Jack sa kanya… sa kanilang dalawa ni Klay. Simula ng lumapit sya kay Klay at yumakap ito sa kanya, ramdam na nyang ang titig nitong buong tapang nyang sinalubong. May ilang segundo na silang tahimik na nagsusukatan ng binasag iyon ni Jack at nagpatiunang nagsalita.

“Ah… Fidel right? Congratulations nga ulit pala sa engagement nyo ni Klay. Gaano na nga ulit kayo katagal na magkakilala?” Bagama't alam ni Fidel na sadyang dulot lang ng kuryosidad kung bakit iyon tinanong ni Jack sa kanya, pero hindi iyon nagustohan ni Fidel. Para sa kanya'y ang tanong na iyon ay para bang sinusukat kung gaano ka-lehitimo ang pagsasama nila.

“It's been long enough. Longer than you have ever known her.” Dinig ni Jack ang diin sa bawat salitang namutawi sa bibig ni Fidel. Nasorpresa man si Jack ngunit hindi na nagtakang Fidel took offense in his line of questioning. Aminado syang may gusto syang tiyakin sa relasyon ng dalawa.

“Please, I’m sorry. I may have offended–” Umpisa ni Jack ngunit hindi sya pinatapos ni Fidel.

“Oh, not really, Dr. Roberts. I'm just eager to answer your rather ‘curious’ questions regarding my relationship with my fiancée.” Sarkastikong sabi ni Fidel. Bumuntong hininga si Jack. Although he intend to be inquisitive, hindi nya gustong maka-offend. 

“Look, Fidel. I'm going to be honest. In all 9 years that’ I've known Klay, never once ko syang nakitang nakipag-date man lang. In our time studying in States, trabaho at aral na lang lagi inaatupag nya. Kaya laking gulat ko na lang ng ipinakilala ka nya. Honestly, we've only been away from each other for mere 2 years. Also, we maintained a strong line of communication. I am just really concerned and looking out for her.” Paliwanag ni Jack. Ngumisi naman si Fidel sa mahabang paliwanag nito. Ramdam ni Fidel ang inggit sa tinuran ni Jack.

“Sino naman nagbigay sayo ng karapatang panghimasukan ang personal na buhay ng fiancée ko? Talaga bang concerned ka lang, o may iba ka pang motibo?” Tanong ni Fidel kay Jack, cornering the other man with his own line of questioning. Sa pagkakataong iyon, ang bagang naman ni Jack ang nag-igting. Tumikhim at pinakalma ni Jack ang sarili. After all, nasa harap sila ng hospital - his place of work.

“I want what's best for Klay. Call it being nosy if you may, but my concern for her is genuine. Lumaki si Klay na devoid of any trusted male figure. Mailap sya sakin when we started becoming friends. I know how guarded she can be but I also know how naive and innocent she can be. That's why I want to make sure she is with someone who she can truly trust.” Pa-umpisang paliwanag ni Jack. Bagamat nagpupuyos, Fidel willed himself to listen attentively.

“I will not deny it, Mr. Delos Reyes, but you are a very charming man. I just want to make sure that Klay is not getting swept off her feet by a fallacious prince charming.” Sa loobin ni Jack ay aminado syang un-called for ang binitawan nyang mga salita. Wala syang karapatang husgahan ang intensyon ni Fidel dahil kakikilala lang nila sa isa't-isa. Pero kung nais talaga nyang makilala ang lalaking pakakasalan ni Klay ay dapat na rin sigurong ngayon pa lang ay makausap na nya ito ng masinsinan.

"Pray tell me this Dr. Roberts. Saan mo nga ba hinuhugot yang 'genuine concern' mo para sa fiancée ko? Is it because of your friendship towards her? Cause if it is, then as far as I'm concerned, matagal nakong pasado kay Stacy na MAS MATAGAL na nyang kaibigan kaysa sayo. Not to mention that I also got approval from her mom, brother and dad. May iba bang dahilan kung bakit masyado kang concern sa AKING Klay?" Kitang kita ni Fidel ang paglunok ni Jack. He has him cornered. Hindi naglagi ng halos dalawang-pung taon si Fidel kasama ang pangkat sa rebolusyon for nothing. Na-develop nya rin dito ang keen observation and judgement ng kinikilos ng mga tao sa kanyang paligid. If this Jack Roberts think he is in the dark, then Fidel will make him realize how wrong he is. Gayunpama'y matapang na sinalubong ni Jack ang titig ni Fidel.

“Are you in-love with my Klay?” Ani ni Fidel challenging Jack.

“Oo, mahal ko sya. Mahal na mahal ko si Klay.” Hindi inaasahan ni Fidel ang mabilis at walang bahid ng pag-aalinlangan paghayag ni Jack ng damdamin para kay Klay. Tama ang hinala nya, may lihim na pagtingin nga ang lalaking matalik na kaibigan ni Klay sa kanya. Unti unting sumibol ang galit at pangamba sa puso ni Fidel. Ngunit bago sya makapagsalita ay inunahan na sya ni Jack.

“Wala akong balak sirain ang kaligayahan ni Klay. Kung talagang masaya sya sayo, handa akong harapin iyon. Sapat na saking makitang nasa mabuti syang lagay. Kaya iyon ang dahilan kung bakit kita kinakausap ngayon. Dahil gusto kong makasigurong nasa mabuting lagay nga sya. Dahil kung hindi, hindi rin ako mananahimik. Poprotektahan ko ang kaibigan ko.” Muling madamdaming hayag ni Jack.

Nakakuyom ng mahigpit ang mga kamao ni Fidel, nagpipigil na gawin ang bagay na ikakapahamak hindi lamang niya, pati na rin ni Klay. How dare this man question what he and Klay have? May galit may pinakalma ni Fidel ang sarili. Mas mabuti na rin at hinayag ng lalaking ito ang intention nya. At least he can build borders.

“Hindi ko alam kung bakit feeling mo ay entitled ka para sa explanation ko sa relasyon ko kay Klay. But I'll entertain that. Hindi mo alam kung ano ang sinuong ko para lang makasama si Klay. Sa kaibuturan ng puso't isipan ko, alam kong kaya kong ibigay kay Klay ang lahat ng kaya mo at higit pa roon. I literally gave her my universe. Nagawa kong talikuran ang lahat lahat ng mayroon ako, iwan ang mundo ko dahil sa pagmamahal ko kay Klay. Pagmamahal na mas malalim at mas matagal pa sa siyam na taong ginugol nyong magkasama.” Nagngingitngit ang mga ipin ni Fidel habang sinasagot ang katanungan ni Jack. 

“At tulad mo, handa rin akong ibigay sa kanya ang lahat, lumigaya lang sya. Mas higit pa. Kaya huwag mo akong kuwestyonin sa relasyon namin. As far as I'm concerned, you're the outsider here.” Fidel finish his statement in a dangerously low voice. Saktong pagkatapos ng pahayg ni Fidel ay nakalabas na si Klay who is seemingly unaware sa sitwasyon ng dalawa.

“Mahal, here na me—” Napansin ni Klay ang kakaibang ere sa pagitan ng dalawa kaya napabagal sya ng paglakad at napahinto sa pagsasalita. Maingat na pinalipat-lipat ang tingin sa dalawa. Tahamik ito pareho ngunit nakatitig sa isa't isa na tila may namagitang argumento sa dalawa.

“May… problema ba?” Mahinang tanong ni Klay sa dalawa ng ito'y nakalapit sa kanila. Sa nanginginig na hininga'y madaling pinakalma ni Fidel ang sarili. Humarap sya kay Klay at matipid na ngumiti. Kinuha ang kamay ni Klay at bahagyang hinila papunta sa kanya. Nang makalapit sa kanya ang kanyang katipan ay hinawi ni Fidel papunta sa likod ng tenga ni Klay ang iilang buhok na kumawala sa tali nto.

“Wala, mahal, may pinag-usapan lang kami ng ‘kaibigan’ mo. Alam kong pagod ka na. Kaya, let's go?” Ngumiti lang din ng tipid si Klay. Batid ni Fidel na may pakiramdam si Klay na may namagitan sa kanila ni Jack. Pero ayaw muna ni Fidel na pag-usapan nilang dalawa iyon. Ang mahalaga kay Fidel ay ang makauwi at makapagpahinga si Klay.

Hinayaan ni Fidel na makipag-usap si Klay kay Jack ng ilang habilin tungkol sa kanilang trabaho at makapagpaalam na sila'y uuwi na. Nagkatinginan at nagtanguan naman si Fidel at Jack. An assurance that while Fidel has an upperhand because of his relationship with Klay and what Jack has just admitted to him, he will be a bigger person and not out Jack's secret to Klay.

Hindi lingid kay Fidel na sa loob ng sampung minutong pagmamaneho nya sa kahabaan ng Taft avenue mula sa PGH papunta sa kanilang condo ay naninimbang si Klay. Alam nyang gusto syang tanungin ng katipan sa namagitan sa kanila. Ayaw naman ni Fidel na magpatiunang magsalita. His emotions is still raw at baka kung ano pa ang masabi nya kaya't mas mabuting manahimik na lang muna. Mahirap na magkaroon ng pagtatalo habang sya ay nagmamaneho.

♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡

Pagkalabas ni Klay sa ensuite bath ng kanilang kwarto ay nakita nyang subsob sa trabaho si Fidel sa harap ng kanyang laptop. Hanggang ngayon ay medyo naaaliw parin si Klay na makita si Fidel gamit ang modernong mga kagamitan. Ngunit hindi ito ang oras para mag-”moon-over” sa kanyang fiancé. Alam nyang kanina pa may bumabagabag dito. Alam rin ni Klay na ang pagsubsob sa trabaho ay isa sa mga paraan ni Fidel para aliwin o iiwas ang sarili sa mga problemang bumabagabag sa kanya. On the otherhand, Klay is more of a band-aid-removal type of person. Better na pag-usapan na nila ngayon than later.

Lumapit si Klay sa kinauupuan ni Fidel at mula sa likod nito'y yumakap sya sa kanyang katipan. Agad namang hinawakan ni Fidel ang mga braso ni Klay. Sa pagharap ni Fidel ay pinaunlakan nya ang alok na halik ni Klay sa kanya. Short and sweet at first, hinayaan ni Fidel na pamunuan ni Klay ang direksyon ng pinagsasaluhan nilang halik. Pagkatapos ng ilang sandali'y naramdaman ni Klay ang kamay ni Fidel sa kanyang batok. Ngunit bago pa man lumalim ang halik na kanilang pinagsasaluha'y pilit na iniwas ni Klay ang labi. Ngayong nakuha na nya ang atensiyon ng katipan, oras na para sila'y mag-usap.

“Fidel, mahal. May gusto ka bang sabihin sa akin.” Kitang kita ni Klay ang confusion sa mukha ni Fidel na unti-unting nawala ng mapagtanto ang sinambit. Ngunit matapos ang ilang segundo ng pagtitig sa kanya'y, nanatiling tahimik si Fidel. Bumuntong hininga lang si Klay at hinawi ang buhok ni Fidel na humaharang sa noo nito. Inilapat ni Klay ang palad sa pisngi ni Fidel. Humilig naman ang binata sa kamay ni Klay at inilapat ang sariling kamay sa kamay ng nobyang nakadampi sa pisngi nya.

“Matagal na tayong magkakilala at magkasama. Kabisado na kita Mr. Fidel Delos Reyes Y Maglipol. Alam na alam ko kapag may gumagambala sa diwa mo.” Nangiti ng saglit si Klay sa tipo ng pananalita nyang sinasalamin kung paano magsalita ang mga character sa nobelang pinanggalingan ni Fidel.

“Alam kong may bumabagabag sayo. At gusto kong ayusin na natin ito hangga't maaga pa. Nang hindi na lumaki. Ayoko ng may gumugulo sa isip mo. Andami mo ng ginagawa ih.” Paliwanag ni Klay habang hinahaplos ng kanyang hinlalaki ang pisngi ni Fidel. Pumikit at bumuntong hininga lang ito. Nang magmulat ang mata'y nakita ni Klay ang determinasyon sa mata ni Fidel.

“Mahal na mahal kita Klay. Bawat araw na magkasama tayo'y ipinagpapasalamat ko sa diyos. Marami tayong pinagdaanan. Sinong maniniwala na ang isang karakter lamang sa isang nobela na tulad ko ay iibig at papayagan ng diyos na makatawid sa totoong mundo upang makapilang ka lang.” Gamit ang isa pang kamay ni Fidel na hindi nakahawak sa braso ni Klay, inangat nya iyon upang gumanti ng haplos sa pisngi ni Klay.

“Ngunit sa bawat araw din kasama kita'y marami akong pangamba. Baka biglang bawiin sa akin ang lahat at ibalik ako sa libro. Na may iba pa lang nakaraan para sa iyo at hindi ako iyon. Ang sabi mo nga'y kay bilis kong natutunan lahat ng pamamaraan ng pamumuhay rito. Iyon ay dahil dala ng takot na kung hindi ako makapag-acclimate sa mundo mo'y ibalik na lang ako ng tadhana sa dating mundo ko.” May munti mga luha sa gilid ng mata ni Fidel habang patuloy ang kanyang paghayag ng saloobin.

“Pinilit kong makibagay sa mundo mo. Kasi ikaw ang mundo ko. Kahit lahat ng bagay na comportable para sa akin ay nasa mundo ng nobela, hindi ko na nais balikan iyon kung ang kapalit ay ang mamuhay ng wala ka. Laking pasasalamat ko na ibinigay sa akin, sa atin ang pagkakataong magsama. Pero Klay, sigurado ka ba na ako talaga ang gusto mong makasama habang buhay?” Ramdam ni Klay ang insecurity sa tanong ni Fidel. 

“Don't get me wrong. I love you so much, sometimes it already hurt. Kung ako lang ang tatanungin ay siguradong sigurado akong ikaw ang gusto kong makasama. Ang araw sa kalangitan ko. Ang iniikutan ng mundo ko ay tanging ikaw lang. Ngunit handa rin akong magparaya sakaling hindi talaga ako ang tinitibok ng puso mo.” Tuluyan ng tumulo ang luha ni Fidel matapos mamutawi sa kanyang mga labi ang huling tinuran. Mabilis at banayad namang hinawi ni Klay ang luha ni Fidel. Inilapit pa niya ang kanyang mukha upang halikan ang mgat mata ni Fidel. Pag layo ng mukha ni Klay ay nakita ni Fidel na lumuluha na rin si Klay. Agad din pinunasan ni Fidel ang luha ni Klay.

“Mr. Delos Reyes, asan na yung mahanging mestizo de sangley na nakilala ko? Yung nakakainis dahil nasobrahan ng kumpiyansa sa sarili nya? Yung mapangahas na nagnakaw ng halik sa akin noon? Yung nangakong kaya akong panindigan kahit saan mang simbahan at kung kelan ko man naisin? Kasi yung tao na yun… yung taong yun ang tinitibok ng puso ko…” Tuluyan ng umiiyak si Klay. Ngunit bago sya magpatuloy ay mabilis dinampian ni Klay ng halik ang labi ni Fidel na kasabay na nyang umiiyak.

“I don't know what happened kung bakit nabawasan yung confidence mo. Pero ikaw pa rin yan. At mahal na mahal kita. Sa pitong taon ko sa States after kong umuwi dito sa mundo ko pagkatapos ng panahon natin sa El Fili, natakot rin ako. Kasi hindi ko alam at walang kasiguraduhan kung makikita pa ba kitang muli. Takot na takot ako. Dahil noon ko lang na-realize kung gaano kita kailangan dahil mahal na kita. Kaya ng makita kitang muli… Nang sabihin mo saking dito ka na titira. Sigurado ako noon. Siguradong sigurado na ikaw lang ang gusto kong makasama habang buhay ko. Sa pitong taon, tinry kong in-entertain yung idea na hindi na tayo magkikita pang muli kaya I tried to see if merong ibang lalaking magpapatibok sa puso ko katulad ng kung paano mo pinatibok ang puso ko… pero wala. Ikaw lang, Fidel, ikaw lang.” Puno ng pagmamahal ang bawat salitang binitiwan ni Klay. Pero halos hindi rin marinig ni Fidel iyon pagkat nakatitig ang binata sa mata ni Klay. Mga matang malalim ang tingin sa kanya at punong puno ng emosyon para sa kanya. Napapikit muli si Fidel at ngumiting sinalubong ang makahuluguhang titig ni Klay ng imulat nya ang kanyang mata.

“Pasensya ka na Klay. Medyo nawalan ako ng kumpiyansa, Ansabi kasi ni Stacy hindi ka pa daw nagpa-file ng leave para maayos na natin next month yung papeles ng kasal. Pakiramdam ko tuloy baka nag-aalinlangan kang ituloy yung kasal natin. Tapos nakita ko pa kayong magkayakap ni Dr. Jack kanina. Batid ko namang walang malisya yun sa iyo, pero noon pa man at kahit noong nasa nobela tayo'y kumikirot ang puso ko ng bahagya pag may nakikita akong lumalapit sa iyo. Idagdag mo pa yung parang wala akong magawa masyado para sayo. Isa kang magiting na doctor, isa lang akong negosyante. Sa tuwing nakikita kitang parang pinapatay ang sarili mo makapagligtas lang ng buhay ng iba, para akong inutil na walang magawa man lang para pagaanin ang suliranin mo. Pagpasensiyahan mo na ang pagiging possessive ko. Mahal na mahal lang talaga kita ng husto.” Klay rolled her eyes for that. Pero kahit ganon, devoid of any annoyance ang mata ni Klay. Fidel can only see pure amusement in it.

“Naipasa ko na kaninang hapon before yung emergency surgery yung leave ko for November. Kaya gorabels na tayo dun. Hindi alam ni Stacy kasi hindi pa nai-email blast ng Senior ko. Yung kay Jack naman, sus ano ka ba! Bro ko lang yun. Kapatid lang ang turing ko sa kanya. Parang si Basilio at Elias Jr. Wala kang dapat ipangamba. At ano ka ba. Wag mong nila-’lang’ yung lahat ng ginagawa mo para sakin. Dahil bawat isa doon ay nagbibigay saya sakin. Sabi nga sa kanta, sa mundong nakakapagod, ikaw Fidel ang pahinga ko.” Diniin ni Klay ang bawat salita sa pamamagitan ng banayad na pagkurot sa pisngi ni Fidel.

“Hindi ka ba talaga magsisisi? Yung Jack na yun, mas mayaman at makapangyarihan sa akin. Pareho pa kayong doctor…” Masayang masaya ang puso ni Fidel sa mga huling binanggit ni Klay ngunit gusto pa rin nyang makasiguro. Kaya tinanong nya pa rin ito. Saglit na niyakap sya ng nobya at ng banayad na humiwalay ay muling tumitig sa kanya.

“Sabi nga sa kanta, ‘Ikaw lang, sapat na’. Pero sa’akin, ‘Ikaw lang, sobrang sobra na’. Walang salitang makaka-pukaw kung gaano kalalim ang nararamdaman ko para sayo. Mahal na mahal kita, Fidel. Eh ano ngayon kung mas mayaman, mas gwapo, mas matalino, o mas maimpluwensya ang iba jan kesa sayo?” Masayang pahayag ni Klay. Bawat salitang namutawi sa kanya'y nag-uumapaw ang kaligayahan at pag-ibig sa puso ni Fidel.

“Ikaw lang ang nakikita ng mata at puso ko. Ikaw lang ang mahalaga. Ikaw lang ang SAKALAM. Sinakop mo nga buong pagkatao ko di ba? Hindi mo batid, pero handa akong mabuhay mag-isa sakaling hindi hinayaan ng multiverse na mahanap ulit natin ang isa’t isa dito sa mundo ko. Ganon kita kamahal. Kaya wag mo ng pagselosan ung colleague ko ha. Height mo pa lang, walang wala na yun sayo.”

Tinawid na ni Fidel ang pagitan ng kanilang labi. Lahat ng pag-aalinlanga’y mabilis na naglaho. Malinaw na ngayon sa kanya ang katayuan nya sa buhay ni Klay. Kahit ilang Jack pa ang dumating, hindi na nya hahayaan pang mag-alab ang selos sa kanyang puso.  Well, siguro magseselos pa rin sya. Hindi na ata maaalis yun. Pero imbis na maimbyerna sya sa mga lalaking umaaligid kay Klay, uubusin na lang nya ang kanyang lakas sa pagmamahal kay Klay.

After all… Sya alang ang SAKALAM!

●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●

●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●

Author’s Notes: Naisip ko lang yung linyang/lyrics ng “Ikaw lang sapat na” at dun ako nagka-idea na what if biglang naging insecure si Fidel while living in real world. Tsaka don’t get me wrong, while I am a BarDa/FiLay stan, I also love JakBie. I support David and Barbie in both their career and personal endeavors. Wala lang akong maisip na ibang gawing character na pagseselosan ni Fidel dito, Jak lng tlga… kaya sorna. 

Also, ngaun ko lang nalaman toh - FIANCÉ pertains to a male/man who is engaged/bethroted to be married while FIANCÉE pertains to the female counter-part of the first word, which means a woman bethroted/engaged to be married.

PS: Ung surname na “Lopez-Roberts” - Nakuha ko ung Lopez sa screen name ng kapatid ni Jak Roberto na si Sanya Lopez. Mapanindigan ko lang na Fil-Am ung character, kaya nilagyan ko sya ng American at Spanish surname. Also, ‘Jan Rommel’ is ung real given name ni Jak. Siguro magagamit ko na si Jack Lopez-Roberts as my OC for future FiLay fics. 

Continue Reading

You'll Also Like

1M 65.8K 119
Kira Kokoa was a completely normal girl... At least that's what she wants you to believe. A brilliant mind-reader that's been masquerading as quirkle...
924K 21.3K 49
In wich a one night stand turns out to be a lot more than that.