Fools In Love (SELF-PUBLISHED)

By pajama_addict

36.6K 1.5K 244

Lovefools Book 2 More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24

Chapter 8

514 33 6
By pajama_addict

I  felt hot and cold at the same time because I knew exactly what she meant – she wanted to leave me and she wanted to leave me for good.

"Alam mo, pinapainit mo ang ulo ko, Green," I said in a low voice.

I felt like crying but I held myself back. Alam kong hindi ko madadaan si Gianna sa iyak. Alam ko ring hindi na gagana ang pagpapakumbaba sa kanya dahil mukhang buo na ang desisyon n'ya.

I could only think of one way to get a different reaction from her.

"Ang babaw mo..." I said.

Her eyes instantly hardened.

I lowered my gaze. I knew that it was a risky move, but I would rather face my wife's wrath than bathe in her indifference.

"Anong sabi mo? Did I hear you correctly, tinawag mo akong mababaw?" she asked.

I could feel how hard she was trying to keep her voice even.

I mentally clenched my jaw.

Ang totoo natatakot ako. Alam ko kung paano magalit si Green. And it's not even the possible physical aspect of the fight I was worried about – it was the emotional torment that I knew we would both feel after we quarrel.

"Bakit, hindi ba? Dahil lang d'un makikipaghiwalay ka na? Dahil lang hindi ako nakarating kagabi?" I scoffed. "We can have sex anytime you want, pwede naman 'yun, eh, magsabi ka lang."

I saw how she clenched her fists.

"O, naiinis ka kasi nagsasabi ako ng totoo? Masakit ba sa pride mo na ipamukha sa'yo kung anong klaseng tao ka? Hindi ba matanggap ng utak mo just how shallow you are? Yes, I was late last night pero may rason 'yun! Lahat ng sa tingin mo ay kasalanan ko sa'yo ay may rason! Hindi kasi uso sa'yo ang makinig, eh! Gan'un ka kapag galit ka, you shut everyone out! Ikaw lang ang tama, ikaw lang ang nasa rason! Ikaw lang ang nasasaktan! Grow up, Gianna!"

She remained calm but her eyes told me otherwise.

"Ano, bakit hindi nagsasalita? Bakit hindi ka makapagsalita? Bakit hindi ka sumasagot? Dahil totoo, 'di ba? Sex lang ang puno't dulo. Hindi lang kita napagbigyan kagabi gan'yan ka na! Hindi lang ako nakarating para panuorin kang suot-suot 'yung bagong nightie mo dahil may inaasikaso ako ay parang pinatay ko na 'yung isa sa pamilya mo kung umasta ka! Willing naman ako, Green, kahit pagod na pagod na ako kagabi—"

"Get the fuck out."

"Ano? Kung gusto mo ngayon na, eh. Okay ba sa'yo? Hindi ako pagod ngayon—"

"Umalis ka, putang ina ka! Get out!"

"O, bakit mo ako pinapaalis? Akala ko ba kaya ka galit ay dahil nag-expect ka kagabi? 'Eto na ako ngayon, willing ako kahit gaano pa katagal na romansa ang gusto mo."

"Romansa? You're not even good in bed! And apparently, you're not good anywhere else, too!"

Pucha naman. Sakit naman n'yan...

"Really?" I replied trying to hide my insecurities as a husband, which she flawlessly verbalized, with what I hoped was a sarcastic smile. "Pero galit ka dahil hindi kita nalambing kagabi?"

She stared at me and I watched as her eyes well-up with more tears.

"Green—"

"Putang-ina ka," she murmured before she sobbed. "Sex? Sa tingin mo 'yun ang habol ko? Sa tingin mo ay 'yun ang rason kung bakit ako galit? Dahil kulang ako sa lambing at puro libog ako sa katawan?"

"Green, that's not what I meant..." I lamely mumbled.

"Kaya ba binabalewala mo 'yung mga sama ng loob ko at patuloy kang gumagawa ng mga bagay na nakakasakit sa akin dahil sa tingin mo ay libog lang ang dahilan kung bakit ako nagtatampo sa'yo?"

She covered her face with both her hands before she let out gut-wrenching sobs. "Putang-ina ka, Redley..."

"Green..." I tried pulling her into my embrace but she forcefully pushed me away.

"Shit ka..." she said weeping.

I knew that I had crossed the line.

"Kahit na siguro putol na 'yang ipinagmamalaki mong pagkalalaki mo, I will stay beside you dahil mahal kita and married to you or not you will always be my priority kasi mahal kita, punyeta ka..."

She used the hem of her shirt to wipe her tears off her face.

"At akala ko kasi mahal mo rin ako...kaya hinayaan ko 'yung sarili kong magpakatanga sa'yo..."

"Green, mahal na mahal kita. Look, I'm really sorry because I went overboard, hindi 'yun ang intensyon ko. I was trying to make you feel angry dahil...nasasaktan ako na parang wala kang reaksyon..."

"Ano bang reaksyon ang kailangan mo? Ang sirain ko ang buhay ko dahil paulit-ulit na hindi mo tinutupad ang mga pangako mo sa akin?"

"Green..."

"Baka tama ka. Baka mababaw ako kaya ako nasasaktan. Baka mababaw ako kasi ano ba naman 'yung hindi ka tumupad sa usapan natin nang paulit-ulit, 'di ba? Napakababaw na rason 'yun para ikasama ng loob ko..." Her voice broke and her tears fell faster.

"Kasalanan ko lahat. I'm sorry for saying that you are being shallow. Please, Green, I'm so sorry..."

"Lahat ng lumabas sa bibig mo ngayon, sabihin mo mang nasabi mo lang dahil gusto mo akong galitin ay totoong nararamdaman mo at iniisip mo, Redley. So, all along you thought that I am shallow..."

"That's not true."

She laughed softly. "Sorry, ha, kasi ang babaw ko. Kasi hindi ko maiwasang magtampo. At sorry kasi hindi ko maiwasang mag-alala. Sorry kasi ang immature ko, eh, hindi ako tulad mo na mature, responsible at ubod nang buting tao..."

"Gianna, that's not my point."

"Whatever your point is sana makita mo kung saan ako nakatayo, sana hindi lang puro punto mo ang iniisip mo. Alam mo bang bumalik ako ng Diliman dahil sobra akong nag-alala na baka may nangyari sa'yo? Na baka tinambangan ka ng ibang frat, sinaksak ka, tinubo sa ulo, binugbog..."

She laughed bitterly. "Ilang beses akong nagbihis at nagpalit ulit ng pambahay kasi iniisip kong kung sakaling may nangyari man ay ako ang una mong tatawagan at ayokong makaabala kung sakaling may ginagawa kang importante. I didn't want to unnecessarily disrupt whatever it was you were busy with."

She cried harder.

"Pero, naisip ko rin na baka nadisgrasya ka, nabangga 'yung kotse mo, o baka na-hold-up ka kaya hindi mo ako natawagan. Kasi ang paniwala ko there was no way you're going to go back on your promise and if something did happen, you will do everything you can to reach me because you know that I worry endlessly about you. And you knew that I was waiting."

I lowered my head in shame.

"Akala ko rin alam mo na isang tawag lang, Redley, isang tawag lang kahit walang paliwanag, lulunukin ko 'yung sama ko ng loob at pipiliin kong intindihin ka. Na kahit masaktan ako, magalit, o magtampo ay isang yakap lang, Redley, isang sorry lang ay patatawarin na kita."

She closed her eyes as if willing for her tears to stop falling.

"Kaya nagbihis ako, nagpunta akong Diliman at dumiretso ako sa tambayan ng frat n'yo at nakita kita," she said. "Sa maniwala ka man o sa hindi, my heart actually stopped beating when I saw you. I was just glad to see you. I was glad that you're in one piece, alive, and not bloodied like I had imagined. But that relief was short-lived because then came the realization that you were okay and you simply just forgot about me..."

"Green, hindi totoo 'yan. Please let me explain..."

"Pasensya ka na, ha, kasi ang babaw ko. Pasensya ka na kasi hindi mo nalaman kung gaano ako kababaw bago mo ako pinakasalan. Pasensya na because you were forced to marry me. Pasensya ka na kasi wala ako sa rason palagi at ang iniisip ko lang ay 'yung nararamdaman ko at hindi 'yung sitwasyon mo. Pasensya na, tanga ako, eh, puro puso walang utak—"

"Green, tama na, please..."

"Oo tama na. Tama ka, tama ka na naman, kasi tama ka naman palagi."

She laughed joylessly before she sighed. "Shit, I am so tired..."

"Green, I'm sorry—"

"I am tired of your sorries, too. I am fucking tired of everything. Pagod na pagod na ako dahil hindi ko na alam kung saan ako lulugar. Pagod na pagod na akong sumama ang loob, magtampo, humingi ng kakarampot na oras sa 'yo. Napaisip tuloy ako kung ano kaya ang rason kung bakit mo ako pinakasalan? Nalungkot ka lang ba? Nangailangan ka lang ba ng kasama at ako ang nakita mo? 'Tapos ngayon na-realize mong hindi ka pa pala sawa sa buhay binata at nagsisisi ka kasi nakatali ka na sa akin?"

"Green, alam mong mahal kita—"

"Mahal? Bullshit. Kung totoong mahal mo ako, bakit ipinaparamdam mo sa akin na isa akong malaking hadlang sa buhay na gusto mo?"

"Gan'un ako kasama? Gan'un kasama ang pakikitungo ko sa'yo at pinag-iisipan mo ako nang gan'yan?" I tearfully asked. "Gan'un ko ginawang impiyerno 'yung buhay mo sa tabi ko at nasasabi mo 'yan?"

"Hindi ko alam at wala na akong pake. Pagod na akong mag-isip. I am tired of thinking of excuses for you. I already booked my flight to Cebu. Tatlong araw ako d'un. Pagbalik ko rito sa apartment sana hindi na kita madatnan."

"Tang-ina naman, Green. Humingi na nga ako ng sorry, 'di ba? Inaamin ko naman na kasalanan ko. Oo, gago ako. Oo wala akong silbing asawa, oo wala akong kuwentang tao. Pero, handa naman akong magbago, eh..."

I looked away from her because I didn't want her to see just how broken I felt. "Handa naman akong iwan lahat para sa'yo. Handa akong talikuran ang kahit sino o kahit ano para sa'yo, h'wag mo naman akong iwan..." I added my voice breaking.

"Mag-isip na muna tayo, Redley—"

"Tungkol saan? Tungkol sa atin? Alam ko na kung ano ang gusto ko, Green. Simula't sapul naman alam ko kung sino ang mahal ko. Nasasaktan ako kasi parang ang dating ay hindi klaro sa'yo 'yun."

She sighed before she turned away from me to open our closet.

"Mag-eempake ka pa rin? Iiwan mo pa rin ako?" I helplessly asked as I watched her tiptoe to reach for her trolley which was inside the overhead cabinet.

"I just need to sort my thoughts out."

"Can't you sort them out here? Kailangan pa bang umuwi ka ng Cebu?"

"Oo."

"Bakit?"

"I need time away from you," she declared with finality. "I need time away from this. Mahirap kasing mag-isip nang tama kapag nandito ka. Alam mo 'yung kailangan kitang patawarin kahit hindi ako kuntento kung paano natin niresolba ang mga bagay kasi hindi kita matiis? So, kahit masakit pa, kahit may tampo pa akong nararamdaman, wala akong choice kundi ang tanggapin ang sorry mo."

"Hindi mo ako kailangang patawarin agad-agad. Pwede mo akong pahirapan—"

"No. Mas gusto kong umuwi."

I kneeled down in front of her.

"Green, please...please hindi na mauulit. Please..."

"Get up."

"H'wag kang umuwi...h'wag mo naman akong iwan mag-isa rito..."

"You can always stay with your brods, tutal naman sila naman ang parati mong kasama. Ano ba naman 'yung samahan ka nila habang wala ako rito?"

"But I want my wife..." I pleaded.

"I want a break as your wife..." she replied. "I am tired of being your wife."

Continue Reading

You'll Also Like

1M 52.9K 16
Promises...and the heartache they bring.
182K 10.7K 20
Overused. Overhyped. Overwhelming
26.1K 1.6K 6
The ties we're bound to...
150K 3.1K 56
(UNEDITED 2018 VER.- UNDER MAJOR REVISION) Elyjha Mariz Adillos, a typical lowkey nerd who seemed to be unnoticeable. She's absolutely the opposite...