AIRLEYA

By solace_loey

225K 6.4K 150

When the real Airleya drowned, she gave her body to the woman from another world. To give her body to the wo... More

PROLOGUE
I
II
III
IV
V
VI
VII
VIII
IX
X
XI
XII
XIII
XIV
XV
XVI
XVII
XVIII
XIX
XX
XXI
XXII
XXIII
XXIV
XXVI
XXVII
XXVIII
XXX
XXIX
XXXI
XXXII
XXXIII
XXXIV
XXXV
XXXVI
XXXVII
XXXVIII
XXXIX
XL
XLI
XLII
XLIII
XLIV
XLV
EPILOGUE
Special Chapter I
Special Chapter II

XXV

4.4K 123 0
By solace_loey

⚠️ Before you read this chapter, I remind all readers that this is just the writing of a novice writer who is too lazy to edit the work. You may find some misspellings or grammatical errors in this story.


Chapter XXV


“SIR EXTER, kung kinakailangan na samahan niyo ni sir Anderson ang papa ko hanggang sa pagtulog at pagdumi niya gawin niyo, masiguro lang na ligtas siya.” habilin ni Airleya kina sir Exter at sir Anderson na siyang maiiwan sa Briarlaine. May maiiwan pa ding mga kabalyero sa mansion pero iba ang tiwala niya sa dalawa ito at sa ibang knights.

Napaturo sa sarili ang Count dahil sa habalin ng anak niya.

“Im—”

“Pa, lilipad ka talaga palabas ng Briarlaine. Subukan mo lang.” pagbabanta ni Airleya sa ama niya dahilan para umurong dila nito.

“Aalis na kami.” paalam niya at kaagad niya pinalakad ang kanyang kabayo na kulay itim.

Hindi mapigilan ng mga tao sa nayon na dinadaanan ni Airleya na hindi mapatitig sa kanila lalo na sa kanya na rinig ang bulong-bulungan. Habang sila'y papalabas sa teritoryo ng Briarlaine.


“Ngayon ang alis ni lady Airleya, di ba? Hindi mo ba siya kikitain, Silver?” tanong ni Duke Damian sa anak niya habang nasa hapagkainan silang pamilya.

“Nagkita na kami kahapon, dad. Tatlong taon din ang bibilangin bago kami makompletong tatlong. Sa ngayon may mga plano kami ni Willow sa Agracia.” sagot ni Silver sa ama niya na napatango ng ulo.

“Bago ko makalimutan, may natanggap ang pamilya nating imbitasyon para sa nalalapit na kaarawan ng second prince. Gusto mong sumama, Silver? Ito ang unang pagdalo mo sa malaking pagdiriwang kung dadalo ka.” wika ng kanyang ina na si lady Selena.

“Sure, sasama ako.”

Pumalakpak ang ina nila dahil sa kasiyahan. Pero nawala ang ngiti nito ng biglang sumabad si Killian na nakatitig sa pagkain nito.

“Sorry mom, pero hindi yata ako makakasama sa inyo. May importante akong pupuntahan sa araw ng second prince.” anang anak nila, dahilan para matahimik ang buong paligid ng ilang segundo.

“. . .ganon ba?” wika ng ina niya na parang nalungkot bigla dahil sa hindi pagsama ng anak niya. Ayaw niyang pilitin ang anak dahil alam niyang mas lalo lang ito magmamatigas tulad noon.

Huminga naman ng malalim ang Duke, at hinintay ang oras na palipasin hanggang sa naisipan niya nang ipatawag sa working roon niya ang kanyang asawa at panganay na anak at sinabi ang maaring dahilan kung bakit ayaw sumama ni Killian.

At nang marinig nina lady Selena at Gelal ang nalaman ng Duke tungkol sa relasyon ng anak nila at ng first prince doon lamang napagtanto ni Gelal at lady Selena ang mga pinapakitang kilos ng first prince sa kanilang anak na hindi nila naisip na may kahulugan pala iyon.

“Sapilitan nang tinutulak palayo ng anak natin ang prinsepi. Parati kong pinababantayan ang anak natin kapag lumalabas sa mansion, para sa proteksyon niya kahit pa alam kong kayang-kaya niyang pabagsakin ang mangangahas na saktan siya.”

Napatakip ng bibig ang asawa ng Duke samantala si Gelal naman ay inalala ang mga kilos ni Killian.

“Our son hates himself, because he thinks he is abnormal.” dagdag pa ng Duke, dahilan para hindi mapigilan ng gina na hindi maluha.


“Kuya Kill? Pinapatawag ka ni daddy.” tawag ni Silver sa kapatid niya sa silid nito na kaagad ay lumabas si Killian sa silid.

“Ano daw ba ang paguusapan?” tanong ni Killian sa kapatid niya habang tinatahak nila ang daan patungo sa opisina ng kanilang ama.

Hindi sumagot si Silver, dahilan para kabahan ang kapatid niya.

Nang makapasok sina Silver at Killian. Bumungad kay Killian ang kanyang ina at nakakatandang kapatid na hindi niya inaasahang naroon rin sa silid.

“Dad, may problema po ba?” tanong ni Killian sa ama niya.

“Ikaw may dapat ka ba lng sabihin sa amin, na hindi mo masabi-sabi Killian, anak?” hindi kaagad naka-imik si Killian dahil sa itinuran ng ama niya.

Meron, pero ayaw niyang aminin. Dahil segurado siyang pandidirian siya ng pamilya niya.

“. . . Wala po, dad. . .” sagot ni Killian na umiiling ang ulo nitong sagot.

Tumayo sa kinauupuan ang ina niya at niyakap siya.

“Kahit anong mangyari anak ka namin ni Damian, at kung saan ka masaya Kill, susuportahan ka namin. Anak ka namin, mahal ka namin, okay hmm?” anang ina niya na pinigilan ang sarili na umiyak.

Bakas naman sa mukha ni Killian, ang kaguluhan na hindi niya alam kung bakit ganito sinasabi ng ina niya.

“Bakit ganyan ka magsalita mom? Bakit ganyan kayo makatitig sa akin? May pupuntahan ba kayo? May hindi ba ako alam?” tanong ni Killian sa kanila. “May. . . Sakit ba si mommy?” mahinang natawa ang nakakatandang kapatid niya. Gusto sana nilang sabihin na alam na nila ang tungkol sa kanila ng Prinsepi pero umurong ang mga  dila nila para magsalita.

Pasimpling bumaling si Silver sa ama niya, bago niya nilapitan ang ama niya.

“Hintayin na lang natin na siya ang magsabi. Kapag pinangunahan natin si kuya, baka ano gawin niya.” mahinang sambit ni Silver sa kanyang ama na tanging sila lamang dalawa ang nakakarinig.

“Magpapasukat tayo ng damit na susuotin natin, para sa nalalapit na kaarawan ng second prince.” wika ni Gelal.

“Hindi ako sasama. Kayo na lang diyan magpasukat.” sagot naman ni Killian

“May iniiwasan ka ba don? Im sure magtatampo ang first prince kapag hindi niya nakita ang kaibigan niya.” sabad naman ng Duke.

“Kayo na ho magdahilan, mom. May utak naman seguro ang first prince para maintindihan niya .” wika ni Killian, dahilan para mapangiwi ang Duke at si Gelal sa sinabi niya.



Nakangalumbaba si Airleya habang hinihintay ang mga halimaw sa paglabas nito sa lungga. Mahigit isang buwan na ang nakakaraan nang simulan niya ang pangangaso sa mga halimaw na nagagawa nang makalabas sa lungga nito para maghasik ng gulo sa labas.

“Shh. Paparating na sila.” wika niya sa mga kasamahan niya habang nagtatago sila sa malaking halaman na hindi sila kita.

At makalipas ang ilang segundo kaagad nina Airleya inatake ang mga halimaw. Bawat wasiwas ni Airleya nang kanyang espada sa mga halimaw, ay hindi nakakaligtas.

“Hooo! Pinahirapan niyo pa ako nito!” inis na sambit ni Airleya sabay sipa ng ulo na pinugutan niya.

Napailing na lamang ang mga kabalyero na kasama niya. Pero ang inis niyang mukha ay napalitan ng kakaibang emosyon dahilan matahimik ang lahat na naroon.

“May problema po ba lady Airleya?” tanong ni Jane na isang babaeng kabalyero ng Briarlaine. Pitong babaeng kabalyero ang kasama ni Airleya sa lahat ng mga kabalyero na kasama sa pangangaso ng mga halimaw.

“Wala tayong nasagupang mga batang halimaw. Mahigit isang buwan na tayo rito sa bundok ng Helios pero ni isa wala akong makitang mga batang halimaw. May kakaiba.” aniya na matagal niya nang napapansin.

Nagkatinginan ang mga knights na kasama ni Airleya at sumang-ayon sa sinabi ng binibini nila.

“Bumalik na muna tayo sa barracks. Magpahinga muna tayo bago mangaso.” at dahil doon sumigaw sa kasiyahan ang lahat. Napailing na lamang si Airleya, alam niya kasi na pagod at puyat na ang mga kasamahan niya apat na araw nilang sunod-sunod na pagpatay sa mga halimaw sa helios. Gusto niya kasing tapusin iyon, bago tumungo sa kalapit ng Helios.

At ang monsters hunting ni Airleya ay umabot ng isang taon, hanggang sa maging dalawang taon na hindi niya napansin na inabot na sila ng dalawang taon sa pangangaso ng mga halimaw para lang masiguro ang kaligtasan ng mga tao mula sa mga halimaw.


“Kuya Killian is missing!” galit na singhal ni Silver, habang pinapakalma siya ng ina niya pero hindi iyon gumagana.

Napatitig ang kapatid niyang si Gelal sa lamesa kung saan paunti-unting binabalot ng kapangyarihan ni Silver ang lamesa.

“Kumalma ka muna Silver. Hindi tayo magkakapag-isip kung paano hahanapin ang kuya mo.” mahinahong sambit ng Duke.

“Dad, akala ko ba may nagbabantay kay Killian sa tuwing lumalabas siya?” sabad ni Gelal, na pinipilit maging kalmado.

Huminga ng malalim ang Duke bago sinagot ang tanong sa kanya ni Gelal “Herrald is dead.”

“Your Grace, the Count is here.” biglang sabad ng butler ni Duke Silverio na nasa labas ng silid.

“Lets go. I think he knows something.” sabad ng Duke at pinuntahan ang Count sa guest room kung saan ito naghihintay sa kanila.

“Nasa kamay ng fake Emperor ang anak niyo. At hindi ko alam kung saan siya dinala ng mga sumusunod sa kanya.” kaagad na sambit ni Count Ralphus ng makapasok ang pamilyang Silverio sa silid. Nagpaiwan sa labas ang butler ng Duke para bantayan ang buong paligid habang nag-uusap sa loob ang mga tao.

“May alam ka ba kung bakit hawak ng  pekeng Emperor ang anak namin?” tanong ni lady Selena.

“May importanteng impormasyon na nakuha ang anak niyo, dahilan para makuha niya ang atensiyon ng fake sa anak niyo. At sa nakikita ko, paunti-unti nang ginagalaw ng pekeng Emperor na iyon ang galamay niya para gawin ang mga pinaplano niya. Base sa impormasyon na natanggap ko sa aking anak, nawawala ang mga bagong silang at mga batang halimaw sa mga lugar ng mga halimaw, at sa hinuha ni Airleya may kumukuha ng mga batang halimaw para gawing alaga o di kaya'y ibenta. Dahilan para may makapasok na mga halimaw rito sa atin. Pina-imbestigahan ko ang Marquess at Viscount at wala naman akong nakita na sila ang kumukuha ng mga halimaw, sa mga lungga nito. But the fake emperor. . .” hindi na itinuloy pa ni Count Ralphus ang sasabihin nito sa Duke dahil kitang-kita niya kung paano kinokontrol ng Duke ang sarili nito na maging mahinahon.

“Maraming salamat sa impormasyon na binigay mo Count Ralphus.” pasasalamat ng Duchess.

Umiling ang ulo ng Count. “Mahihirapan tayong mahanap ang anak niyo. Kahit ang inutusan ng First Prince para sundan ang anak niyo ay hindi rin nakaligtas, namatay din tulad ni Herrald. Hindi basta-bastang tauhan meron ang Emperor na iyon.” dagdag ng Count na kahit siya ay walang makuhang kaunting impormasyon sa kung saan tinatago ng fake Emperor ang anak ng Duke.

“Isa lang dapat nating gawin.” biglang sabad ng Duke nang may maisip itong plano.

Lahat napabaling sa Duke, at hinihintay ng mga ito ang sagot.

“Dadalo tayo sa Imperial banquet, nasisiguro kong isa sa mga sekretong silid ng Imperial palace itinago ng t*anginang iyon ang anak ko.” at dahil sa sinabi ng Duke lahat napatitig sa isa't-isa bago sumang-ayon. Alam nila na may mga sekretong silid na hindi pa nabubuksan o natutuklasan at malakas ang kutob ng Duke na hindi dinala sa malayo ng fake Emperor ang anak niya, kundi dinala nito ang anak niya sa kung saan madaling puntahan ng fake Emperor.



_____________________________________

Continue Reading

You'll Also Like

34K 1.2K 37
DESCRIPTION: Ruan Mari Tan is a cold blooded business tycoon in the Philippines. Pagmamay-ari niya ang isa sa malaki at sikat na publishing company a...
120K 4.2K 69
Elaine Hidalgos is stuck of being the richest person without her parents guide, but after dying at the car crash, she awakened in a fantasy world...
137K 4.5K 57
In the outskirts of the Verdentia Empire lies a humble town named Eldoria, teaming with peasants and commoners. A peasant who was abandoned by the ca...
382K 28.1K 45
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...