THE SWEET ESCAPE (Intersex)

By Yuiyuuu-chu

55.5K 2K 641

ONGOING. (Written in taglish) A young and aspiring vlogger named Tiffany Suzanne harbored dreams of fortune... More

Sweet Escape
Characters
01- Exploring the Dilemma
02- A Surreal Encounter
03- Reaping What You Sow
04- Boundless Incarceration
05- Crossroads of Fate
06- Social Media Landscape
07-Caught Between Two Queens
08- The Triad Guests
09- The Tiny Star
10- The Quiet Goodbyes
11- The Treacherous Verity
12- The Scarred Woman
13- Good Times Guaranteed
14- The Twin Island
15- Swift Adieu
16- Catwalk Dreams
17- Sweet Trapped
18- The Vessel
19- Scarecrow
20- Under The Rain
22- The Serpentine whispers
23- The Identical Bond
24- The Destiny Game

21- The Blood Ties

1.8K 81 61
By Yuiyuuu-chu









"Offering a lifeline through the crimson flow."









Tiffany Suzanne Holland






Bumangon ako para isarado ang curtain. Nakakatakot, ang lakas ng hangin sa labas na humahampas sa bintana. Hindi rin ako makatulog dahil sa ingay na nililikha nito.







Kinuha ko ang jacket ko at sinuot yun bago ako lumabas ng room para magtungo sa ibaba dahil nakaramdam ako ng uhaw. Nakalimutan ko kasi magbaon ng tubig kanina. Thankfully, bumalik na din ang kuryente kaya hindi na madilim dito sa hallway.







Nang mapadaan ako sa foyer, napansin ko ang main door na bahagyang nakabukas. Basa na ang sahig dahil sa tubig-ulan na pumasok sa loob ng mansion.






Agad kong nilapitan ang main door at sinarado ang pinto. Binuksan ang dim light na nasa pinaka entrance, para magkaroon ng liwanag kahit papaano.






Nakapamaywang ako habang napapakamot pa ako sa ulo ko dahil imbis na wala akong gagawin ay kelangan ko pa tuloy na linisin at tuyuin ang basang sahig.







Naisip ko na nakalimutan nanaman ni Mildred na mag double check at naiwan nya ang main door na bukas, sya kasi ang naka-toka ngayon na magdouble check ng mga bintana at pinto. Madalas kasi syang nakakaiwan ng bukas na pinto, kung minsan ay bintana kaya madalas namin sya ni Tina mapagalitan.







Papunta na sana ako sa cleaning room kung saan nakalagay ang mga panlinis nang may mahagip ang tingin ko mula sa peripheral vision ko. I suddenly stop, nakaramdam ng takot pero pilit kong sinasawalang bahala yun. Ayoko na isiping multo yun. Dahil wala naman talagang multo. Kaya hindi ko dapat tinatakot ang sarili ko.








Hinakbang ko ang paa ko para magpatuloy nang marinig ko ang mahinang daing na nagmumula sa part na ng console kung saan ko nahagip ang imahe, kaya muli akong nahintuan. Hindi ko na din napigilan ang sarili ko na lingunin sya. Ganon nalang ang gulat ko dahil sa gilid ng console table nakita ko ang isang tao na nakaupo, pero yung upo nya medyo pahiga dahil nakasandal ang likod nya sa wall. Basang-basa sya at natatakpan ng basa nyang buhok ang muka nya, kaya hindi ko makita muka nya.









Napansin ko din na basa sa paligid nya, magkahalong dugo at tubig yun. Napaatras ako, kinapa ko ang vase na nakapatong sa isang table, ito pa yung vase na ginawa namin ni Aizenberg sa Bleumountain.








Pigil ngunit malalim na paghinga ang pinakawalan ko. Nabalot na ng takot ang buong pagkatao ko. What if kung magnanakaw nanaman to tapos nakatulog lang dyan. Dahan-dahan kong hinakbang ang paa ko, sinugurado ko na hindi ako maglilikha ng kahit na anong ingay para hindi sya magising. Habang mahigpit kong hinawakan ang vase ay nakaposisyon na ako, incase na bigla nya akong sugurin, ihahampas ko talaga sa ulo nya itong hawak kong vase ng walang pag-aalinlangan.







"S-sino ka?" Lakas loob na tanong ko. Halos tumalon ang puso ko sa lakas ng kabog nito. Rinig na rinig ko. Hindi sya sumagot, mahihinang daig lang ang naririnig ko mula sa kanya.







"Sino ka!" Pag-uulit ko, sa pagkakataong ito pasigaw na ako, ngunit hindi sya nagsasalita.







Napansin ko na hindi sya gumagalaw para lang syang tulog, puro mahihinang daing lang ang naririnig ko mula sa kanya, at kahit pag-galaw ay mukang hindi din nya magawa..








Mas lumapit pa ako sa kanya, at sinipa ko ng mahina ang legs nya, pero gaya ng nauna ay hindi talaga gumalaw.








Nang mapadako ang tingin ko sa paa nya ay dun ko napansin ko ang anklet sa paa nya, tinitigan ko yun ng ilang segundo, hanggang sa maalala ko kung sino ang nagmamay-ari ng anklet na yun. Kaya bigla kong nabitawan ang hawak kong vase. Mabilis ko syang nilapitan at hinawi ang buhok nya.







"Sage!"






"Sage! Anong nangyari sayo?!"







Tinapik ko ang magkabilang pisnge nya, dahan-dahang dinilat ni Sage ang mata nya, nakatitig lang sya saakin, namumutla, nanghihina at hindi ako sanay na makita sya ng ganon. Out of all the workers in the Aizenberg mansion, Sage was the tough person I knew. I couldn't bear to see her like that. I hugged her tightly at hindi ko na napigilan ang mapaiyak dahil sa pag-aalala.








Kahit na dito lang kami nagkakilalang lahat, napalapit na sila sa puso ko at tinuring ko sila bilang pangalawa kong pamilya. Muli kong tinawag ang pangalan nya..







"S-sage.. naririnig mo ba ako?" Halos mautal ako sa pagsasalita dahil nanginginig ang boses ko.








Hindi sya sumasagot, nakatingin lang sya saakin. Hinawakan ko ang isang kamay nya, ang lamig-lamig nya. Ilang sandali pa ay umubo sya at may lumabas na dugo sa bibig nya. I was so scared for Sage's life, It feels like my heart is being relentlessly crushed to see Sage in such a vulnerable state.







"Tatawagin ko si Aizenberg.."








Hiniga ko ng maayos ang katawan ni Sage sa sahig saka ako tumayo at mabilis na naglakad patungo sa room ni Aizenberg.







I was about to reach Aizenberg's room door when someone suddenly appeared. Nagkabungguan kami kaya napaupo ako sa sahig dahil sa lakas ng impact ng bunggo nya at ganon din sya.








"A-aaray..." daing ni Sue, sabay hawak sa balakang nya.








Mabilis akong tumayo dahil nasa isip ko si Sage. Wala akong oras na dapat sayangin, kaya kahit sorry ay hindi ko na nasabi pa kay Sue, basta nagpatuloy lang ako paglalakad. Nahalata ni Sue ang urgency ko kaya tinanong nya ako.








"Mamaya mo na ako kausapin Sue." Sagot ko lang habang nabang nagpatuloy sa paglalakad. Sinundan naman nya ako.








"Ano ba kasi nangyayari? Bakit ka ba nagmamadali?" Muling tanong nya. Habang hinahantay ko na pagbuksan ako ni Aizenberg ng pinto ay dun ko na sinabi kay Sue ang about sa kalagayan ni Sage. Pagka-sabi ko nun ay walang sabi-sabi si Sue na nagtungo sa Foyer kaya naiwan akong mag-isa dito sa labas ng room ni Aizenberg.








Pagbukas ni Aizenberg ng pinto ng room nya doon na ako napayakap at napahagulgol ng iyak. Nag-aalala syang nagtatanong kung bakit ako umiiyak. Agad ko naman na sinabi sa kanya ang kalagayaan ni Sage. Kaya walang sinayang na oras si Aizenberg agad kaming nagtungo sa foyer at dun, nakita namin si Sue na tinitignan ang sugat ni Sage.








"There is a possibility of internal bleeding, Patrice. May hematemesis." Seryosong saad ni Sue habang hawak ang pulsuhan ni Sage.







I slowly walked up to Sage. I reached her hand and held it tightly, hoping for some kind of response from her. But to my disappointment, she didn't react at all, which made me even more worried. Para syang patay na nanghihina.







"Tiff, get the key from my room's drawer, the fourth one," Aizenberg ordered. I nodded and immediately went to Aizenberg's room. I quickly spotted the drawer Aizenberg was referring to and opened the fourth drawer. Inside, there was only one key, the sole item in that drawer. I grabbed it and swiftly returned to the foyer.







"Patrice, we need to take her to the hospital." Paliwanag ni Sue, they seems like in a disagreement, dahil halata sa boses ni Sue ang pangungulit.








Umiling si Aizenberg, mukang ayaw nyang dalhin si Sage sa hospital. Binuhat nya si Sage ng walang kahirap-hirap saka nya ako inutusan na buksan ang basement door na agad ko namang sinunod.








"Tanga ka ba Patrice? Mamatay yung tao kung hindi pa natin sya dadalhin sa hospital. Anong klaseng doctor ka!" Protesta ni Sue. Pasigaw na din ang boses nya.









"Aizenberg, let's take Sage to the hospital, please..." pagkumbinse ko rin sa kanya, pero kahit na anong paliwanag ang sabihin namin ni Sue ay hindi sya nakikinig.








Sinundan namin si Aizenberg sa basement, at habang pababa kami mas lalong lumalakas ang amoy. Smell of death kung tawagin namin ni Coline. Naiiling si Sue at parang hindi sya makapaniwala sa kinikilos ni Aizenberg. Habang ako, tahimik na nagmamasid sa paligid.








Sa ibaba, may mga room at sa bawat pinto ay may nakasulat na German words kaya hindi ko maintindihan ang mga yun. Sa isang area ng basement ay napansin ko ang malaking machine at madami rin mga boxes. May mga pangalan na nakadikit ang bawat boxes. Isa dun napansin ko ang isang pamilyar na pangalan. Colonel Wagner. Napakunot ang noo ko dahil sa kuryosidad.








Dumako ang tingin ko kay Sue dahil lalapitan nya yung malaking machine, mukang curious din sya. Kaya naisip na first time lang din sya makapunta dito, at sa tingin ko din ay hindi rin nya alam ni Sue na may ganitong lugar sa Aizenberg mansion.








"Wait? Bakit may hydro-cremation dito?" Nagtatakang tanong ni Sue. Tinignan nya si Aizenberg, at nilapitan saka muling tinanong.







"Patrice, bakit may Hydro-cremation dito sa basement nyo? Don't tell me na......" halatang sa boses at muka ni Sue ang unting takot, pero kahit anong pilit nyang tinatanong kay Aizenberg ay hindi ito sumasagot.








Nagkatinginan nalang kami ni Sue saka sinundan si Aizenberg dahil pumasok ito sa isang room na nasa pinaka dulo.








Pagpasok namin sa room na yun, parehas kaming nahintuan ni Sue. My jaw dropped as I took in the sight of the entire room. Hindi ko alam kung maa-amazed ba ako o matatakot because this room was actually an Operating Room. Yes! there was an operating room. I rubbed my eyes, baka sakaling nanaginip lang ako, but it was all true. It was indeed an operating room, fully equipped with all the necessary tools and equipment.







"How... How is this p-possible? Tanging naibubulalas ni Sue, habang umiikot ang tingin nya sa buong paligid.







"Wow....." sambit ko naman..







"Why is there an operating room here, Patrice? And there's even a hydro-cremation facility? Are you involved in something illegal?" Sue asked. Her eyes filled with disbelief.







Tinignan ko si Aizenberg, hindi nya kami pinapansin ni Sue, it seemed like she couldn't hear anything. Her full attention was focused on arranging the surgical tools that would be used for Sage's operation.







"Are you just going to stand there, Suellen? Help me out here." Utos ni Aizenberg.







Hindi agad nakapagsalita si Sue, parang gulat parin sya sa mga nakikita at na didiscover nya. I know her thoughts, ganyan din ako ngayon. Mukang parehas lang kaming nagulat sa mga nadiscovered namin dito sa basement. Bukod kasi sa may OR, may cremation pa? Ano pa kayang meron sa ibang mga rooms?







Wtfff! Suddenly, bigla akong may naalala. I recalled the first time we saw the three guests went to this basement. It all makes sense now. That's probably why Coline and I smelled the scent of death when the three guests entered this place. It was possible that they were cremating someone's body here at that time. Biglang nagtayuan ang balahibo ko. Shit! Ayokong isipin.. pero hindi kaya yung thieves dito nila crenimate? At pati si Colonel Wagner.








Based on what Coline's told me, she killed Wagner because she was the mastermind behind the leaking of certain information related to the well-known casino. And that casino is being run by notorious syndicates. Nahintuan ako, that boxes? Hindi kaya mga bones nila yun.. oh my goodness! No!..








"Patrice, sagutin mo ang tanong ko. Bakit may mga ganito dito sa basement ng mansion mo?" Pangungulit ni Sue, naghahanap talaga sya ng kasagutan sa mga tanong nya.








"Mamaya mo na ako tanungin ng tanungin Suellen, pwede? pagkatapos nitong surgery lahat ng tanong mo sasagutin ko. Sa ngayon unahin muna natin ang pasyente." Halatang iretable na rin si Aizenberg dahil sa kaingayan ni Sue.








Kinuha ni Aizenberg ang surgical scissor at saka ginupit ang damit ni Sage. Nabaling ang atensyon ko sa sugat ni Sage. Ang daming dugo at patuloy itong dumudugo. Kaya muli nanaman akong nag-alala for Sage's life.







Kinalabit ako ni Sue, kaya nilingon ko sya. Bumulong sya saakin. Tinatanong nya ako kung alam ko ang about dito, ang sagot ko naman ay hindi ko alam. Yun naman kasi ang totoo. Ngayon lang din ako nakapasok dito.







"Tatayo ka nalang dyan Suellen? Kung hindi ka tutulong lumayas ka dito."







Napaismid si Sue, saka padabog na lumapit sa IV poles. Inayos nya ang IV fluids at saka nya kinabit kay Sage ang syringe na nakakonekta dun.







"Alam mong hindi ako Surgeon Pocky, isa akong radiologist kaya wag kang umasa na maghihiwa ako dyan."






"Mag-assist ka lang saakin."







"First-time na nga lang sumama sa OR tapos sa ganitong lugar pa, ang malala libre pa. Kung ginawa ko to sa Ospital siguro doble ang itataas ng sahod ko.." pabulong na reklamo ni Sue, pero rinig na rinig naman.








Huminto si Sue sa ginagawa nya saka bumaling ng tingin kay Aizenberg. Si Aizenberg naman naka-focus sa ginagawa nya. Halata sa muka ni Sue kaseryosohan.







"Sinasabi ko na sayo Patrice, pag ako mawalan ng lisensya dahil dito magkalimutan na talaga tayo bilang magkaibigan." Saad ni Sue.








"Iabot mo sakin yung forcep." Utos lang ni Aizenberg. Naiinis na kinuha ni Sue ang forcep saka inabot kay Aizenberg. Dahan-dahang tinanggal ni Aizenberg ang bullet sa sugat ni Sage. Isa sa tagiliran at bandang tiyan. Nang matanggal ang bullet nabulwakan naman ang dugo na lumalabas mula sa sugat ni Sage.







"Prepare yourself, Suellen. We are about to commence a surgical procedure to rectify Sage's internal structure." Aizenberg stated. " Hand me the scalpel." She ordered.







Agad na kinuha ni Sue ang Scalpel at inabot yun kay Aizenberg. Iniwas ko ang tingin ko nang sinimulan ni Aizenberg ang incision. Hindi ko kayang tignan, parang ang sakit. Hiwain ba naman yung balat hanggang laman.






"Gauze." Sambit ni Aizenberg.







Binigyan ni Sue ng sandamakmak na gauze si Aizenberg kaya nahintuan si Aizenberg at tinignan nya si Sue ng seryoso. Halata kasing nagdadabog ito at nanadyang mang-inis.







"Umayos ka nga dyan Suellen! Alam mong surgery itong ginagawa natin." Asik ni Aizenberg.







Mas lalo lang sumimangot si Sue. Napapailing tuloy ako kasi imbis magfocus si Sue parang naglalaro parin sya. Feeling yata nya joke lang yung kalagayan ni Sage.








"Alam ba nila Willow, Kyleen at Yain ang about dito sa basement?" Tanong ulit ni Sue. Nakita kong nag-ismid si Aizenberg. Mukang naiirita na talaga sya.







"Oo." Sagot nalang Aizenberg.







"Wow! So ako lang pala ang hindi nakakaalam. Parang hindi nyo ako kaibigan ah." Tila nagtatampong saad nya.








Tahimik lang si Aizenberg habang naka-focus sa ginagawa nya. Hindi ko tuloy maiwasan ang mas humanga sa kanya. Ganyan pala sya bilang Doctor Aizenberg. Ang cool nya at bagay din sa kanya ang maging doctor. Pero tingin ko mas gusto ko sya bilang Killer.... I mean Mercenary pala mas astig sya.







Dapat talaga sanayin ko na ang sarili ko na hindi sya tawaging killer kasi iba naman ang mercenaries. Ang Mercenary pumapatay para mabigyan ng maayos at tahimik na buhay ang victim ng mga syndicates o kaya magkaroon ng peaceful life ang mga civilian sila rin ang takbuhan ng intelligence pag mga critical situation na. Samantala ang mga Killer pumapatay para sa pansariling interest. Kaya magka-iba sila.







Nahintuan ako sa pag-iisip at napatingin sa ginagawa nila Aizenberg because the monitor is emitted a sharp, attention-grabbing sound. Nakita ko na nagmamadali si Sue na tinurukan ng kung anong gamot si Sage at pilit naman nirerevive ni Aizenberg si Sage.







My eyes were drawn to the vital signs displayed on the monitor. Sage's condition was deteriorating rapidly, with her vital signs showing signs of instability. The persistent bleeding from her wound only added to the gravity of the situation. Kinabahan ako, dahil alam ko na hindi na maganda ang nangyayari.







Lalapitan ko sana si Sage pero pinigilan ako ni Aizenberg. Kaya nahintuan ako at bumalik nalang sa pwesto ko gaya ng utos nya. Wala akong magawa para kay Sage. Kahit na gusto kong makatulong sa sitwasyon hindi ko naman alam ang gagawin ko.







Pinikit ko nalang ang mata ko saka nag-pray na sana makaligtas si Sage sa kamatayan. I'm so sad.. ayoko na napapahamak ang kahit na isa sa mga worker ng Aizenberg mansion. Malapit sila sa heart ko, dahil sila na ang naging family ko simula na dumating ako dito.








"Clear!" Tanging salita na nagpabalik saakin sa realidad, and that was Doctor Aizenberg's voice. Muli ko silang tinignan. She held the defibrillator paddles commonly used to revive patients.







"150 joules, clear!"






Aizenberg carefully placed the defibrillator paddles on Sage's chest, directly over her heart. However, as I looked at the monitor, it showed a flatline. In that moment, worry and sadness overwhelmed me. I started crying and begging to God for Sage's life.




Hindi na rin ako nagpapigil pa kay Aizenberg, nilapitan ko na si Sage. Hinawakan ko ang kamay nya at tinawag ang pangalan nya. Hindi ko alam kung nakakatulong ako, pero ang sabi noon ni Papa pagbinabangongot ang isang tao dapat ginigising at tinatawag ang pangalan nya para bumalik sya.




"S-Sage.... bumalik ka, wag kang bibitaw. Hinahantay ka namin ni Coline.." umiiyak na bulong ko sa kanya.




Naramdaman ko si Aizenberg na humawak sa balikat ko. Pinapabalik nya ako sa pwesto ko kanina. Sinunod ko parin sya dahil nakakaistorbo lang ako sa ginagawa nila. Nakatayo ulit ako sa gilid habang nakatingin sa ginanawa nila. Nakita ko na nagset ulit si Sue sa biphasic defibrillator in higher joules.




"200 joules, clear!"




After a moment, I heard the monitor's beat return to its normal rhythm. The sound brought a sense of relief to me, as if parang kalahati ng lungkot at pag-aalala ko nawala bigla.




"It's still not stable, a blood transfusion is needed," Sue said habang magkatinginan sila ni Aizenberg.




Nakikinig lang ako sa sinasabi nila, then I realizing that the situation was still uncertain. Sage's condition remained fragile. Dahil sabi ni Sue at Aizenberg kelangan ng blood transfusion para kay Sage.




"Who is the universal donor among you?" Sue asked me. Hindi ako nakasagot since I didn't know the blood types of the people here in the Aizenberg mansion.




"Si Yain, golden blood or Rh-null yun. Si Willow type B, parehas kami. Ikaw ba Patrice?" Tanong ni Sue kay Aizenberg.




"A." Sagot ni Aizenberg.





Napatingin silang dalawa saakin. Kaya napataas ako ng kilay.






"Ikaw kabit? Anong blood type mo?" Tanong ni Sue habang nakangiti.





"Uhm, O negative.." sagot ko.






Ngumisi si Sue at lumapit saakin, hinila nya ako papunta sa isang upuan at pinaupo malapit sa surgical bed kung saan si Sage nakahiga. May kung anong hose sya na inaayos. Tinusok sa vien ni Sage ang isang karayom. Then saka sya muling lumapit saakin.






"Now, close your eyes, Kabit..parang kagat lang ito ng langgam." Nakangiting saad nya. Napatingin ako sa hawak nya karayom na medyo malaki, kaya nainulak ko sya palayo saakin. Napaupo tuloy si Sue sa sahig.







"Anong gagawin mo saakin?" Seryosong tanong ko.





"Direct blood transfusion, vien-to-vien kayo ni Sage. Obvious naman diba?"






"Hindi pa nga ako pumapayag. Paladesisyon ka din sa buhay ko ah." Naiinis na asik ko sa kanya. Willing naman ako magbigay ng dugo pero nabigla lang talaga ako.







Tumayo si Sue at saka pinagpagan ang sarili nya. Kumuha din sya ng bagong surgical gloves para magpalit.







"Ikaw na kumausap sa jowa mo Patrice." Saad nya, saka umalis sa harapan ko.






Lumapit saakin si Aizenberg, pwumesto sya sa harapan ko at hinawi ang buhok ko na bahagyang humaharang sa muka ko. Nakatingin ako sa maganda nyang mata, nakita ko din ang pawis na namumuo sa noo nya. Hinawakan ni Aizenberg ang kamay ko saka nya hinalikan.






"Love, kelangan ni Sage ng dugo dahil madaming nawala sa kanya. Ikaw lang ang pwedeng magbigay sa kanya. Sa ngayon hindi parin sya stable.. anytime pwede syang mamatay kung hindi agad mapapalitan ang blood na nawala sa kanya."






"Alam ko Aizenberg.. nabigla lang talaga ako kay Sue kaya ko sya naitulak. But doesn't mean na hindi ko bibigyan si Sage. Kaibigan ko sya..silang lahat dito kaya walang dahilan para pagdamutan ko sya ng dugo ko."







Muling hinalikan ni Aizenberg ang kamay ko. Tinignan nya ang muka ko saka hinaplos yun. Matipid syang ngumiti saakin bago kinuha ang needle. Dahan-dahan nya yung tinusok sa balat ko papunta sa vien ko. Hinalikan ni Aizenberg ang noo ko bago sya bumalik sa pag-oopera kay Sage.










****




Kinaumagahan, nagtungo ako sa labas ng mansion para magpahangin. Tumila na ang bagyo naririnig ko na ang mga huni ng ibon. Tanghali na ako nagising, dahil puyat talaga kami. Thankfully naging maayos ang operation ni Sage at nakaligtas sya sa kamatayan. Ngayon nagpapahinga na sya sa room nya at binabantayan sya nila Coline at Mildred.






"Good morning beautiful."






Nilingon ko sya at Otomatikong gumuhit ang ngiti sa labi ko nang makita ko si Aizenberg. Lumapit ako sa kanya at malambing na yumakap. Yumakap din sya saakin.







"Okay na ba ang pakiramdam mo?" Tanong nya.







"Yeah, okay na ako." Sagot ko, kanina kasi nahihilo pa ako.







"That's great.." Matipid na sagot nya saka humalik sa labi ko. Nahintuan ako sabay tingin sa paligid. Baka kasi may makakita saamin.







"Aizenberg, baka may makakita saatin. Nakakahiya.."







Napa'pout sya saka medyo lumayo saakin. "Kinakahiya mo ako? Nakaka-sad naman.." Tila nagtatampong saad nya. Natawa naman ako saka lumapit nalang sa kanya at muling yumakap.







"Hindi kita kinakahiya. Proud na proud pa nga ako kasi killer ang jowa ko." Natawa sya sa sinabi ko kaya yumakap na rin sya saakin. I kissed her lips kaya napangiti sya.






"Mamaya, pupunta ako sa office ni Wolf. Samahan mo ako."






Kumalas ako ng pagkakayakap sa kanya. Tinignan ko ang magandang mata.






"Bakit?"





"Nahihiya ako.."






"Bakit naman? Si Wolf lang yun kaya wag ka mahiya sa kanya."







"Boss kaya sya ni Ate Aira."






"Ano naman?"






"Ngayon ko lang napansin boss kita, boss naman ni Ate Aira si Direk Wolf Aizenberg. Ang galing.."







"Hindi mo ako boss, girlfriend mo ako."







Pagkasabi nun ni Aizenberg, napayuko ako. Kinilig ako bigla. Minsan lang naman bumanat ng ganyan si Aizenberg pero para akong mahihimatay sa kilig. Sasaluhin kaya nya ako pagmahimatay-himatayan ako dito? Napahagikgik ako kaya tinawag ni Aizenberg ang pangalan ko.







"Namumula yung pisnge mo Tiff.."







"Huh?" Napatakit ako sa muka ko gamit ang palad ko. Pero itong si Aizenberg pilit na tinatanggal ang kamay ko na nakaharang sa muka ko kaya lumayo ako sa kanya. Sununod naman si Aizenberg saakin kaya mas binilisan ko pa ang lakad ko, at ganon din sya. Natatawa tuloy ako kasi para nya akong hinahabol. Nilingon ko sya, nakangiti naman sya mukang nang eenjoy din sya.







"Watch your step Love." Saad nya pero hindi ko sya pinansin.








Pagbalik ko ng tingin ko sa unahan may puno na pala na nakaharang sa dinadaanan ko kaya napaupo ako sa lupa habang hawak ang muka ko.









"I told you diba..." saad ni Aizenberg. Nilapitan nya ako at tinignan nya ang muka ko. Mahapdi ang ilong ko at noo. Feeling ko may sugat ako dun.






"May gasgas ka sa ilong at noo."







"Bwisit talaga tong puno na to." Bulalas ko, sabay tayo at sinipa ko yung puno. Napahawak nanaman ako sa paa ko dahil nasaktan ako. Naiiling nalang si Aizenberg dahil sa pinag-gagawa ko.







Bumalik kami sa Aizenberg mansion, gising na din si Sue, kumakain sya sa dining area habang sina Police Captain Lèandre at Attorney Montemayor naman tahimik lang na nakatingin sa kanya.







Alam ko na nagtatampo parin si Sue kina Aizenberg dahil sa kanilang magkakaibigan si Sue lang ang walang alam. Ang kwento kasi ni Sue saakin kagabi habang nasa basement kami. Alam naman nya na leader ng elite organization ang Lolo ni Aizenberg sa katunayan member pa nga daw buong family nya sa Elite organization na yun. Pero hindi nya akalain na may Aizenberg Mercenary Organization. At mas lalong hindi nya alam na leader ng mercenary si Aizenberg, at lahat ng mga kaibigan nya alam, sya lang talaga ang hindi sinabihan. Nagtatampo talaga sya mga kaibigan nya.







"Sue, sorry na.. hindi lang talaga namin nasabi sayo kasi madaldal ka." Saad ni Attorney Montemayor.








"Kapal ng muka mo Willow, mas tarantado ka pa nga saakin." Sagot ni Sue.





"Isa kapang hakdog ka. Akala ko police ka lang yun pala dami mong sekreto sa buhay." Baling naman nya kay Police Captain Lèandre.







Maya-maya pa, dumako na ang tingin nya saamin ni Aizenberg, magkatabi kasi kami habang nakatayo.








"Isa ka pa! Muka ka lang mabait pero yakusa ka pala. Pati yang si Kyleen doctor pala yan ng mercenary nyo. Ewan ko nalang sa inyo pagmalaman nila Belle at Kalie mga kagaguhan nyo. Yung si Blaire ang tagal nang hinahanap yun. Nagluluksa ang pamilya nya dahil pinalabas ng magaling na tatay ni Yain na patay na yung tao. Yun pala tinatago nyo lang? Ikaw Willow hindi ka naaawa kay Belle sa asawa mo? Ikaw Patrice best friend mo si Belle diba? Naaatim mo? Kayo ni Kyleen. Ikaw Yain? Ikaw ang inutusan na hanapin si Blaire diba? Kunwari ka lang pala na naghahanap. Kasi ang totoo alam mo exactly kung nasaan sya. Nakakahanga talaga kayo. wow na wow!" Sermon ni Sue sa mga kaibigan nya. Sarkastikong pumalakpak pa sya.







"I'm sorry Sue.. May mga kelangan kami protektahan kaya namin ginagawa to." Saad ni Aizenberg.








"Babalik naman si Blaire, kusa syang uuwi sa bahay nila. May tinatapos lang sya na mission. Kelangan nya kasi iiwas ang sarili nya sa mga taong importante sa kanya para hindi sila mapahamak." Paliwanag ni Police Captain Lèandre.







"Si Blaire mismo ang nakiusap saakin na wag kong sabihin sa family nya.." dagdag naman ni Attorney Montemayor.








Tahimik lang ako nakikinig. Sino ba si Blaire? Mukang related sya kay Doc. Violet at Ms. Kalie dahil yun ang sabi ni Sue. Wala naman kasing worker dito na may pangalang Blaire. Muling bumaling ang atensyon ko kay Sue. Nagpapaliwanag parin sina Attorney Montemayor sa kanya pero hindi na sila pinansin ni Sue.







Tumayo si Sue, at saka naglakad palayo saamin. Napabuntong hininga nalang sina Aizenberg habang sina Attorney Montemayor at Police Captain Lèandre nagkatinginan nalang.








"Mawawala din ang tampo ni Sue sa inyo kaya hayaan nyo muna sya na magpalamig." Bulong ko kay Aizenberg.







"Tama ka.. nagtatampo talaga sya."








Sumama ako kay Aizenberg sa room ni Sage para icheck ang sugat nya. Tulog parin si Sage. Ang sabi ni Aizenberg gigising din daw si Sage kaya hantayin lang namin. Napatingin ako sa punit na papel na nasa ibabaw ng side table ni Sage. Kinuha ko yun at tinignan.








"Ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan.." basa ko mula sa nakasulat. May bahid din yun ng dugo. Napaisip tuloy ako, saan kaya galing si Sage sa ilang buwan na nawala sya sa Aizenberg mansion.








Inangat ko ang tingin ko dahil napansin ko na nasa harapan ko na si Aizenberg. Tinignan nya ang hawak kong kapirasong papel.








"Saan kaya galing si Sage? Bakit kaya sya may tama ng baril?" Tanong ko.








Binaling ni Aizenberg ang tingin nya kay Sage bago muling binalik saakin.








"Wag mo na isipin kung saan sya galing. Importante nakabalik sya." Saad ni Aizenberg.








Kinuha nya ang kapirasong papel na yun mula sa kamay ko saka binalik sa ibabaw bed-side table. Muling tinuon ni Aizenberg ang atensyon nya saakin. Nakatitig sya sa mga mata ko. Her beautiful grayish expressive eyes. I could see the desire in them. It felt like I was melting under her gaze. Every time I saw those eyes, I felt weak, as if she could make me follow her every whim.








Please... don't look at me like that, because every time you do, you captivate me.








"I still can't believe that you are my girlfriend now. I'm glad dahil kusa kang lumapit sa territory ko. You gave me the chance to be happy and accepted me for who I am. I love you, Tiffany Suzanne."






"I love you too.. Patrice Asher."







Aizenberg's gentle lips met mine, I respond in her kiss with equal fervor. Her warm touch on my neck sent shivers down my spine. Yumakap ako sa kanya, para magdikit ang katawan namin. I could feel the electrifying sensation rushed through my veins. I feel so hot, ang sarap ng halik nya. I couldn't help but let out a soft moan as her kisses moved to my jaw. Aizenberg lifted me effortlessly and pressed me against the wall. I instinctively wrapped my legs around her waist, drawn to her magnetic presence, as her hand rested on my butt.







Aizenberg's kiss returned to my lips. She pressed her lips against mine and inserted her tongue inside my mouth. Our tongues slammed together as Aizenberg put her hand inside my clothes and I felt her warm touch touching every part of my body. I let out a soft seductive moan as she started to touch and squirm my breasts. I felt ticklish sensation coursing throughout my entire being. Gosh! Nakakapanghina ng kalamnan, sumisikip ang puson ko.







I embraced Aizenberg as our lips parted. Aizenberg tenderly teased my nipple, gently playing with it using her index finger. I let out a soft moan when Aizenberg kiss my neck and licked my lips. My gaze shifted towards the bed, and my eyes widened when I noticed Sage watching us.







Oh no! She's awake.








I try to call Aizenberg's attention kaso walang boses na lumalabas sa lips ko. Kaya mahinang pagtapik nalang sa shoulder nya ang ginawa ko kaya nahintuan si Aizenberg.







"Ibaba mo ako Aizenberg.." utos ko sa kanya nang tuluyan ng bumalik sa wisyo ang sarili ko. Sinunod naman nya ang utos ko kaya inayos ko agad ang sarili ko.







Si Sage nakatingin parin saamin habang hawak nya ang tyan nya, bakas din sa muka nya na nasasaktan sya, marahil dahil sa sugat nya baka nawala na rin kasi ang effect ng anesthesia.







Nang lumingon si Aizenberg sa kanya, ay kaswal lang itong lumapit at tinignan ang sugat nya. Tumingin ulit saakin si Sage kaya napayuko ako ng tingin. Nakakahiya, nakita nya kami ni Aizenberg ng ganon ang ginagawa namin. Gosh! Parang gusto kong lumubog sa kinakatayuan ko dahil sa hiya.










Pagdating ng hapon, nagbiyahe kami papunta sa office ni Direk Wolf. Nanlalamig ang kamay dahil sa tense. Ewan ko ba kung bakit ako kinakabahan eh sabi naman ni Aizenberg hindi kami magtatagal. Kelangan lang kasi ni Aizenberg umattend sa meeting dahil isa sya sa share holder ng The Berg Entertainment.







Habang nagdidrive si Aizenberg, hawak nya ang isang kamay ko at inamoy yun. Hindi nya binitawan ang kamay ko hanggang sa makarating kami sa building ng The Berg Entertainment. I was so amazed dahil sa ganda ng building. Gawa sa tinted glass ang wall nito pero pagpasok mo sa loob ay puti naman interior. Sobrang linis at ang dami din na magaganda at gwapong mga artista ang naglalakad sa loob.








Sinamahan kami ng isang staff sa elevator. Umakyat kami sa pinaka top ng building dahil doon ang office ni Direk Wolf Aizenberg. Pagdating namin sa top ng building ay saka kami sinalubong ng secretary ni Direk Wolf. Grabe, parang nahiya ako bigla dahil sa VIP treatment saamin. Samantala noong pumunta sya sa Aizenberg mansion, hindi man lang namin sya naasikaso tapos pinalayas pa namin ni Aizenberg.




"Director Wolf, Doc Aizenberg is here now."







Lumabas si Wolf sa isang pinto. Nakangiti syang bumati saamin. Niyakap din nya si Aizenberg bago bumaling saakin ng tingin.




"Hi Miss Butler? I saw your billboards. You look so beautiful." He smiled and extended his hand for a handshake. I smiled politely and shook his hand.






"Well, well, well, the face of Lèandre Couture. Ms. Kalie definitely has an eye for beauty. Marunong sya kumilatis." He complimented.







I smiled awkwardly, I'm not comfortable dahil kanina pa sya nakatitig saakin at hindi nya binitawan ang kamay ko. Aizenberg clear her throat.






"Yung kamay mo Wolf, kanina ka pa nakahawak sa girlfriend ko." Seryosong saad ni Aizenberg. Napatingin si Wolf sa kamay ko saka nya binitawan.






"Oh.. I'm sorry."






Sinamahan kami ni Wolf sa couch at pinaupo, binigyan din kami ng secretary nya ng tea. Tahimik lang akong nakaupo habang nakikinig sa usapan nila. Hindi ko din naman maintindihan dahil german ang language nila.







Paglipas ng ilang minuto muling bumalik ang secretary ni Wolf para sabihin na dumating na ang mga investors at ang board members. Kinausap ako ni Aizenberg na maghantay lang sa office ni Wolf dahil may meeting lang daw sila. Tumango lang ako, bago sila tuluyang umalis hinalikan pa ako ni Aizenberg sa lips.







Naiwan akong mag-isa dito sa office ni Direk Wolf, sinabihan ako ng secretary nya na pag may kelangan ako magsabi lang daw ako at wag daw ako mahihiya. Kaso ako talaga yung taong hindi napipirmi sa isang lugar kaya nagsabi ako sa secretary na pupunta lang ako sa lobby nitong building. Pumayag naman sya kaya hinatid nya ako sa elevator.







Sa lobby, may Cafe Bianca, kaya nagtungo ako sa café at nag-order ng machiato. Pagtapos kong mag-order umupo lang ako sa isang upuan sa gilid. Nag Selfie din ako at nagpost sa instagram ko. Sinama ko din sa post ko ang logo ng The Berg Entertainment kaya ang daming nagtanong sa comments kung magsi-sign ba raw ako ng contract under Berg Entertainment. Natatawa ako habang binabasa ang mga comments nila. As if naman, hindi nga ako marunong umacting.







Ilang saglit pa, dumating ang machiato ko, binabasa ko parin yung mga comments grabe may mga bashers talaga ako. Sabi hindi daw ako bagay sa Berg entertainment dahil hindi naman ako kagandahan. Tapos meron pang nagcomment na hindi naman daw ako sikat. Lèandre Couture lang naman daw ang exposure ko. Tama naman sya, hindi talaga ako sikat, alam ko yun sa sarili ko kaya nga hindi ako nasasaktan sa mga sinasabi ng bashers. Pag ganyang mg komento hina'hide ko nalang.






"Tiffany?"






Nilingon ko ang taong tumawag sa pangalan ko. Si Ate Aira!





"Ate?''




Hinila nya ang upuan sa harapan ko saka sya umupo. Nilapag ni Ate Aira ang bag nya sa table bago muling bumaling saakin ng tingin.






"Anong ginagawa mo dito?" Tanong nya.






"Sinamahan ko si Doc. Aizenberg dito,may meeting kasi sila."






"Ganon ba..Kamusta ka na?"






"Okay lang ako Ate, maayos naman ang buhay ko sa Aizenberg mansion. Pinapayagan parin ako magpartime ni Doc. Aizenberg sa Lèandre Couture."






Ngumiti si Ate Aira, saka tumango.






"I'm proud of you Tiff, nakita ko ang mga photos mo sa page ng Stella dash and Lèandre Couture. Yung mga billboards mo nagkakalat sa buong Philippines.. tuwing nakikita ko ang mga yun sobrang proud ako dahil kapatid ko ang nasa billboards." Nakangiting saad ni Ate Aira.






Para akong nanaginip. I was so speechless, parang hindi si ate Aira ang kaharap ko ngayon. Gusto ko tuloy maiyak at yakapin sya.






"A-ate, namimiss na kita. Miss na miss ko na kayo nila Papa at Mama." Hindi ko na napigilan ang umiyak. Tumayo si Ate Aira at lumapit saakin. Mas lalo pa akong napahagulgol ng iyak nang maramdaman ko ang pag yakap nya.







"I'm sorry, Tiff, for not being a good Ate to you. I used to blame you whenever I had failures. I'm sorry for always taking it out on you. I'm so sorry."







"Ate..." Halos hindi na ako makapagsalita, tanging 'Ate' nalang ang nasambit ko habang magkayakap kaming magkapatid.







Ilang minuto din kaming nag-usap ni Ate Aira. Nalaman ko mula sa kanya na may cancer si Mama kaya ngayon nagpapagamot sya. Sinabi din saakin ni Ate Aira na humiwalay na sya ng bahay. May boyfriend daw sya ngayon na isang businessman na naka-base sa Europe. Binilihan kasi sya ng boyfriend nya ng condominium kaya doon na sya ngayon nakatira. Binigay din nya saakin ang address para daw sa day off nya magbonding daw kami. Ang saya-saya ko kahit saglit lang kami nagkausap ni Ate Aira. Lalo syang gumanda tapos ang bait na nya.






Tinawag na si Ate Aira ng personal assistant nya dahil may taping pa sya para sa next episode ng tele-serye nya. Bago sya umalis binigay nya saakin ang number nya. Nagselfie din kaming dalawa at pinost nya yun sa instagram nya. Iba talaga ang saya pag nagkakasundo kayong magkapatid.






"Mein Herz.." (*My love)-german.






"Aizenberg!" Mabilis akong tumayo at niyakap sya. Sobrang excited akong nagkwento sa kanya about kay Ate Aira. Nakita ko sa face ni Aizenberg na masaya sya para saakin.







"Pag gusto mo sya makita, pwede natin sya puntahan dito." Saad ni Aizenberg.







"Talaga? Thank you Aizenberg!"







Sa sobrang saya ko hinalikan ko si Aizenberg sa lips at niyakap sya ng mahigpit. Then suddenly, narealized ko nalang ang actions ko nang makita ko na may nagpicture saamin ni Aizenberg at mukang may mga nakalive pa sa social media.






"Shit! Patay ako nito kay Ms. Kalie." Mahinang sambit ko.







"Why? May nagawa ka bang mali?" Tanong ni Aizenberg.







"Aizenberg I kissed and hugged you in public. Look at those people they taking pictures of us."







Napasapo ako sa muka ko. Naluluha ako dahil siguradong magtetrending ako nito. This is something that Ms. Kalie always reminds us of - that we should be mindful of our actions, especially in public, if we don't want our careers to be ruined.










Pagdating namin sa mansion, agad na sumalubong saakin si Coline. Binalita nya saakin na trending ako ngayon sa social media. Some of fans defend me lalo na yung mga pro-lgbtq pero madaming nagalit saakin na fans. I also noticed that my Instagram followers had decreased, while Ms. Kalie and Ms. Koa kept calling me non-stop. My hands trembled as I let go of my cellphone and sat down on the couch. Naiistress ako, kasisimula ko pa nga lang sa carrer ko tapos ito na agad.




I couldn't hold back my emotions any longer, and I started crying uncontrollably. Aizenberg approached me and took my cellphone, turning it off. Pinagsabihan din nya sina Coline na wag pag-uusapan ang issue na yan sa loob ng Aizenberg mansion. It made me realize how quickly news spreads and how a simple comment or backlash can ruin your career in an instant.





"Phippa.."






"Yes Doc. Aizenberg?"






"Linisin mo ngayon ang social media."






"Roger, Doc." Sagot ni Phippa habang nakangiti. Then saka sya umakyat sa itaas. Sa tingin ko pupunta sya ng 4th floor.






Bumaling ang tingin ko kay Aizenberg. I cried as I hugged her. I was feeling extremely stressed. I haven't been careful, and I feel so foolish. Now, even Aizenberg got involved because of my own stupidity.






"I'm sorry Aizenberg, nadamay ka pa dahil saakin."






"It's okay, it doesn't bother me. You're the one I'm worried about. You're under so much stress."






"I feel stupid. I didn't even watch my actions."







"Don't dwell on it. Soon, the videos and pictures will disappear from social media, and tomorrow there will be new trends to focus on. Phippa will handle the task of cleaning them up," Aizenberg reassured.







Tumango nalang ako bilang tugon, pero kahit na ano pang sabihin ni Aizenberg para kumalma ako hindi ko magawa. Baka bigla nalang akong tanggalin sa Lèandre Couture nito. Ayoko na mawala saakin ang modeling career ko, pinaghirapan kong buohin ang pangalan ko. Ayoko na mapunta sa lahat ang mga pinaghirapan namin.







Nagtungo ako sa room ko, tulala parin ako habang nakaupo sa bed. Hindi ko ma-check ang social media. Maya-maya lang may kumatok sa pinto ng room ko. Tumayo ako at nilapitan yun para buksan.







"Tiff... sorry gabing-gabi na inistorbo pa kita."







"Okay lang Phippa, hindi pa naman ako inaantok... bakit ka pala nandito? May kelangan ka ba?"






Binigay nya saakin ang isang cellphone.







"Check your social media now. Wala na yung mga videos and pictures nyo ni Doc. Aizenberg habang nagkikiss. Naglagay na din ako ng bagong issue para matuon ang pansin nila dun."







I quickly grabbed my cellphone and checked each platform - Facebook, Stargram, Instagram, TikTok, and YouTube. Our photos and videos were indeed gone. I blinked in disbelief, unable to comprehend what was happening. I looked at Phippa again, and she just smiled at me.






"How did you do that?"






"It's my job as a Aizenberg Mercenary strategist. I have the ability to manipulate social media with just one strategic move."







"Wow, grabe ka Phippa.. ang galing mo."






"Go ahead and post a selfie. You'll see, it will receive one million likes by tomorrow. I possess the expertise to manipulate likes, views, and followers. If there's an artist or influencer they want to promote, I can effortlessly make them trend, as it is my role in the Aizenberg Mercenary Organization."







"Wala akong masabi Phippa. Grabe ka.. parang ginugulat nyo ako palagi." Nilapitan ko si Phippa at niyakap ko sya saka nagpasalamat sa kanya. Ngumiti naman sya saka nagpaalam na saakin dahil matutulog na daw sya.







Nang umalis si Phippa humiga na din ako sa bed ko. Gumaan na ang pakiramdam ko. Grabe, wala akong masabi sa Aizenberg organization. Ang gagaling nila. I never expected Phippa to be so talented. Madalas kasi sya pagalitan ni Tina lalo na pag pinaghahalo nya ang de-color na tablecloths sa puting tablecloths nagkakahawaan kasi.






Napangiti ako at muling tinignan ang instagram ko. I noticed that there were other trends now. An actress getting pregnant, the president's son caught partying in America using taxpayers' money, and a tragic incident in a church where everyone inside perished in a fire. It was said to be an inside job, as someone witnessed a sacristan buying gasoline from a gas station. Now, they are in police custody. Phippa came to mind once again. Ang galing nya, nagawa nyang lahat ito.


Continue Reading

You'll Also Like

19.1K 813 10
📌COMPLETED pdf available (P300 via Gcash)
10.8K 434 33
In a bustling corporate world, meet Gelo, a stern and disciplined CEO with a reputation for being an ice-cold boss. Enter Isabella, her efficient an...
14.7K 648 16
In the world full of Greedy, Lust and Desire of those people who are existing in this world. Billions of people are has their own aspects of greedy a...
524K 7.6K 21
SUPER SLOW UPDATE Audrianna - anak ng may ari ng university. Spoiled brat, party goal luck, flirty, bitch at girlfriend ng isang basketball varsity p...