Mendrick series 1: GOOD LOCK

Por Lucid_Muju

17 3 0

Isang babae na nabuhay sa isang impyerno. Simula ng mamatay ang kanyang ina na umampon sa kanya. Sinisi siya... Más

MS- Chapter 1 ( FRIENDS )
MS- Chapter 2 (- INVITATION -)

PROLOGUE

6 1 0
Por Lucid_Muju

°⁽⁠⁽⁠ଘ⁠(⁠ WARNING )⁠ଓ⁠⁾⁠⁾°

Hindi pa ito na e- edit kaya maraming maling gramatika. Huwag gagayahin at gawin sa totoong buhay dahil isa lamang itong  kathang isip. Ang mga naka sulat dito ay pawang gawa gawa lamang.

皿。☬。☬。☬⁠。皿

Shawn Mendes- Kilalang kilala sa mundo ng mga krimen. Isa lang naman siyang Hari ng Mendrick group. Ang pinaka unang bata na na muno sa isang grupo. Sinimulan niya ito sa edad na 15 years old.

Misty Stone- Isang ordinaryong dalaga na inampon ng isang milyonaryong si Mr. Florin Stone. Dahil gusto ng asawa niya na mag karoon ng babaeng anak. Nagbago ang lahat ng mamatay ito. Tinatrato na itong parang basura kapag sila ay nasa loob ng bahay. Kapag nasa labas naman ay para silang mabuting tao kapag siya ay kanilang kasama..

Makakabuti ba ang pagdakip sa kanya o mahuhulog lang siya sa isang patibong ng pag ibig na hindi na niya kayang iwasan? Magbabago ba ang kanyang buhay o mas lalo lang siyang papahirapan?

皿。☬。☬。☬⁠。皿

" MISTY, napakagandang pangalan bagay sayo" ulit niya na may magandang ngiti sa kanyang mga labi.

Isa siyang may tao na may mahabang buhok, may magandang kayumanggi na mga mata. Nababagay iyon sa makinis niyang balat. Pagkakamalan itong dalaga kung wala itong  kulubot sa mata.

" Uh... Salamat po." Sabay ngiti ng dalagita.

Alam niyang hindi nanaman siya makakatagal dito dahil maraming mag asawa na ang nagbalik sa kaniya sa bahay ampunan dahil dalaga na 'daw' siya.

Eh labing tatlong gulang pa lang siya! Mukha lang naman! Kala nila niloloko sila.

Niyakap ng magiging nanay niya  ang asawa.
" Salamat sa magandang regalo Florin! The best katalaga lagi mo nalang akong sinosurpresa!"

Niyakap naman siyang pabalik. " Basta ikaw asawa ko" ngiti niya at nagyakapan sila.

" Ayan nanaman kayo sa ka cheesy- han niya màmà at pàpà." Saad ng lalaking pababa sa malaking hagdan.

Matangkad, gwapo, at mukang masungit! Naka uniform ito at halatang kolehiyo na at papasok sa eskwelahan. May dala kasi itong itim na bag.

Makakapag aral din kaya ako?_

" DITO ang iyong kwarto binibini. Nasa loob na din po ang mga gamit niyo. Tawagin niyo nalang po kami kung kailangan niyo kami." Saad ng manang habang may ngiti sa mga labi. Muka naman siyang mabait.

" Sige po salamat." Sagot niya at ngumiti.

Tumungo ang manang bilang sagot. Sinarado nadin niya ang pinto.

Pinagmasdan niya ang buong kwarto. Kulay rosas at puti ang mga gamit. Malaki ang kama. Hindi pa siya nakakaranas nito noon. Meron ding maliit na balkunahe na mayroong isang maliit na lamesa at may kasamang upuan.

Maganda dito magbasa.

Tinignan niya ang paligid pagkarating niya sa balkunahe.

Ang ganda naman dito! Sana magtagal ako dito! Maraming mga halaman at bulaklak.

Nakangiti siya habang ninanamnam ang simoy ng hangin. Kinuha niya sa kanyang lalagyanan ng gamit ang tanging libro niya. May pagkaluma na ito at halata ang katandaan. Makapal ang libro. Binigay ito sakanya ng isa sa mga madre sa ampunan, tinuruan din siya doon mag basa. Ayun na ang nakahiligan niya. Marami siyang natutunan sa mga madre. Ayun lang kase ang kinakausap niya dahil may kwenta silang kausap.

Hindi niya pa ito tapos kase kakabigay lang ito sa kanya ng madre. Patago itong binigay sa kanya dahil tungkol ito sa pag iibigan ng mafia na lalaki at anak ng president na babae. Sinabihan naman siyang huwag gagayahin iyon dahil masama ang mga yan. Paborito ng madre na iyon ang librong ito. High school student daw siya ng makuha niya ito. Ibinigay niya kay Misty para may panglibang siya.

Akalain mo yun, madre pa nagbigay.

Simulan niyang magbasa sa balkunahe dahil malamig doon at may sariwang hangin. May ilaw din sa labas dahil maaga pa lang. Pinatay niya din ang lahat ng ilaw sa loob ng kwarto niya. Ayaw niyang masabihan ng nagsasayang ng kuryente.

Bigla siyang tumawa dahil sa librong binabasa niya. Minsan napapasinghap siya at tatawa ulit. Kapag may nakakita sa kanya pagkakamalan siyang baliw, pero wala naman siyang paki sa iisipin nila. Isipin nila ang gusto nilang isipan.

Ililipat na sana niya ang pahina ng may ngiti sa labi ng biglang may kumatok. Agad niyang tinago ang libro niya at inayos ang sarili bago humarap sa pinto at binuksan ito.

" Sorry baby Misty, hindi kita nasamahan papunta dito sa kwarto mo e- kasi naman yung daddy Florin mo." Nakanguso niyang saad.

" Ayos lang ba yung kwarto? May ayaw kaba? Bakit madilim? Pwede bang pumasok?" Sunod sunod na tanong niya at agad namang tumango si Misty.

Ngumiti si Mrs. Stone at pumasok, sinara din niya ang pinto. Binuksan niya rin ang ilaw.

Nakipag kwentuhan sa kanya ang nanay-nanayan niya. Mabait ito at mukang madadal rin. Nasabi niya rin na ang pangalan niya ay Melon. Doon daw kase siya pinaglihi ng mama niya. Ayaw na ayaw niya naman iyon. Lagi siyang inaasar ng mga kaklase niya noon, kasama yung asawa niya at hindi inaasahan na sila ang magkakatuluyan. Natawa nalang ako sa pinagk- kwento niya. Masaya siyang kausap.

Marami pa siyang kinuwento sakin. Katulad ng may dalawa siyang anak na lalaki tapos hindi na nasundan dahil hindi na niya daw kayang mabuntis saad ng doctor. Kaya agad siyang nalungkot, gusto niya kasi ng anak na babae, mabuti nalang daw nandito ako. Nalungkot naman ako pero nawala rin ng palitan niya ng topic. Sabi niya yung asawa niya raw lahat ng gusto niya binibigay sa kanya. Kaya masaya siya.

Masaya...

" IKAW ba baby Misty ko? Ano ma ik- kwento mo sakin? Gusto ko marinig!" Nag-aabang nitong saad. Hinayaan ko nalang sabihan niya kong baby Misty baka kase malungkot siya.

Kinuwento ko naman sa kanya lahat ng kaya kong ikwento. Katulad nalang ng pagpabalik-balik ko sa ampunan dahil muka akong hindi trese anyos. Yung pagbigay sakin ng mama ko sa ampunan.

" Atsaka po mahilig akong magbasa! Tinuruan po ako ng madre! Yung romance po. Kinikilig po kase ako doon. Hindi rin po ako mahilig manood ng ganoon, kasi mas gusto ko pong basahin!" Masaya kong saad. Pumapatanatag na ang loob niya kay Mom-melon. Mommelon siya mismo ang gumawa noon, napapabusangot naman ang muka niya kapag sinasabi yon. Kaya pinipigilan nalang ni Misty ang pag tawa.

" Gusto mo ba lagyan ko dito ng book shelf? Pwede din tayong mamili ng libro! Mahilig din ako sa libro eh. Pwede ko din ipahiram sa iyo yung tapos ko ng libro. Ibibigay ko nalang sayo yun!" Ngiti niyang saad.

" Talaga po? Salamat po! Huwag niyo na po akong bilhan. Ano nalang po, yung libro niyo!" Saad ng dalagita.

Mas humaba pa ang pag uusap nila hanggang may kumatok sa pinto.

" Excuse me ma'am, kakain na daw po kayo." Saad ng manang sa labas.

LUMIPAS ang pitong buwan at naging close na ang dalawa. Paminsan minsan niya lang nakakausap ang tatay- tatayan niya, dahil lagi siyang hinihila ni Mommelon para sila ay magkwentuhan at gumawa ng mga bagay-bagay, katulad ng pagluluto, pagtatanim ng bulaklak, pagpipinta, at iba pa. Yung dalawa din yang kapatid' na si Adriel at Myle. Yung una niyang nakita ay si Myle at nalaman niyang kambal ang dalawa. Pero hindi sila magkamuka.

Si Adriel ay ang pinaka seryoso, hindi din mahilig makipag usap, parang laging galit sa mundo. Mahilig din siya sa libro mana kay Mommelon. Hindi siya mahilig lumabas at hindi siya close sa tatay niya. Napapansin yoon ni Misty.

Si Myle naman ang kabaliktaran niya. Hindi mahilig sa libro, laging nakangiti, kinakausap si Misty as in kinakaibigan pa siya, at laging gimik ng gimik kasama ang mga kaibigan niya. One time ay gusto niyang isama si Misty pero umayaw ito kase ayaw niyang lumalabas at ayaw niya din sa madaming tao. Wala naman nagawa doon si Myle.

Sa muka naman ay si Adriel ay makapal ang  kilay at may maninipis na labi. Madami siyang nakuha sa ina niya. Kay Myle ay manipis na kilay na galing sa ina niya at may makapal na labi. Natural ang pulang kulay ng mga labi nila at parehas silang dalawa na matangos ang ilong. Kung sino man ang pag babasihan ng tama ay mas gwapo si Adriel.

Pinapapasok na rin siya sa eskwelahan noong mag isang buwan palamang siya roon. Sobrang saya niya naman. Pinaghandaan niya kase iyon. Kumuha siya ng exam sa una at nakapasa naman siya. Mabuti nalang tinuruan siya ni Mommelon. Dati raw itong guro nasabi niya sa dalaga.

" Baby Misty! Welcome back!" Patakbong lumapit sa kaniya si Mommelon at niyakap siya. Niyakap niya din ito pabalik kahit ramdam niya ang pagod. Nawala din ito ng makita niya ang ngiti ni Mommelon.

Ganoon pala ang pakiramdam ng yakap ng ina.

" Good afternoon po Mommelon" ngiti kong saad at humiwalay sa yakap.

" Kamusta ang school? May nang- away ba sayo? Resbakan natin!" Sabi niya na parang handa na sa digmaan.

" Okay lang naman po ako sa school. Wala din pong umaaway sakin. Kung meron man tinuruan niyo naman po ako lumaban." Saad ng dalagita at umupo sa harap ng lamesa. Kinuha naman ni Mommelon ang gatas at cake na dala niya.

" Hmm, tama! Kapag meron abangan natin sa gate!" Saad niya at nilagay ang pagkain sa harap niya. Sabay suntok sa hangin at sipa ng mataas.

" Ito pala ang favourite mong cake! Gawa ko yan!" Sabay kuha niya ng sariling plato at may cake. Nalaman niya na favorite ko yun dahil na halata sa muka ko na nagustuhan niya yung cake nung welcome party sakin. Hindi naman ganun ka gara. Yung salo salo lang. Coffee kase lasa noon.

" Aalis tayo mamaya pupunta sa National book store! Bibili ako ng new book at bibilhan nadin kita!" Masaya niyang saad habang kumakain.

" Syempre pahinga ka muna." Dagdag niya.

" Manang Muju! Pakiutos nga sa itos nga sa ibang maid ang bag niya ilagay sa kwarto niya. At pakidala na din sa kwarto ni Misty ang dress na inorder ko kahapon! Salamat manang Muju!" Saad ni Mommelon.

Pagkatapos namin kumain ay agad kaming pumunta sa kwarto ng dalaga habang nag k- kwentuhan.

" Ayan bagay sayo! Color blue talaga bagay sa kaputian mo ganda naman ng baby ko!" Saad ni Mommelon habang nakaupo at pinagmamasdan ang dalaga na nasa harap niya.

" Salamat po." Saad niya. Masaya siya ngayon dahil makakasama niya si Mommelon gumala. Siya lang naman ang gusto niyang kasama kung lalabas man.

" Terno tayo tignan mo" pinakita ni Mommelon sa kanya ang hawak niyang dress na kulay berde ngunit parehas lang ng design katulad ng kay Misty.

Lalong natuwa ang dalagita dahil ito ang unang beses na may makakaterno siya ng damit at si Mommelon pa talaga. May mas sasaya paba sa paglabas kasama siya? At bibili pa sila ng parehas nilang hilig. Sana bumagal ang oras para mas maramdaman niya ang saya.

PAGKATAPOS nilang mag bihis ay inayos na nila ang kanilang sarili at nag pabango. Nag make-up naman si Mommelon. Hindi si Misty nag make-up dahil nalaman niya na allergic siya roon. Nalaman lang niya dahil nag try siya at agad namula ang muka niya dahil sa make-up.

" Manang Muju pakisabi nalang sa asawa ko ha." Tumungo naman si manang kaya napangiti si Mommelon at sinarado ang bintana ng kotse niya.

" Manong sa National book store kami." Saad niya sa driver niya. Hindi daw kase siya marunong mag drive kaya kinuhaan siya ng asawa niya ng driver baka kase mapahamak siya ulit.

"  May gusto kana ba baby Misty? As in crush?" Saad niya na may sabay ng taas baba na kilay.

" Wala po. Ayoko pong magka crush problema lang po yun. Una hindi ka makakatulog ng maaga dahil iisipin mo pa yun. Pangalawa distraction. Pangatlo walang pogi akong kaklase, panghuli study first po ako." Mahabang salaysay ng dalagita.

Crush!? Eww.

" Ikaw ha... Siguraduhin mo lang. Tandaan mo Misty ha. Siguraduhin mong mahal karin bago ka umamin na mahal mo siya. Alam mo, yang ibang mga lalaking diyan hindi nila pinapakita na gusto ka nila. Nagpapapansin sila sayo. Katulad ng pang aasar sayo. Natutuwa sila doon kasi napapansin mo sila. Kaya malay mo may mga taong gusto ka." Pangaral niya sa dalaga at tumigil lang ng makapunta kami sa book store.

Parang model siyang maglakad habang hawak ang kanyang handbag.

Parang lang ba talaga?

Pumasok na sila sa loob at nag libot libot. Hinayaan niya siya mamili ng libro. Nagpaalam din siyang maglibot mag isa magkita nalang daw sila sa counter.

Habang pumipili ako may nakita akong lalaki. Mukang mas bata sa kaniya dahil mas maliit siya.

May iniwan siyang notebook doon at biglang tumakbo palabas. Hindi niya nakita ang muka nito. Pero nakita niya ang nakasulat na nakalag ay 'm'.

Ano ibig sabihin non?

Lumapit ako sa notebook nilagay niya at kinuha ito. May kasama itong  folder na nakatupi sa loob ng notebook. Mukang tinago ito. Saad sa folder ay

Confidential information of Brian Vector Mendes.


Sa notebook naman nakasulat ang

SHNMD

Andaming pumasok na katanungan sa utak niya.

Katulad ng Sino si Brian Vector Mendes

Bakit nilagay to dito ng bata?

Bakit niya to iniwan dito?

Sino yung bata?

Siya ba may-ari ng notebook nato?

Agad niya itong tinago sa bag bago pa may makakita sa kanya.

Pinagpatuloy niya parin ang paghahanap ng gusto niyang libro hanggang may makita siya.

All about Mafia and Guns by Muju.

Wow! Kapangalan ni manang yung author.

Agad niya itong kinuha at namili pa ng isa.

" ANONG binili mo Baby Misty?" Saad ni Mommelon ng may ngit sa labi.

Palabas na kasi sila sa national book store. Hindi tinignan ni Mommelon yung binigay niya.

" About Mafia and Guns po at isang romance book." Ngiti kong saad habang naka tingin sa dinadaanan.

" Huh? Mafia and guns? Bakit mo naman napili iyan anak?" Takang tanong niya.

" Kase po curious po ako kaya ayun napili ko. Okay lang po ba?" Nagkatinginan ang dalawa. Ang bata naman ay naghihintay sa sagot niya. Habang si Mommelon naman ang halatang natagalan sa pag-iisip.

" Okay lang naman sakin. Huwag kang magpapakasama ha? In the future. Huwag kang magiging masyadong curious baka mapahamak ka diyan. Hmm?" Saad niya habang ginugulo ang buhok ng kausap niya at agad ding naman inayos.

Tumango naman ito at napangiti. Pinangaralan nanaman siya. Ang random talaga ni Mommelon mangaral pero okay lang naman kay Misty. Mas masaya siyang may nag aalala sa kaniya.

HABANG nag uusap ay agad silang napatigil ng may biglang tumulak sa kanyang batang lalaki.

" Ano bang problemo-!?" Agad siyang napatigil ng may narinig na busina at salpok na ikisinagaw ng lahat.

Lumingon siya sa mga taong nag kumpulan.

Ayun yung dinaanan namin.

" Mom!!!" Sigaw niya at pumunta agad sa kinaroroonan ng mga tao at tumingin sa babaeng naka berde na damit na naka halandusay sa daan.

Napasinghap siya at nanghina ang tuhod. Lumapit ang batang lalaki sa Mommelon niya. Para tulungan ang babae.

" Call an ambulance! Please!" Saad ng batang lalaki.

" Ikaw babaeng umiiyak lumapit ka sa mama mo! Buhay pa siya." Agad naman siyang lumapit sa mama niya.

"Mama! Mama!" Saad niya at niyakap ang babaeng nakahalandusay.

" Baby Misty ko... Huwag ka ng umiyak. Okay lang si Mommelon oh! Im... Strong..." Saad niya habang pinipilit ngumiti para sa anak niyang babae. Mas lalo naman itong umiyak at niyakap ang babae.

Hindi pwede... Ikaw lang ang mama ko. Huwag mo akong iwan. Papayag na po akong mag pantalon araw araw. Mabuhay kalang. Lahat gagawin ko. Ang aga niyo naman akong iwan.

Ayoko pa!

Ayoko pa!

Ayoko... 

Mommy...

TAHAN NA..." Saad niya sa batang babae na naiyak ngayon.

Nasa ospital narin sila. Tinanong ang babae ng kung ano nangyare at kung may matatawagan ba at iba pa. Lahat naman yung sinagot ng babae.

Mabuti nalang naligtas kita. Kung hindi kasama ka ngayon doon sa operating room.

" Kasalanan ko to! Kung tumingin lang ako sa daan. Sana... Sana... Na iligtas ko siya." Humigpit ang yakap niya sa lalaki. Ayaw na ayaw niyang may yumayakap sa kanya ngunit hinayaan niya nalang ito at niyakap nalang niya ito pabalik. Hindi siya sanay mag comfort pero kung para sa babaeng to na iyakin.. medyo okay lang.

" Asan ang asawa ko!? Asan!?" Saad ng lalaking mukang galing trabaho. Naka formal attire kasi. May pag-aalalang tanong niya sa nurse.

" Ano pong pangalan?" Mahinahon na tanong ng nurse.

" Melon Stone" sagot ng lalaki.

Familiar ang pangalan na iyon.

" Nasa operating room pa po. Siya maghintay nalang po kayo diyan sa waiting shed." Saad ng nurse at tinuro ang tabing upuan nila ng babae.

Napatingin naman ang lalaking maingay kay iyakin. Bumakas ang galit nito sa muka palang niya.

Mukang problema to.

Inayos niya ang kasuotan. At umupo sa malayong parte ng upuan. Mabuti nalang hindi lumapit dito ang lalaki.

Biglang napalingon ang lalaki sa iyakin niyang katabi na ngayon ay humihilik.

Andami mong kakaharapin iyakin. Parehas lang pala tayo.

Napansin ng lalaki ang paggalaw ni iyakin kaya alam niyang gising na ito.

" Musta tulog sa braso ko? Mabango ba? Basa na damit ko." Buritong saad niya sa babae.

Agad naman nataranda ang babae at umayos ng upo. At may kinuha sa bag niya na panyo at praning na pinunas sa lalaki.

Muntikan na niya matamaan yung ano pero agad naman iyon na pinigilan ng lalaki gamit ang kamay niya. Hinawakan niya ang kamay ng babae.

" S- sorry nabasa kita ng luha ko." saad niya habang nilalayo ang  sarili sa lalaki. Napayuko nalang ito.

"  Okay lang. Huwag kang mag-alala." Saad ng lalaki at wala sa sariling napangiti.

Agad naman natanggal iyon ng makita niya na lilingon pabalik sa kanya si Ms. Iyakin.

" Salamat nga pala." Saad ng iyakin.

" Para saan?" Taas kilay niyang tanong.

" Sa kahit ano."

" Uh, okay. No problem." Saad ng lalaki.

" Misty nga pala" pagpapakilala sa kanya ng iyakin.

" Shawn Mendes..."  Nakipagkamay siya kay Misty ngunit biglang niyakap siya ng babae.

" Salamat talaga Shawn! Dahil diyan kaibigan na kita!" Saad niya habang niyayakap ang babae.

That caught him off guard. It made him silent for a moment. " Stop hugging me!" Saad niya at pilit na lumalayo.

Hinayaan niya naman ito kanina kase kailangan not again!

Dahil sa kaliitan niya ay hindi niya natulak ang babae at patuloy parin ang pagyakap niya sa kanya.

Mag-hintay kalang na lumaki ako! Hindi mo nako mayayakap!










-Lucid

Seguir leyendo

También te gustarán

21.8K 1.3K 48
PART I ...... Every All Souls' Day, Filipinos observe a long-standing tradition of visiting cemeteries to remember and honor loved ones who have pass...
83.5K 4.8K 25
[FILIPINO] Year 2050, ito ang panahon na naghahari ang mga bampira sa mundo sa pamumuno ng mga Crinamorte. Binigyan ng pagkakataon ng mga Crinamorte...
23.1K 1.4K 16
SUBUKAN MO NGANG BASAHIN SA GABI ITONG STORYA NA ITO KUNG MATAPANG KA *evil laugh* NGUNIT ALAM KO NAMANG HINDI KA MATAPANG! ISA KANG DUWAG! DUWAG! ...
45.9K 1K 75
Shane Yoon Isang babae na titira sa condo na di namamalayan na isang hell condo. Siya'y nakatakda upang maging makapangyarihan at sunod na mangangala...
Wattpad App - Desbloquea funciones exclusivas