Hitmiton Academy: The Last Gi...

Por riedel_angelica

11.6K 1.2K 39

Hitmiton Academy was more than just a school. It was a sanctuary, a place where magic was not just a force to... Más

Disclaimer
Kaalaman
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Book Covers
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Warlington
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Epilogue
Special Chapter
Author's Note

Chapter 13

139 5 2
Por riedel_angelica

Ayama's POV

"How is he?" tanong ni Weston. Nasa tabi ko siya, pinagmamasdan ang kaibigan na natutulog. Nagamot ko na lahat ang mga sugat niya, naging payapa naman ang usapan namin. Minsan ay napipikon siya ganun din naman ako pero sinawalang bahala ko. Hindi naman siya naging agresibo, lagi niyang tinatanong sa akin ang tungkol sa marka. Hindi ko sinabi sa kanya ang nangyari kanina, ayokong mag-aalala siya roon.

"Nagamot ko na lahat ang sugat niya." sagot ko. Tumango naman siya sabay tingin sa akin.

May mga sugat din naman si Weston pero hindi malala tulad ni Ferron. Kamusta na kaya 'yung dalawa? Galit na naman 'yung kasama nilang babae sa akin, hindi ko naman inaano.

"Salamat, Ayama. Mas matindi ang natamo niya dahil sinalo niya lahat ang mga atake ng kagubatang iyon. Sinusubukan naman namin siyang tulungan ngunit pinipigilan niya kami. He used his all powers on that damn forest that's why." sabi niya. Tumango naman ako sabay kuyom ng aking kamao. Kung hindi dahil sa marka na meron ako ngayon ay hindi sana magkakaganito ang lahat. I hate him, but seeing him, naaawa rin ako. Mas matindi ang pinagdaanan niya.

"I'll go ahead. Pumasok kayo bukas ah? Huwag kang mag-aalala, epektibo 'yung gamot na nakuha ni Ferron."

Nagpakawala ako ng malalim na hininga. Kinakabahan, paano kung... hayss. I trust him, hindi siguro kami ipapahamak ni Ferron. Anak niya rin naman ang nasa palad ko ngayon, kapag nalaman ito ng mga elders mapapahamak din siya.

Pinagmasdan ko ang papalayong katawan ni Weston. Mabigat ang kanyang mga hakbang habang palabas mula sa kwarto ni Ferron. Walang lingon-lingon. Hindi nga talaga maganda ang nangyari sa loob ng Forbidden Forest. Galit na galit pa 'yung si Herra sa akin. How about Kent? Hindi ko siya nakita. Is he alright?

Nang nawala na sa aking paningin si Weston binalik ko muli ang tingin kay Ferron. Tulog parin ito ngayon. Ang lalim ng kanyang hininga. Pagod na pagod.

Dahan-dahan akong tumayo. Kinuha ko sa ibabaw ng mesa ang halamang gamot na hawak niya kanina. Kukunin ko lang daw kapag lalabas na ako. Nilagay ko iyon sa aking bulsa tsaka binalik muli ang tingin sa kanya. Panandalian kong hinaplos ang kanyang noo bago umalis.

Inayos ko ang kanyang kumot pagkatapos ay lumabas na ng kanyang silid. Sana'y gagaling na siya bukas.

"Salamat, Ferron."

***

"Good morning, Ayama!" bati ni Maeve sa akin. Nasa likuran niya si Elyse na may dalang pagkain. 

"Good morning. May pasok kayo ngayon?" tanong ko at bumaba sa sariling kama. Tiningnan ko ang marka kung may pagbabago ba at meron nga. Mas lalo na itong lumaki ngayon. Malapit nang sakupin ang buong palad ko.

"Meron pero sasama kami ngayon sayo,"

"Bakit naman?"

"Papasok ngayon ang mga elders sa loob ng Hitmiton, Ayama." seryosong simula ni Elyse. Tumango ako, kinuyom ko ng mariin ang aking kamao. Alam kong darating ang araw na ito. Imbes na mangamba ay pinatatag ko ang aking sarili. Hindi ko ipapahamak ang walang kamuang-muang sanggol sa aking palad. Kung anuman ang kailangan ng mga elders na iyon sa amin ay hindi ko sila hahayaan sa kanilang gusto.

Nandito na ang bata sa palad ko. I can't risk this. Matagal ko na itong dala dala, ngayon pa ba ako susuko? Ferron almost sacrificed his life for us, halos hindi rin makatulog ng maayos sina Maeve at Elyse dahil sa pag-aalala. I can't just stand and watch them risking their life for us. I know this time will come.

Hindi kami pumasok nu'ng unang bisita ng mga elders dahil wala kaming panangga non. Mapapahamak kaming lahat kapag malaman nila. Hindi lamang sa grupo namin kundi ang buong Hitmiton. Kilala silang malalakas at walang makakapigil sa kanila. Because of my power naging sunod-sunuran ang Hitmiton sa kanila. I want to change everything, I want to prove myself na hindi ako magiging hadlang sa anumang gulo na mangyayari but I'm carrying the prophecy's child. Hindi na ako makakatakbo pa.

"Maeve, paki-handa ang gamot ni Ayama. Maliligo ka ba muna?"

Tumango ako. "Oo, Elyse." sagot ko at pumasok sa banyo. Hinubad ko ang aking saplot sa katawan at binasa iyon. Nakita kong umilaw ang marka, hindi masakit iyon. Tila kumalma ang katawan ko. Nawala ang kanina ko lamang iniisip.

Bumuntong hininga ako at tinapos na ang pagliligo. Nagsuot ako ng uniform at lumabas. Nadatnan ko sina Maeve sa hapag, naghahanda ng mga pagkain. Wala yatang breakfast morning ngayon sa dining hall? Hindi nila kami tinawag eh. May nagbago na talaga. Mas naging mailap ang Hitmiton. Siguro dahil iyon sa paparating na digmaan.

Nagpakawala ako ng hininga. Nilahad sa akin ni Elyse o Elysa ang halamang gamot. Tinanggap ko naman at hinintay na medyo lumipas ang init non. Hindi pa naman kami late, sobrang aga pa para sa unang subject.

Nandun na kaya ang mga mages? Tagal ko nang hindi naaamoy ang Klonarths. Nakakamiss pumasok. Dahil sa nangyari ay nakalimutan ko na ang buhay studyante ko. Pumasok ako dito para mag-aral, hindi ko inaasahan na hahantong ako sa ganito.

Kamusta na kaya si Esmee? Kamusta ang kanyang pag-aaral? Paborito parin ba siya ng lahat?

Pumikit ako. Dahan-dahang inangat ang hawak na baso at ininom iyon lahat. Narinig ko ang singhapan nina Maeve pero sinawalang bahala ko iyon.

Nang maramdaman ang pagdaloy ng gamot sa aking lalamunan may kakaiba akong naramdaman. Parang may enerhiyang pumasok sa loob ko kasabay nun ang pag-ilaw ng marka. Naging kulay pula iyon at nakita nina Maeve.

"Shit! Elyse!" natataranta silang lumapit sa akin. Tinaas nila ang palad ko, sinuri kung anong dahilan bakit naging pula ang marka.

I gulped. Hinayaan ang mga kaibigang suriin ang marka ko. Hindi masakit, naging pula lamang ang kulay. Ano na naman kaya ang ibig sabihin nito?

"I remember what Weston's said..."

Napalingon kami kay Elyse. Namutla bigla ang kanyang mukha. Unti unti niyang inangat ang kanyang tingin hanggang sa dumako ito sa aking mga mata. She looked at me, directly into my eyes. Naramdaman ko ang init ng aking mga mata, nakita ko ang mata ko sa kanyang dalang mata, nagkagulo ang tubig sa aking dalawang mata.

"This is not good!"

"The elders are here! They're coming here!"

"Stay calm, Maeve. Hintayin natin ang mga mages! Sigurado akong papunta na iyon dito! Imposibleng hindi nila mararamdaman ito!" bakas ang takot sa boses ni Elyse. She held my both hands, sinara niya iyon at tumayo.

"Stay in your room, Ayama. Hindi ka maaamoy ng mga elders dahil sa halamang gamot. Kaya naging pula ang marka dahil naramdaman nila ang presensya ng sanggol. We can't hide your child from them! The child is so strong, hindi kaya ng halaman ang kapangyarihan ng marka. Hindi nito kayang lamangan!"

Muli na namang nanumbalik ang kaba sa aking dibdib. Kinuyom ko ang aking kamao. Hindi alam ang gagawin. They can't sense my power but they can see my mark! They knew.

"Hide her, Maeve, ako na bahala sa mga paparating na—" Elyse didn't finish her words nang biglang bumukas ang aming pintuan at isang malakas na hangin ang pumasok sa loob ng kuwarto.

Rinig ko ang malakas na mura ni Elsye. Kitang-kita ko ang takot at kaba sa kanyang mga mata. Muli ay binalik niya sa akin ang tingin. I saw her eyes change a bit. From black to yellow.

"Hindi ka pa puwedeng lumaban, Ayama. I'm sorry. You need to hide habang hindi pa naaayon ang oras. You need your child to defeat them,"

"Maeve, I trust you. Take her out of this room and call Ferron! We don't have much time left! Go!"

Nanginginig ang kamay ko. Pilit inaabot ang kamay ni Elyse but she didn't let me.

"Y-You can't do this, Elyse! I won't let you!" unti-unti nang naging totoo ang mga panaginip ko. Ngayon nasaksihan ko na.

Elyse smiled at me kasabay non ang pagpatak ng kanyang mga luha sa pisnge. "I'm sorry, Ayama. Ginawa ko ang lahat para protektahan ka, ngayon...huli na ito—" she walked out.

"N-No! Maeve, stop her! She will die there! Hindi niya kaya ang mga elders! Maeve!"

Parang walang nariring si Maeve. Umiling-iling siya. Hinawakan niya ako at ginamit niya ang kanyang kapangyarihan para makalabas sa aming kuwarto. I heard everyone screams. Takot na takot ang mga iyon, sinasabayan pa ng langit ang takot ng lahat.

I cried. Nagsipatakan din ang ulan na ngayo'y sumasabay sa sigawan ng lahat.

"Hindi mo kasalanan, Ayama. Ito ang gustong mangyari ng propesiya."

***
Don't forget to vote and leave a reaction. Thank you!

Sorry for the long wait, bbies. Naging busy kasi ako dahil sa school. I'll try na mag-update kapag hindi na busy.

Again, hanggang chapter 20 lang po ito. Don't expect for part two dahil hindi ko na po siya gagawin. Keep safe everyone and stay healthy! Don't let yourself be dehydrated lalong-lalo na ngayon na hindi maganda ang panahon. If may concerns man kayo sa story ko don't hesitate to send me a message.

Seguir leyendo

También te gustarán

4.2M 91.3K 41
Heaven and hell have conditions for you to enter. They won't base it on how you have live your life. They'll give you the privilege to choose. ...
103K 5.8K 74
(On-Going)
Her Crush Por ada ☾

Historia Corta

1.5K 174 52
(COMPLETED) Paano kung crush ka rin ng crush mo... sa imagination? Hetty had been crushing on Healer since forever, and honestly, for years she thou...
423K 1.1K 200
Isang seksing artista at napakagandang si Ysla Paraiso ang nagbakasyon sakay ng isang cruise ship, ngunit nagbago ang lahat nang mapadpad sila sa isa...