AIRLEYA

Autorstwa solace_loey

224K 6.4K 148

When the real Airleya drowned, she gave her body to the woman from another world. To give her body to the wo... Więcej

PROLOGUE
I
II
III
IV
V
VI
VII
VIII
IX
X
XI
XII
XIII
XIV
XV
XVI
XVII
XVIII
XIX
XX
XXI
XXIII
XXIV
XXV
XXVI
XXVII
XXVIII
XXX
XXIX
XXXI
XXXII
XXXIII
XXXIV
XXXV
XXXVI
XXXVII
XXXVIII
XXXIX
XL
XLI
XLII
XLIII
XLIV
XLV
EPILOGUE
Special Chapter I
Special Chapter II

XXII

4.5K 143 3
Autorstwa solace_loey

⚠️ Before you read this chapter, I remind all readers that this is just the writing of a novice writer who is too lazy to edit the work. You may find some misspellings or grammatical errors in this story.

Chapter XXII


MALAKAS NA SAMPAL ang dumapo sa pisngi ni Airleya ng makapasok siya sa silid trabahuan ng kanyang ama. Ang ama niya na si Count Ralphus mismo ang sumampal sa kanya na hindi niya alam kung ano ang rason kung bakit siya sinampal ng ama.

Nasa likuran niya ang kanyang madrasta at kasama nito ang tatlong anak na nakangisi pa sa kanya na parang ngiting tagumpay ang ginawa nila. Halata sa mukha nila na satisfied ang mga ito dahil sa ginawa ng ama niya.

Kakagaling niya lang sa bayan kung saan sila ng Prinsepi ang nagpatumba sa mga kalaban.

“My Ralphus, hindi mo kailangan umabot sa ganito. Ayos lang talaga ako. Pinapatawad ko na ang anak mo.” anang madrasta niya na lumapit pa sa ama niya at ipinulupot ang mga braso sa braso ng ama niya.

Sa napapansin niya sa kanyang ama, tila may kakaiba dito. At isa lamang ang nasa isip niya dahilan para magkaganito ang ama niya. May ginawa ang madrasta at mga anak nito sa ama niya, habang wala siya.

“Pwede mo bang sabihin sa akin pa, kung ano ang sinabi sa iyo ni stepmother?” tanong ni Airleya sa ama niya.

“Apologized to your mother, Saina.” imbes na sagutin ng Count ang tanong sa kanya ni Airleya. Iba ang lumabas sa bibig nito dahilan para mapunta ang titig ni Airleya sa madrasta niya at sa tatlong anak nito.

Ngumiti si Airleya, dahilan para sabay mapakunot ang noo ng anak ni lady Aghamora at pati ito sa kanya.

Mahinang natawa si Airleya, pero kahit natawa siya hindi siya sinaktan ng ama niya. Para itong robot na sumusunod sa oras na pinagana.

“At anong tinatawa-tawa mo ha?! Dad, inaaway kami ni Airleya! Parusahan niyo siya!” singhal ni Charlestina, dahilan para kumilos ang ama niya para sana siya ay sampalin ulit pero hindi niya na iyon pinayagan na sampalin siya ulit.

Spirit of Air, feathers and winds.
Your power animates all life
and populates all spaces.
I call you forth to take my father's consciousness.
In the ebb and flow of your eternal
words: Clarity, strength, harmony.
Spirit of Air, spirit of wisdom,
I call you now.” bigkas ng pananalangin ni Airleya at kaagad na nawalan ng malay ang ama niya. Bago pa man matumba ang ama niya ay pinalutang niya ito gamit ang kapangyarihan niya.

Hindi nakabawi sa gulat si lady Aghamora dahil sa ginawa ni Airleya. Bago pa man niya naisipan na hawakan ang kamay ng Count ay malakas na sampal ang dumapo sa kanya, kabila't kanan ang sampal ni Airleya dahilan para mamula ang pisngi nito. Na kaagad siya tinulak ni Mavietta pero hindi iyon sapat para mapatumba si Airleya ng tulak ni Mavietta.

“How could you did this to our mother?!” galit na sigaw ni Charlestina na gustong sampalin nang malakas si Airleya pero kaagad itong tumalsik at dumapo ang katawan nito sa bookshelves. At dahil doon nahulog ang mga libro sa pinaglalagyan.

“Mother? Nanay niyo yan, hindi ko yan nanay. Hep! Stop. Kung ayaw mong chop-chopin ko ang katawan mo ” pagbabanta ni Airleya kay Rune ng makita niya itong gumalaw.

Pero imbes na sumunod ito, inatake siya nito at naglaban ang dalawa nang pisikalan.

“Argh! You —”

“Shut up.” malamig na sambit ni Airleya at malakas na sinipa ang mukha ni Rune na parang bola.

“Ang babaw naman bg kasiyahan niyo. Todo na yan? Pinorga niyo ba ng manipulation potion ang papa ko? Huluan ko, oo no?” aniya sa mag-iina.

“Wala kang ibedensya na may ginawa kaming masama kay Dad!” sigaw ni Mavietta.

Tumabingi ang ulo ni Airleya, at walang mababakas na kahit anong emosyon sa mukha nito. Bagkos nakakamatay ang titig nito dahilan para maramdaman ni lady Aghamora iyon.

“Do I need to?” wika nito sa malamig nitong boses.

“Sir Anderson, sir Exter, sir Ceasar.” tawag niya sa tatlo. At kaagad na bumukas ang pinto at pumasok ang tatlong lalaki na tinawag ni Airleya na nasa labas lamang ng silid.

“Ano ang maipaglilingkod namin, lady Airleya?” tanong ni sir Ceasar, na hindi napigilang mapatitig sa ginawa ni Airleya.

Maling tao ang binangga ng mga ito.” Wika ng isipan ni sir Ceasar sa kanyang sarili.

“Kaya mo bang buhatin ang papa ko, sir Ceasar?”

“Saan ko po siya dadalhin?”

“Dalhin mo ang papa ko sa 'king silid. Wala kang papapasukin na kahit sino sa silid ko.” utos ni Airleya, at kaagad na pinasakay sa likod ni sir Ceasar ang walang malay na Count.

“Sir Exter, pumunta ka ngayon din sa Whitlock. Sabihin mo sa Baron, na kailangan ko ang magaling niyang scholar na bihasa sa potion at magic manipulation.” sunod na utos ni Airleya kay Sir Exter na kaagad umalis.

“Sir Anderson, suriin mo lahat ng mga papeles sa silid na ito. Ikaw ang may alam dito bukod sa papa ko. Kapag may nawawala sabihin mo kaagad sa akin.” utos niya kay sir Anderson, na mabilis tsenek lahat ng mga papeles sa loob ng silid.

Nanatiling nasa kinatatayuan ang apat na ahas sa buhay ni Airleya na hindi alam kung paano makakalabas sa silid. Hindi nila alam na magiging ganito ang kinalabasan ng plano nila. Ang akala nila ay hindi mahahalata ni Airleya ang pagbabago sa ama nito pero nagkamali sila. Hindi naayon sa gusto nila ang nangyayari ngayon sa kanila.

“Hindi ba uso sa bokabularyo niyo ang salitang; Expect the unexpected?” tanong ni Airleya kay lady Aghamora na mabasa niya ang nasa isip ng madrasta niya. Hindi siya mind reader pero sa mga oras na iyon, basang-basa niya kung ano ang mga nasa isip nito.

“Ahmm, lady Airleya may dalawang bagay na nawawala." Mabilis pa sa alas-kwatro na bumaling ang mag-iina dahil sa sinabi ni sir Anderson.

“Wala kaming ninakaw! Hindi kami magnanakaw!” pagtatanggol ni Charlestina. Na pinipilit na tumayo pero hindi nito magawa dahil sa ginawa ni Airleya.

“Talaga? Marami kayong ninakaw sa akin, limut mo na ba Charlestina? Gusto mo isa-isahin ko?” ani Airleya at nilingon si Charlestina na nawalan kaagad ng imik ng magtama ang mga tingin nila ni Airleya sa isa't -isa.

“Ano ang nawawala dito sir Anderson?”

“Ang last will testament ng ama niyo, at ang susi ng Briarlaine treasure.” saad ni sir Anderson, at kaagad na ginawan nang paraan ni Airleya para mahanap kung kanino sa apat na ito ang himahawak.

Makalipas ang ilang minuto, nakuha ni Airleya ang dapat niya makuha. Ayaw niyang patikimin ng kasaganaan ang mga ito. Pagdating sa mga ganitong tao, wala siyang natitirang kabaitan.

“Paki-tawag ng mga kabalyero dito na magdadala sa mga hinayupak na yan sa dungeon.” huling utos ni Airleya kay sir Anderson, at kaagad na lumabas ito upang tawagin ang mga knights na magdadala sa mag-iina sa Briarlaine dungeon.

“A-anong g-gawin mo sa amin?” tanong ni mavietta.

“Para saan ba ang dungeon, Mavietta? Dadalhin ko kayo doon para mag family bonding kayong mag-iina bago ko kayo patayin.” anito bago lumingon sa pinto ng pumasok sa silid ang mga knights. “Seguraduhin niyong walang makakatakas sa kanila. Kundi kayo ang papatayin ko.” banta ni Airleya sa mga knights. Na ramdam nila ang galit nito.


Makalipas ang tatlong araw, si Airleya ang nakaupo sa posisyon ng ama niya, dahil sa kadahilanang hindi pa nagigising ang ama niya dahil sa potion na pinainom ng madrasta niya.

Doon din niya napag-alaman na hindi lang basta-bastang potion iyon, kundi may lason din iyong hinalo.

“Wala bang gamot para sa mga sugat niya sa katawan?” tanong ni Airleya kay Feries.

Umiling si Feries, “Patawad lady Airleya, pero wala pa akong nadi-diskubre na lunas sa lason at potion.” nakayukong paghihingi nang tawad ni Feries.

Hindi napigilan ni Airleya na huminga ng malalim. Bago iminuwestra ang kamay kay Feries. “Its okay, Feries. Balik kana sa ginagawa mo. Balik ka dito ulit kapag oras na nang pagpapainom sa gamot ni Papa.” ani Airleya at nagpaalam si Feries.

Ilang minuto na pinagkatitigan ni Airleya ang kanyang ama bago lumapit sa lamesa na may sandamakmak na mga papel na kailangan niyang i-review bago permahan.  Dalawa niya na itong ginagawa simula hindi magising ang ama niya dahil sa kagagawan ng madrasta niya.

“Oh, mabuti nandito kana sir Anderson. I need your help hindi ko ito maintindihan, ano ito?” tanong ni Airleya na parang bata na ipinakita ang papel na itinabi niya na dahil ito lamang ang hindi niya maintindihan sa lahat ng mga niri-review.

Kaagad naman siya tinuruan ni sir Anderson, at maliwanag naman niya naintindihan ang ipinaliwanag ni sir Anderson.

“Thank you sir Anderson. Ayan na ang natapos ko. Dalhin mo na iyan sa mga dapat pagdalhan.” utos niya na kaagad binitbit ang makakapal na papel.

Nakatutok ang buong atensyon ni Airleya sa mga trabaho na kailangan niyang gawin, dahil sa kondisyon ngayon ng ama niya na hindi magawa ang dapat gawin.

Paminsan minsan ay tinititigan niya ang kanyang ama ng ilang minuto bago magpatuloy sa ginagawa nito.
Nasa kalagitnaan siya ng pagpeperma nang importanting dokumento ng biglang pumasok si sor Anderson, na parang hinabol ng aso dahil sa itsura nito ngayon.

“Anyare sa'yo sir Anderson? Wala namang aso dito since allergy ako sa aso.” ani Airleya na hindi nabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng aso ng malaman niya na allergy siya sa balahibo ng aso.

“M-may problema tayo, lady Airleya.” hinihingal na sambit ni sir Anderson. Na hindi alam ni Airleya na nerbyuso din pala itong si sir Anderson

“Anong problema?”

“May gaganaping noble meeting—”

“Ganon ba? Anong problema doon? A-attend ako, since I'm papa's successor. Kailan ba?”

“Are you sure, lady Airleya? Hindi sa hindi ako bilib sa abilidad mo pero. . .”

“Pero ano, sir Anderson?”

“Nag-aalala lang ako na baka may sabihing hindi maganda ang mga tao na dadalo sa meeting sa iyo.”

Napailing ng ulo si Airleya at mahinang natawa.

“Jeez. Hindi ko alam na nag-aalala ka sa akin sir Anderson, para kang tatay. Pero seryuso 'to ha, okay lang. Mas mabuti nang makilala ko ang mga mukha ng mga maharlikang tao sa Agracia. Seseguraduhin kong wala silang masasabing hindi maganda sa akin. Okay? Pahinga ka nga muna po. Na-over fatigue ka yata sa mga nangyayari.” ani Airleya na sa huli ay nagawa pang asarin si sir Amderson.

“But lady Airleya —”

“No buts, sir Anderson. Ako na bahala dito. Balik ka na lang seguro mamaya. Matatapos ko na ito.” aniya sabay turo sa mga pepermahan pa niya.

Nang makaalis si sir Anderson, doon naman pumasok si sir Exter, at may dala itong maliit na papel.

At nang basahin niya ang isang salita na nakasulat sa maliit na papel.

No

      —Ran

Inilapag ni Airleya ang papel na may lamang sagot galing sa second prince para kompermahin sa first prince kung nagpakita ba dito ang diyos ng kalikan.

“Ibig sabihin no'n ay maaring isa sa mga anak ng itinakwil na anak ng dating Marquess nagpakita si Ariety.” wika ng isipan ni Airleya sa sarili niya.

“Sir Exter, aalis ako bukas. Ikaw muna ang magbantay sa Count. Kayo lang tatlo ang kaya kong pagkatiwalaan sa mansion.” sambit ni Airleya sa plano niya para bukas.

“Masusunod lady Airleya. Pero ayos lang ba talaga na ako pagbantayin mo bukas sa Count?”

“Bakit?”

“Paano kung may mangyayaring hindi maganda sa Count na wala ka dito.”

“. . . Actually nagdadalawang isip din ako kung matutuloy ba kami ni Silver pumunta kay lady Aurora.” si Lady Aurora ang anak ng Marquess na itinakwil dahil umibig ito sa mababang tao sa Agracia.

“Ako na bahala, Leya.” napalingon sa pinto si Airleya ng marinig niya ang boses ni Silver na hindi niya akalain na pupuntahan siya nito.

“Silv. . . Bakit ka nandito?” tanong ni Airleya na nagulat sa pagdating ni Silver.

“Kinukumusta ka. Ako na bahala bukas, isasama ko si kuya Killian, since siya ang explorer sa pamilya namin.” ani Silver na niyakap ang kaibigan.

“ Everything will be okay, Leya. Yan parati ang sinasabi mo sa akin. Ako naman ang magsasabi sa iyo niyan.” sambit nito habang nakayakap kay Airleya bago kumalas sa pagkakayakap “Kasama ko si mommy, I think may gagawin siya sa papa mo para gumaling ang Count.”

Napatitig si Airleya sa pinto ng makita si lady Selena ina ni Silver, nagpaalam naman si Sir Exter sa tatlong babae.

“May susubukan ako sa papa mo lady Airleya, pero hindi ko masisiguro kung magagamot ko siya sa gagawin ko.” anang ina ni Silver.

“Ako segurado ako sa inyo lady Selena. Wala akong mapigang impormasyon sa Aghamora na iyon pati na sa tatlo niyang anak. Kung may ideya man kayo tungkol sa potion na ito, hindi ako magdadalawang isip na umoo. Please, pagalingin niyo ang papa ko lady Selena.” ani Airleya bakas sa boses nito ang pagmamakaawa.

“Okay.”

“Kailangan ko ang tulong niyong dalawa.”

Nagkatinginan sina Airleya at Silver sa isa't-isa sabay na tumango ng ulo bago binalingan ng titig si lady Selena.

“For the Count.”

“For my papa.”


____________________________________

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

41.3K 2.3K 35
A woman that rules men got transmigrated to a Duchess who is a slave of a mere man.
120K 4.8K 29
Waking up realizing she is inside a novel! Ava had a good life until her parents die and everything turned into chaos. The only thing that make her...
15.8K 650 46
Esme Perez loves reading novels. Her favorite book is 'The Greatest Magic User'. One day as she reads the book and falls asleep, she found out that s...
174K 7.3K 51
Being a hero doesn't mean, Good Image, Noble attitude, It means, doing something great without expecting something in return.