Du Mort University: The Untol...

By snoophye123

10.6K 264 40

A prestigious institution known for its academic excellence and state-of-the-art facilities, Du Mort Universi... More

TRIGGER WARNING
SERIES DESCRIPTION
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Epilogue

Chapter 17

238 9 3
By snoophye123

Kenzo’s Point of View:

Kinabukasan ay fresh pa din sa isip ko ang nangyari. Ang mga sinabi ni Ingrid tungkol sa killer ni Ivory at pakiramdam ko mababaliw na talaga ako. 

“Ibig mong sabihin… iisa si Ian at ’yung killer ni Ivory?” tanong ko kay Ingrid na nakaupo. Nasa klase kami at aniya wala sa kanya ang mga sugat. 

“Oo. Nakita ko ang hideout ng lalaking ’yon. Punong-puno ng maskara na may make up at iba pang gamit. Nakita ko rin ang picture ni Ian at picture pa ng isa pang kamukha ni Ian kaya nalaman ko na kambal sila. Naisip ko rin na kaya nila ginagawa ’yon para lituhin ang mga tao dito at paglaruan ang kaso… maging kaming mga Dela Torre,” seryosong sabi ni Ingrid. 

“Sa tingin mo?” tanong ko. “Isa sa kanila ang killer ni Ivory. Kailangan lang natin alamin kung paano nila pinatay si Ivory.”

Natigilan kaming dalawa ni Ingrid nang dumating si Dr. Isaac. Diretso ang tingin niya sa aming dalawa ni Ingrid kaya agad akong umayos ng upo habang si Ingrid naman ay ngumisi. 

“Good morning, class.” Tinignan niya kami isa-isa. “Malapit na ang midterm niyo at mabilis na lang rin ang proseso ng bawat lesson ngayon. You’re almost graduating kaya naman gusto kong umayos kayong lahat!” Tinignan niya si Ingrid. “Lalong-lalo ka na Ms. Ingrid Dela Torre. I heard binugbog mo ang mga estudyante sa labas ng school na ’to.”

“Ayan po ba ang nakarating sa inyo? Bakit hindi po natin tanungin ang anak niyong si Ian?” tanong ni Ingrid. 

Natahimik si Dr. Isaac kaya mas ngumiti pa si Ingrid. Napailing na lang ako at nagsimula na s’yang mag-discuss. Tinignan ko si Ingrid na nagsusulat at nakikinig kaya ganun na rin ang ginawa ko. Almost graduating na kami kaya naman kailangan kong ma-kumpleto ang semester na ’to kahit pa pakiramdam ko may mangyayaring gulo. 

“Sa midterm niyo fill in the blanks. Lahat ng tinuro ko sa inyo ay kailangan alam niyo lalo na ang mga formula. Kailangan niyong alamin lahat! Ayaw kong magkaroon ng failing grades ang iba sa inyo,” sabi ni Dr. Isaac. 

Tumango kaming lahat. Pagkatapos ng klase ay vacant naming lahat dahil absent ang isa naming teacher. Sabay kami ni Ingrid lumabas at naglakad-lakad nang biglang nagsisigawan ang mga estudyante sa gitna. Kumunot ang noo ko at nanlaki ang mga mata ko nang makita si Camilla. 

“Ano? Magsalita ka! Nasaan si Ingrid?!” malakas na sigaw ni Cassy. 

“Hindi ko nga alam kung nasaan s’ya!” sigaw ni Camilla. “Bitawan mo nga ako!”

“Hindi kita bibitawan kung hindi mo sasabihin sa akin kung nasaan si Ingrid!” sigaw ni Cassy. 

Lumapit ako at agad na hinawakan ang kamay ni Cassy. Inalis ko ang kamay niya kay Camilla na namumula ang pulso. Kasama ni Cassy si Manuel na naka-cast ang braso habang si Cassy naman na may band aid ang gilid ng noo. 

“Ano ba—Ikaw!” Napatingin si Cassy sa likod ko nang makita si Ingrid. 

Tinulak ako ni Cassy at sinugod si Ingrid ngunit humarang ako. Mariin ko s’yang tinignan kaya napaatras s’ya. 

“Tama na, Cassy,” sabi ko. “Hindi pa ba kayo tapos? Tingnan mo nga ang sarili mo? Hindi ka ba naaawa sa sarili mo?”

“Tumabi ka diyan at hayaan mo akong kausapin si Ingrid!” sigaw ni Cassy. “Wala kang alam sa ginawa ni Ingrid kaya manahimik ka at umalis ka sa daan ko!”

Umiling ako ngunit tinapik ako ni Ingrid kaya napatingin ako sa kanya. Tumango lang s’ya at marahan akong tinulak. Kahit may band aid ang noo ni Ingrid maging ang pisngi niya ay lumilitaw pa rin ang ganda niya. Napailing ako at huminga ng malalim pero bago ’yon napasinghap ako nang makita si Ingrid na pinaglalaruan ang kutsilyo niya. 

“Gusto mo bang dagdagan ko ’yan?” tanong ni Ingrid. Lahat ng estudyante ay nakatingin sa kanya.

“You should be thankful that someone saved you last night dahil kung hindi? Patay ka na sa harapan namin,” sabi ni Cassy. “Kagaya ng ate mo… nakahandusay ka na din sa harap ng school na ’to!”

“Pangit pakinggan,” ngumiti si Ingrid. “Mas gugustuhin ko pang makita kang nakahandusay at duguan kaysa kay Ivory pero mas maganda rin… na sa pag tulog mo…nandoon ang ate ko.” Tila nang-aasar ang boses ni Ingrid. 

“A-Anong sabi mo?” tanong ni Cassy. 

“Kasama ka sa pagpatay sa ate ko, Cassy. Witness kayong dalawa ni Manuel pero dahil takot kayo at may masama kayong ginawa sa ate ko, hinayaan niyo s’ya,” sabi ni Ingrid. 

Huminga ako ng malalim at tiningnan si Ingrid. Kitang-kita ko na hindi niya na nagugustuhan ang nangyari dahil maraming nadadamay. Hindi ko alam paano ako babawi kay Ingrid at maamin sa kanya na mahal na mahal ko ang ate niya. Napailing ako at mabilis na umalis habang nag-uusap silang dalawa. Hindi ko alam ang gagawin ko sa mga oras na ’to.

“Okay ka lang?” tanong ni Lance. Tinignan naman ako ni Timothy. 

“Natatakot lang ako sa pwedeng mangyari sa school. Natatakot lang ako sa maraming possibilities na baka katulad noon… maging miserable na naman ang dating maayos na school,” sabi ko. 

“Wala tayong magagawa dahil Dela Torre ang involve dito. Hindi gagawin ng mga Dela Torre ang ipadala ang isa pang alas nila… kung walang gulo na mangyayari. Ang kailangan nating gawin ay ’yung tama at maging kakampi ni Ingrid,” sabi ni Timothy. 

Huminga ako ng malalim at tumango. Maya maya lang ay pumunta ako sa nasunog na basement at pinagmasdan ang basement na nasunog. Habang tinitignan ang mga ’yon ay may narinig akong mga yabag kaya mabilis akong nagtago. 

“Ano na ang balak natin? Alam na ni Ingrid!” boses ni Ian. 

“Tang ina hindi ko alam!” boses ng isa pa. 

Kumunot ang noo ko at sinilip ang nangyayari. Dalawa lang silang nag-uusap. Nakatalikod si Ian habang nakaharap naman sa gawi ko ang isa pang lalaki. Kumunot ang noo ko at mas lalo pang pinakinggan ang dalawa. 

“Wala pa sinasabi si daddy kung ano ang dapat gawin. Mukhang may hinihintay s’ya at hindi ko alam kung ano ’yon.”

“Tang ina… kating-kati na akong patayin ’yang Ingrid na ’yan!” sigaw ni Ian. 

Humarap ang lalaki sa gawi ko at natigilan ako nang makitang tanggalin nito ang maskara na nakabalot sa buo niyang mukha sa harap ni Ian. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto na tama nga si Ingrid, na iisa lang silang dalawa!

“Kakausapin ko si daddy at ikaw na ang bahala dito,” sabi ni Ian. “Kuya Ian magagawan ko ng paraan ang lahat ng ’to.”

“Nangangati na ako Israel… nangangati na akong patayin si Ingrid!” Nilabas ng totoong Ian ang lighter. 

Napasinghap ako at tila naging konektado ang mga tuldok sa utak ko. Ang totoong may-ari ng lighter ay si Ian. Natigilan ako nang mapagtanto na magaling magtago ang kambal sa lahat. Tinignan ko silang muli na parehong naninigarilyo. 

“May isa pa tayong problema, ang taong nagligtas kay Ingrid kagabi. Kilala mo ba?” tanong ng may pangalan na Israel. 

“Hindi pero alam kong Dela Torre ’yon,” sabi ni Ian. “Gusto kong alamin mo ’yon.”

Tumango ang may pangalan na Israel at napatingin sa gawin ko. Nanlaki ang mga mata ko ngunit bago pa ako makagawa ng hakbang ay may nagtakip sa bibig ko kaya nanlaki ang mga mata ko. 

“Shh…” mahinang sabi niya at binitawan ang bibig ko.

“S-Sino ka?” tanong ko. “At paano mo nalaman na nandito ako?”

“Mahalaga pa ba ’yon? Nasaan si Ingrid?” tanong niya.

Napa kurap ako at tinignan ang babaeng nasa harapan ko. Seryoso ang mga mata niya at malakas ang pakiramdam ko na isa s’yang Dela Torre. 

“You’re a Dela Torre?” tanong ko. 

Tinignan niya lang ako bago umayos ng tayo nang makitang wala na sila Ian. 

“Pinadala ka rin ba ng—no… ikaw ang tumulong sa amin kagabi,” gulat na sabi ko at napatingin sa palaso na nakalagay sa bag na nasa balikat niya. “Isa ka rin ba—”

“Kailangan kong makausap si Ingrid sa lalong madaling panahon. May kailangan akong sabihin sa kanya. Kaya mo ba akong tulungan?” tanong niya. 

Mabilis akong tumango. Ngumiti s’ya at agad na tumango pabalik.

Continue Reading

You'll Also Like

282K 3.4K 29
PERIODIC TABLE OF CASANOVAS: Krypton Iron Corpuz, 4th generation - Chemical Element Corpuz. Kr gets to meet Diana Maureen Navarro, a model agent who...
24.8M 1.1M 123
The third and final volume of Project LOKI. Join Lorelei, Loki, Jamie, and Alistair as they bring down Moriarty's organization. Looking for VOLUME1...
7.1K 223 11
"He's my crush, I'll deal w/ him to be my boyfriend for a week. Pero di ko sya paiibigin, lalo ko lang syang iinisin." -Aliehs Mae Soriano
47.9K 1K 44
COMPLETED (04/22/2019) BC by: Moon New BC by: @trshrn Aleisha is an adopted child. She never ask or no one ever told where she come from. Kevin is a...