Wizards Chronicles (The Journ...

By TheoMamites

22K 1.2K 130

ULTARA, a world from a far distance. A world so different to ours. A world full of magic and wonders. A world... More

Prologue
Verse 1: Journey Starts
Verse 2: Path of Greatness (Part 1)
Verse 3: Adventure into the Woods (1)
Verse 3: Adventure into the Woods (2)
Verse 3: Adventure into the Woods (3)
Verse 3: Herus Dungeon Cave (Final)
Chapter 2: The Rise Of The Six Blades
Verse 2: Strange World (Part 1)
Verse 2: Strange World (Part 2)
Verse 3: Tower of Restriction
Verse 3: Tower Of Restriction (Part2)
Verse 3: Tower of Restriction (Part 3)
Not An Update
Final Verse

Verse 2: Path of Greatness (Part 2)

1.4K 94 4
By TheoMamites

All Rights Reserved ® TheoMamites

Continuation:

Every week na ang update nito since SLOW UPDATE ang EOPH.

Balik na sa kwento

Peace out folks!

.

"Ermack's POV"

Mga snakes parin at mangilan-ngilang wolves ang nadatnan namin sa daan pabalik sa tent. Naisip ko tuloy na baka may dungeon sa ilalim ng area na ito or sa loob ng forest. Kasi naman usually snakes live underground through holes. Ang mga snakeholes ay diretso sa ilalim at malamang sa mas malaki at malawak na underground cave o dungeon. Doon matatagpuan ang mga mother snakes na higit na mas malaki sa size ng mga naririto ngayon.

.

"Lightning Strike!" umatake si Froy gamit ng lightning element sa isang grupo ng wolves.

.

As a reaction ay lumaban ang mga ito pero dahil sa lagi na namin silang nakakaharap ay madali na namin silang napatumba by not wasting that much mana power. Sa mga paa ang weakness nito, once na mapilay ang isa nitong paa ay defenseless na sila. Salitan kami sa paggamit ng vrahl para makapagregenerate ang nagpapahinga. Nang makabalik kami sa tent ay naglagay ako ng teritorial perimeter gamit ng mga runic stones na pabaon ng aking ina. Apat lahat ito, isa kada side ng perimeter. Ito ay mga bato na may nakaukit na Ultarian ancient alphabet. It releases a strong vrahl energy field na tumataboy sa mga beast at pomoprotekta sa mga nilalang na sakop ng area of concern nito. Up to 30m² lang ang lawak ng sakop ng meron ako dahil maliit na bato lang ito. 12 hours itong tatagal o mauubusan ng mana power. Kusa itong nag-rerecharge pero aabot din ng isang araw. Pwede rin itong mapadali sa pamanagitan ng pagsasalin ng vrahl energy ng dalawa o mahigit na wizard dito provided na may mataas na mana power ang mga ito. In short, they should be high level wizards (Level 40 above).

.

Naglevel 11 narin ako at mas tumaas ang aking strength stats. Higit na mas mataas ang HP ko kumpara ngayon kina Elgor at sa iba. Ang agility ko din ay hindi basta-basta dahil sa taas ng Dexterity ko. Napapaisip tuloy ako kung gaano kahirap ang mga pagsasanay ko ng vrahl. Ano kaya ang naisipan ng mga magulang ko why did they trained me like that?..

.

Ako ang unang nagbantay pagkatapos naming kumain ng hapunan. Kagaya kanina ay nag ihaw lang din kami ng karne ng boar. Ang mga nakuha namin sa mga ahas ay Mild Venom Vile at sa wolves ay Fangs. Ang venom ay pwede naming magamit sa patalim o arrow tips. Ibababad lang ang mga talim dito para may madagdag na poison effect. Since naka-indicate lang na mild sa venom ay hindi nakakamatay ang lason. Maaaring paralysis or weakening effect lang ang maidulot nito. Ang fangs naman ay pwedeng ibenta sa pamilihang bayan for 3 bronze coins kada isa.

.

Lumipas ang tatlong oras ay pumalit sa akin si Froy sa pagbabantay para ako naman ang makatulog. Pagpasok ko sa tent ay nakita kong nahihimbing sina Elgor at Ryuben. Naghihilik pa nga si Ryuben eh at si Elgor tulo laway kung matulog! Haha... Nahiga na lang ako sa tabi nila at nahimbing narin.

.

Hindi ko alam kung ilang oras akong tulog. Basta namalayan ko na lang na medyo maliwanag na at pansin kong may kung anong mabigat na nakadagan sa aking dibdib. Tuluyan kong minulat ang aking mga mata at nakita na ginawa pala akong unan ni Froy at si Elgor naman nakayakap ang kanang braso sa akin.

.

Gaano ba kalikot matulog ang mga ito? Pano akong babangon nito ngayon...? Sumilip si Ryuben mula sa labas at nakita ang kalagayan ko sa loob. Sinenyasan ko itong tulungan akong iayos sila ng higa para makabangon ako. Tulog mantika talaga ang dalawa dahil hindi man lang nagising nung iayos namin ang pwesto nila.

.

"Pinag-ihaw ko na kayong lahat ng karne bro. Kumuha ka nalang dyan." sabi sa akin ni Ryuben habang matamang pinagmamasdan ang paligid at ang pasikat na araw.

.

"Salamat. Ang likot pala nung dalawa kung matulog no?" kumuha ako ng isang lutong karne at kumain.

.

"Dati pang ganon ang mga yun kahit nung mga bata pa kami." sagot niya.

"Mukhang matagal at mahaba-haba na talaga ang pinagsamahan niyo ah." sabi ko at umupo sa gilid ng punong kahoy.

"Parang ganon na nga. Sabay kaming lumaki na tatlo, sabay din kami sa ensayo at sabay na nangarap na lumakas." nakangiti ito ng sabihin yon.

.

"Nakakainggit naman kayo. Ako kasi mag-isa lang noon, hindi na kasi ako nagkaroon ng oras na maglibang. Wala akong mga maituturing na kaibigan." medyo lumungkot ako sa mga nasabi ko. Totoo naman din kasi na naiinggit ako sa kanila.

.

"Wag mong sabihin yan. Meron ka ng mga kaibigan, kami!" at ipinatong nito ang kamay sa balikat ko.

.

"Ang drama niyo namang dalawa dyan! Magkatuluyan kayo niyan, sige kayo!" hirit namang biro ng kalalabas lang na si Froy.

.

"Pinagsasabi mo? Baliw!" nangingiti kong sabi dito.

.

"Drama niyo kasi. Pero seryoso tol kaibigan mo na kami mula ngayon! Kaya chill lang..." seryosong pagkakasabi niya.

.

Naalala ko tuloy ang mga sinabi ni ina noon sa akin.

"Anak, lahat ng mga bagay na nangyayari masama man o mabuti ay may dahilan. Ang mga bagay na ito ang siyang gagabay sayo patungo sa iyong tadhana!"

Hindi ko pa noon nakuha ang ibig nitong ipahiwatig. Pero sa tingin ko ay naiintindihan ko na ngayon ang lahat. Malakas siguro ako sa mga bathala at biniyayaan ako ng tatlong makukulit at totoong kaibigan!

.

Lumipas ng muli ang maghapon at ang tanging ginawa lang namin ay maghunt ng beast. 70% na ng meadow ang napuntahan namin at may mga bagong beast kaming nakaharap. Naroon ang mga Crock Hatchlings na may mga level 6-8. Mataas ang defense ng mga ito at nasa 400XP ang bigay na doble kumpara sa mga high levels sa kanila. Consolation reward siguro iyon dahil sa pagkakunat ng mga ito. Meron ding mga Horned Beatles na flying types levels 10-15 sila low XP pero ayos naman ang item na makukuha mula dito. Beatle Horn at Beatle Shell na pwedeng ibenta ng 1 silver kada piraso.

.

At during our way back to our tent ay sinabihan ko silang sumubok ng ibang style ng paglaban sa mga beast. Tinuruan ko silang matuto ng fighter techniques. Basic muna like punch, kick, jump and evade syempre with elemental enhancements yun. Magaling naman sila sa pag-condure ng kani-kanyang elemento kaya hindi naging mahirap sa kanila ang matuto.

Meron na nga kaagad silang Vrahl Fighter Level 1 na class ngayon eh. Minamani na lang namin ang mga beast dito sa meadow dahil sa bilis nilang matuto. Bago narin ang mga levels namin ngayon at mukhang handa na kaming pumasok sa loob ng Herus Woods.

Ermack Level 15
Froy Level 15
Ryuben Level 15
Elgor Level 15

Ito ang aming mga stats ngayon:

Ermack La Filius
Level 15
Beginner Wizard
Class:
Void Wizard Level 7
Healer Level 7
Vrahl Fighter Level 8

Str: 33 +40 (armor) +100= 170
Dex: 43 +29 (armor) +150= 213
Int: 65 +50 (armor) +75= 190
Vit: 20 +10 (armor) +75= 105
Luk: 8 +5 (armor) +5= 18

HP: 2980 +1000 (ring)= 3980
Def: 290 +115 (armor) +100 (ring)= 505
MP: 965
SP: 570

Normal DMG: 345
Vrahl DMG: 675 +260 (void)= 935

Speed: 25 +72 m/8s
Dodge: 200

★★★

Elgor Augumir
Level 15
Beginner Wizard
Class:
Water Vrahl Wizard Level 6
Healer Level 6
Vrahl Fighter Level 1

Str: 26 +35 (armor) +63= 124
Dex: 30 +15 (armor) +94= 139
Int: 50 +40 (armor) +80= 170
Vit: 13 +20 (armor) +50= 83
Luk: 3 +3 (armor) +2= 8

HP: 2280
Def: 6 +80 (armor) +196= 282
MP: 910
SP: 476

Normal DMG: 226
Vrahl DMG: 640 +150 (water)= 790

Speed: 20 +50 m/8s
Dodge: 126

★★★

Froy Gyllemdale
Level 15
Beginner Wizard
Class:
Sorcerer Level 6
Lightning Vrahl Wizard Level 5
Vrahl Fighter Level 1

Str: 28 +25 (armor) +67= 120
Dex: 35 +25 (armor) +100= 160
Int: 55 +25 (armor) +85= 165
Vit: 15 +25 (armor) +50= 90
Luk: 4 +2 (armor) +3= 9

HP: 2310
Def: 203 +50 (armor)= 253
MP: 860
SP: 474

Normal DMG: 217
Vrahl DMG: 595 +200 (lightning)= 795

Speed: 25 +63 m/8s
Dodge: 147

★★★

Ryuben Kantai
Level 15
Beginner Wizard
Class:
Enchanter Level 6
Shifter Level 4
Vrahl Fighter Level 1

Str: 25 +33 (armor) +62= 120
Dex: 35 +40 (armor) +95= 170
Int: 45 +33 (armor) +81= 159
Vit: 10 +33 (armor) +50= 93
Luk: 3 +3 (armor) +3= 9

HP: 2369
Def: 195 +50 (armor)= 245
MP: 755
SP: 440

Normal DMG: 218
Vrahl DMG: 511 +110 (enchant)= 621

Speed: 19 +47 m/8s
Dodge: 155


"Teka nga lang, ang taas ng HP mo bro ah? Ang galing naman ng ring mo." puna ni Ryuben sa stats ko kinabukasan.

.

"I just got lucky tol!" sagot ko.

Niligpit muna namin ang aming tent at naghanda na sa pagpasok sa loob ng gubat. Naipaliwanag na sa akin noon ni ama ang alituntunin ng leveling system. Pagpatong ng level 15 ng isang wizard ay kokonti ang stat bonuses na matatanggap nito from each kill. Kung noon ay kada may mapatay kaming beast ay may stat bonus sa Str, Dex, Int, Vit at kung minsan ay sa Luk pero ngayon ay maiiba na. It will be on every after 5 beast kill na. At kapag naging level 20 na kami ay sa mga rare and above level beast na lang kami makakatanggap ng bonus.

"O ano, handa na ba kayo?" humarap kaming lahat sa forest at nagkatinginan sa isat-isa.

.

"Tara!" sabay naming sabi at nagsilakad na kami papasok.
.

Ang Herus Woods ay lubhang malawak at ito lang ang madaling daan patungo sa ikalawang bayan na tinatawag na SULAR. May malawak kasing bulubundukin na nakaharang sa daan batay sa nakita ko sa mapa ito ay ang ZORECH (zo/rek) at kung dadaan kami sa bahaging may daan ay baka hindi kami lumevel. Kung sa bundok naman ng Zorech ay tiyak na mas mapanganib. Mountains are usually the habitat of dragon type beast ancients and legendary. Hindi pa namin kakayanin ang mga ganon kalalakas uy!..

.

"Ang dilim naman!" bulalas ni Froy.

"Shh!... Wag kang maingay jan. Mabulabog natin ang mga beast dito." puna ni Elgor sa kanya.

"Okay!..." pabulong na sagot ni Froy.

"Good!" baling muli ni Elgor dito at nag thumbs up pa.

Ang kulit ng mga to ah... ;)

Malalago ang mga puno at halaman dito sa loob at medyo may kadiliman nga. Tinitignan ko ang dala kong mapa habang napapagitnaan ako nila Elgor at Froy. Si Ryuben naman ay nasa harap at matamang nagmamasid sa paligid. Humugot ako ng mga wolf fangs sa vault ko at itinitira ito na parang darts sa katawan ng mga puno. Habang dumidikit ito doon ay lumalawak ang clear area ng hawak kong map. It is another way to expand the explored area ng map. Turo sa akin ni ama yun at sa wakas nagamit ko rin. Nagbato ako ng iba pang fangs sa buong paligid at nagkaroon na ng perimeter sa map. Pinahinto ko sila sa paglalakad dahil sa may lumabas na mga red dots sa bandang unahan namin.

"Dito tayo sa likod ng puno." pabulong kong sabi sabay hila sa kanila.

May dalawang bagong beast kaming nakita ng sumilip kami. Ito ay ang level 20 Herus Centaur (Half Horse-Half Humanoid) at level 23 Herus Faun (Half Goat-Half Humanoid).

"Mga Elementals!" hindi napigilang bulalas ni Ryuben. Mabuti na lang at hindi ito malakas kung nagkataon ay baka nakita kami nung dalawa. Ang mga elementals ay isa sa maraming uri ng naninirahan sa Ultara bukod sa mga gaya naming mga wizards. Ang gubat ang kanilang tirahan at ayaw nila sa mga wizards. May alitan kasi ang dalawang panig matagal na panahon na ang nakararaan at hanggang ngayon ay naroon parin. Sa makatuwid ay kalaban namin sila!

"Conceal!" agad kaming ginamitan ni Froy ng sorcery para maging invisible. Kung sa amin ay mapa ang makakagabay at makakapag pinpoint ng mga kaaway sa kanila naman ay ang kanilang matalas na pandama.

.

"Pwede na siguro dito Eriden, malayo na ito sa ating tirahan." nagsalita yung Level 23 na Faun.

"Oo nga Gima dito na natin iyan iligpit!" sumagot yung centaur na may pangalang Eriden.

Teka? Sinong ililigpit nila? Muli kong tinignan ang mapa at may lumabas pang isang dot. Kulay green ito kaya ibig sabihin ay hindi namin kaaway. Naglakad sa isang malapit na puno si Gima at may katawang kinuha mula roon. Isang.... Isang dilag na mukhang walang malay. Ginintuan ang buhok at kapansin-pansin na maganda ito at isa sa Elven race. Which is actually ay kaaway din namin dahil gaya ng sa dalawang ito ay kabilang din siya sa Elementals. Pero bakit kaya kulay green? May mali dito eh.

.

"Matutuwa nito si guro. Kapag nagawa natin ito ng matagumpay ay gagantipalaan niya tayo ng dagdag na kapangyarihan!" sabi pa ni Eriden.

.

Hindi ko maipaliwanag pero may kung anong nagsasabi sa akin na iligtas ko ang elf na ito. Parang may boses na nag-uudyok na gumalaw ako. Or am a I just imagining it? At nung lumabas ang isang patalim na hinugot ni Gima mula sa vault niya ay hindi na ako nagdalawang isip pa. Hindi ko hahayaang patayin niya ang kawawang dalagang ito!

.

"Blazing Kick!" sinipa ko ito sa tagiliran dahil hindi nito naramdaman na parating ako. Nabitawan niya ang hawak na patalim at natumba sa lupa.

.

"Sino ka?!" asik naman ni Eriden na mabilis na pumadyak sa lupa ang mga paa. Isa na pala yung skill. May mga ugat na biglang tumubo sa paanan ko at pumulupot sa aking mga binti. Agad niya akong akmang susugurin pero tinamaan ito ng isang kidlat mula kay Froy. Si Ryuben naman ay nagpalit ng anyo at pinutol ang mga ugat na bumihag sa akin. Nakahanda na si Elgor sa kanyang water skill at nagsilitawan ang mumunting water droplets sa paligid niya.

.

Nakita kong bumangon yung faun at naglabas ng isang uri ng instrumentong lumilikha ng tunog. Nagmadali agad ako at muli siyang sinugod. Kahit pala mataas ang level niya ay mabagal siya. At mahina lang ang dipensa nito, idagdag mo pa ang pagkagulat nila sa pagdating namin.

.

"Void Cutter!" tinapyas ko sa gitna ang instrumento bago niya ito mahipan. At inatake ko uli ito gamit ng parehong skill sa katawan. Bahagya siyang nakaatras pero nasugatan ko parin ang dibdib niya. Itinapat ko ang dalawang palad ko sa kanya habang paatras lumundag.

"Wind Blades!" isang wind skill ang ginawa ko na siyang ikinatapos ng buhay niya.

.

"Water Blades!" dinig kong sigaw ni Elgor.

Kinakalaban nila si Eriden at mukhang magaling ito sa pakikipaglaban. Ginagamit niya ang kalikasan para umalake. Mga ugat, dahon, tangkay at sanga ng puno at pati na ang mismong lupa ay nakokontrol niya..

.

"Ermack nakuha ko na ang dilag. Buhay pa siya, wala lang siyang malay." sabi sa akin ni Ryuben.

.

"Ground Shock!" pinagapang ni Froy ang kidlat niya sa lupa dahil narin sa tulong ni Elgor. They worked perfectly na parang iisa ang isip nila. Basa ang paligid kung saan naroon si Eriden dahil sa tubig ni Elgor. Kaya nung gumapang ang kuryente ni Froy ay natamaan si Eriden na basa narin ang mga paa. Nagkaroon ng double damage effect ang combo nila kaya natusta ang centaur.

.

★Received XP 5600
★Level Up to Level 16

» 1 Quest Active!

.

Binuhat ko ang walang malay na elf at inilapag sa gilid ng isang malaking puno. Nakasandig ang likod ko sa katawan ng puno habang ginawang unan nito ang aking hita. Ginamitan ko siya ng healing vrahl upang bumalik ang nawala nitong lakas at malay. Ilang saglit pa ay gumalaw na ang ulo nito. Nakailang iling pa ito bago magmulat ng mga mata. Bughaw ang mga mata nito na medyo singkit. Nagpalipat-lipat ang paningin nito sa aming apat bago biglaang nagsalita.

.

"Ahhh!..... Sino kayooooo!" nagsisigaw at nagwala na lang ito bigla. Nasampal pa ako sa mukha. Ang lakas makasampal ah, siya na nga ang niligtas

.

"Shhh!.... Wag kang maingay! Hindi lig- Aray naman!" hindi ko naituloy ang sinabi ko dahil sinipa ba naman ako sa kwan, sa basta alam niyo na!

.

"Tumigil ka sa kakasigaw mo kung ayaw mong HALIKAN kita Miss!" w-wait, what did I just say? Ano daw?

.

"BASTOS!" sumigaw ito ng pagkalakas-lakas.

.

You are giving me no CHOICE lady!.. I grabed her quickly at ipinaglapit ang mga labi naming dalawa...

Saglit lang yung halik, mga 6 seconds siguro...

"O, e di natahimik ka diyan!" and I gave her a smile..

;)

End of Chapter...

AN: A little bit of kilig moments? Haha..

How do you find the story so far guys?
Drop your comments and reactions...

Yun lang!...

Enjoy reading!...

Continue Reading

You'll Also Like

352K 14.3K 75
Genre: Science-Fantasy Familiar ba kayo sa VRMMORPG? I'm sure may idea na kayo yung ano ito. This is what we call a world from another dimension. A d...
5.1M 196K 44
Akala ni Jill Morie ay tapos na ang laban, matapos nilang matalo ang Memoire ay payapa na silang namumuhay ngayon sa Isla Ingrata. Subalit biglang ma...
4.3K 348 9
Ang Divine Realm, isang realm na pinamumunuan ng malalakas at magigiting na mga indibiduwal na mayroong kakayahang paslangin ang milyong-milyong mga...
144K 4.7K 54
Ang Arcanum Incorporation isang inkorporasyon na naglabas ng isang laro na natatanging sa Asia lamang nalalaro. Si Jhap Orehcah Oyort isang binatilyo...