San Lazarus Series #6: Onerou...

By LadyLonelySadness

2.4K 375 4

Paano kung ang inaakala mong tamang pag-ibig ay isa pa lang huwad, saan ka tatakbo kung lahat pala ay isa lam... More

COLLABORATION
DISCLAIMER
EPIGRAPH
CHAPTER I: PUTO
CHAPTER II: BAYABAS
CHAPTER III: NIGHT CHANGES
CHAPTER IV: FOR YOU
CHAPTER V: NEW LIFE
CHAPTER VI: REASON
CHAPTER VII: TIRED
CHAPTER VIII: CONFESS
CHAPTER IX: SCARED
CHAPTER X: SPECIAL
CHAPTER XI: JEALOUSY
CHAPTER XII: JACKSON
CHAPTER XIII: THE TRUTH
CHAPTER XIV: DECISION
CHAPTER XV: NAMES
CHAPTER XVI: GENDER
CHAPTER XVII: GOALS
CHAPTER XVIII: FEELINGS
CHAPTER XIX: EYES
CHAPTER XX: REGRETS
CHAPTER XXI: PHYSICAL
CHAPTER XXII: SWEETS
CHAPTER XXIII: FAMILY
CHAPTER XXIV: IT'S BEEN A WHILE
CHAPTER XXV: SHE KNOWS
CHAPTER XXVI: LIE AND TRENDS
CHAPTER XXVII: SHOOTING STARS
CHAPTER XXVIII: CONDITIONS
CHAPTER XXX: AMANDA
CHAPTER XXXI: SAD SONGS
CHAPTER XXXII: WISH
CHAPTER XXXIII: WHERE SHE BELONGS
EPILOGUE

CHAPTER XXIX: OFF

25 6 0
By LadyLonelySadness

🍛🍛🍛

"Anong ginagawa mo rito?!" Galit na bungad n'ya ng pagbukas n'ya ng pinto ay nakita n'ya si Vladimir kung kailan lunes ng umaga saka pa ito nagpakita para sirain ang araw n'ya.

"Ihahatid sa eskwela ang anak-"

"-shut the fuck up." Agap na pigil n'ya dahil hindi pa n'ya mapagdesisyonan kung ipaaalam sa anak ang totoo o itatago na lang.

"Faye-"

"-wala akong sinabing sunduin mo 'sya."

"Wala nga, pero gusto ko."

"Wala kang karapatang magdesisyon para sa anak ko." Madiing sabi n'ya.

"Mom, sinong kausap mo po?" Napatingin sila sa narinig at agad na nawala ang inis n'ya ng makita ang anak na kasunod si Jackson, parehas pang-inaantok at pikit ang mga mata.

Napangiti s'ya sa itsura ng dalawa. "Wala, nakaluto na ako ng agahan. Kumain na kayo." Sagot n'ya saka bahagyang isinara ang pinto, nagkibit-balikat ang mag-ama n'ya saka dumiretso sa kusina kaya bumaling s'ya kay Vladimir. "Umalis ka na."

"Pero lunes ngayon, 'yon ang nasa usapan." Pilit nito.

Tiningnan n'ya ng masama ang lalake. "Aalis ka o kakaladkarin kita paalis ng building?" Badtrip ng banta n'ya.

Napabuntonghininga ito. "Fine, babalik na lang ako mamaya." Sabi nito kaya sinara na n'ya ang pinto at hindi na pinansin iyon, wala s'yang pakealam sa lalake.

Dumiretso s'ya sa kusina at sumabay sa pagkain ng dalawa, matapos iyon ay nag-aasikaso na sila ng muling may kumatok. Abala s'ya sa ginagawa kaya si Jackson ang nagbukas no'n.

"Love, nakita mo ba 'yong-" napahinto s'ya ng makita na naman si Vladimir, tumaas ang kilay n'ya at akmang magsasalita na ulit ng marinig n'yang sumigaw si Acks mula sa loob ng kwarto. Agad na tinungo iyon ni Jackson na nauna pa sa kan'ya kahit nasa may main door ito.

"Anong nangyari?" Tanong n'ya ng makasunod, napakunot ang noo n'ya ng makitang parehas nasa harap ng salamin ang mag-ama n'ya. Napasaltak s'ya saka nakahalukipkip na sumandal. "Huwag mong sabihing sumigaw ka dahil wala ka na namang gel? Makukurot kita ng nail cutter Jackson!" Banta n'ya sa anak.

Napahinto sa ginagawa ang dalawa at tiningnan s'ya. "Sino samin ni papa, mama?" Inosenteng tanong ng anak n'ya.

Napairap s'ya saka naglakad papasok, lumapit s'ya at piningot ang anak. "Malamang ikaw." Inis na sabi n'ya.

Sumimangot si Acks. "Mama naman, napasigaw lang e."

Napailing ang asawa n'ya saka hinawakan s'ya sa bewang at inilapit. "Son, alam mo namang allergic sa ingay ang mama mo tuwing umaga." Paalala nito.

Bumaling sa salamin si Acks. "Nalimutan ko po, nag-panic ako e." Sinuklay nito ang buhok saka nagpogi sign. "Gwapo na po ba ko?"

Umiling s'ya. "Pangit ka pa rin." Sagot n'ya kaya agad na humarap sa kanila ang anak n'ya.

"Mama, hindi ako pangit! Imposible 'yon! Ang gwapo ni papa oh!" Katwiran nito saka tinuro si Jackson. "I am his son, therefore I'm also handsome!"

"May anak na nagmana sa talampakan, acks."

"How could you say that mama!" 'Di makapaniwalang drama nito. "Parang noong nakaraan sabi mo gwapo ako! Tapos ngayon mukha na kong talampakan! Ako'y hurt!"

Napatawa sila parehas ni Jackson, pinisil n'ya ang pisngi ng anak. "Hurt ka pang nalalaman, bilisan mo na at dumating na ang sundo mo."

Napasimangot ito. "Mama, bakit kasi di na lang si papa ang maghatid sakin gaya ng dati?"

"Hindi ba't napag-usapan na natin 'to kagabi?"

Sumaltak ang anak n'ya saka bumaba na sa silya at isinukbit ang bag sa balikat. "Too much independent really irritates the hell out of me!" Inis na sabi nito habang naglalakad palabas ng kwarto kaya kinurot n'ya si Jackson.

"Kelan pa natuto ng ganoon ang anak mo?!" Nanlalaki ang mga matang tanong n'ya.

"Hindi ko din alam, baka naririnig n'ya lang?"

"Umayos-ayos ka sa itinuturo mo."

Alanganing ngumiti si Jackson. "Hehe, noted."

Paglabas nila ng kwarto ay inihatid lang nila sa pinto si Acks na sumama na kay Vladimir, napabuntonghininga na lang s'ya kahit pa nakausap na nila si Acks tungkol sa bagay na iyon. Matapos kasi ang araw na nag-usap-usap silang apat ay hindi na s'ya napakali kaya ng makapagdesisyon na hindi na lang aminin sa anak ang totoo ay agad nilang kinausap ito ng sumunod na gabi.

Hindi naman sila nahirapang magpaliwanag dahil nakakaintindi naman agad si Acks iyon nga lang ay puro reklamo dahil hindi n'ya raw kailangan ng babysitter, iniisip kasi nito na ganoon na rin iyon dahil hahayaan nilang si Vladimir ang mag-asikaso sa anak para makasama ito.

Nag-asikaso lang sila ni Jackson at dinaanan na nila si Amanda sa bahay ni Anna, sa backseat na s'ya pumuwesto para hayaang magkatabi ang mag-ama ngunit taliwas sa inaasahan n'ya ni walang kasabikang pinakita ang bata para sa ama na ngayon pa lamang nakasama, tahimik lang ito buong byahe at hindi umiimik na para bang hindi nila alam kung naiilang sa kanila, naninibago o natatakot ito kaya hindi na muna nila pinilit na kausapin ng husto. Ang mga araw nila ay lumipas ng ganoon, susunduin ni Vladimir si Acks samantalang sila naman ang susundo kay Amanda.

Abala s'ya sa pag-aasikaso kay Amanda habang kumakain sila sa isang restaurant matapos itong sunduin sa eskwelahan ng tumunog ang cellphone n'ya, nanlaki ang mga mata n'ya ng mabasa ang text.

"Bakit?" Tanong ni Jackson ng makita ang ekspresyon n'ya.

"Nasa eskwelahan pa raw si Acks, hindi pa nasusundo."

Nagsalubong ang mga kilay ng asawa n'ya at tiningnan ang oras. "Alas syete na!" Agad n'yang pinigilan ito ng akmang tatayo saka isinenyas si Amanda na kumakain, napabuntonghininga si Jackson. "Ako na lang ang susundo, dito na lang muna kayo." Pinal na sabi nito.

"Pero-" pigil n'ya pero hindi ito nakinig kaya napasimangot na lang s'ya, umalis ito at iniwanan sila.

"Close po sila ng husto 'di ba?" Nagulat s'ya ng marinig iyon at agad na tiningnan si Amanda na huminto na sa pagkain.

"Amanda..."

"Ayos lang, wala naman iyon sa akin." Inilapag nito ang hawak na kubyertos. "Buti pa nga ang anak mo ay close sa kan'ya e."

"Anong ibig mong sabihin?"

Umiling ang bata. "Wala naman." Sagot nito at hindi na umimik hanggang sa bumalik si Jackson ay hindi na nagsalita pa si Amanda.

"Mama!" Masayang sigaw ni Acks ng makita s'ya dahilan para mapangiti s'ya, agad s'yang nag-open arms at niyakap s'ya ng anak ng makalapit. "Sinundo ako ni papa!" Pagmamalaki nito sa kan'ya.

"Alam ko," sagot n'ya saka pinaupo na ito sa silya, umorder pa si Jackson ng gusto ni Acks at kumain ulit sila ngunit sa pagkakataong iyon ay maingay na ang hapag dahil kay Acks na walang ibang ginawa kundi dumaldal habang kumakain. Matapos kumain ay naglakad-lakad sila at ang kinukulit naman ni Acks ay si Amanda na halatang iritang-irita na sa kaingayan ng anak n'ya pero hindi makapagreklamo.

Kinabukasan ay hindi na nila inasahan pa si Vladimir na darating kaya naman isinabay na ni Jackson si Acks sa pagpasok samantalang naiwan naman s'ya sa unit para maglinis muna bago pumasok dahil wala naman s'yang masyadong gagawin sa office n'ya para sa araw na ito. Abala s'ya sa pagtaob ng unit ng may kumatok, nagpunas s'ya ng kamay at binuksan iyon. Agad na napataas ang kilay n'ya ng makitang si Vladimir iyon.

"Ano na namang ginagawa mo rito?" Inis na tanong n'ya.

"Araw-araw mo na lang tinatanong 'yan, hindi ka pa ba nasasanay?"

Napataas ang kilay n'ya. "Bakit kailangan kong masanay?"

"Faye-"

"-shut the fuck up, umalis ka na."

"Hindi ako aalis hangga't hindi ko kasama si Acks, faye."

"Pwes makakaalis ka na, wala kang isasama."

"Faye-"

"-tigilan mo ko sa kakapalan ng mukha mo Vladimir-"

"-bakit ba nagagalit-"

"-bakit hindi?! Pinabayaan mo lang naman si Acks na abutin ng alas syete sa eskwela!" Galit na sigaw n'ya.

Saglit na hindi nakaimik si Vladimir. "Hindi ko sinasadya, late lang na natapos ang meeting ko pero-"

"-sana nagsabi ka! Hindi 'yong hinayaan mo lang!"

"Sorry, hindi ko naman sinasadya, susunduin-"

"-lahat na lang hindi mo sinasadya! Gan'yan ka ba talaga?!"

"-Faye-"

"-tang-ina, umalis ka na nga!" Sigaw n'ya saka akmang isasara na ang pinto ng pigilan s'ya ni Vladimir. "Ano ba?!"

"Bakit hindi mo sinabi sa kan'ya na ako ang tunay n'yang ama?" Seryosong tanong nito. "Alam mo bang uncle ang tawag n'ya sa akin?!"

Napataas ang kilay n'ya. "Bakit kailangan kong sabihin? Deserve mo ba?" Hindi nakaimik si Vladimir. "Kung tutuusin wala kang karapatang mag-demand ng kahit ano mula sa amin pero dahil makapal ang mukha mo, heto ka pilit isinisiksik ang sarili! Hindi ka ba aware na sinisira mo na naman ang buhay namin?!"

"-faye-"

"-umalis ka na, hindi ka kailangan ng anak ko, walang may kailangan sa'yo kaya tigilan mo na kami!"

Nanghihinang napabitaw si Vladimir sa pagkakahawak sa pinto ng marinig ang sinabi n'ya, di makapaniwala ang mga mata nito ng tingnan s'ya. "You've change a lot, faye...you are so mean..."

"...you deserve it." Sabi n'ya saka isinara na ang pinto, inilock n'ya iyon at nanghihinang napaupo na lang sa lapag habang nanginginig ang mga kamay n'ya. Niyakap n'ya ang mga binti at umungko doon saka humikbi hanggang sa mauwi iyon sa pag-iyak. Naiiyak s'yang husto dahil sa galit na nararamdaman n'ya.

🍛🍛🍛

"Kakaiba talaga s'ya," 'di mapigilang sabi ni Jackson habang pauwi silang dalawa matapos maihatid si Amanda.

Napakunot ang noo n'ya. "Sino? Si Anna?"

Bahagyang natawa si Jackson saka umiling, hinawakan nito ang kamay n'ya. "Wife, hindi s'ya. Huwag mo ngang pag-aksayahan ng oras na kaselosan 'yon."

Napasimangot s'ya. "Binibiro lang kita."

"Nako, binibiro daw tapos mamaya pagbibintangan na naman ako ng kung ano-ano." Ismid nito na ikinatawa n'ya.

"Bakit totoo namang pumayag kang magpapicture do'n sa babae ah?" Paalala ni Faye, galing kasi sila sa cafè tapos pumayag si Jackson na magpa-picture do'n sa babae na kilig na kilig sa asawa n'ya, alam naman n'yang napilitan lang ang asawa n'ya na pagbigyan iyon dahil s'ya na rin ang pumayag at inaasar n'ya ito ng paulit-ulit tungkol doon.

"Ako ba talaga o ikaw? Sa pagkakaalala ko, ikaw ang agad na pumayag."

"Mukha naman mabait s'ya e."

"Mabait," sumaltak si Jackson. "Lahat ng tao mabait pero hindi lahat totoo."

"I agree," napatango-tango s'ya. "Parang ikaw, inaabuso ang kabaitan ko pero mabalik tayo, sinong tinutukoy mo?"

"Si Amanda."

"Pa'no mo naman nasabing kakaiba s'ya?"

"I know you also notice it wife, the way she speak....the way she move...her mannerism...her laugh...it all feels off."

"Ayos naman s'ya magsalita ah? Though walang po o opo at laging direct to the point."

"Wife, wala s'yang galang o respeto man lang." Inis na sabi ni Jackson.

"Baka kasi di naturuan?"

Muling napasaltak si Jackson. "Her laugh sounds so cold, her move are always calculated..."

"And her mannerism is so weird?" Dagdag n'ya na ikinatango ni Jackson.

"Exactly."

"But don't forget that she's also nice, pakiramdam ko naman kailangan n'ya lang talagang maging kumportable sa atin para maging okay s'ya. I mean look how she get along with Acks, ayos naman sila."

"Wife, hindi mo ba nakikitang iritable s'ya parati kay Acks?"

Napatawa s'ya. "Nakikita ko pero she's trying her best na makibagay, kaya ikaw gawin mo naman ang parte mo bilang ama n'ya."

Napasimangot si Jackson. "Ginagawa ko naman ah? Trying hard na nga e."

"Habaan mo pa ang pasensya, kaya mo 'yan." Sabi n'ya saka tinapik sa balikat ang asawa.

Agad na napangiti si Jackson. "Of course, kaya ko kasi nasa tabi kita." Sabi nito at mas lumapad ang ngiti ng asawa n'ya ng makita si Acks ng buksan nito ang pinto ng unit ng makauwi na sila.

"Hi, papa!" Bati agad ni Acks na binitawan na ang laruang hawak saka lumapit para agad na yumakap kay Jackson, napatayo naman si Vladimir na nasa lapag. Mukhang naglalaro ang dalawa bago sila dumating.

"How's your day?" Tanong ni Jackson ng bumitaw si Acks sa yakap.

"Papa, I do have a lot of things to tell you! I also got stars!" Hinawakan nito sa kamay si Jackson saka excited na hinila patungong kwarto. "Come, I'll show you papa!" Napangiti na lang si Jackson saka nagpaubaya sa anak, iyon talaga ang isa sa stress reliever n'ya maliban sa tuwing makakausap n'ya si Faye.

"Anong oras kayo nakauwi?" Tanong n'ya kay Vladimir ng silang dalawa na lang sa sala.

"Alas tres," sagot nito saka akmang magliligpit na ng sumulpot si Acks.

"Ako na po!" Agap nito saka isa-isang pinulot ang mga laruang nagkalat, ipinasok ng anak n'ya ang lahat ng iyon sa malaking basket na lagyanan nito saka tulak-tulak na ipinasok naman sa loob ng kwarto.

"And since then, naglaro lang kayo?" Pagpapatuloy na tanong n'ya saka pumasok sa kusina para magluto ng hapunan.

"Ipinagluto ko s'ya ng pancakes," sagot ni Vladimir na tumayo sa may pinto ng kusina.

Napatango-tango s'ya, shes trying to be civil dahil naroon ang anak n'ya. "That's his favorite."

"Nabanggit nga n'ya."

"Nandito naman na kami, sige na, pwede ka ng umalis." Pagtataboy n'ya.

Hindi umimik si Vladimir kaya hindi na n'ya pinansin. "Ah faye," tawag nito makalipas ang ilang minutong pananahimik.

"Ano?"

"You raised him well, thank you."

Napataas ang kilay n'ya. "It isn't me, kay Jackson ka magpasalamat. He did it all." Balewalang sabi n'ya dahil iyon naman ang totoo.

"He did...?"

"Yes, he did." Tinakpan n'ya ang kaldero saka tinuloy ang hinihiwa. "If it wasn't because of him baka mahaba na ang sungay ng batang iyon, if it wasn't because of him baka ni hindi marunong maging responsable-"

"-I'm leaving," putol nito sa sinasabi n'ya saka umalis na, sinundan n'ya lang ito ng tingin at hindi s'ya nagkumento. Alam n'yang sumobra s'ya, alam n'yang halos ipinamukha n'ya kung gaano kahalaga si Jackson sa buhay ng anak n'ya pero hindi n'ya masisisi ang sarili dahil umaangat ang galit n'ya sa tuwing kaharap ito at palagi n'yang gustong ipamukha sa lalake na ayos sila ng anak n'ya kahit wala ito, na hindi nila ito kailangan.

Napabuntonghininga s'ya saka ibinaling na lang ang atensyon sa pagluluto 'di nagtagal ay kumain na sila matapos n'yang makapaghain.

"Alam mo ba mama, amazed na amazed si uncle sa akin!" Panimulang daldal ni Acks na ikinataas ng kilay n'ya.

"At bakit?"

"Kasi ang responsable ko raw tsaka ang bait bait ko daw po! Tsaka sabi n'ya marunong daw akong gumamit po ng po at opo."

Hindi s'ya nakaimik kaya si Jackson na ang nakipagkwentuhan sa anak dahil mukhang napansin nito na wala s'ya sa mood makipagdaldalan, bumalik kasi sa isip n'ya ang mga nasabi n'ya kanina kay Vladimir maging ang pag-uusap nila ni Jackson tungkol kay Amanda.

"You okay?" Napahinto s'ya sa paghuhugas ng plato matapos kumain ng marinig iyon, tumabi sa kan'ya si Jackson at tinulungan s'ya.

"Naisip ko lang..."

"Hmm?"

"Kaya parang off para sa'yo si Amanda dahil nasanay ka kay Acks, napakalaki kasi ng pagkakaiba nilang dalawa."

"I guess mas magaling akong ama kaysa kay Vladimir?" Nag-iingat na sabi ni Jackson.

Muli s'yang bumuntonghininga. "Yes you are, but I'm wondering kung paano nga ba pinalaki nila Anna si Amanda."

"Sabi ni Acks parang masama daw."

Napakunot ang noo ni Faye sa narinig. "Anong ibig mong sabihin?"

"Acks shared something on me kanina, sabi n'ya no'ng huling nagkasama sila ni Amanda-"

"-noong sa restaurant?"

Umiling si Jackson. "Dalawang araw matapos iyon, hindi ba't si Vladimir na ulit ang sumusundo at naghahatid sa kan'ya. Isang beses daw nitong nakaraan matapos s'yang sunduin ay isinama raw s'ya ni Vladimir sa bahay ng mga ito,"

"Noong hindi daw makakapasok si Amanda kaya sabi ni Anna hindi pwedeng sunduin muna ang bata?"

Tumango si Jackson. "Naabutan daw ni Acks si Amanda sa sala nanonood daw ng murder slasher movie."

"Tapos?"

"Parang may iniinda raw si Amanda noong araw na iyon, alam mo naman ang anak nating 'yon kinukulit ng kinukulit si Amanda. Sunubukan n'ya raw yakapin si Amanda katulad ng lagi n'yang ginagawa kapag nagkikita sila pero nagalit daw si Amanda at agad na lumayo na para bang ayaw magpahawak o madikitan."

"Baka naman masama kasi ang pakiramdam?"

"The off part is, napansin daw ni Acks na parang nag-eenjoy si Amanda sa pinanonood samantalang halos bumaliktad na raw ang sikmura n'ya."

Napairap si Faye. "Masyado kayong oa ni Acks, malay mo naman talagang ganoong klase ng genre ng movie ang nae-enjoy ni Amanda. Masyado kayong judgemental e hindi lang naman si Amanda ang paniguradong may ganoong movie taste."

"Hindi kami judgemental wife, sadyang napapansin lang naman namin ni Acks tsaka isa pa kahit naman ganoon s'ya ay tanggap naman namin s'ya iyon nga lang e medyo nag-aalala kami na baka kung ano na iyon."

"Huwag ka ngang gan'yan," saway n'ya ng mapansing parang nagdududa ang ekspresyon ni Jackson. "Para mo namang iniisip na isang murderer killer ang anak mo, imposible 'yan."

"Hindi sa ganoon, pakiramdam ko lang talaga may kakaiba sa environment n'ya kaya ganoon s'ya."

Nagpunas s'ya ng kamay ng matapos sa huling pinggan. "Alam mo, ang mabuti pa pursigihin mong maging maayos ang relasyon n'yong mag-ama, for sure it'll be nice if parehas sila ni Acks na close mo."

"I will, sinusubukan ko na nga talaga ng husto na mapalapit sa kan'ya." Nagpunas din ng kamay si Jackson saka humarap sa kan'ya ng kunot ang noo. "Pero wife, alam mo 'yon sa tuwing susubukan ko para bang may panibago na naman akong nalalaman sa kan'ya."

"Chismoso ka kasi," natatawang biro ni Faye. "But seriously, of course may panibago kang malalaman kasi hindi mo pa naman s'ya kilala ng husto. Normal iyon."

"I don't think off can be called normal."

Kinurot ni Faye ang asawa ng yumakap sa bewang n'ya. "Tigilan mo kasi ang kaiisip na off iyon." Sabi n'ya saka umirap kaya napabuntonghininga na lang si Jackson.

Continue Reading

You'll Also Like

226M 6.9M 92
When billionaire bad boy Eros meets shy, nerdy Jade, he doesn't recognize her from his past. Will they be able to look past their secrets and fall in...
287K 7.6K 39
The title says it all.
16.3M 545K 35
Down-on-her-luck Aubrey gets the job offer of a lifetime, with one catch: her ex-husband is her new boss. *** Aubrey...
18.1M 480K 41
After being involved with a cold-hearted mafia boss, Robyn Lehman decides its time to run. Little did she know, she was carrying the future heir to h...