" selos "
I am humming a song and plucking some hair on my chin while chilling in my camping chair.
Nasa paborito akong pwesto ngayon dito sa tabi ng batis na kung saan nakakagaan talaga sa pakiramdam pakinggan ang agos nito.
Oh how I love the serenity of this place brought to me.
Papalubog na naman ang araw at kahit pagod sa maghapong pagtatrabaho pero fulfilling naman, kasi I get to enjoy this place alone.
Natigil ako sa pagbubunot ng balbas nang maalala si Harriet.
Tsk.
Anong alone? Muntik ko ng makalimutan..andito pala ang babaeng 'yun!
Ang gaga, hindi talaga umalis. Desidido talagang manatili sa lugar na 'to para bwesitin ako araw-araw.
Gusto ko sanang sabihin kay tita na wag e-accomodate ang bruhang 'yun pero wala..sobrang yaman 'nun eh. Afford kumuha ng buong cabin kahit habang buhay pa siyang mag check-in dito.
Hindi naman matanggihan ni tita. Guest siya eh. Kahit gaano pa 'yan kamahal kaya niyang bayaran.
Hayst.
That woman is really irritating!
" Sevi..."
Irita kong inikot ang mga mata.
Hayst. Speaking of the devil. Ayan na naman siya!
" What?!"
Halos pumuti ang mga mata ko sa ginawang pag-irap sabay harap sa kanya.
Busangot ang mukha ko nang tingnan siya.
Ang gaga.. pa inosente look talaga as always.
She's wearing an all white body hugging dress na lagpas tuhod. Nakalugay ang mahaba at medyo wavy niyang buhok na malapit na maging pula dahil sa ginawang pag-bleach 'dito.
Hindi bagay ang get up niya sa lugar. Ano siya, aattend ng party?!
Summer dress ba 'yan? Camping get up ba yan?
Tanga talaga. Tsk.
Magkasing putla na sila ni Dakila ngayon. Dati hindi naman siya ganito ka puti. She's a morena just like her mom.
Baka lumaklak ng isang galong glutathione para magmukhang inosente. Tapos ang pabebe pa kung magsalita na animo hindi makabasag pinggan.
Kunyari baby face..kunyari angelic face pero..nah..
That fierce demonic face, and that mystic eyes. I know she's a snake deep inside.
Just prying to her prey anytime. And I am that prey.
Pero ano siya? Hindi ko hahayaang matuklaw niya, nu!
Asa siya.. alam kong sa likod ng maamo kunwari niyang mukha, nakatago ang isang babaeng napakasama ng ugali!
Alam ko ang gusto niyang e achieve sa ganyang ayos. Gusto niyang magmukhang anghel sa paningin ko pero hindi niya ako maloloko. Para sa'kin, mas nangibabaw lang ang pagka-demonyita niya sa ganyang ayos.
" Kumain ka na ba? Halika . .kain tayo. Nagpaluto ako sa chief dito ng paborito mo." Nahimigan ko pa ang kaba sa boses niya nang sabihin yun.
Inikot ko muli ang mga mata saka malakas na ibinagsak sa dalang make up pouch ang puller na ginamit ko kanina sa pagtanggal ng balbas.
Isa pa 'to sa kinaiinisan ko! Last week lang..kakatanggal ko lang nito! Bakit ba ang bilis nilang tumubo!?
I really fuckin' hate my very manly body!
Hayp 'yarn.
" Harriet..ilang beses ko ba sasabihin sa'yo na tantanan mo na ako? Ha? Bakit ba ang kulit mo?! Bobo ka ba? Or sadyang ang pathetic mo lang? Kasi alam mo naman talaga ang totoo, hindi ka pa'rin tumitigil."
Again..just like before. She ignore what I said.
Ugghh. She's really getting into my nerves!
" Would you please cut that pa inosente look? Alam kong kontrabida ka talaga sa totoong buhay! Kaya wag kang mag-aktong bida diyan..coz you're not!"
Magsasalita pa sana siya nang biglang dumating si Bridgette.
Umaliwalas bigla 'yung mukha ko nang makita siya.
I feel like my guardian angel suddenly appear just to rescue me from this demon lady beside me.
Mabilis akong tumabi kay Bridgette at umangkla sa braso niya.
Tinarayan ko ng tingin si Harriet na ngayon ay parang naiinggit pa sa'min ni Bridgette.
Tsk. Para siyang nagseselos kung makatingin sa'min.
Haynako. Ang desperada talaga!
" Oh, tingin-tingin mo diyan? " Mataray kong asik sa kanya.
Pero ang magaling na Bridgette bigla ba naman hinablot ang braso niya sa'kin saka mataray na pinameywangan kaming dalawa ni Harriet.
" Hoy bakla..hinahanap ka na 'run! Maraming magchecheck-in this night! Andito ka lang pala. "
Aba..mukhang may regla ang lola niyo ah. Ang taray!
" At ikaw naman miss . . sino ka nga--
" Misis." Medyo galit niyang putol sa sasabihin pa ni Bridgette.
" Asawa ni Sevi. Harriet Denise Santibañez Dimagiba."
Umirap ako. Haayst. Pabida talaga.
Humalukipkip si Bridgette at inis na tiningnan ang babae.
Kilala ko si Bridgette, ayaw niya 'rin sa mga pabidang babae. Pareho kami nito, naiirita sa mga ganyang klaseng tao.
" Alam mo . .hindi sa pakikialam ha. May sira ka ba sa toktok?"
Nagulat kami ni Harriet sa narinig.
Hindi ko inasahan na maririnig 'yun sa kaibigan.
Though deep inside I'm thankful she said that out loud. Somebody must let this woman hear those words.
Totoong may sira talaga siya sa utak!
" Alam mo namang bakla 'yung tao, habol ka pa'rin ng habol sa kanya. Wala na bang lalaki sa mundo kaya nagpapaka-desperada ka sa kanya ng ganito katindi?"
Pinigilan kong huwag mapangiti sa sinabi niya. Yan gurl.. that's my friend! Ipagtanggol mo ako sa babaeng yan! Ipamukha mo sa kanya ang totoo nang sa ganun magising sa kahibangan!
" Sevi is my friend here. Dapat ba talagang magpakababa ka ng ganyan para sa kanya? He's not worth it. Bakla--
" I know. " Sumeryoso ng tindig si Harriet saka mataray na tinitigan si Bridgette.
Sinasabi ko na nga ba. Kontrabida talaga siya ng taon!
Ayan na..kitang-kita ko mismo kung papano nagchange ang angelic aura niya. Parang lumagim bigla ang ambiance ng buong paligid dahil sa presensya niya.
" May I remind you ma'am that I am now his wife. Kaibigan ka man niya o hindi, asawa ko na siya. Kaya wala kang pakialam kung ano ang gawin ko sa kanya. Saka..manager ka 'rito, di ba? Ganyan mo ba dapat tratuhin ang mga guests niyo?"
Sabay kaming napahinga ng malalim ni Bridgette mula sa mataray niyang sinabi.
Batid namin na pareho kami ng iniisip ngayon.
Sarap itapon ng babaeng 'to sa batis! Nang anurin na palayo sa'min!
That brat..is really 'bratting'!!
" Misis, Dimagiba. .pasensya na po kayo sa nasabi ko. .pero nakakaabala ka na kasi sa trabaho ng asawa mo. Kung hindi mo 'yun napapansin.." Hilaw na ngumiti si Bridgette kay Harriet. Alam kong nagtitimpi lang siya sa inis.
Kahit sino..ke kakilala ko o kaibigan..aalma talaga dahil hindi na tama 'yung pinaggagawa ni Harriet sa'kin!
Grabe..for a gay like me..ano bang nakain niya para magkagusto sa'kin ng ganito katindi?
Pero as usual.. wala lang siyang pakialam sa narinig. Animo wala siyang narinig at sadyang tumingin lang sa'kin.
Argggh. Nakakainis talaga siya! Lumabas din ang tunay na kulay.
Mapagkunwari!!
Behind that angelic face and voice is a demon deep inside!
And I bet Bridgette knows that already.
Kung inaakala ng babaeng 'to na magtatagumpay siya, nagkakamali siya!
Kaya naman may nabuong isang ideya sa'king isipan kung papano siya patitigilin.
Pinaningkitan ko siya ng mga mata.
Hindi na ako nagsalita at hinablot nalang bigla ang kamay ni Bridgette.
I hold it tightly.
Kita ko kung paano natigilan si Harriet nang mapatingin sa mga kamay namin ni Bridgette na ngayon ay mahigpit na magkahawak.
A wry smile escape from my lips.
Now I know how to stop her from pestering me.
Takang napatingin sa'kin si Bridgette pero nang tingnan ko siya sa paraang alam na niya ang gagawin, parang natauhan siya bigla at pilya ng tumingin kay Harriet.
I know..she wants to irritate also this woman in front of us.
" Halika na Sevi.. may trabaho pa tayong gagawin. Saka ma'am.. excuse us nalang ha."
Siya pa mismo ang humila sa'kin paalis.
Batid naming dalawa ang nag-aapoy na tingin ni Harriet sa'min habang papalayo na kami.
Gusto kong mapabunghalit ng tawa dahil alam kong inis na inis ngayon ang babaeng 'yun.
" Grabe.. I really can't take that girl."
" Yeah.. me too." Saad niya.
Nagkatinginan kami at ilang sandali pa ay sabay ng tumawa sa isa't isa.
Napailing siya saka binitawan ako sa kamay nang wala na sa'ming paningin si Harriet.
" Hoy Sevirino.. hindi ko talaga akalain na aabot tayo sa ganito dahil lang sa may isang babaeng obsessed sa'yo. Yucks. Ano bang pinakain mo 'run? Ba't baliw na baliw 'yun sa'yo? "
Pagod lang akong umirap sabay buntong hininga.
" Ewan..tsk. matatauhan 'din 'yun balang araw. Basta ha..alam mo na ang gagawin."
Umiling siya sabay ngiti.
Malakas niya akong tinapik sa kaliwang balikat. Napaubo ako ng di oras sa ginawa niya.
Loka 'to ah.
Ano akala niya sa'kin, punching bag?
" Sure..basta ikaw." She smile and flip her hair.
Parang nabunutan ako ng tinik nang sabihin niya 'yun.
Finally, nakahanap din ako ng kakampi sa buhay na 'to.
I know hindi niya ako hahayaang mapunta sa babaeng 'yun. Kilala niya ako. Alam niyang gagawin lang na miserable ng babaeng 'yun ang buhay ko. Hindi niya maaatim na mangyari 'yun sa kaibigan niya.
Mabuti pa siya..may malasakit! Hindi niya kinonsente ang Harriet na 'yun! Pero ang barkada ..nako..ang tatraydor talaga!
I can't believe naging kaibigan ko sila.
They did not understand where I'm coming from. They do not realize how affected I am in this set up. They did not know that I'm already suffering deep inside.
Dahil sa lintik na kasal-kasalan na 'yan..andito ako sa toktok ng bundok! Nagtatago pero nahanap pa'rin ng bruhang 'yun.
Pano na ang mga pangarap ko sa buhay? Kung may bwesit na Harriet Santibañez na susunod-sunod sa'kin?
Mabuti nalang pala andiyan si Bridgette. Haay salamat. Now I know siya lang talaga true friend ko sa mundong 'to.
Hayst. Sana nga lang effective yung plano ko. Sana nga lang magselos ng todo ang babaeng 'yun sa'ming dalawa nang sa ganun lumayas na siya ng tuluyan sa buhay ko!