DIALOGUE
[Food court]
10:19 AM
Jelo:
Parang baliw 'to, kanina pa nakatitig sa phone nya
Bulong ni Jelo kay Andrei sabay nguso kay Eros na nakatutok sa kanyang telepono
Andrei:
Tara, silipin natin
Akmang dudungaw ang dalawa sa telepono ni Eros nang nilingon sila nito.
Jelo:
Nandyan ka pala?! Gagi, Vander, may kasama pala tayo dito?
Andrei:
Ha? Sino?
Humagalpak ang dalawa na syang dahilan para umiling si Eros
Jelo:
Ano ba kasing pinag kakaabalahan mo dyan? Nakikipag titigan sa phone, amp
Andrei:
Ang chismoso talaga ng taong 'to
Inakbayan ni Andrei si Eros, sabay bulong
Andrei:
Ano ba 'yan, Bebi boy? Satin satin lang, 'di ko ikekwento kay Jelo
Jelo:
Hoy ano 'yan. Mapanlamang ka talaga, Vander!
Naki akbay na rin si Jelo kay Eros para makasagap
Eros:
Sinabihan akong cute
Ani Eros sabay pakita ng huling sinabi ni Franz sa kanya. Gustuhin mang itago ni Eros ang ngiti, ngunit hindi na nya napigilan
Jelo:
Aguy, inalababo ang salty eros namin
Andrei:
Replyan mo, dali
Akma pang aagawin ni Andrei ang telepono ni Eros ngunit agad na nya itong itinago sa bulsa.
Eros:
Epal. Pakiramdam ko nga wrong sent eh
Napanguso pa ito nang sabihin nya ito
Jelo:
Nampota, hindi ka namin pinalaking ganyan, Eros
Andrei:
Tama! Assuming dapat tayong lahat dito
Tawanan ng dalawa na naman ang nangibabaw sa mesa kung nasaan sila
Eros:
Ewan ko sainyo
—
MESSENGER
bffs ni eros na crush si franz
Active now
11:30 AM
Eros:
Hello po
Franz talked to me yesterday
(😯1)
Ayaw po nya
At wala po syang oras sa ganito
Alam ko naman po na naging mabilis din po ang lahat
Biglang litaw lang din ako
Pero gusto ko po sana ipaalam na I'll still pursue her, crush na crush ko po baby girl nyo :((
(❤️1)
I mean, natin hehe
(😱1)
Punta po ako dyan pagtapos ng klase ko. Salamat po
Markee:
wowerz
cnu kau dyan, @Gael, @Jaze
see u, @Eros