"Sweetheart! What a surprise!"
Mababakas sa mukha ni Jin ang pagkasorpresa nang mabuksan nya ako ng pinto. Hindi ko siya pinansin at dere-derechong pumasok sa loob ng condo nya na nakakuyom ang palad. "This will be the last time na tatawagin mo ako ng ganyan!" Mariin kong sabi saka siya hinarap.
"M-May problema b-ba, Charm?" Napuno ng pag-aalala at pagkalito ang mukha nya.
I bit my lower lip and tried to calm myself. "Bibigyan kita ng isang pagkakataon na magpaliwanag, Jin." Funny how easily you gave someone else a chance to explain while you never hear out Alexa even a minute despite of her pleas? My consciousness mocked at me.
"P-Paliwanag? Tungkol saan?" Nagsalubong ang kilay nya at nagtangkang lumapit sa akin pero mabilis akong umatras. Sinenyasan ko siyang manatili sa kinatatayuan nya.
I snorted. "Anong kinalaman mo sa mga pictures na 'yan?!" Inihagis ko sa harapan nya ang mga larawang ibinigay sa akin ni Nimfa.
"W-What?!" Bigla siyang naguluhan saka pinulot ang mga larawan na inihagis ko. Hindi nawala sa pansin ko ang tila pag-aalinlangan nya at panginginig ng kanyang kamay nang mapansin na si Alexa ang mga nasa pictures kasama ang babaeng nakita ko sa aking birthday party. "H-Honey b-bakit mo pinapakita sa a-akin ito nga--"
"Huwag mo ng hintaying ulitin ko pa ang tanong ko, Jin!" Pakiramdam ko magdurugo na ang aking labi dahil sa pagkagat ko rito. Tila ba nakakita ng multo si Jin dahil sa reaksyon nya ngayon. Nawalan ng kulay ang mukha nya.
"C-Charm wa--la akong kinala--"
"Papanindigan mo ang pagsisinungaling sa mukha ko, Jinella?!" Nag iwas siya ng tingin saka muling humakbang palapit sa akin pero muli akong umatras. Pumikit ako ng mariin. Visions of Alexa crying and begging me to hear her out kept flashing on my mind. "We've known each other since we were sixteen, Jin! Paano mong nagawa sa akin 'to?!" Pinagmasdan ko siyang mabuti. Kilala ko ba talaga siya?
"Charm, d-do you k-know h-how much I love you?" Napatungo si Jin. Nakita ko pa ang pagtiim ng bagang nya at pagkuyom ng kanyang kamao. "Matagal na nga tayong magkakilala, pero ni minsan-- ni minsan hindi mo a-ako nakita.." Mahina niyang sabi. Nabalutan ng lumbay ang mga mata nya.
Napapalatak ako sa tinuran nya. Hindi ito ang gusto kong marining mula sa kanya. "So kaya naisipan mong gawin ang mga ganyang bagay?!" Please give me reasons to understand you, Jin. "Really, you'd went to that extent?"
Muli niyang naikuyom ang dalawa nyang palad. "Noon pa man, mahal na kita Charm! Lahat ng ginawa ko para sa'yo! Sinubukan kong maging mabuting kaibigan. Hindi kita iniwan sa kabila ng lahat ng sakit na nararamdaman ko sa tuwing si Alexa na lang ang palaging bukang bibig mo." Tumingin siya ng derecho sa aking mga mata at ngumiti ng mapait. "Nakita ko kung paano ka nasaktan sa kabila ng lahat. Kung alam mo lang na doble ang sakit sa akin sa tuwing nakikita kitang nasasaktan at si Alexa ang dahilan. That's why I've decided to step up! I can't just stand behind and watch Alex hurt you!"
"Jin.." Napatutop ako sa aking bibig.
My God! Now I'm starting to hate myself for letting people believe that its all Alexa's fault. For letting them see na ako ang kaawa awa at laging nasasaktan sa relasyon namin ni Alexa. When the truth is, hindi naman talaga siya tumigil na patunayan sa akin kung gaano nya ako kamahal. And I'm just so so stupid to see it. God, I'm a terrible person!
She smiled bitterly. "Kahit hindi ko gawin iyon, sigurado akong Alex will end up hurting you anyway! She will make you cry all over again!" Lumapit siya sa akin at niyakap ako. "You don't deserve to be treated that way, Charm. Alex doesn't deserve you."
Hindi agad ako nakakilos. Naubusan na rin ako ng salitang sasabihin. Is she right? For the past years, ganon ba talaga ang ginawa sa akin ni Alexa? Napapikit ako ng mariin.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin na pupunta ka pala, Mahal?" Mataman kong pinagmasdan si Alexa. Sobra akong nasorpresa nang makita ko siya ngayon. After ng pag-aaway namin sa condo niya, this is the least thing na ineexpect ko from her.
Ngumiti siya saka masuyong hinawakan ang aking kamay. "Kasi po, wala naman talaga akong balak magpunta."
Napasimangot ako sa isinagot nya at hihilahin ko na sana ang aking kamay nang higpitan nya ang pagkakahawak dito.
"Don't get me wrong Charm. You struck me with your words. I'm sorry, I didn't realize it will hurt you this much. Its not my intention to avoid your world, just so you know!" Puno ng sinseridad nyang sabi. Kitang kita ko sa mga mata nya ang pagsisisi.
"Pero hindi naman kita pinipilit. Naiintindihan ko naman kung hin-"
"If not now Charm, kailan pa? Sooner or later, I should pay your mother and your sister a visit. So naisip ko, why not now?" She kissed my hand and stared at me. "And it was one of my best decision so far.."
And it was one of those efforts that moved my heart. I know that time Alexa was not ready to see and embrace my world. But when she knew how important it was to me, sinigurado niyang pasukin ang mundo ko at yakapin ito ng walang pag-aalinlangan.
Marahan kong itinulak si Jin. "You're wrong, Jin." Mahina kong sabi saka sinalubong ang kanyang tingin. "Ayan din ang inisip ko at pinaniwalaan ko sa paglipas ng mga taon na nakasama ko si Alexa."
Ngayon, unti-unti kong narerealize na sa tuwing nasasaktan ako iyon ay dahil sa kagustuhan lang ni Alexa na mapasaya ako. At ang kababawan ko, hindi ko tiningnan ang lalim ng dahilan ng bawat actions nya, bagkus itinuon ko lang atensyon ko sa sakit na naramdaman ko at hindi sa saya at ligayang pinaramdam nya.
Naikuyom ko ang aking palad. "I'm sorry Jin. Pero tapos na tayo." Nilampasan ko siya at naglakad patungo sa pinto.
"B-Babalikan mo siya?" Napahinto ako nang marinig ko ang sarkasmo sa kanyang tinig.
Napahigpit ang hawak ko sa seradura. "Kung tatanggapin nya ako ulit." I smiled bitterly. Though I know I don't deserve it. "Why not?"
"Are you crazy?!?" Ni hindi ko na namalayan ang paglapit nya sa akin. Naramdaman ko na lang ang paghaklit nya sa aking braso at marahas akong iniharap sa kanya. Nasa mukha ni Jin ang sakit at galit. "After all these years, Charm, gusto mo pa ring bumalik sa kanya?! Matapos ng ilang beses ka nyang sinaktan at pinaluha!" Inalog alog nya ako sa magkabilang balikat. "Would you just wake up! Alex doesn't love you! Cause if she does, she'll not hurt you! She'll not make you cry!"
When you really love someone, is it really more important to take notice of those times that you got hurt and cried than those times that you were happy and contented?
"I-I'm s-sorry, Jin.."
"I don't need your sorry, Charm!" Niyakap nya ako nang mahigpit saka nag-umpisang humagulhol. "I-Ikaw ang kailangan ko. M-Mahal kita. Gaya ng pagmamahal ni Alex. P-Please! A-Ako n-na l-lang ang p-pili--in m-mo, C-Charm. A-Ako na lang ang mahalin mo.." Pagmamakaawa nya habang patuloy ang pag-iyak nya. "G-Gagawin k-ko ang lahat para sa'yo.. Don't go back to her."
Huminga ako ng malalim saka siya mahigpit na hinawakan sa magkabilang balikat at itinulak palayo sa akin. "H-Hindi ako nagsosorry sa'yo para mapatawad mo ako, Jin. Nagsosorry ako dahil hanggang dito na lang tayo."
"C-Charm.."
Sinapo ko ang magkabila niyang pisngi saka pinunasan ang kanyang mga luha. "If you think Alexa doesn't deserve me, then I don't deserve you, Jin. I'm sorry if I made you believe that everything about us were true." I smiled bitterly. "Because of what you've done, you just made me realize what's the real thing. I'm sorry."
Tinalikuran ko na siya at tuluyan nang lumabas ng kanyang condo. Now where should I go?
Mabilis akong sumakay ng aking sasakyan at nagdrive nang walang kasiguraduhan kung saan ang aking pupuntahan. I wanted to see her. But how will I ever face her?
Ang totoo naman talaga, years ago, wala sa plano ko ang mainlove o magkagusto sa kahit na sino. My only goal that time was to graduate and find a stable job to make sure that I can help my mother and my sister.
But when I met Alexa, para bang nawala lahat ng katinuan ko at nagpadala ako sa nararamdaman ng puso ko. Akala ko kaya kong pigilan ang damdamin ko, lalo pa nga at alam kong ang gaya nya ay hindi nababagay sa kagaya ko.
Pero hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob. Kinapalan ko ang mukha ko at nagpakilala sa kanya. Araw-araw ko siyang sinusundan to the point na naiisip kong parang ang 'creepy' ko na. And as I know Alexa day by day, ang inisip ko noong 'crush' ay unti-unti na palang lumalim.
I started to become greedy! Hindi na ako nakuntento na makita lang siya. Ginusto ko nang makasama siya. Makausap at marinig ang tinig nya. Mahawakan ang mga kamay nya. Maramdaman ang init ng mga yakap nya. Hindi na ako nakuntento na gusto ko lang siya. Ginusto ko ng mahalin ko siya at mahalin nya ako.
Ako na ata ang pinakamasayang babae sa mundo, nang una kong maramdaman ang paglapat ng mga labi niya sa labi ko. Tila ba dinala nya ako sa kakaiba at makulay na mundo. And it made me realize that I want Alexa in my life.
I fell in love with her and I made sure to let her fall for me. And then she became one of my greatest achievements in life.
But where did I go wrong?
"Why me?"
Pinagmasdan ko ang magandang mukha ni Alexa. Saka ako nagkibit balikat at hinawakan ang kanyang kamay at marahan itong pinisil. "Sorry, ang hirap naman kasing sagutin ng tanong mo. Pero ang malinaw lang sa akin, sa'yo ko lang naramdaman itong ganitong pakiramdam. Iyong tipong paggising ko sa umaga, ikaw agad ang gusto kong makita. Iyong tipong bago ako matulog, iisipin muna kita para kahit sana sa panaginip makasama kita. Iyong tipong nangangarap ako para sa sarili ko at para sa pamilya ko at the same time pinipicture out ko na ikaw ang nasa tabi ko. Iyong tipong abot na abot ko ang lahat kasi alam kong ikaw ang kaagapay ko."
I took her for granted. I was so conceited I believed that I was too good for Alexa.
I made myself believe that Alexa love me more than anyone else to the point that I ended up doubting her.
Pinaghahampas ko ang aking manibela habang walang patid ang aking paghagulhol.
Now tell me Alexa, why? Why it should be me?