San Lazarus Series #6: Onerou...

By LadyLonelySadness

2.4K 375 4

Paano kung ang inaakala mong tamang pag-ibig ay isa pa lang huwad, saan ka tatakbo kung lahat pala ay isa lam... More

COLLABORATION
DISCLAIMER
EPIGRAPH
CHAPTER I: PUTO
CHAPTER II: BAYABAS
CHAPTER III: NIGHT CHANGES
CHAPTER IV: FOR YOU
CHAPTER V: NEW LIFE
CHAPTER VI: REASON
CHAPTER VII: TIRED
CHAPTER VIII: CONFESS
CHAPTER IX: SCARED
CHAPTER X: SPECIAL
CHAPTER XI: JEALOUSY
CHAPTER XII: JACKSON
CHAPTER XIII: THE TRUTH
CHAPTER XIV: DECISION
CHAPTER XV: NAMES
CHAPTER XVI: GENDER
CHAPTER XVII: GOALS
CHAPTER XVIII: FEELINGS
CHAPTER XIX: EYES
CHAPTER XX: REGRETS
CHAPTER XXI: PHYSICAL
CHAPTER XXII: SWEETS
CHAPTER XXIII: FAMILY
CHAPTER XXIV: IT'S BEEN A WHILE
CHAPTER XXV: SHE KNOWS
CHAPTER XXVI: LIE AND TRENDS
CHAPTER XXVIII: CONDITIONS
CHAPTER XXIX: OFF
CHAPTER XXX: AMANDA
CHAPTER XXXI: SAD SONGS
CHAPTER XXXII: WISH
CHAPTER XXXIII: WHERE SHE BELONGS
EPILOGUE

CHAPTER XXVII: SHOOTING STARS

33 6 0
By LadyLonelySadness

🍛🍛🍛

Kinabukasan maaga silang gumising para mag-asikaso sa kan'ya-kan'yang responsibilidad sa buhay, s'ya sa negosyo n'ya samantalang si Jackson naman sa trabaho nito at syempre sa eskwelahan naman si Acks.  Abala s'ya sa trabaho buong araw kaya naman ni hindi n'ya namalayan ang oras, napahinto lang s'ya ng makitang pasado alas tres na at kaunting oras na lamang ay lalabas na ang anak n'ya sa eskwelahan kaya naman nagligpit na s'ya ng mga gamit n'ya. Matapos makapaghanda ay lumabas na 'sya ng office n'ya, nagbilin lang s'ya sa mga staff n'ya saka tuluyang lumabas ng shop.

Pumuwesto s'ya sa gilid ng kalsada para mag-abang ng taxi na masasakyan ng makalipas ang ilang minutong paghihintay ay may humintong kotse sa harapan n'ya, sa pag-aakalang customer iyon ay tumabi s'ya. Bumukas ang pinto at agad na nagsalubong ang mga kilay n'ya ng makilala kung sino iyon, inalis nito ang salaming suot saka bumaling sa gawi n'ya. Makita pa lamang ito ay agad ng umangat ang galit na nararamdaman n'ya para sa lalake.

Ngumiti ang matanda saka agad na lumapit sa kan'ya. "Fatima!" Bating tawag nito sa kan'ya dahilan para mapaatras sya.

"Anong ginagawa mo rito?" Naguguluhang tanong n'ya.

"Actually, I came here to invite you on dinner." Hindi pa rin nawala ang ngiti nito. "I also wanna, you know-bond with my grandson."

Hindi s'ya nakaimik dahil sa nakikitang saya sa mukha ng ama. "Sorry ngayon lang, naging abala-"

"-gan'yan ka ba talaga ka manhid?" 'Di makapaniwalang tanong n'ya, gusto n'ya mang huwag sirain ang saya nito ay hindi na n'ya mapigilan pa ang sarili.

"Ha?" Naguguluhang sambit nito.

"I get it." Napatango-tango s'ya. "Just because pumunta ako noong araw na iyon, akala mo ayos na tayo?"

"Fatima...anak..."

Tumalim ang tingin n'ya. "Huwag mo kong matawag-tawag na anak!" Pakiramdam n'ya kumakalat na ang galit na nararamdaman n'ya sa buong sistema n'ya.

"P-pero...akala ko...."

Pagak s'yang napatawa. "Pwes mali ka ng akala, just to inform you hindi ako pumunta doon para sa'yo."

"Para kay-"

"-Cornellia." Sambit n'ya. "Pumunta ako para sa kan'ya, actually buti pa nga s'ya sinusubukan n'yang makabawi kahit pa wala naman s'yang nagawang mali sa akin kahit pa pwede namang huwag n'yang gawin dahil ano bang nakuha n'ya sayo? Puro sakit lang din naman ang ibinibigay mo!"

"Fatima wala kang alam sa lahat-"

Umiling s'ya. "-hindi ko na kailangang malaman, ilang taon na ang lumipas at sapat na sa akin na malamang ni minsan sa mga taon na lumipas wala kang ginawa para magpaliwanag,"

"Kaya nga ako narito, magpapaliwanag ako!" Tumaas ang tono nito dahil sa frustration na nararamdaman dala ng katigasang ipinakikita n'ya.

"Magpapaliwanag ka," napatango s'ya. "Kung kailan huli na? Para saan? Para sa kunsensya mo? Wait, do you even have a conscience?"

"Fatima! Ama mo pa rin ako!" Babala nito, alam n'yang galit na rin ang ama n'ya dahil sa mga binibitawan n'yang salita pero wala s'yang pakealam katulad ng wala itong pakealam sa sakit na idinulot nito sa kanila ng kan'yang ina.

"Ang kapal ng mukha mong ipagdiinan sa mukha ko 'yan matapos ng ilang taon na pinabayaan mo kami! Para sabihin ko sa'yo, noong panahong iniwanan mo si inay, noong natapos ang ugnayan n'yo, natapos na rin ang pagiging ama mo sa akin at sa mga kapatid ko!"

Hindi nakagalaw ang itay n'ya dahil sa narinig, nanatili itong nakatingin sa kan'ya na para bang hindi alam kung ano ang sasabihin matapos ng mga binitawan n'yang salita. Bumuka ang bibig nito at para bang gusto n'yang hilingin na sana hindi n'ya marinig ang sasabihin nito. "Sorry..." gusto n'yang mabingi, ayaw n'yang marinig iyon pero wala s'yang magawa dahil kahit magtakip s'ya ng mga tenga ay imposibleng hindi n'ya malaman iyon.

"T-tingin mo ba, maaayos ng sorry mo lahat ng sakit na nararamdaman ni inay?!"  Alam n'ya sa sariling hindi lang ang sakit ng ina ang tinutukoy n'ya pero wala s'yang sapat na lakas ng loob na isumbat sa ama lahat ng pinagdaanan n'ya. Bahagya n'yang ikinurap ang mga mata ng maramdamang nagsisimula na s'yang maiyak, ganoon pa man ay buong tapang n'yang tiningnan pa rin sa mata ang ama. "Hindi mababalik ng sorry mo lahat ng paghihirap na dinanas namin ng dahil sa'yo, napakakapal mo naman para basta na lang magpakita sa harap ko at umasang mapapatawad kita ng ganoon kadali-"

"-Alam ko! Oo mali ako!" Sigaw nito na ikinahinto n'ya, hindi s'ya nakaimik ng mapansin ang panunubig ng mga mata ng kan'yang ama. "Nagsisisi ako! Pinagsisisihan ko lahat! Alam kong naging duwag ako! Wala akong magawa! Kahit gustuhin kong bumalik sainyo hindi ko magagawa!"

"Dahil ayaw mong gawin!" Sigaw n'ya rin.

Umiling ang matanda. "Dahil mamamatay si Amelia kapag pinili ko s'ya!" Nanghihinang sigaw nito sa kan'ya, tumulo na ng tuluyan ang mga luha n'ya ng marinig iyon. "Nagbanta sila....may mangyayaring masama sa inay mo kapag ipinilit ko....alam kong hindi lang basta masama iyon, papatayin s'ya! Alam kong papatayin s'ya ni papa kapag pinili ko s'ya!"

"P-patayin?" Ulit n'ya, pakiramdam n'ya lumulutang ang isip n'ya dahil sa narinig.

Tumango ang itay n'ya. "Kaya mas pinili kong sumunod sa kanila! Ayos ng ako ang mawala sa inyo....huwag lang ang inay n'yo, mas kailangan n'yo s'ya...higit sa a-akin..."

"P-pero sabi ni Cornellia kung maibabalik n'ya lang ang lahat sana ay tumutol s'ya! Ibig sabihin maaaring tutulan ang sainyo!" Pilit n'ya.

Malungkot na bumuntonghininga ang ama n'ya. "Sa pamilya n'ya ay maaari ngunit sa amin ay wala akong ibang pagpipilian, nagawa ko mang talikuran iyon hanggang sa lumaki kayo ngunit hindi basta papayag si papa na hindi kami magsasama ni Cornellia kahit pa ang kapalit ay patayin ang inay mo."

"A-anong klaseng pamilya ang mayroon ka...?" 'Di makapaniwalang sambit n'ya, hindi n'ya maintindihan kung bakit para lamang sa bagay na iyon ay papatay ang lolo n'ya.

"Isang pamilya na walang ibang mahalaga kundi yaman, kapangyarihan at katayuan sa lipunan." Mahinang sagot nito, napakurap-kurap s'ya sa narinig. Iba pa rin pala kung sa mismong ama n'ya maririnig ang lahat kahit pa alam n'ya noong walang puwang sa angkan nito ang mahirap na katulad n'ya at ng inay n'ya ay iba pa rin pala ang kirot kapag nalaman mong tama ang lahat ng nalalaman mo. "Kaya patawad kung wala akong magawa...patawad kasi mas pinili kong maging duwag.." sambit nito habang hindi makatingin.

Matagal s'yang hindi umimik, nagtatalo ang puso at isipan n'ya kung ano ang dapat gawin. Kitang-kita ng mga mata n'ya ang sakit na dinadala ng kan'yang ama pero hindi n'ya magawang pumikit basta-basta dahil ramdam n'ya pa rin ang sakit na matagal na n'yang binibitbit, nabawasan man iyon dahil sa mga narinig at nalaman ay hindi basta-basta maghihilom ang lahat ng dahil lamang sa paghingi nito ng tawad.

Ganoon pa man ay hindi na n'ya pinigilan pa ang sarili, mabilis s'yang lumapit at niyakap ng mahigpit ang kan'yang ama. Nagulat ang matanda sa ginawa n'ya ngunit wala s'yang pakealam, bago pa man s'ya nito mayakap din ay agad na s'yang bumitaw at dumistansya.

"Hindi ibig sabihin nito ay ayos na tayo," hindi makatinging sabi n'ya. "Galit pa rin ako sa'yo." Dagdag n'ya saka nag-abang na ng taxi.

"Teka, saan ka pupunta?" Tanong ng ama n'ya ng pumara s'ya ng taxi.

Binuksan n'ya ang pinto ng huminto iyon sa harap n'ya. "Susunduin ang anak ko." Walang lingon-lingon na sagot n'ya saka pumasok na.

Napabuntonghininga na lang s'ya at napasandal sa kinauupuan ng makalayo ang sinasakyan n'ya, pakiramdam n'ya'y nanghihina s'ya ng husto dahil sa nangyaring iyon. Matapos n'yang sunduin ang anak ay agad silang dumiretso kay Jackson.

"Mama, nanginginig po kamay mo. Ayos ka lang po ba?" Rinig n'yang tanong ni Acks paglabas nila ng elevator dahil hawak n'ya ang kamay ng anak.

Tumango s'ya at ngumiti kahit pa pakiramdam n'ya malapit na s'yang magbreakdown. "Oo naman, ayos lang si mama." Sagot n'ya, hindi na nagkumento ang anak n'ya kahit pa nagdududa ito.

Tinungo nila ang opisina ni Jackson at pagbukas ng pinto ay bumungad sa kanila ang asawa na abala sa ginagawa, napaangat ito ng tingin ng marinig ang pagbukas ng pinto at agad na napangiti ng makita silang mag-ina pero agad ding naglaho iyon ng mapansin ang itsura n'ya.

"Wife?" Sambit nito saka huminto sa ginagawa, hindi na s'ya nagdalawang isip pa at sinugod n'ya ng mahigpit na yakap si Jackson.

"Mabuti pa po siguro, puntahan ko muna si ninong Vlaixe." Rinig nilang paalam ni Acks at bago pa sila makaimik ay umalis na ito.

Napabuntonghininga si Jackson at bumaling sa kan'ya. "Anong problema?" Tanong nito saka niyakap din s'ya, nag-angat s'ya ng tingin at ng makita ang pag-aalala sa mukha nito ay tuluyan na s'yang naiyak. Ikwinento n'ya lahat-lahat sa asawa habang umiiyak samantalang walang ibang ginawa si Jackson kundi makinig sa kan'ya habang inaalo s'ya at yakap-yakap.

"Anong nararamdaman mo?" Rinig n'yang tanong nito matapos n'yang magkwento.

"M-masakit p-pa d-din." Umiiyak na sagot n'ya.

Marahang ngumiti si Jackson. "Masakit pero kahit papaano ay nabawasan na, di ba?" Tumango lang s'ya bilang sagot, inayos nito ang buhok n'ya. "Hindi naman basta-basta mawawala 'yon, hindi nahihilom ng panahon ang lahat ng sakit at ang tanging makakahilom ng lahat ng nararamdaman mo ay ikaw mismo, wife."

"A-ako?" Nanlalabo ang mga matang ulit n'ya.

Tumango si Jackson saka pinunasan ang mga mata n'ya. "Ikaw, maghihilom lang ang sakit kapag nagawa mo ng tanggapin lahat ng nangyari, kapag nagawa mo ng magpatawad at hindi mo kailangang magmadali purket humingi na sa'yo ng tawad. Lahat ng bagay mayroong proseso Fatima. Ikaw lang ang makakapagsabi kung kailan maghihilom ang lahat ng sugat."

Napakunot ang noo n'ya. "Bakit naman parang ang talinghaga mo ngayon?"

Bahagyang natawa si Jackson. "Sinusubukan ko lang pagaanin ang nararamdaman mo, kahit pa alam natin parehas na hindi ako magaling sa ganoon."

Napangiti s'ya. "Pero sinubukan mo pa din, thank you love."

"Anything for you, wife." Nakangiti na ring sagot ni Jackson. Humiwalay na s'ya sa asawa makalipas ang ilan pang sandali. "You sure, you okay now?" Nag-aalala pa ring tanong nito sa kan'ya na agad n'yang tinanguan.

"Medyo, ayos na." Nakangiti ng sagot n'ya.

Napatango si Jackson. "Okay," di kumbinsidong sabi nito, hinayaan na n'yang ituloy ng asawa ang ginagawa. Pumuwesto s'ya sa sofa para hindi makagulo pero paglipas ng ilang minuto ay narinig n'ya ang marahas na pagbuntonghininga nito. "I can't focus!" Reklamo nito.

Pinagmasdan n'ya lang ang asawa ng bitbitin nito ang mga papeles at inilapag sa mesa saka tumabi sa kan'ya, natawa na lang s'ya ng hawakan ni Jackson ang kamay n'ya saka itinuloy na ang ginagawa sa tabi n'ya.

"Mas nakaka-distract kaya 'yang ginagawa mo," sabi n'ya na agad na inilingan ni Jackson.

"Believe me fatima, mas nakakapag-focus ako." Kontra nito sa kan'ya.

Nagkibit-balikat s'ya. "Sige, sabi mo e." Pagbibigay n'ya saka itinaas sa sofa ang mga paa at sumandal sa asawang hinayaan lang s'ya, nakapantalon naman kasi s'ya.

Bago sumapit ang alas syete ay huminto na ito sa ginagawa, nakatulog na nga s'ya habang nakasandal kung hindi n'ya lang naramdamang gumalaw ito at naalis ang pagkakasandal n'ya, umayos s'ya ng upo habang nakapikit ang mga mata.

"Wife," tawag nito sa pansin n'ya.

"Hmmm?"

Napamulat s'ya ng marinig ang mahinang pagtawa ni Jackson, tiningnan n'ya ang katabi at napa-pout s'ya ng makitang tumatawa ito habang nakatingin sa kan'ya.

Tumaas ang kilay n'ya. "Anong nakakatawa?"

Umiling si Jackson saka pinisil ang pisngi n'ya. "Ang cute mo, uuwi na tayo."

Umirap s'ya saka inayos ang sarili, hinagilap nila si Acks at nakita nila iyon na kalaro ni Vlaixe sa opisina nito.

"Uuwi na kayo?" Tanong ng lalake ng makita sila, tumango lang si Jackson at sumimangot si Vlaixe. "Naglalaro pa kami e."

"Gumawa ka na kasi ng sa'yo para may kalaro ka." Bumaling si Jackson sa anak. "Halika na, uuwi na tayo."

Agad na lumapit si Acks kaya mas lalong sumimangot si Vlaixe. "Kahit kelan talaga napaka-damot mo." Ismid nito. "O sya, lumayas na kayo 'di man lang kayo magpasalamat na naging babysitter ako habang abala kayo sa-"

"-salamat," natatawang putol ni Faye sa sinasabi ni Vlaixe bago s'ya hawakan ni Jackson at hinila na paalis doon.

🍚🍚🍚

Hating gabi na ng may kumatok sa pinto ng kwarto, bumukas iyon at pumasok si Jackson. "Tulog na s'ya?" Tanong nito saka naupo sa kama ng makalapit para silipin ang anak.

Napabuntonghininga si Faye. "Nakatulog din, matapos basahan ng limang bedtime stories."

Inilahad ni Jackson sa harap n'ya ang kamay nito. "Tara?"

"Saan?" Kunot ang noong tanong n'ya.

"Sa labas?"

Napangiti s'ya saka tinanggap ang kamay nitong nakalahad sa harap n'ya, alam na n'ya kung para saan iyon. Isinara nila ng maayos ang pinto ng unit saka magkahawak kamay na lumabas ng building kahit pa nga hating gabi na.

"So, saan tayo pupunta?" Tanong n'ya ng magsimula na silang maglakad.

"Gusto mo bang magrestau or magfood bazaar tayo?" Tanong din nito na muli n'yang ikinangiti.

"Food bazaar?" Sagot n'ya.

Ngumiti si Jackson. "Let's gow!" Sabi nito saka hinila na s'ya patungo sa food bazaar na malapit.

Ganoon ang madalas na gawain nilang mag-asawa simula ng kasama na nila sa unit ang anak, kapag tulog na ito ay saka sila lalabas upang kahit papaano ay makapag-date o lumakad ng silang dalawa lang. Noong una ay tutol s'ya, sino ba namang ina ang gustong iwanan ng mag-isa sa loob ng unit ang anak na natutulog 'di ba? Pero dahil na-assure na rin s'ya na safe naman ang anak ay pumayag na rin s'ya, isa pa ay dahil sa pagiging abala nilang mag-asawa sa buong araw ay madalas wala na silang panahon na lumabas ng silang dalawa lang kaya naisipan ni Jackson na lumabas na lang sila kapag tulog na ang bulinggit.

"Ilan?" Nakangiting tanong ni Jackson ng huminto sila sa isang stoll matapos magtingin ng bibilhin.

"Lima?" 'Di siguradong sagot n'ya saka ipinakita ang mga kamay na ikinatawa naman ng asawa n'ya.

"Wife, sampu 'yan."

Agad n'yang ibinaba ang isang kamay saka ngumiti, naiiling na bumaling si Jackson sa tindera. "Limang isaw, ate."

Buong akala n'ya ay iyon lang 'yon pero ng matapos maluto ay napanganga na lang s'ya ng isang supot ang hawak nito habang iba-iba ang laman no'n. "Akala ko ba lima lang?" Tanong n'ya habang naglalakad sila, hawak na n'ya sa kamay ang limang isaw na una nitong sinabi sa tindera.

"Lima pero sampung daliri?" Paalala nito kaya hinampas n'ya sa may likod ng balikat si Jackson na tinawanan lang s'ya.

Kumain sila habang naglalakad at nagkukwentuhan ng mapakunot ang noo n'ya ng makita ang inilabas nito mula sa supot na hawak. "Paa ng manok?" Sambit n'ya.

"Adidas." Pagtatama nito sa sinabi n'ya kaya kinuha n'ya sa kamay nito ang supot at tiningnan ang laman no'n kung ano ang pinagbibili ng asawa n'ya.

"Ano 'to?" Usisa n'ya saka ipinakita ang itim na square na nakatusok din sa stick.

"That is what you called, betamax."

"Betamax?" Ulit n'ya.

"Dugo, fatima."

Napakurap-kurap s'ya. "Dugo ng baboy o manok?"

"Of course baboy,"

"Totoo?" Tumango si Jackson kaya nagtatakang pinakatingnan n'ya ang asawa. "How come you know all this things?"

"Wife, akala mo ba puro sosyalan ang alam ko?"

Tumango s'ya. "Mukha kang hindi kumakain ng mga ganito."

"Hindi kita masisisi, ang gwapo ko kasi."

"Walang connect." Ismid n'ya saka bumaling sa mga hawak at kumain na lang. "Naalala ko pala,"

"Hmmm?"

"Nakausap mo na si Anna tungkol sa anak n'yo?" Casual na tanong n'ya na ikinasalubong ng mga kilay ni Jackson.

"Fatima, bakit kailangan mong banggitin 'yan?" Sinimangutan s'ya ng asawa. "Nagdi-date tayo oh!" Reklamo nito.

"Ano naman? Naalala ko kasi." Sagot n'ya saka huminto at bumili ng palamig sa malapit na stoll, iniabot n'ya 'yong isa kay Jackson. "Huwag kang highblood."

Nakasimangot na tinanggap iyon ni Jackson. "Ang ganda ng gabi wife, tapos sisirain lang natin dahil pag-uusapan natin 'yon?" Reklamo nito saka bumuntonghininga. "But to answer your question, hindi pa kasi 'di ba sabi ko sa'yo samahan mo ko?"

"Kailangan mo pa ko do'n?"

"Of course," nagdududang tiningnan s'ya ni Jackson. "Don't tell me, 'di mo ko sasamahan?"

"Pwede naman 'di ba?" Tanong n'ya din na ikinasaltak ni Jackson.

"Seryoso ka ba?"

Tumango s'ya. "Hindi mo naman ako kailangan do'n tsaka wala naman akong-" napahinto s'ya ng maramdamang hinawakan ng asawa n'ya ang kamay n'ya, nag-angat s'ya ng tingin at nakita n'yang seryoso ang ekspresyon nito habang nakatingin sa kan'ya.

"Kailangan kita," seryosong sabi nito habang nakatingin sa mga mata n'ya. "Palagi kitang kailangan at hindi mangyayari kahit kailan na hindi kita kailangan, wife."

"Naisip ko lang kasi wala naman akong kinalaman do'n, tsaka baka magwala lang si Anna kapag nakita ako, alam mo naman 'yon laging highblood sa akin. Inaalala ko rin na kapag sinama mo ko baka imbis na maayos ang maging pag-uusap n'yo e baka mag-attitude na naman 'yon." Paliwanag n'ya.

"May kinalaman ka do'n fatima dahil asawa kita at wala akong pakealam kahit maghurumintado pa s'ya."

"Jackson naman, kaya mo na-" Nanlaki ang mga mata n'ya ng mapatingin sa kalangitan. "Omyghad, love may shooting star!" Gulat na sabi n'ya saka itinuro iyon ngunit imbis na tingnan iyon ni Jackson ay mas lalong nanlaki ang mga mata n'ya ng mag-lean ito at walang babalang hinalikan s'ya sa labi.

"Hindi ko kaya ng wala ka, wife." Seryosong sambit ng asawa n'ya matapos bitawan ang mga labi n'ya.

"Emotero ka, wala na 'yong shooting star!" Nakasimangot na reklamo n'ya.

"Wala naman akong kailangang hilingin para bigyang pansin iyon," panatag na nginitian s'ya ni Jackson. "Nasa akin ka na, wala na kong ibang kailangan pa."

Napalabi s'ya. "Bakit ka gan'yan?"

"Hmm?"

"Napakalaki ng pagbabago mo." Biglang nagbago ang ekspresyon ni Jackson dahil sa sinabi n'ya, mula sa seryoso ay nauwi iyon sa pag-aalala. "Bakit?"

"Is that better...or am I getting worst?" Nag-aalalang tanong nito.

Ngumiti s'ya. "You become better, Jackson."

"You sure?"

Tumango s'ya habang hindi pa rin napapawi ang ngiti sa mga labi. "I am so sure, you become a better person. Napakalayo mo na sa Jackson na kilala ko noon at proud ako sa'yo, palagi."

Matagal na nakatingin sa kan'ya si Jackson pero wala s'yang naramdamang kahit anong pagkailang hanggang sa di nagtagal ay sumilay na rin ang ngiti nito at nauwi sa isang malapad na masayang ngiti. "I love you, fatima faye and that's forever."

"On the second thought, mukhang hindi ko na din pala kailangan pang mag-wish sa shooting star." Sambit ni Faye habang nakatingin sa mga mata ni Jackson.

"Because...?" Nag-iintay na sambit nito.

Nagkibit-balikat s'ya. "Sobrang corny na natin love, baka nalilimutan mong may iniwanan tayong anak?"

"Uwi na tayo?"

Tumango s'ya bilang sagot kaya naglakad na sila pabalik sa building, pagpasok nila sa elevator at sumara iyon ay hinawakan n'ya ang kamay ni Jackson dahilan para tingnan s'ya nito. "Because I have you and that's more than enough." Nakangiting sambit n'ya.

Napangiti si Jackson. "Is that your own way to tell me that you love me?" Nang-aasar na tanong nito sa kan'ya na ikinatawa n'ya.

"If that's the definition of it for you, then," nagkibit-balikat si Faye. "It is."

"Ow woman!" Dramatic na hiyaw nito saka niyakap ang bewang n'ya na muli n'yang ikinatawa. "You really know how to make my heart skips a beat."

Pinisil n'ya ang pisngi nito. "And don't forget that I also know how to drive you crazy." Natatawang sambit n'ya saka kinindatan ang asawa na nanlaki man ang mga mata ay napatango din bilang pagsang-ayon sa sinabi n'ya.

"Well, I can't disagree, that's a fact." Tumatawang sabi pa nito hanggang sa nauwi iyon sa simpleng ngiti habang nakatingin pa rin sa kan'ya. "You okay now, wife?"

"Hmmm," ngumiti din s'ya. "I feel much better, thank you."

"Good to know and please, stop saying thank you. It's my responsibility to make sure you are okay and happy, don't need to-"

"-I have to, hindi naman purket responsibilidad e hindi na dapat ipagpasalamat. Hindi naman ako nagpapasalamat dahil palagi mong ginagawa kundi nagpapasalamat ako dahil naiisip mong gawin para sa akin kahit pa dapat ay hindi mo responsibilidad na pasayahin ako dahil sariling responsibilidad ko iyon sa sarili ko." Niyakap n'ya si Jackson. "Nagpapasalamat ako kasi naaappreaciate ko lahat ng ginagawa mo."

Niyakap din s'ya ng asawa. "Lagi ka talagang may katwiran."

Bahagya s'yang humiwalay saka hinawakan ang magkabilang pisngi ni Jackson. "Sinasabi ko lang naman, tsaka totoo naman kaya,"

"Na naaapprecite mo?"

Umiling s'ya. "Na hindi mo responsibilidad-"

"-fatima," nakasimangot na sambit nito sa pangalan n'ya na ikinatawa n'ya.

Bago pa s'ya makapagsalita ay bumukas na ang elevator kaya naghiwalay na sila, hawak-hawak ni Jackson ang kamay n'ya hanggang sa makapasok sila sa unit.

"Nasaan na nga tayo?" Tanong nito ng maisara ang pinto ng unit at mai-lock.

Napatawa s'ya ng mahina ng mapansin ang ngiti sa labi nito. "Saan nga ba?" Tanong n'ya din.

Mula sa kamay n'ya ay lumipat ang hawak nito sa bewang n'ya at inilapit s'ya, napataas na lamang ang kilay n'ya dahil alam na n'ya kung ano ang binabalak nito. Nag-lean si Jackson at bago pa nito mailapat ang labi sa labi n'ya ay bumukas na ang pinto ng kwarto kaya't napasimangot ito at walang nagawa kundi bitawan s'ya saka humarap sa anak na naglalakad habang kinukusot ang mata na mukhang naalimpungatan.

"Saan po kayo galing?" Tanong ni Acks saka dumiretso sa kusina, sinundan nila iyon ng tingin at ng bumalik ay may hawak ng isang basong tubig. "Matulog na po kayo," sambit nito saka bumalik na sa loob ng kwarto.

"Matulog na raw tayo, sabi ng anak mo." Sabi n'ya ng mawala sa paningin nila ang anak.

Napa-pout si Jackson saka binuhat s'ya. "Edi matulog." Inis na sabi nito saka dinala na s'ya sa loob ng isa pang kwarto. Inilapag s'ya nito sa kama at bago pa man s'ya makakilos ay hinalikan na s'ya nito sa labi, napairap s'ya at tinugon na lang iyon dahil hindi talaga papipigil ang asawa n'ya sa kapilyuhan nito.

Continue Reading

You'll Also Like

55.1M 1.8M 66
Henley agrees to pretend to date millionaire Bennett Calloway for a fee, falling in love as she wonders - how is he involved in her brother's false c...
287K 7.6K 39
The title says it all.
3.5M 147K 61
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...
2.6M 87.4K 105
Highest Ranking Achieved: #1 in Action - 11/24/20. #1 in Teenfiction - 1/11/21 Book 1 and Book 2 After years of finding a decent job that meets Nass...