Meant To Be

By TwinkleBubblegum

1K 135 17

Mahirap mahalin ang isang tao lalo na kung sa umpisa pa lang alam mo nang ibinigay na niya nang buong-buo ang... More

Meant To Be
Chapter 1 - The Voice
Chapter 2 - Neighbors
Chapter 3 - Crush
Chapter 4 - Friends
Chapter 5 - Cheating
Chapter 6 - Drunk
Chapter 7 - First Kiss
Chapter 8 - New Neighbor
Chapter 9 - Missed Call
Chapter 10 - Text
Chapter 11- Rebound
Chapter 12 - Truth or Drink
Chapter 14- Request
Chapter 15- Jealous
Chapter 16- Admirer

Chapter 13 - Closer

40 6 0
By TwinkleBubblegum

Biglang tumahimik ang buong paligid. Tila ba hinihintay ng mga kasama namin ang magiging sagot ni Kieran.

I pressed my lips together. Para bang ako 'yong nakararamdam ng pressure ngayon.

Biglang nagseryoso 'yong kaninang masayang awra ni Kieran. It's like Nadine question hit him hard. Tila ba tagos na tagos hanggang sa kaibuturan ng puso niya.

Kieran's jaw suddenly clenched. And I was anticipating so much for his answer.

Mabilis niyang kinuha 'yong shot glass na nakalapag sa lamesa at inisahang tungga ang lamang alak noon.

Napakurap-kurap na lang ako. Kieran refused to answer the question. Ibig sabihin ba no'n kaya hindi niya masagot 'yong tanong dahil hindi pa siya nakaka-move on kay Kylie? Nabasag lang ang nakakabinging katahimikan sa ginawang pagsigaw ni Cyril.

"Kampay!" Tila ba naging hudyat iyon para isa-isang magsipagtaasan na rin ng mga hawak nilang bote ng San Mig at baso ng alak ang mga kasama namin dito sa nipa hut.

Wala sa sariling napataas na rin ako ng boteng hawak ko habang tahimik ko pa ring pinapanood ang bawat kilos ni Kieran. Biglang nag-iba ang mood niya.

Maagap naman siyang inakbayan nina Cyril at Drake. Mukhang nahalata rin nila 'yong naging reaksyon ni Kieran kanina.

"Baliw rin naman kasi ang isang 'to!" ani Glaiza sabay turo kay Nadine. Namumula na 'yong magkabilang pisngi ng babae; marami na siguro siyang nainom na alak simula pa kanina.

"Alam namang kaka-break lang 'yon pa talaga ang itinanong. Ang awkward kaya!" deretsahang utas ni Glaiza. Kaagad ko naman siyang tinanguan.

"Obvious naman na sobrang affected si Kieran sa tinanong ni Nadine. Tapos ang dami pang tao. Nakakahiya talaga 'yon lalo na at na-tsismis pa na pinagpalit siya ni Kylie sa ibang lalaki," pagpapatuloy pa ng kaibigan ko.

Itinigil na ang larong Truth or Drink. Nagsipagkantahan na lang 'yong mga kasama namin sa videoke. Bumalik na 'yong masayang mood ni Kieran. Napansin ko kasi na nakikipag-biruan na siya ngayon kina Drake.

Mukhang lasing na nga itong si Nadine. Pawang kanta ng Aegis ang kinakanta ngayon sa videoke.

"Ayoko sanaaaaa! Na ikaw ay mawawalaaaa! Mawawasak lamang ang aking mundoooooo oohh!"

Puro pang-aasar ang ginagawa sa kanya ng mga kasama namin sa nipa hut. Nariyang may nag-aabot sa kanya ng shot ng alak para lalo pa siyang lasingin. Iyong iba naman ay pulutan na sisig at mani ang ibinibigay sa kanya.

Ngunit ano'ng magagawaaa?
Kung talagang ayaw mo na
Sino ba naman ako para pigilin ka?

"Alak pa!" Sigaw ni Drake kay Nadine.

Maganda talaga 'yong boses niya; ang galing niyang bumirit. Pero mahahalata mo na talaga na lasing na 'yong kumakanta. Mayamaya pa ay tumabi siya ng upo kay Kieran. Namumungay pa ang mga mata niya habang kinakantahan ang huli.

Ang halik mo nami-miss ko
Ang halik mo nami-miss ko
Bakit iniwan mo ako

Napahagalpak sa tawa ang mga halos lahat ng kasama namin dito sa loob ng nipa hut.

Hindi ko na rin mapigil na mapangisi. Sa totoo lang kung kaninang hapunan ay naiinis ako sa garapalan na panglalandi ni Nadine kay Kieran ngayon naman imbes na mainis ay natatawa na lang talaga ako sa kanya.

"Lasengga pala 'tong Nadine na 'to!" Bulong ni Glaiza sa akin.

Napapapikit na 'yong magkabilang mata ni Nadine dahil sa pagkalasing. Sports naman itong si Kieran dahil hindi siya umalis sa upuan. Hinayaan niya na lang na matapos ni Nadine iyong kanta.

Ilang sandali pa ay tinabihan na ni Cyril si Nadine. Bago matapos 'yong kanta na "Halik" ay nagsuka ang babae.

Panay ang himas ni Cyril sa likod nito. Maagap siyang inabutan ni Kieran ng isang basong tubig upang ipamumog kay Nadine.

Ilang sandali pa ay nahimasmasan na ang huli. Nag-angat siya ng tingin. Walang ano-ano ay inabot niya 'yong mikropono.

"Susuka pero 'di susuko!"

Napahagalpak na naman ng tawa ang mga kasama namin. At the corner of my eye nakita ko ang ginawang pagngisi ni Kieran habang napapailing.

Pagkasabi niya noon ay bigla na lang nag-passed out si Nadine. Nasalo naman siya agad ni Cyril. Binuhat niya ito ng pangko na pang-bagong kasal.

"Ibalik ko na 'to sa kwarto niya!" Natatawang sambit ni Cyril kina Kieran at Drake.

"Hoy! Doon mo 'yan dadalhin sa kwarto niya! Hindi sa kama mo!" Bulyaw ni Drake kay Cyril.

"Mukha mo! Si Kieran ang type nito!"

My face heated upon Cyril's pronouncement. Ibig sabihin halata rin pala ng mga ka-bandmates nila na type ni Nadine si Kieran.

***

Napansin ko na hindi kumanta si Kieran sa videoke. Abala siya ngayon sa pakikipag-kwentuhan sa ibang taga Club DC.

"Sis! Maiwan muna kita, nakikipag-video call 'yong asawa ko. Maingay kasi rito. Balik muna ako sa room natin," pagpapaalam sa akin ni Glaiza.

"Okay lang, nandito pa naman 'yong iba nating ka-work mate."

Kampante naman ako na magpaiwan sa nipa hut dahil alam ko naman na hindi ako mababastos dito. Saka nandito pa sina Stella, Harvey, Kenneth at Janice.

Tila nakikipagkarera na naman sa bilis ang pagtibok ng puso ko nang biglang naupo si Kieran sa pwesto na iniwanan ni Glaiza.

"Si Glaiza?" Kuryoso niyang tanong. His eyebrows furrowed.

"Ah, tatawag kasi 'yong asawa niya sa Messenger," maagap kong sabi. He quickly nodded.

"May beer ka pa?" Sabay pagpasada niya ng tingin sa bote na nasa tabi ko. Halos wala na rin iyong laman pero umiling na ako.

"Okay na Kieran. Wala na rin akong balak na uminom. Solve na ko sa dalawang bote!"

"Alright. Hindi ka pala mahilig uminom."

"Oo, occasionally lang. Saka iilang bote lang ang kaya kong ubusin na beer."

Bigla ko na naman tuloy naalala si Nadine na grabeng nalasing kanina.

"Si Nadine nga pala?"

"Hinatid na ni Cyril sa kwarto niya."

Napayuko ako. Ewan ko ba kung bakit bigla akong nakaramdam ng hiya sa harap niya.

Bigla tuloy nagkaroon ng dead air sa pagitan naming dalawa. Hindi ko alam kung ako lang ang nakapansin noon. Napapaisip tuloy ako na kung hindi ko kaya crush si Kieran ganito pa rin ba ako ka-awkward kumilos sa harap niya.

"Ikaw, Kieran malakas ka rin bang uminom?" My ice breaker question. He quickly smirked.

"Depende sa lugar at sa mga kasama. Ngayon, wala akong balak magpakalasing kasi tutugtog kami bukas sa program."

Mas naaninag ko ang maamo niyang mukha ngayong magkausap na kami sa malapitan. Iyong salitang "gwapo" ay sobrang understated kung ide-describe si Kieran. He is like a Greek God. Samahan mo pa ng magandang boses. Heat inducing abs at mabango!

"Ah, gano'n ba. Ano 'yong mga kakantahin n'yo bukas?" I tried to focus on our conversation. Ayokong mapansin niya na nadi-distract ako sa presensya niya.

"Iyong mga karaniwan din na kinakanta namin sa Club DC. Do you have any song in mind? What song would you like to request?"

Goodness gracious! Tinatanong ako ni Kieran kung ano ang gusto kong kantahin niya bukas sa program! Napakurap-kurap ako habang tila hinahabol ang hininga.

"Ahm. Favorite ko kasi 'yong mga kanta ni Ed Sheeran. Okay lang naman kahit ano, actually I became an instant fan of The Velvet. No'ng unang beses ko pa lang na mapanood kayong mag-perform ni Kylie."

Kapwa kami natahimik pareho pagkabanggit ko ng pangalan ng ex niya.

"I'm sorry! I didn't mean..." I trailed off. Maagap naman niya akong tinanguan pagkaraan ay tinitigan sa mga mata. The way he gazed at me is very comforting.

"May balita ka na ba sa kanya?"

Wala ng kumakanta ngayon sa videoke kaya naman tahimik na 'yong paligid. Iyong paghampas ng alon sa dagat at mga nagke-kwentuhan na lang ang maririnig na ingay.

Kieran looked at me keenly. His facial expression became serious.

"She didn't have any plans to return." He uttered with certainty. Natahimik na lang ako kasi napansin ko agad 'yong lungkot sa mga mata niya. Mukhang napansin niya agad 'yong naging reaksyon ko.

"It's okay. I already accepted everything. I'm starting to move on."

Napatitig ako sa mapupungay na mata ni Kieran. Sa paraan ng pagsambit niya noon ay mararamdaman mo pa rin 'yong sakit na naranasan niya. Hindi man niya maamin 'yon sa 'kin, alam kong nasasaktan pa rin siya sa paghihiwalay nila ni Kylie.

***
Umihip ang malakas na hangin na nagmumula sa malawak na baybayin. Nararamdaman ko 'yong lamig habang mas lumalalim ang gabi. Napayakap tuloy ang magkabila kong braso sa aking katawan.

Mukhang napansin ni Kieran ang pagkaginaw ko.

"Are you feeling cold?" He talked in baritone.

Napaawang ang labi ko. Ilang segundo muna yatang nag-loading ang isip ko bago ako tumango. Tumayo si Kieran upang kuhanin 'yong isang Nike jacket na nakasampay sa isang silya. Pagkaraan ay maingat niya itong iniabot sa akin.

"Thank you," nahihiya kong sambit sabay abot sa jacket. Kaagad ko na rin itong isinuot. Napayuko ako dahil dito.

"M-mag-swi-swimming kasi kami dapat ni Glaiza, hindi na lang natuloy,"  I was stammering. Relax lang Scarlet at baka mapansin ni Kieran na natataranta ka sa harap niya. I tried to compose myself after that.

"Mabuti at pumunta kayo rito." He flaunted a cheerful grin.

I replied with a thrift smile. "Gusto rin daw kasi ni Glaiza na maki-bonding sa banda n'yo." He quickly nodded. I don't know if he was really convinced by my reply.

"Bukas na lang siguro kami matutuloy mag-swimming." Dugtong ko pa.

Napatitig ako sa mapupulang labi niya nang muli siyang nagsalita.

"Kailan ka na matutuloy umuwi sa Bulacan?" His Adam's apple protruded.

Napatuon na naman ang atensyon ko sa mapupungay na mga mata niya.

"Next week na lang siguro."

Naging tahimik na naman ang atmosphere sa pagitan naming dalawa. Binuksan ni Kieran 'yong isang bote ng Wilkins, ininom niya ito, pagkatapos ay dumekwatro ng upo.

I felt like he was so eager to talk to me iyon nga lang katulad ko ay tila nangangapa rin siya ng pwede naming pag-usapan. I tried to think of a topic.

"Ikaw, Kieran? Saan ang probinsya mo?"

His face enlightened. "I'm from Cagayan De Oro."

"Pareho pala kayong Bisaya ni Kylie?" Wala sa sarili kong sabi. Late ko na na-realize na nabanggit ko na naman 'yong pangalan ng ex niya.

"I'm sorry! Nakakwentuhan ko kasi si Kylie noon. Nabanggit niya sa 'kin na taga-Cebu siya."

Mukhang hindi naman nagbago ang mood ni Kieran dahil sa sinabi ko.

"Yeah. Pareho kaming Bisaya. I guess it's another factor why we easily clicked."

Pinag-usapan namin ang tungkol sa probinsya nila-ang Cagayan De Oro. Kinuwento niya sa 'kin 'yong magagandang pasyalan na makikita roon tulad ng kalapit bayan na Bukidnon, may mga hot spring din daw, falls. Sikat daw ang Cagayan De Oro sa white water rafting. Pinag-usapan din namin 'yong college life namin. Kagaya ko ay undergrad din si Kieran sa kursong Business Administration.

Napansin ko na parang apat na katao na lang kami rito sa nipa hut. Kanina pa rin kasi nagpaalam sina Drake at Cyril na babalik na sa room nila. Natigil kami sandali sa pagke-kwentuhan nang mag-ring ang cellphone ko. Kinuha ko ito mula sa loob ng pouch kong dala.

"Hello, Scarlet!" Nag-aalala 'yong boses ni Glaiza nang sagutin ko 'yong tawag niya.

"Sis, napatawag ka?" Nagtataka kong tanong.

"Mag- a-alas tres na kasi ng madaling araw, hindi ka pa pala nakabalik sa room natin?" Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sobrang gulat. Mabilis kong tinignan ang oras sa cellphone ko. 2:56 AM

What the hell! Ganito na kami katagal nag-uusap ni Kieran? Parang alas diyes lang 'yon no'ng nagpaalam si Glaiza na babalik sa room namin.

"Oo nga. Pasensya na, Sis! Hindi ko na namalayan 'yong oras. Sige babalik na ako sa room natin. Madaling araw na pala."

Dinukot din ni Kieran 'yong cellphone niya mula sa bulsa ng kanyang short. Sa reaksyon niya ay halatang nagulat din siya pagkakita niya sa oras.

Pagkababa ko no'ng tawag ni Glaiza ay kaagad na akong nagpaalam kay Kieran. "Mauna na pala ako. Grabe! Mag-a-alas tres na pala ng madaling araw."

Tumayo na ako mula sa stool chair. Kaagad ring tumayo si Kieran.

"Ihatid na kita!" I thought I froze. Hindi ako agad nakapag-react sa sinabi niya.

"Marami na ring lasing. Delikado na kung maglalakad ka ng mag-isa pabalik sa room n'yo."

Continue Reading

You'll Also Like

3.9M 8.4K 6
He calls her princess since time she can no longer remember. She almost believed she was his Princess. Pero nakababatang kapatid lang pala ang turing...
905K 51K 37
The things we're unwilling to pay for love....
13.3K 710 7
Delilah Ysabelle Diaz, 24, has lost her parents in a tragic accident. Starting a new life, her aunt convinces her to live with her in Brooklyn, New Y...
17.9M 37.4K 7
#StanfieldBook3: Sage Steele Shakyra Noelle Lagdameo wants to know the memories her brain had refused to re...