PHR GOTHIC ROMANCE: The Wolf...

By YroEno

8.5K 152 14

"Gising ako sa buong magdamag, Aurora. Kinatatakutan ko ang magiging reaksiyon mo sa pagkatuklas mo sa pagkat... More

Martha Cecilia - The Wolf & The Beauty
PROLOGUE
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen

Chapter Nineteen - Last Part

656 14 2
By YroEno


"PLEASE, Lukas." Tumaas ang paningin niya sa dalawang lalaking paparating. Mga pulis iyon na dalawang araw nang nakabantay sa villa.

Naramdaman na ni Lukas ang presensiya ni Gregor sa villa nang gabing iyon. Sadya lang ipinanatag ni Lukas ang loob niya. But all the time, Lukas was aware of someone's presence around the villa. Kaya naman nagpatawag ito ng mga pulis upang umaligid sa villa sa araw at gabi.

"Ipaubaya natin sila sa mga alagad ng batas."

Pagkarinig ni Gregor sa sinabi niya ay lumingon ito. Sinenyasan nito ang kapatid. At bago pa man lang makapagbigay ng babala ang mga pulis ay tinalon ni Marva ang dalawang pulis sa pagkabigla ng mga ito. Ni hindi nakuhang humugot ng baril ng dalawa. Sa isang kisap-mata'y bumulagta ang dalawang pulis. Parehong bali ang mga leeg.

"Pagsawain mo, Marva, ang sarili mo sa dugo ng dalawang iyan," utos nito kay Marva na hindi pa man sinasabi ni Gregor ay nakasipsip na sa leeg ng isa.

Aurora was horrified. Kung hindi niya aawatin ang sarili niya ay baka mawalan siya ng malay sa sindak. She was seeing a real vampire! A bloodsucking vampire.

"Tumakbo ka sa villa, Aurora," utos ni Lukas.

"Hindi kita iiwan!" tanggi niya. Natanaw ang tumatakbong lobo patungo sa dako nila.

"Mikhail, no!" hiyaw ni Lukas nang makitang sinusugod ng isang lobo si Marva.

Sa pagkabigla ay hindi kaagad nakakilos si Marva. Umaagos pa sa bibig nito ang dugo nang sagpangin ito ng lobo sa balikat. Gumuhit sa paligid ang matinis na sigaw ni Marva. Gayunman ay nagawang balyahin ng vurdalak ang lobo at humagis ito.

Subalit muli ring dumaluhong ang lobo. Sa leeg ng vurdalak nakatuon ang pansin ng lobo. Nasagpang nito ang leeg ni Marva at hindi iyon binitiwan. Subalit higit na malakas ang vurdalak. Nang makabitaw ang lobo ay may bahagi ng laman ni Marva ang natangay nito. Humihiyaw na susugurin nito ang lobo. Halimaw na ang anyo nito.

Subalit naroon na si Lukas bago pa nito magawan ng pinsala si Mikhail.

Nakita ni Aurora na namangha si Gregor sa pagpapalit ng anyo ni Lukas habang tinatalon nito ang dako ng bumagsak na lobo. Hindi marahil inaasahan iyon ni Gregor kaya hindi agad ito nakakilos nang parehong sagpangin ng dalawang lobo ang leeg at dibdib ni Marva.

Nanlaban ito at ang isang paa ng lobo ang mariing nahawakan nito at malakas na ibinalibag iyon sa buhanginan. Umungol ang lobo at hindi nakatayo.

Isang malakas na angil ang pinakawalan ng malaking lobo. Tinakbo niyon ang nakahandusay na mas nakababatang lobo. Si Marva ay tumalon sa ere at akmang hahawakan sa leeg ang malaking lobo nang mula sa kung saan ay isang pana ang bumulusok at tumama sa tapat ng puso nito.

At bago pa ito makakilos ay nakatalon na patungo rito ang may-ari ng pana at buong-lakas na diniinan iyon at tumagos sa likod.

"Hindi!" malakas na hiyaw ni Gregor nang makita ang unti-unting paglalaho ni Marva. Sa pagkasindak ni Aurora, unti-unting naging abo ito at humalo iyon sa buhangin.

Nag-iba ang anyo ni Gregor sa matinding galit. Dadaluhungin nito ang pumatay sa kapatid subalit iniharang ng malaking lobo ang sarili. Nagpanghamok ang dalawa.

Sindak na nakamasid si Aurora. Ang bagong dating ay muling nagbala ng palaso sa pana nito subalit mabilis itong hinawakan sa kamay ni Aurora. "Nadja, huwag! Baka ang lobo ang tamaan mo. Please attend to the wounded wolf!" utos niya sa kapatid.

And Aurora was right. Dahil hindi makakuha ng tamang anggulo si Nadja. Sumunod ito at nilapitan ang nakahandusay na lobo.

Umiiyak na si Aurora. Ilang beses nang bumalandra sa buhangin si Lukas sa anyong lobo. Ilang beses na rin itong tumama sa haligi ng pier. At galit na galit si Gregor sa pagkamatay ng kapatid. Halimaw na ang anyo nito. Naglabasan ang malalaking pangil nito at sinisikap nitong sunggaban ang leeg ng lobo.

Nahagip ng malaking lobo ang leeg ng vurdalak subalit nakakapit din dito si Gregor. Nagtatagisan ng lakas ang dalawa. At nakikita ni Aurora na unti-unting nagagapi ang malaking lobo. Anytime the vurdalak would rip the wolf's neck from its body. Aurora was hysterical to be able to think clearly. Dinampot niya ang palaso mula sa naabong katawan ni Marva at akmang itatarak iyon sa likod ni Gregor.

But Gregor saw her. Hawak nito sa isang kamay ang leeg ng lobo at malakas nitong tinabig si Aurora na bumagsak sa buhangin kasama ang palaso. Umangil nang malakas ang malaking lobo sa ginawa ng vurdalak kay Aurora. But the big wolf was bleeding and weakening.

Ang batang lobo ay nagsikap bumangon upang tulungan ang malaking lobo. Ang pana ni Nadja ay nakasipat na.

The big wolf growled loudly at the younger wolf, wanting it to back down.

Nang sa pag-ikot ni Gregor ay natamaan ng sinag ng panghapong araw ang nakasabit sa dibdib nito dahil nahantad iyon nang dakmain ng lobo ang dibdib nito at napunit ang suot nitong itim na polo.

Napasinghap si Aurora. Eksena sa sala sa bahay niya ang kumislap sa isip—nang yakapin siya ni Olivia: "... ang kuwintas... ang kuwintas ni Gregor, Aurora... "

Hindi niya naintindihan ang sinasabi ni Olivia nang hapong iyon dahil sa galit niya rito. Subalit nang makita niya ang pagkislap ng kuwintas ay naalala niya ang sinabi nito. Olivia wasn't able to penetrate Aurora's mind that day. Pero isa ang tiyak, binalaan siya nito mula kay Gregor.

And for whatever it was worth, may kinalaman ang kuwintas na iyon upang masugpo si Gregor. Tumayo siya at tumakbo palapit.

"Gregor, please!" sigaw niya. "Sasama ako sa iyo, ituturo ko ang mga alahas, bitiwan mo ang lobo!"

Sandaling natigilan si Gregor. Nag-echo sa paligid ang malakas na angil ng lobo bilang pagtutol. Nilingon ni Gregor si Aurora na sinamantala ang pagkakataon at dahan-dahang lumapit.

"I know you will come to your senses, Aurora..." nakangising wika ng halimaw.

Halos magkasabay na dumaluhong ang dalawang lobo sa vurdalak. Muling malakas na binalya ng vurdalak ang batang lobo. Hindi nito binibitiwan ang malaking lobo na nagpipilit abutin ang leeg ng vurdalak.

"Come to me, Aurora. At titirhan ko ng buhay ang lobong ito," anyaya ni Gregor.

Nagkunwa si Aurora na hahawakan sa braso si Gregor. Subalit nang madikit ang kamay niya sa braso nito ay itinuloy niya iyon sa dibdib nito at biglang dinakma ang kuwintas at ubos-lakas na hinablot iyon. Nang mapatid ang kuwintas ay mabilis na umatras palayo si Aurora.

Humiyaw si Gregor. Nabitiwan nito ang lobo. "Papatayin kita! Ibalik mo sa akin ang—"

Hindi nito nakuhang makahakbang upang sugurin si Aurora. Sinagpang ng lobo ang dibdib nito upang tuluyang lurayin subalit unti-unti nang nalulusaw ang vurdalak. Tulad ni Marva ay unti-unting naging abo ito at humalo sa buhangin.

May ilang sandaling sindak na nakamasid ang lahat sa ginawang pag-agnas ng vurdalak.

Ang lobo ay bumagsak sa lupa. Saka pa lang natinag mula sa pagkakatulala si Aurora. Humiyaw na dinaluhong niya ang lobo habang unti-unting nagpapalit ito ng anyo. Sa di-kalayuan ay nakapagpalit na rin ng anyo si Mikhail. Parehong tadtad ng sugat ang dalawang lalaki.


NANG hindi kailangang utusan, sinunog ni Manong Onofre ang katawan ng dalawang pulis. Hindi madaling ipaliwanag kung ano ang nangyari sa mga ito. Si Lukas ay magpapadala ng tulong sa mga naulila ng dalawang pulis mula sa isang unknown source at walang bakas na magtutukoy kung saan iyon nanggaling.

Si Mikhail na nagkaroon ng bone fracture sa isang kamay at balikat ay kailangang dalhin sa ospital upang lagyan ng cast ang mga napinsala. Kusang ibinangga ni Manong Onofre ang isang kotse sa malaking puno upang kung sakaling may magtanong kung ano ang nangyari sa dalawa ay madaling matukoy na naaksidente ang mga ito.

Si Lukas ay tadtad ng sugat ang buong katawan at bugbog-sarado. Subalit nagamit ni Manang Jacinta ang pagiging nurse at herbalist nito. Nakatulong nang malaki ang mga herbs na ipinantapal ni Manang Jacinta kay Lukas para sa unti-unting paghihilom ng mga sugat nito. Mga herbs pa rin ang ipinaiinom nito upang makabawi ng lakas ang dalawang binata.

At sa loob lamang ng isang linggo ay nagsisimula nang bumuti ang kalagayan ng dalawang lalaki.

"So..." Nadja smiled at her sister. "Naging advantage sa iyo ang lahat..."

"I still wish that father's alive."

"We can't turn back the sands of time, Rory,"

Nadja said softly.

Aurora smiled back. Pinalis ang lungkot sa mukha. Natutuwa siyang kay daling natanggap ni Nadja ang dobleng pagkatao nina Lukas at Mikhail. Ni hindi ito kinakitaan ng pagkasindak.

"The nightmare's over, Nadj. If he will still want to marry me then I will marry him without any doubt." Kapagkuwa'y tinitigan ang kapatid nang may pag-aalala. "Aren't you scared that you will have a half-man, half-wolf for a brother-in-law?"

Nag-angat ng tingin sa loob ng kabahayan si Nadja kung saan magkasabay na patungo sa balkonahe ang magpinsan. "You'll be surprised, Rory, if I'll tell you what I know," she said grinning mysteriously. "And to answer your question—No. I don't mind having a half-wolf, half-man for a brother-in-law. Especially if that half-man was as gorgeous as Lukas."

"Hindi inaalis ni Mikhail ang tingin niya sa iyo," she teased.

Nadja laughed.

"Alalahanin mo ang bilin ni Tatay sa atin—"

Sinabayan ni Nadja ang sinabi niya. "Magtapos ng pag-aaral." Nagkatawanan ang magkapatid.

Mula sa kabahayan ay lumabas si Lukas na nakatungkod. Si Mikhail naman ay naka-cast ang isang braso at balikat. Inalalayan ni Aurora si Lukas na makaupo sa duyang kahoy. Nagkunwa si Lukas na nahihirapang maupo upang manatiling nakayakap si Aurora dito at tulungan itong maupo habang nilalagyan nito ng throws ang likod.

Lukas smiled lovingly at Aurora. "We'll all fly back to Manila the day after tomorrow, darling..." he told her. "I'll buy you your engagement ring. Then you and Nadja can start scouting for a wedding planner."

"Ang akala ko ba ay sasabihin mo sa kanila kung saan naroroon ang mga alahas?" ani Mikhail na sinulyapan si Nadja at nagtagal dito ang mga mata.

"Oh, I will. Pero sa Bulacan na."


DALAWANG araw mula nang dumating sila sa Bulacan ay paalis naman si Doreen patungong Hong Kong. Hindi na ito nagtanong kung ano ang nangyari kay Gregor. Mahalagang marinig niya mula kay Aurora na hindi na sila muling aabalahin pa nito.

Magbanua was a bad cop. Binalaan ito ni Lukas na isa sa mga araw na ito ay pagbabayaran nito ang pagiging bayarang-pulis nito. Nakalulungkot isiping dalawang matinong pulis ang naglaho sa mundo dahil kay Gregor subalit nananatili ang isang tulad ni Magbanua.

Pagkahatid kay Doreen sa airport ay nagtipon-tipon sa sala ng bahay sa Bulacan ang apat. Si Lukas ay naupo sa gilid ng pond at tinawag si Aurora.

"Kahit ba minsan ay hindi ka naghinalang sa fishpond inilagay ng tatay mo ang mga alahas?" tanong nito sa kanya. "Sa fishpond!" parehong bulalas nilang dalawa ni Nadja. May biglang nagdaan sa isip ni Aurora noong gabing iwan niya ang ama at si Felipe habang nagpapalit ng mga alahas.

"Pakainin mo ang mga alaga ko, Aurora... hindi ko sila napakain buong maghapon..."

It was a clue. Minsan man ay hindi pumalya ng pagpapakain ang tatay niya sa mga alaga nitong isda dahil pagkagising pa lang nito sa umaga ay iyon na ang inaasikaso ni Julio. "Oh, Tatay..." pahikbi niyang usal.

Kinabig siya ni Lukas at ipinaupo sa gilid ng sementong nakapalibot sa fishpond. Lumakad ito patungo sa dulo ng fishpond, yaong kinaroroonan ng mini-waterfall at may mga nakalutang na halamang pantubig.

Hinawi nito ang mga halaman paatras at nahantad ang malalaking pinaghalong puti at itim na decorative stones. Ipinailalim ni Lukas ang kamay sa tubig at hinalukay ang mga bato. Nang iangat nito ang kamay ay may hawak na itong mga alahas. Kumikinang ang mga ginto.

Parehong napabulalas ang magkapatid. Napauklo sa may fishpond si Aurora at nakitulong sa paghalukay sa mga bato upang tuluyang lumitaw ang mga alahas.

"Ang... ang mga brilyante at mahahalagang bato?"

"Natitiyak kong naririyan lang sa ilalim. Hindi iyon ilalayo ng tatay mo."

"Papaano mong nalamang diyan itinago ni Tatay ang mga alahas?" magkasabay halos na tanong nina Aurora at Nadja.

"I did not. Though I keep on thinking where in the house your father would hide those jewels. Noong isang umaga nang madatnan mo ako ritong nagkakape ay nalaman ko nang diyan itinago ng tatay mo ang mga alahas. I was admiring the pond when I saw something sparkle. Yumuko ako at inabot iyon. Isang kuwintas na marahil ay hindi gaanong naibaon ng tatay mo. Ibinalik ko sa tubig at ibinaong mabuti. Hinawi ko patungo rito ang mga dahong halaman subalit may ikinalat ako nang paunti-unti upang hindi mahalata."

"And you didn't tell me!" Aurora accused.

"Nang araw na iyon ay hindi ako naniniwalang hindi mo alam kung saan nakatago ang mga alahas. So I kept quiet. But then, malalaman n'yo rin iyon sa malaon at madali. Narito lang iyan."

Napahinga nang maluwag si Nadja. "Mabuti at hindi kasama ang fishpond sa sinira ng mga lalaki."

"Hindi nila pag-iisipan ang bagay na iyan," ani Lukas and smiled at Aurora. "Kunin natin ngayon ang mga iyan at dalhin sa vault." Tumayo na ito.

"You still have to buy me an engagement ring, Lukas..."

He grinned at her. "You will have your engagement ring, darling." Kinabig siya ni Lukas at mariing hinagkan sa mga labi. Tumugon siya ng halik.

"Guys, get a room. Apat ang silid sa bahay na ito," Mikhail said disgustingly.

Everybody laughed. Aurora snaked her arms around Lukas' neck. "I love you, my big bad wolf. Till my last breath."

"May condo ako sa Makati, Rory, kung mas gusto mo rito kaysa sa Pagudpud. O di kaya ay ipa-renovate natin ang bahay."

She looked straight in his grey eyes. "Hindi ko ipagpapalit ang villa sa alinmang lugar dito sa siyudad, Luke."

"Hindi ka maiinip?"

"Malibang hindi kita kasama roon."

"I'll be by your side, Rory. Always."

"Ang cheesy ninyo, ha," komento ni Mikhail.

Siniko ito ni Nadja. "Let's leave these two alone. Tara sa bayan, bumili tayo ng puto."

"With pleasure."

Ni hindi namalayan ng dalawa ang paglabas nila ng bahay. Lukas smiled at Aurora lovingly. "I love you."

"I love you more, Lukas, wolf or man." She planted a soft kiss on his lips. Agad namang tumugon si Lukas.

He was happy. He never thought he could be this happy. Aurora loved him for what he truly was. Hindi niya gustong makadama ng pag-asa. He had learned to love his other half and its perks. Still, kahit hindi niya inaamin kay Mikhail ay inaasam niya ang maging normal na tao.

Sa panahon ng kanyang pakikipagtunggali kay Gregor, nakadarama siya ng panghihina. Totoong hindi madaling talunin ang isang tulad ni Gregor—a vurdalak. Subalit ang kuwintas nito ang susi kaya ito nakapaglalakad sa hindi-kainitang araw. Tulad nito ay mayroon din niyon si Marva. Lamang ay tumarak ang palaso ni Nadja sa puso nito.

He'd have probably died fighting Gregor. Pero iyong panghihinang naramdaman niya habang naghahamok sila ay hindi pangkaraniwan. Sa kalagitnaan ng paghahamok nila ay naramdaman na niya iyon. Natitiyak niya sa sariling posibleng hindi niya matatalo ang vurdalak kung patuloy ang panghihina niya.

Should he hope?

"Only a woman with the purest of hearts will break my curse!"


                                                                      WAKAS

Continue Reading

You'll Also Like

183K 1.6K 10
"Na hindi naman pala masama ang magdamot. Lalo na kung 'yong taong pinagdadamot mo ay ang taong mahal mo." Maagang namatay ang mga magulang nila ni...
46.6K 560 22
"Kahit ano pang gawin mo para lang masaktan ako..I will never feel pain..Coz you will never my partner,you're just my wife!" --Andrian Erriole
885K 40.1K 40
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
113K 2K 13
"You're life itself, Hannah. Para kang isang napakaningning na bituin na nagbibigay-liwanag sa daigdig ko." Ikakasal na si Hannah sa kanyang fiancΓ© n...