San Lazarus Series #6: Onerou...

By LadyLonelySadness

2.4K 375 4

Paano kung ang inaakala mong tamang pag-ibig ay isa pa lang huwad, saan ka tatakbo kung lahat pala ay isa lam... More

COLLABORATION
DISCLAIMER
EPIGRAPH
CHAPTER I: PUTO
CHAPTER II: BAYABAS
CHAPTER III: NIGHT CHANGES
CHAPTER IV: FOR YOU
CHAPTER V: NEW LIFE
CHAPTER VI: REASON
CHAPTER VII: TIRED
CHAPTER VIII: CONFESS
CHAPTER IX: SCARED
CHAPTER X: SPECIAL
CHAPTER XI: JEALOUSY
CHAPTER XII: JACKSON
CHAPTER XIII: THE TRUTH
CHAPTER XIV: DECISION
CHAPTER XV: NAMES
CHAPTER XVI: GENDER
CHAPTER XVII: GOALS
CHAPTER XVIII: FEELINGS
CHAPTER XIX: EYES
CHAPTER XX: REGRETS
CHAPTER XXI: PHYSICAL
CHAPTER XXII: SWEETS
CHAPTER XXIV: IT'S BEEN A WHILE
CHAPTER XXV: SHE KNOWS
CHAPTER XXVI: LIE AND TRENDS
CHAPTER XXVII: SHOOTING STARS
CHAPTER XXVIII: CONDITIONS
CHAPTER XXIX: OFF
CHAPTER XXX: AMANDA
CHAPTER XXXI: SAD SONGS
CHAPTER XXXII: WISH
CHAPTER XXXIII: WHERE SHE BELONGS
EPILOGUE

CHAPTER XXIII: FAMILY

40 5 0
By LadyLonelySadness

🍛🍛🍛

"CONGRATULATIONS!" Iyon ang agad na bumungad sa kanya pag-uwi nila ng probinsya matapos ang graduation nya, napangiti sya ng salubungin sya ng inay at kapatid nya na maging si Alicia ay agad na sumalubong din. Paghinto ng mga to sa harap nya ay agad syang inipit ng yakap habang pare-parehas silang may ngiti sa labi.

"Proud na proud ako sayo, anak." Madamdaming sabi ng ina nya ng bitawan sya, maluha-luha pa ito habang nakatingin sa kanya.

"Salamat, ang effort nyo talaga." Puna nya ng mapansin ang inihanda ng mga ito para sa kanya.

"Syempre tiya!" Sigaw ni Alicia.

Nagkaroon sila ng simpleng salo-salo para sa selebrasyon ng promotion nya, ewan nya pero pakiramdam nya sobrang saya nya dahil ano pa bang mahihiling nya? Nariyan ang ina nya maging ang kapatid nya, hindi lamang iyon dahil nariyan din ang asawa at anak nya na syang nagbibigay ng patuloy na saya sa buhay nya.

"Mama! Proud!" Sigaw ni Acks habang tumatakbo at nag-iikot-ikot sa damuhan samantalang magkatabi silang nakaupo ni Jackson sa mahabang silya matapos ang salo-salo.

Hinawakan nya sa braso si Jackson at isinandal nya ang ulo sa balikat nito na ikinangiti ng asawa nya. "Ayos ka lang?" Tanong nito sa kanya.

"Sana ganito na lang lahat ng araw ano?" Sambit nya na di pinansin ang tanong nito.

Napabitaw sya sa pagkakahawak sa braso nito ng yakapin sya habang nakasandal ang ulo nya sa balikat nito. "Hindi man ganito ang mga darating na araw, mananatili kitang mahal fatima."

Napangiti sya ng marinig iyon. "Ganoon din ako," sang-ayon nya saka tiningnan ang maaliwalas na langit, natahimik na sila matapos iyon habang yakap sya ni Jackson at pinagmamasdan nya si Acks na naglalaro sa harap nila di kalayuan sa kinauupuan nila.

Napahiwalay lang sya ng madapa si Acks at umiyak dahil napatid sya ni Alicia na syang kalaro nito, agad namang tumayo si Jackson at nauna sa kanyang lumapit sa mga bata, sinaklolohan agad nito si Acks at itinayo saka pinagpagan kaya nanatili na lang sya sa pwesto.

Nanlaki bigla ang mga mata nya ng makatayo si Acks at suntukin si Alicia bilang ganti."Jackson!" May awtoridad sa tono ng boses na sambit ni Jackson sa pangalan ng anak, hindi nya alam kung matatawa sya dahil binanggit nito ang sariling pangalan o mag-aalala dahil parang galit na ang ekspresyon ng asawa nya.

"Hindi ba't, sinabi ko na sayong huwag kang mananakit?" Si Jackson.

"Pero p-papa, n-nisaktan n-nya a-ako!" Iyak na katwiran ni Acks.

"Hindi dahilan 'yon, mag-sorry ka kay Alicia." Utos nito.

"Papa! Nisaktan nya ako!"

"Sinaktan ka nya pero maling gumanti, mag-sorry ka."

Umiling si Acks. "Ayaw ko, nisaktan nya din po ako! Bakit ako lang mag-so-sorry?!" Ma-pride na katwiran ng anak nya.

"Pa'no sya magso-sorry sayo kung sinaktan mo sya!" Napipika ng sabi ni Jackson, mukhang naglalabanan ng sungay ang mag-ama nya at ewan nya kung bakit imbis na sawayin ang dalawa ay hinahayaan na lang nyang magtalo ang mga ito dahil nakikita naman nyang sinusubukang putulin ni Jackson ang sungay ng anak.

"Bakit gagalit ka papa?! Ako po ba mali?! Sya ang mali!" Itinuro ni Acks si Alicia na umiiyak pa din. "Sya ang mali pero sakin ka-gagalit! Sya po ba anak mo?! Papa ako anak mo po pero kakampihan mo sya!" Hinanakit ni Acks saka umiyak ulit.

Napabuntonghinga sya, mukhang magkakaroon pa ata ng samaan ng loob ang mag-ama nya pero nabigla sya ng imbis na ipilit ni Jackson ang pagsaway sa anak ay lumambot ang ekspresyon nito saka naupo na sa harap ng anak at inalo iyon.

"Tahan na, hindi ganoon ang ibig kong sabihin. Huwag ka ng umiyak," alo nya kay Acks saka pinunasan ang mga mata ng ma-pride nyang anak. "Huwag ka ng umiyak, tahan na. Gusto mo bang maging uhugin?" Pananakot pa ni Jackson.

Agad na umiling si Acks at lumayo sa ama. "Ayaw pero kakampi ka nya!" Pilit pa rin ni Acks kaya napabuntonghinga si Jackson.

"Hindi ganoon, halika dito." Utos nito pero umiling si Acks at lumayo ulit. "Jackson Montesejo Jr! Pag-sinabi kong lumapit ka, lumapit ka!" Iritang sabi ng asawa nya na medyo tumaas ang tono ng boses, gusto na nya sanang pumagitna pero ayaw nyang mas lalong lumakas ang loob ni Acks sa kaalamang may ina syang ipagtatanggol sya dahil baka mas lalong magalit lang ito sa ama.

Walang nagawa si Acks kundi lumapit habang umiiyak, hinawakan sya ni Jackson saka pinaupo sa binti nito. "Tingnan mong maigi si Alicia," panimula ni Jackson. "Natutuwa ka bang umiiyak sya?"

Agad na umiling si Acks. "Hindi, pero di sya nag-sorry!"

Napakamot sya sa noo, talagang makatuwiran ang bulinggit di na sya magtataka kung bibiruin na naman sya ni Jackson mamaya dahil namana ng anak ang ugali nya.

"Kailangan pa ba nyang mag-sorry para patawarin mo sya? Hindi ka ba naaawa? Uniiyak sya."

"Papa! Umiiyak din po ako! Di mo ba nakikita ang tears ko!" Kontra nito.

Napapikit ng mariin ang asawa nya saka muling bumuntonghininga. "Jackson," Sambit nito na animo'y konti na lang mauubusan na ng pasensya pero alam naman nyang kahit pa maubos ang pasensya nito ay hindi ito hihinto sa pagpapaliwanag sa anak nyang makulit, ilang beses na nyang napanood ang ganitong senaryo ng mag-ama nya, pwede namang ipagkibit-balikat ni Jackson ang nangyari at sabihan ang anak na huwag ng uulitin dahil simpleng bagay lang naman iyon pero ang ikinasasaya ng puso nya ay ang pilit na pagtutuwid ni Jackson sa anak at pagpapaliwanag nito upang mas maintindihan ni Acks ang pagkakamali nito.

"Papa, bakit ka po ganyan? Lagi na lang ako mali sayo!" Iyak na naman ni Acks.

Tumayo na sya at nilapitan si Alicia, itinayo nya ang pamangkin at napatingin sa kanya si Acks. "Mama, sya din kampi mo?" Tanong nito sa kanya.

Napairap sya. "Makinig ka dyan sa ama mo, siguraduhin nyong magkakaintindihan kayo kung hindi, di kayo tatabi sakin mamaya." Pananakot nya na ikinakunot ng noo ng mag-ama nya, di na nya pinansin 'yon at inakay na si Alicia para asikasuhin, pumasok sila sa loob ng kubo.

"Alicia, pasensya ka na ha?" Panimula nya. "Ayos lang kung hindi mo papansinin muna si Acks, pero magbati pa rin kayo ah? Alam mo naman 'yong pinsan mo masyadong sutil, ikaw na lang muna ang magpasensya."

Tumango si Alicia. "Sorry din po tiya, di ko naman po sinasadya e."

Pinunasan nya ang mga mata ng pamangkin at niyakap. "Ayos na 'yon, hindi naman masama ang loob namin sayo ng tiyo mo."

"Talaga po?"

"Oo naman," ngumiti sya. "Nag-asawa man ako pero baby pa rin kita alicia, hindi mo man sinasadya pero magsorry ka pa rin kay Acks, mahalaga pa rin na inaako o inaamin ang pagkakamali."

Tiningnan nya ang braso ni Alicia na sinuntok ni Acks. "Masakit pa rin ba ang sinuntok nya? Ayos ka lang?"

"Medyo masakit tiya pero ayos lang po ako."

Napabuntonghinga sya saka tumayo at kumuha ng pang-cold compress saka nilapatan ang braso ng pamangkin, abala silang dalawa sa pag-uusap tungkol sa nangyari ng makita nya sina Acks at Jackson na mukhang okay na.

"Ate..." sambit ni Acks saka lumapit kay Alicia. "Sorry!" Iyak na naman nito saka yumakap sa pinsan. Napaatras sya, tumayo sya at lumapit kay Jackson.

"Ate sorry! Mali ka pero mali din ako," mahinang napatawa si Faye sa narinig na sinabi ni Acks. "Dapat di kita nisaktan kasi masama daw 'yon sabi ni papa, sorry nisuntok kita. Masakit ba?"

"Okay na ko, sorry din. Di ko naman sinasadya e." Hingi rin ng tawad ni Alicia.

Ngumiti si Acks. "Sorry accepted! Promise di na kita sasaktan! Sabi ni papa dapat di nisasaktan ang babae."

Napatingin sya sa katabi at nahihiyang napahawak sa batok si Jackson, pagsapit ng gabi bago sila matulog ay bumaba ng kama si Acks saka yumakap kay Jackson na nakahiga sa lapag dahil di naman sila kasya sa kama.

"Goodnight papa!" Sabi ni Acks bago bumalik sa tabi nya na ikinangiti na lang nya, inintay nyang makatulog muna ng mahimbing ang anak bago lumipat sa lapag sa tabi ni Jackson.

"Okay na kayo?" Tanong nya saka umunan sa braso ni Jackson.

"Yup, ang anak kong 'yan masyadong mana sayo. Ang hilig mangatwiran, sumakit ang ulo ko." Reklamo sa kanya.

"May point naman sya kahit papa'no," tiningnan nya ang asawa. "Palagi mo syang itinatama pag-nagkakamali sya kaya akala nya tuloy laging mali nya ang napapansin mo, ikaw din kasi pag-may tama syang nagawa hindi mo man lang kinakausap basta ka lang ngingiti at yayakapin sya."

"Alam ko naman at sinusubukan ko ng ayusin." Humarap sa kanya si Jackson mula sa pagkakatihaya. "Hindi ka ba magagalit? Palagi ko na lang ata napapagalitan si Acks."

Umiling sya. "Alam ko namang itinatama mo lang sya, natutuwa nga ako dahil pinipilit mong ipaintindi sa kanya lahat kahit pa ang kulit kulit ng anak mo."

Ngumiti si Jackson. "Gusto ko lang na huwag nyang kalakihan ang mga bagay na sana maaga akong namulat. Ayokong isipin nyang tama ang mali dahil hindi natin sya pinagagalitan sa tuwing magkakamali sya."

"Hindi ka naman kasi talaga nagagalit."

"Hindi naman kailangan," niyakap sya ni Jackson. "Ang gusto ko, matandaan nya kung ano ang mali sa tama at maintindihan nyang ang mali ay mali. Hindi ko gustong maalala nya na palagi na lang galit dahil hindi naman 'yon ang mahalaga."

Napangiti sya sa narinig. "Ang swerte ni Acks, na ikaw ang ama nya."

"Mas swerte si Senior at Junior dahil ikaw ang ilaw ng tahanan namin."

Napairap sya saka kinuha ang kumot. "Matulog na tayo, nagbobolahan na lang tayo." Sabi nya saka binuklat na ang kumot.

"So binobola mo lang ako? Love-"

"-syempre hindi." Inayos nya ang unan at nahiga na. "Totoo namang swerte sayo si Acks, pakiramdam ko nga sa lahat ng maling desisyon ko sa buhay, ikaw lang ang naging tama."

"Heto na naman tayo, pinakikilig na naman nya ako." Reklamo ni Jackson na tinawanan nya.

Tinapik nya ng mahina ang pisngi ni Jackson. "Tulog na tayo," sabi nya saka yumakap sa bewang ng asawa na syang ikinangiti nito, niyakap din sya ni Jackson at natulog na sila.

🍛🍛🍛

"I'm home!" Rinig nyang sigaw mula sa pinto ng unit, napahinto sya sa ginagawa samantalang sumalubong naman agad si Acks, di nagtagal ay nakita nya si Jackson na may bitbit na pasalubong para sa anak habang buhat-buhat na si Acks. Ibinaba ni Jackson sa sofa si Acks saka inilabas sa supot ang dala nitong pasalubong. "Charan!" Nakangiting sabi ng asawa nya ng ipakita kay Acks ang pasalubong.

"Papa!" Tuwang-tuwang sabi ni Acks ng makita kung ano iyon. Ibinigay ni Jackson sa anak ang binili pero imbis na asikasuhin agad 'yon ni Acks ay yumakap ang bata ng mahigpit sa ama. "Tenchu papa! Promise iingatan ko po ito!"

Napangiti si Jackson at ganoon din sya habang pinagmamasdan iyon, saglit pang tinuruan ng asawa nya si Acks bago iniwanan at lumapit sa kanya. "Hi," bati nito at ng makalapit ay agad na niyakap sya.

"Kamusta ang araw mo?" Tanong ni Faye ng bahagyang humiwalay si Jackson sa kanya.

"Ayos naman medyo pagod, ikaw? Di ka pa ba pagod? Mukhang naglikot na naman si Acks."

Umiling sya. "Hindi naman ako nagligpit ng kalat nya, sya na ang nagligpit ng mga 'yon," pinisil nya ang pisngi ni Jackson. "Tinuruan mo daw kasi sya."

Nagkibit-balikat sya. "Ayoko lang na masyado kang mapagod kaliligpit, malaki na rin naman sya dapat lang na matuto syang maging masinop at responsable sa mga ginagawa nya."

"E ano namang naisip mo at ibinili mo sya ng puzzle?" Taas ang kilay na tanong nya.

Alanganing ngumiti si Jackson. "Kasi sahod?" Kinuha nito sa bag ang wallet saka ibinigay sa kanya. "Alam mo ba love,"

"Hindi pa." Agap na sagot nya.

Napatawa si Jackson. "Ang hinihingi nya talaga sa akin ay cellphone,"

"Kaso...?"

"Kaso sabi ko masyado pang maaga para sa bagay na iyon, dapat yung mas mapapakinabangan at malilibang sya."

Napatango-tango sya. "May punto," humiwalay sya sa asawa. "O sya, magbihis ka na at maghahain na ako ng makakain ka na."

Napangiti si Jackson. "Anong ulam natin?" Tanong nito saka akmang sisilipin ng pigilan nya.

"Basta! Magbihis ka na muna." Pagtataboy nya kaya sinimangutan sya ni Jackson saka hinalikan sa pisngi at sinunod ang sinasabi nya.

Napailing-iling na lang sya ng makitang nag-eenjoy na nga si Acks sa puzzle na binili ni Jackson, iba talaga ang paraan ng asawa nya sa pagpapalaki sa anak nya. Hindi nya rin alam kung paano ni Jackson nagagawang pasunurin ang anak, kapag kasi sya e lagi na lang silang nag-aaway ni Acks dahil napakatigas ng ulo nito samantalang kapag ang asawa nya ang dumidisiplina sa anak ay nagagawa nitong mapaamo o mapaayon ang bata sa gusto nito.

Siguro dahil iyon sa likas nitong pagiging malambing kay Acks, minsan na nitong inamin sa kanya noong nag-aaral pa sila na hindi mahilig sa bata si Jackson kaya hindi nya alam kung paano nito nagagawang maging ganoon kalambot sa anak, oo nga't kung ano-anong mga bagay ang itinuturo nito kay Acks, mga bagay na dapat matutunan sa hustong gulang at hindi ngayong limang taon pa lamang ang bata pero kahit ganoon ay bilib sya dahil nagagawa nitong ipaintindi sa anak ang nais nitong matutunan ni Acks.

Love, ang mabuting asal, pagiging mabuting tao, respeto at pagiging responsable ay dapat na natututunan sa loob ng pamamahay. Gusto kong lumaki ng tama si Acks.

Iyon ang eksaktong sinabi nito sa kanya ng mapag-usapan nila ang bagay na iyon, natutuwa sya sa totoo lang dahil nakikita naman nyang ginagawa iyon ni Jackson hindi dahil gusto sya nitong i-please pero dahil gusto talaga nitong mapabuti ang anak nya. Pakiramdam nya, minalas man sya noon sa pag-ibig pero ngayon alam nyang sinuwerte sya sa napiling ama ng anak nya.

"Thank you!" Tuwang-tuwang hiyaw ni Jackson ng makita ang niluto nyang ulam, ang paborito nitong kare-kare. Agad na lumapit ito sa kanya at niyakap sya saka pinupog ng halik ang mukha nya, hindi na maalis ang saya at ngiti nito kahit pa ng magsimula silang kumain.

Ganoon lang at masaya na si Jackson, simpleng ipinagluto nya lang ng paborito nitong ulam ay tuwang-tuwa na agad ito. Sa totoo lang ay hindi mahirap pasayahin ang asawa nya, natuklasan nya iyon sa mga taon na nagdaan na mag-asawa na sila. Sobrang dali nitong pasiyahin, pangitiin, patawanin at pakiligin maging ang paiyakin. Alam nyang hindi iyon kababawan at masaya sya na nagagawa nya ang mga bagay na iyon para sa asawa. Aminado naman sya, sa pagtagal ng pagsasama nila ay nagawa na rin nyang hindi lang basta pahalagahan ang binatang sumalo sa kanya noong nalulugmok sya sa buhay, noong nasasaktan sya. Alam nya sa sariling minamahal na rin nya si Jackson.

Nasa sala na sila matapos kumain ng may mag-doorbell, agad na tinungo iyon ni Jackson at ng bumalik ay nanlaki ang mga mata nya ng makita ang bitbit nito.

"Yehey! Malaking puzzle!" Sigaw ni Acks.

Hindi nya alam kung sasawayin, pagagalitan o matutuwa sya sa ginawa ng asawa dahil tuwang-tuwa si Acks lalo na ng ilatag nila iyon sa sala at nagsimula na ang bata na buoin iyon.

"Masyado mong iniispoil ang anak mo, Jackson." Naiiling na sabi nya.

"Ayos lang naman siguro love? Minsan lang naman e." Katwiran nito.

Magkakatuwang na binuo nila iyon, sila mismong tatlo na para bang naging instant bonding nila iyon, di nagtagal ay nagre-wrestling na ang dalawa na syang isa sa harutan ng mga ito habang binubuo ang puzzle. Pagkatapos nilang buoin ay hindi na nila inalis pa, hinayaan na nilang maging carpet iyon sa sala dahil hindi naman din iyon basta karton lang, talagang parang carpet ito na may mga designs.

"Papa," tawag ni Acks saka lumapit kay Jackson. "Tenchu!" Sambit nito saka yumakap na ikinangiti naman ng asawa nya.

Niyakap din nito si Acks. "Wala 'yon, di ba sabi ko sayo basta ikabubuti mo, susuportahan ka ni papa kahit anong mangyari."

Nakangiting tumango ang bata. "Ikaw ang pinaka-dabest na papa!" Pagmamalaki ni Acks sa ama.

"Hindi ba ko kasama dyan?" Singit nya dahilan para mapatingin sa kanya ang dalawa.

"Pwede ba namang hindi?" Sagot ni Jackson, napatawa na lang sya ng sabay na inilahad ng mag-ama sa kanya ang kamay ng mga ito.

Tinanggap nya parehas ang kamay ng mga ito saka lumapit at agad naman syang niyakap ng dalawa pagkatapos ay naupo ng maayos sa binti ni Jackson si Acks samantalang nanatili sya sa tabi ng asawa dahil nakayakap pa rin sya sa bewang nito.

"Baby, ready ka na bang pumasok sa school?" Tanong nya kay Acks.

Nanlaki ang mga mata nito sa narinig. "School po? Tinder?"

Bahagya syang natawa. "Son, it's kinder not tinder." Pagtatama ni Jackson na natawa din sa narinig mula sa inosenteng anak.

"Owww my bad," napahawak sa labi ang bata. "Mag-kinder na po ako?"

"Gusto mo na ba?"

Agad na tumango ang bata. "Opo mama! Para magka-friends na din po ako!"

"Okay, i-eenroll ka namin." Sabi nya dahil napag-usapan na rin naman nila 'yon ni Jackson.

Napapalakpak si Acks, tumayo ito saka nagpaikot-ikot habang paulit-ulit na sinasabing papasok na sya sa school marahil dala ng excitement. Napailing-iling na lang sya habang pinagmamasdan ang anak at napaangat lang sya ng tingin ng halikan ni Jackson ang noo nya.

"Katulad ng inaasahan, excited sya." Sabi ni Jackson.

"Iiyak na ba ako?"

"Pwede," natatawang sagot ni Jackson. "Pero pwede namang hindi,"

Napakunot ang noo nya, niyakap naman sya ni Jackson. "Anong ibig mong sabihin?"

"Gagawa tayo?"

Natawa sya. "Sure, now na?" Tanong nya dahil handa naman sya, gusto rin naman nyang mabigyan ito ng sariling anak na mula sa kanya.

Napatawa si Jackson. "Akala ko hihindi ka, fatima."

"Bakit naman?" Tiningnan nya si Acks na naglalaro na. "Gusto ko rin namang magkaanak tayo, kaya bakit hindi?"

Muli syang napatingin kay Jackson ng yakapin sya nito ng mahigpit. "Thank you wife!" Tiningnan sya nito. "Gusto ko ng little Fatima."

"Gusto ko ng little Jackson." Kontra nya.

"Wife, may little Jackson ka na."

"Iba naman 'yon, alam mo naman ang tinutukoy ko."

"I know, pero para sa akin si Acks na iyon. Anak ko sya Fatima."

Napatingin sya ng marinig iyon. "Jackson..."

Ngumiti si Jackson. "Hindi mababago 'yon, anak ko sya at hindi ng lalakeng 'yon."

Nagsimulang manubig ang mga mata nya, ilang taon ang lumipas at ganoon pa rin ang tingin nito. Ganoon pa rin nito tingnan ang anak nya-ang anak nila.

Yumakap sya ng mahigpit kay Jackson ng tumulo na ng tuluyan ang mga luha nya, alam nya ang totoo pero kahit pa ganoon ay hindi nya maiwasang maiyak sa kung papaano pinaninindigan ni Jackson ang anak nya kahit pa hindi naman talaga ito magkadugo.

"Isang pamilya tayo fatima, hindi mababago 'yon." Paninigurado sa kanya ni Jackson habang umiiyak sya sa mga bisig nito.

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 95.2K 87
Daksh singh chauhan - the crowned prince and future king of Jodhpur is a multi billionaire and the CEO of Ratore group. He is highly honored and resp...
3.5M 146K 61
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...
287K 7.6K 39
The title says it all.
22.7M 796K 69
"The Hacker and the Mob Boss" ❦ Reyna Fields seems to be an ordinary girl with her thick-framed glasses, baggy clothes, hair always up in a ponytail...