San Lazarus Series #6: Onerou...

By LadyLonelySadness

2.4K 375 4

Paano kung ang inaakala mong tamang pag-ibig ay isa pa lang huwad, saan ka tatakbo kung lahat pala ay isa lam... More

COLLABORATION
DISCLAIMER
EPIGRAPH
CHAPTER I: PUTO
CHAPTER II: BAYABAS
CHAPTER III: NIGHT CHANGES
CHAPTER IV: FOR YOU
CHAPTER V: NEW LIFE
CHAPTER VI: REASON
CHAPTER VII: TIRED
CHAPTER VIII: CONFESS
CHAPTER IX: SCARED
CHAPTER X: SPECIAL
CHAPTER XI: JEALOUSY
CHAPTER XII: JACKSON
CHAPTER XIII: THE TRUTH
CHAPTER XIV: DECISION
CHAPTER XV: NAMES
CHAPTER XVI: GENDER
CHAPTER XVII: GOALS
CHAPTER XVIII: FEELINGS
CHAPTER XIX: EYES
CHAPTER XX: REGRETS
CHAPTER XXII: SWEETS
CHAPTER XXIII: FAMILY
CHAPTER XXIV: IT'S BEEN A WHILE
CHAPTER XXV: SHE KNOWS
CHAPTER XXVI: LIE AND TRENDS
CHAPTER XXVII: SHOOTING STARS
CHAPTER XXVIII: CONDITIONS
CHAPTER XXIX: OFF
CHAPTER XXX: AMANDA
CHAPTER XXXI: SAD SONGS
CHAPTER XXXII: WISH
CHAPTER XXXIII: WHERE SHE BELONGS
EPILOGUE

CHAPTER XXI: PHYSICAL

34 4 0
By LadyLonelySadness

🍛🍛🍛

Umagang-umaga para syang zombie na naglalakad habang palabas ng kwarto, nakasampay na sa balikat nya ang twalya nya ng makasalubong nya si Jackson papuntang banyo, napapailing na tinawanan sya ng lalake ng makita ang itsura nya.

"Natulog ka ba talaga?" Tanong nito sa kanya.

Sumimangot sya. "Andami kong tinapos kagabi," umiling sya. "Wala akong tulog."

Sumaltak si Jackson. "Masyado mong pinahihirapan ang sarili mo, fatima."

"Hindi naman, medyo lang. Kailangan kasi e." Kaila nya saka pumasok na sa banyo at naligo ngunit kahit gaano ata kalamig ang tubig na pampaligo nya ay hindi talaga magising-gising ang diwa nya kaya hanggang sa paalis na sila ni Jackson ay para pa rin syang zombie maglakad.

"Huwag mo naman masyadong pagurin ang sarili mo, wife." Sambit nito habang nakasandal ang noo nya sa may dibdib nito, nakaharap sya kay Jackson at yakap-yakap sya nito habang nasa loob sila ng elevator.

"Kailangan ko ata ng mahabang pahinga," mahinang sagot nya.

"Malapit naman na ang weekends, makakapagpahinga ka na ng mahaba."

Nag-angat sya ng tingin at sumimangot. "Sana ngaaaaa..." wishfull na sang-ayon nya, muli syang napasimangot ng may maalala. "Maglalaba pa pala ako,"

"Huwag mo ng isipin 'yon, ako ng bahala."

"Ikaw ang maglalaba?" Balewalang tumango si Jackson na ikinangiti nya. "Talaga lang ah,"

"Bakit ayaw mong maniwala?"

"Kasi naalala ko, may tumakas no'ng nakaraan e."

Napatawa si Jackson saka nag-lean. "May importante akong inasikaso di ba?" Idinikit nito ang noo sa noo nya, napaliyad tuloy sya ng bahagya. "But this time, I swear I won't leave."

Hinawakan nya ang magkabilang pisngi ng asawa saka pinisil ng madiin na ikinasimangot nito. "Siguraduhin mo lang, pagod talaga ako."

"Yes I will," paniniguro ni Jackson, naghiwalay sila ng bumukas ang pinto ng elevator at may pumasok, umayos sila ng tayo sa gilid at napatingin lang sya sa asawa ng hawakan nito ang kamay nya.

Nag-angat sya ng tingin. "Problem?" Tanong nya pero umiling lang ito saka nginitian sya. Matapos iyon ay inihatid sya nito sa trabaho niya at pumasok na rin si Jackson, gabi na ng muli silang magkita.

Naglalakad sya palabas ng shop kung saan sya nagta-trabaho ng akmang bubuksan na nya ang pinto ng sumulpot ang katrabaho nya at pinagbuksan sya. Nginitian nya iyon para magpasalamat saka humakbang palabas pero napahinto sya ng makita si Jackson na nakatayo habang nakatingin sa kanya, dali-dali syang lumapit.

"Faye!" Rinig nyang sigaw sa likuran nya kaya napahinto sya at nilingon iyon. "Naiwan mo." Sabi no'ng katrabaho nyang nagbukas ng pinto.

Tinanggap nya ang iniaabot nito. "Salamat, nalimutan ko." Nakangiting sabi nya.

Napahawak sa batok ang lalake. "Nako, wala 'yon sa susunod i-check-" naputol iyon at nanlaki ang mga mata nya ng makitang sinuntok iyon ni Jackson.

"Anong problema mo?!" Gulat na sigaw ng katrabaho nya, akmang susugod pa si Jackson ng harangan na nya.

"Ano ka ba! Bakit mo ginawa 'yon?!" Gulat na sabi nya saka nilingon ang kawawang katrabaho. "Pasensya na," hingi nya ng dispensa saka hinawakan si Jackson at hinila palayo doon.

Di pa sila nakakalayo ng husto ng piksiin ni Jackson ang pagkakahawak nya saka bahagya syang itulak. "Jackson!" Sigaw nya dahil sa ginawa nito.

"Aminin mo nga sa akin Fatima! Anong meron sainyo?!" Galit na sabi nito.

"Sa amin....?" Di makapaniwalang sambit nya. "Wala!"

"Wala?!" Sigaw nito. "Ipinagbukas ka ng pinto tapos nginitian mo! Wala lang?!"

Nanlaki ang mga mata nya. "Nagpasalamat lang ako!"

"Huwag mo kong lokohin! Nakita ko ang ginawa nyo!" Pilit nito.

"Wala akong ginagawang masama!" Inis na hiyaw nya dahil sa pagbibintang nito. "Alam mo, ewan ko sayo!" Nilagpasan nya si Jackson para mahinto na ang pagtatalo nila pero napadaing sya ng hilahin nito ang buhok nya saka hinawakan sya ng mahigpit sa braso.

"Aray! Nasasaktan ako!" Sigaw na daing nya saka pinilit na kumawala kay Jackson.

"Masasaktan ka talaga kapag inulit mo pang-makipaglandian sa lalakeng 'yon!" Sigaw nito, doon sya napuno. Buong lakas nyang tinuhod ang asawa para makawala, dumaing ito sa sakit pero tumakbo na sya palayo doon.

Hindi nya alam kung saan ba sya didiretso, wala naman kasi syang kakilala sa lugar na iyon kaya't wala syang nagawa kundi ang umuwi pa rin sa unit. Nagkulong sya sa kwarto at umaga na ng lumabas, napahinto sya ng makitang nakahain na sa mesa at naghihintay sa kanya si Jackson pero ganoon pa man ay hindi sya lumapit, dumiretso sya sa banyo para maligo at mag-asikaso. Paglabas nya ay hinarang sya ni Jackson kaya agad syang napaatras animo'y automatic na reaksyon iyon ng katawan nya dahil sa nangyari kagabi.

"Fatima...sorry," sambit nito saka akmang hahawakan sya pero umiwas sya. "Hindi ko sinasadya...sorry...nadala lang ako ng selos ko...."

Matapang na tiningnan nya ang asawa kahit pa ramdam nya ang panginginig ng mga kamay nya dala marahil ng takot dahil sa nangyari. "Ipaaalala ko lang sayo, hindi ako pumayag na magpakasal sayo para lang tratuhin ako ng ganito," umigting ang panga ni Jackson sa narinig. "Pumayag akong magpakasal-"

"-pumayag ka dahil iniwan ka nya, pumayag ka dahil walang aako sa anak mo, alam ko 'yon fatima!" Tumaas na ang tono nito. "Alam kong pinili mo lang ako dahil wala ng ibang pagpipilian!"

Naikuyom nya ang kamay nya habang pinipigilan ag pagtulo ng luha nya. "Pumayag ako dahil akala ko mas higit ka kaysa sa kanya, akala ko mapapabuti ako sayo pero wala ka ring pinagkaiba, sinaktan mo rin ako." Sumbat nya na ikinagulat ni Jackson, hindi ito nakaimik kaya naman iniwanan na nya ito saka pumasok sa kwarto para kunin ang bag nya, palabas na sya ng pinto ng unit ng hawakan sya ni Jackson sa kamay pero para bang automatic na piniksi iyon ng kamay nya saka nanghihina ang tuhod na pinilit makaalis doon.

Hindi nya alam kung bakit, unang beses lamang iyon na sinaktan sya ng ganoon ni Jackson , hindi pa nga sya binubugbog ng asawa pero ramdam na nya ang panginginig ng kalamnan nya at ang takot nya sa lalake.

Nanatili syang malamig sa mga nagdaang araw, ni hindi nya ito kinakausap o pinapansin man lang. Hindi na rin sya sumasabay kumain at maging sa pagpasok o pag-uwi ay hindi na nya ito sinasabayan, kahit pa anong suyo ang gawin nito o asikaso ay hindi nya magawang kausapin man lang ito marahil ay hindi pa talaga nawawala ang epekto sa kanya ng nangyaring iyon.

Pagsapit ng bakasyon ay umuwi sila sa probinsya para sa kaarawan ng anak nya, hindi nya pa rin kinikibo si Jackson pero kahit ganoon ay hindi naman sya nito pinipilit na kausapin nya ito.

"Mama!" Rinig nyang sigaw at napangiti sya ng makita ang anak nyang nasa may bintana ng kubo, nakangiti at kumakaway na sa kanya. Mas lalo pang lumapad ang ngiti nito ng makitang kasama nito si Jackson, agad na sinalubong sila ng anak sa pinto, paglapit nya ay agad na niyakap sya ng bata.

Binuhat nya iyon. "Ang laki na ng baby ko ah," masayang bati nya saka hinalikan ang pisngi nito.

Niyakap sya ng mahigpit ng bata bago bumaling kay Jackson at iniunat ang mga braso para magpabuhat na agad namang kinuha ni Jackson. "Papa!" Masayang sambit ng anak nya.

Naghanda sila ng munting salo-salo para sa kaarawang iyon ng anak nya, halos hindi nga mapaghiwalay ang dalawa kaya naman sya na ang tumulong sa ina nyang nginingitian sya sa tuwing mapapatingin kanila Jackson.

"Kamusta naman kayo sa maynila?" Tanong nito habang naghahain na sila sa inilabas nilang mesa sa labas ng kubo.

Napahinto sya ng marinig iyon. "Ayos naman ho 'nay," tanging sagot nya.

"Mabuti naman at hindi ka pinababayaan ni Jackson doon,"

Tumango sya. "Oho," sagot nya at kinulit pa sya ng kinulit ng inay nya tungkol sa ilang bagay.

Kahit pa hindi sila ayos ay sinubukan pa rin nyang huwag hayaang mapansin ng pamilya nya ang problema nila ni Jackson, pinilit nyang maging civil sa asawa upang hindi rin mahalata ng ina nya.

"Fatima," rinig nyang sambit ni Jackson ng nasa kusina sila, naghuhugas sya habang nagliligpit ito. Hindi sya umimik at ng lumapit ito sa tabi nya agad syang humakbang paatras upang manatili ang pagitan nila.

"Alam kong mali ang nagawa ko, natakot kita at kahit pa ilang beses akong humingi ng tawad ay hindi na mawawala ang nararamdaman mong takot..." nanatili lang syang nakatingin sa lapag ni hindi makatingin kay Jackson. "....pero fatima, sana bigyan mo ako ng isa pang pagkakataon...hayaan mo akong itama ang mali ko....pangako hindi ko na uulitin."

"H-Hindi ko alam....kung kaya ko ba," napasinghot sya ng maramdamang nagsimula ng manubig ang mga mata nya. "....hindi ko alam kung kaya pa ba kitang tingnan...matatanggap ko pa kung sa ibang paraan mo ko nasaktan pero 'yong ginawa mo....hindi ko alam kung kailan mabubura sa isip ko."

"I'm sorry....pero fatima, hindi mo naman siguro naiisip na makipaghiwalay di ba?"

"Hindi ko a-alam..." sambit nya ng magsimula na syang umiyak.

"Please....I'm sorry," akmang hahawakan sya nito ng mapahinto at kusa ng umatras ng mapagtantong ayaw nyang magpahawak. "Aayusin ko na ang sarili ko....itatama ko ang nagawa ko...huwag ka lang makipaghiwalay, hindi ko kaya kung iiwanan nyo ako....please fatima,"

Nanlaki ang mga mata nya ng lumuhod ito sa harap nya. "Jackson..."

"I'm sorry...please...bigyan mo ko ng isa pang-pagkakataon-"

"-tumayo ka dyan!" Hiyaw nya dahil sa gulat.

Umiling si Jackson saka pinagdikit ang mga palad habang nagmamakaawa sa kanya. "Please....huwag nyo kong iiwan...aayusin ko na ang sarili ko....hindi ko na uulitin....fatima,"

Mariin syang napapikit. "P-Pag-iisipan ko...." mahinang sambit nya saka nagmulat ng mga mata at nakita nyang ganoon pa rin to sa harapan nya, nakaluhod habang may takot sa mga mata at nagsusumamong pagbigyan nya. "Tumayo ka na dyan, b-baka makita pa t-tayo nila n-nanay." Sabi nya saka bumaling na sa ginagawa, kahit naman kasi nasaktan sya ay ayaw pa rin nyang mapasama si Jackson sa pamilya nya. Natapos ang araw na iyon ng wala silang imikan ni Jackson hanggang sa muli silang lumuwas ng sumapit ang pasukan.

"Goodmorning," bungad na bati nito, umaga iyon at unang araw nya para sa academic year na iyon.

Hindi sya umimik kaya iminuwestra nito ang nakahain sa hapag. "Ipinagluto kita ng agahan, kumain ka muna bago umalis." Nakangiting sabi ni Jackson saka isinukbit ang bag sa balikat. "Papasok na ako sa trabaho, ingat ka sa pagpasok." Paalam nito saka lumabas ng unit.

Napabuntonghinga sya ng mawala ito sa paningin nya, lumapit sya sa nakahain sa mesa at inalis ang takip ng mga iyon, naupo sya at nagsimula ng kumain. Oo nga't hindi sila ayos pero nanghihinayang sya sa pagkain kung di nya papansinin.

Hindi na nagpumilit pa si Jackson na lapitan sya o hawakan man lang sa mga sumunod na araw, palagi lang itong ganoon. Nakangiti itong babati sa umaga saka iiwanan sya ng agahan bago umalis, sa gabi naman ay magluluto sya ng hapunan at sya naman ang mag-iiwan no'n sa hapag.

"Good evening ma'am," nakangiting bati sa kanya ng nasa front desk ng lumapit sya.

"Magandang gabi din, dumating na ba si Jackson?" Tanong na bati nya na inilingan ng babae.

"Hindi pa ho ma'am," sagot nito saka kinuha sa lagayan ang susi na palagi nyang iniiwan para hindi na sya intayin pa ni Jackson kung mauuna itong uuwi na hindi naman nangyayari dahil palagi syang nauuna na syang ipinagtataka na nya.

"Salamat," sambit nya ng ibigay sa kanya ang susi.

"Walang ano man ho ma'am," sagot nito kaya nagpaalam na sya at akmang aalis na ng muli itong magsalita. "Teka lang ho ma'am, nagtataka na ho kasi ako sainyo ni sir."

Napakunot ang noo nya saka humarap sa babae. "Bakit naman?"

"Kasi ho, palagi mong iniiwan 'yong susi tuwing umaga kasi sabi mo para kapag nauna umuwi si sir pero ma'am kasama mo po si sir pumasok hanggang sa pag-uwi."

"Ha?" Gulat na sambit nya, kung multo ang usapan ay paniguradong kikilabutan sya sa narinig.

"Nauuna ka lang ho maglakad sa kanya pero lagi syang nakasunod sa'yo sa tuwing papasok o uuwi kayo, para bang binabantayan ka pa rin nya kahit hindi kayo nag-uusap."

Nagsalubong ang mga kilay nya saka nilinga ang paligid. "Nandito na sya?"

Agad na umiling ang kausap. "Wala po, tumawag sya isang oras bago ka po dumating, ang sabi nya sabihan ko raw po sya kung nakauwi ka ng safe." Sagot nito sa kanya na ikinatahimik nya. "Ma'am hindi sa nakikialam pero may problema ho ba kayo ni sir?"

Napabuntonghinga sya saka tumango kaya tumayo ang kausap, kumuha ng silya at iminuwestra. "Upo ka muna ma'am, mag-isa ka lang naman po sa itaas e." Sabi nito sa kanya kaya naupo na lang din sya dahil kilala naman na nya ito sa araw-araw ba naman na kausap nya ito.

Muli syang bumuntonghininga. "Gaano na ba katagal syang nakatira dito?" Tanong nya.

"Kung tama ang pagkakaalala ko ma'am sa record, 15 years na po."

"15 years?" Gulat na ulit nya.

Tumango ang babae. "2005 pa lamang dito na namamalagi si sir, 20 pa lang ata sya no'n."

Napatango-tango sya. "Ayos lang bang nakikipagkwentuhan ka? Oras pa ng trabaho e."

"Ay oho, basta taga-rito rin po sa building ay ayos lang."

"Ano pa bang napapansin mo?" Usisa nya, naroon na rin naman sya kaya't aalamin na rin nya tutal hindi nya rin naman nakakausap si Jackson dahil iniiwasan nya ito.

"Actually ma'am bukod doon ay minsan ko ring nakita si sir na gumamit ng hagdan para lang makasabay ka nya pababa, nagtaka nga ho ako dahil simula ng magtrabaho ako dito ay hindi ko sya nakitang gumamit ng hagdan maliban na lamang nitong hindi kayo nag-uusap."

Nagulat sya sa narinig. "Araw-araw syang naghahagdan?"

Tumango ang babae. "Oho tsaka narinig ko rin sya isang beses na pinasusundan sa taxi na sasakyan nya 'yong sinakyan mo ho." Bumaling iyon sa kanya pero agad na napabaling din sa telepono ng tumunog iyon, sinagot ng babae ang tawag at napatingin sa kanya matapos mag-intro.

"Si sir," senyas nito sa kanya kaya napakunot ang noo nya. "Ho? Kung nandito na si Ma'am?" Ulit nito na halatang ipinapaalam sa kanya kaya agad syang umiling, ewan nya pero bigla na lamang nyang naisip iyon.

Pagkababa ng tawag ay bumaling sa kanya ang babae. "Pupuntahan na lang daw nya ang shop kung saan ka nagta-trabaho," tumayo sya ng marinig iyon.

"Pwede bang itago mo muna ako?" Pakiusap nya.

"Ho? Bakit po?" Naguguluhang tanong sa kanya ng babae.

"Kailangang di nya ako makita dito, tsaka ibigay mo 'to sa kanya." Sagot nya saka binigay ang susi ng unit.

"Ha? O-o, sige ho." Pagsang-ayon nito sa gusto nya.

"Sorry talaga sa abala." Nahihiyang sabi nya ng tulungan sya nitong magtago sa ilalim ng counter.

"Wala ho iyon, ayos lang basta maging ayos kayo ni sir, ma'am." Sagot nito saka nginitian sya.

Ilang minuto ang lumipas ng umayos ng tayo ang babae animo'y may dumating. "Good evening sir, hindi nyo ho ata kasama si Ma'am?" Rinig nyang tanong ng babae.

"Hindi pa ba sya dumarating?" Nanlaki ang mga mata nya ng marinig ang boses ni Jackson.

"Hindi pa ho talaga e, ito ho 'yong susi nyo." Sagot ng babae saka ibinigay ang susi.

"Salamat, aakyat na ako at hahanapin ko pa si misis pagbaba ko." Paalam nito, napaupo ang babae sa silya.

"Tanungin mo kung bakit ginagawa nya 'to, daliiii." Mahinang utos nya, napakurap-kurap ang babae saka tumayo.

"Sir!" Tawag na sigaw nito. "Pwede po bang lumapit ka saglit? Mayroon lang ho akong itatanong!" Sigaw na pakiusap ng babae.

"Ano 'yon? May ibinilin ba ang asawa ko?" Napapikit sya ng marinig ang nagmamadaling boses ni Jackson makalipas ang ilang sandali.

"Ah, itatanong ko lamang sir kung bakit ba ginagawa mo po ito? Baka sakaling makatulong ho ako sainyo ni ma'am, napansin ko ho kasing malungkot si Ma'am sa tuwing iaabot sa akin ang susi tuwing umaga." Palusot nito.

Saglit na tumahimik si Jackson. "Malungkot sya?"

"Oho, parang laging malalim ang iniisip. Bakit ho kasi hindi nyo kausapin si Ma'am? Lagi nga kayong magkasunod pero di mo naman ho sya kinakausap."

"Ayoko na kasi syang gambalain, ayokong masaktan ulit sya ng dahil sa akin. Hindi kasi sya kumportable sa tuwing malapit ako, kasalanan ko naman kaya ito na lang ang magagawa ko para kahit papaano ay masigurong ligtas sya."

"Mahal na mahal mo ho si Ma'am, ano ho sir? Para kasing kahit nasasaktan ka, nagtitiis ka rin ho."

"Oo, mahal na mahal ko sya, sila ng anak namin kaya hindi ako natatahimik ng hindi nasisiguradong ayos sya kahit pa wala ako sa tabi nya. Oh, sya aalis na ko." Pagtatapos ni Jackson sa usapan saka agad na naglakad palayo doon.

Hindi alam ni Faye kung anong sumapi sa kanya at bigla na lang syang lumabas sa ilalim ng counter, nagpasalamat sya sa babae saka tumakbo para habulin si Jackson.

"Jackson!" Malakas na sigaw nya ng makitang nakapasok na ito sa loob ng elevator, nagulat ang lalake at napatingin sa kanya saka agad na pinigilan ang pagsara ng elevator. Mabilis na tinakbo nya ang pagitan nila, pagkalapit nya ay agad syang yumakap ng mahigpit sa asawang gulat na gulat sa kanya, hindi nya alam kung bakit nya ginawa iyon pero malinaw sa kanyang ayaw na nyang tumagal pa ng mas matagal ang ganoong distansya sa pagitan nila.

"Fatima Faye..." sambit nito sa pangalan nya ng magsara na ang elevator, nag-angat sya ng tingin pero wala syang makita dahil natakpan na ng mga luha ang mga mata nya.

"S-sorry! Tiniis kita!" Iyak nya na agad inilingan ni Jackson.

Pinunasan nito ang mga mata nya saka marahang niyakap din sya, luminaw ang paningin nya at nakita nya ang mga mata ni Jackson na sa kanya lamang naka-focus.

"Ayos lang naman," sagot ni Jackson. "Hindi basta-basta ang nagawa ko sayo at tanggap kong iniiwasan mo ako."

Umiling din si Faye. "Sobra-sobra ang ginawa ko, sorry."

"Walang sobra sa bagay na nakasakit, fatima." Kontra nito saka inalo sya dahil hindi na sya nakasagot pa at umiyak na lang habang yakap-yakap sya ni Jackson. "Wife, tahan na baka di ka na makahinga kaiiyak."

Pinunasan nya ang mga mata saka pinakiramdaman iyon kung namamaga na ng maramdaman nyang dinampian ni Jackson ng halik ang labi nya, napatingin sya sa asawa. "I missed you, baby." Madamdaming sambit nito na ikinatulo na naman ng mga luha nya.

Hindi nya alam kung bakit bigla na lamang syang lumambot sa mga narinig na sagot nito, marahil iyon ay dahil naramdaman nya ang sinseridad ni Jackson noong marinig iyon. Hindi nya alam pero para bang lumipad ang lahat ng takot nya sa asawa at nalimutan ang ginawa nito ng takbuhin nya ang pagitan nila habang iisa lamang ang nararamdaman, iyon ay ang lungkot at pangungulila na bigla na lamang umangat ng mga sandaling iyon.

"N-Na-miss din k-kita..." mahinang pag-amin nya.

"Galit ka pa ba sa akin?" Tanong nito na inilingan nya. "Hindi ka na natatakot?"

Muli syang umiling. "Hindi ko alam kung pagsisisihan ko ba ang pagbibigay ng pangalawang pagkakataon sayo pero pakiramdam ko pagsisisihan ko kung hindi kita makausap ngayon." Umiiyak pa ring sabi nya na ikinangiti ni Jackson, niyakap sya nito ng mahigpit.

"Thank you, wife..." rinig nyang sabi ni Jackson saka isiniksik ang mukha sa pagitan ng leeg at balikat nya di nagtagal ay narinig nya ang pag-iyak ng asawa habang yakap pa rin sya ng mahigpit.

"Ginagaya mo naman ako e!" Reklamo nya saka bahagyang ihiniwalay si Jackson sa kanya at pinunasan ang mga mata nito.

"I can't help it, akala ko talaga hindi na mangyayari 'to." Lumamlam ang mga mata ni Jackson. "Akala ko iiwanan mo na talaga ako."

Tinaasan nya ng kilay ang asawa. "Kasal tayo, pa'no kita iiwan?"

"Papel lang naman iyon, pwedeng-pwede mong talikuran kung gusto mo w-wife."

Umiling sya. "Nakalimutan mo na ba ang vows natin? Sabi ko di ba di kita iiwan?"

"F-Fatima..."

Muli nyang pinunasan ang mga luha ni Jackson. "Tahan na, ako dapat ang umiiyak e!"

"Sorry..."

"Puro ka sorry, hindi naman 'yon ang kailangan ko." Ismid nya saka inilipat ang mga braso sa leeg ni Jackson. "Ang kailangan ko, ikaw at ang pagbabago mo." Sambit nya.

Napatango si Jackson. "I won't hurt you, wife...this time, this is true." Nag-lean ito. "Mahal na mahal kita, fatima faye. Hindi ko kakayanin ng wala ka," sambit nito saka inilapat ang labi sa labi nya at hinalikan sya, ipinikit na lang nya ang mga mata at yumakap sa asawa, hinayaan nya ito sa nais nito kahit pa iyon ang unang beses na hinalikan sya ni Jackson.

Lumabas sila ng elevator ng hawak nito ang kamay nya, sinusian nito ang pinto ng unit at napatili sya ng bigla na lang syang buhatin ni Jackson papasok sa loob. Ibinaba naman sya nito, sa kwarto na nga lang nya.

"Magbihis ka na, magluluto ako ng hapunan natin." Sabi nito sa kanya na tinanguan nya, hinalikan sya sa pisngi ni Jackson bago ito lumabas ng kwarto nya.

Nag-asikaso sya ng sarili nya at paglabas ay naabutan nya itong naghahain na sa mesa kaya agad syang lumapit. "Ako na, mag-asikaso ka na din muna." Pigil nya saka kinuha ang hawak nito, sinunod naman sya ng asawa. Mabilis lang na nagbihis si Jackson at agad syang binalikan at kumain na sila ng magkasabay habang magkatabi.

"Ayoko ng gulay!" Sigaw nya ng sandukan sya nito ng gulay na agad nyang inilipat sa plato ni Jackson.

"Wife, you have to eat healthy foods. Hindi pwedeng kumakain ka lang ng gulay kapag buntis ka." Tiningnan sya ni Jackson saka napangisi iyon. "Buntisin kaya kita ng kumain ka ulit ng gulay?"

"Siraulo ka," kinurot nya iyon. "Buti kung ang dali magbuntis!"

Natatawang niyakap nito ang bewang nya habang nakaharap sya sa asawa. "Biro lang, kuntento naman na ko kay Junior." Nakangiting sabi nito sa kanya kaya lumapit sya at dinampian ng halik ang labi ni Jackson na agad na nawala ang ngiti at sinimangutan sya. "Idinadaan mo ako sa ganyan, kailangan mong kumain ng gulay."

"Ayoko ngaaaa!" Kontra nya na ikinatawa ng asawa nya. Nag-beautiful eyes sya saka nagpa-cute para lang mapapayag ito sa gusto nya.

Pinisil nito ang pisngi nya saka nanggigigil na niyakap sya. "I know how beautiful and cute you are, wife. You don't have to use it against me, can't you see I'm so smitten and inlove on you?" Tumawa sya na ikinasimangot ni Jackson. "Can you please, atleast have a mercy on me?"

Napa-pout sya. "Wala naman akong ginagawa," katwirang pagkakaila nya.

"Of course wala," napabuntonghinga si Jackson at muling napangiti. "Thank you wife."

Napakunot ang noo nya. "Para saan?"

"For giving me second chances, for letting me this close with you again."

Dinampot nya 'yong kalabasa saka isinubo kay Jackson. "Dramatista ka talaga ng taon." Ismid nya saka sinubuan ng isang kutsarang kanin ang asawa.

Bumalik sya sa pagkain matapos iyon pero nilalagay nya pa rin 'yong gulay sa plato ni Jackson na sinisimangutan na lang sya dahil walang magawa. Naghugas ito ng plato samantalang naupo sya sa sofa saka naghanap ng panonoorin, abala na sya sa panonood ng sumulpot ito at naupo sa tabi nya saka niyakap sya. Binalingan nya ang dala nitong snacks sa bowl at kumuha ng isa do'n, natawa sya ng naglalambing na hinalikan nito ang leeg nya.

"Bakit?" Tanong nya habang kumakain.

"I told you wife. I missed you and everything that we have."

"Asows," pinisil nya ang pisngi ni Jackson. "Parang hindi naman tayo ganito noon, ang clingy mo kaya ngayon."

"Sobrang na-miss kita e."

Kumunot ang noo nya ng masarapan sa snacks na kinakain. "Saan gawa 'to?" Tanong nya.

Ngumiti si Jackson. "Sa gulay, harina at itlog."

"Gulay?"

Tumango ang asawa. "Since hindi mo bet ng gulay mismo, naisip kong gawing parang meatballs."

Napangiti sya. "Hindi sya halatang may gulay," idinampi nya ang labi sa labi nito at imbis na makahiwalay agad ay nauwi iyon sa halik. "Ang galing mo," mahinang sabi nya ng bitawan nito ang labi nya. "Pwede sa baby natin 'to."

"Yup, I actually learn it for our son since mukhang nagmana sayo ang batang 'yon, ayaw sa gulay." Naiiling na sabi ni Jackson na tinawanan nya.

Umayos sya ng upo at bumaling sa pinanonood, naramdaman nya ang pagsandal ni Jackson ng ulo sa balikat nya. Di nagtagal ay bumigat ang ulo at ng tingnan nya ay tulog na ang asawa habang yakap sya, mukhang pagod na pagod ito buong araw dahil mabilis itong nakatulog kahit pa nakaupo.

Continue Reading

You'll Also Like

1.6M 97.8K 39
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...
18.1M 480K 41
After being involved with a cold-hearted mafia boss, Robyn Lehman decides its time to run. Little did she know, she was carrying the future heir to h...
9.2M 646K 82
[ BOOK 1 OF AZITERA: YTHER'S QUEEN ] Consumed by avarice, the four human kingdoms-the Infernal Empire, the Kingdom of Caelum, the Kingdom of Treterra...
3.8M 191K 47
Hockey player extraordinaire Cameron Beckett not only has to deal with the pressures of making it into the NHL and graduating high school, but also f...