HATBABE?! Season1

By hunnydew

885K 20.3K 4.2K

*NO SOFT COPIES © hunnydew 2013 All Rights Reserved No part of this story (except for brief quotations) may... More

One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty-One
Twenty-two
Twenty-three
Twenty-Four
Twenty-Five
Twenty-Six
Twenty-Seven
Twenty-Eight
Twenty-Nine
Thirty
Thirty-One
Thirty-Two
Thirty-Three
Thirty-Four
Thirty-Five
Thirty-Six
Thirty-Seven
Thirty-Eight
Thirty-Nine
Forty
Forty-One
Forty-Two
Forty-Three
Forty-Four
Forty-Five
Forty-Six
Forty-Seven
Forty-Eight
Forty-Nine
Fifty
END...
Published by Life Is Beautiful (LIB)

Thirteen

19K 429 73
By hunnydew

Simula nung nakilala namin si Louie, madalas na namin siyang kasama ni Chan-Chan tuwing recess at lunch. At talagang akmang-akma para sa kanya ‘yung codename na ‘Louie the Bully’ dahil wala kaming takas ni Chan-Chan sa pang-aasar niya. Mas malala nga lang si Chan-Chan dahil pikon siya.

Merong isang araw na sinama ako ni Louie sa college department para sundan si Aidan, ‘yung kaibigan daw ng pinsan niya. Sayang nga dahil hindi namin kasama si Chan-Chan. Naboto kasi siyang Class President kaya yon, natengga sa meeting.

“Bakit gurang ‘yung kras mo? Nakakatawa ka naman, nagkakagusto ka sa gurang, hahaha,” pang-aasar ko. Ka-batch pala kasi ni Kuya Mark ‘yung si Aidan.

Bigla namang nanlisik ang mga mata niya kaya tumahimik na ako. Baka mamaya i-bully niya ako. Tama nang si Chan-Chan ang sumasalo ng pambu-bully ni Louie, hehehe.

Kaso, dahil sobrang prangka niya, napaaway siya sa mga maaarteng babaeng may kras din yata dun kay Aidan. Kung hindi ako pumagitna at sinabing ikukuhanan ko sila ng autograph ni Kuya Mark, baka kung napa’no na kami. ‘Yun nga lang, naghamon ng pustahan. Softball.

 

“Sandali lang,” pukaw ko kay Louie habang pabalik kami sa High School Department. “Marunong ka bang mag-softball?”

Nung ngumisi lang siya, tinignan ko siya nang masama. “Siyempre tuturuan mo ako. What are friends for diba? pangungulit niya.

“Bakit ba kasi pumapayag ka sa pustahan tapos di mo naman pala alam kung ano’ng gagawin mo?” naaasar kong tanong sa kanya. Ang yabang-yabang kasi neto, ang sarap sapakin.

“Ehhhh.. sige naa. Bibigyan kita ng pagkain buong linggo,” pagsusuhol niyang may ngiti pa sa kanyang mga mata.

Siyempre, libreng pagkain ‘yon. Tatanggi pa ba ako? “Sige.”

Buti na lang araw-araw kong dala ‘yung sarili kong gloves at softball. Nanghiram na lang ako sa team ng lumang bat para may magamit si Louie. Pagtira lang naman ng bola ang kelangan niyang matutunan eh.

Feet apart dapat, tapos medyo i-bend mo ng konti ‘yung mga tuhod mo, tsaka dapat naka-bend forward ka rin ng konti,” turo ko sa kanya habang nasa field kami. Inayos ko rin ‘yung pagkakahawak niya dun sa bat, pati ‘yung tamang paraan ng pag-swing nun.

Naglakad ako papunta sa kunwariang pitcher’s mound. Inayos ko muna yung sombrero ko tapos hinipan ang bola para strike ang unang pitch. Mannerism ko na ‘yun nung pinag-pitch ako dati nung Grade Six dahil wala ring matinong pitcher. ‘Di ko na natanggal ‘yung ugali kong ‘yun.

“Charlie!” narinig kong may tumawag. Dumulas tuloy ‘yung bola sa kamay ko nung saktong mag-a-underhand pitch sana ako. Paglingon ko sa tumawag sa’kin… si Nile.

“ARAY KO NAMAN!” sigaw ni Louie kaya napatingin naman ako sa kanya. Hawak na niya ‘yung noo niya. Tapos binagsak niya sa lupa ‘yung bat at hinabol ako.

“Waaahhh!!!” sigaw ko at mabilis akong tumakbo papunta kay Nile. “Saklolo! Saklolo! May bully!!!” Buti na lang mas mabilis akong tumakbo kay Louie. Star player siya ng girls basketball team, pero sa softball, ako ang pinakamabilis tumakbo. Kailangan eh, para makatapak agad sa base.

Humahangos akong nagtago sa likod ni Nile. Kumapit pa talaga ako sa bewang niya. “Itago mo ‘ko! Itago mo ‘ko!!!” halos pagmamakaawa ko.

Pero tinawanan lang niya ako. “Ano ba kasing nangyari?”

“Hoy! Charlie! Gagamit ka pa talaga ng shield ah! Halika dito! ‘Wag kang duwag!” narinig ko ‘yung boses ni Louie na nasa malapit na. Nakakatakot talaga siya ‘pag naka-bully mode siya, huhu.

“H-hindi ko naman sinasadyang tamaan ka eh. Tinawag kasi ako ni Nile kaya dumulas ‘yung bola,” pangangatwiran ko naman. Totoo naman eh, kung ‘di siya dumating, strike one dapat si Louie.

“Oy oy oy, pinagbintangan mo pa talaga ako,” tumatawang reklamo ni Nile. Inakbayan nya ako habang nakakapit pa rin ako sa bewang niya.

“Hawakan mo lang ‘yan, babatukan ko lang,” pagbabanta ni Louie at papalapit na siya sa’min.

Tatakas sana ako pero hinigpitan ni Nile ‘yung pagkakaakbay sa’kin. Hinawakan na rin niya ‘yung mga kamay kong naka hawak pa rin sa tagiliran niya. Parang na-headlock tuloy ako sa pagitan ng braso at bewang niya. “Oy, t-teka! Kanino ka ba talaga kampi? Kaibigan mo ang kapatid ko diba? DIBA?”

Nginitian lang niya ako tapos nung akmang sasapakin na ako ni Louie the bully, tumagilid si Nile kaya siya ‘yung nasapak sa balikat. “Aray. Bakit ang bayolente niyo? Hahaha.”

“Bakit kasi haharang-harang ka?” galit na angal ni Louie at umikot para ako naman ang saktan pero iniiwas ako ni Nile.

“Kasalanan ko naman talaga eh, hahaha. Nakita ko na ngang naglalaro kayo, inistorbo ko pa siya. Ayan tuloy. Gusto niyo, ako na lang mag-catcher?” mungkahi niya at muling nagningning ang mga mata ni Louie the bully. “Ako nga pala si Nile,” pakilala ng sarili.

“Louie,” tipid na sagot naman netong si bully at nakipag-brofist kay Nile.

Edi ‘yon, nahatak sa laro namin si Nile. Siya na rin ang nanghiram sa softball team ng lumang gloves na pwede niyang magamit bilang catcher.

“’Wag kang mag-hesitate sa pag-swing nung bat,” payo ko kay Louie dahil nakikita ko ‘yung pagdadalawang-isip niya kung lalakasan ba niya ‘yung pagtira o hindi. “Timing-an mo lang ‘yung trajectory nung bola, tapos.. swing with all your might,” dagdag ko pa.

Tumango si Louie. Seryosong-seryoso talagang matuto. Kaya seryoso rin akong nag-pitch. Nilakasan naman niya ang pag-swing nung bat. Sa lakas ng pwersa, tinamaan ‘yung bola pero lumipad din ‘yung bat mula sa kamay ni Louie.

Hindi ko pinansin kung sa’n napunta ‘yung bat at tinuon ko na lang ‘yung tingin ko sa bolang nasa ere at hinabol ko habang nakatingin sa langit. Tapos narinig kong tumatawa si Louie kaya napatingin ako sa gawi niya, hinahabol na siya ni Chan-Chan.

“CHARLIE!!!” May papalapit na boses sa’kin.

Tapos biglang may humarang kasabay ng isang brasong umakap sa’kin at napasubsob ako…

Sa balikat ni Nile.

Wala pa ako sa sarili ko nung kumalas siya at nakangiti na namang tumingin sa’kin. “Muntik ka nang tamaan sa ulo. Sa’n ka ba kasi nakatingin?”

“H-ha?” disoriented pa rin akong nagtanong.

Strike out na si Louie,” sabi niya habang nakangiti pa rin. Tapos pinakita niya sa’kin yung gloves niya. Nasapo pala niya ‘yung bola. “Ayos ka lang?”

Napatitig ako sa mga mata niya pero nung nakita kong papalapit na ‘yung isang kamay niya sa pisngi ko…

“B-banyo! Naiihi ako!” Mabilis akong tumalikod at kumaripas papunta sa pinakamalapit na CR.

Bakit ba lagi akong naiihi ‘pag kausap ko si Nile?! Naiinis na ako ah.

Continue Reading

You'll Also Like

134K 8.4K 34
PUBLISHED UNDER CHAPTERS OF LOVE INDIE PUBLISHING.
1.9M 94.9K 36
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...
35.5K 370 63
I lived my life knowing that I was born only to die soon. I was unlucky in so many ways I could not even fathom to understand God's reasoning. I have...
973K 23.5K 56
"Even the coldest heart has a beat." Laarni Saldivar's life was simple and she is contended for what she is having now. But her life will change when...