Click. Click. Click.
Drag. Crop. Resize
Import. Edit. Overlap.
Papagandahin ko tong AVP na to. Gagawin ko tong sobrang ganda para matuwa si Renan. Buti nalang ako nilapitan ni Andrea para dito. John... baka ito na yung chance na hinahanap ko...
Di pa kumakain si Brandon ng hapunan. Nakadapa siya sa kama habang nagtatrabaho. Sobra syang tutok sa ginagawa nyang AVP. Tinawag siya ng tatay nya para kumain. Iniwan ni Brandon ang kanyang laptop sa kama. Tumayo sya't sinuot ang kanyang tsinelas at naglakad na papuntang hapag kainan. Tinola ang ulam. Mahilig siya sa Tinola. Ang dami nga niyang nakain. Nakailang kuha din siya ng kanin. Matapos kumain, niligpit na ni Brandon ang kinain nya, tinapon ang mismis at hinugasan na ang plato't kutsara. Agad agad siyang umakyat para ipagpatuloy ang kanyang iniwan na trabaho.
Ang pinapagawa ni Andrea ay isang AVP na para magkabati sila ni John. Naisip ni Brandon na gawin itong apologetic na AVP. Nag-isip siya ng kung ano anong masasamang nagawa ni Andrea rito, at idinagdag ito sa AVP. Hanap din ng litrato, at iiimport ito sa movie maker. Naalala na lamang ni Brandon si John.
Patawad John kung sadyang humantong tayo sa ganito
Patawad John kung hindi ko nagawang lapitan ka
Patawad John kung nagkaroon ako ng pagkukulang
Patawad John kung hindi kita naintindihan noon
Patawad. Patawad. Patawad.
November 22, 2012
"Andrea... hindi ko alam kung anong..." maluha luha si Renan
"Bati na tayo?" inabot ni Andrea ang kamay nya
Nanonood ang buong klase sa kanilang dalawa
Hinablot ni Renan si Andrea't sinabing "Opo. Bati na po."
Sumigaw ang buong klase at hiniyawan ang dalawa
"Pero friends lang ah Renan?" sabi ni Andrea
"Sapat na yun para sakin" laking ngiti ni Renan
Lahat ay tuwang tuwa matapos ang eksena ni Andrea maliban na lamang kay John. Habang nagdidiwang ang iba, umupo na lamang si John sa kanyang upuan at nagmuni-muni.
Masaya naman akong nagkabati sila, pero bakit parang...
"Selos ka no?" asar sa kanya ni Greg
Nagulat si John at napatulala na lamang "Aah... ah, hindi. Masaya nga ako para sa kanila" ngumiti si John
"Sows, yung totoo?" sagot ni Greg "Uy guys! May nagseselos ditooo! Hahaha!" sigaw ni Greg
Hinampas ito ni John ng malakas at sinabing "Manahimik ka nga dyang hypokrito ka! Ma-issue nanaman ako neto"
"Wushuuuu! Narinig nyo yun?" tanong ni Greg sa klase
Ngumiti na lamang si Renan at si Andrea na tila bang tuwang tuwa sa kanilang muling pag-uusap.
Takte naman tong si Greg. Baka mabisto ako neto.
Effective ang plano! Napangiti na lamang si Brandon
Dumating na ang guro. Nilagay nito ang gamit nito sa teacher's table at nag-ayos lang ng projector. Tahimik ang buong klase, walang umiimik. Terror kasi itong professor nila. Malas, sa Math pa man din. Habang lahat, tulala't nananahimik, ang dalawang bagong bati, nagkukulitin at nagbubungisngisan.
"Di na siguro kayo high school para sitahin ko pa noh?" parinig ng professor
Nanahimik na lamang ang dalawa at mahinang tumawa.
Natapos ang klase. Uwian na. Lahat nagdidiwang. Konting konti nalang talaga, bakasyon na.
"Uwian na. Thank God! Ramdam ko na bakasyon." sabi ni John "Teka, asan na si Renan?"
"Renan?!" sigaw ni John "Rena-..." nakita nya na palabas na ng kwarto si Renan kasama si Andrea "Aw. Nevermind..."
Nakita ni Brandon na mukhang nadown si John. Eto na chance ko! Dahan dahang lumabas ni John na tilang nalugi sa sugal. Lumabas si John sa pintong kulay brown, kasabay ang iba nya pang kaklase na hindi naman niya kasama. Nakalabas si John, tinatanaw yung harap. Hinahanap kung magkasama yung dalawa ngunit hindi nya makita. Tanaw padin sya ng tanaw. Nakita nya yung dalawa sa bandang harapan. Malapit lapit na si Brandon sa kanya na nakikipagpatintero sa mga estudyanteng nakaharang. "Excuse me po", "Ay sorry po" Sobrang focused si Brandon kay John. Malapit na maabutan ni Brandon si John. Konti nalang. Inabot nito ang kamay niya para malapitan ang balikat ni John. It's now or never.
Biglang humarang ang grupo nila Greg. "Dude! May tanong kami sayo"
Nakatingin padin si Brandon kay John "Not now, may hinahabol ako" Daredaretso ang lakad ni Brandon ngunit hinakawan ang braso nito.
"May tanong nga kami eh"
"Nagmamadali nga ako eh!" pumipiglas ito
"Sinabi nang" biglang sinampal ng mahina ni Greg si Brandon "Makinig ka nga!"
Natauhan si Brandon. "Tae, ano yun?!" nakatingin padin ito kay John
"Anong meron sa inyong dalawa ni John?" tanong ni Greg
Nabigla si Brandon "H..ha? anong anong meron?" Ang layo na masyado ni John kaya pinagtuunan nalang nya ng pansin itong si Greg
"Oh come on. Alam na namin"
Biglang tumibok ang puso ni Brandon "Sinong nagsabi sa inyo?! Anong sinabi nun sa inyo?"
"Kayong dalawa ha!"
Tae, sinong sinabihan ni John?! Nak ng... "...ha? Hindi na kita magets"
"May away ba kayo?"
Biglang lumuwang ang dibdib ni Brandon "Ha? Ah, wala. Amin nalang yun"
"Diba magbest friends kayo dati?"
"Oo. Bakit?"
"Basta, sige, salamat nalang. Sa susunod nalang, mukhang nagmamadali ka ata"
"Buti naman na-realize mo" KANINA PA! Di ba halata?!
Nagpatuloy sa paghahanap si Brandon sa campus. Kainis naman tong sila Greg. Umikot sya sa buong campus. Una nyang pinuntahan ang paboritong tambayan ni John sa may garden ng school. Wala sya. Pinuntahan nya yung pavillion malapit sa gate. Wala sya. Pumunta sya sa computer shop kung saan suki si John, wala sya. Wala sya. Wala sya.
"Anong oras na?" tumingin sa relo si Brandon at nakitang tatlompung minutos na pala ang nakaraan matapos ang uwian. "Baka umuwi na sya..."
Nawalan ng pag-asa si Brandon at umupo sa tapat ng office
Sa kabilang dako. Habol rin nang habol si John. Nasa bandang gate na siya. Nasa labas si Renan at Andrea. Nag-uusap
"Renan!" sigaw ni John
Tumingin si Renan. Tinitigan lang ito at hindi pinansin.
"Aw... Ganito na ba ngayon Renan? Kapag wala nang silbi? Kapag wala nang kwenta?"
Tinignan lang ni John ang dalawa nag-uusap. Nakangiti ang dalawa. Ngiting ngiti. Nagyakapan ang dalawa. Nagngitian uli at umalis ng magkasama.
"... hay." Nanlugmo si John at naisipang umuwi. Palabas na sya nang may biglang kumalabit sa kanya
"John!"
"Long time!"
"... opo!"
"Ano na anak kamusta na?" tanong ng kanyang amain
"Okay naman na po."
"Nagmamadali ako nak eh, favor?"
"Ano yun dad?"
"Pakuha naman ng application form dun sa accounting division"
"Sige po"
"Gusto ng pamangkin ko mag-apply eh."
"Sige dad. No problem"
"Salamat nak."
Pumunta agad ng accounting division si John. Nag-abang siya sa pila. Medyo mahaba pero kaya namang pagtiisan. Tumingin tingin siya sa paligid para maaliw. May nakita syang may hawak ng application instructions. Agad syang nagtanong
"Excuse me kuya, saan po makakakuha nyan?"
"Neto? Yung para sa application?"
"Opo"
"Naliligaw ka iho, sa Dean's office to kukunin"
"Hindi po ba rito?"
"Hindi ho."
Hay nako daddy tumatanda ka na. Hahaha! "Salamat kuya!"
Tinignan uli ni Brandon ang orasan. Mga dalawmpung minuto sya nakatulala doon sa tapat ng opisina't naghihintay sa kawalaan. "Ano ba to. Hay. Malas" Naisipan na ni Brandon na umalis. Patayo na sana sya nang biglang dumaan si John. Agad nyang hinawakan ang braso nito
"John!"