STILL WAITING FOR NOTHING

By WriterAtNight_

16 14 1

When all our memories disappear forever and we become strangers again. "I have finally learned the lessons of... More

STILL WAITING FOR NOTHING
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6

Prologue

2 2 0
By WriterAtNight_

It's almost 2 years na ng makilala kita, I still remember that night that you say 'hi' to me, and to be honest I still can't forget you. Palagi ka pa ring dumadaan sa isip ko, araw araw namimiss ka ng puso ko. At ngayon hindi ko alam kung magagawa ko pa bang palayain ang sarili ko at ang puso kong nagmamahal sayo.

Nakakatawa, sa pekeng mundo lang naman kita nakilala pero bakit parang kilalang kilala na kita at hindi kita kayang mawala?

I know I'm still too young para malaman ang detalye ng love, pero ngayon alam ko sa sarili kong sayo lang ako nakaramdam ng ganito.

Hindi ko nga alam kung bakit nananatili akong naghihintay na sa dulo ay wala naman. Ngayon palang kasi ay wala na ang salitang 'pag asa'. Sabagay, saan ko ba makukuha iyon kung nakalimutan mo na ako? Baka nga hindi na ako nag e-exist sa past mo.

Tuloy ngayon ay napapaisip ako, pinagsisisihan mo kaya isang beses na pinasok mo ang buhay ko? Para kasing hindi mo ako kilala sa tuwing umaakto ka, ayaw mo na siguro akong maging parte ng buhay mo, tama ba?

Nakalimutan mo na siguro yung mga pangako mo? Sigurado akong wala ni isa ang matutupad don, ayos lang naman dahil wala na nga tayong koneksyon ngayon.

Pero sa totoo lang ay hindi ko pa rin matanggap yung katotohanang wala ng Ikaw at Ako na tutupad sa mga pangarap at pangako na sabay nating binuo noon. Hyst, ako nalang siguro mag isa? Pwede naman siguro yon kahit na ako nalang, kaya ko naman gawin lahat yon.

Hyst, kailan kaya matatapos 'to? I mean yung paghihintay ko sayo kahit na wala namang kasiguraduhan na babalik ka pa o kahit na magka ayos tayong dalawa. Is there hope? Ayoko na ulit sana umasa, masakit kaya mabigo sa dulo.

Pero kasi.....ikaw na yan e, ano pa nga bang magagawa ko kundi ang umasa ulit na maibabalik ang lahat sa dati? Ikaw kasi e, kasalanan mo'to sinabi mong sasaluhin mo ako kaya hinayaan ko ang puso kong mapaibig sayo, tapos ngayon nag iwanan tayo ang saklap ng buhay ko. Hindi ko na kasi magawang palayain ang puso ko mula sa pagkakabilanggo sa pagmamahal ko sayo.

Kakayanin ko pa kaya? Malapit ng magdalawang taon, tapos limang taon lang ang sinabi ko sayo noon bago palayain ang puso ko sayo. Aabutin kaya o magagawa ko kaya? Kasi sa tuwing papasok ka sa isip ko diretso na sa puso ko e kaya ayon! Nabubuhay ulit ang lahat ng nakaraan natin sa akin kaya hindi kita magawang kalimutan.

Hindi ko na nga maintindihan 'tong sarili ko e, tama pa kaya 'to? Normal pa kaya 'tong ma in love ako sayo? Ang kabaliwan ang isang tulad mo dahil sa love? Hindi ko na tuloy masabi kung love na'to o obsessed lang tayo ako sayo.

Balik ka nga, 'tas sabihin mo sa akin kung ano 'to. Alis ka nalang ulit pagkatapos, oops! Syempre joke lang, dahil kapag bumalik ka hindi na kita ulit pakakawalan. Sasayangin ko pa ba yung chance na makasama ka ulit? Syempre hindi na 'no! Ikaw na yan e.

Pero may chance pa nga bang naghihintay sa atin sa future?

^^

"Oh hep! Tama na ang pag iisip sa kaniya. Kilalang kilala na kita, kaya shh stop na okay?!" Mabilis kong naiangat ang ulo ko para tignan kung sino ang matapang na humarang ng kamay niya sa harap ng mukha ko.

Masama ko siyang tinignan kaya napitik ako nito sa noo.

"Don't look at me like that babe, lalo kang pumapangit e." Pang aasar na aniya saka naupo sa tabi ko pagka akbay.

Mabilis kong tinanggal ang kamay niya sa balikat ko at mabilis na tumayo para lumayo.

Patuloy ko lang siyang sinamaan ng tingin hanggang sa magsalita siyang muli.

"Trust me, hindi na nga kasi yon babalik! Para ka lang tanga jan na umaasa e. Kung ako sayo? Sayo nalang ako. " Sambit niyang muli at kumindat pa sa akin pagkatapos.

Mabilis akong nangilabot sa sinabi niya bago magpagpag ng balikat na inakbayan niya.

"Ugh! Kilabutan ka nga jan sa sinabi mo! Tsaka yuck, hinding hindi ako papatol sayo 'no! Parehas tayong may ano-"

Mabilis akong natigil sa pagsasalita ng malakas siyang humalakhak sa gilid. Napapahampas pa nga siya sa upuan habang tumatawa.

Nangunot bigla ang noo ko dahil sa pagtataka kung bakit at ano ang ikinatatawa niya.

Ilang segundo rin siyang tumawa pa hanggang sa mapagtanto ko ang nangyayari sa kaniya.

Inis ko siyang hinampas sa balikat at muling sinamaan ng tingin.

"Argh! Tigilan mo na nga ako Zhea Fiory Nicole Mendez! Hindi ka na nakakatuwa! Ang hilig hilig mo nalang akong asarin-"

" Tanga tanga ka kasi. " Putol niya sa sinasabi ko habang patuloy pa rin sa kaniyang pagngiti, animo'y nang aasar pa rin.

Napa amba lamang ako sa kaniya ng suntok ngunit kalaunan ay hindi ko rin nagawa pagkatapos kong mag cross arms ng nakatalikod na sa kaniya.

"Ang hirap nga kasi eh!" Pagmamaktol ko tsaka isang beses pang sumipa sa lupa.

"Mahirap kasi ayaw mo pa ring bumitaw. Ayaw mo pa ring pakawalan sa nakaraan yung memories niyo. Mahirap talaga yan." Aniya saka umayos ng upo sa kinauupuan.

Hinarap ko siyang muli at tumabi sa kaniya.

" Hindi ko kase talaga kaya, sa kaniya ko lang kasi talaga naranasan tsaka naramdaman yon e so how can I moved on?" Napanguso ako sa kaniya bago magsandal ng ulo sa balikat niya.

Huminga ako ng malalim kasabay ng pagpikit ko ng mariin. Naramdaman ko nalang bigla ang kamay niya na humahaplos sa buhok ko.

"Bakit kasi hindi ka mag entertain ng iba? Marami kayang may gusto sayo don sa campus." Suhestiyon niya na mabilis kong inilingan.

Muli akong nag angat ng ulo at tumingin sa kaniya.

" Ayoko. " Matigas na ani ko sa kaniya at muling sumandal sa balikat niya. " Hindi ko kayang mag entertain ng iba hangga't mahal ko pa siya."

I heard her sigh at muling hinaplos ang buhok ko.

"It's up to you, I just want you to be happy lang naman e. Pati kasi ako ay nahihirapan na sa tuwing nagkakaganyan ka dahil sa kaniya." Malungkot ang tonong aniya at tsaka isinandal ang ulo sa ulo ko.

Ngumiti ako ng tipid kahit na hindi niya naman nakikita.

"Don't worry about me Zhea, gaya nga ng sabi mo noon ay malaki na ako at it's up to me kung anong desisyon ang pipiliin at gagawin ko." Pagpapagaan ko sa sinabi niya.

"Hayaan mo nalang muna siguro akong gawin 'to ngayon, darating din naman yung araw na mapapagod ako sa kakahintay at kaka asa sa kaniya ih. Hintayin nalang natin yon, but I don't make promise na kapag dumating yung araw na yon ay magagawa ko na yung sinasabi mo sa'kin na kumilala ng bago. Hindi ko na siguro magagawa yon..." Mahabang lintana ko at ngumiti ng mapait sa kaniya.

Naramdaman ko ang bahagya niyang pagtango kaya napangiti nalang ako ulit ng tipid.

"I trust you, I'll support your decision no matter what it is. Just always remember na andito lang ako ha? Minamahal ka ng buong puso at tagos pa sa atay mo. " Tumatawa niyang sinambit ang dulong pangungusap kaya mabilis akong napa angat ng ulo para kurutin siya sa tagiliran.

Napadaing siya don pero hindi pa rin tumitigil sa pagtawa.

"Akala ko pa naman ay sincere ka na sa mga sinasabi mo! Hindi pa rin pala, nakakainis ka Zhea Fio-"

"Ayan ka na naman, ikaw kapag naiinis ka talaga ang hilig mong buuin yung buong pangalan ko. Ang haba haba na nga e. " Nakangusong aniya. " At tsaka sincere naman ako sa sinabi ko ah! Mahal naman talaga kasi kita, anong ikinaiinis mo?" Taas kilay niyang tanong at pinitik pa ako sa aking dulo ng ilong.

Napapikit ako ng marahan dahil sa ginawa niya at saglit pang pinahinga ang sarili.

Umiling ako sa tanong niya bago siya biglang yakapin. Ramdam ko ang pagkagulat niya bago ako yakapin pabalik.

"Para saan 'to?" Tanong niya kaagad pagkayakap sa akin pabalik.

Umiling lang ako at nanatiling walang kibo hanggang sa lumipas ang ilang minuto na nakayakap pa din ako sa kaniya.

"Ah feel safe in your arms." Nakurot ko pa ang kaniyang magkabilang pisngi pagkabitaw ko sa yakap sa kaniya na kaniyang ikinasama ng tingin sa akin.

"Masakit yon ah, pagkatapos mo'kong gawing comforter sasaktan mo'ko? Aba'y hindi tama 'yon, ako ri-"

"Hep! Hindi pwede aber, nakikita mo bang namumula pa ang pisngi ko dahil sa kagat mo kanina ha?" Kunwari ay naiinis na sambit ko at nakapamaywang pang humarap sa kaniya.

Napa irap na lamang siya sa ere bago sumandal sa upuan at mag cross arms.

"Lugi." Bulong niya na ikinatawa ko.

"Lugi, lugi anong lugi ha? Kurot lang yung akin tapos sayo kagat sa pisngi? Mas masakit kaya yon." Napanguso ako at sumandal din sa upuan.

Maya maya lang ng sabay kaming humarap sa isa't isa at sabay na tumawa na parang mga baliw.

Lumipas ang sandali na tumatawa lang kaming dalawa sa harap ng bahay dahil sa random reasons ng pagtawa namin dala ng kabaliwan.

Huminga ako ng malalim bago mag angat ng tingin sa madilim na kalangitan. Doon ko natagpuan ang napakaraming mga tala na kumikinang mula sa malayo. Malawak akong napangiti pagkatapos na pumasok sa isip ko ang wangis ng mukha niya na para bang nakita ko sa mga bituin na naghugis sa mukha niya.

'Ano ba kasing ginawa mo at hindi kita kayang kalimutan? Na kahit saan ay ikaw nalang palagi ang gusto at naaalala ko sa lahat ng oras. Ginayuma ba talaga ako ng mga salita mo?'

.........

Continue Reading

You'll Also Like

217K 10.9K 90
Being flat broke is hard. To overcome these hardships sometimes take extreme measures, such as choosing to become a manager for the worst team in Blu...
110K 1.5K 51
๐ˆ๐ญ๐ฌ ๐ญ๐ก๐ž ๐Ÿ๐ข๐ซ๐ฌ๐ญ ๐๐š๐ฒ ๐›๐š๐œ๐ค ๐ญ๐จ ๐ฌ๐œ๐ก๐จ๐จ๐ฅ , ๐€๐š๐ฅ๐ข๐ฒ๐š๐ก ๐ข๐ฌ ๐ง๐จ๐ฐ ๐ข๐ง ๐Ÿ๐ŸŽ๐ญ๐ก ๐ ๐ซ๐š๐๐ž, ๐ฐ๐ก๐ข๐ฅ๐ž ๐ฌ๐ก๐ž๐ฌ ๐ญ๐ก๐ž๐ซ๐ž ๐ฌ๐ก...
11.5M 297K 23
Alexander Vintalli is one of the most ruthless mafias of America. His name is feared all over America. The way people fear him and the way he has his...