iMessage
Nixon
Today
Jameson:
Lakas talaga ng pakiramdam ko sa 1 x 1
Di ko lang mahuli-huli nang matino
Isa lang
Isang proof lang talaga
Malaman ko lang di na ko papapigil 😜
Nixon:
Si Malee at yung admin pa rin ba yan?
Jameson:
Oo lods
Nixon:
Dude, seryoso ka ba?
Nagkakagusto ka sa dalawang babae?
Baka dapat umiwas ka na muna para di ka malito.
Baka masyado ka lang naaattach kasi fan mo pareho. Wala ka pa naman boundaries sa ganyan.
Jameson:
Di lods
Iba eh
Iba talaga
Iba pakiramdam ko
Parang iisang tao lang talaga kausap ko
Yung mga chats, nagbabago lang ng account, pero parang tuloy tuloy na usapan lang yung pakiramdam
Jameson:
Tsaka binalikan ko mga dating tweets at napag-usapan namin
Parang puzzle eh
Sumasakto lahat
Yung typings
Yung trabaho
Mas maiintindihan ko kung bakit ayaw magpakita nung admin ko
Mas maiintindihan ko rin bakit napakagalante satin
Tsaka yung pinsan
Tangina last minute nagsink in sakin yung pinsan at yung ate
Si Milly inaasar si Evan kay Dani diba?
Jameson:
Parang mas tama ako kesa mali eh
Nixon:
Pero pano nga kung mali ka?
Pano kung magkaiba nga sila?
Jameson:
Edi ang laking gago ko
Jameson:
Magiging gago ng taon talaga ako
Makakasakit ako ng dalawang babae pag nagkataon
Isusumpa ako ng mga kapatid ko sigurado yan
Takwil ko pa sarili ko
Jameson:
PERO
Jameson:
Pero kung tama ako at iisa nga lang sila
Jameson:
Awit yon lods
Akalain mo yon?
Jameson:
Nagustuhan ko siya sa dalawang pagkatao niya nang di ko namamalayan?
Jameson:
Isang proof lang
Isang proof lang talaga
Jameson:
Pakiramdam ko malapit na ko
Nixon:
Ingat na lang. Wag mo masyado harutin si Malee kung di ka sigurado sino talaga gusto mo.
Jameson:
Gusto ko si Malee, lods
Wala naman nang duda don
Nixon:
Pero gusto mo rin yung isa.
Kaya manalangin ka talagang iisang tao lang yan.
Jameson:
Isang proof lang :p
Jameson:
Isang proof na lang talaga