San Lazarus Series #6: Onerou...

Av LadyLonelySadness

2.4K 375 4

Paano kung ang inaakala mong tamang pag-ibig ay isa pa lang huwad, saan ka tatakbo kung lahat pala ay isa lam... Mer

COLLABORATION
DISCLAIMER
EPIGRAPH
CHAPTER I: PUTO
CHAPTER II: BAYABAS
CHAPTER III: NIGHT CHANGES
CHAPTER IV: FOR YOU
CHAPTER V: NEW LIFE
CHAPTER VI: REASON
CHAPTER VII: TIRED
CHAPTER VIII: CONFESS
CHAPTER IX: SCARED
CHAPTER X: SPECIAL
CHAPTER XI: JEALOUSY
CHAPTER XII: JACKSON
CHAPTER XIII: THE TRUTH
CHAPTER XIV: DECISION
CHAPTER XV: NAMES
CHAPTER XVI: GENDER
CHAPTER XVII: GOALS
CHAPTER XVIII: FEELINGS
CHAPTER XIX: EYES
CHAPTER XXI: PHYSICAL
CHAPTER XXII: SWEETS
CHAPTER XXIII: FAMILY
CHAPTER XXIV: IT'S BEEN A WHILE
CHAPTER XXV: SHE KNOWS
CHAPTER XXVI: LIE AND TRENDS
CHAPTER XXVII: SHOOTING STARS
CHAPTER XXVIII: CONDITIONS
CHAPTER XXIX: OFF
CHAPTER XXX: AMANDA
CHAPTER XXXI: SAD SONGS
CHAPTER XXXII: WISH
CHAPTER XXXIII: WHERE SHE BELONGS
EPILOGUE

CHAPTER XX: REGRETS

33 3 0
Av LadyLonelySadness

🍛🍛🍛

Naging abala sila parehas ni Jackson sa mga sumunod na linggo habang tuloy-tuloy pa rin naman ang pagc-crochet nya kahit pa marami na syang ginagawang ibang bagay.

"Nay," sambit nya ng makakuha ng sapat na lakas ng loob para kausapin ang kanyang ina tungkol sa anak nya.

"May problema ka?" Tanong nito saka huminto sa paghuhugas ng plato at humarap sa kanya.

"Actually, may ipapakiusap po sana ako."

Nagpunas ito ng kamay. "Ano iyon?"

"Nakakahiya man pero 'nay," inilagay nya ang mga kamay sa likod habang nahihiyang tinignan ang ina. "Pwede ho bang iwanan ko sa'yo si Acks?"

"Oo naman," ngumiti ang ginang. "May lakad kayo ng asawa mo?"

"Ahmmm ang totoo po nyan.....magta-trabaho kami ni Jackson....magkasama kaming luluwas ng maynila....nakakahiya man pero kung ayos lang po sanang ikaw muna ang bahala kay Acks."

Napabuntonghininga ang ginang ngunit hindi nawala ang ngiti nito. "Talagang matanda na ang baby ko," sambit ng ginang saka hinawakan ang kamay nya. "Alam mo ba noong malaman kong may anak ka na at ikinasal na, gusto kong magalit....sabi ko sana nasa tabi mo ko noong magkasintahan pa lang kayo ng sa ganoon nagabayan kita, hindi ka sana maagang ikinasal at nagkaroon ng anak pero ngayong nakikita ko kayo, kung paano nya kayo alagaan....kahit papaano napanatag na rin ako, atleast hindi ka pinababayaan ni Jackson."

"Nanay naman, da-drama pa talaga." Biro nya saka lumapit at niyakap ang ina.

"Sorry ah," rinig nyang sambit nito dahilan para magsimulang manubig ang mga mata nya. "Sorry kung noong nasaktan ako, ni hindi ko naisip na nasaktan ko rin kayo.....sorry kung mas inisip ko ang sarili ko....sorry kasi naiwan kang mag-isa, kung kailan kailangan mo ako....." isinubsob nya ang mukha sa may balikat ng ina, humigpit ang yakap nya at nagsimula na syang umiyak. Ganoon lamang, simpleng sorry at pagsisisi mula sa ina ay umiyak na sya, bumigay na sya ng tuluyan. Pakiramdam nya unti-unting napawi ang sakit na nararamdaman nya noon na para bang sa isang iglap hindi man basta-basta maaalis ang pilat ng sugat na nilikha ng sakit na iyon ay kahit papaano, nagamot at napawi ang hapdi no'n.

Matapos ang madamdaming tagpo nilang iyon ng kanyang ina ay naupo sya sa labas ng bahay, wala syang kahit anong sinabi o binitawang salita sa ina, hindi nya sinabing pinatawad na nya ito dahil sa idinulot na sakit ng paglisan nito ngunit hindi nya rin sinabing hindi nya pa ito pinapatawad, basta'y niyakap nya lang ito ng mahigpit habang lihim na idinarasal na sana'y maramdaman ng ginang kung gaano nya ito kamahal kahit pa nasaktan sya nito. Noong mga oras na iyon, nais nyang sabihing kalimutan na nila ang mga naganap ngunit alam nya sa sarili nyang hindi madaling kalimutan ang isang bagay na umukit ng matinding sakit sa pagkatao nya kaya wala syang ibang nagawa kundi ang yakapin na lang ng mahigpit ang ina.

Napatingin sya sa langit, maaliwalas iyon. Hindi nya maiwasang maisip na sana'y nasa tabi nya si Vladimir ng mga oras na iyon, sana'y naroon ito upang samahan sya sa tagpong iyon, alam nyang paniguradong matutuwa ang lalake na ayos na sila ng kanyang ina, alam nyang aaluin at pagagaanin nito ang loob nya upang huminto na sya sa pag-iyak.

Napabuntonghininga sya saka napayuko at pinunasan ang mga mata nya, kahit pala gaano ka nasaktan may mga pagkakataong hihilingin mo pa rin na sana nasa tabi mo sya na para bang hindi ka nasaktan ng husto ngunit gising na sya sa katotohanan, alam nyang isa na lamang magandang panaginip ang nakaraan nilang iyon. Isang alaala na kahit pa anong gawin nyang paglimot ay katulad ng sakit, mananatili itong nakaukit sa puso nya hanggang sa araw na tuluyan na nyang magawang pakawalan ang mga iyon.

"Ayos ka lang?" Rinig nyang tanong sa gilid nya kaya agad syang napaangat ng tingin at nakita nya ang nag-aalalang si Jackson.

Tumango sya. "Ayos lang," tipid na sagot nya.

"Pwedeng tumabi?" Muling tanong nito na muli nya ring tinanguan. Lumapit ito at tumabi sa kanya pero hindi sya umimik. "Ang tahimik mo, may problema ba?"

"Wala lang ako sa mood."

"Fatima..." gulat na sambit nito ngunit normal ang tono ng boses at hindi mataas dahilan para tingnan nya si Jackson. "Huwag mong sabihing may lalake ka na....?" Dagdag nito saka natutop ang bibig, animo'y ini-exaggerate ang sinabi nya noong nakaraan dahilan para mapairap sya.

"Hindi bagay sayo," muli syang napabuntonghininga. "Pwede ba akong maging tapat sayo?"

Umayos ng upo si Jackson. "Oo naman, ano 'yon?"

"Naiisip ko sya...." mahinang sabi nya.

Napakunot ang noo ng asawa nya. "Sya...? Si Vladimir?" Paniniguro nito na tinanguan nya, muli syang tumingin sa langit.

"Naisip ko lang, paniguradong matutuwa sya kapag nalaman nyang bumalik na si nanay at nagkausap na kami. Ganoon kasi ang reaksyon nya noong bumalik si Kuya." Tiningnan nya si Jackson ng hindi ito umimik.

"Sorry, hindi ko lang maiwasang isipin. Alam kong kasal na tayo at ginagawa ko naman ang best ko para suklian lahat ng ibinibigay mo maging ang pagmamahal mo kahit pa sabi mo wala ka namang hinihinging kapalit pero ang hirap, nahihirapan pa rin ako Jackson." Pag-amin nya.

Napabuntonghininga si Jackson. "Huwag mong madaliin ang sarili mo Fatima, darating din ang araw na magiging ayos ang lahat."

Bahagya syang ngumiti. "Salamat," tanging sambit nya matapos marinig ang sinabi nito ng magpakatotoo sya.

Matapos ang araw na iyon ay naging sobrang abala nilang dalawa, lumipas ang mga buwan nagsimula sila sa kanya-kanyang dapat na gampanan. Nakakuha sila ni Jackson ng trabaho.

"Goodmorning," nakangiting bungad nya ng lumabas ito ng kwarto, hindi kasi sila sabay na nagigising at hindi rin sila magkatabing natutulog. "Nakaluto na ako, kumain ka muna bago pumasok sa trabaho." Dagdag nya na ikinangiti nito.

"Salamat, fatima." Sambit ni Jackson saka naupo na sa silya kaya inasikaso nya iyon at sabay silang kumain.

Nauuna itong umaalis samantalang naiiwan naman sya para maghugas muna ng pinagkainan bago pumasok, napaka-tahimik ng buong unit na syang inuukupa nilang dalawa na minsan kung pwede nga lang ay gusto na nyang sunduin sa probinsya si Alicia at isama doon para lamang hindi matahimik ang unit.

Sa tuwing uuwi naman sa gabi ay sumasakay sya ng jeep upang makauwi at pagdating nya sa unit ay naroon na ito, nasa sofa habang abala sa mga inuwing trabaho, kung minsan naman ay umaalis ito at gabi na umuuwi na syang ipinagtataka nya.

"Jackson," tawag nya sa pansin nito, isang araw ng hindi na sya makatiis dahil ilang gabi na syang kinakain ng takot sapagkat naaalala nya na ganito rin sila noon ni Vladimir bago sya nito iniwan.

Huminto sa ginagawa ang lalake saka tiningnan sya. "May problema ba?" Tanong ni Jackson ng makita ang ekspresyon nya.

"Pwede ba tayong mag-usap?" Nag-iingat na tanong nya.

"Oo naman," agap na sagot nito kaya lumapit sya at naupo sa tabi ng lalake. Inalis ni Jackson ang salamin saka ibinigay sa kanya ang buong atensyon nito. "Tungkol saan?"

Nagbaba sya ng tiningin. "Sa atin,"

"Anong meron?"

"Kasi ano....ahmmm....aminin mo sa akin, ayaw mo na ba?" Tanong nya saka nag-angat ng tingin.

Nagsalubong ang mga kilay ni Jackson ng marinig iyon. "Anong ibig mong sabihin?"

"Napansin ko lang kasi...simula ng lumipat tayo dito para bang pakiramdam ko ayaw mo na sa akin...parang palagi kang malayo, ni wala kang oras para magkausap man lang tayo." Paliwanag nya na ikinabuntonghininga ni Jackson.

"I'm sorry," paghingi nito ng tawad saka lumapit at hinawakan sya. "Hindi ko gustong ganoon ang maramdaman mo, sadyang naninibago pa ako, pasensya na talaga." Sambit nito.

Gusto nyang tanungin kung hanggang kailan ba ito maninibago sa kung anong mayroon sila pero ayaw na nyang hayaang ang takot nya ang magsalita kaya naman ngumiti na lamang sya. "Ayos lang, kapag may problema ka sabihan mo lang ako."

Ngumiti si Jackson. "Salamat, fatima."

"Okay....tapusin ko na 'yong ginagawa ko." Paalam nya saka pumasok sa kwarto nya at napabuntonghininga na lamang sya sa kinahinatnan no'n.

🍛🍛🍛

"Goodmorning." Nakangiting bati sa kanya ni Jackson paglabas nya ng kwarto, sabado ng umaga iyon at uuwi sila sa probinsya dahil na-mimiss na naman nya ang anak nya pero heto at ipinagluto sya ng asawa.

"Morning," inaantok pang bati nya pabalik.

"Halika na, ipinagluto kita ng paborito mong agahan bago tayo umalis." Aya nito kaya lumapit na sya, ipinaghila sya ni Jackson ng upuan at napangiti sya ng pagsilbihan pa sya nito.

"Parang masyado ka atang maasikaso ngayon?" Natatawang puna nya na ikinatawa rin ng bahagya ng lalake.

"Actually, naisip ko 'yong sinabi mo kagabi at hindi ako nakatulog dahil nakunsensya ako ng husto sa kung paano kita trinato nitong mga nakaraan." Hinawakan ni Jackson ang kamay nya. "Fatima. I'm sorry, pangako babawi ako."

"Hindi na kailangan," pinigilan nya ito sa ginagawa. "Maupo ka na, kaya ko na 'to."

"Galit ka ba?"

Umiling sya. "Hindi, pero sapat na sa akin na alam mong mali ang nagawa mo at nagsisisi ka." Ngumiti sya. "Bago pa lang naman tayo, kagaya ng minsan na nating napag-usapan noon, naninibago pa tayo at nag-aadjust kaya't ayos lang iyon. 'Wag mo na lang ulitin ulit."

Agad na tumango si Jackson. "Pangako, hindi na mauulit."

"Oh sya, lumalamig na ang niluto mo. Kain na tayo." Pagtatapos nya kaya naupo na rin ang asawa at magkasabay silang kumain, nag-asikaso pa sila ng ilang mga bagay bago bumiyahe pauwi ng probinsya para makita ang anak. Halos mahilo-hilo sya sa byahe pero kinaya nya para lang makita ang baby nya.

Malapit na sila sa kubo ng pahintuin sya nito saka nilagyan ng piring sa mga mata. "Teka, para saan?" Tanong nya saka hinawakan iyon.

"Basta, magtiwala ka lang sa akin." Rinig nyang sagot nito saka inalalayan sya, kabang-kaba sya sa bawat paghakbang pero wala syang magawa kundi sumunod hanggang sa huminto sila.

"Ready ka na?" Tanong ni Jackson saka hinawakan ang nakapiring sa kanya kaya napatango na lamang sya, bumilang ito ng tatlo saka inalis ang piring at iminulat nya ang mga mata, ng makapag-adjust na sa liwanag ang mga mata nya ay napanganga sya ng makitang mayroong mga pagkain sa mesa habang nakangiti ang nanay at kuya nya sa kanya.

"Surprise!" Sabay-sabay na sabi ng mga ito na mas lalong ikinalapad ng ngiti nya, bumaling sya kay Jackson at niyakap ito.

"Salamat," sambit nya saka bumitaw at nilapitan ang nanay nya saka kapatid para yakapin din.

Ang simpleng pag-uwi na iyon ay nauwi sa isang espesyal na araw dahil sa ginawang surpresa ni Jackson para sa kanya, napuno ang araw nya ng kwentuhan at tawanan habang buhat buhat nya ang anak na lumaki na kaysa sa huling beses nya itong nakita. Ramdam nyang kahit papaano ng mga sandaling iyon na masaya sya sa mga bagay na mayroon sya ngayon.

Simula ng mga araw na iyon ay nagpatuloy na ang magandang pagsasama nila ni Jackson, kahit papaano ay nagiging malapit na sila sa isa't-isa ng hindi nao-overwhelm sa presensya ng isa't-isa at sa relasyong mayroon sila.

"Hi," nakangiting bati nito ng makalabas sya ng trabaho matapos ang shift nya.

Ngumiti din sya. "Kanina ka pa? Sorry natagalan,"

Lumapit ito at kinuha ang bag nya saka binitbit. "Ayos lang, wala 'yon." Sambit nito saka inilahad ang kamay sa kanya. "Tara?"

Tumango sya saka tinanggap iyon at humawak, naglakad sila patungong sakayan ng magkahawak kamay saka nya lang naalala ang isang bagay. "Nasaan na pala ang motor mo?" Tanong nya.

Hindi ito nakaimik ng ilang sandali bago tiningnan sya. "Ibinalik ko na sa bahay,"

"Bakit naman?"

Ngumiti si Jackson. "Wala naman, naisip ko lang na mas marami tayong oras na mag-usap kapag nagko-commute tayo kaya naisip kong huwag na lamang 'yon gamitin."

"Loka, mas makatitipid ka nga do'n."

"Ayaw mo ba ng ganito?" Tanong sa kanya.

"Hindi sa ganoon, ayos naman ako sa kahit ano." Sagot nya.

Sumakay sila ng jeep at umuwi sa unit. "Magbihis ka na, ako ng maghahain." Nakangiting sabi sa kanya ni Jackson kaya naman sinunod na lang nya, natutuwa sya sa totoo lang dahil inaasikaso sya nito bagay na ganoon din naman ang ginagawa nya simula ng lumipat sila sa maynila at magkasamang tumira sa iisang unit.

Biyernes ng gabi ng muli syang sunduin ni Jackson, araw-araw naman na iyon ginagawa ng asawa pero hindi nya pa rin maiwasang bilangin. "Hi," bati nito katulad ng nakasanayan.

"Hey." Bati nya pabalik saka lumapit, kinuha nito ang bag nya at binitbit. Humawak sya sa braso ni Jackson ng magsimula silang maglakad patungong sakayan.

Bumibyahe na sila ng mapansin nyang panay ang sulyap kay Jackson no'ng kasabay nilang babae na nakaupo di kalayuan sa kinauupuan nila. "Mukhang type ka ni ate," mahinang bulong nya sa katabi na balewalang niyakap ang bewang nya dahil maluwag naman ang upuan at iilan lang silang pasahero saka hinalikan ang pisngi nya.

"Wife," tawag ni Jackson sa pansin nya saka ipinatong ang baba sa balikat nya.

"Hmmm?"

"Anong gagawin natin pag-uwi?"

Napakunot ang noo nya at napaisip. "Donno," sagot nya ng walang maisip.

"Isip ka, kung anong gusto mo." Pilit nito sa kanya.

"Actually may movie akong gusto kong panoorin."

"Okay, we'll watch that later." Sang-ayon ni Jackson kaya hinawakan nya ang pisngi nito saka marahang pinisil.

"Sure. I'll gonna cook for us."

"That's nice, masarap ka magluto e." Puri nito sa kanya na tinawanan nya lang.

Pagbaba nila ng jeep at makalayo ang sinakyan ay inakbayan sya ni Jackson habang naglalakad sila. "Nagseselos ka ba?" Tanong nito sa kanya kaya pinisil nya ng madiin ang pisngi ng lalake.

"Kapal mo naman, sinabi ko lang naman." Ismid nya.

"Yi, nagseselos ang misis ko!" Nang-aasar na sabi nito.

"Hindi nga, kadiri ah."

"Huwag ka ng magkaila," niyakap sya ni Jackson ng makapasok sila sa unit. "Ayos lang naman, mas feel ko pa nga 'yong ganon lalo na kung ipagdadamot mo ko baka magbunyi pa ako fatima."

Humarap sya saka humawak sa balikat ni Jackson habang kunot ang noo nya. "Bakit naman ipagdadamot kita? Di ka naman bagay."

"Kasi asawa mo ko?" Sagot ng lalake. "Tsaka bagay tayo, wife."

Napairap si Faye. "Ang kapal mo na talaga."

Tumawa si Jackson saka hinalikan sya sa pisngi. "Mabuti pa magbihis na tayo para makapagsimula na tayong manood." Sabi nito saka binitawan na sya, humiwalay sya at pumasok na sila sa kanya-kanyang kwarto.

Paglabas nya ay nakapantulog na sya, dumiretso sya sa kusina para magluto at pagkatapos ay dinala iyon sa sala sakto namang inaayos na ni Jackson ang panonoorin nila. Tumabi sya sa asawa at nagsimula na silang manood habang kumakain hanggang sa nauwi iyon sa pagyakap ni Jackson sa kanya.

"Problem?" Tanong nya.

"Wala naman. I just wanna hug you." Sagot nito sa kanya, sumandal sa sandalan si Jackson habang yakap sya. Hinayaan na lang nya iyon at nagpaubayang yakap-yakapin nito habang nanonood sila.

Napahikab sya, tinapik nya ang pisngi ni Jackson kaya napamulat ito ng mga mata. "Tulog na tayooo." Aya nya makalipas ang ilang oras kahit di pa man nila natatapos ang panibagong pinanonood, hindi umimik si Jackson at kinuha 'yong kumot saka humiga sa sofa, dahil nakayakap ito sa kanya ay nadala sya nito sa paghiga, ibinalot nito ang kumot sa kanilang dalawa saka pumikit. Muli syang humikab at ipinikit na lang rin ang mga mata, nagising sya kinabukasan na yakap pa rin ni Jackson.

Fortsett å les

You'll Also Like

1.7M 95.2K 87
Daksh singh chauhan - the crowned prince and future king of Jodhpur is a multi billionaire and the CEO of Ratore group. He is highly honored and resp...
3.5M 145K 61
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...
1.6M 98.1K 39
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...
615K 64.1K 25
في وسط دهليز معتم يولد شخصًا قاتم قوي جبارً بارد يوجد بداخل قلبهُ شرارةًُ مُنيرة هل ستصبح الشرارة نارًا تحرق الجميع أم ستبرد وتنطفئ ماذا لو تلون الأ...