San Lazarus Series #6: Onerou...

Bởi LadyLonelySadness

2.4K 375 4

Paano kung ang inaakala mong tamang pag-ibig ay isa pa lang huwad, saan ka tatakbo kung lahat pala ay isa lam... Xem Thêm

COLLABORATION
DISCLAIMER
EPIGRAPH
CHAPTER I: PUTO
CHAPTER II: BAYABAS
CHAPTER III: NIGHT CHANGES
CHAPTER IV: FOR YOU
CHAPTER V: NEW LIFE
CHAPTER VI: REASON
CHAPTER VII: TIRED
CHAPTER VIII: CONFESS
CHAPTER IX: SCARED
CHAPTER X: SPECIAL
CHAPTER XI: JEALOUSY
CHAPTER XII: JACKSON
CHAPTER XIII: THE TRUTH
CHAPTER XIV: DECISION
CHAPTER XV: NAMES
CHAPTER XVI: GENDER
CHAPTER XVII: GOALS
CHAPTER XIX: EYES
CHAPTER XX: REGRETS
CHAPTER XXI: PHYSICAL
CHAPTER XXII: SWEETS
CHAPTER XXIII: FAMILY
CHAPTER XXIV: IT'S BEEN A WHILE
CHAPTER XXV: SHE KNOWS
CHAPTER XXVI: LIE AND TRENDS
CHAPTER XXVII: SHOOTING STARS
CHAPTER XXVIII: CONDITIONS
CHAPTER XXIX: OFF
CHAPTER XXX: AMANDA
CHAPTER XXXI: SAD SONGS
CHAPTER XXXII: WISH
CHAPTER XXXIII: WHERE SHE BELONGS
EPILOGUE

CHAPTER XVIII: FEELINGS

32 3 0
Bởi LadyLonelySadness

🍛🍛🍛

Kung mayroong isang bagay na ikinapapasalamat nya, iyon ay ang pagkakaroon nya ng anak. Hindi man nya masasabing proud sya dahil nagkaanak sya ng ganoon ang edad dahil hindi nakaka-proud ang mapasama sa teenage pregnancy pero napa-proud sya dahil alam nyang kinakaya nyang palakihin ang anak nya despite sa age nya at syempre dahil na rin sa tulong ni Jackson ay nagagawa nyang maging the best na ina para sa anak nya.

Minsan sumasagi sa isip nya na paano kaya kung si Vladimir ang kasama nya ngayon, ano kayang mangyayari? Pero kapag nakikita nya kung paano mahalin at alagaan ni Jackson ang anak ay ipinagpapasalamat na rin nyang ito ang nasa tabi nya sa yugtong ito ng buhay nya.

Hindi biro ang pagiging isang batang-ina na kung may pagkakataon lamang sya noon, kung maibabalik lang ang panahon sana'y mas maaga nyang naisip na hindi magandang ideya na mag-anak ng ganoong edad. Pinagsisisihan nyang naging tanga sya sa pag-ibig pero hindi nya pinagsisisihang dumating ang anak nya sa buhay nya dahil iyon ang nagsilbing anchor nya ngayon ngunit sadyang nare-realize nya lamang na mali ang maagang mabuntis, mali na naging batang-ina sya, mali na basta na lamang sya nagpaubayang matupok ng apoy at kung magkakaroon sya ng pagkakataon ay mas gugustuhin pa nyang hikayatin ang mga ka-edad nyang mag-aral ng mabuti para sa kinabukasan kaysa ang unahin ang pag-ibig bagay na nabulag sya ng dahil sa pagmamahal.

Ma-swerte sya kung tutuusin dahil hindi sya pinabayaan ng kuya nya at lalo na ni Jackson na sa kung anong kadahilanan ay habang tumatagal ay nagagawa na nyang buksan ang puso para sa asawang walang ibang hinahangad kundi ang mapabuti sila ng anak nya. Hindi mahirap mahalin si Jackson, alam nya iyon ngunit sadyang hindi pa ganoon kahanda ang puso nya na bumigay ulit ng buong-buo at muling magmahal ngunit kahit ganoon ay hindi naman nya hinahayaang maapektuhan no'n ang relasyong mayroon sya kay Jackson, hindi pa man nya ito lubusang magawang mahalin ay sinusubukan naman nya ang makakaya nyang kahit papaano ay maiparamdam sa asawa na mahalaga na rin ito para sa kanya hindi lamang dahil magkaibigan sila kundi dahil kabiyak na nya ito.

Gabi ng sabado ng sumunod na buwan ng habang nanonood sila ng movie ay bigla na lamang umiyak ang baby nya, agad namang tumayo si Jackson at binuhat ang sanggol. Lumapit ito sa kanya at ibinigay iyon saka bumalik sa tabi nya, pinatahan nya ang sanggol at ng mapagtantong nagugutom ito kaya umiiyak ay brinestfeed na nya iyon, naramdaman nya ang paghawak sa kanya ni Jackson habang inaasikaso nya ang anak, inilapit sya nito kaya naman sumandal na lamang sya sa asawa habang abala sya sa sanggol.

"Mukhang sanay ka na ah?" Natatawang puna nya ng hindi na ito pumikit man lang kahit nilabas nya ang isang dibdib nya.

Niyakap sya ni Jackson. "I'm just trying my best.." mahinang sambit nito kaya napatawa sya.

"Trying your best? Na?" Ulit nya.

"Fatima, alam mo na 'yon."

"Hindi ko alam," natatawang kunwari nya.

Naiilang na tumawa si Jackson. "Pinagti-tripan mo na naman ako."

"Oyy wala akong ginagawa ah." Tanggi nya pero tinawanan lang sya ni Jackson, di nagtagal ay naramdaman nyang nakatulog na ang asawa habang nakayakap sa kanya ganoon din ang baby nya kaya maingat syang humiwalay saka bumaba ng kama para ilagay sa kuna.

Tinapik nya si Jackson. "Umayos ka ng higa, mangangalay ka nyan." Sabi nya, umayos ng higa si Jackson ng hindi man lang nagmumulat ng mga mata. "Usog ka do'n." Utos nya pa.

"Bakit?" Inaantok na tanong nito sa kanya.

"Para hindi ka na maistorbo pag-umiyak si baby, ako ng babangon." Sagot nya, umusog si Jackson at nahiga na sya pero di katulad ng sinabi nya ay bago pa sya makabangon ng umiyak si baby ay nauna ng bumangon si Jackson na para bang automatic iyon na sa tuwing iiyak ang sanggol ay kusa itong kumikilos para asikasuhin iyon. Hindi nya tuloy alam kung matutuwa o matatawa na lang dahil kahit pa pikit pa ang mata ay ipinaghihele na nito ang baby nya kahit madaling araw na.

🍛🍛🍛

"May ibibigay ako," nakangiting sabi nya kaya napahinto sa pagbibihis sa baby nya si Jackson, ito kasi ang nagprisintang magpapaligo dahil gusto daw nitong subukan kaya pinagbigyan nya.

Kinuha nya sa aparador 'yong binili nyang regalo saka iniabot sa asawa, naupo sya sa kama at inasikaso ang baby nya. "Fatima..." rinig nyang sambit ni Jackson.

"Sorry, hindi sya branded katulad ng mga sinusuot mo pero nilabhan ko 'yan." Paliwanag nya saka tiningnan si Jackson at nagulat sya ng saktong pagtingin nya ay lumapat ang labi nito sa labi nya, agad na napahiwalay ang lalake habang nanlalaki ang mga mata nya.

"Sorry, ah ano...." sambit nito na hindi maapuhap ang tamang salita. "...dapat sa ano, 'yon..."

Napairap sya ng makabawi. "Kadiri naman!" Hiyaw nya sakaagad na pinunasan ang labi nya para mawala ang pagkailang nila sa isa't-isa dahil doon.

"Sorry," napahawak sa batok nya si Jackson. "Dapat kasi sa pisngi 'yon kso bigla kang humarap....kaya..ayon..." nahihiyang paliwanag nito.

Binato nya ng unan ang asawa. "Pwede naman kasing mag-thank you ng maayos!" Hiyaw nya saka nagkunwaring nandidiri pa rin. "Ewww!"

Napatawa si Jackson. "Grabi ka sakin, wala naman akong germs!" Reklamo nito sa kanya na inirapan nya.

"Sukatin mo na 'yan bago ko pa itali sa leeg mo 'yan," banta nya na tinawanan lang ng asawa nya. Bumaling na lang sya sa anak at inabala ang sarili sa pag-aasikaso, napangiti sya ng makitang ang cute ng baby nya. "Ang cute mooo," nanggigigil na sabi nya habang pinagmamasdan ang anak.

"Fatima." Tawag sa pansin nya ni Jackson, itinakip nya ang kamay sa bibig saka humarap dahilan para tawanan sya ng asawa.

"Mhukha kha nhang thao." Kumento nya saka nag-thumbs up at bumaling sa anak, napatili lang sya ng lumapit si Jackson at itukod ang mga kamay sa magkabilang gilid nya, nag-lean ito at napaatras sya. "Jackson!"

Tumawa ang lalake. "Bakit parang naiilang ka?" Nang-aasar na tanong sa kanya.

"H-hindi!" Matapang na sagot nya kahit pa nautal na sya.

"Hindi talaga?" Ulit nito saka lumapit pa, agad nyang hinawakan ang balikat nito para itulak palayo dahil nataranta sya.

"A-ano ba!" Hiyaw nya pero napahinto sya ng nakatingin lang sa kanya si Jackson. "Problem?" Mataray na tanong nya saka itinaas ang isang kulay.

Umiling si Jackson. "Sorry, hindi ko talaga sinasadya 'yong kanina."

"Jackstone....."

"And thank you, susuotin ko 'to bukas."

"Sure ka?" Nag-aalangang tanong nya. "Special day mo bukas, sa susunod na lang 'yan."

"Special din naman 'to ah?" Nginitian sya ni Jackson. "Binili 'to ng misis ko para sakin."

Napatawa sya saka pinisil ang pisngi ng asawa. "Para namang ngayon lang kita binilhan ng kung anong bagay."

"Hindi nga, pero ito ang unang bagay na binili mo para sakin ngayong mag-asawa na tayo."

"Kelan ka pa naging sentimental?" Naupo sya ng maayos saka inayos din ang buhok ni Jackson na mas magulo pa sa lalake.

"Lately, pakiramdam ko nga bawat oras sakin ay mahalaga."

Napangiti sya dahil sa narinig. "Ang cute mo, kinakabahan ka?"

Umiling si Jackson. "Nooo, actually excited ako."

"Excited ka?"

"Yup," ngumiti si Jackson. "Kasama ko kayo e."

"Sasama kami?" Kunot noong patanong na ulit nya.

"Yes Fatima, syempre kailangan kasama ko kayo ni baby."

"Pero...wala akong ano..."

Tumayo ng maayos si Jackson. "About that," lumapit ito sa drawer saka may kinuha bago lumapit sa kanya at naupo. Ibinigay nito sa kanya ang kinuha.

Tinanggap nya iyon at binuksan ang paper bag habang kunot ang noo. "Seryoso?" Di makapaniwalang tanong nya ng makita ang isang napakagandang dress.

"Naisip ko kasi mas magiging okay kung kasama ko kayo tsaka unang beses 'to na lalabas tayo kaya naisip ko ding bilhan ka."

"Para lang tayong nag-exchange gift." Napapailing na sabi nya. "Thank you, ang ganda."

Nang-aasar na ngumiti si Jackson. "Di ka rin magkakamali?" Biro nito na inirapan nya.

"Kadiri," arte nya.

"Grabi ka na sa akin," animo'y nagtatampong sabi nito na ikinatawa nya.

"Biro lang," hinawakan nya sa kwelyo ang asawa saka hinila palapit at hinalikan ang pisngi, hinawakan sya nito sa bewang saka naupo sa tabi nya. Binuhat nya sa mga bisig nya ang sanggol saka isinandal ang ulo sa balikat ni Jackson na agad na umalalay sa kanya.

"Hey son, bilisan mo naman lumaki para may kalaro na ko ng basketball." Birong sabi ng lalake sa baby na karga nya, hinampas nya si Jackson.

"Baliw ka, matagal-tagal pa 'yon."

Ngumiti ang asawa nya. "Pag-one year old nya tuturuan ko na syang mag-basketball."

Napairap sya. "Tuturuan mo e bangko ka naman lagi,"

Bumagsak ang ngiti ni Jackson. "Kahit bangko 'to, magaling din 'to Fatima."

"Magaling mambola ng cheerleaders?"

Tumango si Jackson kaya kinurot nya, natatawang napahawak sa batok ang lalake. "Nama-magnet e," katwiran nito.

"Pinapatulan mo din kasi kamo," ismid nya. "Halos habol-habulin ka pa no'ng isa no'ng high school."

"Isipin mo, hinahabol ako noon tapos ikaw lang hinahabol ko."

"Sabihin mo kailangan mo kasi ng tulong ko kaya hinahabol mo ko."

"Actually fatima," tumikhim si Jackson. "May nararamdaman na ako no'n kaya hinahabol kita lagi."

Napaupo sya ng maayos at napatingin sa katabi. "Seryoso?"

Maingat na tumango si Jackson. "I mean highschool pa lang tayo crush na kita tapos 'yon na-develop no'ng naging close tayo since then nag-grow na."

"Grabi ka, anong highschool? Grade 7?" Namula ang tenga ni Jackson kaya nanlaki ang mga mata ni Faye. "Omyghad Jackson!" Di makapaniwalang hiyaw nya.

Nahihiyang ngumiti ang kausap. "Anong magagawa ko e mukhang ganito ako ka-loyal sayo e."

"Loyal mo mukha mo," ismid nya. "Nagkaroon ka ng mga flings at girlfriends na ilang weeks lang di ba?" Paalala nya.

"That was all a way to forgot you but guess what? I can't even blink without feeling that damn fast beating whenever you are near."

"Until now?"

Nag-iwas ng tingin si Jackson saka tumango kaya di nakaimik si Faye, hindi sya makapaniwala na ganoon na katagal ang nararamdaman ng binata para sa kanya, ni wala syang kaide-ideya noon na may itinatago itong ganoon para sa kanya, sa dami ba naman ng nakaharutan at nakalandian nito hindi nya lubos akalaing may ganoon katindi itong nararamdaman para sa kanya.

"Fatima?" Tawag nito ng hindi sya umimik makalipas ang ilang sandali. "Sorry, nailang ka ba?"

Umiling si Faye. "Loka," hinawakan nya sa braso si Jackson. "Ako nga ang dapat humingi ng tawad kasi ni hindi kita nabigyang pansin, ni hindi ko naramdaman na ganoon pala."

"Ayos lang,"

Humarap sya sa asawa. "Alam mo, dapat siguro mag-usap tayo ng masinsinan. Feeling ko kaya tayo nagkakahiyaan at naiilang kasi naninibago na nga tayo tapos andami pa nating nalalaman sa isa't-isa, kailangan nating magkwentuhan."

"Sa susunod na araw, maaga tayo bukas e."

"Okay sige." Sang-ayon nya saka bumaba na ng kama habang bitbit si baby, maingat nyang inilapag iyon sa kuna samantalang inayos naman ni Jackson ang higaan nilang dalawa.

Maaga silang gumising kinabukasan, maaga silang nag-asikaso para sa espesyal at importanteng araw na iyon ni Jackson. Syempre inuna nyang asikasuhin ang anak bago inasikaso ang sarili, pagpasok nya sa kwarto habang nagsusuklay ay nakita nyang nag-aasikaso na rin si Jackson. Nakasuot na ito ng slacks at inaayos ang sleeves ng polong binili nya para sa asawa, talagang iyon ang sinuot nito. Lumapit sya at inayos ang kwelyo ng suot nito, agad na napangiti si Jackson ng makita sya.

"Fatima, napaka-ganda mo." Rinig nyang sambit nito habang nakatingin sa kanya.

"Wag mo kong bolahin, pero gwapo ka din naman ngayon kaya okay lang."

"Kailangan kong maging gwapo, napaka-ganda ng kasama ko e."

Hindi sya umimik at huminto na, bumaling sya sa salamin at inayos ang sarili. Di nagtagal ay umalis na rin sila at bumiyahe paluwas ng maynila, wala syang ibang ginawa kundi ang pagmasdan ang dinaraanan nila habang mahimbing ang tulog ng anak nya sa mga bisig nya. Pagdating nila sa venue ay napangiti sya ng makita ang kapatid ni Jackson na agad na nagtatakbo ng makitang sya ang kasama ng kapatid.

"Omyghad, totoo ba 'to?" Di makapaniwalang bungad nito sa kanila ni Jackson. "Kuya, isinama mo sya! Kayo na?"

Saglit syang tiningnan ni Jackson animo'y hinihingi ang permiso nya para sabihin sa kapatid ang totoo na syang nginitian nya. "Kasal na kami ni Fatima," diretsang sagot ni Jackson na ikinalaki ng mga mata ni Kristel.

"Totoo?!" Tumili ito saka akmang yayakap sa kanya ng mapansin ang karga nyang sanggol, natutop nito ang bibig. "May anak na din kayo...?"

Sya naman ang tumingin kay Jackson bago sinagot ng ngiti ang tanong ni Kristel kaya mas lalong nagtitili ang bata. "I can't believe this! Kuya I'm so proud of you! I'm so happy for the both of you! Sabi na kayo ang magkakatuluyan!"

"Iste, tumigil ka na masakit na sa tenga." Masungit na saway ni Jackson sa kapatid saka hinawakan sya sa bewang. "Tumuloy na tayo," sabi nito saka inalalayan sya.

Agad namang humawak sa kanya si Kristel para sumabay sa paglakad nya at kinulit sya ng kinulit na magkwento tungkol sa kanila ni Jackson pero dahil nagsusungit ang lalake ay hindi nya magawang i-entertain ang mga tanong ni Kristel dahil sinasaway ito ni Jackson agad.

Humanap muna sila ng pwesto bago nagpaalam na si Jackson na sasama na sa mga kaklase nito para sa seremonya, naupo sila ni Kristel sa silya at pinalipas ang oras sa kwentuhan dahil matagal din silang hindi nagkita. Nahinto lamang ang kwentuhan nila ng tawagin na sa stage si Jackson, napangiti sya ng makitang tinanggap na nito ang diploma. Tumagal pa ang seremonya ng ilang oras hanggang sa nakita nyang palapit na sa pwesto nila si Jackson, nagprisinta si Kristel na buhatin muna ang sanggol, nagdadalawang isip man ay pinagbigyan nya iyon at siniguradong maayos ang pagkakabuhat nito sa anak nya.

Lalapit na sana sa kanya si Jackson ng harangin ito ni Vlaixe at Chase. "Congraaats satin!" Sigaw ni Vlaixe kaya kinuha na lang nya sa bag ang cellphone.

"Oh, pwesto na. Kuhanan ko kayo ng litrato!" Nakangiting sambit nya, agad namang pumuwesto ang dalawa at iginitna si Jackson. Matapos ag dalawang shots ay nag-request pa ng isa si Vlaixe pero may isang grupong bigla na lang sumugod sa tatlo na muntik mabuwal.

Napailing-iling si Kristel. "Talaga naman, bakit nandito kayo?!" Sigaw ni Kristel sa mga bagong dating.

"Syempre susuportahan namin si pareng Jack!" Sagot no'ng isa, pinagmamasdan nya lang sila na magbiruan at asaran habang kinukulit si Jackson. Halata nyang hindi basta-basta lamang ang mga iyon, kita naman sa mga kasuotan at sa kung paano ng mga ito dalhin ang mga suot ay di mapagkakailang galing ang mga ito sa pamilyang may lugar sa lipunan at tinitingala, gayon pa man walang pakealam ang mga ito sa paligid at patuloy lang sa katuwaan.

"Hey," rinig nyang bati kaya napatingin agad sya at nakita nya si Jackson na mukhang nakatakas na sa kumpulan. Nag-open arms sya ng makalapit ito, niyakap naman sya ng mahigpit ng asawa.

Nang maghiwalay sila ibinigay ni Jackson sa kanya ang diploma nito. "Graduate na ko, fatima."

Napangiti sya ng makita ang pangalan ni Jackson sa diploma, tiningnan nya ang asawa. "I'm proud of you,"

Napangiti rin ito at naglalambing na hinawakan sya sa bewang. "This won't be possible kung hindi ako nakinig sayo, now that I already graduated siguro naman papayag ka ng manatili na ako sa tabi mo."

"Pag-iisipan ko," kunwari'y sabi nya.

Napasimangot si Jackson. "Come on, don't be that harsh on me wife baka mabaliw na ko."

Pinisil nya ang pisngi ng asawa. "Matagal ka ng baliw."

"Ehem," rinig nilang tikhim sa gilid nila at ng tingnan nila ay ang grupo iyon na dumumog kay Jackson kanina. "Sino sya?" Tanong no'ng isa at nag-iintay naman ang iba sa sagot ni Jackson.

Hinawakan sya sa bewang ng asawa at iniharap sa mga iyon. "Everyone, this is my beautiful wife. Fatima Faye Montesejo."

Napahiyaw ang mga iyon saka nag-unahang magpakilala sa kanya. "James Ace Mark Salvador."

"Rio Oliveros."

"Winston Salem Oregon."

"Kristoffer Jan Salazar."

"Lorenzo Chastain Psy."

"Alfresco Velasquez."

"George Pyton Castro."

"Zendric Adream Valamerio."

"Grandell Frency Vanford."

"At syempre ang pinakamagandang pinsan ni kuya Jack. My name is Princess Charmaine Cruz."

Napatango sya at tinanggap ang pakikipag-shake hands ng mga ito. "Fatima Faye." Nakangiting pakilala nya rin.

"Sabi na, babae ang dahilan bakit tumino bigla e!" Hiyaw no'ng nagpakilalang James.

Sumaltak si Jackson. "Uuwi na kami," sambit nito saka kinuha kay Kristel ang anak at hinawakan sya.

"Okay, ingat kayo!"

"Kami ng bahala kay Kristel!"

"Nice meeting you Fatima!" Rinig nyang sigaw ng mga ito, kumaway lang sya bilang paalam dahil naglakad na sila paalis doon. Napansin nya ang pagbuntonghininga ni Jackson saka nya lang napansin kung ano ang pinagkaiba nito kanina sa kilala nyang Jackson.

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

425K 23.7K 17
𝐒𝐡𝐢𝐯𝐚𝐧𝐲𝐚 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 𝐱 𝐑𝐮𝐝𝐫𝐚𝐤𝐬𝐡 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 ~By 𝐊𝐚𝐣𝐮ꨄ︎...
19.7K 445 13
(y/n) meets Andy Barclay they automatically become best friends still have fellings for each other. Will they ever be happy even with the killer doll...
3.2M 187K 77
Nobody ever loved him; she was the first who loved him. He did not have a family and then one day she entered into his life and became a world for h...
611K 63.9K 25
في وسط دهليز معتم يولد شخصًا قاتم قوي جبارً بارد يوجد بداخل قلبهُ شرارةًُ مُنيرة هل ستصبح الشرارة نارًا تحرق الجميع أم ستبرد وتنطفئ ماذا لو تلون الأ...