San Lazarus Series #6: Onerou...

By LadyLonelySadness

2.4K 375 4

Paano kung ang inaakala mong tamang pag-ibig ay isa pa lang huwad, saan ka tatakbo kung lahat pala ay isa lam... More

COLLABORATION
DISCLAIMER
EPIGRAPH
CHAPTER I: PUTO
CHAPTER II: BAYABAS
CHAPTER III: NIGHT CHANGES
CHAPTER IV: FOR YOU
CHAPTER V: NEW LIFE
CHAPTER VI: REASON
CHAPTER VII: TIRED
CHAPTER VIII: CONFESS
CHAPTER IX: SCARED
CHAPTER X: SPECIAL
CHAPTER XI: JEALOUSY
CHAPTER XII: JACKSON
CHAPTER XIII: THE TRUTH
CHAPTER XIV: DECISION
CHAPTER XV: NAMES
CHAPTER XVI: GENDER
CHAPTER XVIII: FEELINGS
CHAPTER XIX: EYES
CHAPTER XX: REGRETS
CHAPTER XXI: PHYSICAL
CHAPTER XXII: SWEETS
CHAPTER XXIII: FAMILY
CHAPTER XXIV: IT'S BEEN A WHILE
CHAPTER XXV: SHE KNOWS
CHAPTER XXVI: LIE AND TRENDS
CHAPTER XXVII: SHOOTING STARS
CHAPTER XXVIII: CONDITIONS
CHAPTER XXIX: OFF
CHAPTER XXX: AMANDA
CHAPTER XXXI: SAD SONGS
CHAPTER XXXII: WISH
CHAPTER XXXIII: WHERE SHE BELONGS
EPILOGUE

CHAPTER XVII: GOALS

35 3 0
By LadyLonelySadness

🍛🍛🍛

Pinagmasdan nya si Jackson habang hinehele ang sanggol ng makauwi sila sa bahay, humugot sya ng hininga saka bumuntonghininga at tumayo mula sa pagkakaupo. Lumapit sya sa dalawa na mukhang nag-eenjoy sa ginagawa dahil tulog na ang sanggol, marahil iyon na talaga ang panibagong simula sa buhay nya.

"Hindi ka pa ba nangangalay?" Tanong nya, agad na napatingin sa kanya ang binata at nakangiting umiling.

"Ayos lang ako, mahimbing na ang tulog nya."

"Ipaghele mo ba naman, parang hindi na nga ako kailangan e." Natatawang sabi nya.

"Mukhang may nagtatampo ah?" Birong sabi ni Jackson saka maingat na inilapag sa kuna ang sanggol bago bumaling sa kanya. "Syempre kailangan ka namin."

Pinisil nya ang pisngi ni Jackson. "Masyado mo namang sineryoso, okay lang naman."

"Okay ka na ba?" Nag-aalala na namang tanong sa kanya ni Jackson.

"Oo, medyo okay naman na ako." Kinuha nya ang nakasampay na gamit ng baby sa balikat nito. "Nga pala, naasikaso mo na 'yong enrollment mo?"

"Ahmm, about that...iniisip kong huminto muna siguro."

Napakunot ang noo nya. "Bakit naman?"

"Iniisip kong mag-ipon muna para kahit papa'no e-"

"-ayoko." Kontra nya saka naupo sa silya. "Hindi ka titigil, isang taon na lang oh tapos graduate ka na, sasayangin mo pa 'yon? Akala ko ba hindi hihinto ang lahat kahit pumayag akong magpakasal tayo?"

Napabuntonghininga si Jackson saka naupo sa tabi nya. "Fatima, kung tutuloy ako ngayong taon naiisip mo bang mas lalo tayong mahihirapan?"

"Ano namang mahirap doon? Di ba sagot pa naman nila tita ang pag-aaral mo? Bakit kailangan mong sayangin 'yon?"

"Oo nga pero kailangan kong magtrabaho, hindi na sasapat sa atin ang part time lang,"

"Edi magta-trabaho din ako."

"Fatima, kailangan ka ni baby. Hindi ka pwedeng magtrabaho."

"Hindi ko naman sya pababayaan, kaya ko 'yon."

"Pero dapat-"

"-hep!" Awat nya. "Sasabihin mong dapat ikaw ang nagta-trabaho kasi blah blah blah, oo alam ko 'yon pero hindi ngayon. Kailangan natin magtulungan, hindi maging pabigat sa isa't-isa."

Napa-face palm si Jackson. "Parang wala kang pinakinggan sa lahat ng sinabi ko."

"Basta, hindi ka hihinto." Matigas na sabi nya.

"Fatima-"

"-kapag huminto ka, hindi na tayo magpapakasal."

Napasaltak ang binata. "Bakit naman pati ang tungkol sa bagay na iyon ay damay dito?"

"Sure ka talagang sasagutin ko 'yan?"

"Fatima, naiintindihan mo ba ang sitwasyon?" Salubong na ang kilay na tanong ni Jackson. "Tingin mo ba makakasurvive tayo kung uunahin ko pa ang pag-aaral ko kaysa humanap ng trabaho? Fatima, dumoble ang gastos natin dahil sa mga kailangan ni baby na hindi na kayang sustentuhan ng simpleng part time lang."

Hindi na umimik si Faye matapos marinig iyon, pinilit nya ang sarili na huwag ng sumagot dahil kung kokontrahin pa nya ang sinasabi ni Jackson ay mauuwi lang sila sa away, hindi kasi nito maintindihan ang punto nya. Sa ganoong pagkakataon ay hinayaan na lang nya muna ito, pagsapit ng gabi matapos nyang patulugin ang baby nya ay nahiga na rin sya sa kama at hindi na nya inintay pa si Jackson dahil kausap ito ng kuya nya.

Nakahiga lang sya pero hindi naman sya makatulog dahil pilit na nagpaplano ang isip nya ng mga dapat gawin para makasurvive, iniisip nya kung anong magandang gawin. Ayos naman ang crochet nya at kahit papaano ay kumikita naman sya mula doon pero alam nyang hindi rin naman sapat iyon, kinuha nya sa patungan ang cellphone saka naupo at sumandal sa dingding.

Tingin nyo, anong magandang pandagdag na source of income?

Iyon ang eksaktong mensahe na ipinadala nya kanila Miriam at Yammie, alam nyang abala na ang mga ito pero nagbabakasakali syang sagutin pa rin ng mga kaibigan nya ang tanong nyang iyon.

"Fatima?" Napaangat sya ng tingin ng marinig iyon at nakita nya si Jackson na nasa may pinto.

"Problem?"

"Pwede ba tayong mag-usap?" Nag-iingat na tanong ni Jackson.

"Oo naman, nag-uusap na nga tayo ngayon e." Sumaltak ito saka lumapit, sumampa sa kama at umupo sa tabi nya. "Tungkol saan?"

"Sa lahat sana,"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Magplano tayo," sagot ni Jackson kaya tinaasan nya ng kilay iyon.

"Akala ko ba sigurado ka na sa plano mo?"

"Sorry," mahinang sambit ni Jackson. "Mali ako, oo may punto naman ang sinasabi ko pero sana pinakinggan ko muna ang sinasabi mo, dapat inintindi ko."

Napasimangot sya. "Napaka-dramatista mo talaga, hindi naman tayo nag-away ah?"

"Hindi ka galit?"

"Ba't ako magagalit?"

"Kasi hindi kita inintindi."

"Hindi naman lahat ng oras maiintindihan mo ko, at ganoon din ako sayo." Tiningnan nya ang katabi. "Ano bang pinag-usapan nyo ni kuya?"

"Wala masyado, pinagsabihan nya lang ako kasi narinig nya pala 'yong kanina."

"Ayos na 'yon," tinapik nya sa likod si Jackson. "Wag mo ng damdamin, pag-usapan na lang natin kung anong plano natin."

"Saan mo ba gustong magsimula?"

"Teka," pigil nya saka lumapit sa drawer, kumuha sya ng ballpen at notebook saka bumalik sa tabi ni Jackson. Nagbuklat sya ng pahina saka sumulat ng pamagat. "Ayan, sige simulan na natin." Sambit nya at nginitian lang sya ni Jackson ng mabasa ang nakasulat na pamagat.

"Anong unang goal natin?" Tanong sa kanya ni Jackson.

"Ano bang priority natin?"

"Si baby, kasal at trabaho."

Napatango si Faye. "Pero anong dapat mauna?"

"Kasal?" Di siguradong sagot ni Jackson.

"Bago 'yon, kailangan makatapos ka muna." Kontra nya saka sumulat.

1. Makatapos si Jackson.

"Seryoso, jackstone tapusin mo 'yong natitirang isang taon kasi mas magiging malaki ang opportunity mo kapag nakatapos ka kaysa sa hindi." Tiningnan nya ang binata. "Ang akin lang naman, ayokong huminto ka ng dahil lang sa obligasyon mo sa amin ni baby. Aware naman akong mahihirapan tayo pero ano ba naman yung isang school year na pagtitiis di ba?"

"Anong naiisip mong plano?"

"Naisip ko na since hindi naman kita mapipigilang magtrabaho tutulungan na lang kita pero nag-iisip pa ko ng pwedeng gawin para magkaroon din ng income. This time since magtatrabaho ka, hindi na ko papayag na everyday kang uuwi dito-"

"-Fatima-"

Hinawakan nya sa braso si Jackson. "-patapusin mo muna ako. Ayoko ng makitang nahihirapan ka everyday dahil sa pagod kaya doon ka na lang muna sa maynila para 'yong iba-byahe mo pauwi dito e madagdag sa pahinga mo para di ka magkasakit. Nakapanganak naman na ko kaya wala ka ng dapat ipag-alala, magiging okay naman kami ni baby dito. Pwede ka namang umuwi every weekends e, may phone naman pwede tayong magtawagan or text, di ba?" Tiningnan nya ang katabi pero tahimik lang iyon kaya tinapik nya si Jackson. "Tingin mo?"

"-itinataboy mo ba ako?"

"Loka hindi, gusto ko lang na mas padaliin at maging magaan ang lahat para satin."

Napabuntonghininga ang binata. "Tama ka naman, pero bago 'yon pwede bang ikasal muna tayo?"

"Hindi pa natin afford 'yon ngayon."

"Kahit civil lang muna,"

Napairap si Faye. "Naniniguro ka ba?"

Napangiwi si Jackson. "Hindi, pero iyon naman kasi talaga ang dapat nating unahin di ba?"

"Jackson," nagbabanta ang tonong sambit nya kaya bumagsak ang balikat ng binata at napasimangot.

"Bawal ba? Gusto ko lang naman masigurong may babalikan ako Fatima."

Napasimangot sya. "Para namang mawawala ako, dito lang naman kami ni baby. Iintayin ka namin." Napabuntonghininga sya saka crinoss out 'yong naunang isinulat nya.

1. Kasal
2. Makatapos si Jackson

"Ayan, okay na?" Tanong nya. "Anong next?"

Imbis na sagutin ang tanong nya ay tiningnan lang sya ni Jackson. "Fatima, pwede ka bang maging honest sakin?"

Napaangat sya ng tingin mula sa pagsusulat ng numero. "Sure, tungkol saan?"

"Napipilitan ka lang ba?" Saglit na tiningnan ni Faye si Jackson at napatawa sya sa ekspresyon ng binata, lumapit sya saka pinisil ng madiin ang pisngi nito. "Aray!"

"Baliw ka, hindi ako napipilitan. Ano bang iniisip mo?"

Agad na umiling si Jackson. "Wala naman, gusto ko lang malaman."

Nagdududa man ay ipinagkibit-balikat na lang nya iyon. "Ano pang goals natin?" Tanong nya ulit.

"Ma-provide lahat ng needs ni baby," sagot ni Jackson at doon sya napahinto saka napatingin sa sinabi nito.

"Jackson-"

"-kahit 'yon lang wag mo na kong kontrahin."

"S-Sige..." kinuha ni Jackson sa kamay nya ang ballpen at notebook saka sumulat, sinilip nya iyon.

1. Kasal
2. Makatapos si Jackson
3. Mai-provide lahat ng needs ni baby
4. Magkaroon ng maayos na buhay.

"Jackson..." mahinang sambit nya ng mabasa ang isinulat nito sa panlimang numero, nginitian lang sya ng binata at akmang magsasalita ulit sya ng umiyak ang baby nya. Naunang bumaba sa kama si Jackson at agad na nilapitan ang umiiyak na sanggol, kinarga nito iyon kaya nanatili na lang sya sa pagkakaupo, lumapit sa kanya ang binatang karga-karga ang baby nya saka ibinigay sa kanya iyon para asikasuhin nya.

Lumapit sya sa headboard saka brinestfeed ang sanggol, abala sya sa ginagawa ng mapansin nyang di mapakali si Jackson. "Bakit?" Tanong nya pero imbis sumagot ay bumuntonghininga ang binata saka kumuha ng unan at nakatingin sa lapag na lumapit, nag-iwas pa ito ng tingin ng ilagay nito sa likuran nya ang unang hawak para makasandal sya ng maayos saka nya lang na-realize kung bakit ganoon ang inaakto ng binata, iyon ay dahil nakalabas ang isang bahagi ng dibdib nya para sa sanggol.  Namula tuloy sya dahil doon, bumaling naman si Jackson na hindi pa rin makatingin sa kanya sa lapag at nagbanig ng higaan.

Pagsapit ng sumunod na linggo ay nagdesisyon na silang magpakasal, wala naman na silang problema dahil parehas silang nasa hustong gulang na, wala namang espesyal sa araw na iyon. Simpleng kasal lamang iyon tapos normal lang sila pag-uwi sa bahay na para bang walang nangyaring ganoon, medyo nakakalungkot sa parte nya pero ano bang inaasahan nya? Oo nga't mayroong nararamdaman si Jackson para sa kanya ngunit wala namang espesyal na namamagitan sa kanilang dalawa, kaya naman ipinagkibit-balikat na lamang nya kahit pa medyo nalungkot sya dahil hindi ganoon ang inaasahan nyang kasal nya pero wala naman syang pagpipilian kaya't hinayaan na lamang nya.

Ilang araw lang din ang sumunod na dumaan at kailangan ng lumuwas pa-maynila ni Jackson para sa pag-aaral nito. "Ingat," iyon ang tanging sinabi nya ng paalis na ang lalake. Simula no'n ay naging abala na sya sa lahat ng gawaing mayroon sya, lumipas ang mga araw nya na abala sya sa pag-aasikaso sa baby nya tapos nag-o-online din sya ng mga crochet na ginagawa nya na syang pinagkukunan nya ng income para sa gastusin sa baby nya. Halos malimutan na nga nya ang tungkol kay Jackson sa dami ng ginagawa at iniisip nya, hindi rin naman kasi ito tumatawag o nagti-text sa kanya. Dalawang linggo na ang lumipas pero ni isa sa weekends no'n ay hindi ito nagpakita kaya hinayaan na lamang nya.

Araw ng sabado ng pagod na pagod sya, bukod kasi sa pag-aasikaso sa baby nya at pagc-crochet ay naglinis din sya ng buong bahay at gumawa ng gawaing bahay dahil nasa trabaho pa ang kuya nya. Sa dami ng ginawa nya ay nakatulog na sya habang nakaungko sa kuna at nagising syang nasa kama na kaya agad syang napabangon, napatayo sya ng makitang wala sa kuna ang sanggol kaya naman agad syang lumabas ng kwarto at napahinto sya ng makita si Jackson na nakaupo sa silya sa sala habang nasa mga bisig nito ang sanggol.

"Nandyan ka na pala," tanging sambit nya ng mapansin sya nito. Dumiretso sya sa banyo at pagkalabas nya ay nakatayo na si Jackson animo'y inaantay sya. "Si baby?" Tanong nya.

"Nasa kuna na, tulog." Sagot nito kaya tumango lang sya at naglakad na papunta sa kwarto. "Ahmm, fatima..."

"Problem?"

"Pwede mo ba kong samahan sa labas?" Aya nito na tinanguan nya lang, inilahad nito ang kamay pero hindi nya tinanggap at lumakad na. Paglabas nya sa may hagdan ay napahinto sya ng makitang mayroong malaking sapin na nakalatag at mayroon ding mga kandila na nagsisilbing ilaw sa madilim na lugar.

Napakunot ang noo nya. "Ano 'to?"

"Surprise?"

"Hindi ka na dapat nag-abala,"

"Come on fatima, 'wag ka namang magsungit." Sambit nito saka hinawakan na sya at iginiya sya nito palapit sa naroon.

"Ginawa mo lahat ng ito?"

Tumango si Jackson. "Yes."

"Para saan?"

"Para i-celebrate ang kasal natin?" Napabuntonghininga si Jackson. "I know I've been a jerk. I let it passed na para bang normal na araw lang iyon, hindi ko naisip agad na dapat kahit papaano ay ginawa nating espesyal man lang ang araw na iyon."

Napataas ang kilay ni Faye. "Bakit ngayon lang?"

"I'm sorry, inabot ako ng ilang araw bago nag-sink in sa akin ang lahat-lahat, oo nga't mabilis kong natanggap si baby pero para bang sobrang na-overwhelm ako ng sunod-sunod na pagbabago sa buhay ko. Sa isang iglap, isa na akong asawa at ama."

Hindi umimik si Faye at naupo sa sapin, agad namang tumabi sa kanya si Jackson. "Fatima,"

"Ano?"

"Sorry ah? Sa totoo lang, nangangapa talaga ako. Hindi ko alam kung paano magpapaka-asawa sayo, ni hindi ko alam kung ano bang dapat."

Tiningnan nya ang katabi. "Can you stop overthinking?"

"Can't help it, wala akong kaalam-alam sa lahat."

Napataas ang kilay ni Faye. "Tingin mo ba, meron akong alam?" Bumaling sya sa harap. "Huwag mong masyadong pakaisipin ang lahat ng bagay, ang buhay ay isang malaking trial and error, kung hindi mo susubukan hindi mo malalaman kung mali ba o tama. Kahit naman ako nangangapa, wala akong alam sa pagiging ina o asawa pero sinusubukan kong maging the best para sainyong dalawa. Hindi naman kailangang mag-isa, pwede naman nating pagtulungang tuklasin lahat kung ano bang tama at mas dapat sa atin."

"Can I hug you?"

Napairap sya sa tanong ni Jackson. "Of course,"

Hinawakan sya nito saka inilapit at niyakap. "Thank you,"

"Saan na naman?"

"Sa pagiging maintindihin,"

"Kung alam mo lang, grabing pagpipigil ang ginagawa ko sa sarili ko huwag lang tumalak ng husto."

Bahagyang natawa si Jackson. "Ayos lang naman, mas okay pa ngang marinig ko ang pangungulit at pang-aasar mo kaysa sa tahimik ka."

Napabuntonghininga sya. "Magsimula ulit tayo?"

Tumango si Jackson bilang pagsang-ayon saka may kinuha sa bulsa. "At bilang simbulo ng pagsisimula natin ulit," isinuot nito sa daliri nya ang isang singsing.

"Para saan naman 'to?" Tanong nya.

"Wala akong lakas ng loob na ibigay noong bago tayo ikasal kaya ngayon na lang, engagement ring sana 'yan e."

"Ang ganda..." napangiti sya. "Thank you!" Hiyaw nya saka niyakap si Jackson.

"Fatima..."

Nag-angat sya ng tingin. "Hmm?"

"Let's be honest with each other."

Tumango sya. "Wala ng hiyaan ah,"

"Yes, wala na ring ilangan." Napangiti si Jackson at niyakap din sya. "Na-miss kita, fatima."

"Na-miss din kita, masyado tayong nagkahiyaan at ilangan sa isa't-isa nitong mga nakaraang buwan para tayong tanga."

Hinaplos nito ang buhok nya. "Nag-aadjust pa kasi tayo, ang hirap kaya masanay na may bigla-bigla na lang naglalabas ng ano dis oras ng gabi."

Kinurot nya ang lalake. "Alangan naman intindihin pa kita e nagugutom na ang anak mo."

"Kaya nga todo iwas at pikit ako e, huwag lang magutuman ang anak ko."

Napatawa sya. "Sira, ang arte mo para namang hindi ka pa nakakita ng ganoon e babaero ka."

"Fatima, ibang usapan naman ang sa'yo."

"Syempre mas maganda ako duh."

Napangiti si Jackson. "Oo naman," pinisil nito ang ilong nya. "Ikaw ang pinakamaganda, syempre ikaw ang nanay ng mga anak ko."

"Ginawa mo naman akong baboy," ismid nya.

"Asawa kong baboy?"

"HA HA HA, ang funny." Inis na sabi nya saka inirapan ang asawa.

Naglalambing na niyakap na rin sya ni Jackson. "Asawa ko, di ba parang ang ganda pakinggan?" Natatawang tanong nito na pabirong sinimangutan nya.

"Ang corny mo, medyo cringe."

"Anong gusto mo?" Ngumisi si Jackson. "Bukod sa ako ah,"

Pinisil nya ng madiin ang pisngi ng asawa. "Ang kapal talaga ng mukha mo." Humiwalay sya saka tumayo.

"Saan ka pupunta?"

"May kukunin lang ako sa loob, saglit." Sagot nya saka tumakbo papunta sa loob, kinuha nya ang sadya saka bumalik sa tabi ni Jackson. "Charaaaan!" Prisinta nya na agad ikinangiti ng lalake ng makita ang hawak nya.

"Gumawa ka ulit?" Tanong nito na tinanguan nya. "Mukhang magiging collection ko na ito."

"Noong nakaraan ko lang natapos 'yan, naisip ko i-update yung una kong nagawa."

"Oo, buntis ka pa do'n e pero ngayon may sanggol na tayo." Marahang niyakap sya ni Jackson habang pinagmamasdan nila ang crochet doll keychain na ginawa nya kung saan nakauniporme pa rin si Jackson pero may hawak na syang sanggol at hindi na buntis.

"Nga pala, kamusta ka sa maynila?" Tanong nya na ikinasimangot ng kausap.

"Noong una medyo okay pa pero lately, na-mimiss ko kayo ni baby. Pakiramdam ko napaka-laki ng kulang kapag wala kayo, akala ko nag-iinarte lang ako pero hindi e talagang ang hirap ng hindi ko kayo nakikita."

"Sino ba kasing may sabing huwag kang tumawag o magparamdam?"

"I was just testing myself,"

"Anong result?"

"Ayon, talo. Iba na talaga ang priorities ko, parang dati puro parties kapag nasa maynila ako, puro barkada, inom at babae pero no'ng bumalik ako nitong matapos ang bakasyon," tiningnan sya ni Jackson. "Magagalit ka ba kung sabihin kong sinubukan ko ulit gawin lahat ng nakasanayan ko?"

"You did?"

Tumango si Jackson habang nakatingin sa mga mata nya. "Sinubukan ko kasi akala ko walang nagbago sa akin pero mali ako, malaki na talaga ang nagbago, kung noon puro parties ang priorities ko, lately mas gusto ko pang matulog o magtrabaho instead na mag-party. Dati puro barkada pero ngayon trabaho na lang, hindi na rin ako umiinom at mas lalong hindi na nambababae," napakamot sa noo si Jackson. "Pakiramdan ko noong sinubukan kong mangbabae parang nabadtrip lang ako kesa masayahan katulad noon."

"Nabadtrip ka?"

"Oo, hindi ko alam pero parang bigla na lang akong nababadtrip kapag may lumalapit sa akin na babae tapos lalandiin ako." Nagkibit-balikat si Jackson. "Siguro kasi, alam ko sa sarili kong committed na ako sayo at wala na kong ibang priority kundi kayo ng baby natin."

"Asows, binobola mo lang ako e. Nang-uuto ka lang."

"Oyy hindi, tanungin mo pa sila Chase. Inaasar nga nila ako tapos takang-taka silang lahat kasi nagbago daw ako bigla."

"Now na nabanggit mo, bukod sa mga na-meet ko sa hospital, sabi mo madami sila? Friendly ka pala?"

Napatawa si Jackson. "Hindi naman, ang iba ay kaibigan ni Kristel samantalang ang iba ay naging kaibigan ko na lang pagtagal."

"Magkakaedad kayo?"

Umiling ang lalake. "Mas matanda kami nila Chase sa mga kaibigan ni Kristel."

"Okay..."

Pinisil ni Jackson ang ilong nya. "May tanong ka pa?"

Umiling sya. "Wala na, di ko na rin alam ang sasabihin ko."

"Mukhang nawala ata ang madaldal na fatima'ng kilala ko?"

"Drain ba naman lagi ang energy ko e,"

"Kamusta naman ang online business mo?"

"Ayon, sakto lang sa kailangan ni baby. Nag-iisip pa nga ako ng pandagdag e."

"Bakit hindi ka magluto?"

Napakunot ang noo nya. "Magluto?" Ulit nya na tinanguan ni Jackson.

"Oo, since napakasarap mo naman magluto. Iyon na lang ang idagdag mo."

Napasimangot sya. "Saka na lang siguro kapag kaya ko ng iwan-iwan si baby."

"Sabagay, mamamalengke ka pa no'n. Sa bakasyon na lang, tutulungan kita."

"Sigi para may pagkaabalahan din tayo sa bakasyon."

"Naalala ko pala, kamusta naman kayo ni baby? Hindi ka ba nahihirapan sa kanya?"

Napangiti si Faye. "Ayos naman kami, iyakin nga lang pero okay naman."

"Hindi ba nananakit ang likod mo?" Nag-aalalang tanong ni Jackson saka hinawakan ang likod nya.

"Hindi naman, medyo lang kasi gutumin masyado ang anak mong 'yon parang oras-oras na lang gustong dumede."

"Magmalunggay ka, pamparami raw ng gatas 'yon."

"Sabaw?"

Tumango si Jackson. "Nakakatulog ka naman ng sapat?"

"Opo," pinisil nya ang pisngi nito. "Masyado ka na namang nag-aalala, ayos lang naman kami."

"Hindi ko mapigilan, malayo ako sainyo e."

"Wag mo kong konsensyahin, magtapos ka ha."

Ngumiti si Jackson. "Yes, misis!" Natatawang sagot nito.

"Kadiri," humiwalay si Faye. "Pasok na tayo? Baka gising na 'yon e."

Tumango ulit si Jackson. "Sigi, mauna ka na magliligpit lang ako."

Nag-thumbs up sya saka lumapit at hinalikan sa pisngi si Jackson. "Thank you, na-appreciate ko."

"Always welcome." Sagot nito kaya pumasok na sya sa loob at tama sya, gising na nga ang baby nya. Abala sya sa paghihele ng pumasok sa kwarto si Jackson na napangiti ng makita sila, lumapit ito at hinalikan sa noo ang sanggol. "Hey son, papa is now here." Rinig ni Faye na sabi ni Jackson habang nakangiti at nakatingin sa sanggol na walang kamalay-malay sa paligid.

Napaangat ng tingin si Jackson sa kanya, matagal silang nakatingin lang sa isa't-isa ng unti-unting lumapit ang mukha ni Jackson at akmang hahalikan sya ng umiyak ang sanggol, pabirong sumimangot ang lalake.

"Nako, baby ka pa lang pero umiepal ka na agad sa moment." Naiiling na sabi nito saka tinanggap ang sanggol ng ibigay nya. Pinatahan naman iyon ni Jackson na naaliw na sa ginagawa, bumaling na lang sya sa aparador para kumuha ng pantulog nya saka lumabas ng kwarto at naglinis ng sarili saka nagpalit ng pantulog.

Pagbalik nya sa kwarto nakita nyang tulog na parehas sa kama ang mag-ama nya, kusang umarko ang mga labi nya na nauwi sa isang magandang ngiti habang pinagmamasdan ang dalawa. Kinuha nya ang cellphone at kinuhanan ng litrato iyon, pakiramdam nya masaya sya sa nakikita marahil ay dahil iyon sa kaalamang hindi lalaki ng nag-iisa ang anak nya dahil nariyan parati si Jackson para sa bata.

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 95.1K 87
Daksh singh chauhan - the crowned prince and future king of Jodhpur is a multi billionaire and the CEO of Ratore group. He is highly honored and resp...
191M 4.5M 100
[COMPLETE][EDITING] Ace Hernandez, the Mafia King, known as the Devil. Sofia Diaz, known as an angel. The two are arranged to be married, forced by...
1.1M 27.9K 45
When young Diovanna is framed for something she didn't do and is sent off to a "boarding school" she feels abandoned and betrayed. But one thing was...
3.8M 191K 47
Hockey player extraordinaire Cameron Beckett not only has to deal with the pressures of making it into the NHL and graduating high school, but also f...